9
EDITORYAL HINDI BABABA SA 19 ang napa- tay at 20 ang sugatan sa hanay ng Armed Forces of the Philippi- nes (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa gitna ng matitinding operasyong militar nitong Oktubre. Isinagawa ang mga aksyong militar sa Min- doro, Masbate, Samar, Negros at Mt. Province. Sa Occidental Mindoro, pina- sabugan ng mga Pulang mandi- rigma ang dalawang trak ng 4th IB sa Sityo Amaling, Barangay Manoot, Rizal noong Oktubre 28. Lulan ng mga ito ang may 60 sundalo. Hindi bababa sa sampu ang sugatan sa mga berdugo. Bago nito, isang sundalo ang nasawi at dalawang iba pa ang sugatan sa 4th IB nang ambusin sila ng BHB noong Oktubre 23. Isinagawa ang opensiba sa Sityo S a panahon ng brutal na panunupil, hinihingi sa buong bayan na iba- yong magpakatatag, ipunin ang lahat ng tapang at puspusang luma- ban. Mahigpit na panghawakan ang mga kahilingan para sa tunay na pagbabago para wakasan ang kaapihan at kahirapan. Walang-lubay ang pag-abuso sa kapangyarihan ng rehimeng Duter- te. Ginagamit niya ang militar at pulis at ang absolutong kapangyari- han sa ilalim ng di deklaradong ba- tas militar. Ito ay sa anyo ng Executive Order 70, Memorandum Order 32 at lantarang paghaharing militar sa Mindanao. Kaliwa't kanan ang pamamaslang at pagyurak sa mga demokratikong karapatan. Nitong Oktubre 31, sabay-sabay na inaresto sa Bacolod at Escalante sa Negros ang 57 aktibista at lider- masang manggagawa, magsasaka, kababaihan at taong-midya. Ito na ang pinakamalalang kaso sa isina- sagawang crackdown o malawakang panggigipit sa buong bansa. Halos kasabay nito, lima ding lider masa ang inaresto sa Kamaynilaan, ha- bang isang lider anakpawis ang pi- naslang sa Laguna. Hindi bababa ngayon sa 266 ang pinaslang, ha- bang mahigit 545 ang bilanggong pulitikal. Target ng malawakang panggi- gipit ang mga demokratikong orga- nisasyon dahil sa militanteng pag- tataguyod ng mga ito sa interes ng masa. Nakaamba sa buong bansa ang banta ng pag-aresto at pag- paslang, laluna sa mga lider-masa, mga susing upisyal at organisador ng mga samahang makamasa. Walang ibang pakay ang mga pamamaslang at terorismo ng esta- do kundi ang itarak ang takot sa dibdib ng taumbayan. Hangad ni "Magpakatatag...," sundan sa pahina 2 "39 kaswalti...," sundan sa pahina 3

cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo L Bl g. 2 1

N obyembre 7, 2 01 9

www. cpp. ph

EDITORYAL

Magpakatatag atpuspusang lumaban!

39 kaswalti ng AFP

at PNP

HINDI BABABA SA 19 ang napa-tay at 20 ang sugatan sa hanayng Armed Forces of the Philippi-nes (AFP) at Philippine NationalPolice (PNP) sa mga opensiba ngBagong Hukbong Bayan (BHB) sagitna ng matitinding operasyongmilitar nitong Oktubre. Isinagawaang mga aksyong militar sa Min-doro, Masbate, Samar, Negros atMt. Province.

Sa Occidental Mindoro, pina-sabugan ng mga Pulang mandi-rigma ang dalawang trak ng 4thIB sa Sityo Amaling, BarangayManoot, Rizal noong Oktubre 28.Lulan ng mga ito ang may 60sundalo. Hindi bababa sa sampuang sugatan sa mga berdugo.

Bago nito, isang sundalo angnasawi at dalawang iba pa angsugatan sa 4th IB nang ambusinsila ng BHB noong Oktubre 23.Isinagawa ang opensiba sa Sityo

Sa panahon ng brutal na panunupil, hinihingi sa buong bayan na iba-yong magpakatatag, ipunin ang lahat ng tapang at puspusang luma-ban. Mahigpit na panghawakan ang mga kahilingan para sa tunay na

pagbabago para wakasan ang kaapihan at kahirapan.Walang-lubay ang pag-abuso sa

kapangyarihan ng rehimeng Duter-te. Ginagamit niya ang militar atpulis at ang absolutong kapangyari-han sa ilalim ng di deklaradong ba-tas militar. Ito ay sa anyo ngExecutive Order 70, MemorandumOrder 32 at lantarang paghaharingmilitar sa Mindanao. Kaliwa't kananang pamamaslang at pagyurak samga demokratikong karapatan.

Nitong Oktubre 31, sabay-sabayna inaresto sa Bacolod at Escalantesa Negros ang 57 aktibista at lider-masang manggagawa, magsasaka,kababaihan at taong-midya. Ito naang pinakamalalang kaso sa isina-sagawang crackdown o malawakangpanggigipit sa buong bansa. Haloskasabay nito, lima ding lider masa

ang inaresto sa Kamaynilaan, ha-bang isang lider anakpawis ang pi-naslang sa Laguna. Hindi bababangayon sa 266 ang pinaslang, ha-bang mahigit 545 ang bilanggongpulitikal.

Target ng malawakang panggi-gipit ang mga demokratikong orga-nisasyon dahil sa militanteng pag-tataguyod ng mga ito sa interes ngmasa. Nakaamba sa buong bansaang banta ng pag-aresto at pag-paslang, laluna sa mga lider-masa,mga susing upisyal at organisadorng mga samahang makamasa.

Walang ibang pakay ang mgapamamaslang at terorismo ng esta-do kundi ang itarak ang takot sadibdib ng taumbayan. Hangad ni

"Magpakatatag...," sundan sa pahina 2 "39 kaswalti...," sundan sa pahina 3

Page 2: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

Nobyembre 7 , 2019 ANG BAYAN2

Tomo L Bl g. 21 | N obyembre 7, 2 01 9

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Duterte ang "katahimikan." Tahimiksa kanya kung walang bumabatikossa mababang sweldo at sahod. Wa-lang kumokontra sa kontraktwalisa-syon. Walang nagrereklamo sapang-aagaw ng lupa, pabigat na upaat usura. Walang tumututol sa pag-tatayo ng mapaminsalang mga dam,mga mina, proyektong pang-im-prastruktura at panturismo at pag-lawak ng mga plantasyon sa kapin-salaan ng mga magsasaka't katutu-bo. Walang humihiyaw sa harap ngpagsirit ng presyo at kawalang tra-baho. Walang nag-iingay laban sakorapsyon at krimen ng pulis at mi-litar.

