6
ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA PANAHON NG COVID-19

ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERSSA PANAHON NG COVID-19

Page 2: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

Malaking pagbabago at hamon ang dala ng COVID-19. Ganoon pa man, kailangang bigyan natin ang ating mga anak ng dekalidad na edukasyon. Kailangang nating magtulungan bilang pamilya at komunidad.

Maraming puwedeng paraan: pag-aaral sa bahay (homeschooling) gamit ang printed self-learning modules, online study, pakikinig o panonood ng mga leksyon sa radyo o TV, o kumbinasyon ng mga paraang ito (blended distance learning).

Bilang learning partner ng aking anak, pwede kong gawin ang mga ito:

Pagsali sa mga meeting, gawain, at pagdedesiyon para sa ikaaayos ng eskuwela.

Regular na pakikipag-ugnayan sa mga guro at learning facilitators ng mga anak ko sa pamamagitan ng pagtawag, pagdalo sa meeting, pag-text, o pag-chat sa Facebook at iba pang apps.

New normal ang set-up sa bahay na angkop sa pag-aaral – malinis, ligtas, may pagtutulungan at walang bullying.

Responsableng pagmungkahi ng paraan para mas matulungan pa ang pag-aaral ng mga anak ko sa panahong ito.

Alamin ang mga bagong impormasyon mula sa eskuwelahan at sa DepEd tungkol sa learning delivery modalities para sa pag-aaral ng mga anak ko.

Turuan maging maingat ang mga anak ko sa COVID-19.Ipapaalala ko na maghugas ng kamay, magtakip ng ilong at bibig kapag bumabahin o umuubo, umiwas sa paghawak sa mukha, dumistansya sa mga tao, at magsuot ng face mask at face shield.

Extra effort na maging mabuting ehemplo sa ibang magulang sa pagbuo ng epektibong support system para sa mga anak.

Page 3: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

ANO-ANO ANG MAKAKATULONG PARA MAPABUTI ANG PAG-AARAL NG MGA ANAK KO SA PANAHON NG COVID-19?

Batayang aklat, gawaing papel sa pagkatuto o learning activity sheets, modyul, mga kagamitan

sa pagkatuto na makikita online, at iba pang kagamitan.

Suporta sa pag-aaral at morale ng mga anak mula sa iba pang miyembro ng pamilya.

Pang-araw araw na iskedyul na nakalaan sa pag-aaral ng mga anak.

Angkop na kaalaman para magabayan nang tama ang mga anak sa paggamit ng Internet, at maprotektahan sila sa anumang pang-aabuso.

Page 4: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

PAANO MAGIGING MASAYA ANG PAG-AARAL SA BAHAY?

ANO-ANO ANG MGA KAILANGAN PARA MAGKAROON NG ESKWELAHAN PARA SA LAHAT?

Pantay-pantay na oportunidad para sa

lahat ng mga estudyante, anupaman ang kanilang kultura, relihiyon, antas, kakayahan, o grupong

minorya.

Alternatibong paraan, polisiya, at pasilidad para sa pag-aaral ng mga estudyanteng may kapansanan

o may espesyal na pangangailangan.

Dagdag na suporta para sa mga estudyanteng

may kapansanan at may espesyal na

pangangailangan mula sa SPED center, doktor at ekspertong medikal, at

kaugnay na organisasyon.

Maglaan ng sapat na oras para

sa pag-aaral, paglalaro, at

pahinga.

Siguruhing may ligtas, maayos, at komportableng lugar para sa pag-aaral.

Bigyan ng pagkakaton ang mga bata na makasalamuha online o sa telepono ang mga

kaklase, kalaro, at kaibigan para masuportahan ang kanilang pagkabata at pagkatao.

Page 5: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

◼ Alisin o i-block ang di-angkop na apps at websites.

◼ Alamin ang mga epekto at panganib ng Internet sa pag-iisip at ugali ng mga anak.

◼ Gawin pribado ang personal at sensitibong impormasyon ng mga anak.

◼ Huwag ipagamit sa iba ang sariling password.

◼ Siguruhin ang security settings sa lahat ng gadgets.

Sisiguruhin kong ligtas ang mga anak ko sa paggamit nila ng gadget at Internet.PAANO

MAPAPANATILING

LIGTAS ANGAKING MGA ANAK

ONLINE?

◼ Mga gadget, device, apps at website na ginagamit o binibisita nila.

◼ Haba ng oras ng paggamit nila ng gadget at Internet. Upang maiwasan ang radiation exposure: Edad 6-8: Sa bawat 10 minuto na

online class, dapat may 30 minuto na pahinga

Edad 8-12: Sa bawat 10 minuto na online class, dapat may 20 minuto na pahinga.

Edad 12-15: Sa bawat 30 minuto na online class, dapat may 60 minuto na pahinga,

Edad 16-18: Sa bawat 45 minuto na online class, dapat may 45 minuto na pahinga.

Sisiguruhin ko na angkop sa edad ng mga anak ko ang:

Source: Recommendations for Children Who Use Digital Technologies toStudy at Home. Retrieved from https://www.saferemr.com/2020/04/

Page 6: ANG PAMILYA AT KOMUNIDAD BILANG LEARNING PARTNERS SA

Mahalaga ang tamang paggabay, pag-aalaga at suporta sa mga estudyante sa panahon ng COVID-19. Bilang mga magulang, tagapag-alaga, kamag-anak, at miyembro ng komunidad, lahat tayo ay LEARNING PARTNERS ng ating mga anak. Kasama nila tayo sa paglikha at pagtitiyak na ligtas ang kapaligiran nila (safe spaces) para mag-aral.

◼ Huwag makipag-usap online sa di-kilala.

◼ Magsumbong sa magulang kung may kahina-hinalang kausap sa Internet.

◼ Huwag basta-basta magbigay ng impormasyon tungkol sa sarili gaya ng pangalan, kaarawan, edad at tirahan.

◼ Alamin kung totoo ang nababasa sa Internet.

◼ Iwasang maglaro ng mga mararahas na computer games.

◼ Umiwas sa pornograpiya at anumang mapanganib na website.

◼ Huwag ibibigay sa iba ang sariling password.

◼ Ipakita ang respeto sa mga kausap sa online o offline man.

◼ Upang maiwasan ang radiation exposure, huwag mag-computer at manood ng TV ng higit 2 oras sa isang araw para sa edad 6-12; o higit 3.5-4 oras sa isang araw para sa edad 12-18.

Lagi kong ipapaala sa mga anak ko na:

◼ Mga gadget, application, at feature na ginagamit ng mga anak.

◼ Mga peligrong nilalaman ng social media at website na binibisita nila palagi.

◼ Mga taong nakakausap nila sa social media na kahina-hinala.

◼ Paghihigpit sa edad na hinihingi ng website na bibisitahin nila.

◼ Mga senyales na puwedeng nabu-bully ang mga anak online, tulad ng pagiging balisa, iritable, walang ganang kumain at gusto laging mapag-isa.

Pag-aaralan ko at masusing babantayan ang:

FAKE NEWS

Source: Recommendations for Children Who Use Digital Technologies toStudy at Home. Retrieved from https://www.saferemr.com/2020/04/ ◼ Araw at oras ng paggamit ng mga

gadget at pag-access ng Internet kapag tapos na silang mag-aral.

◼ Lugar kung saan sila gagamit ng computer o gadget para masubaybayan sila.

◼ Pagiging magalang at mapagmalasakit sa pakikitungo sa kapwa habang online.

Pagkakasunduan namin ng mga anak ko ang: