Ang Simbahan

  • Upload
    bry-an

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Simbahan

Citation preview

1. Ang Simbahan, lalo na ang kanyang mga pinuno, naway magsilbing instrumento ng kaligtasan sa lahat ng tao upang tanggapin nila ang dakilang habag ng Diyos. Manalangin tayo.

2. Ang kapatiran ng Couples for Christ, naway magpatotoo sa pag-ibig ng Diyos sa araw-araw na pagtutulungan, pagbabahaginan at pagkakaunawaan. Manalangin tayo.

3. Ang mga manggagamot at iba pang nagbibigay ng serbisyong medikal naway maging daluyan ng mapagpagaling na kalinga ng Diyos sa mga may karamdaman. Manalangin tayo.

4. Ang mga sitwasyon ng diskriminasyon naway malutas sa pamamagitan ng pagbabago ng puso bilang pagtulad sa Diyos na nagmamahal sa lahat ng tao. Manalangin tayo.

5. Ang mga namumuno ng ating pamahalaan ay maging tapat at nagkakaisa sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa ating bansa at pamayanan. Manalangin tayo.

6. Ang mga pinanghihinaan ng ioob naway palakasin ng malalim na pananalig sa Diyos. Manalangin tayo.

7. Ang mga kaanib ng Pag-ibig sa Kapwai at tagapagtaguyod ng Responsableng Mass Media (ng Boletin Lucentino at VM-FM Spirit 103.9) naway maging masigasig sa pagdarasal at pagtuiong sa nangangailangan. Manalangin tayo.

8. Ang mga yumaong kasapi ng Pag-ibig sa Kapwa at lahat ng lumisan na sa mundong ito naway makatagpo ng kapayapaan sa tiyak na pag-asa sa Muling Pagkabuhay. Manalangin tayo.