Katahimikan ang layunin ni Du-terte para sa malalaking burgesyangkomprador, panginoong maylupa atburukratang kapitalista. Katahimi-kan para sa tuluy-tuloy na pagkamalng yaman, pagpiga sa dugo't pawisng mga manggagawa at mga magsa-saka, pagdambong sa kabang-ya-man, pagwasak sa kalikasan at pag-suko sa mga dayuhan ng kasarinlanng bansa. Nais ni Duterte na mana-himik ang lahat sa harap ng kanyang

pakana na panatilihin ang sarili sakapangyarihan. Ayaw niya na mayalingasngas maging sa kanyang lu-mulubhang kundisyong pangkalusu-gan.

Hindi dapat pumayag ang ba-yan na maghari ang takot at ma-patahimik ang lahat. Dapat mag-punyagi ang lahat sa landas ng pa-kikibaka. Huwag pahintulutang tu-luyang maghari ang takot, teroris-mo at tiraniya. Buklurin ang pina-kamalawak na hanay ng mamama-yan para ipaglaban ang demokra-sya. Likhain ang nakayayanig naingay ng sabay-sabay na pagsigawng bayan.

Dapat magpunyagi ang lahat sapagtatanggol at paggamit ng kani-lang mga karapatan sa pag-oorga-nisa at pamamahayag. Dapat nilangpapanagutin si Duterte at ang kan-yang mga armadong kampon sapang-aabuso sa batas at pag-apaksa kalayaan, maging yaong ginaga-rantiyahan ng konstitusyong 1987ng reaksyunaryong gubyerno.

Sa kasalukuyan, mayroon pangpuwang para sa ligal na pakikibaka,

kahit pa unti-unti itong pinakikitidng pasismo ng estado. Dapat ipur-sige ng lahat ng mga demokratikongorganisasyong makamasa ang kani-lang katayuang ligal. Dapat puspu-sang isulong ang pakikibaka ng iba'tibang sektor para sa kanilang ka-galingan: umento sa sahod, pagba-sura sa liberalisasyon sa importa-syon ng bigas, tunay na reporma salupa, subsidyo sa edukasyon, kalu-sugang pampubliko at iba pangserbisyong panlipunan, ayuda samga sinalanta at iba pa.

Habang nagpupunyagi sa paki-kibakang ligal, dapat magpakahu-say ang mga lider-masa, mga upi-syal at organisador sa mga pama-maraang lihim upang biguin angkaaway sa kampanya nito ng mgapagpatay at pagkukulong. Matu-tong magsikreto sa araw-araw napagkilos upang manatiling bulag atbingi ang kaaway. Maging mapan-likha sa mga paraan ng pag-ugnay,pagpukaw, pag-organisa at pagpa-pakilos sa taumbayan. Ang malawakna masa ang magsisilbing makapalnilang gubat ng proteksyon at su-porta.

Sadyang mahirap at puno ngsakripisyo ang kalagayan ng mgalider masa at aktibista na sinusupilng tiranikong rehimen. Dapat silanghumalaw ng inspirasyon at tapangsa masa at sa kanilang minimithingkatarungan at hinahangad na kala-yaan. Sa kabilang panig, dapat si-lang maging huwaran ng tapang atpagpupunyagi.

Ang kampanya ng todong pa-nunupil ng rehimeng US-Duterte aytiyak na mabibigo. Habang laloitong pinatitindi, lalong dumaramiang napupukaw at gustong sumapisa mga organisasyong makamasa atlumahok sa mga demokratikong pa-kikibaka. Pinangingibabawan angtakot ng kapasyahang labanan atwakasan ang brutal, traydor, korapat kriminal na rehimen.

Laging nakahandang kanlunginang lahat ng tinutugis ng pasistangrehimen sa loob ng mga sona at ba-Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontri busyon sa anyo ng mga

arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

"Magpakatatag...," mula sa pahina 1

Editoryal: Magpakatatag at puspusanglumaban! 139 kaswalti sa AFP at PNP 1Baryo sa Samar, binomba ng militar 3Ang paglaban ng Barangay Ekserya 4Panggigipit sa Kamaynilaan 4Tanim-ebidensya laban sa mga aktibista 5Katiwalian sa BOC 5Lider-mangingisda, pinatay 5Buhay na demokrasya sa mga tribu 6Lumalawak na agwat sa kabuhayan 7Di-makataong pagtrato sa mga bilanggo 7Protesta ng mga magsasaka 7Pasismo sa mga eryang nilindol 8Mga mamamahayag, delikado sa Pilipinas 8Anti-imperyalistang kumperensya sa Cuba 8Mga protesta sa buong mundo 9

"Magpakatatag...," sundan sa pahina 3

Page 3: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANG BAYAN Nobyembre 7 , 2019 3

seng gerilya sa piling ng masangmagsasaka at sa ilalim ng demokra-tikong kapangyarihan ng bayan.Nakahanda ang lahat ng yunit ngBagong Hukbong Bayan (BHB) naibigay sa kanila ang kailangan ni-lang proteksyon.

Dahil sa panunupil ng pasistangestado, patuloy na dumarami ang

gustong sumapi sa BHB at lumahoksa armadong pakikibaka. Dapatmagpursige ang BHB sa pagpapaig-ting ng digmang bayan. Ang mata-tagumpay na mga taktikal na open-siba ay nagbibigay ng lakas ng loobsa bayan dahil alam nilang mayroonsilang tunay na hukbong masasan-digan.

"39 kaswalti...," mula sa pahina 1 Baryo sa Samar,

binomba ng militar

NAGHULOG NG TATLONG bom-bang tig-227 kilo ang mga eropla-nong FA-50 ng Philippine AirForce sa Barangay Caputoan, LasNavas, Northern Samar noongOktubre 26, alas-6 ng umaga.Ihinulog ang mga bomba isang ki-lometro lamang ang layo mula sasentro ng barangay. Winasak ngmga ito ang mga sakahan ng hindibababa sa 13 pamilya, gayundinang kanilang mga bahay, mgainaning palay at iba pang ari-ari-an. Ang operasyon ay iniutos ngJoint Task Force Storm ng ArmedForces of the Philippines CentralCommand at 8th ID.

