9
Pagkilala sa Aking Pamilya #DRCilearn Del Rosario Christian Institute

Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

  • Upload
    others

  • View
    867

  • Download
    10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

Pagkilala sa Aking Pamilya

# D R C i l e a r n

Del Rosario Christian Institute

Page 2: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

Ang Aking Pamilya

# D R C i l e a r n

Del Rosario Christian Institute

Aralin 7

Ang pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Mahalaga angpagkakaisa at pagkakabuklod ng bawat kasapi nito.

Page 3: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

Sa Isip

Ang pamilya ay ang pangunahing pangkat na iyong kinabibilangan. Binubuo itong mga kasapi. May Malaki at maliit na pamilya.

Pagmasdan ang larawan ng iba-ibang pamilya.

Iba-ibang Pamilya

Page 4: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. May mga pamilya na kasama sa bahay ang lolo, lola, tiyo attiya. Ito ay tinatawag na pinalawak na pamilya. May bahaging ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya.

Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang karaniwang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Siya angkaraniwang naghahanapbuhay para sa pamilya. Tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at pag-aralin ang mgaanak.

Ang ina naman ang namamahala sa bahay at sa pangangalaga sa mga anak. Siya ang humahawak ng pera ngpamilya at pinagkakasya ito para sa pangangailangan ng pamilya. Sa ating panahon ngayon ang ama at ina aynagtututlungan sa paghahanapbuhay para sa pamilya.

Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin. Tungkulin nila ang pag-aaral na mabuti at ang pagtulong sa mgagawain sa bahay.

May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya.

Maliit na pamilya ang walang anak.

Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak.

Malaking pamilya ang higit pa sa dalawang mga anak tulad ng nasa larawan.

Page 5: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

Ito ang larawan ng maliit na pamilya.

Ang mag-asawang walang anak ay kabilang sa maliit na pamilya. Ang pamilyangmay isang anak ay maliit na pamilya. Kung minsan nanay lamang at isang anak angmagkapamilya. Maari ring tatay at dalawang anak ang magkasama sa pamilya. Sila rinay kabilang sa maliit na pamilya. Maliit na pamilya kung binubuo ng hindi hihigit sa apatna kasapi.

Page 6: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

Ang pinalawak na pamilya ay kabilang sa malaking pamilya.

Pagmasdan ang larawan sa ibaba.

Page 7: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

Ito naman ang larawan ng malaking pamilya.

Ang pamilyang may tatlong anak at kasama ang ama at ina ay malakingpamilya. May pamilyang kasama ang lolo, lola, tiyo at tiya ay kabilang sa malakingpamilya. Ang malaking pamilya ay binubuo ng lima o higit pang bilang ng kasapi.

Page 8: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

# D R C i l e a r n

SagutinAno-anong uri ng pamilya ang nasa larawan?1.

_______________________________________ _______________________________________

2. Ilan ang kasapi ng maliit at malaking pamilya? _______________________________________ _______________________________________

3. Sino-sino ang kasapi ng pinalawak na pamilya?

_______________________________________ _______________________________________

4. Sino-sino ang pangunahing kasapi ng pamilya? ________________________________________ ________________________________________

5. Aling larawan ang katulad ng iyong pamilya? ________________________________________ ________________________________________

Page 9: Pagkilala sa Aking Pamilya...May dalawang uri ng pamilya: ang maliit at malaking pamilya. Maliit na pamilya ang walang anak. Maliit na pamilya ang iisa o dalawa ang anak. Malaking

Ang bawat pamilya ay binubuo ng iba-ibang kasapi. Kabilang ka sa kasapi ng pamilya.

May pamilya na kakaunti ang kasapi at mayroon ding maraming kasapi.

Bawat pamilya ay may magkakatulad na katangian saan mang lugar naninirahan angmga ito.

Bawat kasapi ng pamilya ay may kaniya-kaniyang papel na ginagampanan satahanan.

# D R C i l e a r n

Sa Puso

Tandaan