24
features Kultura at Sining showbiz Radio Drama "Yakusoku" Big Hit in Cebu 4 8 23 Filipino Artist Featured in Mori Art Museum Pia Wurtzbach Dating with a Doctor 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ [email protected] [email protected] URL: www.dk6868.com Vol.5 Issue 59 May 2016 Malakanyang: Sapat Ang Power Supply Sa Darating Na Halalan photo of the month Two boys take cover from the sudden downpour, under a huge parasol together they waited for the rain to stop in Sariaya, Quezon Province in the Philippines, May 2016. Photo by Trisha Denise Cedeno PACMAN MAMIMIGAY NG SALAPI! Pamahalaan todo suporta sa mga nasalanta Eleksyon Edition! LINDOL SA JAPAN!!! sundan sa page 5 MALAKANYANG sundan sa page 20 PACMAN DISNEYLAND SA SHANGHAI BUBUKSAN NA sundan sa page 2 DISNEY sundan sa page 3 LINDOL

Daloy Kayumanggi May 2016

Embed Size (px)

DESCRIPTION

May 2016 issue of Daloy Kayumanggi Filipino newspaper in Japan

Citation preview

features Kultura at Sining showbiz

Radio Drama "Yakusoku" Big Hit in Cebu 4 8 23

Filipino Artist Featured in Mori Art Museum

Pia Wurtzbach Dating with a Doctor

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187E-mail: dk0061_ [email protected]

[email protected]: www.dk6868.com

Vol.5 Issue 59 May 2016

Malakanyang: Sapat Ang Power Supply Sa Darating Na Halalan

photo of the month

Two boys take cover from the sudden downpour,

under a huge parasol together they waited for

the rain to stop in Sariaya, Quezon Province in the

Philippines, May 2016.

Photo by Trisha Denise

Cedeno

PACMAN MAMIMIGAY NG SALAPI!

Pamahalaan todo suporta sa mga nasalanta

Eleksyon Edition!

LINDOL SA JAPAN!!!

sundan sa page 5 MALAKANYANG

sundan sa page 20 PACMAN

DISNEYLAND SA SHANGHAI BUBUKSAN NA

sundan sa page 2 DISNEY

sundan sa page 3 LINDOL

WISH COME true para sa isang batang may sakit ang pagtupad ni Pope Francis sa kanyang “visual bucket list” matapos niya itong makita nang personal.

Una nang nabatid na merong bucket list ang limang taong gulang na si Lizzy Myers na tinamaan ng pambihirang sakit na Usher’s Syndrome. Ito ay isang klase ng sakit kung saan tuluyang mabubulag at mabibingi kalaunan ang sino mang tatamaan nito. Bukod sa pagbisita sa mga sikat at kilalang monumento sa Rome, nasa bucket list din ni Lizzy ang makita ang Santo Papa ng personal.

Nang mabatid ng Holy Pontiff ang hiling ng bata, nabigyan ng special seats ang pamilya Myers sa general audience ng Santo Papa na ginaganap kada linggo sa St. Peter’s Square sa Vatican, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.

Mula Lexington, Ohio, tumungong Vatican ang mag-anak. Hindi lamang nakita ni Lizzy si Pope Francis kundi niyakap at binasbasan din siya nito.

Ayon sa ina ni Lizzy na si Christine, iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakaramdam siya ng totoong kapayapaan.

OPISYAL NANG matutunghayan ng mga Disney fans ang bagong bukas na Disneyland sa Shanghai, China sa nalalapit na pagbubukas nito sa June 16 ngayong taon.Isa ang pagbubukas ng Shanghai Disneyland sa mga pinaka-inaabangang event ngayong taon dahil na rin sa ‘mahiwagang pinto’ ng bagong tourist at-traction ng Disney.

Kinumpirma ng Shanghai Shendi Group at Walt Disney Company ang nasabing pagbubukas ng Shanghai Disneyland sa Hunyo, base sa ulat ng bomboradyo.com. Binigyang-diin ng CEO at chairman ng The Walt Disney Company na si Robert A. Iger na talaga namang kaabang-abang

ang pagbubukas ng bagong Disneyland sa China. Hindi raw kasi madi-disappoint ang mga pupunta sa opening day ng world-class resort dahil sa kakaiba at bonggang pagbubukas nito.

Matatagpuan sa mainland ang kauna-unahang Disneyland sa China na nasa Pudong District ng Shanghai. Umaabot lang naman sa $5.5 bilyon ang kabuuang gastos upang maipatayo ang world-class destination resort.

Siyempre pa, tampok sa Shanghai Disneyland ang yaman ng kultura ng China. Ilan sa mga bagong atraksyon ng lugar ang Fantasyland, Ga rdens of Imag inat ion, Trea sure Cove, at Tomorrowland.

GANYAN INILARAWAN ang exclusive fine dining Filipino restaurant na Gallery Vask na matatagpuan sa Taguig City, matapos itong mapabi-lang sa listahan ng Asia’s 50 Best Restaurants.

Ang exclusive restaurant ay pagmamay-ari ni Chef Jose Luis “Chele” Gonzales at kinilala bilang isa sa pinakamagagandang restaurants sa Pilipinas.

Sino ba naman ang hindi matutuwa kung habang kumakain ka ng masasarap na dishes ay may pagkakataon ka pang makakita ng mga magagandang art pieces na naka-display sa loob ng

restaurant?Ang palagiang pagta-

travel daw ni Chef Luis ang inspirasyon sa likod ng 20-seater fine dining restaurant. Tinulungan naman siya ng artist at architect na si Juan Carlo Calma sa artistic aspect ng kanyang restaurant.

‘Anthropological cuisine’ din ang tipo ng mga pagkaing inihahanda sa Gallery Vask, kung saan pawang mga indigenous natural products mula sa mga local farmers at fishermen ang kanilang ginagamit sa paghahanda ng mga Spanish dishes na mayroong Filipino twist.

OPISYAL NANG idineklara ng United Nations Educa-tional, Scientific, and Cultur-al Organization o UNESCO ang probinsya ng Albay bilang protected UNESCO biosphere reserve.

Kabilang na ang probinsya ng Albay sa 20 iba pang lugar na kabilang sa protected World Network of Bioshpere Reserves ng UNESCO. Nito lamang Marso, kinilala ng UNESCO ang Albay na may “high conservation value” dahil sa “182 terrestrial plant species, 46 of which are endemic.”

Dagdag pa ng UNESCO, “Its marine and coastal ecosystems number 12 species of mangrove, 40

species of seaweed or macro-algae, and 10 species of sea grass. Five of the world’s seven species of marine turtles are to be found in Albay,”

Ang mga nasabing katangian ng Albay ang dahilan kung bakit napabilang ito sa listahan ng Biosphere Reserves ng UNESCO. Bukod pa rito, matatandaang napabilang din ang Mayon Park na nasa Albay sa tentative list ng UNESCO para sa World Heritage Sites.

Bukod sa Albay, kabilang din ang Puerto Galera at Palawan sa kinikilala bilang biosphere reserves sa Pilipinas.

NAGING AGAW pansin ang isang bahagi ng exhibit sa Royal Ontario Museum kung saan itinampok ang Cordil-leran tattoo artist na si Apo Whang-od.

Abril 2 pa nang buksan ang naturang exhibit na may temang “Tattoos: Ritual. Identity. Obsession. Art.” sa century old museum na matatagpuan sa Ontario, Canada na magtatagal hanggang sa Setyembre.

Sa tattoo exhibit, matatagpuan ang larawan ng 98-anyos na si Apo Whang-od Ogay, ang huli at natitirang mambabatok o hand-tap tattoo artist sa Cordillera.

Galing sa bayan ng Tinglayan, Barangay

Buscalan sa Kalinga si Apo Whang-od. May ilang libong taon na rin ang pamamaraang kanyang ginagamit na dinarayo pa talaga ng mga foreign at local tourists sa lugar.

Nito lamang huli, ipinanukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pamamagitan ng Senate Resolution 1602 na i-nominate si Apo Whang-od para tumanggap ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan o National Living Treasures Award.

Layunin ng exhibit na ipakita ang iba’t ibang paraan ng makalumang pagta-tattoo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pope Francis, Tinupad Ang Isang Wish List Ng Isang May Sakit Na Bata Gallery Vask, Pasok Sa Asia’s 50

Best Restaurants“Art meets food in intimate gallery dining room.”

Albay, Idineklara Bilang ‘UNESCO Biosphere Reserve’

‘Mambabatok’ Ng Cordillera, Tampok Sa Isang Exhibit Sa Toronto, Canada

Shanghai Disneyland, Bubuksan Na Sa June 2016

Global

Ang pamosong Tattoo Artist ni si

Apo Whang-Od, siya ang pinakahuling

mambabatok ng Cordillera.

MAY 2016

2 BALITANG GLOBAL

NAGKAMIT NG gintong medalya sa high jump cat-egory ang isang babaeng estudyante mula Region 2 na isinagawa sa Albay.

Hindi lamang itinanghal na kampeyon si Cherry Mae Banatao, na Grade 10-student sa Gamu Rural High School, nalampasan pa

nito ang sariling rekord sa Palarong Pambansa 2016.

Mula 162 inches, nagtala si Banatao ng 166 inches sa kanyang pinakahuling lundag.

Inspirasyon umano ni Banatao ang kanyang pamilya sa kanyang bawat laban.

NANAWAGAN ANG Catho-lic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magsagawa ng rosary araw-araw hanggang May 9 elections.

Ang mismong CBCP president at Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mismong nagpahayag ng panawagan sa mga Pinoy ng rosary prayer campaign para sa

nalalapit na eleksyon.Panawagan din ni

Villegas, huwag umano gawing basehan ng mga botante ang mga survery sa pagpili ng mga kandidato.

Ayon din sa pastoral guidelines nito noong election 2013, magandang kontribusyin umano ang pagdarasal para sa darating na eleksyon.

GAGAWIN UMANO ng pamahalaan ng Japan ang lahat ng makakaya nito sa pagsagip at pagtulong sa mga survivors ng nakara-ang lindol sa bahai ng Kumamoto sa bansa.

Tinatayang 3,000 police, self-defense personnel at bumbero ang idineploy ng gobyerno para tumulong sa relief efforts.

Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, all out umano ang gobyerno sa pagliligtas

sa mga naapektuhang mamayan nito, base sa ulat ng bomboradyo.com.

Nagpaabot ang pamahalaan ng kumot, pagkain, medical assistance at emergency supplies sa mga biktima ng malakas na lindol.

Habang sinusulat ang balitang ito, tinatayang 800 na ang mga sugatan at siyam ang nabawian ng buhay sa pagtama ng malakas na lindol sa Japan.

Grade 10 Student, Nalagpasan Ang Sariling Record Sa High Jump

CBCP: Magsagawa Ng Rosary Bago Ang Eleksyon

Abe: Buo Ang Suporta Ng Pamahalaan Sa Pagtulong Sa Mga Quake Victims

Lokal

“The Philippines is ready for robotics innovation because we have been doing this [joining the Olympiad] since 2007.”

ITO ANG naging pahayag ng Data Science and Technology Corpo-ration President na si Anthony Gabitan na partner sponsor ng team PH sa isang panayam sa media. Nasa 62 awards kasi ang naiuwi ng Philippine Robotics Team na lumahok sa 17th International Robotics Olympiad na ginanap sa Buncheon, South Korea.

Ang 62 robotic awards ng team Pilipinas ang pinakamalaking tally ng awards na naiuwi ng bansa simula nang sumali ito sa kumpetisyon noong 2007.

Nasa 120 estudyante edad 10 hanggang 15 taon ang lumahok sa timpalak mula sa iba’t ibang eskwelahan sa buong Pilipinas. Nakipag-kumpetensya ang nasabing student team sa 1,200 pang mga estudyante mula naman sa iba’t ibang panig ng mundo.

“In these 9 years, we have succeeded in promoting robotics; we are doing it now in over 70 schools… our technology is developing, the children are getting better… we are levelling up,” dagdag ni Gabitan.

Team PH, Nag-Uwi Ng 62 Awards Mula Sa Robotics Olympiads

ANG RAFFLEASIA ang kinikilalang pinakamalak-ing bulaklak sa buong mundo. Pero nito lamang huli, natagpuan sa dalawang lugar sa Pilipinas ang pinakamaliit sa mga higanteng bulaklak.

Isang team ng scientists mula sa University of the Philippines ang nakatuklas ng smallest dwarf species ng Rafflesia sa Pantabangan-Carranglan Watershed area na nasa Nueva Ecija.

Ayon sa head researcher ng mga scientist na si Professor Perry Ong, hindi rin nila inaaasahan ang pagkakadiskubre sa dwarf species ng giant flower dahil aksidente lamang ang pagkakadiskubre nila rito. Dagdag pa ni Ong, napatid lamang ang isa sa

kanilang mga field assistants na naging dahilan upang madiskubre nila ang Rafflesia consueloae na siyang bagong dwarf species ng Rafflesia.