Matapos ang pambobomba,dumating ang mga helikopter atwalang habas na pinaputukanang lugar. Ipinagmayabang pang 8th ID ang kinuha nilang la-rawan ng lugar na binomba kungsaan makikita ang nyugan at ba-hay ng sibilyan. Pinamumunuanni MGen Pio Diñoso ang berdu-gong 8th ID.

Dahil dito, napilitang lumikasang mahigit 24 pamilya at nag-pakanlong sa Barangay L. Emponat Barangay Paco. Ang ilan pa aylumikas patungong sentrong ba-yan. Ayon sa mga residente, ma-higit 140 sundalo ang umaaligidsa kanilang baryo at naglulunsadng matinding operasyong militar.Bahagi ito ng kabuuang 500-ka-taong pwersa ng 20th IB at 81stRecon Coy na humahalihaw salugar. Pinagbabawalan din angmga magsasaka na pumunta sakanilang mga sakahang sinalantang mga operasyon. Umaabot nang isang buwan ang operasyon ng8th ID na tinatayang nagwaldasna ng P6 milyong pondo ng ba-yan.

"Magpakatatag...," mula sa pahina 2

Mantay, Barangay Monteclaro, SanJose, sa parehong prubinsya.

Mula pa Abril naglulunsad ngnakapokus na operasyong militarang AFP at PNP sa mga bayan ngRizal, San Jose at Magsaysay, Occi-dental Mindoro at sa Bongabong,Roxas, Mansalay at Bulalacao, Ori-ental Mindoro. Patuloy din ang pag-hahasik ng mga ito ng takot sa mgaresidente ng Sablayan at Calintaansa Occidental Mindoro, at Victoriaat Socorro sa Oriental Mindoro. Pa-ngunahing apektado ng mga opera-syong ito ang kabuhayan ng mgakatutubong Mangyan at magsasakasa lugar.

Sa Masbate, inambus ng BHBang mga elemento ng 2nd IB nanag-ooperasyon sa hangganan ngmga barangay ng Mabiton at Tagui-lid sa Claveria noong Nobyembre 1,alas-11 ng umaga. Lima ang nasawiat isa ang sugatan sa hanay ng AFP.Kasunod nito, hinaras ng isa pangyunit ng BHB-Masbate ang kampong 2nd IB sa Barangay Togoron,Monreal, bandang alas-3 ng hapon.Noong Oktubre 31, isang trak lulanang mga tropa ng 2nd IB ang inam-bus ng mga Pulang Mandirigma sakahabaan ng Barangay Panisijan,Uson.

Sa Northern Samar, matagum-pay namang hinarap ng BHB angmatinding operasyon ng 20th IB at81st Division Reconnaissance Com-pany sa Las Navas mula unang ling-go ng Oktubre. Sa mga inilunsad naaksyong militar ng BHB mula Oktub-re 6-16, nakapagtala ng 11 napatayat tatlo ang sugatan sa hanay ngAFP.

Pinarangalan ng BHB-Northern

Samar si Roger Pajenado Cocoya(Ka Uno) na namartir sa labanannoong Oktubre 12. Kinilala ng BHBsi Ka Uno bilang walang-pagod naorganisador ng kanyang kapwa ka-bataan at magsasaka. Aktibo siyangkasapi ng yunit milisya bago nag-pultaym sa hukbong bayan.

Sa panahon ng operasyong mi-litar ng AFP, naiulat ang mga pag-labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka sa lugar.

Sa Negros Occidental, isangelemento ang patay at tatlo angsugatan sa pinagsanib na pwersang 62nd IB at PNP matapos silangi-haras ng mga Pulang mandirigmanoong Oktubre 9 sa Sityo Basak,Barangay Tan-awan, KabankalanCity. Bago nito, pinaputukan ngmga Pulang mandirigma ang mgasundalo ng 62nd IB sa BarangayBuenavista, Himamaylan Citynoong Oktubre 6. Inatake rin angmga tropa ng 94th IB sa Sityo Ca-bangahan, Barangay Bantolinao,Manjuyod, Negros Oriental noongOktubre 3.

Sa Mt. Province, mahusay nanakapagdepensa ang mga kasapi ngBHB laban sa nag-ooperasyong tro-pa ng 5th ID noong Oktubre 24 saSuquib, Besao. Isa ang patay ha-bang isa naman ang sugatan saDivision Reconnaisance Company ng5th ID. Matapos ang labanan, wa-lang habas na nagpaputok ang mgasundalo sa mga sakahan ng mga re-sidente. Kinanyon din nila ng mortarang lugar.

Page 4: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

Nobyembre 7 , 2019 ANG BAYAN4

Ang walang humpay na paglabanng Barangay Ekserya

Matagal nang ipinaglalaban ng mga residente sa Ekserya, isang bara-ngay sa Negros, ang kanilang karapatan para sa lupa sa gitna ng ma-

titinding kampanyang panunupil sa isla. Patuloy nilang ipinagtatanggol angkanilang mga tagumpay, katulong ang sangay ng Partido sa lokalidad at ngmilisyang bayan.

Nagtanim ng ebidensyangmga pasabog ang mga pulis upangsampahan ng gawa-gawang kasoat hindi makapagpyansa ang mgabiktima. Si Agovida ay pangulo ngGabriela-Metro Manila habang siBartolome naman ang upisyal sakampanya ng Kadamay-MetroManila.

Kasunod nito, nilusob ng mgapulis ang upisina ng Bayan-Metro

Manila sa Clemente St., Barangay183 sa Tondo, Manila noong Nob-yembre 5, ala-una ng madalingaraw. Nagtanim din ng ebidensyaang mga pulis at iligal na dinakipsina Ram Carlo Bautista, direktorsa mga kampanya ng Bayan-Ma-nila, si Alma Moran, myembro ngkalihiman ng Manila WorkersUnity, at si Ina Nacino, koordi-neytor ng Kadamay-Manila.

Panggigipit sa Kamaynilaan

ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis ang mag-asawang aktibista na sinaCora Agovida at Michael Tan Bartolome sa kanilang bahay sa Paco, Mani-la noong Oktubre 31, alas-5 ng umaga. Nagmula sa Manila Police Districtat Criminal Investigation and Detection Group ang mga nang-aresto.

