30
ANG PAGPAKAHULUGAN SA DA’WAH AT DAIYAH Da’wah: Ang Pagpahayag at Paghatid. Daiyah: Ang sinumang nagpapatatag ng Da’wah (Pag-aanyaya) tungo sa kabutihan (Islam). ANG PANGANGAILANGAN NG MGA TAO SA DA’WAH Ang mga tao sa pagkakaiba ng kanilang mga Nasyon, kulay at panahon, lakas at kanilang mga katangian ay lubusang nangangailangan ng Islamikong Pagpahayag. Nangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay sa Tagapaglikha o nakaugnay sa isang Nilikha. Ang Islam ay pamantayan ng buhay, sa ganito dapat intindihin at isakatuparan ang Islam. Siya itong paniniwala na naglilinaw ng tamang paglalarawan sa Mundo, sa Tao at sa Buhay, at siyang nagpapakilala sa tao kung bakit siya ay nilikha. At dahil sa mga Saligan ng paniniwalang ito, ito ay nagpatatag ng batas at patakaran na siyang mangangasiwa sa Buhay. Kaya ang Islam ang pamantayan na ganap ang lahat ng mga angulo nito. ANG PAG-AANYAYA TUNGO SA ALLAH AY GAWAIN NG MGA SUGO Lahat ng nilalang sa buhay na ito ay nilikha upang magtatag ng isang Obligasyon na inilaan sa kanya. at upang magampanan ang kanyang turno at gawain sa buhay na ito, ayon sa kagustuhan ng Allah at alinsunod sa patakaran ng dakilang Mundong ito. Kabilang sa pinakatanyag na mga tungkulin at mga gawain ng mga Propetang Sugo para sa mga tao: ay ang aanyayahan sila tungo sa Allah, pangakuan sila ng Paraiso at takutin sila sa apoy ng Impiyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang pamaraan. Bagkus ang tunay na layunin sa paglaan ng Propeta, pagkarapatdapat at pagpili sa kanya ay tanging upang magdala ng dakilang mensahe at maihatid ito sa mga tao. Sinabi ng allah: [ د ق ل و ا ن عث ب ي ف ل ك مة أً ولا س ر ن أ دوأ ن ع أ لة أل وأ ;pma&ب ث ت ج وأ وت غ ألطا] {Sa katunayan Aming isinugo sa bawat pamayanan ang isang sugo (Nagpapahayag): “Sambahin ang Allah (lamang) at layuan ang Thagout (anumang sinasamba bukod sa Allah)” }. [Nahl: 36] 1

ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

  • Upload
    dangbao

  • View
    237

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

ANG PAGPAKAHULUGAN SA DA’WAH AT DAIYAH

Da’wah: Ang Pagpahayag at Paghatid.Daiyah: Ang sinumang nagpapatatag ng Da’wah (Pag-aanyaya) tungo sa kabutihan (Islam).

ANG PANGANGAILANGAN NG MGA TAO SA DA’WAH

Ang mga tao sa pagkakaiba ng kanilang mga Nasyon, kulay at panahon, lakas at kanilang mga katangian ay lubusang nangangailangan ng Islamikong Pagpahayag. Nangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay sa Tagapaglikha o nakaugnay sa isang Nilikha.Ang Islam ay pamantayan ng buhay, sa ganito dapat intindihin at isakatuparan ang Islam. Siya itong paniniwala na naglilinaw ng tamang paglalarawan sa Mundo, sa Tao at sa Buhay, at siyang nagpapakilala sa tao kung bakit siya ay nilikha. At dahil sa mga Saligan ng paniniwalang ito, ito ay nagpatatag ng batas at patakaran na siyang mangangasiwa sa Buhay. Kaya ang Islam ang pamantayan na ganap ang lahat ng mga angulo nito.

ANG PAG-AANYAYA TUNGO SA ALLAH AY GAWAIN NG MGA SUGO

Lahat ng nilalang sa buhay na ito ay nilikha upang magtatag ng isang Obligasyon na inilaan sa kanya. at upang magampanan ang kanyang turno at gawain sa buhay na ito, ayon sa kagustuhan ng Allah at alinsunod sa patakaran ng dakilang Mundong ito. Kabilang sa pinakatanyag na mga tungkulin at mga gawain ng mga Propetang Sugo para sa mga tao: ay ang aanyayahan sila tungo sa Allah, pangakuan sila ng Paraiso at takutin sila sa apoy ng Impiyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang pamaraan. Bagkus ang tunay na layunin sa paglaan ng Propeta, pagkarapatdapat at pagpili sa kanya ay tanging upang magdala ng dakilang mensahe at maihatid ito sa mga tao.

Sinabi ng allah: [ أمة كل في بعثنا ولقد الطاغوت واجتنبوا الله اعبدوا أن رسوال ]{Sa katunayan Aming isinugo sa bawat pamayanan ang isang sugo (Nagpapahayag): “Sambahin ang Allah (lamang) at layuan ang Thagout (anumang sinasamba bukod sa Allah)” }. [Nahl: 36]

At sa karapatan ng ating Sugo – [Muhammad ()],

Sinabi ng Allah: [ أرسلناك إنآ النبي ياأيها شاهدا ومبشرا بإذنه الله إلى ونذيرا. وداعيا وسراجا [ منيرا{O Propeta (Muhammad )! Katotohanan, Aming isinugo ka bilang isang Tagasaksi, Tagahatid ng mga magagandang balita at Tagababala, Taga-anyaya tungo sa Allah sa Kanyang kapahitulutan, at bilang isang liwanag na tumatanglaw}. [Ahzab: 45-46]

ANG KATANGIAN NG DA’WAH:Ang pagda-Da’wah tungo sa Allah ang siyang pinakamataas na antas at pinakamarangal na trabaho, dahil sa ito’y gawain ng mga Sugo (Mapasa kanila nawa ang bati at kapayapaan). At sa katunayan, sila ang pinakamarangal sa mga nilalang, pinakadakila at pinakamalapit ang katayuan doon sa Allah. Siya ring gawain ng mga kahalili ng mga Sugo at pamana nila mula sa mga Pantas na nagsusumikap mamamatnubay sa mga tao tungo sa katotohanan. Ginagawa’t pinagsisikapan nilang mapamahal ang kabutihan sa kanila (mga tao) at mailalabas sila mula sa kaibuturan ng mga kadiliman tungo sa bukang liwayway ng liwanag, kaalaman at pananampalataya.

1

Page 2: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

Sinabi ng Allah: [ أحسن ومن وعمل الله إلى دعآ ممن قوال المسلمين من إنني وقال صالحا ]{At sino pa ang higit na may mabuting salita sa nag-aanyaya sa ( mga tao ) tungo sa Allah, at gumawa ng kabutihan at sinabi: “Katotohanan, ako ay isa sa mga Muslim”}. [Fussilat:33]

Tunay na ito ang pinakamainam sa mga gawaing pagsunod at pinakamahalaga sa mga gawaing pagpalapit sa Allah, dahil sa ang bunga nito ay pamamatnubay sa mga tao tungo sa katotohanan.

Nai-ulat ni Abu Hurayrah (Kaawaan nawa siya ng Allah) siya ay nagsabi; “Sinabi ng Sugo ng Allah (): [Ang sinumang mag-anyaya tungo sa tamang landas ay magkakaroon siya ng gantimpala ng kasing mga gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya, hindi nakapagbabawas iyon ng anuman sa kanilang mga gantimpala]”.