Endemic na sa Pilipinas ang pag-aaral ng mga nasabing species ng bulalak. Ang R. consueloae na ang may hawak ng record na “smallest kind of the giant flower” sa buong mundo.

Ayon sa Filipina botanist na si Dr. Jeanmaire Molina, ang Pilipinas daw ay tinaguriang “hub of Rafflesia diversity in the world” at ikinokonsidera rin bilang “cauldron of evolution for other wildlife species as well.”

Pinakamaliit Sa Mga Higanteng Bulaklak, Natagpuan Sa PH

Ang Raffleasia na ito ay pinakamaliit na kapatid ng mga higanteng bulak-lak, ito ay natag-puan sa Nueva Ecija. Samantala ang higanteng mga kapatid nito ay mata-tagpuan sa Sumatra at Borneo.

MAY 2016

3BALITANG LOKAL

The broadcast date is every Monday to Saturday from two o’clock until three o’clock in the afternoon. RMN DYHP told that they wanted a unique story to promote a good relationship between Japan and the Philippines. In response to this need they quickly produced a radio drama that is expected to last in two years, which some people find it unusual for a radio drama.

Many Japanese dialogues were used in this drama and its theme song “Dr. Clinic (Unplugged Version) “ was produced by a Japanese independent musician “Iwapt “. The AM radio station DYHP (612KHz) has the best listening rate and overwhelmingly popular in

the Visayas region. Its following is wide and deeply-rooted.

The reason why Japanese music “Dr. Clinic” composed by Iwapt was adopted as its theme song because a year ago in April 2015 the program manager of DYHP Buen Algono listened to the demo tape of Iwapt, he then picked up the song for the one day radio drama titled “Handumanan sa Usa ka Awit”. It was very well received by the regular listeners of the radio station.

Mr. Algono thought that he wanted to use again Iwapt’s song some day for a long period drama. Until he adopted the music in a love story drama of a Japanese woman and Filipino

man titled, "Yakusoku". The DYHP manager told Mr. Buen Algono that "It is the first time that a Japanese song became a theme song on the radio drama in the Philippines as far as I know."

Iwapt in an interview responded, “I am really happy that my demo tape sent to the radio station was adopted as the theme song for RMN DYHP radio drama. I'm grateful that I was able to create music that remain in the hearts of people”.

Iwapt’s songs used in the RMN radio drama “Yakusoku” details can be listened at Iwapt’s official Youtube site and Facebook page.

Radio Drama "Yakusoku" Big Hit in Cebu, Theme Song Made by a Japanese

A love story drama of a Japanese wom-an and a Filipino man "Yakusoku" started broadcasting last February

29, 2016 in Cebu at AM radio station RMN DYHP (612KHz). Since then it has become one of the best selling radio drama in the Philippine Visayas Islands.

Feature

Batid na nang karamihan ang nangyaring kabalintu-naan at kagaguhan sa Kidapawan. Saan ka nakakita ng bansa na nagdedemonstrasyon ang mga mag-

sasaka na ilang buwan nang gutom at tunay na hikahos gawa ng pagtuyot na dulot ng EL Nino, upang humingi ng tulong, ayuda at bigas sa pamahalaan, ngunit sa halip na sila ay tulungan ay karahasan at kalupitan ang kanilang natanggap?

Onli in the Pelipins!Sila ay nanghihingi ng bigas, ngunit bala ang kanilang

natamo!Hindi na sila nakakuha ng bigas, sila pa’y dinahas at

ngayon, bukod sa kagutuman ay marami sa kanila ang kinasuhan ng putang-inang pamahalaan ng iba’t-iba at samu-saring mga kaso.

Tingnan po ninyo ang kaputahan, kababuyan at inhustisya ng gagong estado na ito.

Kamakailan ay pinayagan nila si satanistang napoles (siya ang prinsipal na utak sa likod ng PDAF Scam) na magpiyansa, pero ang mga patay-gutom at hikahos na mga magsasaka at Lumad (na bigas at ayuda lamang ang hinihingi) ng Kidapawan ay hinahabol nila ng mga patong-patong na mga kaso’t asulto!

Delubyo, indulto at pahirap ang punyetang pamahalaang ito sa mga tao, lalong-lalo na sa mga maliliit!

This is indeed a fucking “republic”, to say the least!May mga gago at mangmang at tukmol naman

na sa halip na makiisa sa mga kapatid nating mga magsasaka at Lumad ay sinisi pa sila. Kesyo may NPA daw sa kanilang hanay, kesyo sila daw ang nagpasimula ng kaguluhan at tensyon at kung ano-ano pang katarantaduhan at nutnutang estupidong mga pahayag na hindi mapapasubaliang magmumula lamang sa mga malalansang bunganga sa hanay at uri ng mga punyetang haciendero, burgesya, ilustrado, elitista, creole, mga alta sosyedad, mga kapitalista at higit sa lahat, mga kampon ni Satanas at mga inapo ni Lucifer.

Sumasang-ayon ako kay Propesor at tumatakbong Senador Walden Bello sa kanyang tugon hinggil sa kesyo kasalanan daw ng mga Komunista at mga Makakaliwa ang buong pangyayari, para bang ang mga ito ang gumawa ng kagutuman at siyang sanhi ng pagiging manhid, tanga, hindi handa, hindi makatao, baliko at huwad na pamahalaang ito na nagpapanggap na tuwid, ngunit ang buong katotohanan ay tuwad at sagad sa kakupalan.

Ito ang pahayag ni Ka Walden:“External agitator? I beg your pardon, sir. That’s me.“If ever there was a demonstration that was driven

by hunger, to which so-called “leftist agitators” were incidental, it was the Kidapawan rally of hungry peasants and Lumads. When even the mainstream press has

discounted the role of “extreme leftists,” it is disconcerting that some supposedly progressive voices continue to insinuate the “provocative role” of “external agitators.” If I had been in Kidapawan, I would have helped organize our hungry compatriots into a march and rally for food in the teeth of threats by the police and the local administration to disperse us with force. That is what progressives do, and such actions on our part will always be labelled as “provocative” by the establishment. A rally of the hungry is no dinner party: one takes risks, one pushes the envelope, one aggressively asserts the right to rice.

“To say that farmers and their families are manipulated by organizers is to claim they have no minds of their own. It is rank elitism and it’s a lie. So once and for all, let’s bury the external agitator theory and lay the blame where it belongs: an undisciplined police force that did the bidding of a callous local administration and a bungling national government. And while we’re at it, we might as well also bury the Daang Matuwid and make sure it’s hypocritical promoters pay dearly for their deeds in four weeks’ time.” (Akin ang sukdulang diin)

Ito naman ang direkta at simpleng sagot ni kapatid na Aiza Seguerra na tuluyang dumurog sa mga lapastangan, hindot at kupal na kontensyon ng lahat ng mga hangal, sinungaling, palalo, mga dayukdok at mga oportunistang ito.

Ito ang kanyang pahayag laban kay kupal at oportunistang talakerang gobernadora daw at mga kampon at kauri niya:

“Dear Governor Lala Mendoza:“Hindi po nakakain ang pride. Now that the Filipino

people are stepping up to help sasabihin nyo insulto sa inyo. Propaganda naman dahil ibang kandidato ang nagbigay ng pledge ng bigas. Kung yung kandidato mo kaya ang nagbigay ng bigas, will you say the same thing? Yan ang hirap sa inyo at mga kampon ninyo eh. Sa gitna ng sakuha eh ang iniisip nyo pa rin ay politika. Kung binigay nyo lang yung hinihiling nila, hindi mangyayari to.

“You were elected to serve the people. They trusted you. But now, there blood is in your hands.

“Tao ang dapat nauuna. Hindi politika.” (Akin ang diin)

Isang linggo na ang lumipas, ang pang-gulo daw ng bansang ito ay ni hindi pa din nagpapahayag ng kung anuman hinggil sa nangyaring Mendiola Massacre Part II. Ito ay nagtulak kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles upang sabihin ng tuwiran at direkta na:

“Kakulangan sa pag-aasikaso natin sa pagtulong sa mga mahihirap, na nagpapakain naman sa atin. Sila ang nagdadala ng pagkain sa ating mga hapag – ang mga magsasaka. We should care for them…”

Idinagdag pa ng nasabing pari na:

“Our government will not be a legitimate government unless they make it a priority to protect yun mga kawawa…” (Akin ang sukdulang diin)

Muli, hayaan po ninyong muli kong itanong ang aking katanungan sa itaas:

“Saan ka nakakita ng bansa na nagdedemonstrasyon ang mga magsasaka na ilang buwan nang gutom at tunay na hikahos gawa ng pagtuyot na dulot ng EL Nino, upang humingi ng tulong, ayuda at bigas sa pamahalaan, ngunit sa halip na sila ay tulungan ay karahasan at kalupitan ang kanilang natanggap?”

Ibig ko ding idagdag na, bakit lagpas isang linggo na matapos ang nasabing madugong pangyayari ay ni wala man lamang pahayag na personal ang tinatawag na “presidente” daw ng bayang ito? Ganun ba siya ka-busy? Ganun ba siya kaabala sa kanyang pag-iintindi sa buong kalalagayan ng bansa? Ganito ba ang turing nya sa sinasabi nyang mga boss daw niya, diumano? Putang-ina to the max! Onli in the Pelipins!

Kakatwa, ngunit tunay na nakatutuwa at nakatataba ng puso na matapos ang pangyayari sa Kidapawan ay agad na nagsiresponde’t tumugon, tumulong at nakiisa ang mga artista’t mga tunay na mga alagad ng sining ng Bayan.

Dagling nagtungo roon si kapatid na Robin Padilla, hindi lamang para makiisa’t dumamay sa ating mga kapatid na mga magsasaka, kundi upang bigyan din sila ng mga sako-sakong mga bigas.

Mabuhay ka, kapatid na Binoe!Hindi din matatawaran ang ambag at pakikiisang

tunay ng mag-asawang Aiza Segurra at Lisa Dino. Bukod sa kanilang suportang-moral mula pa noong umpisa, sila din ang nanguna’t nagpasimula ng pagkuha’t paglikom ng mga tulong at donasyong salapi na siyang gagamiting pangpiyansa ng mga kapatid nating patay-gutom na mga magsasaka’t Lumad na sa halip na tulungan ng gagong pamahalaan ay kinasuhan pa!

Mabuhay kayo!Pagpupugay din ang ibig kong ipaabot kay Binibining

Nora Aunor! Mabuhay ka Ate Guy! Tama ka, kahit noon pa! Walang himala, sapagkat ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Mabuhay po kayo! Kayo ay hindi lamang tunay na artista ng Bayan, kundi lantay na Pambasang Alagad ng Sining! Mabuhay po kayo!

Pasasalamat at pagpupugay din kina kapatid na Angel Locsin, magkapatid na Anne at Jasmine Curtis, Daniel Padilla at sa lahat po nang nagbigay suporta’t pakikisa para sa labang ito. Mabuhay po kayo!

Maliwanag na ipinapakita ng inyong akto’t gawi na madilim man ang mga alapaap at ulap na dumaraan sa aking papawirin, ay tunay na may pag-asa at muling sisilab ang maluwalhati at makatarungang sikat ni Amang Araw.

Ang munting sanaysay na ito ay aking pagbibigay pugay at pagsaludo sa mga makataong artista ng bayan na sa aking paningin ay mga totoong alagad ng sining.

Pagpupugay at Pagsaludo sa mga Totoong Artista at Alagad ng Sining ng Bayan

Salitang Maanghang

MARIO DE VEGA | [email protected]

MAY 2016

4 KOLUMN > OPINYONG GLOBAL

MAY 2016

5GLOBAL AT LOKAL NA BALITA

Tiniyak ng gobyerno na sapat ang power supply sa buong bansa sa darat-

ing na halalan.Ika ni Communications

secretary Sonny Coloma na tuluy-tuloy umano ang ginagawang hakbang ng gobyerno, partikular na ng Department of Energy, para matiyak na may sapat na supply ng kuryente sa darating na halalan.

Target umano ng gobyerno, ayon sa ulat ng bomboradyo.com, na hindi kukulanging ang suplay ng koryente isang linggo bago at matapos ang araw ng eleksiyon.

Ang pahayag na ito ng gobyerno ay inanusiyo sa kabila ng pagtataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert sa buong bansa, bunsod ng preventive maintenance at emergency maintenance sa mga powerplants sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Atty. Cynthia Alabanza, ang tagapagsalita ng NGCP, na wala umanong nakikitang problema sa suplay ng koryente sa darating na halalan.

Malakanyang: Sapat Ang Power Supply Sa Darating Na Halalan

AYON SA ulat ng Department of Science and Technology o DOST, merong humigit-kumulang na 1.5 milyong mga Pilipino ang kumikita ng dolyar sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng trabaho gamit ang Internet.

