30
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya 7

Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

  • Upload
    others

  • View
    200

  • Download
    7

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6:

Kalagayang Ekolohikal ng Asya

7

Page 2: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dionalyn U. Dimagiba /Lourdes F. Galang/ Daisybel C. Reyes

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/

Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Erica De Guzman Angeles/ Dinah Yvonne U. Dimagiba

Maesie T. dela Peña

Tagalapat: Lourdes F. Galang / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R. Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

III

7

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:

Kalagayang Ekolohikal ng Asya

Page 4: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalagayang Ekolohikal ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Kalagayang Ekolohikal ng Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

v

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

vi

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

1

Alamin

Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito

ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang

ekolohiko ng rehiyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Leksyon 1 – Kalagayang Ekolohikal ng Asya

Leksyon 2 – Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Leksyon 3 – Kahalagahan ng Balanseng Kalagayang Ekolohikal

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malinang mo ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang kalagayang ekolohiko ng mga rehiyon sa Asya at ang mga

dahilan ng pagkasira nito;

2. nasusuri ang mga suliraning pangkapaligiran at epekto nito sa pamumuhay

ng mga Asyano;

3. naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang

ekolohiko ng rehiyon; at

4. nakapagmumungkahi ng pamamaraan sa paglutas ng mga suliraning

pangkapaligiran.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang

maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

2

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Isa itong komunidad ng mga buhay na organismo at di-buhay na bagay sa

kanilang kapaligiran na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa bilang isang sistema.

A. ekolohiya

B. ekosistema

C. kapaligiran

D. siyensya

2. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit patuloy na nababawasan ang natural

na ekosistema sa kasalukuyan MALIBAN sa:

A. Pagbabago ng klima

B. Pagtatanim ng halaman

C. Pagtaas ng populasyon

D. Polusyon sa tubig

3. Ito ay tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga puno sa gubat.

A. climate change

B. deforestation

C. polusyon

D. urbanisasyon

4. Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na

nagpapainit sa mundo.

A. climate change

B. deforestation

C. polusyon

D. urbanisasyon

5. Ito ay isa rin sa dahilan ng pagkasira ng lupa kung saan hindi nakasasapat ang

kapasidad ng damuhan sa laki ng kawan ng hayop.

A. deforestation

B. overgrazing

C. polusyon

D. urbanisasyon

6. Ito ay tumutukoy sa balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay

at kanilang kapaligiran.

A. climate change

B. ecosystem

C. ecological balance

D. polusyon

Page 9: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

3

7. Suliraning pangkapaligiran kung saan nagkakaroon ng kontaminasyon sa lupa,

tubig at hangin na lubhang mapanganib sa tao at mga organismo.

A. climate change

B. ecosystem

C. ecological balance

D. polusyon

8. Ang mga sumusunod ay masamang epekto ng paglaki ng populasyon sa

kalikasan MALIBAN sa:

A. Dumadami ang nangangalaga sa kalikasan. B. Nagbubunsod ng kontaminasyon at polusyon sa mga hangin, tubig at

lupa. C. Mas mataas na pangangailangan ng mga likas na yaman.

D. Pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga sakahan at mabundok na lugar na

sumisira sa tirahan ng mga hayop.

9. Isang proseso ng pagiging urbanong lugar ng isang rural na bayan dulot ng

paglipat ng mga tao at pagdami ng imprastraktura.

A. climate change

B. deforestation

C. polusyon

D. urbanisasyon

10. Ang mga sumusunod ay dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity

MALIBAN sa:

A. Patuloy na pagtaas ng populasyon.

B. Pagkakalbo ng kagubatan.

C. Pagtatanim ng mga halaman at puno.

D. Walang habas na pagkuha ng likas na yaman.

11. Libo-libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang

pagtaas ng katamtamang temperatura sa daigdig. Alin sa sumusunod na mga

suliraning pangkapaligiran ang nais tugunan sa pahayag?