Tunay na pinuri ng Allah ang mga nagtatatag ng pag-uutos sa kabutihan at nagbabawal ng masama:

عن والناهون بالمعروف اآلمرون الساجدون الراكعون السائحون الحامدون العابدون ] التائبون[ المؤمنين وبشر الله لحدود والحافظون المنكر

{(Ang mga Naniniwalang binili ng Allah ang kanilang mga buhay ay) yaong mga nagbalik-loob sa Allah ng may pagsisisi (mula sa Kawalang-Pananampalataya at pagka-Ipokrita atbp.), yaong mga sumasamba (sa Kanya), yaong mga pumupuri (sa Kanya), yaong mga nag-aayuno (o tumatahak sa landas ng Allah), yaong mga yumuyuko (sa dasal), yaong mga nagpapatirapa (sa dasal), yaong mga nag-uutos (sa mga tao) ng kabutihan at nagbabawal ng masama, at yaong mga pinangangalagaan ang mga limitasyon ng Allah. At bigyan ng magandang balita ang mga Naniniwala}. [At-tawbah: 112]

Sinabi ng mga Pantas: Ang ipinahihiwatig na kahatulan ng talatang ito; ay ang lakas, kapangyarihan at kakayahan - sa lahat ng sinumang pinagkalooban ng Allah ng katatagan sa lupa kahit lamang isang dangkal nito.Kaya ang sinumang binigyan ng Allah ng katatagan sa isang dako ng kalupaan at pinagkalooban ng kakayahan dito, na siya ay makapag-uutos ng kabutihan at makapagbabawal ng masama, siya ay inuubligahan dito, maging sa pamamagitan ng kamay, dila o puso, at kapag hindi niya ginawa, siya ay mahuhusgahan, makasalanan.

Sinabi ng Allah: الصالة ويقيمون المنكر عن وينهون بالمعروف يأمرون بعض أوليآء بعضهم والمؤمنات ] والمؤمنون

[ حكيم عزيز الله إن الله سيرحمهم أولئك ورسوله الله ويطيعون الزكاة ويؤتون{Ang mga Naniniwalang lalaki at Naniniwalang babae, Sila ay Auliya (Tagatangol, Tagatulong at Kasamahan) ng isa’t isa sa kanila, Sila ay nag-uutos ng kabutihan at nagbabawal ng masama at itinatatag ang pagsasagawa ng Salah, kanilang ibinibigay ang Zakat at kanilang sinusunod ang Allah at ang Kanyang Sugo, Silang mga iyon ay tiyak na kahahabagan ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay makapangyarihan, matalino}. [At-tawbah: 71]

Sa katunayan ang Allah ay pinintasan ang mga Ipokrita at Kanyang inilarawan sila na salungat sa Kanyang paglarawan sa mga Naniniwala.

2

Page 3: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

Sinabi Niya: [ المعروف عن وينهون بالمنكر يأمرون بعض من بعضهم والمنافقات المنافقون ]{Ang mga Ipokritang lalaki at mga Ipokritang babae, ay nag-uutos sa isa’t isa sa kanila ng kasamaan at nagbabawal ng kabutihan …..} [At-tawbah: 67]

Samakatuwid, ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng masama ang siyang ginawa ng Allah na agwatan sa pagitan ng mga Naniniwala at mga Ipokrita.

ANG KALIGTASAN AY NASA PAGTUPAD NG TUNGKULIN NG DA’WAH, PAG-UUTOS NG KABUTIHAN AT PAGBABAWAL NG MASAMA.

Sa katunayan, ginawa ng Allah na ang kaligtasan ay nakasalalay sa pagtupad ng mahalagang pamantayang ito.

Sinabi ng Allah: [ بعذاب ظلموا الذين وأخذنا السوء عن ينهون الذين أنجينا به ذكروا ما نسوا فلما يفسقون كانوا بما بئيس ]

{Kung kaya’t, nang kanilang ipawalang bahala ang anumang ipinaalaala sa kanila, Aming iniligtas yaong mga nagbabawal ng masama at Aming pinuksa yaong mga gumawa ng kawalang-katarungan sa pamamagitan ng matinding pagpapahirap dahil sa kanilang mga ginagawang kasuwailan}. [Al-Araf: 165]

Ipinaliwanag Niya (Allah) na kaya nila nakamtan ang kaligtasan ay dahil sa pagbabawal ng masama.

Si Nuaman bin Basheer (Kalugdan nawa sila ng Allah) ay nag-ulat; “Ang Propeta () ay nagsabi: [Ang kahalintulad ng nagtatatag sa mga limitasyon ng Allah at ng lumalabag nito ay tulad ng mga taong nagsagawa ng palabunutan sa isang Barko, kaya nangyaring ang iba sa kanila ay nasa itaas nito at ang iba ay nasa ibaba, at yaong mga nasa ibaba nito pagka sila ay nangangailangan ng tubig dumadaan sila sa mga nasa itaas, at nagsabi: “Ano kung ating butasan ang parteng bahagi natin at upang hindi natin naiisturbo ang sinumang nasa itaas natin”. At kung kanilang pinabayaan sila sa anumang binabalak nila, tiyak na napuksa silang lahat, at kung kanilang pigilan ang mga kamay nito, tiyak na ligtas sila at makakaligtas silang lahat].

Si Abdullah bin Mas-oud (Kalugdan nawa siya ng Allah) ay nag-ulat, “Ang Propeta () ay nagsabi: [Katotohanan, ang unang kakulangan na pumasok sa mga anak ng Israel ay; na kung natagpuan ng lalaki ang ibang lalaki na gumagawa na masama ay kanyang sasabihin rito: “O Ginuo! Matakot sa Allah, at iwan ang iyong ginagawa dahil hindi nararapat sa iyo”. At pagkatapos, kinabukasan ay kanyang matagpuan na nasa dating gawi nito, at hindi na niya ito pipigilan dito, na siya ay maging kasama na nito sa kanyang pagkain, pag-inom at pag-upo. At pagka kapwa na nilang ginawa iyon, paghampasin ng Allah ang mga puso ng isa’t isa sa kanila.

3

Page 4: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

pagkatapos ay Kanyang sinabi:

وكانوا عصوا بما ذلك مريم ابن وعيسى داوود لسان على إسرائيل بني من كفروا الذين ] لعن يفعلون. ترى كانوا ما لبئس فعلوه منكر عن يتناهون ال يعتدون. كانوا الذين يتولون منهم كثيرا

كانوا خالدون. ولو هم العذاب وفي عليهم الله سخط أن أنفسهم لهم قدمت ما لبئس كفروا ولكن أوليآء اتخذوهم ما إليه أنزل وما والنبي بالله يؤمنون [ فاسقون منهم كثيرا

{Naisumpa yaong mga Di-sumasampalataya sa mga anak ng Israel sa pamamagitan ng dila ni Propeta Daud at Iesa na anak ni Maryam, iyon ay dahil sa kanilang pagsuway (sa Allah at sa Kanyang mga Sugo) at sila ay lumalampas ng hangganan. Sila ay hindi nagbabawal sa isa’t-isa sa kasamaan na kanilang ginawa. Anong sama ang kanilang ginagawa. Makikita mo ang karamihan sa kanila ay kanilang tinatangkilik bilang tagatulong yaong mga di-sumasampalataya, anong sama ang siyang inihanda ng kanilang mga puso sa kanila; (Sa kadahilanang ito), kinasuklaman sila ng Allah, at sa kaparusahan sila ay mananatili magpakailan man. At kung lang sila ay naniniwala sa Allah at sa Propeta (Muhammad ) at sa anumang ibinaba sa kanya, hindi sana nila ginawa silang mga Auliya (Mga tagapagtanggol at tagatulong); Subalit ang karamihan sa kanila ay mga Suwail } [Al Maidah: 78-81]

Pagkatapos ay kanyang () sinabi: “Hindi! Sumpa man sa Allah, Dapat ninyong ipag-uutos ang kabutihan at ipagbabawal ang masama at dapat ninyong kunin sa kamay ng gumagawa ng kawalang-katarungan (ang mga dinaya nito) at huwag ninyo siyang hayaang humigit sa katotohanan at dapat ninyo siyang italaga sa katotohanan, O paghahampasin ng Allah ang mga puso ng isa’t isa sa inyo. Pagkatapos ay susumpaan kayo tulad ng pagkasumpa sa kanila.] Isinalaysay ni Abu Daud at ni Tirmidhi.

ANG MGA KARANGALAN NG MGA DAIYAH

Kung ilalahad natin ang mga talata ng Quran at ng Sunnah sa pagpaparangal sa mga Daiyah, pagpataas ng kanilang antas at pagpahiwatig ng kanilang mga kalamangan…. Matatagpuan natin na ito ay mas marami kaysa nabibilang.

