12
SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON Diabetes at natatanging mga sitwasyon (Bersiyon sa Filipino) Situazioni particolari (LINGUA FILIPPINA)

Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

  • Upload
    vudung

  • View
    242

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

(Bersiyon sa Filipino)

Situazioni particolari(LINGUA FILIPPINA)

Page 2: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Paano kung may sakit ka?

Kapag ikaw ay may sakit, kailangan mong alagaan nang napakabuti ang iyong sarili upang maiwasan ang mga komplikasyon o ang pagtaas ng mga antas ng glucose ng dugo.

ANUMANG SAKIT AY MAAARING MAKAKAPEKTO SA PAGKONTROL NG GLUCOSE NG DUGO:

SIPON TRANGKASO O BRONCHITIS MASAKIT NA LALAMUNAN

MGA IMPEKSIYON SA BALAT

MGA IMPEKSIYON SA DAANAN NG IHI (HAL. CYSTITIS)

PANANAKIT NG TIYAN

Page 3: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Paano kung may sakit ka? Ilang natatanging payo

Magpahinga hangga’t maaari

Kung nakatira kang mag-isa, maaaring nais mong kontakin ang isang tao at ipaalam sa kanila na ikaw ay may sakit

Sa sitwasyon ng lagnat, dapat kang uminom nang mas maraming tubig kaysa karaniwan upang maiwasan ang pagkaubos ng tubig sa katawan: piliin ang mga inumin na walang idinagdag na asukal, tulad ng tubig, tsa, mga herbal na tsa o chamamole. Kumain nang normal.

Kung ikaw ay nahihirapan sa pagkain nang normal, palitan ang mga solidong pagkain ng maliliit na dami ng may asukal (di-pangdiyeta) na inumin, Coca Cola o limonada, gatas o milkshakes, katas ng prutas, sorbetes, sabaw, o yoghurt

Huwag ihinto ang iyong mga gamot para sa diabetes dahil ang glucose ng iyong dugo ay maaaring tataas kahit na ikaw ay kumakain ng napaka-kaunti. Kung sa palagay mo iyong mai-aakma mismo ang dosis ng insulin upang mapanatili ang kontrol sa glucose, gawin mo; kung hindi, kontakin ang grupo ng diabetology o ang iyong doktor para sa mga tagubilin kung paano mai-aakma ang dosis

Kung mino-monitor mo na ang glucose ng iyong dugo, dagdagan ang dalas ng mga pagsusuri: di bababa sa apat na beses sa isang araw sa pamamagitan ng pagtusok sa iyong daliri. Kung gugustuhin mong hindi gawin ito nang sarili, hilingin sa isang kaibigan o kasapi ng pamilya na tulungan ka. Kung ang glucose ng iyong dugo ay mas mataas kaysa karaniwan, maaaring kakailanganin na gawin ang isang pagsusuri sa ihi para sa presensiya ng ketones. Kontakin ang grupo ng diabetology o ang iyong doktor para sa praktikal na payo

Kung ang glucose ng iyong dugo ay masyadong bumaba (hypoglycemia) kailangan mong kumain o uminom ng isang bagay na naglalaman ng asukal, tulad ng jam, pulot-pukyutan, katas ng prutas, may asukal na inumin o purong glocuse; ang mga ito ay dapat piliin kaysa tsokolate o minatamis, na naglalaman ng mataas na taba

Sa kaso ng pagsusuka, kontakin ang grupo ng diabetology o ang iyong doktor

Page 4: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Pagbibiyahe na may diabetes

Kung mabuti ang pagkakaplano ng biyahe, mag-i-enjoy ka sa isang masayang bakasyon nang walang anumang mga problema.

Bago umalis, makipag-usap sa iyong diabetologist; at saka, maaaring nais mong malaman ang tungkol sa posibleng polisa ng insurance upang saklawan ang anumang mga emerhensiya kaugnay ng diabetes.

Ang pagkakaroon ng diabetes ay dapat hindi makakapigil sa iyo sa pagbibiyahe, kung maghahanda ka nang maaga, pinaplano ang iyong biyahe at ang iyong pamamalagi.

