View
289
Download
6
Embed Size (px)
DESCRIPTION
A Filipino version of the book Holy Engagement by His Divine Grace Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj the Founder-Acharya of Sri Chaitanya Saraswat Math.
Citation preview
NNgg
KKaannyyaanngg BBaannaall nnaa PPaaggppaappaallaa
SSRRIILLAA BBHHAAKKTTII RRAAKKSSAAKK SSRRIIDDHHAARR
DDEEVVAA GGOOSSWWAAMMII MMAAHHAARRAAJJ
Sri Chaitanya Saraswat Math,
Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia
West Bengal, 741302, India
Purihin ang ating Sri Guru at si Gauranga
Tinipon mula sa mga impormal na pakikipag-usap nang
Tagapagtatag at Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math si
SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEV-GOSWAMI MAHARAJ
Sa ilalim nang pamamahala ng Kasalukuyang Acharyya si
SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEV-GOSWAMI MAHARAJ
SRI CHAITANYA SARASWAT MATH, Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dt. Nadia, W. Bengal, 741302, India
Unang Paglilimbag 1993
Ang lahat ng karapatan sa aklat na ito ay pag-aari ng
Sevaite-Tagapangulo at Acharyya ng,
Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip
Isinalin ni
Sri Mahananda Dasa Bhakti Ranjan
Unang Inimprenta noong ika 8 ng Nubyembre, 1993
Ang Araw ng Banal na Pagdating ng Kanyang Banal na Pagpapala
Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj
Isinalin sa wikang Filipino ni Rupa Vilas Dasa noong ika 3 ng Marso 2007
Ang dakilang Araw ng ika 521 Taong Gaurabda, Ang Pagsapit ng
Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu
Inialay ng mga Filipinong deboto para sa kasiyahan ng
Kanyang Banal na Pagpapala si
Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj
Inilimbag at Inimprenta Para sa:
Sri Chaitanya Saraswat Math,
Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia,
West Bengal, PIN 741302, INDIA
Sa mga taga lokal na nagnanais makipag-ugnayan sila ay maaaring sumadya, tumawag
o kaya sumulat sa :
SRI CHAITANYA SARASWAT MATH PHILIPPINES
NAMA HATTA CENTER
#66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo,
Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101
Philippines
Tel. no. 434-3604
MGA NILALAMAN
PAMBUNGAD Banal na Pagbabago . . . . . . . . vi
Unang Kabanata Mga Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook . . . 1
Ikalawang Kabanata Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay
Ikatlong Kabanata Ang Pagkilala sa Dibinidad
Ikaapat na Kabanata Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain
Ikalimang Kabanata Ang Pinakadakilang Bendisyon
Pangwakas Ang Pinakabanal na Gawain
Dagdag Pahina I Sri Rupa Manjari Pada
Dagdag Pahina II Ang May-akda at ang Kanyang Misyon
Paanyaya
Listahan ng mga Aklat
Ang Kanyang Banal na Pagpapala
Srila Bhakti Nirmal Acharya Deva Goswami Maharaj
Ang Humaliling-Acharya at Tagapangulo at personal na pinili mismo
ni Srila Govinda Maharaj upang mangalaga at mangasiwa
sa ating minamahal na Poon at sa mga deboto at kasapi ng
Sri Chaitanya Saraswat Math.
Ang personal na pinili ni
Srila Sridhar Maharaj na humalili sa kanya bilang Acharya nang
Sri Chaitanya Saraswat Math
Ang Kanyang Banal na Pagpapala
Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj
Ang Tagapagtatag at Acharyya ng
Sri Chaitanya Saraswat Math
At ang Maestrong-Pang-Espirituwal ni
Srila Bhakti Sundar Govinda Dev Goswami Maharaj
Ang Humaliling Acharyya at Pangkalahatang Tagapangulo ng
Sri Chaitanya Saraswat Math
Nabadwip, India at sa Pandaigdigan
Pambungad
Banal na Pagbabago
Isang sipi mula sa Ikatlong Kabanata ng Jaivva Dharmma na sinulat ni
Srila Bhaktivinoda Thakur
[Sinalin sa Wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj]
Isang gabi, makalipas ang ilang oras matapos magdilim, mag-isang nakaupo noon
si Sannyasi Thakur, habang umaawit nang Banal na Pangalan. Ito’y nakaupo noon sa
isang maliit na tumpok ng lupa sa isang ilang na balag ng halamanan sa kagubatan ng
Sri Godruma. Habang ito’y nakatingin sa dakong pahilaga, pumaimbulog ang
kabilugan ng buwan, na naglahad nang di-mapapantayang kagandahan sa kabuuan ng
Banal na Lupain ng Sri Nabadwip. Sa di-kalayuan, ay natambad ang Sri Mayapur.
Napabulalas si Sannyasi Thakur, “Oh! Ano itong kagandahang ito? Isang
napakasayang banal na lugar ang nakikita ko. May nakikita akong palasyo, templo, at
mga lagusan, na pawang gawa sa mga mamamahaling hiyas. Ang kabuuan ng tabing
ilog ay naiilawan dahil sa kanilang kinang. At naririnig ko, ang sabay-sabay na
malakas na hiyawan nang Hari-nama Sankirttana mula sa iba’t-ibang lugar, na
dumadagundong abot hanggang langit. At ngayon nama’y nakikita ko ang daan-daang
deboto na kahawig ng ermitanyong si Narada ang nagpapatugtog nang kanilang vinas,
habang sumasayaw at umaawit nang Banal na Pangalan. At sa ibang dako nama’y
makikita ang maputing diyos ng mga diyos, si Mahadeva, habang tangan-tangan nito
ang kanyang tambol na Dambaru, at tumataghoy nang, “Oh Visvambhara, maawa po
Kayo sa akin! Habang parang baliw itong nagsasayaw, at nagpapagulung-gulong sa
lupa. At makikita din sa ibang dako, ang may apat na ulong Panginoong Brahma, na
habang kasamang naka-upo ang mga Rishis na palaging umuusal nang mga
panalanging Veda, ay umaawit naman ng Vedikong mantra,
mahan prabhur vai purusah sattvasyaisah pravarttakah,
sunirmmalam imam praptim isano jyotir avyayah.1
“Ang Panginoong Brahma naman ngayon ang nagbibigay nang kanyang
transedental na paliwanag tungkol sa mantrang ito. At sa ibang dako, ang lahat ng
mga diyus-diyosan na pinamumunuan ng Panginoong Indra ay naglulundagan at
nagtatalunan, habang umaawit ng, ‘Jaya Prabhu Gaurachandra, Jaya Nityananda—
1 Ang Supremong Katauhan ay si Mahaprabhu; Tanging Siya lamang ang Bukal ng ating kaalaman.
Tanging sa pamamagitan lamang ng Kanyang pagpapala maaaring makamit ang busilak na katahimikan.
Siya ang Pinaka-Supremong Katauhan, ang Di-malulupig.”
1
purihin ang Panginoong Gaurachandra, purihin si Sri Nityananda!’ Samantala ang
lahat ng ibon, na nakadapo sa mga sanga ng punong kahoy ay sabay-sabay na umaawit
nang, ‘Gaura-Nitai, Gaura-Nitai!’ At ang mga bubuyog, dahil sa pag-inom nang nektar
ng Pangalan ni Gaura ay pawang nalasing, at naging abala sa kanilang pag-awit sa
buong halamanan. Dahil sa kalasingan nito sa pagtikim nang Estatikong Pag-ibig kay
Gaura na tumatagas sa lahat ng direksyon, inilatag naman ng Inang Kalikasan ang
kanyang kagandahan sa lahat ng kapaligiran. Pagmasdan mo! Kahit sa araw ay wala pa
akong nakitang ganitong bagay sa Sri Mayapur! Ano itong nakikita ko?”
At pagkatapos nito’y naalala niya ang kanyang Banal na Maestro, “Panginoon,
batid ko ng lubusan na ako’y iyong pinagpala dahil binigyan ninyo ako ng isang
sagradong pananaw para makita ang Banal na Mayapur. Kaya magmula ngayon, ako’y
lalabas sa mundo gamit ang isang pamamaraan bilang kasapi ng partido ni Sri
Gaurachandra. Dito sa Banal na Lupain ng Sri Nabadwip ang lahat ay pawang naka-
kuwintas nang Tulasi sa leeg, at may tilaka na dekorasyon sa kanilang katawan ng
mga Banal na Pangalan bilang mga palatandaan. Kaya, ganito din ang aking gagawin.”
Matapos niya itong ito, si Sannyasi Thakur ay nawalan nang malay.
Makaraan ang ilang sandali, siya’y muling nagkamalay. Walang-dudang ito’y may
malay, subalit hindi na niya nakita ang napakagandang pangitaing iyon. At ito’y
tumangis, at nagwika, “Labis-labis akong pinagpala. Ako ay pinagpala nang aking Sri
Guru, dahil kahit sandal, napagmasdan ko ang Sri Mayapur Dham, ako’y kanyang
pinagkalooban nang sagradong pananaw.”
Kinabukasan, itinapon ni Sannyasi Thakur ang kanyang mayavada sannyasa-
danda sa may ilog. At ito ay nagtali nang tatlong paikot na butil ng Tulasi sa kanyang
leeg at naglagay nang dekorasyon sa kanyang noo ng tilaka bilang palatandaan ng
isang Vaishnava. At ito’y umawit at sumayaw nang “Hari! Hari!” Nang makita ng mga Vaishnavas sa Godruma ang kanyang bagong-silang na
kaanyuan at nakakaakit na kasuotan, ito ay nagsipagbigay nang kanilang mga
paggalang, at itinuring ito na higit na pinagpala. Medyo nahihiyang nagsalita si
Sannyasi Thakur, “Walang-dudang tinanggap ko ang kasuotang ito ng isang
Vaishnava, upang ako’y higit na maging karapatdapat sa kanilang mga pagpapala,
ngunit ngayon nalalagay naman ako sa balag ng alanganin. Dahil paulit-ulit kong
naririnig ang talatang ito mula sa bibig ng aking Sri Gurudeva”:
trnad api sunicena, taor api sahisnuna
amanina manadena, kirttaniyah sada harih2 [Chaitanya-charitamrta, Anthya lila 20.21]
2 Kapag itinuring mo ang inyong sarili na masmababa pa kaysa sa damo sa lupa, higit na masmapagtiis
kaysa sa isang puno, walang pinanghahawakang kahit anumang kahambugan, at handang mag-alay ng
kanyang paggalang sa iba—ikaw ay patuloy na makapag-uusal ng Banal na Pangalan.
“Kaya ngayon, anong kapalaran ang maghihintay sa akin kapag ang mga
Vaishnavas na ito na itinuturing ko mismo na aking mga Guru ang siya namang nag-
aalay ng kanilang mga paggalang sa akin?”
Habang siya’y nasa ganitong kamalayan, pumunta ito kay Paramahamsa Babaji at
nag-alay nang kanyang nakadapang paggalang.
Naka-upo noon si Babaji Mahasaya sa ilalim ng mga balag ng baging na Madhavi
habang nagdarasal nang Banal na Pangalan. Nakita niya ang ganap na nagbagong
kaanyuan ni Sannyasi Thakur, at ang puso nitong namumukadkad sa pag-ibig sa
Pangalan, at niyakap ni Babaji Mahasaya ang kanyang disipulo, at pinaliguan ito ng
kanyang mga luha. At kanyang sinabi, “O Vaishnava Dasa, ngayon, nagkaroon na
nang katuparan ang aking ambisyon dahil nadampian ko na ang iyong pinagpalang
katauhan.”
Dahil sa mga pananalitang ito, ang dating pangalan ni Sannyasi Thakur ay naglaho
na. Siya ay naging si “Vaishnava Dasa’ na. Dahil narating na nito ang isang
napakahalagang katayuan, ang isang bagong buhay. Ang dati nitong kasuotang
ermitanyong mayavadi, ang kanyang mapagmataas at palalong katawagan at mga
titulo ng kaayusang sannyasa, at ang kanyang kahambugan---ang lahat ng ito ay
pawang naglaho na.
Isang hapon, maraming Vaishnavas mula sa Sri Godruma at sa Sri Madhyadwip
ang bumisita noon sa Sri Padyumna Kuñja upang magbigay ng kanilang mga
paggalang kay Paramhamsa Babaji Mahasaya at nais din nilang ito’y makaharap. Lahat
sila’y palibot na nakaupo sa kanyang harapan, habang umaawit nang Banal na
Pangalan sa kanilang pandasal na butil na Tulasi. Ilan sa kanila ang lumuluha, at
nananawagan, “Ha Gauranga, Nityananda,” o kaya umaawit nang, “Ha Sitanatha,” o
kaya ng, “He jaya Sachinandana.” Ang ibang Vaishnavas naman ay
nakikipagtalakayan tungkol sa mga espirituwal na bagay. Samantalang umiikot naman
sa Banal na punong Tulasi ang mga bumibisitang Vaishnavas, at nag-aalay nang
kanilang mga nakadapang paggalang sa mga naninirahang Vaishnavas. Kasabay nito’y
umikot din si Vaishnava Dasa kay Sri Vrndadevi, at inihagis ang kanyang sarili sa
alikabok likha nang naglalakarang Vaishnavas. Napansin ito ng ibang deboto, at
napabulalas ang mga matataas at mga iginagalang na Vaishnavas, “Huwag mong
sabihing siya si Sannyasi Thakur—aba’y isa itong kahanga-hangang pagbabago!”
Sa harap nila’y nagpagulong-gulong si Vaishnava Dasa sa lupa. Hiniling nilang
magsalita ito, at ganito ang kanyang sinabi, “Ngayon, nagkaroon na nang katuparan
ang misyon nang aking buhay. Dahil nakamit ko na ang mga alikabok mula sa paanan
ng mga Vaishnavas. Dahil sa pagpapala nang aking Sri Gurudeva, napag-alaman kong
wala palang ibang ligtas na lugar para sa isang kaluluwa kundi doon lamang sa
alikabok na nasa paanan ng mga Vaishnavas. Dahil ang alikabok sa paanan ng mga
Vaishnavas, ang mala-nektar na tubig na ipinanghugas sa paa ng isang Vaishnava, at
ang mga tirang pagkain ng isang Vaishnava---ang tatlong ito ang siyang gamot para sa
karamdaman ng kamunduhan, at ito ang masustansyang ulam para sa mga may
ganitong karamdaman. At ito’y hindi lamang nagpapagaling nang sakit, kundi ito’y
nagkakaloob din ng pinakamataas na ekstasi, kalugud-lugod na kasiyahan sa mga
malulusog na kaluluwa.
“O mga Vaishnavas, huwag po ninyong isiping ipinagyayabang ko ang aking
kagalingan dahil sa ako ay isang iskolar. Napurga na po ang aking kahambugan. Ako’y
isinilang mula sa isang pamilyang brahmana, ang lahat ng mga Banal na Aklat ay
napag-aralan ko na, at ngayon ay nakapasok na sa ikaapat na kaayusan, ang buhay ng
pagiging isang asetiko, buhay ng nagpapakasakit. Dahil dito, higit pang lumago ang
aking ego, ang aking kahambugan. Subalit mula nang ako ay maakit sa prinsipyo ng
mga Vaishnavas, naitanim sa puso ko ang binhi ng pagiging mapagkumbaba. Dahil sa
pagpapala ninyong lahat, unti-unting nawawala ang aking kahambugan, ang
pamilyang aking pinanggalingan, ang aking kayabangan dahil sa pagiging iskolar, at
ang karingalan dulot ng pagiging asetiko ko. Subalit ngayon, napansin kong
nakayayamot na kaluluwa pala talaga ako at talagang walang-kakayahan. At wala
nang ibang masilungan maliban sa lotus na paanan ng mga Vaishnavas. Ang pagiging
brahmana ko, ang pagiging iskolar ko, at ang pagiging sannyasa ko—ang lahat ng ito’y
naging dahilan ng aking pagbagsak. Ngayon, ang lahat ng ito’y aking ikinukumpisal sa
lotus na paanan ninyong lahat; tanggapin po ninyo ako bilang inyong
tagapaglingkod.”
Isang sipi mula sa Sri Dasa-mula
Na nilikha ni Srila Bhaktivinoda Thakura
[Isinalin sa wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj]
yada bhramam bhramam hari-rasa-galad-vaisnavajanam kadacit sampasyams tad-anugamane syad ruci-yutah
tada krsnavrttya tyajati sanakair mayika-dasam svarupam vibhrano vimala-rasa-bhogamsa kurate [8]
Kapag ang isang nagkasalang kaluluwa, matapos itong magpagala-gala sa mga
masmatataas at mga mabababang uri ng buhay, ay nabindesyunan nang isang banal na
sulyap ng isang vaishnava, na ang puso’y natunaw dahil sa labis na pag-ibig sa
Supremong Panginoong Hari, sisibol sa nagkasalang kaluluwang ito, ang kanyang
pagkaakit na mamuhay katulad ng sa mga Vaishnavas. Dahil sa kanyang walang-tigil
na pag-awit at pag-usal sa Banal na Pangalan at mga Kadakilaan ng Panginoong Krsna,
ang kanyang mala-ilusyung kabuhayan ay unti-unting nawawala. Di-magtatagal
makakamit din nito ang kanyang katutubong kaanyuan at ito’y maaari nang
makihalubilo sa mga pagsasaya sa mga dalisay na Paglilingkod kay Sri Krsna.
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Unang Kabanata
Ang Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook
Deboto: Maaari po bang sabihin ninyo sa amin ang tungkol sa Sri Nabadwip
Dham Parikrama (mga paglilibot).
Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj):
Kailangang malaman muna natin ng lubusan kung ano ang tunay na pananaw
sa Nabadwip. Dahil napakarami ang mga sangay dito sa Nabadwip Dham: siyam na
pangunahin. Ito’y sinasabing sila’y kumakatawan sa siyam na bahagi o sekta ng
debosyon, at ito ang:
sravanam kirtanam visnoh smaranam pada-sevanam
arcchanam vandanam dasyam sakhyam atma-nivedanam
Ang Simantadwip ay kumakatawan sa sravana-bhakti, ang pagdinig ng mga bagay
tungkol kay Krsna. Ang kirttan, ay ang pag-awit ng mga bagay tungkol kay Krsna, ito
ay natatagpuan sa Godrumadwip; ang paggunita naman sa Panginoon, ang smaranam,
ay nasa Madyadwip; ang pada-sevanam, ang paglilingkod sa paanan ng Panginoon,
ay nandirito naman sa Koladwip; ang arcchanam, ang pagsamba sa pamamagitan ng
lamparang may ghee, atbp., ay nasa Rtudwip; ang pag-aalay naman ng mga
panalangin, ang vandanam, ay nasa Jahnudwip; ang paglilingkod katulad ng isang
katulong, ang dasyam, ay nasa Modadrumadwip; ang paglilingkod naman sa
Panginoon bilang isang matalik na kaibigan, ang sakhyam, ay nasa Rudrawip; at ang
ganap na pag-aalay nang sariling katauhan, ang atma-nivedanam, ay kinakatawan
naman ng Sri Antardwip, ng Mayapur. Ang mga lugar na ito’y nakaugnay sa siyam na
pangunahing uri ng ating debosyunal na paniniwala. Habang naglalakbay tayo sa mga
lugar na ito, maaalala natin ang mga nakapaloob na kasaysayan sa mga lugar na ito, at
kung papaano ito kumakatawan sa mga nabanggit na lugar. Kapag ang lahat ng ito ay
ating ipinagsama-sama, ito ay masasabing tamang debosyon.
Ang pinaka-basehan nang lahat ng ito, ay ang atma-nivedanam, ang ganap na
pagsuko ng ating mga sarili. At kapag lumampas na tayo sa atma-nivedanam, masasabi
nating ang kapatagan ng ating buhay ay talagang nagbago na. Ang lahat ng ating
gagawin, matapos tayong sumuko sa pinaka-sentro, ay kikilalanin bilang isang
debosyon. At Ito talaga ang sinasabing debosyon. Ang atma-nivedanam ay pagiging
di-makasarili at may karagdagang pag-aalay ng ating sarili. Ang pag-aalay nang sarili
ay sinasabing isang gawain na di-makasarili. Nawawala na ang mga makasariling
gawain at maging ang pagiging di-makasarili ay ating nalalampasan na din, at
pagkatapos, ang buhay na nag-aalay ng ating mga sarili ay nagsisimula—at ito ang
tamang debosyon.
Sa buhay ng isang deboto ay walang pansarili o makitid na interes. Ito’y kumikilos
tanging para sa pangsandaigdigang interes ng Di Mapag-aalinlanganang Kabuuan. Ang
mga deboto’y sundalo nang ganoong kapatagan. Anuman ang kanilang gawin, ang
isipan at inspirasyon ay nagmumula sa pinakasentro, doon sa Mabuting Kalubusan.
Bagama’t kung ating titignan sila’y kabilang sa kapatagang ito na may pag-aaway
away, subalit doon sa loob ng kanilang mga puso ang kuneksyon nila’y nasa Mabuting
Kalubusan; kung ganoon, masasabing ganap na talagang nagbago ang kanilang kulay.
Ang mahalaga, iba na ang mga ikinikilos nang mga deboto bagama’t kung titignan
natin ang mga ginagawa nila’y katulad din ng mga ginagawa nang mga ordinaryong
tao ng mundong ito. Ang mga makamundong tao ay kumakain, at ang mga deboto’y
kumakain din, subalit ang totoo’y hindi sila kumakain: sila’y naglilingkod sa mga
tiring-pagkaing ipinadala sa kanila ng Panginoon. Sa ganitong paraan tumatakbo ang
kanilang buhay.
tvayapabhukta-srag-gandha-, vaso ‘lankara-carccitah
uccista-bhojino dasas, tava mayam jayema hi
Sabi ni Uddhava sa Srimad-Bhagavatam, “Si Maya, ang mapanlinlang na enerhiya,
ay ating malulupig sa pamamagitan ng isang bagay lamang. At ano ang bagay na ito?
Tatanggapin namin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng diwa ng paglilingkod. At
ang lahat ng ibibibigay Mo, O Panginoon, na Iyong natikman at naibigan, ang mga
tirang ito’y amin namang paglilingkuran upang masira na talaga nang lubusan ang
mapalinlang na kapangyarihan.”
Isang magaling na propesor noon, na Kapatid ko sa Pananampalataya, ang
hinamon ng isa niyang nakakabatang kapatid na nakapagtapos din ng pag-aaral, “Ano
ba ang kaibahan sa mga ginagawa ninyo sa loob ng inyong Math? Hindi ba’t pareho
lang naman ng mga ginagawa natin dito?
Sumagot ang propesor na ito,”Aba hindi, hindi, iba ang ginagawa namin sa aming
Math kaysa mga ginagawa ninyo.”
“Ang ibig mo bang sabihin hindi kayo kumakain?”
“Hindi, hindi kami kumakain.”
“Kung ganoon, ano ang ginagawa ninyo? Kasi nakita mismo ng mga mata ko na
kumakain kayo.”
“Aba, hindi, hindi kami kumakain. Hindi kami kumakain katulad ng mga
ginagawa ninyo: hindi kami naglalagay ng pagkain sa aming sikmura katulad ng mga
ginagawa ninyo. Kami’y naglilingkod sa Maha-prasadam. Ang ginagawa namin ay
hindi abot ng inyong kaisipan. Hindi kami kumakain katulad ng ginagawa ninyong
pagkain. Wala sa aming isipan ang pagkain. Wala kaming kinakain, kundi, nagbibigay
galang lamang kami sa mga tirang-pagkain ng Panginoon.”
Ito ang kaibahan sa ginawa ng mga totoong Vaishnavas at ng mga makamundong
tao. Kung ating titignan, pareho lamang ang ginagawa ng mga Vaishnavas at ng ibang
tao: naglalakad, natutulog, kumakain, kasa-kasama ng ibang tao, naghahanap-buhay,
gumagastos, at marami pang ibang animo’y mga magkakatulad na gawain; subalit
lubos na magkaiba ang kanilang paninindigan sa buhay. Dahil ang mga Vaishnava ay
nakaugnay sa pinaka-sentro. Sila’y sumusunod sa direksyon ng pinaka-sentrong
paggalaw samantalang ang mga makamundong tao ay nagagabayan nang kanilang
pansarili at makitid na interes. Ang kaibahan dito, ang isa ay nagagabayan nang
kanyang pansariling interes, samantalang ang isa ay sa Kalubusan, at malayung-
malayo ang agwat nang kaibahan nito. Ang mga Vaishnavas ay nasa bahagi ng
pagwawalang-bahala sa sarili, sila’y kabilang sa bahagi ng mga tumiwalag sa
materyalistang buhay. Sa pagitan ng mga materyalistang tao at ng mga Vaishnavas ay
ang lupain ng ganap na pagtalikod sa materyalistang buhay. Kapwa sila nasa
magkabilang bahagi.
Ang mahalaga ay malaman natin kung ano ang tamang debosyon. Kadalasan, hindi
maunawaan nang mga ordinaryong tao ang nakikita nila sa mga deboto, subalit ito’y
mauunawaan din natin kapag inayos natin ang anggulo ng ating mga pananaw. Ang
kailangan lang ay baguhin natin ang anggulo ng ating pananaw.
Napakaraming mga pangyayari, mga istorya, at iba’t-ibang eksena ang nakaugnay
dito sa Sri Nabadwip Dham Parikrama, subalit ang layun nang lahat ng ito’y upang
matulungan tayong maisaayos ang ating buhay sa kalubusan. Kung ang mga bagay na
ito’y inyong mahuhuli, at napakinggan ang mga naganap na ‘makasaysayang’
pangyayari sa iba’t-ibang lokal na inyong pinag-parikrama, kayo’y makatatanggap
nang eternal na pag-aaral tungkol sa iba’t-ibang konsepto ng debosyon.
Makakaramdam kayo ng inspirasyon.
Ang parikramang ito’y hindi katulad ng mga parikrama nang ordinaryong tao sa
bahagi ng mga Hindus na naglalakbay din sa iba’t-ibang banal na lugar. Kadalasan
ang mga tao ay nagpupunta sa mga banal na lugar at nakikisalamuha sa mga banal na
tao, subalit ang tunay na pakay nila ay upang matulungan ang naghihirap nilang
buhay. Gusto nilang magkaroon nang magandang buhay sa pamamagitan ng tulong ng
mga diyus-diyosan. Ang bagay na ito’y tinatawag na punya-karmma—ayon lamang sa
kanilang paniniwala, nais nilang magkaroon nang mabuting merito at maging
matagumpay ang kanilang buhay. Ito’y hindi Suddha-bhakti. Kakaiba ang layon ng mga tao ng Gaudiya Math at ito’y hindi maaaring ihambing
sa hangarin nang kahit anumang klase ng edukasyon o kaalaman. Dahil sa
kasalukuyan, hindi mawari ng mga iskolar na maaari pala sa mundong ito ang isang
dalisay na espirituwal na buhay. Dahil ayon sa kanila, ang espirituwal na buhay ay
likhang-isip lamang kung kaya’t ang iba’y naghihirap. Ayon sa tinatawag na mga
siyentipikong iskolar, mismong anino nang mga nagsasaliksik sa espirituwal ang
kanilang kalaban, dahil sila daw ay naghahanap ng mga bagay na imposible at
kathang-isip lamang. Ayon sa kanilang palagay, ang mga deboto ay naghahabol
lamang daw sa isang guni-guni at mga sabi-sabi.
ya nisa sarvva-bhutanam, tasyam jagartti samyami yasyam jagrati bhutani, sa nisa pasyato muneh
[Srimad-Bhagavad-gita 2.69]
Subalit sa kabilang bahagi, sa ating pagkakaalam, sa ngalan ng konkretong
katotohanan, sila ang naghahabol sa isang guni-guni—sila ang nasa kabaligtaran. Ang
nais lamang nila’y pawang mga mortal na kahilingan. Ayon sa kanilang palagay ang
imortalidad ay hindi natin makakamit, kung kaya’t, kailangang ipakita pa ni Socrates
kapalit ng kanyang buhay, na ang kaluluwa ay isang immortal, na walang kamatayan.