Ang ilan sa mga ito ay:

1-Ang mga Daiyah ang silang pinakamainam sa lahat ng tao.Sinabi ng Allah: [ وتؤمنون المنكر عن وتنهون بالمعروف تأمرون للناس أخرجت أمة خير كنتم [ بالله{Kayo (mga Naniniwala at sumusunod sa Allah at sa Kanyang mga Sugo) ang pinakamainam na Umma (Pamayanan) na pinalabas sa mga tao (sa kadahilanang) inyong ipinag-uutos ang kabutihan at ipinagbabawal ang masama at kayo ay Naniniwala sa Allah}. [Al Imran: 110]

2-Ang mga Daiyah ang silang mga Saksi laban sa mga tao.Sinabi ng Allah: [ عليكم الرسول ويكون الناس على شهداء لتكونوا وسطا أمة جعلناكم وكذلك [ شهيدا

4

Page 5: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

{At sa gayon, Aming ginawa kayong isang katamtaman (at pinakamainam) na Bansa, upang kayo ay maging mga Saksi laban sa mga tao. At ang Sugo (Muhammad ) ay maging Saksi laban sa inyo}. [Al Baqarah:143]

3-Ang mga Daiyah ang silang mga matatagumpay dito sa Mundo at sa Kabilang Buhay.Batay sa sinabi ng Mapagpala at Kataas-taasan:

[ المفلحون هم وأولئك المنكر عن وينهون بالمعروف ويأمرون الخير إلى يدعون أمة منكم ] ولتكن{At dapat ay magkaroon sa inyo ang isang Umma (Pamayanan) na nag-aanyaya tungo sa kabutihan at nag-uutos ng mabuti at nagbabawal ng masama, at ang mga iyon, ang silang mga Matatagumpay}. [Al Imran: 104]

4-Ang mga Daiyah ang higit na may mabuting salita sa mga tao.Batay sa sinabi ng Mapagpala at Kataas-taasan:

أحسن ] ومن وعمل الله إلى دعآ ممن قوال [ المسلمين من إنني وقال صالحا{At sino pa ang higit na may mabuting salita kaysa nag-aanyaya tungo sa Allah at gumawa ng mabuti at nagsabi: “Katotohanan, ako ay kabilang sa mga Muslim”}. [Fussilat:33]

5-Ang mga Daiyah ay tagapagmana ng mga Propeta.Naiulat ng limang mananalaysay at ni Hakim, Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang mga Pantas ang silang tagapagmana ng mga Propeta…..”. Wala sa mga Pantas at mga Nag-aanyaya tungo sa Allah – [ang Kataastaasan ang Maluwalhati] – maliban sa sila ang mga sumunod sa yapak ng Sugo ng Allah () sa pag-aanyaya sa mga Bansa tungo sa kabutihan, at namamatnubay sa mga tao tungo sa matuwid na landas.

6-Ang mga Daiyah ay ipinanghihiling sila ng mga naninirahan sa langit at lupa para sa kanilang kapatawaran.Naiulat ni At-Tirmidhi, naisalaysay ni Abu Umama, inianib sa Propeta () siya ay nagsabi: [Katotohanan, ang Allah at ang Kanyang mga Anghel at mga Naninirahan sa mga kalangitan at kalupaan hanggang sa mga langgam na nasa loob ng kanyang mga lungga,at mga Balyena sa karagatan ay pumupuri sa Nagtuturo ng kabutihan sa mga tao].# Ang pagpupuring mula sa Allah para sa mga lingkod ay Habag. Ang mula sa mga Anghel ay panghiling ng kapatawaran. Ang mula sa lingkod ay panalangin.

7-Ang mga gantimpalang tatanggapin ng mga Daiyah ay hindi nagwawakas.Batay sa sinabi ng Propeta (); [Ang sinumang mag-anyaya tungo sa tamang landas ay magkaroon siya ng gantimpala ng tulad ng mga gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya, hindi makapagbabawas iyon ng anuman mula sa kanilang mga gantimpala]. Isinalaysay ito ni Muslim.

8-Ang pamamatnubay ng mga Daiyah ay mas higit na mainam para sa kanila kaysa mundo at anumang nasa loob nito.Naiulat ni Ali bin Abu Thalib (Kalugdan nawa siya ng Allah), Sinabi ng Propeta (): [Sumpa sa Allah! kung mapatnubayan ng Allah ang isang lalaki nang dahil sa iyo ay mas mainam para sa iyo kaysa magkaroon ka ng mga Kamelyo]. Isinalaysay ni Al Bukhari.

5

Page 6: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

Sa isang sanaysay ay ganito: [Mas mainam para sa iyo kaysa anumang sinisikatan ng Araw at nilulubugan nito].

Ang kalamangan na ito; ay naipaparangal sa Nag-aanyaya sa isang lalaking napatnubayan. Ngayon! Paano kung ang Nag-aanyayang ito ang siyang dahilan ng pagkapatnubay sa isang grupo sa kabuuan nito, O isang Bansa sa bawat mag-anak nito.

ANG TUNGKULIN NG MAKATOTOHANANG DAIYAH AT ANG KANYANG

TUNAY NA GAWAINHindi taglay ng mga Propeta (Nawa ay mapasakanila ang kapayapaan) ni ang ibang taong bukod sa kanila ang kakayahang ipukol sa puso ng mga tao ang patnubay, Gayon ding hindi taglay ni Satanas ang kakayahang itanim sa kalooban ng mga tao ang pagkaligaw na mismong kapasiyahan mula sa kanya (Satanas).Ang taglay na kakayahan ng bawat isa sa kanila ay ang mag-aanyaya sa katotohanan at pagkaligaw, na aanyayahan ang nilalang tungo sa landas nito.

Tungkol sa pagpili ng pagkaligaw o pagkapatnubay, Samakatuwid ito’y ganap na nakasalalay at bumabalik batay sa kagustuhan ng tao mismo at ayon sa patnubay ng Allah – [Kapuri-puri Siya] - upang tahakin ang naturang landas. Ang tanging taglay na kakayahan ng mga Daiyah ay ang karapatang mamatnubay sa pamamagitan ng pagtuturo at paggagabay lamang. Ang pamamatnubay sa pamamagitan ng pag-akay sa tama, paghango mula sa pagkaligaw at pagpukol ng banal na patnubay sa puso ng tao ay tanging natatanto lamang sa pag-aari ng Allah – [kapuri-puri Siya at kataastaasan ]-.

Sinabi ng Allah: [ المبين البالغ إال الرسول على وما ]{At wala sa Propeta (Muhammad ) kundi tanging mahayag na Tagapaghatid lamang}. [Al-Nour :54]

At sinabi pa Niya: [ بالمهتدين أعلم وهو يشآء من يهدي الله ولكن أحببت من تهدي ال إنك ]{Katiyakan, Hindi mo mapapatnubayan ang sinumang gustuhin mo, Subalit ang Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang naisin, at Siya ang pinaka-Maalam sa mga napapatnubayan}. [Al-qasas: 56]

At sinabi pa Niya: [ ناصرين من ومالهم يضل من يهدي ال الله فإن هداهم على تحرص إن ] {Kahit pa man ikaw (o Muhammad ) ay maghangad at magsumikap sa kanilang kapatnubayan, Sa katunayan ang Allah ay hindi na Niya pinapapatnubayan ang sinumang Kanyang ililigaw, at wala silang mga Tagatulong}. [Al-Nahl:37]

At sinabi pa Niya: [ بمؤمنين حرصت ولو الناس أكثر ومآ ]{At ang karamihan sa mga tao ay Di-maniniwala, kahit pa ikaw ay magsumikap}. [Yusouf:103]

Nararapat sa Daiyah na huwag na niyang iisipin, na ang mga tao ba ay makikinig sa kanyang pag-aanyaya o hindi, at hindi rin niya dapat pagpapahalagaan, na ang tiyempo ba ay sumasang-ayon sa kanyang pag-aanyaya o salungat, Bagkus ang nararapat sa kanya ay ang isipin kung paano gagawin ang lahat ng kanyang makayanan sa anumang dahilan upang mahikayat ang

6

Page 7: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

mga taong yaon, makumbinsi at mahatak sila mula pagkaligaw at pagkalipol tungo sa pagtagumpay at pagkapatnubay.

