4
6PAG-IWAS AMC-020-HI-ABD PRSRT STD U.S. Postage PAID United Health Group TAGLAGAS 2011 Evercare QExA P.O. Box 15923 Honolulu, HI 96830 ANG IYONG PINAKAMAINAM NA iniksyon PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI LABAN SA TRANGKASO Dumating na ang taglagas—at ganun din ang panahon ng trangkaso. Maaaring nakamamatay ang virus ng trangkaso. Mas malala pa ito para sa mga nakatatanda at sa mga taong mayroong mga matagal nang problemang medikal. Halos 90 porsyento ng mga pagkamatay dahil sa trangkaso ay nagaga- nap sa mga taong 65 taong gulang o mas matanda pa. Ang pinakamahusay na proteksyon laban sa trangkaso ay ang pagkakaroon ng iniksyon sa trangkaso bawat taon. Pinapababa ng iniksyon sa trangkaso ang iyong panganib na magkaroon ng mga malalang kumplikasyon ng trangkaso. Maaari ka nitong iiwas sa sakit. Kung nagkaroon ka ng iniksyon noong nakaraang taon, tandaang maaaring mawala ang bisa ng bakuna noong nakaraang taon. At ang mga pinakakaraniwang virus ng trang- kaso ay maaaring magbago bawat taon. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa kung kailan available ang bakuna sa pana- hong ito at kung paano makakuha nito. HUWAG MAGHINTAY! Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pagprotekta sa iyong sarili gamit ang bagong bakuna sa trangkaso. Kailangang makahanap ng bagong doktor? Tingnan ang direktoryo ng pro- vider sa www.evercarehealthplans.com/HI_QExA o tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711). BAGONG PANGALAN, PAREHONG PLANO Magkakaroon ng bagong pangalan ang Evercare QExA simula sa Enero 1. Kami ay magiging UnitedHealthcare Community Plan na. Magkakaroon ka pa rin ng parehong mga benepisyong pangkalusugan, personal na suporta at serbisyo sa customer na iyong nakasanayan. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGLAGAS 2011 · ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy. 4. Dairy: Low-fat o

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGLAGAS 2011 · ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy. 4. Dairy: Low-fat o

6PAG- IWAS

AMC-020-HI-ABD

PRSRT STD U.S. Postage PAID

United Health Group

TAGLAGAS 2011

Evercare QExAP.O. Box 15923Honolulu, HI 96830

ANG IYONG PINAKAMAINAM NA

iniksyonPROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI LABAN SA TRANGKASO

Dumating na ang taglagas—at ganun din ang panahon ng trangkaso. Maaaring nakamamatay ang virus ng trangkaso. Mas malala pa ito para sa mga nakatatanda at sa mga taong mayroong mga matagal nang problemang medikal. Halos 90 porsyento ng mga pagkamatay dahil sa trangkaso ay nagaga-nap sa mga taong 65 taong gulang o mas matanda pa.

Ang pinakamahusay na proteksyon laban sa trangkaso ay ang pagkakaroon ng iniksyon sa trangkaso bawat taon. Pinapababa ng iniksyon sa trangkaso ang iyong panganib na magkaroon ng mga malalang kumplikasyon ng trangkaso. Maaari ka nitong iiwas sa sakit. Kung nagkaroon ka ng iniksyon noong nakaraang taon, tandaang maaaring mawala ang bisa ng bakuna noong nakaraang taon. At ang mga pinakakaraniwang virus ng trang-kaso ay maaaring magbago bawat taon. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa kung kailan available ang bakuna sa pana-hong ito at kung paano makakuha nito.

HUWAG MAGHINTAY! Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pagprotekta sa iyong sarili gamit ang bagong bakuna sa trangkaso.

Kailangang makahanap ng bagong doktor? Tingnan ang direktoryo ng pro-vider sa www.evercarehealthplans.com/HI_QExA o tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

BAGONG PANGALAN, PAREHONG PLANOMagkakaroon ng bagong pangalan ang Evercare QExA simula sa Enero 1. Kami ay magiging UnitedHealthcare Community Plan na. Magkakaroon ka pa rin ng parehong mga benepisyong pangkalusugan, personal na suporta at serbisyo sa customer na iyong nakasanayan.

ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAYAY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Page 2: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGLAGAS 2011 · ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy. 4. Dairy: Low-fat o

2 HEALTH TALK

QA

6NUTRISYON 6KALUSUGAN SA PAG -UUGAL I

8 1 SA BAWAT 20 AMERIKANO AY MAYROONG DEPRESYON.

MyPlateWala na ang food pyramid. Pinalitan na ito ng MyPlate. Mas simple ang bagong sistema. Hinahati nito ang plato sa apat na seksyon kung saan ang isang bahagi ay:

1. Mga Prutas at Gulay: Dapat buuin ng mga ito ang kalahati ng iyong plato. Pumili ng iba’t iba ng bawat isa. Maaaring sariwa, frozen o de-lata ang mga ito. Ayos lang din ang 100 porsyentong juice.

2. Mga Grain: Kumain ng iba’t ibang uri ng grain, tulad ng tinapay, pasta, kanin o oatmeal. Hindi bababa sa kalahati ng mga ito ay dapat na whole grain.

3. Protina: Piliin nang mas madalas ang mga lean na protina, tulad ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy.

4. Dairy: Low-fat o fat-free na gatas, keso at yogurt ay bahagi rin ng wastong pagkain.

AYUSIN ANG HAPAG-KAINAN Matutunan kung

paano pumili nang pinakamahusay sa bawat pangkat ng pagkain. Alamin kung ilang serving ng bawat pangkat ng pagkain ang iyong kailangan. Bisi-tahin ang www.choosemyplate.gov.

MAGPAGAMOT Kung mayroon kang mga sintomas ng depresyon sa halos lahat ng oras sa loob ng mahigit sa ilang linggo, kausapin ang iyong doktor. Maaari ka ring maka-

hanap ng provider ng kalusugan ng pag-iisip sa pamamagitan ng pagtawag sa aming lokal na koponan ng United Behavioral Health sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

Q ANO ANG PINAKAMAINAM NA PARAAN SA PAGTIGIL SA PANINIGARILYO?

A Maraming mapagkukunang makakatulong sa iyong tumigil sa paninigari-lyo. Makakatulong ang mga gamot. Makakakuha ka ng suporta sa telepono

o online. Mayroong mga klaseng maaari mong kunin nang personal. Maka-katulong din ang pagkakaroon ng craving journal o pagta-tally kung magkano ang iyong natitipid sa hindi paninigarilyo. Para sa pinakamainam na resulta, gumamit ng pinakamaraming mapagkukunan na kaya mo. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa paglikha ng plano sa pagtigil na akma sa iyo.

PA G L A B A N S A

kalungkutanHUWAG IKAHIYA ANG DEPRESYON

Ang depresyon ay isang problemang medikal. Hindi ito dapat ikahiya. Mahigit 20 milyong Amerikano ang mayroon nito. Higit itong karaniwan sa kababaihan. Sa lahat ng etnikong grupo, ang mga Asian American at Pacific Islander ang pinaka-hindi malamang na mangailangan ng tulong sa mga karamdaman sa pag-iisip. Ang ilang senyales ay kinabibilangan ng:g isang malungkot na disposisyong hindi

mawala-wala.g kawalan ng pagnanais na gawin ang mga

bagay na dating mong kinawiwilihan.g pagkain nang mas marami o mas kaunti

kaysa sa dati.

g problema sa pagtulog o labis na pagtulog.

g kakulangan ng enerhiya.g kahirapan sa pag-iisip. g pag-iisip ng kamatayan o pagpapakamatay.

Maaaring magamot ang depresyon. Makakatulong ang mga gamot. Gayun-din ang therapy. Maaari mo ring subukan ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Ang pag-eehersisyo, pagkakaroon ng sapat na tulog at pagkain ng masustansyang pagkain ay maaaring magpabuti sa iyong disposisyon.

Page 3: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGLAGAS 2011 · ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy. 4. Dairy: Low-fat o

TAGLAGAS 2011 3

6PAG- IWAS

MAGING ISANG survivorNAKAKASAGIP NG MGA BUHAY ANG SCREENING NG BREAST CANCERPangalawa ang breast cancer sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa cancer sa kababaihan sa U. S. Nganit ngayon, mayroong higit sa 2 milyong survivor ng breast cancer U.S. Isang dahilan nito ay dahil sa ang breast cancer ay magagamot kung malalaman ito nang maaga. Makakatulong ang mga screening na matuklasan ang sakit bago pa magkaroon ng anumang mga sintomas. Narito ang mga screening na inirerekomenda ng American Cancer Society (ACS):g Sariling pagsusuri: Dapat magsagawa ang kababaihan ng mga buwanang breast self-exam sa

edad na 20. Maaaring ipakita sa iyo ng isang dalubhasa sa pangangalaga sa kalusugan kung paano. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung nakapansin ka ng anumang mga pagbabago sa hitsura o pakiramdam ng iyong mga suso.

g Klinikal na pagsusuri sa suso: Dapat suriin ng iyong doktor ang iyong mga suso sa pana-hon ng isang regular na pisikal na pagsusuri. Ang mga babaeng nasa pagitan ng mga edad na 20 at 39 ay dapat masuri nang hindi bababa sa isang beses bawat tatlong taon. Ang mga pagsusuri ay maaaring maging mas madalas habang ikaw ay tumatanda.

g Mammogram: Ang mga babaeng may edad na 40 at mas matanda ay ang mga pinakananganganib na magkaroon ng breast cancer. Dapat silang kumuha ng specialized na x-ray sa suso bawat taon.Maaaring kailanganin ng isang plano sa screening ng mga babaeng

mas mataas ang panganib na magkaroon ng breast cancer. Ang mga Native Hawaiian na kababaihan ay ang may pinakamataas na rate ng breast cancer at pinakananganganib na mamatay nang dahil sa breast cancer sa estado. Ang mga Pilipina ang may pangalawang pinakamataas na rate ng breast cancer sa Hawaii. Kausapin ang iyong provider tungkol sa iyong panganib na magkaroon ng breast cancer. Magplano para sa regular na screening.

8 ANG MGA NATIVE HAWAIIAN NA KABABAIHAN AY ANG PINAKANANGANGANIB NA MAMATAY NANG DAHIL SA BREAST CANCER SA HAWAII.

3 numerong dapat malaman para sa malu-sog na puso1. PRESYON NG DUGO: Ang mainam

na presyon ng dugo ay mas mababa sa 120/80. Ang 120/80 hanggang 139/89 ay ang hangganan. Ang mataas na presyon ng dugo ay 140/90 o mas mataas pa. Pinapakilos nang husto ng mataas na presyon ng dugo ang puso upang magbomba ng dugo at oxygen sa buong katawan.

2. CHOLESTEROL: Ang mainam na kabuuang cholesterol ay mas mababa sa 200. Ang HDL (“mabuting” choles-terol) ay dapat na mas mataas kaysa sa 50 sa kababaihan o 40 sa kalalaki-han. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang isang mainam na bilang ng LDL (“masamang” cholesterol) para sa iyo. Pinapalaki ng mataas na choles-terol ang panganib ng pagkakaroon ng pamumuo sa iyong mga artery.

3. BLOOD SUGAR: Ang fasting blood sugar na mas mababa sa 100 ay mai-nam. Ang mga antas mula 100 hang-gang 125 ay tumutukoy sa prediabe-tes. Ang mga antas na 126 o higit ay maaaring mangahulugang mayroon kang diabetes. Pinapataas ng diabetes ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke.

Kung ang iyong mga bilang ay matataas, makipagtulungan sa iyong doktor upang mapababa ang mga ito. Kung hindi sapat ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay, makakatulong ang gamot.

KONTROLIN Mayroong mga programa ang Evercare QExA upang

tulungan ang mga taong mayroong sakit sa puso at iba pang mga kundisyon. Tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang matuto nang higit pa.