Sa nasabing report, napag-alamang kumikita ng $3 kada oras o $250 kada proyekto ang mga Pilipino, depende sa hirap ng kanilang trabaho. Ilan sa mga naitalang trabaho ng mga online income earners ay ang pagsusulat, pagiging virtual assistant, web designing, software development, video at audio editing.

Hindi katulad ng mga OFWs, computer at Internet connection lamang ang kailangan ng mga online workers para

gawin ang kanilang trabaho.Ito ang pangunahing dahilan kung

bakit ipinursigi ng Information and Communications Technoloy o ICT Office ng DOST ang paglulunsad ng Juan Konek Free Wi-Fi Internet access, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com.

Ayon sa DOST, makatutulong ang nasabing free wi-fi connection para mas lalo pang paigtingin at palakasin ang mga online income earners sa bansa.

“With faster Internet connectivity available in all municipalities, this can significantly increase the number of Filipinos earning a living through the Internet,” ika ng secretary ng DOST na si Mario G. Montejo.

TAMPOK ANG tatlo sa pinaka-magagandang beaches ng Pili-pinas sa listahan ng Travelers’ Choice para sa Top 25 beaches in the world.

Ang resulta ng nasabing annual awards ng Trip Advisor ay ibinase sa boto ng mga bumisita sa mga nasabing beaches. Ilan sa kategoryang pinagbasehan ng listahan ay ang “popular reviews” at “travel advice site.”

Pasok bilang Top 10 sa world ranking ang Nacpan Beach na matatagpuan sa El Nido, Palawan. Nasa 2nd place naman ito kung pagbabasehan ang

ranking nito sa Asya. Pumasok sa listahan ang Nacpan dahil sa “long coastline, golden sand, beautiful crystal waters and a completely virgin landscape” nito dahilan upang maging “unforgettable” ang experience ng sinumang bibisita rito.

Tinawag namang “beautiful unspoilt natural beach” ang Yapak Beach o Puka Shell Beach na matatagpuan sa Boracay na nasa 5th spot sa top beaches in Asia. Nasa 12th spot naman ang White Beach na matatagpuan rin sa Boracay na inilarawan ng Trip Adviror bilang “civilized by day, party time by night.”

TINIYAK NG pamahalaan na tinututukan umano nito ang paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ika ni Communications Secretary Sonny Colom, masinsin umano ang isinasagawang mitigation efforts ng gobyerno, partikular na ng El Niño Task Force, para maibsan ang epekto ng tagtuyot sa loobng

bansa.Sapat umano ang budget

ng gobyerno para sa mga programa para sa mga masasakang apektado ng pagbabago ng panahon.

Pinagtutuunan umano ng pansin ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka nang sa gayon ay walang mapag-iiwanan.

Pamahalaan, Kumikilos Laban Sa El Niño

LUBOS UMANO ang paghahanda ng Commission on Elections para maabot nito ang target na 90 porsiyentong transmission rate sa darating na May 9 elections.

Naisin umano ng gobyerno ang mabilis na pagpapadala ng data papuntang main server ng COMELEC, base sa ulat ng bomboradyo.com.

Gusto umanong maiwasan ng COMELEC ang manu-manong pagpapasok ng data sa makina para mai-transmit ang mga ito sa server.

Bumaba kasi umano sa 76 percent ang transmission rate noong 2013 election dahil sa problema cellphone signals sa iba’t ibang panig ng bansa.

COMELEC, Siniguro Ang Mataas Na Transmission Rate Sa Halalan

Free Wi-Fi Ng DOST, Makatutulong Para Sa Mga Online Income Earners

PH Beaches, Tampok Sa Listahan Ng Travelers’ Choice

Sa mga sandaling ito habang binabasa mo ang bawat titik na nakasulat dito ay may ibang mga tao na abala sa nagaganap na eleksyon. Baka nga isa ka sa mga naging abala na bo-moto at umasang mababago ang kalagayan ng bansa sa pagpili ng bagong presidente na siyang mangangatawan sa iyo sampu ng iyong mga kaanak, kabarkada at mga kakilala sa ko-munidad. Tulad ng paghihintay.

Sa bawat titik na iyong binabasa sa panulat na ito ay para ka na ring naghihintay na magagawa nga ba ng iyong ibinoto ang ipinangakong pagbabago na bukang bibig ng bawat kandidato sa eleksyon. Ganito rin ang ginawa ng mga nauna sa iyo umasa din sila at naghintay. Siguro nga tadhana na natin ang maghintay at umasa ng tagasalba mula sa kumonoy ng kahirapan, inhustisya, at pananamantala.

Sa mahaba at tila walang katapusan na paghihintay ay mukhang isinuko na natin dito ang mismong kapangyarihan na ilagay sa sarili nating pagpapasya ang pagbabago na nais nat in . Da hi l sa paghihint ay ay makikitang sinayang natin ang mga sandali na sana ay may malaking ambag na tayo sa direktang pagbabago ng ating kalagayan at ng komunidad. Dahil isinuko na natin sa paghihintay ang ating kapalaran may ibang taong nakikinabang sa mga nasayang na sandali ng mahabang oras na paghihintay.

Kaya heto ngayon nakayuko ka sa harapan ng pirasong papel na ito at iniisa-isang pagtugmain ang bawat titik umaasang may kahulugan na matitisod sa bawat salita na iyong naintindihan tulad ng paghihintay naisip mo baka balang araw ay may dumating na swerte.

Pero inaamin ko sa iyo walang swerte na darating sa paghihintay na umasa sa mga politiko na mangatawan sa iyong sariling p a g p ap a s y a . Wa l a s a k a n i nu m a n a n g swerte gayunpaman posible mangyari ang swerteng ito na iyong inaasam kung ilalagay mo lamang sa iyong sariling pagpapasya a ng rey a l isa s yon ng s wer t e na s iy a ng makapag papabago ng iyong kapalaran. Ang kapangyarihang na baguhin ang ating tadhana ay hindi kasya sa balota.

Tulad ng Paghihintay

Editorial

**Para sa mga komento at opinyon lumiham lamang sa [email protected]. Tumatanggap din kami ng liham sa patnugot o letter to the editor para sa inyong nais ipahayag.

MAY 2016

6 EDITORYAL

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Los Indios Bravos Editorial Collective Sales and Marketing: Erwin Brunio [email protected] 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) [email protected] 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jong Pairez [email protected] neotasaday.wordpress.com Philippine Correspondent: Dave Calpito [email protected] Columnists: Aries Lucea Erwin Brunio Mario Rico Florendo Pido Tatlonghari Avic Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers.Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187

Email: [email protected]

www.facebook.com/daloykayumanggi

DaloyKayumanggiInspiring Global Filipinos in Japan

Kasya ba sa balota ang pangarap mo?BY JAIME ZEUS AGUSTIN

MAY 2016

7KOLUMN > OPINYONG LOKAL

Ang pagkatok ng oportunidadSa siyudad ng Mandaue sa Cebu

nagsimula ang Julie’s bakeshop. Pagtuntong kasi ni Nanay Julia

ng edad na 47, kinailangan na niyang mas kumita pa ng pera upang matustusan ang pag-aaral ng anim na anak, gayundin ang mga gastusin sa bahay. Hindi na kasi sapat ang kinikita ng sugar farm ng kanyang asawa kung kaya’t naisipan niyang gumawa ng paraan upang makahanap ng pagkakakitaaan.

Dumating ang oportunidad na hinihintay ni Nanay Julia ng makakita siya ng job posting sa PHILDACAN, isang factory ng rattan upang maging canteen concessionaire. Dahil naging matagumpay ang kanyang pagiging canteen concessionaire, hindi nagtagal at nagkaroon ulit siya ng bagong kontrata sa sister company ng PHILDACAN na Admacor at isa

pa sa factory naman ng La Union Carbide.

Pero paano nga ba naging pinakamalaking bakery chain ang Julie’s Bakeshop na meron ng mahigit 500 branches sa buong bansa?

Ang simula ng Julie’s BakeshopGunita ni Joseph Gandioco,

kasalukuyang CEO at presidente ng Julie’s Franchise Corp na anak din ni Julia, naaalala niya daw na tumutulong siya noon sa kaniyang ina dahil nagtatrabaho na ang mga nakatatanda niyang kapatid at nag-aaral naman ang mga kapatid na mas bata pa sa kanya.

Ayon kay Joseph, tumutulong siya sa kanyang ina na mag-supply ng tinapay sa tatlong canteen. Noon daw, sa iba’t ibang bakery pa sila kumukuha ng tinapay hanggang sa isang araw ay may nag-suggest na

magtayo na lamang sila ng kanilang sariling bakery. Bagama’t walang experience, tinanggap ng inang si Julia ang ideya at dito na nagsimula ang kanilang negosyo.

Ang tagumpay ng Julie’s BakeshopPara sa ina ni Joseph, sapat na ang

isang bakeshop sa kanilang tirahan sa Mandaue. Magkagayunman, naisipan ng magkakapatid na mag-branch out at magtayo rin ng bakery. Hindi nagtagal, ang simpleng Julie’s Bakeshop ay nagmistula nang family business dahil lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay mayroon nang pinapatakbong bakery.

Hindi kalaunan, dumami ang branch ng Julie’s Bakeshop at nangailangan na ng mas tutok na pangangasiwa ang negosyo. Si Roberto Gandionco na siyang pinakamatanda sa magkakapatid ang nagsilbing CEO at presidente

hanggang sa palitan siya ni Joseph noong March 2010.

Bagama’t naging matagumpay ang negosyo ng mga Gandioncos, hindi rin naging madali ang kanilang tagumpay. Gayunman, naging karapat-dapat purihin ang Julie’s Bakeshop dahil bukod sa masarap, malinis at pulido rin ang produksyon ng kanilang mga tinapay na isa sa mga dahilan kung bakit tinangkilik sila ng masa.

Isang inspirasyonWalang duda, ang Julie’s Bakeshop

ang nagsilbing ehemplo para sa iba pang bakery business kung paano magiging matagumpay. Ngunit siyempre pa, hindi tumitigil sa pagbabago ang Julie’s Bakeshop upang maihatid sa mga tao ang de-kalidad na produkto at serbisyo na tatak ng kanilang negosyo.

Alamin Ang Kwento Sa Likod Ng Tagumpay Ng Julie’s Bakeshop

Para sa isang maybahay, normal na ang pagtatrabaho para makakain ang kanyang pamilya. Ganito ang naging umpisa ng kwento ni Julia Gandionco, ang maybahay sa likod ng sikat na Julie’s Bakeshop sa buong bansa. Ayon kay Julia, isang bakery lang

naman ang kanyang hiniling sa Diyos para maitaguyod ang kanyang pamilya. Ngunit ika nga niya, higit pa sa inaasahan ang biyayang naipagkaloob sa kanilang pamilya. Ang bakery na dapat sana ay isa lang ay isa na ngayong matagumpay na bakery chain na meron sa iba’t ibang panig ng bansa.

‟ Noon daw, sa iba’t ibang bakery pa sila kumukuha ng tinapay hanggang sa isang araw ay may nag-suggest na magtayo na lamang sila ng kanilang sariling bakery.”

Ka-Daloy of the Month

DAVE LOREEN CALPITO | [email protected]

フィリピンの⼈材を必要としませんか?

1* Print (印刷):

3,555+ 配布先

2* ウェブサイト:

4,680+ 毎⽉のページビュ

3* フェイスブック:

2900+ Facebook ファン

広告で つ媒体に掲載

お問い合わせ:ダロイかユマンッギ新聞 D&K(株) 03-5825-0188 / 090-6025-6962 (アーウィン)

Daloy Kayumanggi NewspaperAdvertisement Rate

This do-or-die desire, depicted in the 1930’s Hollywood classic movie King Kong, best i l lustrates the beast among us. No wonder Philippine conceptual artist Roberto Chabet (1937-2013) make a reference on this film in his art practice as shown in his collage works “Kong Ziggurats”. Furthermore, this super human desire that embodies King Kong is the same energy that push Chabet to lay the groundwork of Filipino contemporary art.

For the benefit of many who probably know little of Philippine contemporary art, Mori Ar t Museum (MAM) Research has taken the opportunity to share the work of the late Roberto Chabet with us, guiding the viewer through the historical development of Philippine contemporary art since the 60’s, based on the format of an easily navigable timeline. This is a mapping, which places its signposts along the life of Roberto Chabet who in his later years struggled to expand modernist art practice towards the delivery of Concept ua l A r t , which according to Filipino art historian Ringo Bunoan, is a form of consciousness rather than style.

Although an architect by training, Roberto Chabet’s noteworthy achievements are firmly within the field of the Visual Arts. After graduating from his studies, he received a John D. Rockefeller Grant and travelled across Europe and North America to observe and study the then prevailing contemporary art practices, coinciding with the height of student uprisings.

Upon his return to the country, Chabet had the opportunity to implement his new learning as he was appointed as founding Museum Director of the newly constructed Cultural Center of the Philippines, a then controversial project of First Lady Imelda Marcos, who promoted the center as the “Asian Mecca of the Arts”.