Sinabi ng Allah: [ تعظون لم منهم أمة قالت وإذ قالوا شديدا عذابا معذبهم أو مهلكهم الله قومايتقون ولعلهم ربكم إلى معذرة ]

{At (Tandaan) nang sabihin ng isang pamayanan mula sa kanila: “Bakit pa ninyo pinapangaralan ang isang (Grupo) ng mga tao na ang Allah ang Siyang pipinsala sa kanila o magpaparusa ng matinding kaparusahan?” (Ang mga mangangaral) ay nagsabi: “ (Ito’y) bilang paghihingi ng paumanhin sa inyong Panginoon (Allah), at baka sakaling sila ay magkaroon ng banal na takot sa Allah”.} [Al-A’raf: 164]

Ang pagtitiwala sa Allah, paghangad ng tulong mula sa Kanya at pag-asa sa Kanyang akay at saklolo ay dapat magkaroon ito ng malaking basihan sa Daiyah. At ang naturang pagtitiwala ang siyang aabot sa kanyang dalawang kamay upang punasan ang luha na tumutulo sa kanyang mga mata, sa sandaling ang mga matitigas ang puso ay haharang sa landas ng Da’wah, at hangaring itanim ang anumang pagpahirap sa pamamagitan ng pagpapalawak nito hanggang sa mapagmuni-muni sa Daiyah na siya ay umabot sa nakaharang na daan, at malamang ay di na niya makayanang tahakin ang kanyang daanan patungo sa unahan. Kaya ang dapat sa Daiyah ay kanyang maramdaman na para bang ang tulong ng Allah ay kasa-kasama niya. At nakatitiyak siya sa kaibuturan ng kanyang puso, na kanyang ganapin ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalaganap nito, na kahit lagyan pa ng anumang sagabal ang kanyang daanan, sa kadahilanang ang Allah ay nagagalak sa kanya sa katumpakan ng pamaraan at kalugod-lugod na landas.

Ang naturang pagtitiwala ang siyang nagpapahiwatig sa sinabi ng Allah:

فليتوكل الله وعلى آذيتمونا مآ على ولنصبرن سبلنا هدانا وقد الله على نتوكل أال لنآ ] وما[ المتوكلون

{At bakit hindi kami magtitiwala sa Allah, samantalang pinatnubayan Niya kami sa aming mga landas? At katiyakan aming pagtitiisan ang anumang ginagawa ninyong pamiminsala sa amin. At sa Allah (lamang) iniuukol ng mga umaasa sa Kanya ang kanilang pagtitiwala}. [Ibrahem: 12]

MGA KONDISYON NG PAGDA-DA’WAH SA RELIHIYON NG ALLAH

1-Ang maniwala tayo ng wagas at maging matapat sa makatotohanang Relihiyon na ating ipinag-aanyaya.Sinabi ng Allah: [ والمؤمنون ربه من إليه أنزل بمآ الرسول آمن ]{Naniwala ang Sugo (Muhammad ) sa anumang ibinaba sa kanya mula sa kanyang Panginoon At (gayon din) ang mga Naniniwala}. [Al-Baqarah:285]

2-Ang saksihan ng dila ang katotohanan na siyang pinaniniwalaan ng puso.Sinabi ng Allah: [ تكتمونه وال للناس لتبيننه الكتاب أوتوا الذين ميثاق الله أخذ وإذ ]{(At tandaan) nang panghawakan ng Allah ang isang matatag na kasunduan mula sa mga pinagkalooban ng mga banal na kasulatan (Mga Hudyo at Kristiyano), na dapat ninyong ipaliwanag ito sa mga tao (ang tungkol sa pagdating ni Propeta Muhammad at ang Islamikong kaalaman) At huwag ninyo itong ililihim}. [Al-Imran: 187]

7

Page 8: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

At hindi puwedeng tumingin sa pansariling kapakanan upang iwan ang pagda-Da’wah sa katotohanan maliban sa mga ilang piling kalagayan. Halimbawa, pagka mayroong pinapangambaang maaring sasapit sa kanya, at siya ay natatakot na mapinsala ang kanyang buhay dito, kapag inihayag niya ang katotohanan. at kanyang nakikita na ang kaligtasan ng kanyang sarili mula sa kapahamakang ito ay magdudulot ng kabutihan sa Da’wah at sa panunungkulan sa katotohanan.-At kapag tumanggi ang isang tao na magbawal ng masama alang-alang sa katotohanan, samantalang sa pagkakataong yaon ay kailangan na kailangan at wala namang nakakapigil; tunay na ang taong ito ay walang pagseselos at pagtatanggol (sa katotohanan) at naitataya ang kanyang sarili sa kapahamakan.

3-Sabayan ng pagsaksi ng dila ang pagsasaksi ng gawa:

Sinabi ng Allah: [ تعقلون أفال الكتاب تتلون وأنتم أنفسكم وتنسون بالبر الناس أتأمرون ]{Ipinag-uutos ba ninyo sa mga tao ang kabutihan at inyong kinakalimutan ang inyong mga sarili (sa paggawa nito), Samantalang inyong binabasa ang banal na Aklat (Ang Torah)! Hindi ba ninyo naiisip? } [Al-Baqarah: 44]

4-Ang pagsaksi na ito ay dapat mangibabaw sa lahat ng uri ng makapartido (Bulag na pagkampi).

اعدلوا تعدلوا أال على قوم شنآن يجرمنكم وال بالقسط شهدآء لله قوامين كونوا آمنوا الذين ياأيها ] للتقوى أقرب هو ]

{O kayong mga Naniniwala! Dapat maging magpakatatag (sa inyong mga tungkulin) alang-alang sa Allah, maging saksi sa katarungan, at huwag madala ng matinding pagkapoot sa isang grupo ng mga tao upang di kayo makapagpasiya ng katarungan, Ipagpasiya ang katarungan, siya itong pinakamalapit sa kabanalan ng takot}. [Al-Maidah: 8]

5-Ang pagsaksi sa Relihiyon ng Allah ay maging sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng buhay, kung hinihiling ng pangangailangan ito, pagsakripisyo sa pamamagitan ng kayamanan, oras, pagsumikap, sa pamamagitan ng mamahalin at mahahalagang bagay alang-alang sa paglingkod sa Islamikong Da’wah.

Sinabi ng Allah: [ المحسنين لمع الله وإن سبلنا لنهدينهم فينا جاهدوا والذين ]{At yaong mga nagsumikap makipaglaban sa Aming (landas), Katiyakan Aming papatnubayan sila tungo sa Aming mga landas (i.e. Relihiyon ng Allah – ang kaisahan ng Diyos). At katotohanan, ang Allah ay kasama (sa pamamagitan ng kanyang habag at pangangalaga) ng Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan). [Al-Ankabut: 69]

8

Page 9: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

PAMAMARAAN NG PAGTUPAD SA NATURANG GAWAIN (DA’WAH) SA KASALUKUYANG KALAGAYAN

Pagka kukuha tayo ng gabay mula sa huwarang ito ng mga Propeta (Nawa ay mapasakanila ang kapayapaan) sa kasalukuyang mga kalagayan, maipamamalas sa atin na ang mga pangyayaring ating nalalampasan sa kasalukuyang Daigdig ay napapahawig sa kapanahunan ng mga Propeta sa iba’t ibang kalagayan, at walang pag-aalinlangan na ang aklat ng Allah sa tunay na anyo nito ay nananatiling umiiral sa pagitan ng ating mga kamay, kaya hindi na nangangailangan ang Daigdig na ito ng pamamatnubay mula sa isang bagong Propeta hanggang sa araw ng pagbangon muli.

Sinabi ng Allah: [ اإلسالم لكم ورضيت نعمتي عليكم وأتممت دينكم لكم أكملت اليوم دينا ]{Ngayong araw ay ginanap Ko na para sa inyo ang inyong Relihiyon, at binuo sa inyo ang Aking biyaya at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong Relihiyon}. [Al-Maidah: 3]

Samakatuwid, ang pamamaraang pambatas (Islam) ay ganap na sa atin, at ito ang tanging tagapanagot sa pamamatnubay sa nilalang at magpatatag sa mga Muslim sa katotohanan.