MAGING BUO Sinasabi ng Janet’s Law na ang mga planong pangkalusugan ay dapat na magbayad para sa reconstruction para sa kababaihang mayroong surgery

para sa breast cancer. Mayroon ka bang mga tanong tungkol sa iyong mga benepsiyo para sa pagtuklas at panggagamot sa breast cancer? Tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

Page 4: AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGLAGAS 2011 · ng isda o manok na walang balat. Magdagdag ng protinang mula sa mga gulay na pinagkukunan, tulad ng mga bean o soy. 4. Dairy: Low-fat o

4 HEALTH TALK

6TUNGKOL SA IYONG PLANO

1-888-980-8728

1-888-980-8728

MAKIPAG-USAP SA AMIN GAMIT ANG IYONG WIKA

This document contains important information. Call 1-888-980-8728 to get the document in another language or have it orally translated for you.

Naglaon daytoy a dokumento iti napateg nga impormasion. Umawag iti 1-888-980-8728 tapno maalam ti dokumento iti sabali a lengguahe wenno maibasa kenka iti maawatam a lengguahe.

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon. Tumawag sa 1-888-980-8728 upang makuha ang dokumento sa ibang wika o upang masabi ito sa inyo sa ibang wika.

Pinahahalagahan N A M I N A N G K A L I D A DTINUTULUNGAN KA NG MGA PROGRAMA NA MAKAKUHA NG PANGANGALAGA AT MGA SERBISYONG IYONG KAILANGANNagsusumikap ang aming programang QExA Quality Improvement upang mabigyan ang aming mga miyembro ng mas mahusay na pangangalaga at serbisyo. Bawat taon iniuulat namin kung gaano kainam kami nakapag-bibigay ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan. Marami sa mga bagay na aming iniuulat ay tungkol sa mga pangunahing usapin sa kalusugan.

Noong 2010, bumuti ang bilang ng mga pagsusuri sa mata at regular na pagsusuri sa dugo para sa aming mga miyembrong mayroong diabetes. Nag-karoon din kami ng mas maraming adultong miyembro na kumuha ng mga regular na prevention checkup. Isa pa, mas maraming miyembro na dapat uminom ng gamot sa loob ng mahahabang panahon ay nakatanggap ng mga pagsusuring kailangan nila upang masubaybayan ang paggamot. Noong 2011, nakikipagtulungan kami sa mga doktor upang suriin kung ang mga miyem-bro ay nasa wastong timbang para sa kanilang tangkad, at nagsusumikap din kami na mapabuti ang screening sa breast cancer at cervical cancer para sa aming mga babaeng miyembro.

Nagsagawa din kami ng mga survey sa miyembro upang makita namin kung gaano kainam naming natutugunan ang mga pangangailangan ng aming miy-embro. Ipinakita ng aming mga survey noong 2010 na karamihan sa aming mga miyembro ay nag-rate sa kanilang natatanggap na pangangalaga sa kalu-sugan bilang mas mataas sa mga pambansang average. Pinakinggan namin ang aming mga miyembro. Noong 2011, nagsusumikap kaming mapabuti ang aming customer service center.

pag-apelaMayroon ka bang prob-lema sa iyong plano sa kalusugan? Nais mala-man ng Evercare. Mayroon kaming mga nakalaang pamamaraan. Sinasabi ng mga ito kung paano namin natutulungan ang mga miyembro sa kanilang mga hinaing at apela.g Ang isang hinaing ay kapag ikaw,

o iyong kinatawan, ay nagsabi sa amin na hindi ka nasisiyahan sa Evercare, sa iyong provider, o sa iyong mga benepisyo.

g Ang isang apela ay kapag hiniling mo sa aming baguhin ang isang pagpapasya tungkol sa iyong saklaw.

NARITO KUNG PAANO Tingnan ang iyong

Handbook ng Miyembro upang matuto nang higit pa tungkol sa mga reklamo, hinaing o apela. Available ito sa aming website sa www.evercarehealthplans.com/HI_QExA. Maaari ka ring tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang humingi ng kopya.

MAKAMIT ITONG LAHAT Kung gusto mong makaalam nang higit pa tungkol sa aming programa ng Pagpapabuti sa Kalidad at ang aming pag-usad tungo sa pagkamit ng

mga layunin, tumawag sa aming mga serbisyo sa lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711).