A. deforestation

B. ecological balance

C. global warming

D. habitat

12. Ito ang pangunahing epekto ng pagkasira at pagkatuyo ng lupa.

A. Kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan.

B. Malawakang pagbaha.

C. Pagkakalbo ng mga kagubatan.

D. Patuloy na pagtaas ng populasyon.

13. Isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng produksiyon

ng basura. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng suliraning ito?

A. Kakulangan sa pagkain.

B. Pagkakasakit ng tao at polusyon sa paligid.

C. Pagkakalbo ng kagubatan.

D. Pagtaas ng temperatura ng daigdig

Page 10: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

4

14. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nakatutulong sa pangangalaga ng

kapaligiran MALIBAN sa:

A. Pagtatanim ng mga puno.

B. Pagsali sa mga proyektong Clean and Green at Bantay Kalikasan.

C. Pagtatapon ng basura sa ilog at mga kanal.

D. Paghihiwalay ng mga basura.

15. Alin sa mga sumusunod na pamayanan ang nagpapakita ng HINDI pagsunod sa

mga panuntunang pinaiiral ukol sa pangangalaga nang kapaligiran?

A. Ang Barangay Mapayapa na regular na naglilinis ng mga kanal sa kanilang

komunidad.

B. Ang Barangay Maligaya kung saan walang sistema ang pagtatapon ng

basura.

C. Ang Barangay Malaya na nagkakaisa sa paghihiwalay ng kanilang mga

basura.

D. Ang Barangay Mabuhay na nagpapatupad ng mga proyektong

pangkalikasan sa kanilang komunidad.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

5

Aralin

1 Kalagayang Ekolohikal

ng Asya

Sa nakaraang aralin, natuklasan mo ang implikasyon

ng mga likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga

Asyano. Sa iyong pagtuklas, naitanong mo ba sa iyong sarili

kung ano ang hindi mabuting dulot ng labis na paglinang ng

likas na yaman sa kapaligiran? Ano ang kahalagahan ng

pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal ng Asya?

Bago mo tuklasin ang kasagutan sa mga katanungan na ito,

mahalagang balikan mo ang iyong mga natutuhan sa

nakaraang aralin upang lubos mong maunawaan ang mga

paksa na tatalakayin sa bagong aralin.

Balikan

Sa nakaraang aralin tinalakay natin ang mga likas na yaman ng Asya at ang

implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano. Suriin ang larawan sa ibaba at

sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang

papel.

Page 12: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

6

Mga Gabay na Tanong:

1. Anong uri ng mga likas na yaman ang makikita sa larawan?

2. Sa anong rehiyon o bansa sa Asya sagana ang mga ito?

3. Ano ang maaaring idulot kapag hindi wasto ang paggamit ng mga likas na

yaman?

4. Sa iyong palagay, matutugunan ba ng mga bansa ang kanilang mga

pangangailangan sa darating na panahon kung patuloy ang pagdami ng tao sa

Asya?

5. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maitutulong upang malinang nang wasto

ang ating mga likas na yaman?

Tuklasin

SULIRANIN-ALAMIN

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga alam mong suliraning pangkapaligiran na

nararanasan sa ating bansa. Maaaring magbasa ng pahayagan, manuod ng balita

sa telebisyon o magsaliksik sa Internet. Isulat ang iyong mga nalaman sa inyong

sagutang papel.

Suliranin blg. 1

Suliranin blg. 2

Suliranin blg. 3 Suliranin blg. 4

Page 13: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

7

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang mga suliraning pangkapaligiran sa Pilipinas na

natuklasan mo?

2. Sa paanong paraan nakakaapekto ang mga ito sa buhay natin?

3. Ano-ano kaya ang maaaring solusyon upang matigil ang mga

suliraning ito?

4. Ano ang maaari mong magawa upang makatulong na mabawasan

ang masamang epekto ng mga suliraning ito?

Suriin

Basahin at unawain ang teksto at mga balangkas ng kaisipan tungkol sa kalagayang

ekolohikal ng Asya.