ANG PAGKASUNOD-SUNOD NG ANTAS SA LARANGAN NG PAMAMALAKAD

SA DA’WAH AT PAGHATID

Mga saligan ng pagda-Da’wah ng mga Propeta:

At dahil sa ang mga Propeta (nawa ay mapasakanila ang kapayapaan) ay pinapadala kalimitan sa panahon na nagkawatak-watak dito ang pamamalakad ng katotohanan, napupunta ang ulo sa paanan, at nakakapagpasiya ang lipunan ng makamangmang na pamamalakad. Kung kaya’t sila ay nananawagan una sa mga Simulain at nag-aanyaya sa mga Saligan, na siyang ginawang pamantayan ng Sambayanang Muslim na dapat tularan. At ang mga iyon ay tatlo, ito ay ang mga sumusunod:

1-Ang paniniwala sa kaisahan ng Allah, sa pamamagitan ng tumpak na paniniwala.2-Ang paniniwala sa pagka-Propeta ng mga Sugo, sa pamamagitan ng ganap na pagsunod.3-Ang paniniwala sa Huling Araw ng may buong pagtitiwala.

Ang mga katangian ng pananalita ng mga Propeta sa larangan ng Da’wah:Ang pangungusap ng mga Propeta sa kani-kanilang mga tao, sa paglalahad ng Da’wah ay mayroong mga kalamangan, ginagawa ng mga kalamangang ito ang kanilang pananalita at pangungusap na may dulot at ipikto sa kalooban, at hindi puwedeng hayaan ng sinumang Daiyah na nagtatatag ng Da’wah ng mga Propeta at Sugo sa anumang panahon at lugar, ang di pag-aalam rito.

9

Page 10: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

1-Ang mga Propeta noon ay kanilang kinakausap ang kani-kanilang mga tao sa pamamagitan ng kanilang sariling salita at wika.

Sinabi ng Allah: [ رسول من أرسلنا ومآ لهم ليبين قومه بلسان إال ]{At wala kaming isinugo na isang Sugo maliban sa pamamagitan ng salita ng kanyang mga tao upang kanyang malayang maipapaliwanag sa kanila}. [Ibrahim:4]

2-Ang salita ng mga Propeta ay salitang pagpapaliwanag, kaya kanilang pinipili ang mga pamaraan na makabago at pangkasalukuyan, na nagbibigay sa pinatutukuyan nito ng buong kaliwanagan at hindi malabo.

3-At magkagayon pa man, ang bawat isa sa mga Propeta at mga Daiyah na nag-aanyaya tungo sa katotohanan ay tumatahak ng libu-libong pamaraan tungo sa kanilang layunin. At sa katunayan, ang Qur’an ay isinalaysay ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagsalin-salin ng mga iba’t ibang talata – ang ibig sabihin nito, ay ang ipaunawa ang isang katotohanan, ipaintindi ng madali sa pamamagitan ng maraming paraan at iba’t ibang uri.

4-Ang umapaw ang katapangan at kagandahang loob, Sila ay hindi nakikipag-usap na ang tanging kanilang pinapatukuyan ay ang isipan lamang, tulad ng mga Falasifah, o ang ispirito lamang tulad ng mga Sufiyyah. Kaya kung bakit ang Sugo ng Allah () pagka siya ay nagsasalita, ito’y umiipikto sa puso, sa kaibuturan ng kaloob-looban nito, at kapag siya ay nagsasalita namumula ang kanyang mga mata, tumataas ang kanyang boses at tumitindi ang kanyang galit hanggang sa para baga siyang tagapagbabala ng kawal,Kanyang sinasabi: “Laging handa sa umaga’t hapon, maaring darating sa inyo ang kaaway sa anumang oras”

Maliwanag na ang kainitang ito, na namumutawi sa pagsasalita ng Propeta () ito’y dumarating mula sa ganap na pagtitiwala, may pag-aasa, wagas na paniniwala, at pagdamdam sa kalagayan ng tao at kagandaang loob sa kasawiang-palad ng tao. At iyon ang siyang pinagkakaiba ng salita ng mga Daiyah sa lahat ng panahon at lugar, at dito nagsisimula na naiiba ang totoo sa huwad, ang nag-aanib sa nag-aankin. at ang Daiyang makatotohanan sa Daiyah na walang kabuluhan, Nag-aanyaya sa huwad na Relihiyon, sa pagkaligaw, at Namamalit.

5-Kaisahan ng layunin, kung kaya’t kanilang ipinupukol ang bawat sibat na nagmumula sa kanilang kanlungan sa iisang pinatatamaang deriksiyon. Kaya ang mga Propeta ay nananatili sa maayos na pananalita at pag-iisip at mapananaligang pangungusap.

6-Kanilang namumutawi sa kaliwanagan ng salita at kahulugan, pagdiditalye at pagpapaigsi, sa paraan at pamamaraan ng paglalahad, ang kalagayan ng mga kinakausap.Batay sa kanyang () sinabi: “Maging mapagluwag kayo at huwag magpahirap, magbigay ng magandang balita at huwag ang masamang balita na siyang maging dahilan ng pagkawatak-watak ng samahan”.

7-Tunay na lubos nilang nililinaw ang kanilang salita at pinangingilagan ang lahat ng anumang maaaring lilitaw sa taong kinakausap, na pagmamataas, pagtanggi, pagkamapilit at pagpapanatili (sa pakikipagtalo).

Sinabi ng Allah: [ له . فقوال طغى إنه فرعون إلى اذهبآ قوال يخشى أو يتذكر لعله لينا ] {Kapwa kayong (Mousa at Haron) humayo papunta kay Fir-aun. Katotohanan, tunay na siya ay humigit na sa hangganan. Kung kaya’t kapwa kayong magsabi sa kanya

10

Page 11: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

ng marahan na pananalita, Baka sakaling siya ay makaalaala at matakot}. [Taha: 43-44].

At sinabi pa Niya: [ أحسن هي بالتي وجادلهم الحسنة والموعظة بالحكمة ربك سبيل إلى ادع ]{Mag-anyaya sa landas ng iyong Panginoon sa pamamagitan ng Al-hikma (ganap na katalinuhan at karunungan), magandang pangaral, at makipagtalo sa kanila ayon sa anumang pinakamainam}. [An-Nahl: 125]

At hindi sila nagbibitew ng mga salita na nakakasugat sa panrelihiyon na pakiramdam ng taong kinakausap, Bagkus tanging inihahalimbawa nila ang ugat ng kanilang walang kabuluhang paniniwala sa pamamagitan ng mga maliwanag na katibayan.

Sinabi ng Allah: [ الله فيسبوا الله دون من يدعون الذين تسبوا وال علم بغير عدوا ] {At huwag ninyo laitin yaong mga nag-aanyaya (sa pagsamba sa iba) bukod sa Allah at kanilang lalaitin ang Allah, bilang paghigit sa hangganan (kawalan ng katarungan) dahil sa kawalan ng kaalaman}. [Al-Anam: 108]

At sinasagot nila ang kagaspangan ng mga ito sa pamamagitan ng matatamis at marahan nilang pananalita. Ginagantihan nila ng mahinhin ang marahas at ng pagkamalambot ang katigasan. Dahil ito lamang ang tanging daan na naipapatalab ng Daiyah sa mga puso at nakabibighani sa mga kalooban.

PAGPAPAHALAGA SA KALOOBAN NG KINAKAUSAP SA SANDALING INILALAHAD ANG DA’WAH

Tulad ng buto kahit gaano man ito kasariwa, nangangailangan pa rin ito sa kanyang pag-usbong ng maayos na kalupaan at masaganang lupa at angkop na mga klima. Kung kaya’t ganon din ang salita ng katotohanan, kahit pa man ito’y nagdadala sa loob nito ng likas na pang-aakit, samakatuwid nangangailangan pa rin ito, na pangangalagaan ng Daiyah sa sandaling inilalahad ang Da’wah ang mga kalagayang pangloob ng kinakausap. Samakatuwid ang mga puso at kalooban ay magkakaiba sa pagharap at pagtalikod, sa paglago at pagkatamlay, sa pagkagusto at pagtanggi, sa paggawa ng mga malalabong gawain at mga kalagayang hinaharap niya at dinadaanan, tulad mismo ng pagkakaiba ng mga panahon at klima sa pagka-angkop sa isang bagay o di pagka-angkop rito… kung gayon ay nararapat lang sa taong nagtatrabaho sa larangan ng Islamikong Da’wah na nasa ganap na kaalaman at malalim na karanasan sa pagkakaibang ito na siyang kinabibighanian ng mga puso. Tulad ng pagkakaalam ng mga magbubukid at manananim sa pagkakaiba ng mga panahon at pagka-angkop ng mga klima sa iba’t-ibang uri ng mga buto at butil.