Isa si Kasamang Dereba sa mganakasaksi sa pag-usbong ng rebo-lusyonaryong kilusan sa baryonoong 1983. Sinalaysay niya angpagsisimula nito at mabilis na pag-kakaisa ng mga residente. Aniya,mabilis na naintindihan at naisabu-hay ng mamamayan dito ang mgapagpapahalaga at prinsipyo ng re-bolusyon. Maagap din nilang nai-lunsad ang kanilang mga pakikiba-kang masa laban sa mga despoti-kong panginoong maylupa sa lugar.Sa simula, nakasentro ang kanilangpakikibaka sa pagpapababa ng upasa lupa. Sa kalaunan, naipagta-gumpay nila ang pagkakaroon ngsariling lupa nang hindi na nagba-bahagi ng ani sa panginoong may-lupa.

Salaysay ni Ka Dereba, kasabayang baryo sa mga liko't ikot na di-nanas ng rebolusyon. Noong dekada1980, dumanas ito ng mga problemadulot ng mga kamalian at kahinaansa ideolohiya, pulitika at organisa-syon. Sa pagitan ng 1985 hanggang1992, nagtamo rin ito ng mga pag-atras. Sa panahong ito, dumanasang mga residente at mga kasamang matitinding kahirapan. Sina-mantala ng mga panginoong maylu-pa ang kalituhan sa hanay ng mgakadre at mababang moral ng mgakasapi sa Partido at mamamayanpara muling maghari-harian. Tu-mindi ang militarisasyon at pama-maslang.

Matapos manawagan ang Par-tido para pagtibayin ang batayangprinsipyo at pagwawasto ng mgakamalian, nagsimula ang re-konstruksyon ng baseng masa saNegros. Noong kalagitnaan ngdekada 1990, nagsimula ang mgakampanyang masa laban sa pagmi-

mina at pangangamkam ng lupa saEkserya. Sa simula, 500 residenteang kumilos sa kampanya.

Mula rito, itinayo ang sangay ngPartido para ipatupad ang mgatungkulin sa ilalim ng kilusang pag-wawasto. Itinayo nito ang mga gru-po ng Partido at komite at pinabilisang rekrutment sa Bagong HukbongBayan. Sinaklaw ng lokal na sangayng Partido ang 300 pamilya.

Sa gitna nito, walang lubay angpang-aatake ng reaksyunaryongestado. Natatandaan pa ni Ka De-reba kung paano nanalasa angOplan Bantay Laya ng rehimeng US-Arroyo at ang Oplan Bayanihan ngUS-Aquino. Kasabay ng matitindingoperasyong militar ang mga pang-aabuso ng sundalo, pamamaslang,pang-aaresto, panggigipit at ibapang paglabag sa karapatang-tao.Hindi ininda at inigpawan itong la-hat ng mamamayan ng Ekserya.

Mahigpit na pinanghawakan ngorganisasyon, katuwang ang mili-syang bayan, ang pagtiyak sa se-guridad ng mga residente ng bar-

yo. Naglunsad sila ng mga aksyongmilitar bilang aktibong depensalaban sa kaaway, at bilang suportarin sa mga taktikal na opensiba ngBagong Hukbong Bayan. Pinaganang sangay ang mga komite ng mgaganap na samahang masa, parti-kular ang komite sa produksyon.Pinakinabangan ng komunidad angani ng kanilang mga kolektibongsakahan. Regular silang nakapag-papadala ng suporta sa mga Pu-lang mandirigma.

Sa ngayon, ipinailalim ni Du-terte ang Negros sa de facto nabatas militar. Sa harap nito, patu-loy ang pagtatanggol ng Ekserya sakanilang lupa at nakamit nang mgatagumpay ng mga residente nito.Patuloy na gumagana nang nagsa-sarili ang lokal na sangay ng Parti-do. Sa gayon, nakatutulong sila sapagsusulong sa komprehensibonggawain ng BHB sa lugar.

Page 5: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANG BAYAN Nobyembre 7 , 2019 5

Tanim-ebidensya laban sa 57 aktibista

Iligal na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at mga sundalo ng 3rdIB ang 57 aktibista sa Negros noong gabi ng Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Itinuturing itong pangatlong bugso ng madugo at iligal na Oplan Sauron saisla. Sa tangkang gawing lehitimo ang operasyon, nagtanim ng mga ebiden-syang baril ang mga sundalo at pulis sa mga upisina ng mga inaresto saBacolod at Escalante.

Nagtanim din ng ebidensyangpasabog ang mga pulis para hindimakapagpyansa ang mga inaresto.Naglagay ng mahigit 30 pistola atmga bala sa iba't ibang bahagi ngmga upisina at ibinintang sa mgaaktibista. Nakunan pa ng bidyo ngisang myembro ng alternatibongmidya ang mga pulis habang kun-wa'y naghahalungkat ng mga barilat bala sa isang itinanim na bag.

Ang mga iligal na inaresto aymga lider at myembro ng BayanMuna, Gabriela, National Federati-on of Sugar Workers, at KilusangMayo Uno (KMU). Kabilang dito ang21 manggagawa ng Ceres Bus Linena noo'y nakikipagkonsultahan saKMU.

Inaresto rin ang mga myembrong Teatro Obrero at Teatro Bung-kal. Karamihan sa mga myembro ng

mga ito'y mga bata at kabataan nanag-eensayo para sa nalalapit naokasyon sa prubinsya. Isang kaga-wad ng alternatibong midya naPaghimutad ang dinakip rin. Lahatng mga inaresto ay inakusahangmga kasapi ng Bagong Hukbong Ba-yan at sinampahan ng gawa-ga-wang mga kaso.

Ayon sa Karapatan, ang mala-wakang iligal na pag-aresto ay pa-latandaan ng pinaigting na panu-nupil hindi lamang sa isla kundi sabuong bansa. Layunin umano nitongpatahimikin ang mga progresibo,aktibista at mga kritiko ng rehimengDuterte. Nakiisa rin ang Interna-tional Coalition for Human Rights inthe Philippines at Amnesty Inter-national sa pagkundena sa mala-wakang iligal na pag-aresto.

Sunud-sunod na pagkilos ang

inilunsad ng mga pambansa-de-mokratikong organisasyon sa Neg-ros at Metro Manila para kundena-hin ang mga pag-aresto. Nagpiketang mga progresibong grupo saharap ng Camp Crame sa QuezonCity noong Nobyembre 4. Kinunde-na rin ng mga progresibong gru-pong nakabase sa Melbourne,Australia at sa Los Angeles, Ca-lifornia at New York sa US ang iligalna pag-aresto.