KALAGAYANG EKOLOHIKAL NG ASYA

Ang Asya ay itinuturing na pinakamalaking kontinente sa

buong daigdig. Tinatayang sakop nito ang sangkatlong (1/3) bahagi ng

kabuuang lupa ng mundo. Dito rin matatagpuan ang iba’t ibang uri

ng biodiversity dahil sa lawak ng kabuuang sukat ng kontinenteng ito.

Natatangi ang Asya sa taglay nitong mga ecosystem o komunidad ng

mga may buhay na organismo at di-buhay na bagay sa kanilang

kapaligiran na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa bilang isang sistema.

Makikita rito ang napakaraming uri ng mga bagay na may buhay na

bumubuo sa kapaligiran at kalikasan na patuloy na nililinang ng tao

upang mapaunlad ang kani-kanilang pamumuhay at kabuhayan.

Ngunit sa patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon at patuloy na pagtaas

ng demand sa mga pangunahing pangangailangan, hindi maiiwasan ang mga

pangamba sa panganib ng unti-unting pagkasira ng kalikasan sa mga rehiyong

kabilang dito upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Isang

malaking hamon sa bawat bansa ang agarang pagtugon sa mga suliraning pang-

ekolohikal at pangkapaligiran na kinahaharap upang mapanatili ang timbang na

kalagayang ekolohiko ng mga rehiyon sa Asya para mapigilan ang tuluyang

pagkawasak ng kalikasan.

Paano nga ba matutugunan ang suliraning ito? Ano-ano ang mga salik na

kaakibat ng mga suliraning ito? Tunghayan ang balangkas ng kaisipan upang lubos

na maunawaan, ang mga konseptong nakapaloob sa paksa.

Page 14: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

8

Epekto ng Malaking Populasyon sa Kalikasan

Sa patuloy na paglaki ng populasyon ng tao ay maituturing ito na

pangunahing sanhi ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya maging sa

buong mundo. Tunghayan ang one cause and multiple effects diagram

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA ASYA

Pagkasira ng Lupa

Malaki ang bahaging ginagampanan ng lupa upang patuloy na mabuhay at

makapamuhay ang mga tao. Nakaasa sa kapakinabangan o productivity ng lupa ang

mga agrikultural na produkto na siyang bumubuhay at tumutustos sa kabuhayan

ng mga mamamayan.

Pagtaas ng pangangailangan sa likas na

yaman at demand para sa pagkain

Pangangailangan ng sapat na espasyo na

dahilan upang gawing subdibisyon ang

mga sakahan at bundok PAGLAKI NG

POPULASYON Pagtaas ng produksyon ng basura na

nagbubunsod ng polusyon sa hangin, lupa

at tubig.

Suliraning Pang-ekolohikal at

Pangkapaligiran

Pagkasira ng

lupa

Siltasyon

Salinization

Desertification

Overgrazing

Pagkawala ng

biodiversity Urbanisasyon

Pagkasira ng

kagubatan

Deforestation

Pagkasira ng

mga habitat

Polusyon

Problema sa

solidwaste at

wastewater

Pagbaha

Pagtaas ng

populasyon

Pagbabago ng

klima

Pagguho ng

lupa

Erosyon ng

lupa

Page 15: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

9

Ang lupa ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng mga mahahalagang

pangangailangan ng tao tulad ng pagkain. Subalit dahil sa mataas na pagkonsumo

ng tao ay nakararanas ang rehiyon ng Asya ng matinding suliranin gaya ng

salinization, siltasyon, desertification, at overgrazing.

Tunghayan ang talahanayan na nagpapakita ng ilan sa mga suliranin sa lupa

na kinakaharap sa kasalukuyan.

Salinization

pagkakaroon o

paglitaw ng asin sa

ibabaw ng lupa.

Desertification

tuluyang pagkatuyo at

pagkawala ng

sustansya ng

matabang lupa

Overgrazing

hindi pagkasapat ng

kapasidad ng

damuhan sa laki ng

kawan ng hayop.

Halimbawa:

Bangladesh (33% ng

mamamayan nito ang

nakikinabang sa mga

ilog na ito)

Halimbawa:

China (358, 800 km2

na desertified na

lupain)

Jordan, Iraq,

Lebanon, Syria at

Yemen

Halimbawa:

Hilagang Iraq, Saudi

Arabia maging sa

bansang Oman

Maaaring Bunga: Ang pagkasira at pagkatuyo ng lupa ay magdudulot ng

matinding suliranin gaya ng kakulangan sa pagkain, krisis sa kabuhayan at

maging panganib sa kalusugan.

Urbanisasyon

Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon sa mga lungsod ay

nangangahulugan din ng pagtaas ng demand ng pangangailangan ng mga tao dito.

Kaakibat nito ang pagkakaroon ng mga depressed areas o nakalulunos na lugar na

naging sanhi ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran gaya ng polusyon sa hangin,

polusyon sa tubig, polusyon sa lupa, noise pollution, panganib sa kalusugan,

problema sa solid waste at wastewater.

Panganib sa

kalusugan

URBANISASYON

Pagdami ng

Depressed

Areas

Problema sa

wastewater

at solidwaste

Polusyon

Hangin Tubig

Noise

Pollution

Page 16: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

10

Pagkawala ng Biodiversity

Tinuturing ang kontinente ng Asya bilang isa sa may

pinakamayamang biodiversity sa buong mundo. Ang biodiversity ay

tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng anyo ng lahat ng may buhay na

bumubuo sa kalikasan. Matatagpuan ang pinakamaraming species ng

mga isda, amphibian, reptile, ibon at mammal sa China, India, Thailand,

Indonesia maging sa Malaysia. Gayunpanman, sa rehiyon ng Asya rin

nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity.

Dahilan ng Pagkawala ng Biodiversity

Pagkasira ng Kagubatan

Malaking suliraning pangkapaligiran at pang-ekolohikal ang deforestation o

tahasang pagkawasak ng kagubatan. Dahil dito, tuluyang nababawasan ang likas

na yaman ng kagubatan kung saan maging ang natural ecosystem ay lubos ding

naaapektuhan.

Kasabay ng pagkawasak ng kagubatan, ang pagkawala ng tirahan o natural

habitat ng iba’t ibang species na magiging dahilan ng kanilang pagkaubos. Ang

pangunahing sanhi ng problemang ito ay pagkakaingin, pagpuputol ng puno at

pagkasunog ng kagubatan.

5. Introduksiyon ng mga hindi likas na species

3. Pag-aabuso sa lupa

6. Polusyon sa kapaligiran

4. Pagkasira ng kagubatan (deforestation)

2. Walang-habas na paggamit ng likas na yaman

1. Patuloy na pagtaas ng populasyon

pagguho

ng lupa

pagbaha siltasyon

sedimentasyon

erosyon

ng lupa

Page 17: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

11

Pagbabago ng Klima

Isa sa malubhang suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ang climate

change. Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng pandaigdigan o

rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago o aktibidad ng tao.

Isa sa pangunahing aspekto ng pagbabago

ng klima ay ang global warming o pagtaas ng

temperatura ng daigdig. Ang gawain ng tao ay

nagdudulot ng pagtaas ng carbon dioxide at iba

pang greenhouse gases (GHGs). Ang GHGs na

ito ang nagkukulong ng init sa mundo. Ilan sa

mga dahilan ng climate change ay ang usok

mula sa sasakyan, pagputol ng puno na siya

sanang mag-aalis ng carbon dioxide.

KAHALAGAHAN NG BALANSENG KALAGAYANG EKOLOHIKAL

Tinuturing ang usapin sa ecological balance bilang isang malubha at

pandaigdgang suliranin. Ang ecological balance ay tumutukoy sa balanseng

kalagayang ekolohikal ng pamayanan ng mga species na nakikipag-ugnayan sa

bawat isa bilang isang sistema. Mahalaga ang balanseng ito upang mapanatili ang

likas na interaksyon ng iba’t ibang species at kanilang kapaligiran na magiging

dahilan upang mapanatili ang dami ng kanilang lahi.