Page 5: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Mahalaga rin na isipin kung anong mga pagkain ang mabibili sa mga lugar na iyong bibisitahin, at magplano para sa iyong mga pagkain habang nagbibiyahe: halimbawa, humingi ng mga pagkain para sa may diabetes habang sakay ng eroplano o bapor.

Kung gagamit ka ng insulin, suriin kung anong uri ng insulin ang mabibili sa iyong destinasyon; ang mga pangalan at tapang ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba.

Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling destinasyon.Ang mga pagbabakuna ay maaaring pansamantalang makakaapekto sa iyong diabetes, at maaaring kakailanganin mong i-akma ang nakaugaliang dosis ng gamot sa pagkontrol ng glucose ng dugo.

Page 6: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Kahit na ang Ingles ay naiintindihan sa maraming dayuhang bansa, dapat kang matuto ng isang pangungusap sa lokal na wika upang makakahingi ka ng tulong kung kailangan mo.

Kung gagamit ka ng insulin, kinakailangan mong ipahayag ang presensiya ng mga karayom, hiringgiliya, mga pen at mga glucose meter sa custom. Maaari kang humingi ng isang sulat-sertipikasyon mula sa iyong diabetologist.

Dalhin ang lahat ng gamot na nakaugalian mong gamitin, at ikunsidera ang posibilidad na ang biyahe ay maaaring tatagal kaysa inaasahan.

Huwag kalimutan ang glucose meter at ang mga stick na panukat, pati na ang mga pamalit na baterya.

Mga bagay na tatandaan

Page 7: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

At ang mga hiringgilya o mga karayom ng insulin pen.

Tiyakin na ikaw ay may sapat na dalang mga carbohydrate (mga bag ng asukal, cracker, iba pa), sa sitwasyon na maantala ang pagkain at bababa ang glucose ng iyong dugo.

Mahalaga na may dala ka (ID, card) na makapagpapakilala sa iyo bilang isang indibidwal na may diabetes, sa sitwasyon na magkakasakit ka habang ikaw ay nasa labas ng bansa o tatanungin ka ng mga tanong ng mga opisyal ng custom.

Page 8: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Praktikal na payo

• Kung sasakay ka ng eroplano, maglagay ng insulin sa iyong dala-dalang bagahe, dahil maaari itong ma-freeze sa lalagyan ng eroplano.

• Kung maaari, sa panahon ng biyahe, huminto para sa ilang magaan na ehersisyo at suriin nang regular ang glucose ng iyong dugo kung nakaugalian mong gawin ito, partikular na kung gumagamit ka ng insulin.

• Ipagpatuloy ang pag-inom ng iyong mga gamot, mga pagkain at snack sa regular na mga oras hangga’t maaari.

• Kung magbibiyahe ka sa ibang time zone, ipagpatuloy ang iyong mga iniksiyon at ang iyong mga pagkain sa karaniwang oras.

• Itakda ang iyong orasan kapag dumating ka at kapag bumalik sa bahay. At saka, tandaan na kapag nagbibiyahe ka sa kanluran, mas mahaba ang araw, kaya maaaring kakailanganin mo ng mas maraming pagkain pati na rin ng mga gagamiting (intake) insulin o tableta.

• Sa kabaligtaran, kung magbibiyahe ka pa-silangan, ang araw ay mas maikli, kaya maaaring kakailanganin mo ang mas kaunting pagkain at insulin o mas kaunting mga tableta.

Page 9: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Praktikal na payo

MAIINIT NA MGA DESTINASYON

Protektahan ang iyong sarili mula sa araw; ilagay ang insulin sa malamig na lugar, malayo sa direktang sikat ng araw; regular na suriin ang antas ng glucose ng iyong dugo; uminom ng maraming tubig; huwag maglakad nang nakapaa sa mainit na buhangin o iba pang mga nakakapasong lugar.

Sa pagdating

MALALAMIG NA MGA DESTINASYON

Magsuot ng mga pangginaw na damit at magdamit nang “patong-patong”: ang maraming maninipis na patong ay mas mabuti kaysa iisang makapal na patong; huwag hayaang malamigan nang mabuti ang insulin; subaybayan ang antas ng glucose ng iyong dugo (maaaring mas mataas ito sa malalamig na klima).

Ang mga glucose meter at stick ay maaaring maaapektuhan ng mainit at malamig na temperatura pati na rin ng altitude. Palaging basahin ang Manwal ng Tagagamit ng iyong panukat na kasangkapan para sa mas detalyadong impormasyon.

Page 10: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Bago umalis

INSULIN AT MGA TABLETA, KABILANG ANG EKSTRANG PAKETE

UPANG MAGDALA NG MGA KARAYOM, HIRINGGILYA O INSULIN SA EROPLANO

ID CARD AT SULAT NG GRUPO NG DIABETOLOGY PARA SA BIYAHE SA EROPLANO

GLUCOSE METER AT MGA STICK, KABILANG ANG MGA EKSTRANG STICK AT BATERYA

ASUKAL, MGA TABLETA NA GLUCOSE AT PAGKAIN PARA SA MABABANG GLUCOSE NG DUGO

MEDIKAL NA INSURANCE AT DOKUMENTASYON

MGA GAMOT LABAN SA PAGTATAE AT LABAN SA PAKIRAMDAM NA IBIG MASUKA NA TATALAKAYIN KASAMA NG DOKTOR NG IYONG PAMILYA O NG DIABETOLOGIST

ISANG LIGTAS NA LALAGYAN PARA SA PAGTATAPON NG KARAYOM

Tingnan ang checklist upang matiyak na nasa iyo ang lahat ng kailangan mo

Page 11: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

Kung pupunta ka sa isang party

ANO ANG DAPAT KONG PILIIN MULA SA BUFFET?

MAAARI BA AKONG UMINOM NG NAKALALASING AT SOBRANG NAKALALASING NA MGA INUMIN?

PAANO KUNG PANAHON NG RAMADAN?

Dapat mong piliin ang mga pagkain na may mababang dami ng mga simpleng asukal at taba at walang mga sauce; piliin ang mga gulay at isda

Kung ikaw ay nagmamaneho: Limitahan ang alak sa pinaka-mababa at piliin ang mga inuming di-nakalalasing

Palaging makipag-ugnayan sa iyong espesyalista

Kung hindi ka nagmamaneho: Maaari kang uminom ng kalahating baso ng alak o maliit na beer, na siyang pinaka-marami

Page 12: Diabetes at natatanging mga sitwasyon · ng iba’t ibang uri ng insulin ay maaaring mag-iiba-iba. Suriin kung ang mga pagbabakuna ay kinakailangan bago marating ang iyong piniling

ABC ng insulinANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT

(Bersiyon sa Filipino) L’ABC dell’insulina

(LINGUA FILIPPINA)

Tamang uri ng pamumuhayMGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO

(Bersiyon sa Filipino)

Il corretto stile di vita(LINGUA FILIPPINA)

SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

(Bersiyon sa Filipino)

Situazioni particolari(LINGUA FILIPPINA)

Mga Komplikasyon

ANO-ANONG MGA KOMPLIKASYON, BAKIT NAGAGANAP

ANG MGA ITO, AT PAANO MAIWASAN ANG MGA ITO

(Bersiyon sa Filipino)

Le complicanze

(LINGUA FILIPPINA)

Mababang

glucose ng dugo

PAANO ITO MAKILALA AT ANO ANG GAGAWIN

(Bersiyon sa Filipino)

L’ipoglicemia

(LINGUA FILIPPINA)

Ano ang

Diabetes

MGA SANHI AT RESULTA

(Bersiyon sa Filipino)

Che cos’è il diabete

(LINGUA FILIPPINA)

Ang kumpletong linya ng mga brochure na itinataguyod para sa Diabetes ay maaaring mai-download mula sa

www.lillydiabete.it

Makukuha rin sa sumusunod na mga wika:

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong doktor o tumawag nang walang bayad sa

Araw-araw mula 8:30 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi

Ingles Pranses Espanyol

IntsikHindi ArabeItalyano

Aleman Ruso Rumano Albanian

Ano ang Diabetes

Mababang glucose ng dugo

Mga komplikasyon

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

Tamang uri ng pamumuhay

ABC ng insulin

800-117678

Cop

yrig

ht ©

201

2, E

li Li

lly It

alia

SpA

. Tut

ti i d

iritt

i ris

erva

ti.IT

DB

T002

68c