Despite the critiques of the extravagance of t he bui lding and it s budget , Chabet excelled in his position and helped spread the development of local contemporary art by initiating a program entitled “Thirteen Artists Awards”, giving support to young a r t i s t s w h o c h a l l e n g e t h e p r e v a l e n t traditional art practice. This ambition to reconfigure the then mainstream Philippine art scene persisted as he was invited to teach at the University of the Philippines College of Fine Arts under the auspices of late Abstract Expressionist, Jose Joya. Here, over three decades, he was able to directly inf luence whole generations of Philippine artists in their formative years, fostering their energy and willingness to take new directions as a devoted teacher dedicated to experimentation and the pushing of ideas over form.

It was not an easy task to lay the ground-work of local contemporary art practice in a market dominated by traditional art making, remarks Bunoan. However, unlike King Kong, who perished before his desire, Roberto

Chabet was able to achieve otherwise, placing his mark firmly upon the very conception of art in the Philippines before he passed away in 2013.

Today Roberto Chabet is remembered by successful local contemporary artists at the helm of the art scene, namely Louie Cordero, Ma r ia Ta nig uchi , Ga r y-Ross Pa s t ra na , among many others, who mostly sprung from a generation of students he mentored. His role in Philippine contemporary art is indisputable, to such an extent that some of his students have strived to immortalize him by archiving his works and his other related materials as part of the Chabet Archive, at the Asia Art Archive, Hong Kong, preserving his legacy and a vital resource for art historians. Online Collection is Here

The MAM Research timeline presentation, at a g lance, may appear to represent a narrow perspective upon contemporary art development in the Philippines based merely upon the life of one individual, albeit one who made a major contribution upon the field.

Yet despite the seeming domination of one particular f igure, by looking closely through the constellations plotted out in this exhibition from a critical distance, there emerges the possibility to identify numerous other subjectivities that have contributed in the field.

Through the shifting of our position as we encounter this history, a displacement may ensue, underscoring “both that our framings of the past depend on our positions in the present, and that these positions are always defined through such framings” as laid out by art historian Hal Foster in his concept of Parallax Framing. And it is this critical way of looking which may lead us to a much wider and deeper understanding of contemporary art in the Philippines and its development.

King Kong and the Pursuit of DesireA Brief Look at Filipino Contemporary Artist Roberto Chabet at Mori Art Museum in Roppongi

A beastly ape rampaged through the city of New York, scaled the towering Empire State building and took down a military plane with its bare hands all for the sake of snatching back the woman he desires. Yet the colossal animal that craves noth-

ing else but the foreign woman he met in his native land eventually died from his aspira-tions.

‟ It was not an easy task to lay the groundwork of local contemporary art practice in a market dominated by traditional art making”

**“MAM Research 002: Who Was Roberto Chabet?” is viewed from July 25 until 12 October 2015 at the Mori Art Museum, Roppongi.

JONG PAIREZ | [email protected]

MAY 2016

8 KULTURA AT SINING

MAY 2016

9

Para sa marami, isa ang mo-tion sickness sa mga dahilan kung bakit hindi nai-enjoy ang pagbibiyahe. Pero paano nga ba maiiwasan ang pagka-hilo, pagsusuka tuwing ikaw ay bumibiyahe? Narito ang ilang tips na maaring makatu-long sa iyo:

Huwag bumiyahe ng gutom.

Isa ang gutom sa mga unang dahilan ng pagkahilo. Para maiwasan ito, kumain ng light meal isang oras bago bumiyahe. Maaari ka ring magbaon ng ilang kutkutin

kung magtatagal ka sa iyong biyahe.

Lumanghap ng sariwang hangin.

Ang sobrang init sa biyahe ay isa rin sa mga dahilan para makaranas ka ng motion sickness. Iwasan ito sa pamamagitan ng paglanghap ng sariwang hangin para mapreskuhan ang iyong katawan.

Mag-relax.Kung nasanay ka nang

nahihilo o nagsusuka tuwing nagbibiyahe, turuan ang iyong sarili na mag-relax

upang hindi ka ma-tense na maaari ring maging sanhi ng lalo pang pagkahilo.

Pumili ng magandang pwesto.

Pinamagandang piliin ang mga upuang malapit sa driver o malapit sa bintana kung saan hindi gaanong ramdam ang paggalaw ng sasakyan.

Subukan ang bisa ng luya.Kung nais mong maiwasan

ang motion sickness, maaari kang kumain ng anumang may luya gaya ng luya kendi o uminom ng salabat.

Mga Paraan Para Iwas-Sakit

Dahil sa pabagu-bagong panahon, hindi nakapagtataka na marami sa atin ang nagkakasakit o nakararanas ng hindi

magandang pakiramdam. Ang pabagu-bagong init

at lamig ng panahon ang kadalasang dahilan ng mga karaniwang sakit gaya ng trangkaso, bronchitis, at maging ng pneumonia.

Gayunman, mayroong ilang paraan na maaari mong gawin upang maiwasan ang pagkakasakit. Narito ang unang sa limang bahagi ng mga paraang ito.

Iwasang hawakan ang iyong ilong o mata. Ayon sa pag-aaral, mas madalas magkasakit ang mga taong mahilig maghawak sa kanilang ilong o mata. Ito ay dahil na rin sa kamay nagmumula ang mga germs na nagiging dahilan ng pagkakasakit.

Kumain ng Greek yogurt. Mayaman sa mga probiotics ang Greek yogurt na may kakayahang labanan ang mga nangungunang sanhi ng mga sakit gaya ng sipon at trangkaso.

Mag-intake ng Vitamin D. Ayon sa mga researchers sa Canada, isa ang Vitamin D sa mga bitaminang kailangan ng katawan upang malabanan ang mga respiratory infections.

Mag-meditate. Isa ang pagme-meditate sa mga pinakamabisang paraan para pakalmahin ang iyong sarili. Nakakapagpababa din ito ng stress na minsang dahilan ng madalas na pagkakasakit.

Uminom ng green tea. Kumpara sa kape, mayaman ang green tea sa antioxidants na kayang labanan ang flu virus maging ang mga pneumonia-causing bacteria.

1

Narito ang ikalawang bahagi ng mga paraan para iwas-sakit ngay-ong summer.

Iwasan ang alak. Ang madalas na pag-

inom ay maaaring maging dahilan ng inflammation na nakapagdudulot ng lagnat at iba pang sakit.

Mag-exercise. Isa sa mga pinakamabisang paraan para palakasin ang iyong resistensiya ay sa pamamagitan ng pag-e-exercise. Hindi mo kailangang mag-gym para gawin ito. Ang simpleng paglalakad o pagtakbo maging ang paglilinis ng bahay ay maituturing nang exercise.

Magpabakuna. Ang pagpapabakuna gaya ng flu shot ang isa sa mga pinakamabisang paraan para malabanan ang mga sakit na maaaring dumapo sa iyong katawan.

Magsuot ng mask. Hindi masamang magpalamig sa airconditioned na lugar. Pero mas mabilis kang magkasakit kapag malamig dahil hindi nagagawang salain ng iyong cilia o yung mga maliliit na buhok na matatagpuan sa iyong ilong ang hanging iyong nalalanghap na may dalang sakit. Kung hindi maiwasan ang malalamig na lugar, magsuot ng mask upang mapanatili ang mas mainit na temperatura para sa iyong cilia.

Pakuluan ang iyong mga gulay. Kung mahilig ka sa salad, huwag mo lang basta hugasan ang mga ito. Meron kasing mga germs na nakakapit sa mga gulay na hindi basta-basta nawawala sa paghuhugas lang. Para masolusyonan ito, pakuluan kahit ng mga 2 o 3 minuto ang mga gulay.

2

Narito ang lima pa at ikatlong bahagi ng mga paraan para iwas-sakit sa buong taon.

Humuni. Kung may ibang taong naiinis

kapag ikaw aa humuhuni, mabisa naman itong paraan upang pataasin ang nitric oxide na meron sa iyong ilong na isang antimicrobial.

Kumain ng isda. Ang pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids ay napatunayan na hindi lamang mabuti para sa memorya kundi pati sa pagpo-produce ng mga infection-fighting cells sa katawan. Kung wala kang pambili ng tuna o salmon, maaari mo ring gawing alternatibo ang dilis o sardinas.

Kumain o uminom ng luya (salabat). Ang luya ay merong kakayahang pigilan

ang pagdami ng respiratory syncytial virus na nagiging sanhi ng pneumonia at bronchitis. Kung ayaw mong uminom ng salabat, maghalo ng luya sa iyong pagkain.

Mag-exercise kahit may sakit. Ayon sa mga pag-aaral ng Korean researches, hindi lamang nakakapagpababa ng tyansa ng pagkakasakit ang exercise, maaari mo rin itong gamitin upang pabilisin ang iyong paggaling lalo na kung ikaw ay may sakit.

Subukan ang eucalyptus. Tuwing inuubo ka, hinahanap mo ang lamig at ginhawang hatid ng menthol. Pero higit na mas mabisa ang cineole na matatagpuan sa eucalyptus dahil nakatutulong itong maibsan ang inflammation maging ang matinding pag-ubo na iyong nararanasan.

3

Masamang Epekto ng Kakulangan Sa Tulog

Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa iyo kung palagi kang kulang sa tulog? Madalas ay ipinagsasawalang-bahala ng ilang ang kakulangan sa tulog. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga masasamang epekto ito, bukod sa pagig-

ing antukin sa araw.

Ang kakulangan sa tulog ay maaaring mag-ing sanhi ng aksidente. Kung ikaw ay in-aantok, nawawala ang iyong focus sa iyong ginagawa. Nagiging sanhi ito ng mga pag-kakamali sa gawain o trabaho. Kung ikaw naman ay nagmamaneho sa kalye, maaaring magdulot ito ng aksidente, dahil sa hindi mapigilang antok.

Isa pang epekto ng palaging pagpupuyat ang mas maagang pagtanda. Tuwing tayo ay natutulog, nagpapahinga rin ang mga cells ng ating katawan. Ang mga cells na

ito ay nagre-regenerate habang tayo ay nagpapahinga. Kung lagi kang kulang sa tulog, mas marami ring inilalabas na “cortisol”ang iyong katawan. Ang cortisol, kapag sobra ay sumisira ng “collagen” sa iyong balat.

Ang ilang mga sakit tulad ng problema sa puso at anemia ay ilan ding mga epekto ng kakulangan sa tulog. Hindi man ito agad-agad mararamdaman or nararanasan, mas mabuti pa ring mag-ingat at matulog ng tama sa oras.

5 Tips Para Maiwasan Ang Motion Sickness

MAY 2016

10

Mga Paraan Para Iwas-Sakit

Para sa ikaapat na bahagi, naririto ang lima pang paraan upang maiwasan ang pagkakasakit.

Kumain ng maaanghang. Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng mga maaanghang na pagkain gaya ng kimchi ay nakatutulong upang maibsan ang pagdami ng strep bacteria na maaaring tumama sv iyong katawan. Nakapagbabawas din ito ng inflammation na kadalasang nagiging sanhi ng mga sakit.

Mag-chewing gum. Ayon sa pag-aaral, nagtataglay ng xylitol ang mga chewing gum na pumipigil sa pagdami ng Streptococcus pneumonia. Nakatutulong din ang xylitol upang makaiwas ka sa sinus

at maging sa ear infection. Maghugas ng kamay.

Madaling maipasa ang mga germs at virus gamit lamang ang hand contact. Para maiwasan ito, ugaliing maghugas ng iyong kamay gamit ang sabon at tubig lalo na pagkatapos gumamit ng palikuran, bago, at pagkatapos kumain.

Mag-yoga. Bukod sa meditation, napag-alamang nakatutulong din ang pagyo-yoga upang mas palakasin pa ang iyong immune system.

Matulog ng sapat. Malaki ang negatibong naidudulot ng kakulangan ng sapat na tulog sa iyong kalusugan. Para maiwasan ang pagkakasakit, huwag magpuyat kung hindi naman kailangan.

4

Para sa huling ba-hagi, narito ang ilan pang mga hakbang upang palakasin ang iyong resistensiya at iwasan ang pagka-

kasakit.Gumamit ng mga herbs. Ang

paggamit ng mga herbs bilang relish sa pagkain ay isa sa mga mabisang paraan upang malabanan ng iyong katawan ang sakit. Isang magandang halimbawa ang rosemary. Meron itong carnosic acid na nakatutulong labanan ang respiratory syncytial virus.

Iwasan ang paninigarilyo (o ang paglanghap ng usok nito). Ayon sa pag-aaral, ang madalas na paninigarilyo ay nagiging dahilan upang mas mabilis kang dapuan ng mga sakit gaya ng trangkaso at swine flu. Kung hindi ka naman naninigarilyo,

siguruhing iniiwasan mong makalanghap ng usok nito upang maiwasan mo ang pagkakaroon ng respiratory infections.