Ang balanseng kalagayang ekolohikal na ito ay nasisira dahil sa iba’t ibang

sanhi. Ang mabilis na paglaki ng populasyon sa daigdig, gawaing industriyal at labis

na paggamit ng mga likas na yaman ay ang mga pangunahing sanhi nito. Malaki

ang magiging epekto nito sa

pangkalahatang kalidad ng

kapaligirang pandaigdig kung patuloy

na ipagsasawalang-bahala ang

suliraning ito. Mahalaga na

mapagtuunan ng pansin ang

suliraning pang-ekolohikal na ito at

makapagsagawa ng mga hakbang

upang hindi tuluyang lumala ito. Ilan

dito ay wastong paglinang at paggamit

ng mga likas na yaman, pagkontrol sa

pagdami ng populasyon at

pangangalaga sa kalikasan.

Mahusay! Natuklasan mo na ang kalagayang ekolohikal ng Asya, gayundin ang

mga suliraning pangkapaligiran at pang-ekolohikal na kinakaharap sa kasalukuyan.

Napagtagumpayan mo rin ang paunang gawaing patungkol sa bagong konsepto at mga

kasanayan nito. Handa ka na ba sa mga pagsasanay na magpapatibay sa iyong pag-

unawa at mga kasanayan sa paksa? Halina at ang iyong kaalaman ay pagyamanin!

Page 18: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

12

Pagyamanin

A. HAPPY FACE OR SAD FACE

Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit ang mukhang sasagot sa

bawat pahayag sa iyong sagutang papel.

1. Sa tulong ng likas na yaman, patuloy na napauunlad ng tao ang

kanilang kabuhayan.

2. Patuloy na nababawasan ang mga natural ecosystem sa Asya.

3. Pagtaas ng produksiyon ng basura bunsod ng pagdami ng

populasyon.

4. Pakikiisa sa mga programa na nangangalaga sa kagubatan at sa

mga hayop na nakatira dito.

5. Pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed areas.

6. Pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHGs).

7. Wastong paggamit at paglinang ng likas na yaman.

8. Pagsasagawa ng tamang pamamaraan ng pagtatapon ng basura.

9. Pagtatanim ng halaman at mga puno.

10. Pagtatapon ng basura sa ilog at lawa.

B. MAGTAPATAN TAYO!

Panuto: Paghambingin ang mga salita o terminolohiya sa Hanay A at Hanay B. Isulat

ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____ 1. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay

____ 2. Timbang na ugnayan sa pagitan ng mga

bagay na may buhay at ang kanilang

kapaligiran

____ 3. Pagdami ng deposito ng banlik na dala ng

umaagos na tubig sa isang lugar

____ 4. Tawag sa lupang may mataas na lebel ng

alkaline.

____ 5. Hindi pagkasapat ng kapasidad ng damuhan

sa laki ng kawan ng hayop.

a. Alkalinization

b. Biodiversity

c. Ecological Balance

d. Habitat

e. Kapaligiran

f. Overgrazing

g. Salinization

h. Siltation

Page 19: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

13

C. DAYAGRAM NG SBS (SANHI-BUNGA-SOLUSYON)

Panuto: Punan ng kasagutan ang dayagram ng sanhi-bunga-solusyon. Gamitin ang

nabasa mong sanaysay patungkol sa suliraning pang-ekolohikal at pangkapaligiran

bilang gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

D. DALAWANG PAGPIPILIAN

Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot na nasa loob

ng panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Natatangi ang kontinente ng (Asya / Antartika) sa taglay nitong ecosystem.

2. Ang (paglaki / pagliit) ng populasyon ay nagdudulot ng pagtaas sa produksyon

ng basura.

3. Kasabay ng pagdami ng (mayayaman / mahihirap) na lugar o depressed areas

ang panganib sa kalusugan.

4. Ang biodiversity ay tumutukoy sa (pagkakaiba-iba / pagkakamukha-mukha) ng

anyo ng lahat ng may buhay na bumubuo sa kalikasan.

5. Ang mga aktibidad ng tao ay nagdudulot ng pagtaas ng carbon dioxide at iba

pang (redhouse gases / greenhouse gases).

6. Ang (pagbaba / pagtaas) ng temperatura ng daigdig ay tinatawag na global

warming.

7. Ang climate change ay tumutukoy sa (pagbabago / hindi pagbabago) ng klima.

8. Ang mga dating sakahan ay ginagawang (subdibisyon / tirahan ng hayop) dahil

sa matinding pangangailangan ng espasyo bunsod ng mataas na populasyon.

9. Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang pagkawala ng biodiversity ay ang

(wasto / walang-habas) na pagkuha at paggamit ng likas na yaman.

10. (Mabuti / Masama) ang naidudulot ng deforestation sa natural ecosystem ng

rehiyon.

SANHI BUNGA SOLUSYON

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

_________

PATULOY NA

PAGTAAS NG

POPULASYON

Page 20: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

14

E. BIODIVERSITREE

Panuto: Isa-isahin ang mga dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity. Pumili

ng tatlo sa iyong sagot at magbigay ng sariling mungkahing solusyon o paglutas ng

suliraning ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

F. SANHI AT BUNGA

Panuto: Tukuyin ang bunga ng mga sumusunod na pangyayari o sitwasyon. Isulat

ang titik sa patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sanhi Bunga

____1. Pakikiisa sa mga programang

nangangalaga sa mga kagubatan.

____2. Pagdami ng depressed areas.

____3. Pag-aabuso sa lupa.

____4. Pagtaas ng carbon dioxide at iba

pang greenhouse gases.

____5. Malalaking pangangailangan ng

espasyo dahil sa mataas na

populasyon.

____6. Introduksiyon ng hindi likas na

species sa isang partikular na lugar.

____7. Pagbebenta sa mga naresiklong

patapong bagay o gamit.

____8. Paggamit ng mga nabubulok na

basura bilang pataba sa lupa.

____9. Hindi pagtatapon ng basura sa mga

ilog at lawa.

____10. Madalas na pagsusunog ng basura.

a. Paglala ng polusyon sa hangin.

b. Pagkasira at pagkatuyo ng lupa.

c. Mababawasan ang produksyon ng

nabubulok na basura at magiging

masustansya ang lupa.

d. Tuluyang pagkawala ng biodiversity

e. Patuloy na pagtaas ng temperatura ng

daigdig o global warming.

f. Pagtaas ng produksyon ng basura at

panganib sa kalusugan.

g. Karagdagang kita at kabawasan sa

produksyon ng basura.

h. Maiiwasan ang polusyon sa tubig.

i. Mapapanatiling ligtas ang natural habitat

ng mga hayop sa kagubatan.

j. Pagkawala ng ilang sakahan dahil sa

paggawa ng mga subdibisyon.

k. Pagkakalbo ng mga kagubatan

1. _____________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

2._____________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

3. _____________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

Mga Dahilan ng

Pagkawala ng

Biodiversity

1. ______________________

2. __________________________

3. _____________________________

4. _____________________________

5. __________________________

6. ______________________

Page 21: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

15

Isaisip

Ganap mo nang napaunlad sa bahaging ito ang iyong kasanayan at

kaalaman tungkol sa kalagayang ekolohikal ng Asya. Sa puntong ito ay

magagamit mo ang iyong mga natutunan sa pagsagot sa gawaing ito.

Kumpletuhin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

Ang kalagayang ekolohikal ng Asya ay___________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Ang suliraning pangkapaligiran na kinakaharap

ng Asya ay _____________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Makakatulong ako sa pangangalaga ng kalikasan

sa pamamagitan ng_____________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Page 22: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

16

Isagawa

PAGBUKADKAD NG KAALAMAN

Panuto: Isulat sa talulot (petals) ng bulaklak ang mga hakbang o

solusyon na sa iyong palagay ay makakatulong upang malutas ang mga

suliraning pangkapaligiran. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa tirahan ng mga hayop at iba pang bagay na ngayon ay unti-

unting nawawasak dahil sa pagdami ng tao at mga proyektong pangkabuhayan?