Subalit hindi parin sila naniwala, “Hindi, wala talagang bagay na immortal, kaya isang
kalokohan kapag binalewala natin ang mortal na kasiyahan, magsaya tayo anuman
meron tayo.” Ito ang naging pananaw nila sa buhay.
Subalit ang normal na pananaw ay ang maging gising tayo sa kapatagan ng buhay
na sa kanila’y isang kadiliman. Ang kaluluwa ay immortal, at mayroong immortal na
mundo at ito ang ating basehan—at hindi lamang ito immortal kundi ito’y isang mala-
nektar na katotohanan. Srnvantu visve amrtasya puttrah: “O kayong mga anak ng
nektar, tandaan ninyo. Kayo ay eternal at kayo ay mga anak ng lupaing iyon. Labis-
labis na ang inyong mga paghihirap. Akala ninyo’y nabiktima kayo nang mortalidad
subalit ang totoo’y hindi. Dahil mayroon kayong nakatagong masmataas na layunin sa
buhay. Umuwi na kayo. Bumalik na kayo sa dati ninyong kalagayan. Bumalik kayo sa
inyong tahanan.” Ito ang pangkalahatang panawagan ng Upanishads, ang
pinakamatanda at sinaunang hayag na Banal na Aklat.
Ang panawagan ng mga tagasunod ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay hindi lamang
para sa teistikong buhay, hindi lamang para sa relihiyosong buhay, kundi
itoy’nananawagan para sa kalubusan ng teistikong buhay: na tumutukoy sa Diyos
bilang bahagi ng ating pamilya—na kapamilya ang Maganda at Marikit na Kalubusan.
“Doon lamang tayo sa kandungan nang mapagmahal na ama, o kaya sa kandungan ng
minamahal ninyong konsorte.”
“Mamatay para mabuhay” ito ang kasabihan nang mga tagasunod ni Mahaprabhu.
Subukan natin. Pagsikapin nating makamit ang tunay na hangarin natin sa buhay.
Walang ibang kompromiso. Hindi tayo dapat magpaubaya, kailangang maging handa
tayo, at kailangang ipaglaban natin ito hanggang sa katapusan. Ang aming Guru
Maharaj, si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ay Acharyya nang
buong Gaudiya Math at ito ang kanyang paninindigan. Hindi siya padalus-dalos, hindi
din siya nagbabaka-sakali o nakikipag-kompromiso kaya—wala, walang ganito.
Si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ay halos mag-isang
nakipaglaban sa buong mundo—nakipaglaban sa lahat ng iba’t-ibang yugto ng kultura
ng mundo. Ang tanging suporta lamang niya ay ang Srimad-Bhagavatam at si Sriman
Mahaprabhu. Sa pamamagitan ng salawikaing, ‘pusong nagagabayan at Diyos sa ating
uluhan,” si Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ay nagpatuloy sa
kanyang gawain.” Sa kanyang ulohan ay si Mahaprabhu at Bhagavatam. Mag-isa itong
nakipaghamok para sa Kanila. At hindi lamang sa Bengal, sa probinsya ni
Mahaprabhu, at hindi lamang dito sa India, kundi siya’y nakipaghamok din sa labas.
Ang gusto niya’y atakihin ang pinakamataas na posisyon ng sibilisasyon—ang
Kanlurang bahagi ng mundo, ang mala-siyentipikong sibilisasyon. Dahil sa labis na
kahambugan at kalagayan ng taga-Kanluran, ibig sirain ni Srila Saraswati Thakur
Prabhupad ang buong istraktura ng maling sibilisasyong ito. Gusto niyang gibain at
tayuan sa ibabaw nito ng isang banal na templo. Ibig niyang magtayo nang isang
templo ng Diyos sa ibabaw ng materyal na mundo. Hindi kalahating hatotohanan ang
gusto niyang ipahayag, kundi ang kalubusan nito: ayon sa kanyang mga pananalita,
“ganap na kalubusan ng teismo” na aayon sa Srimad-Bhagavatam. Huwag tayong
tumigil sa kalagitnaan o magkasya sa kaunting pagsulong, ito’y kailangang maging
lubusan, at naaayon sa Srimad –Bhagavatam.
avismrtih krsna-padaravindayoh
Sa mga linyang ito sumusunod ang konsepto ng teismo. Ito’y patuloy na
namumuhay sa ilalim nang banal na proteksyon ng Banal na Talampakan ni Krsna: ito
ang tamang kaisipan upang maging tuluy-tuloy ang lahat ng ating mga gagawin, “Ang
gabay ay nasa aking ulunan. Ang Banal na Paa ni Krsna ay nasa aking ulunan.” Sa
pamamagitan ng ganitong pag-iisip, di maglalayun madali din nating maaalis ang mga
bagay na kakaiba sa ating kalooban. Ang patuloy na pag-alala sa Lotus na Talampakan
ni Krsna, ang ating relasyon kay Krsna, sa sandaling panahon ay makapag-papawi
nang lahat ng mga balakid sa ating daraanan, at maging ang lahat ng ating katusuhan
at lahat ng hindi marangal. Sabi nga ng aming Srila Guru Maharaj, “Ang Gaudiya Math ay naninindigan para sa lahi ng sangkatauhan.” Mahalagang maunawaan natin
kung bakit ang pagpapaka-alipin kay Krsna ang pinaka-maringal na kalagayan sa
lahat. At ang lahat ng pakikipaglaban sa pamantayang ito’y masasabing isang
katusuhan. Para sa isang maginoong tao, ang tanging pamantayan sa buhay na dapat
nating malaman at tanggapin ay ang kalagayang nagpapailalim sa Di Mapag-
aalinlanganang Katotohanan. Ang tumanggap kung ano ang tama at makatotohanan,
sa ganitong paraan natin isulong ang ating buhay, at hindi sa katusuhan. Ang
maunawaan ang tamang kalagayan natin at maunawaan ang tamang tungkulin at ang
pagsasagawa nito—ay buhay ng isang maginoo; ang tanggapin kung ano ang
katotohanan. Di magtatagal, ang sinasabi nating katusuhan ay mawawala din. At ang
mga bagay na sadyang para talaga sa ating kabutihan at kapakinabangan, ay magiging
malago.
Sa kasalukuyan, tayo ay nasa maruming konsepto ng buhay. Ang ating isipan, ang
ating katalinuhan at ang iba’t-ibang klase ng pagsasamantala ay nagdudulot sa atin
nang karumihan. Mawawala ang lahat ng klaseng dumi mo sa buhay. Magiging
malinis ang inyong buhay at mababantad ang busilak na kadakilaan ng tunay na
sariling nasa kaloob-looban natin, makikita mong mayroon ka palang masayang
debosyunal na kuneksyon sa Super-Kaluluwa, doon sa Super-kaalaman. Makakaharap
mo mismo ang karunungan—na isang malinaw, at personal na kaalaman—kasama ang
mga kagamitan nito at sistematikong kabuhayan.
--- Anuman ang kinagigiliwan mo sa kasalukuyan dito sa materyal na mundong ito ay
malilipat. Madidiskubre mo ang tamang pagmamahal. Sa kasalukuyan, ang inyong
pagmamahal, pagkagiliw, at pag-ibig ay nasa maling direksyon, subalit matatagpuan
din nito ang tamang lugar at katayuan. Ang isang magandang katangian nito, kayo ay
magkakaroon nang isang tunay na lugar at katayuan kung saan ang lahat ng
kapangyarihan ng ating pagmamahal at pagkaakit ay magkakaroon nang isang
espesyal na tulong, at tamang lugar na maaari ninyong puntahan. Ito ang debosyon.
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Ikalawang Kabanata
Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay
Dapat ay kasabikan nating makasama ang mga matataas na saddhus sa halip na
mga ordinaryong tao. Dahil kapag nakihalubilo tayo sa kanila, nangangaraal man tayo
o nanghihingi nang limos o kahit anupaman, ito ay maaaring makasama sa ating
layunin.
vaco vegam manasah krodha-vegam jihva-vegam udaropastha-vegam
etan vegan yo visaheta dhirah sarvvam apimam prthivim sa sisyat
[Upadeshamrtam 1]
Matapos siyang pagpayuhan ni Sriman Mahaprabhu, ito’y masiglang sinulat ni
Srila Rupa Goswami sa pamamagitan ng makatang pananalita.
Vaco vegam—hindi tayo dapat masyadong nagsasalita; hindi tayo dapat
masyadong madaldal, kahit sabihin pang ang sinasabi natin ay mabuti o masama, at
walang patumangga. At ang isa pa, ang manasah, ang ating isipan ay dapat nating
kinokontrol. Kadalasan ang laman ng ating isipan ay pawang pakikipaglaban,
pakikidigma, pakikihamok, at tungkol din sa mga kamangha-manghang bagay na
natuklasan ng siyensya, ang maligalig na paghahanap ng pera, at marami pang iba.
Ang mga taong sakim ay palaging makikitang kasa-kasama ng mga milyunaryo, pero
hindi natin dapat pahintulutan ang ating isipan na naghahangad nang mga ganoong
bagay. Mga magagandang babae naman ang hanap ng mga taong punung-puno ng
mga makamundong pagnanasa. Ito ang hanap nila. Subalit sa mga taong kontrolado
ang isipan, ang laging hanap naman nila ay ang iba’t-ibang konsepto o paniniwala kay
Narayan. Kung ganoon, kailangang kontrolin natin ang pagdaloy nang ating isipan
tungo sa pagsasamantala, sa mga bagay na umaakit sa atin. Huwag nating hayaang
kung saan-saan tayo tinatangay nang agos ng ating isipan.
Krodha-vegam. Minsan ay nagagalit din tayo, subalit ito’y lumilikha lamang ng
kaguluhan. Hindi maiiwasang magkaroon ng reaksyon sa nararamdaman nating galit,
kung ganoon kailangang kontrolin din natin ang ganitong daloy ng ating isipan na
maaaring maging sanhi ng ating ngitngit. Ganunpaman din, lahat ng anumang
mayroon tayo, gamitin natin ito sa paglilingkod kay Krsna.
Kama krsna-karmmapane krodha bhakta-dvesi jane. Ang mga pagbabaka-
sakali, ang mga pagpaplano, atbpa, ay maaaring gamitin din sa Paglilingkod kay Krsna.
Gamitin din natin ang ating galit sa pagtatanggol sa mga deboto, dahil hindi
magtatagal sa pamamagitan nito, ang galit na nasa loob natin ay mawawala rin. Ang
malayang kaisipan naman natin ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng saddhu-sange harikatha. Ang Prajalpa ay mga walang-bagay na usapan tungkol sa mga
makamundong buhay. Piliin din natin kung sino ang dapat nating makasama kung
sila ba’y mga mabubuting tao o hindi.
Jihva-vega ay pagka-akit sa isang partikular na lasa. May mga taong ang gusto
ay maanghang, ang iba ay mapait, meron dyan ang gusto ay matamis, ang iba ay
maasim, atbp. Kailangang pigilan natin ang mga paghahangad nang ating dila na
matikman ang ilang partikular na bagay. Ngunit papaano? Ganito ang paraan, habang
ito’y iyong tinitikman, isipin ninyong ang bagay na ito’y una munang natikman nang
saddhu, ng Guru, o kaya nang Panginoon. Ang mga materyal na bagay ay kailangang
nasa ilalim at pinangingibabawan at kailangang nakatuon ang ating isipan sa bagay na
nasa ibabaw at ang bagay na ito ay tinitikman nang nasa itaas. Ito ang isang
palatandaan kung papaano tayo maaaring makalaya mula sa materyal na panlasa.
Si Mahaprabhu ay umiwas sa pagtikim nang mga bagay na matatamis;
“Sannyasi Ako. Kaya kailangang ibigay Ko ang halimbawa. Pagpuro masasarap ang
tinitikman Ko malamang gayahin Ako at ito’y makasasama sa kanila.”
Pero ganito ang sagot ni Swarup Damodara, “Ito ‘yung sa negatibong bahagi,
pero doon sa positibong bahagi kailangang kumain tayo ng Prasadam. Kailangang
matikman din natin ang inihandang pagkain na kinain ni Jagannath.” Kaya magmula
sa objective na mundo, sa layon ng ating mga mithiin, tayo ay tutungo sa subjective,
doon sa nagingibabaw na bagay. Ipagsama-sama natin ang lahat ng damdamin at
gamitin ito sa masmataas na lupain, at alisin natin ang mga bagay na ito na mula sa
masmababang kapatagan.
Udara-vega. “Gutom pa ako. Hindi pa ako busog, kakain pa ako.” Ang ganitong
pag-uugali na walang kabusugan ay tinatawag na udara-vega.
Jihva-vega ay para sa lasa, sa kalidad, at ang udara-vega naman ay para sa dami.
Ang upastha-vega ay isang pag-uugali o pagnanasang makasama ang mga kababaihan.
Ayon sa itinuro sa atin ang tatlong ito ay nasa isang linya at sila’y magkakaugnay at
nagtutulungan: ang jihva-vega, udara-vega at ang upastha-vega. Kailangang maging
maingat tayo sa pag-aalis ng mga bagay na ito. Dahil ang tatlong ito’y nagdadala o
nagdudulot nang higit na kapahamakan sa ating buhay. Maraming buhay ang sinira na
nila. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pahihikarap natin sa tatlong bagay na
ito.
“Etan vegan yo visaheta dhirah, sarvvam apimam prthivim sa sisyat. Ang sinumang
makaka-kontrol nang tatlong mahihirap na bagay na ito ay masasabing tunay na isang
Goswami, at ang buong mundo’y maaari na niyang kontrolin. Ang lahat ng mga tao sa
mundo’y kaya niyang gawing disipulo. Kahit anupamang dami ng bilang ang kanyang
mga disipulo ang paninindigan nito’y hindi parin nagbabago.” Ito ang mga puntong
ibinigay ni Sri Chaitanyadeva bilang babala sa mga saddhus na nasa ilalim ng
Kanyang watawat.
Kung ganoon paano natin makakasama ang isang saddhu?
dadati pratigrhnati, guhyam akhyati prcchati bhunkte bhojayate caiva, sad-vidham priti-laksanam
[Sri Upadeshamrtam, 4]
Ilapit natin ang ating kalooban sa saddhu sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanya nang mga lulutuin at pagtanggap nang kanyang Prasadam—na para bagang
bigayan. Bigyan natin siya nang mga bagay na kanyang gagamitin, at tanggapin ang
mga bagay na kailangan lamang natin, at hindi mga bagay na hindi pa niya nagagamit.
Huwag nating tanggapin ang anumang bagay na bago, sa halip hangarin natin
ang mga bagay na ginamit na nang Guru at ng mga Vaishnavas, kahit na ito man ay
mga buklaklak na isinabit sa leeg, mga damit na kanilang naisuot na, mga ginamit na
pang-dekorasyon, o kahit anupamang bagay. Kailangang mabuhay lamang tayo sa mga
bagay na ginamit na ng mga Vaishnavas. Ibigay natin sa mga saddhus ang mga bagong
bagay, at mamuhay sa pamamagitan ng kanilang tira-tirahan.
Guhyam akhyati—Kailangang ilahad natin sa saddhu ang nilalaman nang ating
damdamin: Ito po ang nararamdaman nang aking damdamin. Ito po ba’y masama o
mabuti? At kung ito po’y masama, ano ang lunas dito?” Kailangang ilahad natin sa
kanya ang nilalaman nang ating puso upang ito’y kanyang masuri at nang maging
maayos ang ating pagsulong.
Prcchati—magtanong tayo sa saddhu, “Ano po ba ang sikreto nang inyong
kabanalan? Sabihin po ninyo at ito po ang aking gagawin upang makawala ako sa
kinalalagyan ko. Papaano po kayo nakalaya?” Kaya kailangang makolekta natin sa
saddhu ang sikreto ng kanyang tagumpay sa buhay. Bhunkte bhojayate caiva—siya’y
dapat nating pakainin, at tanggapin ang ibinibigay niyang Prasadam.
Tayo ay mapapalapit sa kanya kapag sinunod natin ang kanyang mga tagubilin.
Kapag napasama tayo sa mga masasamang-tao tayo ay magiging masama din, at kapag
mabuting tao, tayo ay magiging mabuti din. May dalawang uri ng tubig: malinis at
marumi. Ang maruming tubig ay maaaring linisin. Kayang alisin nang mga matataas
na saddhus ang mga masasamang isipan ng tao nang hindi sila nahahawa. Dahil
naninirahan sa kanilang puso si Govinda. Si Govinda ay walang-hangganan at kahit
anumang dami ng maruruming bagay ay kaya Niyang inumin, samakatuwid ang puso
ng mga saddhung ito ay hindi nadudumihan.
yare dekha, tare ‘krsna’—upadesa
amara ajnaya guru hana tara ei desa
[Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128]
“Sinuman ang makaharap mo, sinuman ang makausap mo, si Krsna lamang ang
ikwento mo.” Ito ang dapat nating maging motto, o salawikain. Ang sinumang
makasusunod sa kautusang ito ay tunay na tagasunod ni Mahaprabhu—at hindi ni
Krsna. Si Krsna ay halos naroroon lamang sa Kanyang mga ka-grupo subalit noong
Ito’y pumanaog bilang si Mahaprabhu ang Kanyang pangunahing layunin ay buksan
ang daan patungo sa Kanyang Lupain. “Sige ipagsabi ninyo. Sige ikalat ninyo. Bilang
isang tunog, sa umpisa’y ikalat ninyo ang Aking katauhan. Ang bagay na ito’y
napakalawak, ito’y pino at epektibo. Dahil sa tunog na iyon, ang lahat ng bagay ay
unti-unti ninyong makikita. Sa umpisa, Ito’y matatagpuan ninyo sa pamamagitan ng
Aking katauhan bilang isang tunog.”
Ang Kanyang katauhan bilang isang tunog ay yumayakap sa lahat ng bagay.
Kahit sa napakalayong lugar ito’y nakararating, at pagkatapos ang Kanyang Pigura,
ang Kanyang Kulay, at pagkatapos ang Kanyang Katangian, at ang Kanyang mga
Kasamahan, at pagkatapos ang Kanyang mga naging Aliwan. At sa panahong iyon ang
kalooban ng isang deboto ay napapalapit sa isang partikular na gawain kung saan ito’y
sumasali sa Lila ng Panginoon.
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Ikatlong Kabanata
Ang Pagkilala sa Dibinidad
Deboto: Noong naririto pa po ang aking Diksha-gurudeva ako po ay kanyang
espirituwal na inatasan, kung kaya’t siya din po ay aking sikha-guru. Noong siya po ay
pumanaw na ako po ay kanyang ginabayan sa pamamagitan ng kanyang mga aklat at
mga naka-tape na aral. Ngayon, siya parin po ba ang aking Sikha-guru? Ang mga aklat
po niya at mga tape recordings ay Siksha-guru ko din?
Srila Guru Maharaj (Srila Sridhar Maharaj): Oo naman, pero ito’y passive, hindi
nakakausap. Kadalasan ay masmabuti pa ang galaw ng Chaittya-guru. Minsan dahil
hindi natin maunawaan ang isang talata tayo ay hindi makausad. Ang nakasulat dito’y
walang-imik na iniharap sa atin, at ito’y kailangang katasin pa muna natin bago natin
ito maintindihan; at ang nakikita ng ibang vaishnava ay maaaring naiiba din. Kung
kaya’t sinasabi sa atin, ‘Jaho bhagavata pada vaisnavera sthane.’ Kung magbabasa ka
nang Bhagavatam magpatulong ka sa isang Vaishnava Acharyya, sa isang titser na
Vaishnava, at basahin ito sa ilalim nang kanilang patnubay, dahil maaaring magkamali
ka sa pag-unawa sa tunay na pananaw nito. Basahin ninyo ang Banal na Aklat na
Vaishnava sa pamamagitan ng tulong ng isang Vaishnava Acharyya. Maaaring
paalalahanan ka nang walang-imik na Siksha-guru, pero papaano kung hindi mo ito
maunawaan, ikaw ay hindi pupuntahan nang libro upang pawiin lamang sa iyong
isipan ang maling konsepto. Kundi ang buhay na Siksha-guru, ang saddhu, ang siyang
magpapaliwanag sa inyo at magtuturo para itama ang mga maling pag-uunawa ninyo.
Ang saddhu at shastra ay kapwa mahalaga, subalit ang masmahalaga sa dalawa ay ang
saddhu. Kung walang buhay na Banal na Aklat—kung walang buhay na saddhu—
naririto ang walang-imik na Banal na Aklat—ang ating shastra—para tulungan
tayo.
Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay passive, hindi nakakausap o walang-imik din?
Srila Guru Maharaj: Ito’y hindi passive o hindi nakakausap, kundi, ito’y isang bagay
na nasa sa loob natin na hindi medyo malinaw at kadalasan ang mga payo nito ay
hindi natin napapansin. Talagang napakahirap unawin ang kanyang mga payo.
Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay maaaring manipestasyon din ng ating Gurudeva
at ni Krsna?
Srila Guru Maharaj: Oo. Kahit nasa harapan tayo nang ating Gurudeva at internal na
nagtanong tayo sa kanya nang, “Ano po ba ang dapat kong gawin. Pagpayuhan po
ninyo ako.” Sa bagay na ito’y may mararamdaman tayo: “Ito ang sinasabi nang aking
Gurudeva.” Kung tayo ay talagang malinis at dalisay ang tunay na solusyon sa sinasabi
niya ay madali nating makukuha.
Kahit habang nagbabasa tayo nang Bhagavad-gita, maaari nating tanungin si
Krsna, “Ano po ba ang tunay na kahulugan ng Inyong sinabi? Hayaan po Ninyong
ito’y maunawaan ko.” Ayon sa ating kalagayan maaari nating maunawaan kung ano
ang sinasabi ni Krsna, “Ito ang ibig sabihin ng mga sinasabi Ko….” Subalit ang bagay
na ito’y malabo, hindi malinaw at depende sa kakayahan ninyong umunawa.
Deboto: Marami sa amin ang hindi po nakausap o kaya ay nakita nang aming
Gurudeva, kung ganoon, papaano po nalalaman nang Maestrong pang-Espirituwal ang
mga ginagawa nang kanyang mga disipulo? At minsan ang Maestrong pang-
Espirituwal ay malayo pa sa kanyang mga disipulo, kaya papaano po sila
nagkakaugnayan?
Srila Guru Maharaj: Nagkakabalitaan sila sa pamamagitan ng mga sulat, nakikita din
ito sa mga pananalita at mula sa ibang tao. Mula sa isa o dalawang tao ay nagkakaroon
siya nang mga pala-palagay sa disipulong ito at gayun din kung ano ang kanyang
ginagawa. Hindi mahirap para unawain ang kalagayan at katayuan nang isang
disipulo, ito’y nakikita sa kanyang mga gawain, sa kanyang mga pahayag, at sa
adhikain nito. Napakaraming mga pamamaraan nang pagsusulit.
Kadalasang sinasabi nating huwag nating husgahan ang isang tao dahil sa
kanyang kasuotan lamang, kundi sa kanyang mga pananalita. Subalit doon sa
debosyunal na buhay ang isang tao ay maaaring husgahan sa pamamagitan ng
kanyang kasuotan at kanyang mga pananalita, sa mga naging buhay nito, at mga
kinagigiliwan, atbp.
Batid nang isang computer expert kung ano ang sira nang isang computer.
Katulad din nito, ang makikilala natin ang katayuan ng isang tao sa pamamagitan
nang kanyang mga pananalita at mga gawa. Ang kanyang mga pagkamasigasig at
pagkaakit sa iba’t-ibang gawain ay ilan lamang sa mga palatandaan kung saan ito
nakalagay.
Kadalasan, may mga taong gusto nang renunsiasyon, o pagtalikod sa mga
material na gawain, may mga taong gustong magsamantala, at may ilang tao na
naaakit sa larangan naman ng debosyon. Sa bahagi ng mga nagde-debosyon may mga
taong ang debosyon ay nagagawi sa pagsamba sa mga Imahen, may ilan naman ay
debosyon sa mga Vaishnavas, meron din sa debosyon sa Guru. Maaari nating suriin
ang kalagayan ng isang deboto ayon sa kanyang natural na pangangailangan. Ano ba
ang ibig nitong malaman? Sa shastras, nakalista ang iba’t-ibang yugto ng mga
pagtatanong at mga tagubilin.
Deboto: Sa pagpanaw po ba ng Maestrong pang-Espirituwal, nananatili parin po ba
ang kuneksyon ng disipulo sa kanyang maestro? Alam parin po ba nang Maestrong
pang-Espirituwal ang mga ginagawa nang kanyang disipulo?
Srila Guru Maharaj: Ilagay natin sa ating isipan na mula sa itaas tayo ay kanyang
nakikita.
Wala tayong sapat na kaalaman kung ano talaga ang ating Gurudeva. Isang
deboto noon na labinlimang taong tuluy-tuloy na lagsilbi bilang isang sannyasi ang
pinagsabihan noon nang aming Guru Maharaj, si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta
Saraswati Thakur, “Hindi mo ako pinansin. Binalewala mo ako.” Makikita nating sa
pamamagitan ng halimbawang ito, napakahirap para sa mga disipulo ang unawain
kung ano talaga ang ating Gurudeva.
Ang sannyasi na ito ay isa sa mga sikat na sannyasis noon sa mga disipulo ni
Srila Prabhupada, subalit noong mga huling araw dito ni Srila Prabhupad ito’y may
ginawang kakaibang bagay at napagalitan nang aming Guru Maharaj, “Hindi mo ba
ako nakita; hindi mo ba alam kung sino talaga ako.”
Sa madaling salita nabatid din namin kung ano talaga ang ibig ipagkahulugan
ni Guru Maharaj, “Mahilig kang humingi sa mga grhasthas—hindi ka nakatulong sa
akin. May salapi at tao ka, inakala mong ito ang gusto ko. Inisip mong ito’y mga pag-
aari mo at sinusuhulan mo pa ako, para ikaw parin ang humawak nang mga lupain
mo. Ang gusto ko ay maging tao kita at siyento-por-siyentong magtatrabaho sa akin,
at hindi kailanman naaakit nang kahit anumang kariktan nang materyal na mundong
ito. Ang gusto ko ay siyento-por-siyentong makatulong ko. Kailangang putulin mo na
ang kuneksyon mo sa labas ng mundong ito. Walang sinuman ang maaaring mag-
impluwensya sa iyo. Kailangang maging malinaw ang bagay na ito sa iyo. Gumalaw ka
sa mundong ito, subalit hindi ka dapat maaakit o makipag-ugnayan sa mundong ito.
Dapat siyento-por-siyentong akin ka. Ito ang dapat na maging damdamin natin. Tao
kita at ikaw ay walang obligasyon sa labas ng mundo. Hindi mo dapat ginagamit ang
salitang Debosyon at nakikiusap sa kanila para sa akin. Ang kailangan ko ay siyento-
por-siyento maging akin ka muna, kung nais mong kumilos sa labas ng mundo—na
kasa-kasama ang ibang tao, pera, katanyagan, o kahit ng anupamang bagay. Hindi tayo
dapat maging maluwag sa ating kuneksyon.”
Sa kabilang panig, sa ngalan ng tao, ganito naman sinabi ni Vasudeva Datta kay
Mahaprabhu, “Tanggapin Mo po sila. Ako na po ang bahala sa kanila. Kung Inyong
mararapatin, kahit habambuhay pa Ninyo akong ilagay sa impiyerno, tanggapin
lamang po Ninyo sila.” Subalit ang ganitong damdamin ay iba naman. Siya’y walang
pagkukulang nang pananalig sa pinaka-sentro; sa halip ipinakita pa niya ang kanyang
matinding pananalig sa pinaka-sentro; katulad nang binitiwan niyang pahayag, na
animo’y nagmamakaawa para sa tao at kahit malagay pa sa alanganin ang buhay.
Deboto: Sa caksu-dana dila yei, janme janme prabhu sei—sinasabi dito na ang taong
nagbibigay sa atin ng transedental na pananaw, na kahit muli pa tayong ipanganak ay
ating kikilalanin bilang aking panginoon. Kaya, ang ibig po ba sabihin nito ay eternal
din ang aming kuneksyon sa aming Maestrong pang-Espirituwal, kahit kami ay muli
pang isilang?