Nitong Nobyembre 6, pinangu-nahan ng Makabayan at iba pangaktibistang grupo ang #Pada-yonNegros: National Solidarity Mis-sion sa Bacolod. Binisita nila angmga inaresto at kinundena angpanggigipit ng estado laban sa mgaprogresibo at mga kritiko nito. Nag-tungo naman ang Karapatan saQuezon City Hall of Justice upangkwestyunin ang pag-isyu ni JudgeCecilyn Burgos-Villavert ng magka-katulad na mandamyentong ginamitng PNP sa Bacolod at Maynila.

Nagkaroon din ng kaugnay namga protesta sa Cebu at Iloilo.

Katiwalian sa BOC, laganap

MAHIGIT P234 BILYON buwis ang hindi naipasok sa kaban ng bayan noong2016-2017 dahil sa katiwalian sa Bureau of Customs (BoC). Inilantad ito niHouse Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta sa inihain niyang resolusyonnoong Oktubre. Aniya, laganap ang pamemeke sa mga listahan ng BoC paradayain ang kwenta ng buwis na kinakailangang bayaran ng mga broker (a-hente ng mga importer na nagpoproseso sa pagpasok ng mga kargamento samga daungan).

Dati nang talamak ang korap-syon sa BoC. Laganap dito angpaggamit ng "benchmarking" at"sistemang tara." Ang "benchmar-king" ay isang iskemang nagpapa-dulas sa paglulusot ng mga inangkatna kargamento. Ang "sistemangtara" naman ay tumutukoy sa pag-tanggap ng suhol mula sa mga im-porter o kanilang mga broker.

Sa bawat pagpapalit ng reak-syunaryong rehimen, kunwa'ynagkakaroon ng "paglilinis" sa loobng BoC. Ang totoo, binabalasa la-mang ng nakaupong pangkatin ang

ahensya para ipwesto ang sarilinitong mga tauhan at kopohin angbilyong pondo mula sa mga ano-malya nito.

Lider-mangingisda,

pinatay

PATAY SA PAMAMARIL si Rey-naldo Malaborbor, 64, sa tapat ngkanyang bahay sa KatapatanSubdivision, Cabuyao City, Lagu-na noong Nobyembre 4, alas 9 nggabi. Si Malaborbor ay myembrong Pagkakaisa at Ugnayan ngMagsasaka sa Laguna (Pumalag)at Makabayang Koalisyon ng Ma-mamayan-Timog Katagalugan.Siya ay dating bilanggong pulitikalna inaresto noong Oktubre 5,2010 at nakalaya noong 2015.

Kilala sa Laguna si Mala-borbor bilang beteranong aktibis-ta. Bago paslangin, naging bahagisiya sa pag-organisa ng welga saNutriAsia sa Cabuyao noongHulyo. Naging koordineytor dinsiya ng Makabayan noong elek-syong Mayo.

Page 6: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

Nobyembre 7 , 2019 ANG BAYAN6

Mula sa mga rehiyon

Buhay na demokrasya sa pagresolbasa mga tunggalian ng mga tribuSa kabila ng pag-iral ng pasistang tiraniya, binubuhay ng mamamayan ang de-mokrasya sa landas ng pakikibaka. Matatagpuan ito sa mga organisasyon ngmamamayan, kanilang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at gubyer-nong bayan, sa loob ng Partido Komunista at ng Bagong Hukbong Bayan.

Sa Cordillera, dumadaloy ang demokrasya sa ugnayan ng mga katutubo atPartido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan. Matingkad ito

sa mga pagkakataon kung saan namamagitan ang mga kadre ng Partido athukbong bayan sa mga tunggaliang pana-panahong umuusbong sa pagitan ngmga katutubo ng rehiyon. Sa mga pagkakataong ito, mahigpit ang pagtanganng mga rebolusyonaryo sa linyang masa na nagbubuklod sa masang inaapi atpinagsasamantalahan at nilulutas ang mga kontradiksyon sa kanilang hanaysa di-antagonistikong paraan.

Nagsisilbing tagapamagitan angmga Pulang mandirigma para iwa-san ang pagputok ng mga digmangtribu at malutas sa mapayapangparaan ang mga hindi pagkakauna-waan. Pinangingibabaw nito angpanawagang "Rebolusyonaryongdigmang bayan, hindi digmaan ngmga tribu."

Isang tampok na karanasan angpagharap ng yunit ng BHB sa kasong pagpaslang ng mga katutubongBaclingayan sa tatlong katutubongAgawa noong Mayo. Ang mga Bacli-ngayan ay mula sa tribung Belwangsa Sadanga, Mountain Province ha-bang ang mga Agawa naman aymula sa Barangay Nabanig, Besao,ng parehong prubinsya. Naganapang insidente sa kagubatang nasahangganan ng Besao at Tubo, Abra.

Nang mapabalita ang pangya-yari, agad na kumilos ang yunit ngHukbo na sumasaklaw sa lugarupang tumulong sa agarang pagre-solba ng insidente. Para iwasan angpagputok ng digmang tribu, hinimokng mga kasama ang mga panglaka-yen (lider ng tribu) na tumindig paraagaran at mapayapang malutas angusapin. Lumabas sa imbestigasyonng BHB na agawan ng rekurso atteritoryo ang ugat ng insidente. Pa-rehong itinuturing ng mga Agawa atBaclingayan na teritoryo ang natu-rang kagubatan.

Gamit ang resulta ng imbesti-gasyon ng BHB bilang batayan, na-

nawagan ang Cordillera People'sDemocratic Front sa mga pangla-kayen na iwasan ang digma. Nag-hanap ng paraan ang mga kadre atmandirigma para magharap angdalawang panig at maresolba angsigalot sa pinakamadaling panahon.Ilang araw matapos ang insidente,sumang-ayon ang mga panglakayen

sa isang dayalogo na pamamagitanng BHB. Dito, inihapag ang paunangimbestigasyon ng BHB sa insidenteat kinuha ang salaysay ng akusado.Pumayag ang mga Baclingayan naisuko at ipailalim sa bagta o mgabatas ng bodong ang maysala. Angbodong ang tawag sa kasunduangpangkapayapaan ng mga tribu saCordillera.

Isa lamang ang insidenteng itosa maraminang kasonghinarap at ni-lutas ng BHBsa Cordillera.Sa mga kasongmay saksi, ki-nukuha angmga salaysayng mga ito.Dinidinig ang

lahat ng ito ngpanglakayen ng dala-

wang tribu. Itinatakda ng dalawangtribu ang karampatang danyos parabigyang hustisya ang mga biktima.Sa mga ugnayang ito, napapanatiliang kaisahan ng mga tribu sa ilalimng tradisyunal na bagta.

KABALIKTARAN SA PRAKTIKA ng rebolusyonaryong kilusan, ginagamitng AFP at reaksyunaryong estado ang katutubong mga kaugalian atinstitusyon gaya ng bodong upang palalain ang hindi pagkakaunawaanng mga tribu sa Cordillera. Sa panahon ng mga operasyong militar, ma-dalas na inuudyukan ng mga sundalo ang mga sigalot para pag-away-a-wayin ang mga tribu. Sinasamantala ng AFP at ng estado ang kanilanghindi pagkakaisa para itulak ang mga pahirap at kontra-mamamayangproyekto sa kanilang lupang ninuno tulad ng mga dam, plantang pang-e-nerhiya at iba pa.

Sa kasaysayan, umabot ang pang-uudyok ng AFP sa pag-aarmas nitosa mga tribu. Noong dekada 1980, inarmasan nito ang tribung Basaopara wasakin ang pagkakaisa ng mga tribu laban sa Chico River DamProject. Sa ilalim naman ng rehimeng Duterte, ito ang pangunahing la-man ng tinaguriang "IP-centered approach" ng programang kontra-in-surhensya.

"Demokrasya...," sundan sa pahina 7

Pang-uupat ng AFP sa mga tribu

Page 7: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANG BAYAN Nobyembre 7 , 2019 7

Lumalawak na agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap

INIULAT NG FORBES noong Oktubre ang muling paglobo ng yaman ng pi-nakamalalaking burgesya kumprador sa bansa. Inilahad nito na pare-pare-hong tumaas ang net worth (o halaga ng ari-arian) ng siyam sa sampungpinakamayamang bilyunaryo sa bansa. Pinakamalaki ang itinaas ng yamanni Hans Sy (16%, tungong P140 bilyon), anak ng yumaong kapitalistang siHenry Sy.

Hindi kataka-taka na ika-siyamang Pilipinas sa listahan ng CreditSuisse noong Oktubre ng mga ban-sang may pinakamalawak agwat sapagitan ng mahirap at mayaman.

Sa ilalim ni Duterte, lumobo anghalaga ng ari-arian ng sampung pi-nakamayayamang kumprador nang

(14%), mula P2.5 trilyon noong2016 tungong P2.7 trilyon noong2018. Sa kabilang banda, ipinakikitang konserbatibong datos ng reak-syunaryong estado na aabot na sa28.8 milyong Pilipino (tatlo sa ba-wat sampu) ang nagtitiis sa masmababa pa sa P70 kada araw.

Protesta sa Buwan

ng Magsasaka

Di-makataong pagtrato sa mga bilanggo, kinundena

ISINALARAWAN NG KAPATID bilang nasa "kritikal na kalagayan" ang mgabilanggo sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Ang Kapatid ay or-ganisasyon ng mga kapamilya at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.Namatay ang 29 bilanggo resulta ng "lockdown" o pagsasara ng NBP noongOktubre 9. Pulmonya at iba pang sakit ang ikinamatay nila.

Ipinagbawal ng "lockdown" angmga pagdalaw at winasak ang mgakubol na tulugan ng mga bilanggo.Ayon kay Eduardo Sarmiento, kon-sultant ng NDFP na nakakulong saNBP, matapos ang demolisyon ngmga kubol, siksikan na ang mga bi-langgo sa maliliit na espasyo samaximum compound. Mayorya sakanila ay maysakit at matatanda.Ang ilan ay napipilitang matulog sasahig o sumilong saanmang may bu-bong. Mayroong di bababa sa27,821 bilanggo sa NBP.

Sa pagharap ng Kapatid sa mid-ya noong Oktubre 25, sinabi ng gru-

po na sadyang hindi ginamot ngmga upisyal ng Bureau of Correcti-ons ang mga bilanggo. Binatikos dinnila ang iba't ibang bayarin sa NBP,gaya ng pagbabayad ng kuryente sakada bilangguan. Ibinebenta rin anginuming tubig sa halagang P150habang ang isang lata ng sardinasay umaabot sa P100.

Nanawagan din si Sarmiento napagsama-samahin ang mga bilang-gong pulitikal sa isang gusali sa loobng maximum compound. Mayroongmahigit 60 bilanggong pulitikal nanakakulong sa iba't ibang gusali ngNBP.

DAAN-DAANG MYEMBRO NG mgaorganisasyong magsasaka at mgatagasuporta nila ang nagmartsatungong Mendiola noong Oktubre21 upang gunitain ang Buwan ngMagsasaka. Pinangunahan ng mgamagsasaka mula sa CentralLuzon, Ilocos, Mt. Province atSouthern Tagalog ang kilos pro-testa.

Ipinanawagan nila ang pag-basura sa batas sa liberalisasyonng bigas o RA 11203 dahil bigo itona pababain ang presyo ng bigas.Sa halip, bumagsak ang presyo ngpalay tungong P7 dahil sa pagba-ha ng mga inangkat na bigas.

Maliban dito, libu-libongmagsasaka rin ang napalalayasdulot ng patuloy na pagpapalit-gamit at malawakang pang-aagawng lupa. Halimbawa nito ang NewClark City na sasaklaw sa 9,450ektaryang lupain sa Pampanga atTarlac, at ang Aurora PacificEconomic Zone and FreeportAuthority na sumasaklaw ng12,953 ektarya.

Tinutulan din ng mga magsa-saka ang militarisasyon sa kani-lang mga komunidad. Sa SouthernTagalog, 15 batalyon ang idinep-loy ng AFP sa rehiyon. Apektadorin ang kabuhayan ng mga mag-sasaka sa Cordillera dahil sa pre-sensya ng mga sundalo sa kani-lang mga sakahan.

Binigyang pugay sa rali angmga lider-magsasaka na pinas-lang dahil sa pagtataguyod ngkanilang karapatan para sa tunayna reporma sa lupa. Ayon sa Ka-rapatan, may 216 magsasaka naang nasawi sa ilalim ng rehimengDuterte.

Sa loob ng mahigit apat na de-kadang pagkilos, patuloy na pina-yayabong ng BHB ang praktika sapagharap sa mga tunggalian sapagitan ng mga tribu. Aplikasyonng linyang masa at pakikisalamu-ha sa mga komunidad ang paraanng mga kasama. Dulot ng prinsip-yadong paglutas sa mga sigalot,mataas ang respeto at pagkilalang mga tribu sa rebolusyonaryongkilusan. Napatunayan sa maha-bang praktika na walang kinikili-ngan ang mga kasama sa paglutas

sa mga tunggalian. Patas at wastorin ang iminumungkahi nilang mgaresolusyon. Dahil dito, ang mgatribu na mismo ang humihiling sapartisipasyon ng Partido at BHBsa mga usapan.

Katuwang ang mga tribu, nag-pupunyagi ang mga kasama sa pag-laban sa mga pambabaluktot ngkaaway sa mga katutubong kauga-lian at istruktura. Sa gayon, naita-taguyod ang karapatan sa sarilingpagpapasya at demokrasya sa Cor-dillera.

"Demokrasya...," mula sa pahina 6

Page 8: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANG BAYAN Nobyembre 7 , 2019 8

Pasismo sa mga eryang nilindol sa Mindanao, binatikos

Matapos ang trahedyang dulot ng mga lindol sa Mindanao noongOktubre, nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at

mga rehiyunal na yunit nito sa Southern Mindanao Region (SMR) at FarSouth Mindanao Region (FSMR) na biguin ang militarismo ng rehimeng US-Duterte. Niyanig ang isla ng hindi bababa sa limang magkakasunod na lindolmula Oktubre 16-31. Pinakaapektado rito ang Davao del Sur at North Co-tabato.

Ayon sa PKP, hindi katanggap-tanggap ang utos ni Sec. Delfin Lo-renzana ng Department of NationalDefense na magtayo ng mga tsek-poynt sa mga bayan na labis na si-nalanta.

"Ipinapataw ni Lorenzana angkontra-insurhensyang layon nito sapagbibigay ng agarang tulong,"ayon sa PKP. Pahihirapan ni Lo-renzana ang mga gustong magbigayng agarang tulong. Magreresulta rinito sa malawakang korapsyon atpagnanakaw ng mga suplay ng ayu-da. Malala pa, maaari din niyangipag-utos ang pag-aresto sa mgagrupong nagbibigay ng ayuda sa ta-

bing na hindi sila awtorisado.Iniulat ni Rubi del Mundo ng

NDF-SMR na sa mga labis na apek-tadong lugar, pinipilit ng mga sun-dalo ang mga biktima na patuna-yang sila nga ay sinalanta ng lindol.Ipinaiilalim sila sa interogasyon atpaghahalughog, na pumipigil sa ka-nilang humingi ng tulong at magha-nap ng matutuluyan.

Ayon naman kay Ka Gary Ange-les ng BHB-FSMR, nagrereklamo naang mga biktima sa labis na pagpa-pabagal ng AFP at pagsasarbeylansnito sa mga tulong at serbisyongipinadadala ng mga makataonggrupo at sibilyang organisasyon.

Gayunpaman, ayon sa NDF-SMR, sa kabila ng militarismo ngreaksyunaryong rehimen, patuloyna nakapagpapaabot ng tulong atrehabilitasyon sa mga biktima angmga lihim na organisasyon masalaluna ang mga yunit ng BHB.Nagsisikap ang mga organisa-syong masa at alyado nito namagpaabot ng ayudang makakainat iba pang materyal na tulong samga biktima. Tumutulong namanang mga Pulang mandirigma sapagsasaayos ng mga bahay at sa-kahan at pagsalba sa mga tanimng magsasaka sa mga bulubundu-king lugar.

Hinimok din ni Del Mundo angmga organisasyon at indibidwal nahamunin ang militarismo ng rehi-men sa gitna ng nagaganap na krisisat alamin ang tunay na kalagayanng mga biktima sa mga sentro ngebakwasyon.

Mga mamamahayag, delikado sa Pilipinas

SA TATLONG MAGKAKASUNOD na taon, nanatiling panglima ang Pili-pinas sa mga bansang may pinakamataas na Global Impunity Index(GII) ayon sa ulat noong Oktubre 29 ng Committee to Protect Journa-lists (CPJ). Ang GII ay sumusukat sa bilang ng mga hindi nareresol-bang kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa mga mamamahayag.Nakapagtala ang CPJ ng 41 kaso sa Pilipinas na tinatayang pinakama-laki sa buong mundo.

Kabilang sa listahan angmga bansang may gera tulad ngSyria at Iraq. Kasama rin angSomalia, South Sudan, Afgha-nistan, Mexico, Pakistan atBrazil.

Sa ilalim ng rehimeng Du-terte, 13 mamamahayag na angpinaslang ayon sa National Uni-on of Journalists of the Philippi-nes. Makailang ulit na pinag-bantaan ni Duterte ang mgamamamahayag at hinikayat angpagpaslang sa kanila.

Nitong Oktubre, tatlong kasong pagpaslang at panggigipit samga mamamahayag ang naitala.Sa Arayat, Pampanga, namataysi Jupiter Gonzales, manunulatsa Remate, matapos barilin ng

hindi nakilalang mga suspeknoong Oktubre 20.

Samantala, makailang besesna pinaputukan ang presidenteng Sultan Kudarat ProvincialTask Force on Media Security attagapangasiwa ng Radyo ni Juanna si Benjie Caballero noongOktubre 30.

Kabilang naman sa 57 nailigal na inaresto ng mga pulisnoong Oktubre 31 sa BacolodCity si Anne Kreuger, mama-mahayag ng Paghimutad.

Ang mga kasong ito ay na-ganap ilang araw bago gunitainang International Day to EndImpunity for Crimes againstJournalists noong Nobyembre2.

Anti-imperyalistang kumperensya,

inilunsad sa Cuba

INILUNSAD ANG CUBAN Anti-ImperialistSolidarity Conference for Democracy andAgainst Neoliberalism sa Havana, Cubanoong Nobyembre 1-3. Ang kumperensya ayinorganisa ng Communist Party of Cuba atdinaluhan ng mahigit 1,200 delegado mulasa 95 bansa.

Nagsilbi ang kumperensya bilang ekspre-syon ng pakikibaka ng mga mamamayan ngbuong daigdig laban sa imperyalismo. Tam-pok sa aktibidad ang mga diskusyon hinggil sasumisidhing krisis ng pandaigdigang kapita-listang sistema at tumitinding imperyalistangmga opensiba sa ideolohiya, pulitika, eko-nomya at kultura. Nagkaroon din ng mga ta-lakayan hinggil sa neokolonyalismo, rasismoat iba pang porma ng pang-aapi.