A. biodiversity

B. ecosystem

C. habitat

D. ozone layer

Paano ka

makakatulong

sa paglutas ng

mga suliranin sa

Kapaligiran?

Page 23: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

17

2. Anong suliranin sa lupa ang tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong

bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa

permanenteng pagkawala ng pakinabang o productivity nito?

A. biodiversity C. salinization

B. desertification D. siltation

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagkaubos at pagkawala

ng mga punongkahoy sa mga kagubatan?

A. biodiversity C. desertification

B. deforestation D. salinization

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkawala ng biodiversity?

A. Patuloy na pagtaas ng populasyon

B. Pagkakalbo ng kagubatan

C. Pagtatanim ng mga halaman at puno

D. Walang habas na pagkuha ng likas na yaman

5. Ano ang tawag sa suliranin sa lupa kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang

asin o kaya ay inaanod ng tubig papunta sa lupa at karaniwang nagaganap sa

paligid ng estuary at sa lugar na mababa ang balon ng tubig?

A. biodiversity C. salinization

B. desertification D. siltation

6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbabago ng pandaigdigan o

rehiyunal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig at gawain

ng tao?

A. biodiversity C. deforestation

B. climate change D. ecosystem

7. Ano ang tawag sa lupang may mataas na lebel ng alkaline kung saan ito ay

nakasisira ng pananim sapagkat ang dami ng alkali sa lupa ay nakakaapekto sa

prosesong bayolohikal at kemikal na nagaganap dito?

A. alkalinization C. desertification

B. biodiversity D. salinization

8. Anong suliranin ito na tumutukoy sa pagkasira ng lupa dahil hindi nakasasapat

ang kapasidad ng damuhan sa laki ng kawan ng hayop?

A. deforestation

B. overgrazing

C. polusyon

D. urbanisasyon

9. Ano ang pinakamainam na gawin ng mga mamamayan upang mabawasan at

mapigilan ang patuloy na paglaki ng produksyon ng basura?

A. Bawasan ang pagkonsumo ng mga produktong solido

B. Ipagpaliban ang industriyalisasyon

C. Pigilan ang proseso ng urbanisasyon

D. Pagtatapon ng mga basura sa wastong basurahan at pagreresiklo

Page 24: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

18

10. Maraming paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkawala ng biodiversity.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ito?

A. Ipaubaya ang paglutas ng suliranin sa mga lokal na opisyal

B. Makibahagi sa mga proyektong may kinalaman sa pagsagip sa kalikasan

C. Maging mulat sa mga pangyayari sa kapaligiran

D. Tangkilikin ang mga biodegradable na produkto

11. Bakit mahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang

ekolohikal ng Asya?

A. Sapagkat anuman ang maging kalagayan ng ekolohiya ng rehiyon ay tiyak

na makaaapekto sa kalidad ng kapaligirang pandaigdig.

B. Sapagkat maaaring magdulot ito ng kaguluhan sa lahat ng mga

mamamayan sa isang bansa.

C. Upang maging mabuting ehemplo sa ibang mamamayan sa iba pang mga

kontinente.

D. Upang mapanatiling maganda ang ating kapaligiran.

12. Isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng produksiyon

ng basura dulot ng mataas na populasyon. Alin sa mga sumusunod ang

pangunahing epekto ng suliraning ito?

A. Kakulangan sa pagkain

B. Pagkakasakit ng tao at polusyon sa kapaligiran

C. Pagkakalbo ng kagubatan

D. Pagtaas ng temperatura ng daigdig

13. Libo-libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang

pagtaas ng katamtamang temperatura sa daigdig. Alin sa sumusunod na mga

suliraning pangkapaligiran ang nais tugunan sa pahayag?

A. biodiversity

B. deforestation

C. ecosystem

D. global warming

14. Ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan

ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may

buhay at ang kanilang kapaligiran?

A. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na

makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang

pandaigdig.

B. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng

suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

C. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong

pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman.

D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na

henerasyon.