Srila Guru Maharaj: Oo naman. Subalit huwag natin siyang kilalanin sa nakikita ng
pisikal nating mata. Ang mahalaga dito ay makilala natin kung ano ang nasa kanyang
kalooban, habang lumalago ang ating pananaw ito’y nagiging malawak naman. Ang
pananaw natin ay madadagdagan at magiging malago at magmula sa prakrta ito’y
magiging aprakrta, mula sa materyal na kalagayan ito’y magiging transedental. At
habang nagbabago ang ating pananaw, mag-iiba din ang ating pananaw sa ating
Gurudeva. Kadalasan, nakikilala natin ang isang tao ayon sa kanyang panlabas na
kasuotan, at pagkatapos ay sa kanyang katawan, sa kanyang kaisipan, at sa kanyang
dunong. Hangga’t lumalawak ang nakikita nang ating mga mata, nagbabago din ang
ating nakikita.
Acaryyam mam vijaniyat—Sabi nga nang Panginoon, “Sa bandang huli’y
makikita mong Ako pala ang Acharyya. Sa bawat yugto at kaanyuan, Ako ang
makikita mong nagpapagalaw.” Iba’t-ibang Acharyas sa iba’t-ibang gawain. Iisa
lamang ang kanilang paninindigan sa Sri Gurudeva, ngunit, katulad ng mga sanga sa
isang punung kahoy, iba’t-iba din ang Gurudeva. Ganunpaman, ang pinaka-prinsipyo
dito ay nasa acaryayam mam vijaniyat. Ito’y sinusukat magmula sa makapal [gross] na
kalagayan hanggang sa pinaka-pino[subtle]. Depende din sa lalim ng ating pananaw,
may nagkakapareho nang pananaw at may naiiba din.
Ang iba’t-ibang lalim ng pananaw ay naghahayag nang iba’t-ibang realidad
tungkol sa Acharya, at ito’y nagpapatuloy hanggang sa iba’t-ibang Rasas [mga Banal at
Sagradong Pakikipag-relasyon] hanggang doon sa pinakamataas na kalagayan sa
pamamagitan ng yugto-yugtong pamamaraan nang realisasyon. Dahil kung hindi,
ito’y magiging marttya-buddhi, magiging materyal ating pananaw sa Dibinidad, at ang
bagay na ito’y isang krimen; ito’y isang kamang-mangan. Ito’y mali.
Ilayo natin ang ating mga sarili sa bitag na kumikilala sa mga nakikita nating
pisikal na kaanyuan. Sapagkat ang mga mata natin ay mapanlinlang; ito’y hindi
nakakakita nang tamang kaanyuan. Ang tainga din natin ay mapanlinlang. Ang
katauhan ng Acharyya ay hindi indriya-grahya, nakikita nang ating mga pandama;
dahil ito’y indriyatita, higit pa sa nararanasan ng ating mga pandama. At dahil tayo ay
nasa mababang kalagayan, kailangang unti-unti din ang ating pagpasok sa panloob na
mundo sa pamamagitan ng tulong ng taong nasa ating harapan. Dito’y kailangang
laliman pa natin ang ating pananaw. Minsan ay nakikita nating nakasuot nang pan-
lamig ang Acharyya at sa panahon naman ng tag-init iba naman ang kanyang damit,
subalit, bagama’t hindi natin maaaring ihiwalay ang kanyang kasuotan sa kanyang
katawan, hindi natin dapat ito tignan sa kasuotan lamang. Katulad din nito, minsan ay
nakikita nating bata pa ang ating Acharyya subalit sa paglipas nang panahon ito’y
naging matanda na. Kagaya din nito, sa isang panahon ang Acharyya ay may
partikular na katauhan at sa ibang panahon ay iba na. Siya pa rin ang Acharyya na
dumadating sa magkaibang panahon. Kaya mula sa panlabas pumasok tayo sa
internal, sa panloob. Ganun din an gating mga sarili. Kapag ang katawang ito na gawa
sa laman at dugo ay naglaho na at pinong katauhan na lamang ang natitira, makikita
din natin ang Guru sa kanyang pinong katauhan, at hindi tulad ng pisikal na
katauhang ito. May Guru din ang mga Devatas, ang mga Gandharvvas, at ang mga
Siddhas, subalit ang katawan nila at Acharyyas nila ay walang materyal na katawan.
Kaya kailangang umalis tayo sa panlabas na konsepto at pumasok tayo doon sa
panloob na konsepto, dahil ito ang pinakamahalaga sa lahat para sa isang disipulong
may matibay na paniniwala. Subalit hindi nangangahulugang huwag na nating
pansinin ang pisikal na katauhan ng ating Gurudeva, kundi tignan lamang natin ang
tunay na kahalagahan at tunay na katauhang na sa kanyang loob.
Kailangang sambahin din natin ang mga gamit ng ating Acharyya—katulad ng
kanyang balabal, sapatos, sandalyas, atbp.—subalit hindi nangangahulugang ang mga
bagay na ito’y higit na masmahalaga pa o kaya ay mas-superyor pa sa kanyang
katawan. At ang isa pa, halimbawang siya ay ibig nating hilutin o masahiin subalit
ayaw niya, huwag na nating gawin. Gusto man nating masahiin ang kanyang mga paa
subalit ayaw naman niya, “Huwag, huwag, huwag na. Ayoko,” Ito’y huwag na nating
gawin pa. Dapat lamang na mangibabaw ang kanyang internal na kagustuhan. Kaya sa
paraang ito magmula sa magaspang tumungo tayo sa pino, subalit hindi
nangangahulugang dapat lamang nating kasuklaman ang lahat ng nasa labas. Lahat
sila’y dapat din nating igalang, subalit higit nating bigyan nang importansya ang mga
bagay na internal dahil ito’y masmataas, at malalim ang inilalarawan. Eho bahya, age kaha ara. “Mababaw pa, laliman mo pa.” Laliman parin natin hangga’t lumalalim pa
ang ating pananaw.
Deboto: Sa kaso naman po ni Bilvamangala Thakur, ang kanyang guru ay nangusap sa
pamamagitan ni Chintamani na isang babaeng kaladkarin, at mula sa kanya’y nakita
niya ang kanyang Guru.
Srila Guru Maharaj: Subalit hindi ibig sabihin nito’y muli siyang bumalik kay
Chintamani. Si Chintamani ay tinanggap ni Bilvamangala Thakur bilang kanyang
unang Guru. Dahil sa mga naging payo ni Chintamani si Bilvamangala Thakur ay
nagpunta kay Somagiri at sa Vrndaban, at iniwan ang nauna niyang gabay. Kinikilala
niyang kay Chintamani siya nag-umpisa subalit hindi siya namalagi at naglingkod
dito. Eho bahya, age kaha ara. Ang ibig sabihin nang pagsulong ay pagbabawas. Ang
progreso ay parang isang uri din ng pagbabawas, mga pagbabago nang konsepto o
kaisipan, dahil kung hindi ito’y mananatiling di-umuusad at nakapirmis lamang.
Deboto: Ibig po bang sabihin nito’y magmula sa Santa patungo sa Dasya at sa Sakhya
ay itinatapon na ng mga progresibong deboto ang mga Rasas na nasa ibaba?
Srila Guru Maharaj: Kapag nakita na ng debotong ito ang kanyang internal na
hinahanap, siya’y doon na lamang. Ito’y hindi na maghahanap nang masmataas na
Rasa dahil narating na niya ang kanyang huling hantungan.
Sa lahat ng bagay ay may iba’t-ibang grado. Katulad din nito, iba’t-ibang klase
din ng enerhiya: may Goloka-shakti, Vaikuntha-shakti, at may Shivaloka, Brahmaloka, Viraja; at pagkatapos, dito sa materyal na mundong ito’y may mga pag-
uuri din—subalit ito’y depende sa bigat at kapal. Dito sa materyal na mundo ang pag-
uuri ay ginagawa mula sa makapal hanggang sa pinaka-pino. Doon naman sa bahagi
ng jivas ay may mga pag-uuri at grado din. May humahantong sa relasyon ng Dasya sa
Vaikuntha. May mga nakakatawid sa Vaikuntha-dasya at nakakapasok sa Dasya ng
Krsnaloka, kung saan ay matatagpuan ang Madhura-rasa-dasya, Vatsalya-rasa-dasya, mga pangkalahatang uri ng dasya, atbp. Sa lugar na iyon ay makikita ang mga walang-
hanggang pag-uuri. Ang kaluluwa ay walang-hangganan at sa lugar na iyon ang lahat
ng bagay ay pawang walang-hangganan. Ang mga bagay na ito’y tinatanaw natin
mula sa malayo (dig-darshan) subalit ang lahat ng ito’y kabilang sa mga walang-
hangganan. Ang bawat bahagi ng isang walang-hangganan ay walang hangganan din,
kung kaya’t madalas na sinasabi sa atin, “Mag-umpisa na kayong magtrabaho.
Magsimula na kayong maglingkod. Dahil ang kaalaman ay walang katapusan, walang
katapusan pag-aaral, kaya magsimula na kayong maglingkod—magsimula na kayong
mag-debosyon.” Jñane prayasam udapasya—walang katapusang mga pagtatanong.
Walang kasiyahan. Walang katapusan. Pranipata, pariprasna, sevaya. Ang ibig sabihin
ng pranipata ay punung-puno nang pagtitiwala; ang pariprasna naman ay tapat na
pagtatanong; at ang seva, ay paglilingkod, at ang lahat-lahat. Kung wala kayong seva
hindi ninyo maaaring sabihing narating na ninyo ang Kalubusan. Dumulog ka at
maglingkod, at mula sa loob ninyo’y malalahad ang tamang direksyon. Magsimula na
kayong maglingkod. Saanman kayo naroroon, isang napakalaking pagpapala para sa
inyo ang makapaglingkod. Ang pagkakataong ito sa pamamagitan ng Kanyang mga
sugo ay maaaring makamit din ng mga puno at hayop.
Ang paglilingkod ay siyang lahat-lahat. Ito ang konkretong kabuuan; lahat ay
pawang bahagi lamang nito. Kung kayo’y hindi magpapasakop, hindi din kayo
maaaring magtanong. Dahil ang pagtatanong ay hindi nagbibigay nang kasiyahan.
Ang kasiyahan natin ay nasa paglilingkod. Ito ang realidad, ito din ang katotohanan at
ito ang magbibigay nang sukli sa atin.
Bhaktya sañjataya bhaktya. Bhakti, at hindi jñana o ang maaaring magbigay
nang Bhakti at hindi ng anupamang bagay. Hindi kayang ibigay nang jñana ang
bhakti, dahil ang bhakti ay malaya. Tanging ang Bhakti lamang ang maaaring
magbigay nang Bhakti, kaya masasabing ang jñana ay nasa negatibong bahagi. Ang
Bhakti ay malaya. Ang Bhakti ay kalubusan. Ito’y hindi nakasandal sa jñana o kaya sa
karmma. Tanging ang Bhakti lamang ang isinisilang nang Bhakti. Bhakti lamang ang
produkto ng Bhakti. Wala nang iba. Ahaituky apratihata. Ito’y hindi bunga ng
anupamang bagay. Ito’y hindi rin maaaring likhain. Subalit kayang palawakain ng
Bhakti ang kanyang sarili. At ang salitang apratihata—ay walang sinuman ang
maaaring pumigil sa paglago ng Bhakti maliban sa Vaishnava-aparadha, ang magkasala
sa mga deboto ni Vishnu, ni Krsna. Ang Vaishnava-aparadha ay maling konsepto ng
Bhakti, ang maling paggamit sa Bhakti. Ang jñana at ang karmma ay hindi
makapipinsala o makaka-apekto sa Bhakti dahil ang Bhakti ay apratihata, subalit ang
anti-Bhakti ay isang aparadha at ito ang dapat nating pag-ingatan. Yadi vaishnava-aparadha uthe hati-mata. Partikular na kailangang higit tayong maging maingat sa
paggawa nang Vaishnava-aparadha.
Iba’t-iba ang grado din ng Vaishnava-aparadha. Walang masyadong epekto
kapag mababang klaseng Vaishnava lamang ang nayamot o nainis sa atin, ngunit sa
pagitan ng mga di-pagkakaunawaan ng mga Vaishnavas, mahalagang tignan muna
natin kung sino sa kanila ang pinapaboran nang nasa itaas. Dapat maging
masmatimbang ang pinaka-sentrong diwa. Harapin natin ito sa pamamagitan ng
ganitong isipan. Si Ambarisa Maharaj ay isang deboto, si Durvvasa Muni ay may
debosyon din, subalit tignan natin sino sa kanila ang maybasbas mula sa itaas. Si
Duryodhana ay isang deboto at si Arjjuna ay ganun din, subalit sila’y naglalaban.
Minsan ay nakikita natin ang mga ganitong bagay.
Si Bhisma na isa sa labindalawang debotong mahajanas ay isang deboto--si
Arjjuna ay deboto din, subalit ang pagkakaalam natin silang dalawa ay may alitan.
Minsan ang mga pag-aaway na ito ay dulot nang kanilang mga pagpapasikat lamang at
minsan sa isang sitwasyon. Subalit kanino tayo dapat kumampi? Kung sa palagay natin
ay hindi na maaaring iwasan pa ang ganitong sitwasyon, kailangang komunsulta muna
tayo sa matataas sa atin. Dahil ito’y buhay na bagay, hindi patay at magulong batas.
Hindi napakadaling bagay ang gumawa nang Vaishnava-aparadha. Ito’y
masasabing isang aparadha kung ito’y ginawa sa isang Vaishnava, subalit kung ang
pag-aaway na ito’y bunga nang isang anartha sa pagitan ng mga gitnang-uring
Vaishnava, ito’y hindi masasabing isang pagkakasala. Ang isang siyento-por-siyentong
vaishnava ay maaaring may mga anartha pa, at kapag may sumasalungat sa kanyang
anartha, ito’y nagagalit. Sa kasong ito masasabing hindi talaga sa isang vaishnava
kundi sa kanyang isipan—sa mental na kaisipan ng isang Vaishnava at hindi sa
kanyang espirituwal na elemento. Masasabing ito’y hindi talaga isang aparadha kung
ang dahilan ng kanyang ngitngit ay dahil napakialaman lamang ang kanyang materyal
na interes.
Maaaring suriin muna natin at tignan ang mga bagay na ito, pero makikita din
natin sa Banal na Kasulatan ang: “Na hi kalyana-krt kascid, durgatim tata gacchati—Ang gumagawa nang mga kabutihan ay hindi napupunta sa impiyerno o
napapahamak.” Kung ikaw ay matapat at hindi niloloko ang sarili, walang sinuman
ang maaaring lumoko sa inyo. Kailangang maging tapat tayo sa ating espirituwal na
kalooban. Kailangang maging tapat lamang tayo sa ating paghahanap, upang nang sa
ganoo’y matulungan din tayo nang Panginoong nasa sa loob natin. Dahil lagi Siyang
tumutulong sa mga matatapat na kaluluwa. Siya ay nasa lahat ng dako at Siya ay
matulungin.
na hi kalyana-krt-kascid, durgatim tata gacchati
Ang nais ko ay makamit ang pinakamataas na kabutihan dahil ang
Pinakamataas na Kabutihang ito ang Siyang tutulong din sa akin.
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Ikaapat na Kabanata
Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain
Dinala ni Sanatana Goswami sa kanyang konsepto si Krsna sa Mathura, at mula
doon ay muli niyang ibinalik sa Vrndaban. Hindi niya pinayagang lumabas ng
Mathura si Krsna. At ang mga bagay na ito’y makikita natin sa kanyang sinulat.
Subalit nakita nating iniugnay naman ni Rupa Goswami ang Vrndaban-lila sa
Dvaraka-lila. Ipinakita niyang ang lahat ng nasa Vrndaban-lila ay nailipat sa Dvaraka-lila maging ang mga Reyna nito. Noong tinanong si Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta
Saraswati Thakur kung bakit, ganito ang kanyang naging tugon, “Bakit ito sinasabing
adhoksaja—di-kayang abutin nang ating kaalaman? Kung ang lahat ng bagay ay
maaari nating malaman at ilagay sa ating kamao, ito’y hindi na isang adhoksaja—
acintyah khalu ye bhava, na tams tarkena yojayet.” Ito’y dahil sa Kanyang matamis na kalooban. Hayaan natin ang lahat ng ito sa
Kanyang matamis na kalooban. Kung ang lahat ng karunungan ay maaari nating
bihagin, kung ganoon, maaari pala nating sabihing pareho lamang kami ng katauhan.
Samakatuwid, jñane prayasam: huwag mo nang pag-aksayahan pa ng panahon na
malaman ang lahat ng bagay at ang mga bagay tungkol sa Kanya, kundi ang
magpasakop sa Kanya. Dahil sa pamamagitan ng pagpapasakop at ayon narin sa
hangarin mong makapaglingkod, ang lahat ng mga bagay tungkol sa Kanya ay unti-
unti mong malalaman. Ikaw ay may-hangganan, kaya huwag mong ‘lamunin’ ang
Walang-Hangganan—hindi ito maganda. Ito’y hindi lamang pagsasayang ng ating
enerhiya kundi mapipinsala din ang ating layunin kapag nilamon natin ang lahat ng
ito at inilagay sa ating sikmura. Kapag ginawa natin ang bagay na ito, masasabing
limitado lamang pala ang pananaw natin, dahil naging mapahangas na tayo at ibig na
natin Siyang lubusang makilala. Maaaring ilang bagay ang ‘ganap’ na nalalaman natin
tungkol kay Maya, subalit hindi kailanman sa Adhoksaja, kay Krsna. Wala kang
karapatang maghangad nang ganitong kaalaman. Hindi ka uunlad kapag tinahak mo
ang landas na ito. Yam evaisa vrnute tena labhyah—ito’y kailangang manggaling
muna mula sa itaas. Ang maaaring masabi mo lamang sa negatibong bahagi ng sarili
mo ay: “Isang hamak na tao lamang ako, isang mababang uri. At higit na
nangangailangan sa lahat.” Ito’y kailangang maging isang taimtim at tapat—at hindi
pakitang-tao lamang.
Ang ating pagsulong ay nakasalalay sa ating matapat na kalooban, “Ako ang
higit na nangangailangan, ang pinaka-masama sa lahat, ang pinaka walang-kwentang
tao.” Ganito ang dapat nating gawin. Kaya jñane prayasam udapasya. Iwaksi natin at
kamuhian ang pag-uugaling Siya’y dapat muna nating ‘malaman’. Namanta eva, jivanti san-mukharitam bhavadiya-vartam—sa halip, mas dapat pa nating saluhin ang
mga bagay na lumalabas sa bibig ng mga deboto, dahil ang karunungan ay kusang
lumalabas mula sa positibong direksyon. Siya ay aking tatanggapin at yayayain. At ito
ay kusang dumarating. Dapat ay malaya Siyang nakakapunta sa atin, at hindi dahil sa
ating pagpapakahirap kaya Siya ating nakilala. Saan man ito manggaling, ang mga
ganoong paglalahad ay kailangang tanggapin ko, at hindi ko Siya dapat abalahin dahil
lamang sa aking kahilingan, “Kailangang malaman ko muna kung sino po Kayo.”
Sthane sthitah—hindi mahalaga kung saanman tayo ilagay. Maging ibon man
o hayop, ito’y hindi mahalaga. Si Hanuman ay hindi tao, ganoon din si Garuda, subalit
sila’y pinagpala. Sabi nga ni Krsna, “Maaari talaga silang pumasok sa Aking Lupain at
sa loob ng Aking puso. Ang tunay na landas papunta sa Akin ay debosyon, sa
pamamagitan ng serbisyo, ng paglilingkod. Kapag iniwan natin ang landas ng
paglilingkod, at nais parin natin Siyang alamin, tayo ay dadanas nang matinding
kahirapan magkaroon lamang tayo ng konsepto at palagay tungkol sa Kanya. At
tanging paghihirap lamang ang magiging pabuya natin. Tanging hirap at sakit lamang
ang mararamdaman ng mga taong aalis sa landas ng paglilingkod, sa landas ng serbisyo
makilala lamang Siya. Bakit ka mausisa? Ikaw ay katulong Ko lamang, huwag kang
lalagpas. Huwag ka masyadong mausisa at gusto mo Akong makilala agad. Sa halip,
bigyan mo Ako nang kasiyahan. Oo, paligayahin mo Ako. Ako ang Anandam, ang
ekstasi, ang kalugud-lugod na kasiyahan. Ito ang pinakamataas na bahagi Ko, kaya
halika at dagdagan mo ito.”
Hanapin mo ang Krsna-santosa, ang paraan kung papaano Siya mabibigyan
nang kasiyahan, subalit kung wala ka namang pakialam, ang pagpapakahirap mo’y
paghahanap nang hilaw na kaalaman. Samakatuwid isa ka palang manloloko.
sreyah-srtim bhaktim udasya te vibho klisyanti ye kavala-vodha-labdhaye
tesam asau klesala eva isyate nanyad yatha sthula-tusavaghatinam
[Srimad-Bhagavatam 2.416]
Papaano? Isang halimbawa ang ibinigay, kapag ang palay ay iyong ipina-giik
bigas ang lalabas, ngunit kung puro ipa lang ang pinagiik mo ito’y parang
pagtatangkang makilala mo si Krsna. Ang gusto natin ay bigas at hindi ipa. Sayang
lamang ang pagod mo kung ipa lang ang ipagigiik mo. Wala kang mahihita,
mapapagod ka lamang. Katulad din nito, sayang lamang ang pagpapakapagod ng isang
may-hangganan kung ang nais niya ay alamin lamang ang Walang-hangganan. Sabi
nga ni Krsna, “Lahat ng nasa sa iyo, bilang isang paglilingkod, ito’y gamitin mo para sa
Aking kasiyahan, para sa Aking Anandam.” Ito ang tama, ang tunay na damdamin.
May apat na slokas sa Srimad-Bhagavatam na bumabatikos sa jñana. Ang isa
dito ay:
naiskammyam apy acyuta-bhava-varjjitam
na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare
na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12]
Naiskarmmam paramam siddhim. Ang ideya na nagsasabing kailangan ka
munang maghirap para mabuhay ay isang malaking kalokohan. Para mabuhay,
kailangang maghirap; kahiya-hiya naman ito. Dahil dito, ang mga sinaunang iskolars
natin, ang mga paham, ay nagsaliksik upang hanapin ang isang kalagayan kung saan
maaari tayong mamuhay ng hindi naghihirap, at walang dinadanas na sakit o kirot.
Sinimulan nila ang kampanyang ito para tuklasin o mag-imbento ng mga ganoong
kalagayan. Minsan kasi ang naiskarmma ay higit na katanggap-tanggap sa ating
lipunan. Dahil sa ayaw maghirap, gumamit na lang ang mga kapitalista nang
computers at iba’t-ibang makina kapalit ng mga taong nagtatrabaho. Naging bastos na
kasi ang mga manggagawa kung kaya’t inalis sila ng mga kapitalista.
Naging masyadong abala ang mga sinaunang iskolar noon sa pagtuklas nang
isang panlipunang kalagayan para sa lahat ng mga kaluluwa kung saan sila’y maaaring
mamuhay nang hindi naghihirap, walang karmma: kundi naiskarmma. Dumating sa
kanila ang paniniwalang ang kasiyahan ng ating sarili, ang atmarama, ay maaaring
makamit sa pamamagitan ng ganap o lubos na paglisan o pag-alis. Para paniwalaan ang
konseptong ito naniniwala silang si Buddha at si Sankara ay naparito para tulungan
tayo at ituro sa atin ang antas ng samadhi katulad ng mahimbing na pagtulog. Ayon sa
kanilang paliwanag kapag narating na natin ang kapatagang iyon, tayo ay hindi na
maghihirap, doon ay masaya tayong makapamumuhay nang walang kaguluhan.
Sumang-ayon si Sukadeva Goswami, “Oo, meron ngang naiskarmma.” Ngunit
doon sa Srimad-Bhagavatam ibinigay niya ang bagong anyo ng naiskarmma: “Ang sabi
ninyo mahirap ang magtrabaho, nakakapagod ang magtrabaho. Ang sabi ninyo ay
nakapanghihina ang magtrabaho. Subalit ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang isang
panuntunan sa buhay kung saan hindi ka manghihina, hindi ka manglalata. Gagalaw
ka, magtatrabaho ka, ngunit hindi ka manghihina.”
Papaano iyon?
“Yatra jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmyam aviskrtam—natuklasan na
namin, o na-imbento na namin, ang isang uri ng naiskarmma: ito ay ang jñana-viraga-bhakti.” Dinala sa samadhi ng jñana at ng viraga sina Buddha at Sankara, subalit ang
sabi naman ng paaralang Bhagavata, “Naku hindi, hindi. Huwag kang pabibihag dyan.
Huwag kang pumayag na kapalit ng iyong buhay ay naiskarmma, wala kang gagawin.
Hindi mo na makikita ang iyong sarili sa samadhi, para kang nagpatiwakal kapag
binili mo ang ganitong uri ng naiskarmma sa samadhi. Ang ibibigay namin sa inyo ay
isang walang kahirap-hirap na gawain, mga gawaing bunga nang pag-iibigan sa Raga-marga. Tiniyak nang Srimad-Bhagavatam ang pagiging eternal, walang-kamatayan ng
atma (ang kaluluwa) at doon sa eternal na kapatagan ikaw ay mayroong sariling
katauhan, at maari kang gumalaw, maaari kang kumilos. Ang atma ay masmataas sa pa
sa mortalidad, sa kamatayan, kaya kapag gumalaw ka sa lugar na iyon, hindi ka
maghihirap. Magkakaroon ka ng sariling katauhan, sariling pagkakakilanlan at
kalagayan, at doo’y magiging mabuti at maayos ang iyong buhay.”
Madalas noong magbigay sa amin ng halimbawa ang aming Srila Guru
Maharaj. Aniya, kapag ang silungan ng baka ay nasusunog, natural na nahihintakutan
ang mga baka at gustong magtakbuhan palabas, at dahil sa karanasang ito, minsan
kapag nakikita nilang mapula ang kalangitan sa madaling araw o kaya sa takip-silim,
ito’y takot na takot parin. Ang sabi sa amin nang aming Guru Maharaja ganito din ang
nararamdamang takot ng mga Buddhist at nang paaralan ng Sankarite, sila’y katulad
ng mga bakang nakakakita ng mapulang kalangitan. Ayon kasi sa kanilang paniniwala,
ang isang tao matapos itong maging lumaya sa makamundong pamumuhay, ang
kanyang espirituwal na buhay bagama’t sumisigla ito’y naghihirap parin. Ang hindi
nila alam, ito’y bunga ng isang pag-iibigan, at itoy’ nagpapalakas ng ating ekstasi, nang
anandam. Hangga’t lumalakas ka, tumitindi din ang anandam mo, at hindi nasasaid
ang enerhiya mo dahil ikaw ay nasa eternal na kapatagan, nasa eternal na lupain;
dahil ikaw ay eternal din. Ang lahat ng bagay doon sa eternal na kapatagan ay hindi
nakakaramdam nang pagkasaid nang enerhiya o ng lakas at sa lugar na iyon mayroon
tayong indibidwal, masaya, at mabuting buhay. Doo’y magiging masaya ang iyong
kabuhayan. Magiging maunlad ang buhay ninyo doon. Makakamit ninyo ang lahat ng
bagay, huwag kang matakot at mangamba dahil hindi mauubos ang iyong lakas, ito’y
hindi katulad ng mortal na mundo. Doo’y makapaglalaro ka nang husto at hindi ka
mapapahamak na maaaring ikamatay mo.
jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmayam aviskrtam
Ang maglingkod sa Panginoon ay hindi isang pagpapakahirap. Ito’y
nakapagbibigay pa ng buhay. Hindi ito umuubos nang lakas, kundi nagbibigay pa
nang higit na lakas. Nagbibigay pa nang buhay. Ang isang dalisay na paglilingkod ay
nakapagbibigay nang buhay, hindi kumikitil; ang lakas na ito’y hindi din pumapatay,
kundi nagbibigay pa nang ibayong lakas. Doon sa eternal na kapatagan, ang lahat ay
kabaligtaran, lalu na sa bahagi ng Goloka kung saan ang lahat ng bagay ay kumikilos
dahil sa pag-ibig.
Sa isipan nang mga residente ng Goloka kapag sila’y walang ginagawa, sila’y
nag-aayuno, at kapag sila’y may kumilos sapat at masaya silang nakakakain. Dahil ang
paglilingkod ay nagbibigay nang buhay, ito’y nagbibigay nang ibayong sustansya.
Hindi ka mauubusan nang mga gawain; at ito’y hindi din nakamamatay. Kung
ganoon, hindi na natin kailangang maghangad pa ng karunungan, upang alamin
lamang ang lahat ng bagay, kundi ituon na lamang natin ang ating mga sarili kung
papaano ito magagamit para sa pinakamataas na gawain: at ito’y ang paglilingkod, ang
pagseserbisyo.
naiskarmmyam apy acyuta-bhava-varjjitam na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare
na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12]
Maraming iskolar ang tumatanggap sa naiskarmma, subalit ang naiskarmmang
ito, katulad ng sinasabi nang mga gustong tumaas sa materyal na mundong ito, ay
wala lugar sa paaralang Bhagavata. Maging ang naiskarmma, na ginagalang ng mga
matataas na lider katulad nina Buddha at ni Sanakara ay ating itinatapon—ito’y
tahasan nating binabalewala at itinatapon.
Maglingkod, maglingkod, at maglingkod pa. Natatakot kayong maglingkod
dahil akala ninyo ito’y nakakapagod at nakakapanghina. Ang paglilingkod ay
nagbibigay–buhay. Ito’y nagbibigay sa atin nang pagkain. Kaya magserbisyo tayo!
Mamatay para mabuhay. Kailangang maging matapang tayo at handang
mamatay para kay Krsna, makikita ninyong ang kaluwalhatian nang lahat ng bagay ay
nagniningning. Kaya, maglingkod kayo; ito kasi ang pangunahing bagay. Walang-
saysay ang kilalanin pa Siya. Hindi natin Siya maaaring maging object o pakay ng
ating pag-aaral. Dahil Siya ay isang adhoksaja.
Bakit magkaiba ang ibinigay sa atin nina Sanatana Goswami at ni Rupa
Goswami? Kapwa sila iisa, subalit bakit magkaiba ang kanilang inilabas na pahayag?
Ang sabi sa amin nang aming Guru Maharaj, “Ito’y isang adhoksaja. Kaya huwag mo
nang unawain pa, dahil magiging Maya ang paghahanap mo.” Igalang natin ang bagay
na ito. Siya ay hindi natin kayang kilalanin at hindi din maaaring kilalanin. Subalit
ang pananalig natin ang tutulong sa atin upang ‘mamatay’ at mabuhay.
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Ikalimang Kabanata
Ang Pinakadakilang Bendisyon
Satyam priya-hitam ca yat. Mangusap ka nang makatotohanan. Magsabi ka
nang totoo, at hindi kasinungalingan, at ilagay mo din sa iyong isipan, huwag kayong
magsasalita nang mga nasasakit na katotohanan. Subalit hindi nangangahulugang
kailangang magsinungaling kayo dahil masmabuti pa ito. Dapat pawang katotohanan
lamang ang sinasabi natin ngunit ito’y kailangang nakalulugod, kung hindi man lang
kailangan, huwag na tayo masyadong magsalita pa ng mga bagay-bagay. Ang ibig
sabihin ng priya ay masarap, nakalulugod. Ang katotohanan ay maaaring hindi din
kalugud-lugod o kasiya-siya, kaya saan natin maaaring ilagay ang salitang ‘kalugud-
lugod?’ Ito’y masmataas pa sa katotohanan. Dahil ito’y maawain. Ang katotohanan ay
parang hustisya, parang katarungan, parang isang paglilitis, subalit ang pagiging
‘nakalulugod’ ay nasa kategorya ng pagiging mahabagin—na higit pa sa katarungan.
Mayroon palang hihigit pa sa katotohanan. Ito’y ang pakikiramay, ang pakiki-
simpatya, ang pagiging mahabagin, ang pagiging mapagpala, pag-ibig, kariktan, at
kagandahan, ang mga ito’y pawang higit pa o masmataas pa sa hubad na katotohanan.
Kapag inalis mo ang lahat ng katangiang ito ang katotohanan ay magiging parang
isang batas lamang, walang lasa, walangsarap, at sa banding huli ay humahantong sa
konseptong Brahma na pantay-pantay ang kalagayan.
Ang ibig sabihin ng Lila ay maganda, nagbibigay-buhay, mga Pagsasaya na
punung-puno nang pagmamahalan. Ang Lila, kapag walang umiiral na pag-iibigan, ay
nagiging balewala, walang silbi, dahil ganito si Maya. Kapag tinanggap natin ang
konseptong ang habag o awa ay higit na masmataas pa kaysa sa katarungan,
magkakaroon tayo ng positibong konsepto o paniniwala tungkol sa pinakamataas na
realidad, doon sa pinakamataas na katotohanan. Malalaman nating napaka-dakila pala
nang Kanyang kabutihan. Tayo ang mga makasalan na palaging pinupuntahan ni
Nityananda Prabhu, kinakatok sa bawat pintuan at pinapakiusapan, “Tanggapin ninyo
ang katotohanan. Ang katotohanan ay napakaganda dahil ito’y mayroong awa, ito’y
mayroong habag.”
Hindi man tayo karapat-dapat, subalit may pag-asa parin tayo dahil meron
palang mahabaging lupain. Dumaan na ang dapat dumating, ang habag ay darating din
sa atin. Malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan. Ang tawag dito ay
Prema. Bagamat kinalaban at minaltrato si Nityananda Prabhu nina Jagai at Madhai,
sila’y Kanyang kinahabagan parin. Hindi ba’t ito’y di-masusukat na kabutihan!
Nilapitan sila ni Nityananda Prabhu para sa kanilang kabutihan subalit Siya ay
kanilang kinalaban at sinaktan pa. Subalit Siya’y nagtyaga pa din. May pag-asa tayo
dahil meron palang pagpapala, mayroon palang habag, mayroon palang awa! At ito’y
masmataas pa sa katotohanan. Ito ang tinatawag na Banal na Pag-ibig. Ito ang
sundaram. Ito ang ibig sabihin ng kariktan, nakakabighani at pagkaakit sa Di-
mapapasubaliang Lupain, sa lupain ng Kalubusan. Ito’y tuluy-tuloy at awtomatiko, at
ito ang pangunahing bagay sa pinaka-ugat ng lahat ng bagay. Mabuting kalooban. Ang
lahat ng ito’y nakasalalay sa mabuting kalooban.
Iba’t-iba ang anyo ng habag at pagpapala.
Noong bago mag-sannyasa si Mahaprabhu, tinawag Niya noon ang lahat ng
malalapit sa Kanya at Kanyang kinausap. Sa panahon kasi ng digmaan ang bansa ay
nasa maselang kalagayan, at kagaya din nito ang mga bilin ni Mahaprabhu ay maselan
ang kahalagahan: “Lagi ninyong isipin si Krsna. Kahit habang kumakain kayo, o kaya
natutulog, o gising; maging araw man at gabi lagi parin ninyo Siyang iisipin. Dahil
nasa peligro kayo. Delikado ang inyong kalagayan dahil anumang sandali kayo ay
maaaring kunin na ni kamatayan. Lagi ninyong ilagay sa inyong isipan na delikado
ang inyong kalagayan kaya alamin ninyo ang kamalayan kay Krsna, ang
Krsnanusilana—ang patuloy na kamalayan kay Krsna.”
Ito’y hindi katulad ng pagsimba isang beses isang Linggo, o kaya ay pagdasal
nang limang beses isang araw, o kaya ay isipin ang Diyos tatlong beses sa isang araw,
kundi ang gunitain at paglingkuran si Krsna palagi.
Ganito din ang ihinabilin ni Mahaprabhu noong naglibot Ito sa Katimugang
bahagi ng India upang mangaral:
yare dekha, tare kaha ‘krsna’-upadesa amara ajñaya guru haña tara ei desa
[Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128]
Sinuman ang inyong makaharap, sabihin ninyo sa kanila ang tungkol kay
Krsna. Ito ang kahilingan Ko at kautusan Ko sa inyong lahat. Iligtas ninyo ang mga
naghihirap na kaluluwa dahil sila ay nasa peligro. Tulungan ninyo sila dahil
nalulunod sila sa kamang-mangan at ilusyon. Gawin ninyo ang lahat upang mailigtas
sila sa pagkakalunod. Iligtas ninyo ang mga nalulunod. Magbakasakali ka, lundagin
mo sila sa dagat at iligtas ang mga nalulunod sa kamang-mangan at sa ilusyon. Hilain
mo sila sa liwanag mula sa kadiliman.”
Katawa-tawa siguro na kailangang ipaalam pa muna natin sa punung-
tanggapan ng pamatay-sunog na may nagaganap na sunog, at kailangang mag-antay pa
ng utos sa bumbero bago kumilos. Sabi nga ni Mahaprabhu, “amara ajñaya guru haña tara ei desa: Ibibigay Ko ang lahat ng tulong sa lahat ng mga nalulunod sa karagatan ni
Maya. Kaya tumulong na rin kayo.”
Noong nasa sangay ako ng Gaudiya Math namin sa Madras kinausap ko noon
ang Ministro ng pang-Edukasyon upang humingi sa kanya nang sulat na
inirerekumenda kami para makatulong sa aming pangangaral sa lugar na kanyang
nasasakupan. Sabi niya sa akin, “Swamiji, Tamil ang salita ng lahat ng mga tao dito.
Wala silang alam sa salitang English o kaya Bengali o Sanskrit, kaya sa palagay ko ay
kailangang mag-aral muna kayong magsalita nang Tamil para makapangaral kayo
dito.”
Sinagot ko siya, “Papaano halimbawang naglalakad ako sa kalye dito sa baryo
nyo at nakita ko ang isang batang nalulunod sa ilog, dapat bang mag-aral muna ako
nang salitang Tamil at pagkatapos ay sabihin sa mga taong naririto na may batang
nalulunod sa lugar na iyon? O sabihin sa kanila sa pamamagitan ng mga senyas at
kumpas na may nalulunod na bata?”
Sabi nang ministrong pang-edukasyon noon, “Masyado ka naman.”
“Oo. Ganun ang kahalagahan nito. Ito’y mahalaga kaya kailangang ibigay
namin ang kamalayan kay Krsna kahit sa papaanong paraan, marunong man siya
magsalita nang English, o salitang-Hindi o kahit ng anupaman. Basta kailangang
maibigay namin ito sa kanila.”
Ito ang ipinag-uutos ni Mahaprabhu, “Yare dekha, tare kaha ‘krsna’—upadesa. Kagipitan na ito. Kailangang-kailangan na ito. Sinuman ang makita mo, sabihin mo sa
kanila ang tungkol kay Krsna. Huwag ka nang mag-antay ng sertipiko o katibayan
mula sa mga awtoridad. Lahat kayo’y binibigyan Ko na nang sertipiko, sulat para sa
inyong lahat na nagpapahag nang kapahintulutan.”
Purihin ang Sri Guru at si Gauranga
Pang-Wakas
Pinaka-Banal sa Lahat ng Gawain
“Matalik Kitang kaibigan, hindi Kita lolokohin. Maniwala ka sa Akin. Sumpa
man.” Hindi nahihiyang ipinahayag pa ni Krsna ang Kanyang sarili! Nagpunta pa Siya
dito para ipagmakaawa ang Kanyang sarili, para lamang sa ating kapakinabangan. Ang
bagay na ito’y naka-rekord sa Srimad Bhagavad-gita para maging gabay natin.
Higit pa dito, si Krsna ay naparito bilang si Mahaprabhu upang ipangaral ang
Kanyang sarili. Nagpunta Siya kasama ang Kanyang mga kasamahan para
ipangampanya ang Kanyang sarili at dinala pa Niya si Srimati Radharani: “Kung
kinakailangan ipapakita Ko pa kung bakit kaakit-akit talaga ang nasa Debosyunal na
Paglilingkod. Ipapakita Ko kung bakit napakaganda at kapita-pitagan ang
paglilingkod. Halikayo at sumama na sa Akin.”
Naparito din si Baladev bilang si Nityananda upang mangampanya.
Magkasamang dumating sina Krsna at Balaram upang ipangampanya ang Kanilang
mga sarili bilang sina Mahaprabhu at Nityananda. Naparito din ang Vrndaban upang
ipangampanya ang sarili bilang Nabadwip.
Masmalaki ang pinagkakautangan natin ng loob sa nangampanya kaysa sa
aktwal na ka-grupo nito. Una sa lahat, higit na masmalapit ang ating kalooban at
kinikilala ang kabutihan nang nangampanya, lalu na nang mismong Panginoon pa ang
nangampanya. Kayganda, napakadakila, at handang magsakripisyo! Ito ang makikita
nating uri ng Pag-ibig na Banal!
Tayo’y naparito upang humanap nang isang bagay na mabuti, at si
Mahaprabhu naman ang nagsabi sa atin kung papaano. Medyo naakit ako, at
nakaramdam nang ganito, “Oo, kaakit-akit pala ito, napakaganda, at nakakabighani.”
At hinahanap ko ang taong maaaring magbigay sa akin nito upang magkaroon nang
kasiyahan ang aking puso, at natagpuan ko nga ang aking Maestro. Si Mahaprabhu
lamang ang kanyang ikinakampanya, at matinding ikinakampanya pa—Punung-puno
siya nang walang katapusang enerhiya para kumilos kay Sri Gauranga. Ganito katindi
ang kanyang kasiglaan. At siya’y aking tinanggap at inialay ang aking sarili para kunin
niya at kupkupin. Sa abot nang aking makakaya buong buhay kong sinunod ang
kanyang mga kautusan, ganito pa din ang nararamdaman ko habang nasa ilalim ako
nang kanyang pangangalaga at ginagampanan ang mga tungkuling iniatang niya sa
akin. Lumilipas ang aking mga araw para makita ang kanyang mga payo sa iba’t-ibang
Banal na Kasulatan katulad ng Srimad Bhagavad-gita at Srimad-Bhagavatam, at
hanapin dito ang sukdulan sa mga ipinahayag ni Mahaprabhu at nang aking
Gurudeva. Habang lumalalim ang aking isipan, unti-unti din akong nasisiyahan.
Hindi kasi makatwiran para sa aking Gurudeva at sa kanyang mga kasamahan kapag
hindi ko sinabing nasisiyahan ako. Dahil wala nang iba pang bagay ang maaaring
umakit sa akin. Sa halip, maslalu pa ngang tumitibay ang aking paniniwala sa araw-
araw sa mga aral ni Mahaprabhu, ni Vyasadeva, sa Vraja-lila, atbp. Bagama’t
masasabing Sila’y walang-hangganan, Sila’y higit pang tumitibay sa puso ko, at masaya
ako kahit kakaunti lamang ang nakukuha ko. At ang isa pa, dahil sa aking paniniwala
naramdaman kong kailangang ibigay ko din ang buhay na ito sa iba. Ganito ang aking
ginagawa sa araw-araw.
Walang masama sa ginagawa nating pagpapalaganap nang mensahe ni
Mahaprabhu, subalit ayon sa ating paniniwala ito ang pinaka-banal na gawain. Ito ang
pinaka-banal sa lahat, kaya ipagpatuloy natin ang programang ito na maging mabuti
sa lahat, dahil ito ang pinakamainam sa lahat, at para din sa ating sarili. Walang nang
ibang banal na gawain kundi ito lamang. Ito ang pinakabanal na gawain at ito’y may
bendisyon nang Panginoong Nityananda at ng Panginoong Sri Gauranga. Ito ang ating
tungkulin sa Kanila. Ito ang Kanilang departamento.
Ang pinaka-espesyal na departamento nina Sri Gauranga at Nityananda
Prabhu ay ang pangangaral. Ang Nabadwip Dham ang lugar na Kanilang pinagpala.
Ang tanging dalangin lamang natin sa Kanila, sana’y patawarin Nila ang lahat ng ating
mga pagkakasala, at tayo’y maaari Nilang gamitin. Dito sa Koladwip, Nabadwip, dito
sa lugar na ito kung saan ang lahat ng mga pagkakasala ay pinapatawad, aparadha-bhanjan-pat, dinadalangin namin na sana’y patawarin Nila ang lahat ng ating mga
pagkakasala at sana’y makapaglingkod tayo sa kanila na maikalat ang kamalayan kay
Krsna at ang kamalayan kay Gauranga.
srimac-caitanya-sarasvata-mathavara-udgita-kirtir jaya-srim bibhrat sambhati ganga-tata—nikata-navadvipa-koladri-raje
yatra sri-gaura-sarasvata-mata-nirata-gaura-gatha grnanti srimad-rupanuga sri-krtamati-guru-gauranga-radha-jitasa
“Doon sa Koladwip, Nabadwip bandang tabing-ilog ng Ganges, Ay maningning na nakatayo ang Sri Chaitanya Saraswat Math.
Mataas na nagwawagayway ang bandila, Habang inaawit ang kanyang kadakilaan sa buong mundo.
Ang mga mamamayan dito’y umaawit nang mga kadakilaan ng Panginoong Gauranga
Mithiin nilang makapaglingkod kina Sri Sri Radha-Govinda sa linya ni Sri Rupa.”
Dagdag Pahina 1
Sri Rupa Mañjari Pada
Nilikha ni Srila Narottama Dasa Thakur
Binigyan nang komentaryo ni Srila Guru Maharaj
(Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj)
Sri Rupa Mañjari Pada
sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana
sei mora prana-dhana, sei mora abharana sei mora jivanera jivana
sei mora rasa-nidhi, sei mora vañcha-siddhi
sei mora vedera dharama sei vrata, sei tapa, sei mora mantra-japa,
sei mora dharama-karama
anukula ha’be viddhi, sei-pade ha’be siddhi nirakhibo e dui nayane
se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi, praphullita habe nisi-dine
tuwa adarsana-ahi, garale jaralo dehi,
ciro-dina tapita jivana haha rupa doya, deho more pada-chaya
narottama loilo sarana
Sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana—ang lahat-lahat
para sa akin ay ang Banal na Paanan ni Sri Rupa Goswami. Pag-usapan natin ang
napakaraming klase at posisyon ng Rasa: ang Santa, Dasya, Sakhya, Vatsalya, Madhura. At doon sa Madhura-rasa ang kampo ni Srimati Radharani ay espesyal. At
muli ay maraming grado ng mga Sakhis. Mayroong mga Mañjaris din, mga batang
babae, at sila’y malayang nakakalapit. Kapag magkasama sina Radha at Krsna sa isang
pribadong lugar ang nakakalapit lamang sa Kanila ay mga Mañjaris; malaya silang
nakakalapit. Kapag mayroong gustong ibigay ang mga Sakhis kina Krsna at Radharani,
ang pinapapapunta nila ay ang mga Mañjaris. Hindi kasi lumalapit ang mga Sakhis. Dahil dito higit na pinagkakatiwalaan ang mga Mañjaris. Mga Mañjaris lamang ang
gumagawa kapag kailangan ng patagong serbisyo para sa Kanilang dalawa. Doon sa
pinakamataas na kalagayan sila’y malayang nakakapunta, at ang lider nila ay si Rupa
Mañjari. Siya ang kinikilalang lider ng buong grupo ng mga batang kababaihan, nang
mga Mañjaris, samakatuwid doon sa Madhura-bhajan, si Rupa Mañjari ang lahat-
lahat. Ito ang itinuro sa atin ni Srila Narottama Dasa Thakur. Para sa ating lahat—at
doon sa mga bagong dating na kabataan—siya ang pinakamataas na sandalan ng lahat.
Sei mora sampada—ang yaman ko’y nasa kanyang paanan. Sei mora bhajana-pujana—ako’y nanampalataya at maglilingkod sa kanya. Sei mora prana-dhana, sei mora abharana—siya ang tanging pinakayaman at buod ng buhay ko; at ang palamuti
ng buhay ko, anuman mayroon ako, ito’y dahil sa kanyang pagpapala. Sei mora jivanera jivana—tunay ngang, ang pinaka-buhay nang buhay ko, kung mayroon man,
ay siya lamang. Ako’y para sa kanyang kasiyahan.
Sei mora rasa nidhi—tanging sa kanya lamang makikita ang lahat ng mga
katakam-takam na ekstasi o kalugud-lugod na kasiyahan. Ang mina, ang
pinanggalingan, at ang pinakabukal nang lahat ng Rasa ay nasa kanyang paanan. Sei mora vancha-siddhi—at kung mayroon pa akong hinihintay na iba pang kasiyahan sa
buhay, ito’y naroroon lamang sa kanyang paanan. Sei mora vedera dharama—kung
bibigyan ako ng iba pang gawain ng Vedas, gusto ko’y gawin ito sa kanyang paanan,
ang mga gawaing tulad ng pagpepenitensya o pag-aayuno, ay matatagpuan din dito—
sei mora mantra-japa—at dito nagtatapos ang paulit-ulit na pag-usal nang japa. Iisa
lamang ang kinauuwian ng lahat ng ito; at ito’y nagtatagpo-tagpo sa paanan ni Rupa
Mañjari. Kapag siya’y aking napaligaya, magiging maligaya din ang iba’t-ibang
debosyunal na gawain ko. Sei mora dharama-karama—ang lahat ng magiging gawain
ko ay humahantong lamang sa iisang lugar: doon sa banal na paanan ni Rupa Mañjari.
Anukula ha’be viddhi, se-pade ha’be siddhi—mananalangin ako sa
Kumukontrol at sa pinaka-ugat ng lahat ng ito sa mundo, “Sana’y makasama ko siya.
O aking Di mapag-Aalinlanganang Kalubusan, aking Manager, pakinggan Mo ang
aking panalangin na sana’y basbasan niya ako sa lahat ng aking gagawin.” Nirakhibo e dui nayane—magiging matibay ang pananaw ko sa kanya na para bagang siya ang
nakikita talaga ng aking mga mata. Hindi ito malabo, hindi halaw, o gawa-gawa nang
aking imahinasyon, kundi ito’y magiging isang pinakamatibay na paniniwala dahil sa
pagpapala nang Di Mapag-aalinlanganang Kalubusan, nang aking Manager.
Se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi—napakataas ang kagandahan ng
kanyang banal na paanan! Gusto kong lumundag. Gusto kong maging lotus ang aking
puso.
Dalawang klase ng lotus: puting lotus na nanggaling sa araw at pulang lotus na
buhat sa buwan. Ang kuvalaya ay pinaghalong lotus na ito. Araw at gabi akong
bubusugin nang kaningningan ng kanyang katawan at ito ang aking buhay katulad ng
isang kauvalya. Ang kauvalya ay kumakain at nabubuhay sa pamamagitan ng
kaningningan ng buwan, at ang kanyang banal na paanan ay ang buwan, at ang lakas
ko mismo ay katulad ng isang lotus. Sana’y bigyan nang buhay at alagaan nang
kaningningan ng kanyang kagandahan ang puso ng aking mga puso. Praphullita habe nisi-dine—at ang lotus ng aking puso ay lalago sa pamamagitan ng sinag na iyon, at
ito’y sasayaw.
Tuwa adarsana-ahi—ito nga ang aking panalangin, pero nasaan ba ako? Ako’y
nasa negatibong bahagi, doon sa aking kulasisi. Nasusunog ang aking puso, dahil hindi
kita nakikita Iyong Habag, ito ang kalagayan ko ngayon. Ganito ako. Garalejaralo dehi—ito’y parang kamandag nang kobra na nararamdaman ng puso ko. Ako’y
natuklaw nang isang ahas, at anong ahas? Ito’y ahas ng pagkakawalay ko sa iyo. Hindi
kita makita, Iyong Habag. Nabihag nang kamandag ang aking puso at ako’y malapit
nang mamatay. Ciro-dina tapita jivana—at ito’y hindi ngayon ko lamang
naramdaman, ang hapdi at kirot nang pagkakawalay ko sa isang napakaganda at
masayang buhay ay naramdaman ko na noong simula pa lamang.
Ha ha rupa koro doya, deho more pada-chaya, narottama loilo sarana—sukdulan na ito at sa huling sandaling ito ako’y nagmamakaawa para sa iyong pabor,
dahil malapit nang matapos ang aking buhay.
Ito’y sinulat ni Srila Narottama Dasa Thakur bilang papuri kay Srila Rupa
Goswami. Dahil dito ipinakita niya sa atin ang liwanag mula sa masmataas na lugar ng
buhay bhajan. Ang ating sampradaya ay pinangalanan na Rupanuga-sampradaya, at
ang ating Guru-parampara at ang lahat ng ito’y nakaayon dito. Marami siyang sinulat
na awitin at ito’y punung-puno nang mga masusustansyang kalangitan, na labis na
kalugud-lugod, at may malalim na paniniwala.
Dagdag Pahina II
Ang May-akda at ang
Kanyang Misyon
Si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj ay isang beteranong
ermitanyo na nagpapatupad nang isang tuntunin sa buhay mula sa orihinal na
kinaugaliang banal na pagsasalin-salin na pinasimulan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu,
at siya din ang Tagapagtatag at Acharyya nang banal na templo ng dalisay na
debosyon sa Nabadwip, na nasa Kanlurang bahagi ng Bengal, India, kilala sa tawag na
Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang banal na lugar na ito ng ating pananalig ay itinayo
ni Srila Sridhar Maharaj noong 1941, at naging hiyas para sa mga perigrinong deboto
sa mundo na tunay na naghahangad na makapasok sa loob ng banal na lupain ng mga
nagpapailalim sa Mabuting Kalubusan. Ang kanyang espirituwal na paglalarawan ay
kinilala sa kabuuan ng kasaysayan ng espirituwal na India, at hindi lamang tungkol sa
kanyang mala-encyclopedia na kaalaman sa mga hayag na Banal na Kasulatan, kundi
maging sa kanyang di mapag-aalinlanganang matalas na pag-iisip bilang tunay na
komentarista ng mga tinipong makasaysayang yaman ng mga banal na kasulatan na
hinayag nang mga kapuri-puring banal na santo ng Katimugan. Isa siyang walang-
kaparis na orakulo, na kayang pumiga sa panloob na kahulugan at sustansya ng mga
Banal na Kasulatan at magbigay nang malago, malawak, buhay na konsepto nito.
Noong 1985, tatlong taon bago siya pumanaw sa materyal na mundong ito,
binigyang-katuparan ni Srila Srdihar Maharaj ang kanyang personal na kagustuhan na
apatnapung taon na niyang minimithi, kanyang iginawad noon ang banal na kaayusan
ng sannyasa sa kanyang pinakamamahal, kapalagayang-loob at pinakamataas na
naglilingkod na kaibigan, si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj.
Nakita ni Srila Sridhar Maharaj, na kilala sa kanyang matalas na kaisipan at
espirituwal na pananaw, ang matinding pangangailangan ng kanyang Misyon sa
hinaharap. Kung kaya’t pinili niya si Srila B.S. Govinda Maharaj bilang kahaliling
Acharyya at Presidente niya para sa kanyang Math, ang Sri Chaitanya Saraswat Math,
at ang mga kaanib na sangay nito.
Ang elixir o toniko ng Nektar na kumalat sa mundo buhat sa Sri Chaitanya
Saraswat Math ay patuloy na dumadaloy pa din dahil sa pagpapala ng Sri Guru at ni
Gauranga sa katauhan ni Srila Govinda Maharaj, at dahil sa kanya, ito’y higit pang
naging doble sa katamisan.
Ipinakilala sa atin ni Srila Guru Maharaj—na kinikilala nang lahat bilang
“Tagalikha ng Guru”—ang kanyang pinakamamahal na hiyas sa katauhan ni Srila
Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Ayon nga sa kanyang pananalita, at
sinasabi din natin, “Salamat sa mabuting kapalaran natin!”