15
Teoryang Arketaypal ay isang teoryang pampanitikan na nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang- diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.

Sa Tabi Ng Dagat

  • Upload
    chade

  • View
    5.547

  • Download
    66

Embed Size (px)

Citation preview

Sa Tabi ng Dagat

Teoryang Arketaypalay isang teoryang pampanitikan na nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.Sa Tabi ng DagatNi: Ildefonso Santos

Marahang-marahangManaog ka, Irog at katay lalakadMaglulunoy katangPayapang-payapa sa tabi ng dagatDi na kailangangSapinan pa ang paang binalat-sibuyas,Ang daliring garingSa sakong na waroy kinuyom na rosas!

Manunulay kataHabang maaga pa, sa isang pilapilNa nalalataganNg damong may luha ng mga bituin;Patiyad na tayoAy maghahabulang simbilis na hangin,Ngunit walang ingay,Hanggang sumapit sa tiping buhangin.4Pagdating sa tubig,Mapapaurong kang parang nangingimi,Gaganyakin kataSa nangaroong mga lamang kati;Doon ay may tahongTalabat halaang kabigha-bighani,Hindi kaya natinMapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdarapit-haponKatay magbabalik sa pinanggalingan,Ugatan ang paaAt sunog ang balat sa sikat ng arawTalagang ganoon;Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,Lahat, pati puso,Ay naaagnas ding marahang-marahan.A. Uring PampanitikanAng akdang Sa Tabi ng Dagat ay isang uri ng tula. Ito ay tumatalakay sa buhay ng tao pati na rin sa pag-ibig. Naipakita rin sa akdang ito ang kahalagahan ng pagibig at tungkol ito sa dalawang taong nagiibigan na kung saan ginamit nila ang kalikasan sa pagpapahayag nito. B. Istilo ng PaglalahadSa istilo ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari ay tuloy-tuloy at may pagkakaugnay ang bawat pangyayari. Ito ay nagsimula sa pagpunta ng dalawang magsing-irog sa dagat, doon ipinahayag ang matamis na pag-iibigan nila at natapos ito ng umuwi na sila pagdapithapon. C. Mga Tayutay Di na kailangang, Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,Ang daliring garing, Sa sakong na waroy kinuyom na rosas!(babaeng may kutis porselana at busilak sa kaputian)Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapilNa nalalatagan, Ng damong may luha ng mga bituin (Bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas na umagaPatiyad na tayo,Ay maghahabulang simbilis na hangin,Ngunit walang ingay,Hanggang sumapit sa tiping buhangin (Magsing-irog na mabilis na naghahabulan sa kumati o bumabang tubig)

D. Sariling Reaksyon1. Mga pansin at puna sa:

a. Mga tauhanBase sa akdang ito nagampanan naman ng mahusay ng dalawang tauhanang kanilang papel bilang isang magsing-irog at itoy ipinakita sa pamamagitan ng persona at ito ay ang lalake na kung saan siya ang nagkukwento.

b. Istilo ng AwtorSa pagpapahayag ng mga pangyayari ang istilo ng awtor ay paggamit ng mga malalalim na salita. Gumamit siya ng mga simbolo sa pagpapahayag ng mga kaisipan.

c. Galaw ng mga pangyayariNaging maayos at malinaw ang mga pangyayari sa akdang ito ngunit kinakailangan talaga ang lubos na pag-unawa at pag-aanalisa dito upang lubhang malinaw na maunawaan ang mensaheng gustong iparating ng tula.2. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa IsipMapapaisip talaga na mahalaga nga na ang pagibig ay dapat nating ingatan at dapat natin itong pahalagahan dahil maaring maglaho ito anumang oras. Kaya dapat hindi natin sayangin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin.

b. Bisa sa Damdamin

Makikita sa tulang ito ang kalungkutan sa wakas dahil sa kabila ng kasiyahan at tamis ng kanilang pagmamahalan nila ay sa huli ay naglaho ito. Ipinapakita dito na ang pag-ibig ay hindi palaging nandyan o ang nararamdamdaman ng tao sa isang tao ay naglalaho din.

c. Bisa sa Kaasalan

Sa pagmamahalan kailangan maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok na maaaring magpatumba sa pagmamahalan dahil sa buhay hindi puro ginhawa lamang, nariyan ang hirap, sakripisyo at pasakit na susukat sa tibay ng relasyon. Pahalagahan at ingatan ito upang sa ikakatagal ng relasyon.E. Uri ng Teoryang pampanitikanIto ay isang teoryang Arketaypal na kung saan ang tulang ito ay nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ito ay ginamitan ng simbolo upang ipabatid mensaheng nais iparating. Gumamit na simbolismo na kalikasan o dagat ang awtor upang maipahayag ang tamis na pagmamahalan ng dalawang tao na kung saan kagaya sa tula na ang pagmamahalan ay naglalaho din.