19
Kwento nina Andi Agustin, Shai Cometa at Abi Gonzales "Anong Oras Na Nobina?!"

Anong Oras Na Nobina?!

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Anong Oras Na Nobina?!

Kwento nina Andi Agustin, Shai Cometa at Abi Gonzales

"Anong Oras Na Nobina?!"

Page 2: Anong Oras Na Nobina?!

Sa planeta ng Fer, may isang batang ang pangalan ay Nobina.

Lagi siyang inaasar ng kanyang mga kaibigan, paano'y hindi siya marunong

magsabi ng oras.

Page 3: Anong Oras Na Nobina?!

Isang araw,  habang umiiyak na naglalakad si Nobina, nakita siya ng tatlong Feri Godmother, na

ang mga pangalan ay Andi, Abiyie, at Shayie...

"Oh batang Nobina, bakit ka umiiyak?" ani ni Feri Godmother Shaiyie.

"Eh kasi po naman, inaaway ako ng aking mga kaibigan." sagot ng umiiyak na bata.

Page 4: Anong Oras Na Nobina?!

"Oh bakit ka nila inaaway?" sabi naman ni Feri Godmother Abiyie.

"Kasi po, hindi ako marunong magbasa ng oras.. Huhu.. Waaaaaaa! Hindi ko kasi talaga alam!!!!!"

bunghalit ng bata

Page 5: Anong Oras Na Nobina?!

Lumapit ang tatlong Feri Godmother at niyakap si Nobina.

"Huwag kang mga alala, madali lang naman ito matutunan. Ituturo namin sa'yo! Ayos ba iyon?" sabi

ng ikatlong Feri Godmother, si Andi."Talaga po?! Sige po sige po!" biglang saya ang

pumalit sa mukha ng bata.

Page 6: Anong Oras Na Nobina?!

"OO NAMAN NOBINA! Halika isasama ka namin sa mundo ng mga orasan!" sabay-sabay na sabi ng

tatlong Feri Godmother.

"Ipikit mo ang iyong mga mata Nobina," ang utos ni Feri Godmother Shayie

Sabay sabay winagayway ng tatlong Feri godmother ang kanilang kamay.

At pagkatapos ay umiikot ng tatlong beses. 

Page 7: Anong Oras Na Nobina?!

Pagmulat ng mata ni Nobina ay nasa ibang mundo na siya.

Makulay dito, may mga bata, mayroon ding mga halaman, mga bulaklak, mga paru-paro ngunit ang

ikinagulat niya ay ang madaming orasan."Anong lugar na po ito?", nanlalaki ang mga mata nang tinanong niya sa tatlo, "bakit ang dami pong orasan?"

  

Page 8: Anong Oras Na Nobina?!

"Narito ang mga parte ng orasan," ang simula ng pagtuturo ni Feri Godmother Andi.

"Ito ang kanyang dalawang kamay. Ang maliit ang nagsasabi ng oras, at ang malaki naman ang

nagsasabi ng minuto."  

Page 9: Anong Oras Na Nobina?!

"Mapapansin mo din na may mga numero na nakabilog sa orasan," dagdag ni Feri Godmother

Abiyie."Ang mga numerong ito ay binibilang ng limahan sa tuwing ang nakatapat dito ay ang malaking kamay. At kapag ang maliit na kamay ang nakatapat dito,

binabasa ito sa kung ano ang basa talaga dito."

  

Page 10: Anong Oras Na Nobina?!

"Halimbawa, sa orasang ito, nakaturo ang maliit na kamay sa 10 kaya 10 ang basa dito. Samantalang ang

malaking kamay ay nakaturo sa 6, ibig sabihin ang basa dito ay 30", ang turo ni Feri Godmother Shayie, "Kaya

ang basa dito ay 10:30."

"Upang mas maunawaan mo, bibigyan ka pa namin ng maraming halimbawa,"dagdag ni Feri Godmother

Abiyie.

  

Page 11: Anong Oras Na Nobina?!

 

"Hayaan muna natin na ang mga bata ang magsagot, kapag nasanay ka na at natutunan mo na, Nobina,

ikaw naman ang magsasagot, " Dagdag ni Feri Godmother Shayie.

"Anong oras ang pinapakita ng orasan na ito?" tanong ni Feri Godmother Andi.

"Tama mga bata! 4:30 nga!" 

  

Page 12: Anong Oras Na Nobina?!

 "Ano namang oras ang pinapakita nito?, tanong naman ni Feri Godmother Shayie.

"Tama! iyan naman ay 6:40"

  

Page 13: Anong Oras Na Nobina?!

"Ito naman mga bata, anong oras ang pinapakita nito?, tanong naman ni Feri

GOdmother Abiyie.""Ang gagaling niyo! Iyan ay 5:00"

  

Page 14: Anong Oras Na Nobina?!

"Subukan pa natin mga bata para mas maintindihan pa ni Nobina," ang panghihikayat

ni Feri Godmother Shayie."Anong oras ito?"

"Magaling! 3:25"

  

Page 15: Anong Oras Na Nobina?!

"Hindi ba't kay dali lang Nobina? Ngayon, hindi ka na iiyak, sapagkat

ang mga orasan ay mga kaibigan mo na!" ani ni Feri Godmother Andi,

habang ang dalawa pang sila Feri Godmother Shaiyie at Abiyie, ay tumatangong nakangiti sa bata.

"Opo! Ngayon po, hindi na ako ulit iiyak ng dahil sa mga orasan, mula po

ngayon, masasagot ko na rin ang mga tanong nila kung anong oras na!"

Page 16: Anong Oras Na Nobina?!

At sa paglabas nila sa mundo ng orasan, at pagbalik sa planetang Fer, ang naiusal na lamang ng batang Nobina sa sobrang

tuwa:

"Nasasabik na ako! Nasasabik na akong may magtanong sa akin ng ANONG ORAS

NA, NOBINA? Salamat, salamat po sa inyo."

At tumakbo ang batang Nobina pauwi, masayang masaya.

Page 17: Anong Oras Na Nobina?!

Wakas

Page 18: Anong Oras Na Nobina?!

Ang mga larawang ginamit sa kuwentong ito nasa ilalim ng

lisensyang nagpapahintulot sa muling paggamit:

Page 19: Anong Oras Na Nobina?!

Ang pinagkuhanan ng mga ginamit na imaheng orasan ay nagmula sa:

http://www.theteacherscorner.net/printable-worksheets/make-your-own/telling-time/