Page 25: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

19

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI masamang epekto ng paglaki ng populasyon

sa kalikasan?

A. Dumarami ang nangangalaga sa kalikasan

B. Mas mataas na pangangailangan ng mga likas na yaman

C. Nagbubunsod ng kontaminasyon at polusyon sa mga hangin, tubig at lupa

D. Pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga sakahan at mabundok na lugar na

sumisira sa tirahan ng mga hayop

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Karadagang Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang ipinakikita ng mga

larawan sa ibaba. Isulat ang mga titik sa patlang na bubuo sa hinahanap na salita

o kasagutan at magbigay ng epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Epekto sa Pamumuhay:____________________

__________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________

1. ___L___ ___A___ W___ R ___I___G

Epekto sa Pamumuhay:______________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________

2. P__ __ __ S __ __ __ S__ H __ __ G__ N

Page 26: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

20

Karadagang Gawain 2.

Panuto: Tukuyin ang salita na inilalarawan sa bawat bilang. Ilagay sa loob ng kahon

ang mga titik upang mabuo ang hinahanap na salita. Isulat ang wastong sagot sa

iyong sagutang papel.

1. Balanseng kalagayang ekolohikal ng pamayanan ng species na nakikipag-

ugnayan sa isa’t isa bilang isang sistema.

2. Paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa.

3. Hindi pagkasapat ng kapasidad ng damuhan sa laki ng kawan ng hayop.

4. Pagkakaiba-iba ng anyo ng lahat ng may buhay na bumubuo sa kalikasan.

Epekto sa Pamumuhay:____________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________

3. ___ E ___ ___ R ___ ___ T ___ T ___ ___ N

Epekto sa Pamumuhay:____________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. __ __S__ __T__ __ __C__ __I__N

Epekto sa Pamumuhay:____________________

__________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________

5. P___ ___ ___ S___ ___N S___ T ___ B___ G

Page 27: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

21

5. Pagbabago ng klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago o aktibidad ng

tao.

6. Tuluyang pagkatuyo at pagkawala ng sustansya ng matabang lupa.

7. Kontaminasyon sa lupa, tubig, at hangin.

8. Tahasang pagkawasak ng kagubatan.

9. Pagtaas ng temperatura ng daigdig.

10. Proseso ng pagiging urbanong lugar ng isang rural na bayan dulot ng paglipat

ng mga tao at pagdami ng imprastraktura

Page 28: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

22

Pagyamanin C

1.Asya

2.paglaki

3.mahihirap

4.pagkakaiba

5.greenhouse

gasses

6.pagtaas

7. pagbabago

8.subdibisyon

9. walang habas

10. masama

Pagyamanin F

1. I

2. F

3. B

4. E

5. J

6. D

7. G

8. C

9. H

10. A

Karagdagang

Gawain 1

1.Global

Warming

2.Polusyon sa

hangin

3.Deforestation

4.Desertification

5.Polusyon sa

tubig

Karagdagang Gawain 2

1.Ecological

balance 2.Salinization 3.Over grazing 4.Biodiversity 5.Climate

change 6.Desertification 7.Polusyon 8.Deforestation 9.Global

warming

10.Urbanisasyon

Tayahin

1.A

2.B

3.B

4.C

5.C

6.B

7.A

8.B

9.D

10.B

11.A

12.B

13.D

14.A

15.A

Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin B

1.D

2.C

3.H

4.A

5.F

Subukin

1.A 2.B 3.B 4.A 5.B

6.C 7.D 8.A 9.D 10.C 11.C 12.A 13.B 14.C

15.D

Pagyamanin A

1.😊

2. ☹

3. ☹

4. 😊

5. ☹

6. ☹

7. 😊

8. 😊

9. 😊

10. ☹

Page 29: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

23

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

"SPPR 5 Seeking A Healthy Balance Population, Health, And Environment

Integration". Population Commission, 2012. https://popcom.gov.ph/state-of-

the-philippine-population-report/

Page 30: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com€¦ · Unang Markahan – Modyul 6: Kalagayang Ekolohikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]