Click here to load reader
View
296
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
dyaryo
TOMO III Blg. 2 Opisyal na Paygang Pampaaralan ng Lupac- Tabigue HUNYO - NOBYEMBRE, 2013
12 HULYONOBYEMBRE 2013
Lupac-Tabigue, Boac, Marinduque
Kapag bata ay malusog hindi inaantok, aktibo at laging listo sa pagsagot, ito ay madalas na sabihin ng guro sa mga bata.
Si Jollibee kasama ang mga bata at coordinators sa paglunsad ng
B.L.T. ( Lawrelyn Limpiada
Noong Hulyo 15, 2013,
inilunsad ang Busog Lusog-
Talino Supplementary
Feeding Program sa Lupac-
Tab i gue E leme ntar y
School.
Dahil sa lumalaking bilang
ng malnutrisyon, ang pama-
halaan ng Boac ay tumugon
sa proyekto ng Jollibee
Group Foundation upang
mabawasan ang bilang ng mal-
noris at kulang sa timbang sa
bawat paaralan.
Mapalad ang L.T.E.S. na
maisama sa programang ito.
Layunin ng programa na
mapakain ng masustansiya at
sapat ang mga bata upang
lumaking malisog at matalino
ang mga ito.
Mabilis na kumilos ang
ilang tauhan ng D.P.W,H,
upang ihanda ang paaralan
sa darating na dilubyo. Da-
hil may kalumaan na at
nakikita nilang mahina ang
pagkakapit ng bubong sa
mga kahoy, nilagyan ng
matibay na tali ang bubun-
gan. Siniguro nila na pali-
bot ng tali ang itaas. Hang-
gang sa ibaba upang
hindi ito mawasak.
Ang paaralan ng L.T.E.S. ay
ginagawang evacuation Cen-
ter ng mga tao pati na rin ng
mga maliliit na sasakyan. Sa-
pagkat alam nilang delikado
ang kanilang tahanan na
malapit sa ilog at dagat, kaya
sa takot nilang madisgrasya,
agad silang lumikas dala-dala
ang mga gamit at pagkain.
Picture ng nagaharsiya nu bubong
Mabilis na itinatali ng mga tauhan ng D.P.W.H. ang bubong
sa matibay na haligi nito. (kuha ni Lawrelym Limpiada)
Ipinagdiwang ng L.T.E.S. ang
Buwan ng Nutrisyon noong ika-
29, ng Hukyo, 2013.
Ibat-ibang talent sa pag-
sayaw at pagtula ang ipinamalas
ng bawat bata.
Pagluluto naman ng ibat-ibang
putahe mula sa sari-saring gulay
na kanila ring dala ang ipinag-
malaki ng mga bata mula sa ika-
anim na baitang. Hindi lng sa
pagsasayaw at pagluluto
kinaki- t a a n ang mga
bata. Nagkaroon di ng paligsa-
han para sa lahat sa larangan
ng paggawa nga poster at islo-
gan mula sa Unang Baitang
hanggang ikaanim na Baitang.
Kitang-kita sa mga mukha ng
mga bata ang kasiyahang nada-
rama, na para nbang sinasabing
Pwede po bang iextend pa ng
isang araw ang paligsahang
ito?
Matagumpay ang isinagawang
MTAP Review sa D.L.H.M.S.
tuwing Sabado. Pinalad ang mga
bata ng L.T.E.S. mula sa Grade
One hanggang Grade Six na
makakuha ng Una, ikalawa at
ikatlong pwesto laban sa mga
mag-aaral na ibat ibang paara-
lan.
Kabilang sa mga nagtagumpay
mula sa Grade I sina Ashly Pie-
dragoza, Hariette Garcera at
Andrew Zoleta, sa Grade III, si
Ian Zoleta, sa Grade IV, sina
Joshua Lee Matining at Jan-
nica Rose Laugo, sa Grade V
sina Lawrelyn Limpiada, Karen
Laugo Cathy Mabuti at Rachel
Ann Manahan at sa Grade VI
sina Rossel Valenzuela, Marivel
Malitao at Brenz Axel Rabi.
Isa itong malaking tagumpay
ng ating paaralan kung iha-
hambing sa mga nakaraang pag-
sasasanay ng MTAP kayat lak-
ing pasasalamat ng mga guro sa
mga batang ito sa kanilang pag-
pupunyagi!
Nasilat ng Elemen-
tary Sofball Girls ng
koponan ng Boac ang
ikalawang pwesto sa
ginanap na Provincial
Meet noong Nob. 6-
8 ng taong kasaluku-
yan sa Torrijos Cen-
tral School. Igi-
nawad sa mga manla-
laro ng naturang
Koponan ang silver
medal matapos silay
maungusan ng kopo-
nan
ng Torrijos sa iskor
na 8-7.
Napili sa koponan
ng Boac ang tat-
long manlalaro na
sina Rachel Ann
Mervcene ,mag-
aaral ng L.T.E.S.
at dalawang mag-
aaral mula sa
Balimbing Elemen-
tary School upang
makasali sa kopo-
nan ng Marindu-
que sa gaganaping
MIMAROPARA. /
J.M. Jayag
Nanalo ang team
ng softball girls la-
ban sa koponan ng
Balimbing Elemen-
tary School sa
Iskor na 10-9noong
Oktober 15 ng
taong kasalukuyan
sa ginanap na
Marinduque State
Col lege. Hindi
makapaniwala ang
mga bata na sila
ang makakakuha ng
gintong medalya
dahil sa higpit ng
labanan kontra sa
B.E.S.