MGA BATAYAN NG PAGPAPAHALAGA SA KALOOBAN NG KINAKAUSAP.

Maaring kumuha ng ibang mapapanaligang bagay mula sa pamamaraan ng maka-propetang pag-da’wah, at sa anumang dinadaanan nila sa larangan na ito, na mga maka-diyos na katuruan.Marahil ay aking subukan na ilahad ang ibang mga bagay na kinuha mula rito sa abot ng makayanan. At maaring palaguin ng Daiyah sa pamamagitan ng liwanag nito sa iba’t-ibang saligan na magagamit niya sa kanyang mga kalagayang pan-da’wah, dahil sa totoo lang, ito ay

11

Page 12: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

nakaugnay sa pangkalahatang makataong pag-unawa. Kaya kapag ang Daiyah ay mabuti ang likas niyang pagkatao, tapat ang kalooban, nalalaman ang kanyang pang-da’wah na layunin, ang kailaliman nito at ang kalayuan nito. Kaya makakayanan niya kapag inilagay niya ang mga iba’t-ibang bagay na ito sa kanyang unahan, na siyang ating ipapaliwanag sa ngayon, na kanyang maisasagawa sa loob ng maikling panahon, ang malaking hawig sa pagitan ng kanyang pang-da’wah na pamamaraan at pang-da’wah na pamamaraan ng mga Propeta.

Ang unang batayan:Katotohanan, ang isang bagay ay may iba’t-ibang bahagi, maaaring ang nasa ibang bahagi nito ay madali na ipinahihintulot, at ang nasa iba ay mahirap na mapait. At kung iyo mong ilahad sa kanya ang ikalawang bahagi nito (mahirap na mapait) ay malamang na aayawan niya ito at hindi niya tatanggapin at iiwasan niya ito. At kung ilahad mo sa kanya ang unang bahagi nito (madali na ipinahintulot), tiyak na kanyang tatanggapin ito ng magandang pagkatanggap, makakaakit at makaaaliw sa kanya ito, hindi niya tatanggihan ito ni ipawalang bahala.

Sinabi ng Propeta (): “Maging mapagluwag kayo at huwag magpahirap, Magbigay ng magandang balita at huwag ang masamang balita na siyang maging dahilan ng pagkawatak-watak ninyo”.

At sinabi pa niya : “Tanging kayo ay isinugo upang maging mapagluwag at hindi kayo isinugo upang magpahirap”.

Ang ikalawang batayan:Ang kanyang panatilihin na ang lahat ng nasa kanyang tungkulin ay, na ang huwag palitawin sa taong kinakausap ang makamangmang na pagkapoot. At dahil sa pag-iwas doon, nararapat sa Daiyah na kanyang pagmamasdan na sa bawat pamayanan ay may kanya-kanyang mga paniniwala, kasabihan at paninindigan, at hindi mabuti ang pagtuligsa rito nang prangkahan, at sugatan ang kanilang kalooban, dahil ang prangkahang pagtuligsang ito sa mga walang kabuluhang paniniwala sa taong kinakausap ay nagdudulot ng mga masamang resulta, kung kaya’t maaaring siya ay tatanggi sa pagtanggap ng Da’wah, sa kadahilanang ito, at lilitaw sa kanyang sarili ang makamangmang na pagkapoot, at bulag na pagkiling batay sa kanyang pinaniniwalaan na mga Simbulo, mga banal na Seremonya at mga kaugalian.

Sinabi ng Allah: [ الجاهلية حمية الحمية قلوبهم في كفروا الذين جعل إذ ]{Noong itanim ng mga Di-nananampalataya sa kanilang mga puso ang matinding pagkapoot, pagkapoot sa panahon pa ng Kamangmangan}. [Al-Fath: 26]

At maaring ihahatid siya ng matinding pagka-inis na ito at bulag na pagkampi sa pag-abuso sa Daiyah, paghamak at pagmura sa kanya.At ang Qur’an ay masidhing ipinaliliwanag ang kahalagahan at kanais-nais na pag-iwas sa pagitan ng bulag na pagkampi na ito.

Sinabi ng Allah: [ لكل زينا كذلك علم بغير عدوا الله فيسبوا الله دون من يدعون الذين تسبوا وال عملهم أمة ...]

{At huwag ninyo kutyaan yaong mga sumasamba bukod sa Allah, at kanilang kukutyaan ang Allah bilang pag-aabuso ng walang kaalaman, sa gayon Namin pinalamutian sa bawat pamayanan ang kanilang gawain….}. [Al-Anam: 108]Bagkus ipinag-utos ng Qur’an sa mga Daiyah nito, na kanilang sabihin ang siyang pinakamabuti na salita sa paghayag nila sa Da’wah.

12

Page 13: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

Sinabi ng Allah: مبينا. عدوا لإلنسان كان الشيطان إن بينهم ينزغ الشيطان إن أحسن هي التي يقولوا لعبادي ] وقل في بمن أعلم وكيال. وربك عليهم أرسلناك ومآ يعذبكم يشأ إن أو يرحمكم يشأ إن بكم أعلم ربكم

[. زبورا داوود وآتينا بعض على النبيين بعض فضلنا ولقد واألرض السماوات{At sabihin sa Aking mga alipin, na kanilang sabihin ang siyang pinakamabuti. Katotohanan, si Satanas ay naghahasik ng kasamaan, kasiraan sa pagitan nila. Katotohanan, si Satanas para sa mga tao ay isang mahayag na kaaway. Ang inyong Panginoon ay higit na nakaaalam kaysa inyo. Kung Kanyang naisin,kahahabagan Niya kayo, o kung Kanyang naisin paparusahan Niya kayo. At hindi ka Namin ipinadala sa kanila bilang isang Tagapangalaga (sa kanilang gawain). At ang iyong Panginoon ay higit na nakaaalam sa sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan. At sa katunayan, ang iba sa mga Propeta ay ginawa Naming mas nakahihigit kaysa iba. At Aming ipinagkaloob kay Daud ang Zabur (Salmo). [Al-Isra’: 53 – 55]

Ang ikatlong batayan:Ilan sa mga tao ang siyang kanyang nakaugalian na lumalaki ang usapan sa kanya, at dapat ay pangangalagaan ng nagsasalita sa sandaling nakikipag-usap sa kanya ang mga kadakilaan nito. At maaaring dadalhin sila ng damdaming ito na kung ang nagsasalita ay kumiling sa pakipag-usap sa ganitong pamamaraan, tiyak na magkakaroon sa mga taong yaon ang ganap na pagtalikod, pagtanggi at pagkamakasarili. Samakatwid magiging hadlang iyon sa pagitan nila at ng pagtanggap sa katotohanan.Kaya kanais-nais sa Daiyah na kanyang suriin sa kanila ang puntong kahinaan na ito sa abot na makayanan, upang hindi magkaroon ng anumang dahilan na siyang pipigil sa kanya upang tanggapin ang Da’wah, at masilayan ang katotohanan sa tunay na pagkatotoo nito.At dahil sa layuning ito, inutusan ng Allah si Mousa at Haron (mapasakanila nawa ang kapayapaan), at Kanyang sinabi: [ يخشى أو يتذكر لعله لينا قوال له طغى. فقوال إنه فرعون إلى اذهبآ ]

{Kapwa kayong pumunta kay Fir’aun. Katotohanan, tunay na siya ay humigit ng hangganan. Kaya kapwa kayong magsabi sa kanya ng isang salitang mahinahon, baka sakaling siya ay makapaggunita o matakot (sa Allah) }. [Taha: 43-44]

At siya ding ipinag-utos ito ng Allah sa ating Propeta Muhammad , batay sa Kanyang sinabi: […عنهم فاعف حولك من النفضوا القلب غليظ فظا كنت ولو لهم لنت الله من رحمة ]فبما

{At dahil sa habag mula sa Allah, naging mahinahon ka sa kanila, at kung ikaw ay naging isang malupit, mabagsik ang puso, tiyak na sila ay magsilayuan sa paligid mo; kaya maging mapagpasinsiya sa kanila …..}. [Al-Imran:159]

Puwera, iyon ay tanging ipinapapahintulot lamang, hangga’t hindi sumasalungat sa katayuan ng katotohanan, at sa kalagayan ng Da’wah na siyang itinatatag sa paghatid nito.