Mag-intake ng honey. Imbes na gumamit ka ng asukal, mas mainam kung gagamit ka ng honey. Ito ay dahil napatunayan na ring may healing properties ang honey na nakatutulong upang makaiwas ka sa mga sakit na dulot ng mga bacteria gaya ng pneumonia, salmonella, at staphylococcus.

Uminom ng mainit. Mapakape man ito, tsaa, o sabaw, mainam na uminom o humigop ka ng anumang mainit. Ito ay dahil napag-alaman mula sa pag-aaral na mas mabilis gumaling ang mga taong nakararanas ng trangkaso kapag umiinom sila ng mainit.

5

Kung kaya, kapag nararamdaman mong ikaw ay nai-stress, gumawa ng ilang mga bagay na nakakapagpawala sa iyong stress na nararamdaman, kagaya ng pakikinig ng mellow music at panonood ng mga nakakatawa-ng papanoorin.

Ilang Masamang Epekto Ng Stress

KUNG LAGI-LAGI ka na lang nai-stress sa iba-ibang bagay, halimbawa sa tra-baho, panahon na para mag-slow down at alamin ang mga masamang epekto ng stress sa iyong buhay.

Kung lagi kang exposed sa mga stressful na sitwasyon, ito ang ilang mga epekto nito sa iyong kalusugan:

• Hormonal imbalance• Pagkawala ng sex drive• Migraine at laging pagkakaroon ng sakit sa ulo• High blood pressure• Digestive problems, kagaya na lamang ng stomach

ulcers, pagsusuka at diarrhea• Paghina ng immune system• Panic attack• Anxiety Disorder• Depression• Sakit sa puso

Mga Tips Para Ma-relax Ang KatawanAyon sa ilang pag-aaral, nakapagdudulot ang stress at matinding pagod ng ilang mga malalang sakit, gaya na lamang ng kanser.

Kung k aya, magandang ideya k ung mat ut unan mo ang wastong pagbabawas ng stress.

Naririto ang ilang mga tips para ma-relax ang iyong katawan.

1. Meditation -- Ang meditation ay nakakapagpanumbalik sa iyong normal na estado ng iyong katawan at isipan.

2. Exercise – tandaan: ang taong nag-e-ehersisyo, mas mahirap makapitan ng stress at ng sakit.

3. Mag-break -- Bigyan mo ang iyong isipan ng ilang minutong hindi muna nag-iisip ng mga bagay na negatibo. Kapag madalas mong ginagamit ang iyong isipan sa pagtatrabaho, maiging bigyan ang sarili ng oras nang hindi nag-iisip.

4. Manood ng mga nakakatawang mga bidyo -- Mag-browse sa YouTube, halimbawa, ng ilang mga relaxing at nakakatawang mga bidyo.

Ilan lamang ito sa mga paraan para makaiwas sa sakit na ito. Kung sa tingin mo ay nakakaramdam ka ng mga sintomas ng hypertension, maiging magpatingin sa iyong doktor.

Mga Paraan Para Maiwasan Ang HypertensionAng hypertension ay isa sa mga nangungunang mga dahilan ng pagkamatay ng ilang mga indibidwal.

Para maiwasan ang sakit na ito, may mga ilang gawaing pwede mong gawin para masigurong makawala sa masamang dulot ng high-blood pressure.

Basahin ang mga sumusunod na mga paraan:

• Kinakailangan ng regular na pag-e-ehersisyo• Magbawas ka ng iyong timbang• ‘Wag uminom ng alak• Ugaliing kumain nang healthy. Nakakasama ang maaalat at

matatabang mga pagkain.• Iwasang ma-stress. Ang relaxing music at videos ay

nakakatulong.• Nakakatulong ang aromatherapy• Regular na magpa-check ng iyong blood pressure• Siyempre pa, iwasang magselos, magalit ang mag-isip ng mga

negatibong mga bagay

MAY 2016

11

Mga Paraan Para Maiwasan Ang Hypertension

• Makipag-usap sa mga masasayahing tao at iyong mga mahilig magkuwento ng mga nakakatawang bagay nang sa gayon ay maging positibo ang iyong pananaw sa buhay

• Ugaliin ang pag-eehersisyo. Ang simpleng pagba-bike ay nakakapagpasaya.

• Kumain ng mga healthy food, kagaya ng prutas at gulay.

• Manood ng mga nakakatawang pelikula o shows.

• Mamasyal sa mga paborito mong lugar.

Piliing maging masaya, ka-Daloy!

Piliing Maging Masaya

Ayon sa ilang mga eksperto, mabisa ang pagtawa para malabanan ‘di lamang ang stress kundi pati impeksyon sa katawa.

Nakakapagpalabas kasi ang pagtawa ng hormones sa katawan na sinasabing natural painkiller nang sa gayon ay malabanan ang stress, gayundin ang iba pang mga sakit.

Isa pa, mabisa rin ito para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.

Ito ang mga dapat mong gawin para ikaw ay maging masaya: • Iwasan ang mga pagkaing

maraming asin, kagaya ng junk food.

• Iwasan din ang fast food. Magluto ng sariling pagkain para makasigurong healthy ang iyong pagkain.

• Magkaroon ng healthy lifestyle. Siguruhing maganda ang iyong diet at ikaw ay nag-e-ehersisyo. Ang limang minutong pag-e-ehersisyo ay nakatutulong.

• Iwasan ang bisyo, kagaya ng pag-inom ng alak.

• Ilagay sa isip ang salitang moderation. Lahat ng sobra, bawal.

• Matulog nang sapat. Ang pagpupuyat ay dahilan din ng binge eating na tinatawag.

• Upang mapabilis ang iyong metabolism sa katawan, ugaliing uminom ng tubig.

Paano Maiwasang Maging Obese

Maraming mga sakit ang naidudulot ng sobrang katabaan sa katawan o ang tinatawag na obesity, kagaya na lamang ng sakit sa puso.

Ito ang mga dapat mong gawin para hindi mauwi sa pagiging obese:

Paano Magkaroon Ng Produktibong Pag-IdlipMahalaga ang pag-idlip sa iyong ka-tawan, nang sa gayon ay panandaliang mawala ang iyong pagod sa katawan.

Naririto ang mga paraan kung paano magkaroon ng produktibong pag-idlip.

1. Huwag humiga nang diretso, nang sa gayon ay hindi matuloy sa mahabang tulog ang sana’y idlip lang. Mas magandang umidlip sa upuan o sa couch.

2. Magandang umidlip pagkatapos ng tanghalian.

3. Mag-eye mask o magpatay ng ilaw. Napapabilis ang iyong pag-idlip kapag madilim ang paligid, dahil napapabilis ding nai-stimulate ang melatonin sa iyong katawan.

4. Ugaliing mag-set ng alarm. Sa pamamagitan nito, naitutuloy mo ang mga gawaing dapat mong tapusin.

Nakakaiwas ang pag-idlip ng sakit sa ulo, gayundin ang stress sa katawan.

Mga Paraan Para Masolusyonan Ang Sakit Sa Likod o BalakangBagama’t normal sa mga may edad, mangilan-ngilan ding mga kabataan ang nakararanas ng sakit sa likod o balakang.

Naririto ang ilang mga solusyon kung nakararanas ka nito:

• Mag-pilates o mag-yoga. Maram-ing mga yoga o pilates classes ang ino-offer sa iba-ibang mga fitness centers.

• Mag-ehersisyo. Ang stretching ay mabisa para maiwasan ito.

• Iwasan ang mahabang pag-upo.• Ang hot compress ay labis na

nakatutulong para ma-relax ang iyong mga muscles.

• Kung may nararamdaman kang ibang sintomas, kagaya ng hirap sa pag-ihi, maiging kumonsulta ka sa iyong doktor.

Mga Paraan Para Manumbalik Ang Lakas Nakararanas ka ba ng panghihina ng katawan at sobrang pagkapagod?

Maaari mong mapanumbalik ang iyong dating lakas nang mas mabilis sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

• Uminom ka nang maraming tubig. Gawing halimbawa ang mga atleta na umiinom nang maraming tubig upang manumbalik ang kanilang enerhiya. Kadalasan, nararamdam ang pagod dahil sa sinasabing dehydration o kakulangan ng tubig sa ating katawn.

• Mag-ehersisyo para maging mas aktibo. Sinasanay kasi nito ang katawan ng tao para maging maliksi at malakas. Nakatutulong din ito sa pagkawala ng lungkot, na isang dahilan ng pagkapagod.

Ang pagkapagod ay maaari ring sinto-mas ng iba pang mga sakit. Kaya, kung kinakailangan, magpatingin sa doktor para ma-assess kung ano talaga ang iyong karamdaman.

MAY 2016

14

Osaka Farm Adventure

Sa daming kaibigan at pamilya na bumibisita at aming ipinapasyal dito sa Osaka, at sa aming mga weekend getaway, medyo kakaunti na lang yatang pasyalan ang hindi pa namin napupuntahan dito sa Osaka. Sa aming pagsasaliksik ng pasyalang mag eenjoy ang aking buong pamilya, naging intere-

sado kami na subukang puntuhan ang ilan sa napakadaming farming theme attractions na matagal na naming binalak gawin ngunit hindi matuloy-tuloy.

Wai Wai Mura (YY Village)Ang malawak na lupain ito ay isa sa napakadaming properties being administered by the YMCA Japan. Lubos akong nasayahan sa pagpunta dito para sa sweet potato picking. Ang dami namin nahukay at inaning sweet potato. Ang iba ay pinaluto namin sa lugar na ito at aming mineryenda.

Buong araw kaming nag relax sa napaka tahimik na lugar na ito na hindi kalayuan sa syudad. Kami ay nakakita ng isang punong hitik na hitik sa kaki (persimmon). Tinanong namin ang isa sa nagpapalakad ng Wai Wai Mura kung maari ba kaming mamimitas, at marahil sa dahilang kami lang ang bisita sa araw na ito, pinayagan nila kaming pumitas ng madaming persimmon. Pero ito ay hindi usual persimmon that are ready for eating, dahil ito ay medyo mapait.

Nag enjoy din ang aking mga anak umidlip sa isa sa mga taditional old Japanese farm houses na matatagpuan sa lugar na ito. Meron ding deep well pump na talaga kinalibang paglaruan at paliguan ng aking mga anak.

Sa aming paguwi dalidali naming binalatan at sinabit ang aming mga pinitas na persimmon para mapa-arawan at gawing dried persimmon).

Kisen YY VillageOsaka fu, Sennan shi,Shindachi Tsusurabata 207, 590-0511Tel: 072-485-0661

Harvest HillSa 8 taong na naming nakatira sa Sakai city, naka-katuwang insipin na ngayon lang namin nabisita ang sikat na farm-based theme park na ito. Isang araw kaming naglagi sa napakagandang araw ng tagsibol sa tahimik ngunit fun-filled na lugar na ito. I highly recommend Harvest Hill para sa families with chil-dren. Bukod sa masisiyahan ang mga bata sa iba't ibang attractions dito, maari pa nating gamitin ang pagakakataong ito to teach them about nature, farming, healthy eating and to have a semblance if not attain an organic lifestyle.

May cafe, buffet restaurant, barbecue at marami pang ibang lugar na makakainan dito. Pero tulad namin, makakatipid na kayo at ma enjoy nyo pa lalo ang nature kung magdala kayo ng bento and take advantage of the many picnic places in the area. We wanted to do the least amount of physical activity, so isa sa amin ikinatuwang attraction ay ang pagsakay sa swan pedal boat to cruise around a man-made lake. Habang kami ng aking asawa ay namamahinga sa likuran ng boat, ang aking dalawang tsikiting ay masayang nagpapagod sa pag-pidal sa aming sinasakyang banca.

Madami talagang pwedeng gawin sa lugar na ito. At dahilan sa hindi ko sila pwedeng isa isahin, tinanong ko sa aking mga anak ko ano ang kanilang top 5 experience sa Harvest Hill.

Kiddies Top 5• 5) Capybara Feeding - Feeding the world

largest yet the cutest and cuddliest rodents in a free roaming environmnet. What more can I say?

• 4) Llama and Rabbits - Touching and pla-ying with fury friends. Cuteness overload.

• 3) Giant Slide - Masaya ngunit nakakapagod magpabalik balik sa paakyat sa exciting na giant slide na ito.

• 2) Cycling - For 15 minutes around a cycling track pwedeng magpapalit palit ang mga bata, ng iba't ibang uri ng bycicle. May mga magkadikit na double bike, may sidecar, front pedal bikes; some easier than the others and some more challenging than the others, but everything is fun for the little ones.

• 1) Go Kart - racing on a Go-Kart on a spe-eding ahead on a downward track. I have to admit swaying my kids to put this on their top of the list. Sa sobrang saya ni daddy, we did this ride twice.

Pahabol, do not miss out on their organic ice cream and exclusive Harvest Hill made sausages. Also, kung interesado kayo mag strawberry picking or any seasonal fruit picking, manigurado lamang to make reservation in advance.

Harvest HillOsaka fu, Sakai shi, Minami KuHachigamineji 2405-1, 590-0125Tel: 072-296-9911

Slice of Mango. Slice of Life

ARIES LUCEA | [email protected]

MAY 2016

15KOLUMN > TRAVEL

MAY 2016

16

¥16,000

iPhone 6S¥110,000

Asus ME301T

¥20,000

Xperia A2

¥33,000

Galaxy S5

¥36,000

Galaxy Note III

¥50,000

¥120,000iPhone 6S +

¥123,000 CALL US FOR THE PRICE!

iPad Air 2 iPad Mini 3

¥125,000

HUAWEI 302DUAL CAM

WI-FI

OK

OK

*AVAILABLE IN BLACK AND WHITE

¥19,000

0032-6308 (Rhemy, Jeanne, Ynah)EnglishTagalog

09-1760-0599 (Softbank)JapaneseTagalog

FREE DELIVERY!for first time online registrationand order. www.dk6868.com

MAY 2016

17KOLUMN > OPINYONG GLOBAL

And while there are many tested techniques on making one’s child completely multi-lingual, we use books, written by Filipino authors and that come in both Filipino and English. And one of our recent favorites is “Araw sa Palengke” written by May Tobias-Papa and beautifully illustrated by Isabel Roxas.

Palengke is a market. In Japan, it is not common to see wet markets that are ubiquitous in the Philippines. We usually go shopping in supermarkets, cooperatives and online shops.

Because I grew up near the Pasig Wet Market and Pido grew up playing in the market while his parents attended to their stores, I thought that it would be good to introduce Adana to the concept of going to the wet market.

Let me share a few things how to read and use the book for further discussion specially if you live abroad. I am homeschooling Adana so we use such kinds of books and use the literature to create unit studies to cover other subjects like Math, History, Science, etc.

1. Read the book in Filipino. I try to explain things in Filipino and refer to the illustrations for things she does not understand.

2. Create a unit study using the book. The Learning Basket created a very good study guide for this particular book. It is straightforward and covers different areas.

3. Use you tube to show a documentary or a video clip related to any of the vocabulary words in the book. Adana was very curious about “palayok” so I showed her a few Filipino dances using palayok, and some clips on how to use the earthenware pot.

4. Take her to a supermarket. Although I wanted to take her to Ueno which is very similar to a typical wet market in the Philippines, I just took her to a regular supermarket and reinforced the vocabulary we learned. We learned more vegetables, kinds of meat, fish and fruits. This is something we have been doing regularly from the time she was really small. Now that she is four she helps me pack, gets involved when I pay and she chooses the ingredients for a particular dish. And this time, I teach her the Filipino names of the veggies and fruits.

5. Use games, recite poems,

sing songs related to the vocabulary learned. You can sing Bahay Kubo. My little girl laughed non-stop when I taught her a simple poem that incorporated the word “palengke” and the Japanese culture of bowing. “Ang palengke ay malaki. Ang palengke ay masikip. Ang palengke ay malayo. Bow!” We did it over and over until she understood the words “palengke, malaki, masikip, malayo.”

6. Read the book once everyday for a week. Or as often as you want.

7. Place the book in a shelf that she can easily see and access.

8. Show her that you enjoy reading the book in Filipino. I sometimes read the book to myself while she colors beside me. She likes everything that I like so when she sees me enjoying the book, she begins to like it too.

9. Tell her short stories about the “palengke” that you know. I tell her how I loved going to the market every Saturday morning. Pido tells her the games he would play there when he was a kid.

10. And whenever you can, in one of your visits back home, take her to the “palengke.” I am sure she will never forget what the word actually means.

Her books in Filipino are precious to us. A lot of these have been given by friends visiting Japan. We try to teach her as much as we can because not only is it practical (when she converses with our family back home) but also because it is integral to her growth as a third culture kid.

While English will still be her main language as most of the homeschooling resources are in English, we hope that she will be fluent both in Japanese and Filipino. She was born and being raised here so the Japanese language is a necessary tool to assimilate smoothly in the Japanese culture. But her parents are Filipino, who have been raised speaking and loving the Filipino language. We want her to always remember that she is a Filipino and that there is no reason good enough for her not to learn to speak like a Filipino.

We are taking baby steps for now. Her most favorite thing to say these days is “Mahal po kita.” What sweet thing to hear everyday.

JOY in learning a few things about “palengke”

We hope that our four year old will be able to speak English, Japanese and Filipino flu-ently. English is functional everywhere.

Japanese is her community language. And Filipino is our mother tongue as well as many of our relatives and friends. It is easier to teach English and she hears Japanese all the time. So we were just worried that she won’t be very fluent in Filipino given the limited exposure.

“While English will still be her main language as most of the

homeschooling resources are in English, we hope that she will be fluent both in Japanese and

Filipino.”

These are the books we are currently reading to her. Araw ng Palengke and Alamat ng Gagamba are her top choices.

Little Great Joys

AVIC C. TATLONGHARI

www.littlegreatjoys.com

Ang San Antonio Spurs ang pinakamabigat na hadlang sa pagkampyon ng Warriors. Sa katunayan, ito ang natatanging contender na tumalo sa kanila ngayong season. Ipinakita ng San Antonio kung paano posasan ang madulas na opensa ng Warriors. Sa larong iyon, 1 out of 8 ang shooting ni Steph. Naipakita din nila na kayang parusahan ng

kanilang power forward na si Aldridge ang maliit na line-up ng Golden State sa ilalim. Naniniwala ang mga eksperto na ang liksi at mental focus ng San Antonio Spurs ang susi para matalo ang Golden State sa isang best-of-7 series. Kaya naman inaabangan ng lahat na magtapat ang dalawang team na ito sa Western Conference Finals.

The Perfect Storm: Tatlong Hadlang sa Pagkampyon ng Golden State

Pagkatapos ng 20 taon, binasag ng Golden State War-riors ang record ng Chicago Bulls. Nagtala sila ng 73-9 record sa season na ito, pinakamaraming pana-

lo sa kasaysayan ng NBA. Napakalaking achievement nito dahil ang ’96 Chicago Bulls ang itinuturing ng maraming eksperto bilang pinakamagaling na team sa kasaysayan ng liga. Ngayon, hindi malayong mabanggit ang Dubs sa mga usapang all-time best.

Sa kabila nito, hindi pa tapos ang laban para sa Dubs. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan nila kung hindi sila magkakampyon. Malaki ang tsansa nila, 10-1 ang record

nila ngayong season laban sa iba pang contenders (Cavs, Clippers, Thunder at Spurs). Gayunpaman, may mga ilang bagay na maaring ikabagsak ng Golden State ngayong playoffs. Narito sila:

Si Steph Curry ang primerong rason kung bakit nasa taas ang Dubs. Kalimutan mo na ang 30 points, 7 assists at 5 rebounds na dinadala niya sa ball game. Ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga kalaban ang dahilan kung bakit napakaluwag lagi ng court para sa mga kasama niya. Para mas maunawaan ang impact ni Curry, ayon sa stats, 28 wins ang katumbas na value ni Steph sa Dubs ngayong season. Ibig sabihin, kung mawawala siya sa Golden State at papalitan ng

average na player, 45 lang ang magiging panalo nila, mas mababa pa sa record ng LA Clippers na walang Blake Griffin sa loob ng ilang buwan.

Hindi malabong mangyari ito. Matagal nang may kasaysayan ng injury sa alakang si Steph. Sa katunayan, nainjure lang siya nitong Game 1 laban sa Rockets. Kaya hindi mo masisi na sa bawat drive ni Steph, halos kabig-hininga ang mga fans ng 73-win team.

Ito ang malamang na kailangang taluning ng Golden State para maging kampyon: Houston Rockets - LA Clippers - San Antonio Spurs - Cleveland Cavaliers. Tinalo ng Golden State ang Houston at Cleveland noong 2015. Ibig sabihin, may vendetta ang mga ito laban sa Dubs. Matindi rin ang rivalry ng Golden State at LA Clippers kaya magiging emosyonal at pisikal ito. Ang San Antonio naman ang

sinasabing pinakamabigat na koponan na makakalaban ng Golden State.

Kung Dallas sana o Memphis ang unang round ng Dubs, mas makakatulong dahil hindi pa nila ito nakakalaban sa Playoffs kaya wala silang nakaraan. Maaring maging emotionally exhausting ang buong Playoffs para sa Dubs. Tignan natin kung paano nila ito malalampasan.

1. Injury kay Steph Curry

2. Mabigat na Playoff Bracket

3. San Antonio Spurs

Larong Kalye

MELBERT TIZON | [email protected]

MAY 2016

18 KOLUMN > SPORTS

MAY 2016

19

‘Pag PinaghaloTanong: Pag pinaghalo ko ba ang surf at tide bubula? Sagot: Siyempre, hindi! Wala nman akong sinabi na lalagyan! Haha!

‘Pag si Grace PoeKapag si GRACE POE nanalo sa 2016 elec-tion, maraming magbabago. Pambansang isda: SUG POE Pambansang laro: TRUM POE Pambansang gulay: U POE.

Baka At DamoSteve: Pre tingnan mo ang ganda ng draw-ing kong baka at damo. Sol: Saan? E blangko na papel lang yan eh! Steve: Siyempre naubos na! FilAmBabae 1: Miss, Fil-Am ka ba? Babae 2: Bakit? Half Filingera, Half Ambi-syosa ka kasi.

Nasa Isip Girl: Anong nasa isip mo? Boy: PamiLya ko. Girl: Nasaan sila? Boy: Ang kulit mo nasa isip ko nga e! VampiresRich Vampire: O-order ako ng fresh blood.Ordinary Vampire: Sa akin isang order na dinuguan.Poor Vampire: Hot water na lang sa akin.Waiter: Bakit hot water lang po?Poor Vampire: Nakapulot kasi ako ng nap-kin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha!

Ang Tapang Ni PaengPedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabali-taan yan?Pedro: Dun sa burol nya!

English at SpanishJuan: Tanungin mo ako ng English, sasa-gutin kita ng Spanish.Pedro: What is more important? Heart or Mind?Juan: Spanish!

Pang-IlanJinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III?Erap : (natawa) Trick question ba ‘yan anak? Eh, di pang-lima,kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

English-in MoTeacher: Juan, English-in mo ito.Juan: What Ma’am?Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang naglakad."Juan: "The wak wak weak weak wok wok."

Iniwan Niya AkoPedro: Ang sakit sakit Tol! Bakit iniwan niya ako?Juan: Bakit? Saan ba dapat kayo pupunta?

Ang BoyprenDad: Mabait ba ang boyfriend mo?Anak: Yes, Daddy.Daddy: Maka-Diyos?Anak: Sobra, Dad.Daddy: Nasaan siya?Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!

Class PictureTeacher: Class, magpapa-class picture tayo para paglaki niyo masabi ninyo, “O, si Juan pilot na! Si Junior doctor na! Si Linda, nurse na!”Dodong: At si Ma’am patay na!

MahiligSabi nila cute daw ang mahilig magmura! Aba p*cha sinong nagsabi nun? Sira-ulo ang hayop! Di ba nila alam na kasalanan ang magmura? Sh*t! Kahit kelan ‘di ako maniniwala!

Ilang LiterAmo: Inday, ilang liter meron sa isang litrong coke? Inday: 4 liters po. Amo: Sigurado ka? Inday: Upo, ati, Liter C, liter O, liter K, liter E. Di ba 4 liters yun?

Sa LikodSa likod ng mga ngiti ko, may mga luha, sa likod ng mga biro ko nagtatago ang problema. Hindi man ako laging tunay na masaya sana malapitan kita pag kailan-gan ko ng pera. Pautang!

I’m SeriousErap went to emergency room. Erap: Doctor! Doctor! I swallowed a bone. Doctor: Are you choking? Erap: No, I’m serious!

Dying In BedChinese dying in bed.. “Akyen panganay dito ba?” “Dito po.” Akyen asawa dito ba? “Dito, honey.”

“Akyen Jr. dito ba?” “Dito po.” “Mga katulong dito ba?” “Dito sir.” “Punyeta, dito kayo lahat wala tao tinda-han!”

Magpa-AnnulIsang mag-asawa ang dumulog sa korte para magpa-annul.Judge: Ano ang dahilan para kayo magpa-annul?Babae: (Nagsalita habang nakayuko) Your honor, katawan ko lang ang gusto niya sa akin.Judge: Anong pruweba mo?Babae: (Nakayuko pa rin)Tuwing nagla-love making kami tinatakpan niya ng towel ang mukha ko.Judge: Ikaw Mister, bakit mo ginawa’ yun?Mister: No comment, your Honor. Just see for yourself.Misis: (Nagalit at ihinarap ang mukha sa Judge) See? Bastos talaga ang taong yan.Judge: (Habang nakatingin kay Misis.) Annulment petition granted. Ikaw naman lalaki, bakit ngayon ka lang nag-file ng annulment? Ang tiyaga mo.