Kailangang ma-
nalo tayo ngayon
kase, noong na-
karaang
taon sa ating Munici-
pal Meet Champion
din tayo,ani Crissel
sa kanyang mga ka-
sama.
Ganito rin ang na-
sambit ng koponan
ng Volleyball boys
and girls , kase nga
pinakaaasam-asam
din nila ito. Kung
kayat pinagbuti nila
ang kanilang pagla-
laro sa tulong ng
kanilang coach na si
G. Mario Jose Med-
alla.
Masayang-
masayang naiuwi ng
L.T.E.S. ang gintong
medalya. / Lawrelyn
Limpiada
Nakuha ng dalawang
bata ang pangalawa at
pangatlong pwesto sa
larangan ng takbuhan.
Ang mga naturang mag-
aaral ng L.T.E.S. ay
sina Rio Orillla at
Marianne Janap ng Ika
-anim na Baitang. Sila
ay kapwa mananakbo ng
100-meter dash sa gi-
nanap na Zonal Meet sa
Poras Elementary
School noong Oktubre
18, 2013./ J.M. Jayag
Mga estudyante ng L.T.E.S. na nagwagi sa larong softball
MGA NILALAMAN::
Earthquake ...p 2
Ang Alamat..p3
Epekto ng Makabagong
Teknolohiya.p4
World Teachers
Day..p9
2 11 HULYONOBYEMBRE 2013
HULYO
NOBYEMBRE
Mumunting Tinig..
Isang anak ang salita ng S
Anak: Tays kains nas pos tayos.
Tatay: Tigi-tigilan mo na nga
yang kalalalgay mo ng s sa
mga salita mo.
Anak: Oos pos, tays.
Tatay: Anong ulam jan?
Anak: Meron po tayong inigang
Na bangu na may kamati
At ibuya na may ardina
.arap nga abaw eeeeh.
Ha.ha! Ha!ha!...ha! ha! ha!
Nasaan ang Espiritu Santo?
Pari: Bakit di ka pumasok sa
loob, iho?
Bata: Kc po baka mawala ang
bike ko.
Pari: Wag kang mag-alala ang
Espiritu Santo ang magba
bantay ng bike mo ( pu
masok na sila simbahan )
Pari: Marunong ka bang Mag
dasal?
Bata: Opo. Sa ngalan ng Ama,
ng Anak, Amen.
Pari: Kulang yata. Nasaan ang
Espiritu Santo?
Bata: Nasa labas po binabanta
yan po yong bike ko.
Ang Niyog
ni Jim Matining
Ito pa lang niyog,
Habang tumutubo;
Langit na mataas
Siyang tinuturo.
Kung itoy lumakit,
Masunod ang anyo;
Lupang tinubuan
Doon din tutubo.
Ang Alamat ng Tabigue Sa isang maliit na baryo sa
may hilagang kanluran ng bayan
ng Boac, ay may isang lugar na
mayroon daw dalawang version
kung paano ang lugar na to ay
napangalanan.
Noong unang panahon bago pa
man dumating ang mga Kastila,
May isang mag asawang mang-
ingisda na nakatira sa isang
kubo sa tabi ng ilog Boac. Ang
naturang Mangingisda ay si
Mang Miguel na kilala sa tawag
na Igue. Ang kanyang kabiyak ay
si Aling Rosa. Wala pa silang
supling nang may maganap na
isang pangyayari.
Napakasipag na mangingisda
itong si Mang Miguel. Na-
pakaaga niyang pumapalaot
upang manghuli ng isda. Nasa
laot na siya at nanghuhuli ng
isda ay paparating pa lamang
ang kanyang mga kasamahan.
Ginagawa niya ito upang maka-
balik din siya ng maaga ng ba-
hay.
Isang araw, maaga siyang pu-
malaot, hindi niya napansin aka-
pal at maitim na papawirin sa
dakong hilagang silangan ng
kanilang tahanan. Mahina ang
Simoy ng hangin at banayad
naman ang karagatan, kung
kayat wala sa kanyang hinagap
na may kakaibang mangyayari
sa araw na iyon.
Nang siya ay nasa kalautan
na, nagsimula na siyang mag-
kana ng lambat. Ilang oras lang
ay puno na ng huli ang kanyang
munting Bangka kung kayat
gumayak na siyang pauwi. Nag-
paalam pa siya sa kanyang mga
kasamahan. Papasok na siya sa
bunganga ng ilog Boac nang
masalubong niya ang rumara-
gasang baha galing sa ilaya.
Nagulat siya kasi napakagannda
ng sikat ng araw, subalit na-
pakalaki at malakas ang agos ng
tubig baha. Maingat niyang
iginaod ang kanyang Bangka sa
pag-aalalang baka matangay
ang kanyang mga huling isda at
ikasawi rin niya. Tanaw naman
sa tabi ng ilog ang kanyang
asawa na naghihintay sa kan-
yang pagdating. Sinubukan ni-
yang bumagtas sa kabila ng ilog
nang biglang tumaob ang kan-
yang Bangka sa pagsilwak ng
tubig. Buong tapang siyang lu-
mangoy habang dinig na dinig
niya ang sigaw ng kanyang
kabiyak. Tabi Igue! Tabi
Igue! Tabi Igue!, aniya
Narinig ito ng mga tao at
tinulungan nilang makaahon
si Mang Miguel hab