13

Page 14: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

At ang Sugo na mapagbigay ay masusi niyang ipinag-utos sa atin sa pamamagitan ng kanyang mga pangaral, na ilagay ang mga tao ayon sa kanilang mga antas, at ibigay sa kanila ang kanilang katayuan at karapatan mula sa kagandahang loob, at makipag-usap sa kanila batay sa kung ano ang naka-aangkop sa kanilang mga katayuan…atbp. Kaya ang pamamaraan na ginagamit sa Maalam (Pantas) ay maliwanag na magkaiba sa pamamaraan na ginagamit sa sempling lalaki o mangmang.

Ang ikaapat na batayan:

Kanais-nais sa Daiyah na kanyang iwasan ang paglahad ng Da’wah sa kinakausap, kapag kanyang nakita na ito ay kumikiling sa pagtanggi at pagpintas atbp. At kapag nailahad sa kanya ang Da’wah at nagsimulang magsumikap itong humadlang rito sa pamamagitan ng pagpipintas, pagtutuligsa rito at panliliit sa katayuan nito. Ang dapat sa kanya ay tumigil sa pakipagtalakayan rito. At ipawalang bahala ito, iiwan niya ito at ang kina-aabalahan nito. At siya ay uupo na naghahanap ng magandang pagkakataon. At hintayin ang tamang oras na babalik sa kinakausap ang katahimikan, kahinahunan at pagtitimpi.

Sinabi ng Allah: غيره حديث في يخوضوا حتى عنهم فأعرض آياتنا في يخوضون الذين رأيت ] وإذا

[ الظالمين القوم مع الذكرى بعد تقعد فال الشيطان ينسينك وإما{At kapag nakita mo yaong tumutuligsa tungkol sa Aming mga talata (Tanda) sa pamamagitan ng walang kabuluhang usapan, samakatwid lumihis ka sa kanila, hangga’t sa sila ay lumahok ng ibang usapan bukod dito. At kung nagawang naipalimot sa iyo ni Satanas, samakatwid huwag kang manatiling makihalubilo pagkatapos ng pagpaalaala sa mga taong gumagawa ng Kawalan ng Katarungan} [Al-Anam: 68]

Nasasaklawan ng talata, ang pagbabawal tungkol sa mga ginagawa ng mga Nagdidibati sa patuloy nilang pakikipagtalo, at pakikilahok ng kasama sila hanggang sa umabot sa hindi mabuting kalagayan.

Ang ikalimang batayan: At gayon din kanais-nais sa Daiyah na ilahad ang Da’wah, kapag ang kinakausap ay abalang-abala sa kanyang ginagawa, tinatalikuran ang lahat liban sa isang bagay na lubhang kalugud-lugod ito para sa kanya, mahirap ipapaiwan ito sa kanya tungo sa Da’wah.At kahit na ang kalagayang ito ay may pagkaiba sa nauna sa kanya , dahil ang kalagayang ito ay walang kalakip na pagtutol at pagpanatili, subalit ang bawat isa sa dalawang ito ay nagkatulad, na ang kinakausap ay hindi nakahanda upang makinig at tumanggap ng aral.

Nasaad sa Sahih ni Al-Bukhari, nai-ulat ni Abdullah bin Abbas (kalugdan nawa silang dalawa ng Allah) kanyang sinabi: “Kausapin mo ang mga tao sa tuwing Biyernes ng isang ulit, at kung ayaw mo ng isang ulit, dalawang ulit at kung gusto mo ng madalas, tatatlo. At huwag mo paiinipin ang mga tao sa Qur’an na ito, at ayaw kong matagpuan kita na pumupunta sa mga taong abalang-abala sa isang usapin na kanilang pinag-uusapan, At ikaw ay mangaral na siyang magpabigat sa kanila. At madudulutan mo sila ng pagka-inip. Subalit, tumahimik ka. At kapag inutusan ka nila, samakatwid kausapin mo sila at kanilang inaasam-asam na ito.

Ang ikaanim na batayan:

14

Page 15: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

At huwag na huwag palalampasin ng Daiyah na kanyang pagtuunan ng pansin ang huwag gumawa ng hakbang na siyang maging dahilan sa pagkainip ng kinakausap at pagka maging makulit nito, sa pamamaraan ng pag-uulit-ulit at pagliguy-liguy na wala namang napapala rito. O ang pamamaraang iisang salita na hindi naman naiiba at nababago. At tumatalakay sa iisang kaparaanan na walang kabuhay-buhay.At talagang napatunayan na ang Sugo ng Allah () at ang kanyang mga tagasunod ay lubos na kanilang pinapangalagaan iyon at minamatyagan ng maigi.

Nai-ulat ni Shaqiq, sinabi niya: “Ang dating kaugalian ni Abdullah bin Mas-oud (Kaawaan nawa siya ng Allah) ay kanyang pina-alalaanan ang mga tao sa tuwing araw ng Huwebes. At sinabi sa kanya ng isang lalaki: “O Abu Abdul Rahman kung pupuwede lang sana sa iyo ay bigyan kami ng pangaral sa bawat araw. Kanyang sinabi: “Sa totoo lang ang nakapipigil sa akin hinggil doon ay aking kinasusuklaman na akin kayong madudulutan ng pagka-inip at bukod pa doon ay aking iniaalinsunod sa inyo ang tamang pagkakataon para sa Aral, tulad ng ginagawa ng Sugo ng Allah () na kanyang iniaalinsunod sa amin ang tamang panahon para sa aral, sa pangangambang madudulutan kami ng pagka-inip”. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

Ang ikapito na batayan:

Kanais-nais sa nagtatrabaho sa larangan ng Da’wah, na siya ay maging ganap na handa upang ipunla ang Da’wah. Sa tuwing kanyang matyempuhan ang kanyang magandang pagkakataon. At may kalakip na masusing pagsusuri na hindi siya dapat nalalampasan ng isang magandang pagkakataon, ni nawawalan ng isang magandang okasyon.Ang pinakamainam na isang halimbawa niyon ay; ang ginawa ng Propeta ng Allah na si Yousuf (mapasakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan), at sa katunayan ito’y paditalyeng ikinuwento ng Qur’an.’

اعصر أراني إني أحدهما قال فتيان السجن معه ] ودخل فوق أحمل أراني إني اآلخر وقال خمرا رأسي إال ترزقانه طعام يأتيكما ال المحسنين. قال من نراك إنا بتأويله نبئنا منه الطير تأكل خبزا

وهم بالله يؤمنون ال قوم ملة تركت إني ربي علمني مما ذلكما يأتيكما أن قبل بتأويله نبأتكما شيء من بالله نشرك أن لنا ماكان ويعقوب وإسحاق إبراهيم آبائي ملة كافرون. واتبعت هم باآلخرة أأرباب السجن صاحبي يشكرون. يا ال الناس أكثر ولكن الناس وعلى علينا الله فضل من ذلك

أنزل مآ وآباؤكم أنتم سميتموها أسماء إال دونه من تعبدون القهار. ما الواحد الله أم خير متفرقون ال الناس أكثر ولكن القيم الدين ذلك إياه إال تعبدوا أال أمر لله إال الحكم إن سلطان من بها الله

ربه فيسقي أحدكما أمآ السجن صاحبي يعلمون. يا رأسه من الطير فتأكل فيصلب اآلخر وأما خمرا[ تستفتيان فيه الذي األمر قضي

{At dalawang binatilyo ang kasama niyang pumasok sa bilangguan. Sinabi ng isa sa kanilang dalawa: “Katotohanan, nakita ko ang aking sarili (sa isang panaginip) na pumipiga ng alak. At sinabi ng isa: “Katotohanan, nakita ko ang aking sarili (sa isang panaginip) na ako’y nagdadala ng isang tinapay sa ibabaw ng aking ulo, na kinakain ng ibon ito. Ipabatid mo sa amin ang pagpapakahulugan nito. Katotohanan, aming nakikita kang kabilang ng mga Muhsinun (mga masigasig gumawa ng kabutihan, mga bihasa magbigay ng pagpapakahulugan sa mga panaginip). Sinabi niya: “Walang darating sa inyong dalawa ng anumang pagkain na itinutustus sa inyo kundi aking ipabatid sa inyong dalawa ang pagpapakahulugan nito (ang uri at katangian nito) bago dumating sa inyo. Ang mga iyon ay mula sa mga itinuro sa akin ng aking Panginoon. Katotohanan, aking iniwan ang Relihiyon ng isang grupo ng