Ang Pusa NaminPedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!Juan: Maniwala ako?!Pedro: Totoo!Juan: Ano ba ang ulam nyo?Pedro: Asin!

AriesMagiging kapansin-pansin ka sa iyong mga katrabaho ngay-ong buwan. Ito ay dahil na rin sa iyong natural na karisma. Mas magiging mainit din ang iyong buhay pag-ibig. Maging

flexible ka at ‘wag kang matakot na harapin ang mga hamon ng bawat araw. Power num-bers: 9, 19, 46. Lucky colors: red, maroon at scarlet.

TaurusMaging maingat sa iyong nararamdaman. Maaari kang makaramdam ng temptasyon o matinding selos. Natural kang may galing kaya naman gamitin

mo ito para maabot lahat ng iyong nais, lalo pa’t ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang gusto mo. Power numbers: 11, 29, 47. Lucky colors: pink, purple at blue.

VirgoMalamang na iniisip mong patunayan ang iyong awto-ridad sa iyong pamilya o sa kung sino mang kumuku-westiyon ng iyong kakayahan.

Mas tataas ang iyong confidence kung mas magko-concentrate ka sa iyong mga abilidad. Magtiwala ka sa iyong sarili at mas marami ang mawiwili sa’yo. Power numbers: 6, 33, 51. Lucky colors: violet, purple at mauve.

AquariusNade-depress ka na ba sa paulit-ulit mong ginagawa? Baguhin ang iyong atake sa mga bagay. Ngumiti nang mas madalas. Baguhin ang

iyong dress style na magiging kapuna-puna at maganda para sa iyo. Huwag mong palagpasin ang mga magagan-dang oportunidad na naghihintay sa iyo ngayong buwan. Power numbers: 1, 7, 11. Lucky colors: blue, royal blue, green.Pisces

Ito na ang panahon para harapin ang iyong mga problema. Tang-gapin ang mga bagay na darating sa iyo. Huwag mong kalimutan ang halaga ng iyong mga kaibi-gan at pamilya. Mamuhay ka sa

araw-araw na parang ito na ang huling araw mo, pero huwag mong waldasin ang iyong pera sa kung anu-anong bagay lang. Power numbers: 2, 12, 21. Lucky colors: aqua, blue at green.

CapricornIto ang buwan para bigyan mo ng pansin ang iyong mga naisin. Panahon na rin para alisin mo ang mga pag-aalinlangan sa iyong isipan

para makapag-isip ka ng pagbabago. Bagama’t maganda ang takbo ng iyong karera, hindi ito ang iyong prayoridad. Huwag kang matakot sa pagbabago. Power numbers: 8, 28, 46. Lucky colors: green, blue-green at gray.

SagittariusGawing mas nakakatuwa ang iyong mga relasyon sa iyong kaibigan at partner. Umasta ng mas bata sa iyong edad para maiwasan

ang sobrang stress. Para naman sa iyong career, panatilihin ang iyong kasiyahan para sa mas magagandang oportunidad. Power numbers: 5, 7, 27. Lucky colors: lavender, pink at red.

ScorpioMaraming bagong bagay na darating sa iyong buhay ngayong buwan. Mas magig-ing maigi at solido pa ang iyong mga relasyon at mas

lalo pang magiging maganda ang takbo ng iyong karera. Sa madaling salita, ang buwang ito ay masuwerte para sa iyo. Power numbers: 8, 17, 53. Lucky colors: crimson, maroon at scarlet.

LibraMakararamdam ka ng mal-akas na atraksiyon sa isang tao ngayon buwan. Dapat maging matapang ka na harapin ang mga feelings na ito hindi lamang para madis-

kubre ang iyong buhay pag-ibig kundi pati na rin sa iyong career. Power numbers: 9, 25, 43. Lucky colors: indigo, blue at yellow.

LeoMagiging memorable ang buwan na ito para sa iyong relasyon. Mapupuno kasi ang iyong buhay-pag-ibig ng mga magagandang sorpresa. Bu-kod pa rito, nakakahawa din

ang iyong kasiyahan sa trabaho. Bigyang-pansin mo pa ang iyong karera gayon din ang iyong paggastos. Power numbers: 8, 23, 41. Lucky colors: red, orange at gold.

CancerPara maiwasan mo ang away, alisin ang mga negatibong bagay na gumugulo sa iyong isipan. May magandang bali-tang naghihintay para sa iyo.

Alisin ang stress na iyong nadarama sa pamamagitan ng pag-e-exercise at mul-ing pakikipagkita sa iyong mga kaibigan. Power numbers: 3, 31, 49. Lucky colors: white, green at silver.

GeminiIni-encourage ka ni Venus na mas maging masaya pa kasa-ma ang iyong mga kaibigan. Nais naman ni Mars na bigyan mo ang iyong sarili ng pana-

hong magpahinga. Maraming darating na hamon sa iyong buhay, subalit maging matalino sa iyong pagde-desisyon. Power numbers: 12, 21, 30. Lucky colors: gold, orange at yellow.

MAY 2016

20 BALITANG SPORTS

sports news

French Open, Isasagawa Sa ParisISASAGAWA ANG French Open sa Paris ngayong taon, sa May 22 hanggang Hunyo 5.

Ang premyong maiuuwi ng itatanghal na kampeyon ay nakakalula – tig-dalawang milyong euros sa mga mananalo sa men’s at women’s events.

Tumaas ang papremyo ng mga itatanghal na kampeyon ngayong taon ng 14 porsiyento.

May kabuuan umanong 32 million euro sang prize money sa nasabing torneyo, ayon sa Roland Garros organizers.

IDEDEPENSA UMANO ni Donnie “Ahas” Nietes ang WBO world junior flyweight champion belt nito sa darating na Mayo.

Isasagawa umano ang nasabing labas sa Bacolod sa Mayo 28, partikular na sa University of Saint Las Salle Coliseum, ayon kay coach Edmun Villamor, na inilathala naman ng bomboradyo.com.

Tinatayang 10 taon nang walang nakanakaw kay Nietes sa kanyang titulo.

Nalampasan na umano ni Nietes ang rekord ni Gabriel “Flash” Elorde.

PORMAL NANG nagretiro nitong Abril si Los Angeles Lakers leg-end Kobe Bryant.

Ika ni Bryant, hindi na umano siya babalik pa sa paglalaro sa NBA matapos ang kanyang pagreretiro.

Matatandaan kasing may ilang mga atleta sa ibang mga sports ang nagbabalik sa paglalaro matapos silang magretiro.

“You might catch a glimpse of me on Twitter or Instagram, but I’ll never play in an NBA game again,” ika ng basketbolista.

Nagtala pa ng 60 puntos ang NBA star sa kanyang pinakahuling laro sa NBA, ang Lakers vs. Utah Jazz match, 101-96.

Dalawang dekada siyang naglaro sa NBA bago siya nagretiro.

BAGO ANG laban ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Amerikanong katung-gali na si Timoty Bradley, nangako ang Sa-ranggani representative na ibabahagi niya ang kikitaing pera mula sa pay-per-view ng kanilang ikatlong laban.

"I just want to tell you this. All the fans, all the pay-per-view, the tickets you buy to support us, I'm not keeping it alone for

my family alone, but also I'm helping... the community, to the people who need help because I feel their pain,” ika ni Pacquiao.

Sa final presser, tiniyak ni Pacquiao na hindi lamang ang kanyang pamilya kundi maging ang ilan sa mga mahihirap na komunidad sa Pilipinas ang makikinabang sa kanyang magiging hati sa PPV sales.

Maging ang katunggali ni Pacman na

si Timothy Bradley ay nagpahayag ng kanyang suporta sa pagtakbo ng una bilang senador at sinabi pa ngang taglay ni Manny ang mga katangiang akma para sa isang senador. Isa rin ang Top Rank CEO na si Bob Arum sa mga humahanga kay Pacquiao, dahil sa malaking tulong na naibigay ng ng huli sa kanyang hometown city sa GenSan.

Masarap, masaya, at makulay.

IYAN ANG pangako ng regional director ng Depart-ment of Education sa Region Office-5 na si Ramon Fiel Abcede para sa Palarong Pambansa ngayong taong 2016.

Nagsagawa ng isang press conference ang DepEd kasama na rin ang Junior Chamber International kung saan ibinahagi ng ahensiya na kaabang-abang at hindi basta-basta ang Palarong Pambansa 2016 lalo pa nga’t tampok din sa probinsiya ng Albay ang bantayog ng bulkang Mayon.

Sa naturang press conference, ibinahagi ng

DepEd ang lahat ng kanilang mga isinagawang preparasyon para lamang masigurong magiging ligtas, maayos, at matagumpay ang Palarong Pambansa 2016.

Dagdag pa ng DepEd, sinisiguro nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang aksyon sa mga naunang problemang kanilang naitala, gaya na lamang ng pagsasaayos ng mga gagamiting sporting facilities, pagsasa-ayos ng mga billeting centers na gagamitin ng mga delegates na magmumula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa maging ang kanilang seguridad, ayon sa bomboradyo.com.

Bahagi Ng PPV Sales Ni Pacman Sa Laban Kay Bradley, Ipamimigay Sa Mga Mahihirap

Nietes, Idedepensa Ang Kampeyonato Sa Mayo

Palarong Pambansa, “Makulay at Masaya” Ayon Sa DepEd

Kobe Bryant, Hindi Na Muling Maglalaro Pa Sa NBA

NAKATAKDANG IPALABAS sa world premier ng 67th Cannes Film Festival ang siyam na maiiksing Filipino films ngayong darating na May 11-22 sa France.

Ang Cannes Short Film Corner ay idinisenyo mismo para magkasama-sama ang mga short film producers at mga direktor at mabigyan ng pagkakataon ang mga itong maipanood ang kanilang mga pelikula.

Ang mga nasabing pelikula ay ang Crossroads ni Eli Razo, Hail the Queen ni Khalil Joseph Bañares, Lope ni Thop Nazareno, Maria ni Emil Ray Alviz, Neon ni Rod-Michael

Tumbaga, Panaginip ni Nida Chua – May 25, 1985 ni Jordan de la Cruz, Re- ni Christian Paolo Lat, at Yapak ni Dwight Galang.

Ang siyam na maiising pelikula ay tumatagal lamang mula 5 hanggang 23 minuto. Iba-iba rin ang mga kwentong tampok sa bawat isa, ngunit halos lahat ng ito ay drama gaya na lamang ng “Crossroads” na isang social drama drama sa pagitan ng Bride at Maid of Honor ilang minuto bago ang kasal. Drama-comedy naman ang short film na “Neon” habang drama-fantasy ang tema ng pelikulang “Yapak.”

DINEPENSAHAN NG TV host/actress na si Iya Villania ang pagpapatuloy niya sa kanyang fitness lifestyle sa kabila ng kan-yang pagbubuntis.

Preggy ngayon ang 29-year old actress sa panganay nila ng asawang si Drew Arellano na isa ring TV host.

Bali-balita kasi na kahit na buntis na ay patuloy pa rin si Iya sa pagwo-workout gaya ng pagsu-swimming, pagtakbo, pagbibisikleta at iba pang fitness activities. Wala naman daw nakikitang mali si Iya sa kaniyang pagwo-workout,

dahil paraan daw niya ito para ihanda ang sarili sa kanyang pagbubuntis.

"I'd like to say that getting into a healthy lifestyle and getting into fitness was a way of me getting into the pregnancy. Parang how some look at it is the giving birth is like the race day, it's the marathon. If I'm taking care of myself, I'm also taking care of the baby," ika ni Iya.

Maaalalang Easter Sunday ng opisyal na inanunsiyo ng mag-asawa na expecting na sila sa kanilang first baby.

NGAYONG BUWAN ng Abril, na-katakda nang maglunsad ng mga bagong stamp ang Philippine Postal Corporation o PhilPost. Itatampok sa mga nasabing special stamps ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Ang nasabing litrato na itatampok sa mga special stamps ay ang kuha matapos makoronahan si Pia bilang Miss Universe 2015. Ang nasabing kuha ay official photo na mula pa mismo sa Miss Universe organization. Ang rights naman sa paggamit nito ay ibinigay sa pamamagitan ng Binibining Pilipinas Charities Inc. Mahigit sa 100,000 piraso ng stamps ang nakatakdang ilabas ng

PhilPost ngayong buwan na nagkakahalaga ng P15 kada piraso habang nagkakahalaga naman ng P40 kada piraso ang 5,000 souvenir sheets.

Ayon sa philatelic service director ng PhilPost na si Elenita San Diego, talagang espesyal ang mga stamps na may mukha ng Miss Universe dahil mayroon itong mga glitters bilang dekorasyon.

"The request is for the Pia Wurtzbach stamp to have a tactile glittery finish. The glitters would be limited to her crown, so when you touch that part you would feel the rough texture,” ika pa ni San Diego.