Hinati ang kumperensya sa limang grupona nagbalangkas ng kongkretong mga hak-bang para labanan ang mga patakarangneoliberal na ipinapataw ng US at parahadlangan ang mga digmang inilulunsad ni-to, gayundin ang mga paglabag nito sa in-ternasyunal na batas, karapatang-tao at samga patakaran sa paglalayag at pakikipag-kalakalan.

Page 9: cpp.ph · 2019-11-10 · labag sa karapatang tao sa Bara-ngay Epaw, pagbakwit ng mga resi-dente ng Barangay Sag-od, panda-rahas at panghihimasok sa mapa-yapang pamumuhay ng mga magsa-saka

ANG BAYAN Nobyembre 7 , 2019 9

Sumiklab ang mga protesta saChile, Ecuador at Lebanon. Itinuonang mga ito laban sa mga pataka-rang ipinataw ng IMF-World Bankgaya ng dagdag presyo at buwis, atpagkaltas ng badyet para sa mgaserbisyong panlipunan. Sa Bolivia,Guinea at Iraq, nag-alsa ang mgamamamayan laban sa lantarang ka-tiwalian ng naghaharing uri na ma-luhong namumuhay habang nagdu-rusa ang kalakhan sa labis na kahi-rapan, kawalan ng trabaho at gu-tom. Pumutok din ang welgang ba-yan sa Spain bilang pagkundena sapagkakakulong ng 12 lider-aktibistadahil lamang sa kanilang partisipa-syon sa isang reperendum noong2017 at kasunod na pagdedeklarang kalayaan ng Catalan.

Pinakamalaki sa mga ito angprotesta ng mahigit 1.2 milyon saSantiago, kabisera ng Chile, noongOktubre 25. Sumiklab ang pagkilosnoong Oktubre 7 bilang kampanyalaban sa 4% pagtaas ng pamasahesa tren ($.04 o P2). Dahil sa mabilisna paglawak ng kilusang protesta,natulak si Pres. Sebastian Piñera namagdeklara ng state of emergencynoong Oktubre 18 para bigyangdaan ang pagpapakat ng mga tropang Chilean Army sa pangunahingmga rehiyon ng bansa at pagsupil sapaglaban ng mamamayan. Nagre-sulta ito sa pagkamatay ng hindibababa sa 20 sibilyan, habang2,500 ang sugatan at 2,840 anginaresto. Daan-daan din ang dinu-kot at hindi pa natatagpuan.

Sa harap ng panunupil, nagpa-patuloy ang mga protesta at nagka-mit na ng malalaking tagumpay ang

mga mamamayan. Sa Le-banon, napatalsik sapwesto si Prime MinisterSaad Hariri noongOktubre 29. Natulak din ang ibapang mga rehimen na bawiin angmga repormang neoliberal na ipi-natupad nila.

Bago ang mga protestang su-miklab noong Oktubre, nagkaroonna ng dambuhalang mga pagkilos saFrance (Yellow Vest), Iraq, Russiaat Algeria. Nasa apat na buwan naang mga protesta sa Hongkong.

Liban sa laki ng mga pagkilos,komun sa mga ito ang paunangpagsiklab ng galit ng mamamayansa isa o dalawang partikular na pa-takaran. Pero hindi nagtatagal, lu-malawak ang mga panawagan atdumarami ang sektor, organisasyonat partidong naglulunsad ng kani-kanilang mga pagkilos. Nabubuoang malawak na nagkakaisangprente at nagiging organisado angkanilang mga aktibidad. Napapaki-los sila sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na panawagan, pagpapaliwa-nag at pag-eengganyo para makia-lam, makiisa at kumilos para sa mgakarapatan at kagalingan. Malawa-kan, masinsin at walang tigil angpanghihikayat gamit ang mga dalu-yan ng internet, partikular ng socialmedia. Kasabay nito, malawakanang pagpapalaganap ng tradisyunalna mga porma ng propaganda, tuladng mga polyeto, pahayag, likhangsining at iba pa sa hanay ng mama-mayan. Karamihan sa mga protestaay unang inilulunsad ng mga estud-yante. Lumalawak ang mga ito ka-pag nilalahukan na ng mga mang-

Ang paghugos ng milyun-milyongmamamayan sa lansangan sa buong mundo

Milyun-milyong mamamayan ang humugos at patuloy na humuhugos samga lansangan sa iba't ibang bahagi ng daigdig para ipanawagan ang

pagbabasura sa pahirap na mga patakaran sa kani-kanilang bansa. Dambu-halang mga protesta ang inilunsad sa Latin America, Euro-pe, Middle East at Africa nitong nagdaang mga linggo paralabanan ang mga neoliberal na patakarang pang-ekonom-ya, pagsidhi ng di pagkakapantay-pantay, katiwalian atpambansang pang-aapi sa gitna ng tumitinding krisis ngpandaigdigang kapitalistang sistema.

gagawa at propesyunal.Nahaharap sa maraming hamon

ang mga kilusang protestang ito. Sakasaysayan, nagiging mahirap angpagtutuluy-tuloy ng ganitong mgakilusan, lalupa't wala itong kinikila-lang iisang sentro. Habang nahihi-mok ng mga kilusan ang napakala-wak na mamamayan, nahahatak dinnito ang maliliit na grupong anar-kista at mga nananabotahe. Habangmayorya ang payapang nakikibaka,nagiging tampok ang mararahas naporma ng iilan. Ginagamit ng mgaestado ang mararahas na insidentepara bigwasan ang mga raliyista atsuklian sila ng mas matinding kara-hasan. Gayundin, may mga bansangsinasakyan ng mga dayuhang ka-pangyarihan ang lehitimong pakiki-baka ng mamamayan para makia-lam.

Nakiisa ang Partido Komunistang Pilipinas sa mga kilusang pro-testang ito. Ayon sa Partido, angbugso ng mga kilusang protesta aymagsisilbing inspirasyon sa mama-mayan ng buong daigdig para mag-lunsad ng kanilang sariling mga de-mokratikong pakikibaka at isulongang paglaban para sa pagkakamitng panlipunang hustisya at pam-bansang paglaya. Dapat na magsi-kap ang uring proletaryado na pa-ngunahan ang popular na mgapag-aalsa at maghawan ng daanpara sa muling pagdaluyong ngpandaigdigang rebolusyong prole-taryo, pagwawakas nito.