31
ANG SIMBAHAN Katangiang-Likas at Misyon ng Iglesia o Sambayanan ng Diyos

ANG SIMBAHAN

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG SIMBAHAN

ANG SIMBAHAN

Katangiang-Likas at Misyon ng

Iglesia o Sambayanan ng Diyos

Page 2: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan ay pamayanan ng mga tao “na, nagkakaisa kay Kristo, at ginagabayan ng Espiritu Santo, na nagpapaptuloy tungo sa kaharian ng Ama at mga tagapagdala ng mensahe ng kaligtasang nakalaan sa lahat ng tao”.

Page 3: ANG SIMBAHAN

KATANGIANG-LIKAS

NG SIMBAHAN

Page 4: ANG SIMBAHAN

Ekklesia / Qahal

Ang dalawang salita ay parehong ngangahulugan ng “bayan ng Diyos na hinirang upang magtipon” at “pagtitipong tinawag ng Diyos”.

Page 5: ANG SIMBAHAN

Kaya, inaangkin ng Simbahan na siya’y “isang pagtitipon-sa-pananampalataya na ang pinka-ugat na dahilan a ang malayang pagtawag ng Diyos sa lahat upang makibahagi sa Kanyang banal na kabutihan at pag-ibig sa pamamgitan ni Kristo.”

Page 6: ANG SIMBAHAN

Paano natin dapat maunawaan ang Simbahan?

Page 7: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan ay lamang organisasyong pantao, kundi “ang Bayan ng Diyos na sama-samang tinawag Niya.” Binubuo ito ng lahat na tinwag sa personal na pakikipag-isa kay Kristo at sa bawat isa, at bilang “kaisa ng Anak, sa pag-ibig ng Espiritu kaisa rin sa Ama.

Page 8: ANG SIMBAHAN

Samakatuwid, ang Simbahan ay “misteryo”, isang katotohanang naksentro sa Diyos sa kanyang simula, sa patuloy na buhay, at sa huling hantungan.

Page 9: ANG SIMBAHAN

Ang Iglesia at Misteryo ng Diyos

Page 10: ANG SIMBAHAN

Nagmula, ayon sa walang hanggang plano ng Ama mula sa tabi ng Ipinakong Kristo, at pinag-aalab at pinag-iisa ng pagdating ng Espiritu Santo;

Ang Simbahan,

Page 11: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

Binalangkas bilang sambayanan ng pag-ibig na ang huwaran ay ang mapagmahal na ugnayan ng Santatlo (Santisima Trinidad) –

Ama-Anak-Espiritu

Page 12: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

May misyong mula sa Ama kasunod ng magkasamang Misyon ng Anak at Espiritu;

Page 13: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

Itinadhana bilang sambayanang naglalakbay na patungo sa ganap na pakikipag-isa sa Banal na Santatlo sa langit.

Page 14: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan

bilang Sakramento

Page 15: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan bilang sakramentoAy isang nahihiwatigang-tanda na nagpapatotoo sa isang espirituwal na katotohanang puno ng grasya.

Page 16: ANG SIMBAHAN

Ang ginamit ni Kristo bilang isang instrumento para sa katubusan ng lahat, at isinugo sa buong sanlibutan bilang tanglaw ng daigdig at asin ng lupa”.

Ang Simbahan bilang sakramento

Page 17: ANG SIMBAHAN

Samkatwid, ang simbahan ay ang mapanghahawakang tanda ng presensiya ni Kristo sa sanlibutan, isang tanglaw na nakikita ng lahat at nagtitipon sa kanila sa kapangyarihan ng Espiritu sa pakikipag-isa sa Diyos at sa isa’t-isa kay Kristo.

Page 18: ANG SIMBAHAN

ANG SIMBAHAN

Ayon sa Bibliya

Page 19: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

Kawan ni Kristo – Ang Mabuting Pastol, na nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa;

Page 20: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

Ubasan ng Diyos na pinayayabong ng Tagapag-alagang mula sa langit. Si Kristo ang tunay na punong nagbibigay-buhay at nagpapamunga sa atin, na mga sanga;

Page 21: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan,

Templo ng Panginoon na si Kristo ang panulukang-bato at ang mga alagad ang siyang pundasyon;

Page 22: ANG SIMBAHAN

Ang Santa Iglesia

Ay Kaharian ng Diyos: Ito ang pangunahing ipinahayag ni Kristo bilang biyaya ng Diyos – ang ating Ama, na siya namang madaling makaramdam sa mga pangangailangan at pagdurusa ng bawat tao.

Page 23: ANG SIMBAHAN

Ang Santa Iglesia

Ay Baya ng Diyos: Nilayon ng diyos na gawing banal ang mga tao at iligtas sila, hindi bilang mga indibidwal na walng anumang ugnayan, kundi sa pamamagitan ng pagbubuklod sa kanila bilang isang bayan – isang bayan kumikilala sa Kanya sa katotohanan at naglilingkod sa Kanya sa Kabanalan.

Page 24: ANG SIMBAHAN

Ang Santa Iglesia

Templo ng Espiritu: Sinulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto “Kayoay templo ng Diyos, at naninirahans sa inyo ang kanyang Espiritu” – nagbibigay-buhay, nagbubuklod, at nagpapakilos sa buong katawan. (1Co.3:16) “Tayong lahat ay binyagan sa iisang Espiritu upang maging isang Katawan” (1Cor.12-13)

Page 25: ANG SIMBAHAN

ANG SIMBAHAN AY BANAL

Page 26: ANG SIMBAHAN

Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, pinabababanal ng Simbahan ang kanyang mga kaanib sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, mapagmahal na paglilingkod, buhay-pagsamba [sakramental] at mga tanging kaloob-na-biayaya.

Page 27: ANG SIMBAHAN

ANG SIMBAHAN AY APOSTOLIKA

Page 28: ANG SIMBAHAN

Ang Simbahan ay itinayo sa saligan ng mga apostol (Ef. 2:20) at sa gayo’y primihang siyang nakaugnay sa kanilang patotoo (Mt.28:19-20). Nagpatuloy an g mga apostolikong kaloob na ito sa pamamagitan ng paghalili ng mga Obispo sa mga apostol.

Page 29: ANG SIMBAHAN

Ano ang misyong ipinagkatiwala ni Kristo sa Kanyang Santa Iglesia?

Page 30: ANG SIMBAHAN

Tinanggap ng Simbahan ang misyong magpahayag at itaguyod sa lahat ng sambayanan ang Kaharian ng Diyos. Ang bawat kaanib ng Santa Iglesia – NA Banal, Iisa, Katolika at Apostolika, ay mayroong tungkulin na ipamansag ang pananampalataya kay Jesu-Kristo na siyang Kaligtasan ng sanlubutan.

Page 31: ANG SIMBAHAN

Refernce:

Katesismo para sa mga Katolikong Pilipino Bilang 1349 - 1465