MASAYA AT proud na proud ang ina ni Ian De Leon na si superstar Nora Aunor matapos ang ginawa nitong pagtulong sa isang 10-anyos na batang lalaki matapos itong mabangga ng isang motorsiklo.

Pinuri ng maraming netizens ang naging kabayanihan ng 40-year old actor matapos siyang pasalamatan ng mismong ina ng bata na si Kristine Madrigal Sarmiento gamit ang Facebook upang personal na makapagpasalamat.

Hindi naman big deal para kay Ian ang ginawa niyang pagtulong.

"Nagkataon lang po siguro na nandun po ako nung nangyari ang accident, kahit sino naman po ang nasa lugar ko, gagawin rin po ang nagawa ko," ika niya.

Gayunpaman, proud pa rin ang Superstar dahil maituturing na isang kabayanihan ang ginawang pagtulong ng kanyang anak.

Nabatid din kasi na tanging si Ian lamang ang nagtangkang tumulong sa bata sa pamamagitan ng pagdadala rito sa ospital upang magamot sa kabila ng dami ng taong nakiusyoso at dinaanan lamang ang naaksidenteng bata.

Pinoy Short Films Tampok Sa Cannes 2016

DALAWA SA mga sikat na Fili-pina beauties ang pasok ngayon sa listahan ng World’s Top 100 Most Beautiful Women of 2016 – ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang model-actress na si Liza Soberano.

Inilabas ng Wonderslist ang nasabing listahan at sinabing para lamang ito sa mga kababaihan “who’ve achieved a fair level of celebrity, based on the strongest, intelligent, desirable, popular, attractive, hot and most successful women of 2016.”

Pawang nasa Top 10 si Wurtzbach at Soberano sa

listahan ng Wonderslist.Pasok sa number 10 list ang

reigning beauty queen ng Miss Universe na si Pia Wurtzbach na nakilala worldwide matapos siyang makoronahan na naging susi rin upang mas makilala pa siya sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod sa pagiging beauty queen, isa ring kilalang aktres at modelo si Pia.

Nasa Top 2 spot naman ang teen model at aktres din na si Liza Soberano. Una nang nakilala ang 17-year old actress matapos maging bahagi ng “Breakthrough Love Team of 2015” kasama si Enrique Gil.

Pia Wurtzbach at Liza Soberano, Pasok Sa Listahan Ng Top 10 Most Beautiful Women

PhilPost, Maglalabas Ng ‘Pia Wurtzbach’ Stamps Ngayong Buwan

Iya Villania, Tuloy Pa Din Ang Active Lifestyle Sa Kabila Ng Pagbubuntis

Nora Aunor, Proud Sa Kabayanihan Ng Anak

balitang sikat

MAY 2016

21BALITANG SHOWBIZ

NAGBABAHAGI NG “words of inspiration” ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtz-bach sa mga naggagandahang Binibining Pilipinas candidates ngayong 2016.

Ani Pia, hindi dapat kalimutan ng mga aspiring beauty queens ang tunay na dahilan kung bakit sila sumali sa pageant.

Tila nagbalik-tanaw din si Pia sa kanyang naging experience sa pagsali sa Binibining Pilipinas. Dahil dito, nagbahagi rin siya ng advice para sa mga baguhan at “repeaters” na sa nasabing pageant. Ayon kay Pia, ang tatlong beses niyang pagsali ang naging daan upang marami siyang matutunan na siya ring

nagpabuti sa kanyang karera.Binigyang-diin din ng kasalukuyang

Miss Universe na ang pagsali sa Binibining Pilipinas ay simula pa lamang ng pagbubukas ng mas marami pang pinto ng magagandang oportunidad para sa mga kandidata. Dapat din daw i-enjoy ng mga kandidata ang kanilang moment sa kompetisyon sa kabila ng nararamdamang matinding pressure.

Sa katunayan, isa ang Filipina-German beauty sa mga magsisilbing panel judge ng nasabing beauty contest. Bahagi rin ito ng kanyang naging ikalawang surprise visit sa Pilipinas.

NGAYONG 2016, magdiri-wang na ng kanilang 20th wedding anniversary ang Australian actor na si Hugh Jackman sa kanyang asawang si Deborra-Lee Furness na isa ring actress at producer.

Tanong tuloy ng marami, ano ba ang sikreto ng aktor para mapanatili ang matagal at matamis na pagsasama nila ng kanyang asawa?

Ika ng 46-year old actor, simple lang daw ang sikreto: “happy wife, happy life.”

Ayon sa Wolverine star, ang slogan na ito na gaya ng sa Olympic Games ay isinasabuhay niya sa araw-araw. Idinagdag din ng aktor na mas nagiging

maganda raw ang takbo ng relasyon nila ni Furness habang tumatagal ang kanilang pagsasama.

"It gets better and better, I can honestly say that," ani Hugh.

Ika pa nga ng aktor, maituturing niyang pinakamagandang pangyayari sa kaniyang buhay ang pagkakakilala at pagiging asawa kay Deborah.

Ayon pa sa Australian actor, mag-asawa na sila ni Deborah hindi pa man siya sumisikat bilang aktor, kaya’t lahat ng bagay ay sabay nilang nagawa kabilang na ang pagsikat nila sa kanilang mga career.

MARAMI ANG humahanga ngayon sa ganda ng Dolce Amore star na si Liza So-berano. Isa na sa mga ito si Miss Universe Pia Wurtzbach.

Muling nagpahayag ng paghanga ang beauty queen kay Soberano, kasunod ng nauna nitong pahayag na taglay umano ng aktres ang gandang pang-Miss Universe.

"She's young... she can still train (as a beauty queen)," ika ni Wurtzbach, na

iniulat ng bomboradyo.com.Bagama’t bukas umano ang aktres

sa posibilidad ng pagsali sa beauty pageants, masyado pa naman daw itong bata ayon sa manager nito.

Kinakailangan pa umanong dumaan ang aktres sa maraming mga pagsasanay.

Matatandaang humanga rin ang lead guitarist ng The Vamps, na isang British band, kay Soberano, na inilarawang “beautiful lady.”

Hugh Jackman, Ibinahagi Ang Susi Sa Matamis Na Buhay May-Asawa

Binibining Pilipinas Candidates Pinayuhan Ni Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach: Liza Soberano, Pang-Miss Universe

GOOD NEWS: dalawa na namang mga pelikulang Pinoy ang napas-ali sa 69th Cannes Film Festival na isasagawa sa susunod na buwan.

Napabilang sa main competition ang "Ma' Rosa" ni Brillante Mendoza na kinabibilangan ng mga batikang Pinoy actors na sina Felix Roco,

Jacklyn Jose, Jomari Angeles, Andi Eigenmann at Julio Diaz, ayon sa bomboradyo.com.

Napasali rin sa 10 finalists ang “Imago” na short film ni Raymun Gutierrez. Sinasabing 5,009 entries ang entries sa kategoryang ito.

Sa Mayo 11-12 pa isasagawa ang nasabing film festival.

Dalawang Pinoy Films, Napasali Sa Cannes Film Festival

WURTZBACH FILES

MAS NAPE-PRESSURE pa umano ang Pinay singer na si Rachelle Ann Go sa pagtatanghal sa ha-rapan ng mga Pilipino sa Manila production ng Les Miserables.

Batid kasi umano ng singer, at ngayon ay stage actress na, na mahuhusay sa pagkanta ang mga Pinoy kaya kinakailangan umano niyang maging mahusay

sa pagganap sa kanyang role sa nasabing stage play.

Gayunpaman, excited naman daw siya sa pagtatanghal, sa kabila ng kanyang nararamdamang kaba.

Kasama ng theatre actress sa pagtatanghal ang Australian cast ng sikat na West End play sa Pilipinas.

Rachelle Ann Go, Pressured Sa Pagtatanghal Sa Harap Ng Mga Kababayan

Nakangiting binabati ni

Hughe Jackman ang kaniyang

mga taga-hanga sa larawang

ito.

MAY 2016

22 BALITANG SHOWBIZ

INAMIN NG kasalukuyang Miss Universe na si Pia Wurtzbach na nagdi-date sila ni Mikhail Varshavski na kilala bilang Dr. Mike.

Bagama’t exclusively dating na sila ni Dr. Mike, siniguro naman ng beauty queen na ang pokus umano niya ay ang kanyang trabaho.

Ayon kay Pia, dito sa bansa lamang umano niya inamin ang estado ng kanyang buhay-pag-ibig.

Naiintindihan naman daw umano ni Dr. Mike ang prayoridad ngayon ng kasalukuyang Miss Universe.

Si Dr. Mike ang tinaguriang sexiest doctor alive ngayon.

MAGIGING TATLO na ang magig-ing anak ng “Transformers” star na si Megan Fox.

Kumpirmado na ang pagbubuntis ng nasabing aktres na ipinakita ang kanyang baby bump sa nakaraang CinemaCon sa Las Vegas, Nevada, kamakailan.

Dalawa na ang anak ni Fox sa estranged husband nitong si Brian Austin Green, na isa ring

aktor: sina Noah Green at Bodhi Green.

Matatandaang, naghiwalay ang dalawa nitong Agosto lamang bunsod umano ng sinasabing “irreconcilable differences” nilang dalawa.

Bagama’t magkahiwalay, nakikita naman ang dalawang magkasama, kasama ng kanilang dalawang anak.

LUBOS ANG tuwang nararamda-man ngayon ng aktor na si Jake Cuenca sa pagkikita nila ni Sara Grace Kelley, ang ex-girlfriend nito, sa Big Apple.

Nagkita umano ang dalwa kasabay ng maiksing bakasyon ng aktor sa Amerika kamakailan.

Base sa social media post ng aktor, mukhang umaasa pa siya

sa pagbabalikan nilang dalawa ng dating kasintahan.

“I will always love you Unconditionally. There will always be a special place for you in my heart. Because you for me? You are the most amazing person I have ever met beautiful inside and out,” ito ang bahagi ng social media post ng aktor.

Pia Wurtzback, Exlusively Dating With Dr. Mike

MAGTATANGHAL SA Pilipinas, sa kauna-unahang pagkakataon, ang sikat na international bands na U2 at Coldplay ngayong taon at sa 2017, ayon sa promoter ng concerts.

Sa Nobyembre na umano ang concert ng Coldplay samantalang sa Pebrero pa sa susunod na taon pupunta sa Punas ang U2.

Sinasabing sa Mall of Asia arena umano isasagawa ang shows, bagama’t hindi pa umano pirmado ng pamunuan ng concert venue ang kontrata.

May 170 million records nang naibenta ang Dublin, Ireland-based na U2 at nakapagbenta na rin ng 80 million albums ang Coldplay na mula naman sa London, England.

U2 At Coldplay, Magco-concert sa Pinas Ngayong Taon at sa 2017

KINUMPIRMA NA ng Warner Bros. Enter-tainment Inc. ang nakatakdang pagiging bida at direktor ni Ben Affleck sa isang solo Batman film.

Ang kumpirmasyon ay inanunsiyo mismo ng studio chairman at CEO ng nasabing kumpanya na si Kevin Tsujihara na excited umano sa pakikipagtrabaho kay Affleck.

Una nang bumida bilang Dark Knight sa “Batman v Superman: Dawn of Justice” si Affleck.

Bagama’t wala pang official release date, marami nang mga fans ang nag-aabang sa pelikulang ito, bunsod na rin sa naging success ng “Batman v Superman” film.

Ben Affleck, Kumpirmado Nang Bibida At Magdi-direk Sa Batman Movie

Megan Fox, Buntis Sa Ikatlong Anak

Jake Cuenca, Nakipagkita Sa Ex-Girlfriend Sa New York City

Bukod sa pagiging Miss Universe 2015, ipinakita rin ng 26-year old beauty queen na si Pia Wurtzbach ang kanyang pagiging makabayan matapos ang kanyang mga witty

post sa Twitter habang nanonood ng unang presidential de-bates. Sa Capitol University kasi ng Cagayan de Oro, kung saan tubo si Pia, ginanap ang unang Pilipinas Debates 2016 noong February 21.

Nasa Amerika man para gampanan ang kanyang trabaho bilang Miss Universe, hindi pa rin pinalagpas ni Pia ang pa k ik i isa sa mg a Pi l ipino para est ima hin ang bawat kandidatong tumatakbo sa pagka-Presidente. Pero dahil na rin sa kanyang titulo, pawang neutral ang laman ng mga komento ni Pia. Narito ang i lang sa kanyang mga magagandang tweets habang nanonood.

Nilinaw rin ni Pia na nananatiling pribado kung sino ang iboboto niyang kandidato, pero nagpahayag din siya ng pagkadismaya dahil limitado lamang ang kanyang magiging mga komento bagama’t enjoy na enjoy siya sa panonood ng debate.

Mga Tweets Ni Pia Wurtzbach Sa Unang Presidential Debates, Alamin

Twit ni Idol

super hot tsismis!

MAY 2016

23BALITANG SHOWBIZ