15

Page 16: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

mga tao na hindi naniniwala sa Allah, at sila yaong mga di-Naniniwala sa huling Araw. At aking sinunod ang Relihiyon ng aking mga magulang, si Ibrahem, Ishaq at Ya’qub, hindi nararapat sa amin ang magtambal sa Allah ng anuman, iyon ay mula sa karangalan ng Allah sa amin at sa mga tao, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi tumatanaw ng utang na loob. O kayong dalawang kasamahan ng bilangguan, ang mga iba’t ibang mga Panginoon ba ay mas mainam o ang Allah, ang Iisa, ang Tagasupil? Wala kayong sinasamba na bukod sa Kanya maliban sa mga pangalan, na kayo ang siyang nagbigay ng pangalan ng mga ito, kayo at ang inyong mga magulang. Hindi nagbaba ang Allah dito ng anumang katibayan. Walang kapasiyahan kundi sa Allah, Kanyang ipinag-utos na huwag kayo sumamba maliban sa Kanya, iyon ang matatag na pananampalataya, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nalalaman.. o kayong dalawang kasamahan ng bilangguan, isa sa inyo, samakatwid ay maghahandog ng inuming alak sa kanyang Panginoon. At ang isa, ay ipapako at kakainin ng ibon ang nasa kanyang ulo. Naipagpasiya ang paksang bagay na siya itong inyong itinatanong }. [Yousuf: 36 – 41]

Samakatuwid ang kalagayang ito sa bawat ditalye ng paliwanag nito: ay may dalawang lalaki na pumasok sa bilibid at kanilang nakita sa panaginip ang kataka-takang pangitain. Kaya sila ay natatakot mag-uusisa sa katotohanan nito na siyang tinatabingan ng pangitaing ito. Kaya nang makita nila si Yousuf (mapasa kanya nawa ang kapayapaan) sa gitna ng mga bilangguan na yaon. Ang nag-iisang lalaki na maaaring makakatulong sa pangangailangan, kaya inilahad nila ito sa kanya. Samantalang inililihim nila sa kanya ang lahat ng pagpitagan, pagdakila, pagpahalaga at paghanga, subalit si Yousuf (mapasa kanya nawa ang kapayapaan) ay hindi siya nagmadali sa pagbigay ng sagot. At hindi siya nasasapatan sa pagtugon lamang ng pangangailangan. At hindi niya sinasamantala ang pagkakataong ito, na ang kanyang pagkatao ay naging dakila sa harap ng kanilang mga mata, o sa pagtamo ng kanilang paghanga, o sa pagkamtan ng sariling kapakanan, bagkus kanyang pinahalagahan ang marangal na mamahaling sulyap na ito ng dalawang lalaki. Kaya gagamitin niya ito sa pagpalaganap ng Da’wah.

At ito ay maitutupad batay sa nilalayun sa sandaling ang pamamaraan ay nagpapahiwatig na ang salitang pan-Da’wah ay umuusbong mula sa ugat ng paksang usapin, na ito ay nag-simula sa pagpapakahulugan ng panaginip. Na siyang nagtuturo sa dalawang bagay na mahalaga:

1-Katiyakan, nararapat sa Daiyah na mag-oobserba ng magandang pagkakataon upang ipalaganap ang Da’wah, tulad ng pag-oobserba ng mga mambubukid sa pagbuhos ng ulan, pagliwanag ng himpapawid at pagka-angkop ng mga klima.

2-Kapag pinagkalooban siya ng Allah ng magandang pagkakataon, na umaayon sa paglahad ng Da’wah, samakatwid ay hindi nararapat sa kanya na kanyang palampasin ito, nang nag-aaksaya ng panahon, bagkus samantalahin niyang gamitin ito sa higit na malaking hangarin at dakilang layunin.

Ang ikawalong batayan:

Kapag nadama ng Daiyah sa kinakausap ang pagkamapilit at paliguy-ligoy, ang dapat sa kanya ay layuan ang lahat ng paraan na maaring makakadagdag sa pagkamapilit nito sa pagkaligaw at pag-ayaw sa katotohanan, at kanyang pagsikapan na mailahad sa kanya ang katotohanan sa

16

Page 17: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

pamamagitan ng matinong pamaraan. Kanyang takpan sa taong ito ang mga pinto ng pagpanatili at kanyang buksan ang bubungan ng kabutihan at patnubay. At kanyang papaghangain ito, walang matagpuan na anumang paraan upang umiwas sa kinatatayuan nito, ni makatagpo ng anumang kasagutan kapag kasing bundok na ang kalabisan nito, at hindi makapag-ari ng kapangyarihang pag-ibahin ang pagitan ng mabuti at masama, noon pa man. At sa katunayan naitala na ng Qur’an ang talakayang naganap sa pagitan ni Ibrahem (As) at sa isang haring kapanahunan niya.Sa katunayan, ito ang pinakamainam na halimbawa na gusto nating ipaliwanag sa kasalukuyan.

Sinabi ng Allah: قال إذ الملك الله آتاه أن ربه في إبراهيم حآج الذي إلى تر ( ألم فإن إبراهيم قال وأميت أحيي أنا قال ويميت يحيي الذي ربي إبراهيم

كفر الذي فبهت المغرب من بها فأت المشرق من بالشمس يأتي الله) الظالمين القوم اليهدي والله

{Hindi mo ba napagmasdan yaong nakipagtalo kay Ibrahem tungkol sa kanyang Panginoon, dahil sa ipinagkaloob sa kanya ng Allah na kaharian? Noong sinabi ni Ibrahem (sa kanya): “ang aking Panginoon ang Siyang nagkakaloob ng buhay at nagdudulot ng kamatayan”. Kanyang sinabi: “Ako ay nagkakaloob (din) ng buhay at nagdudulot ng kamatayan”. Sinabi ni Ibrahem: “Samakatwid katotohanan, ang Allah ay Kanyang pinasisikat ang araw mula sa silangan, kaya’t pasikatin mo ito mula sa kanluran. At namangha yaong nagtatwa. Samakatwid ang Allah ay hindi nagpapatnubay ng mga taong gumagawa ng kawalang-katarungan}. [Al-Baqarah: 258]

Katotohanan, ang patunay na naihandog ng Propeta ng Allah na si Ibrahem (As) ay hindi nag-pauga sa kalabisan ng hari, at para kay Ibrahem (As) ay puwede niyang ilahad ulit ito sa kanya, susundan at bubulain sa pamamagitan ng tumpak na sagot na nakaaakit. Subalit hindi niya ginawa iyon, sa kadahilanang ito ay sumasalungat sa mahusay na pamaraan na siyang ipinag-uutos ng mahusay na Qur’an na manatili dito.

Sinabi ng Allah: ( الحسنة والموعظة بالحكمة ربك سبيل إلى ادع أحسن هي بالتي وجادلهم )

{Mag-anyaya sa landas ng iyong Panginoon sa pamamagitan ng mahusay na pamaraan at magandang pangaral, at makipagtalakayan sa kanila sa kung ano ang pinakamahusay}. [An-Nahl: 125]

At lalo na pagkatapos na matiyak ang kalooban ng kinakausap – ang Hari – at anumang kalikasan nito sa pagkamapilit sa kabulaanan, at pagkapihado sa kasamaan.

ANG DAIYAH AY MAY PARTIKULAR NA KALAMANGAN:

Katotohanan, ang bawat isang Muslim ay inuubliga sa pagda-Da’wah ayon sa abot ng kakayahan.Sinabi ng Allah: ( يأمرون بعض أولياء بعضهم والمؤمنات والمؤمنون

المنكر عن وينهون بالمعروف )

17

Page 18: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

{Ang mga Mananampalatayang lalaki’t babae, sila sa isa’t isa ay Auliya’ (Tagapagtanggol at Tagatulong) ng bawat isa (sa kadahilanang) kanilang ipinag-uutos ang mabuti at ipinagbabawal ang masama}. [At-Tawbah: 75]

At sinabi ng Propeta (): “Ang sinuman sa inyo ang nakakita ng isang masama, samakatwid ay dapat niyang hadlangan ito sa pamamagitan ng kanyang kamay, at kapag hindi niya kaya, kung gayon ay sa pamamagitan ng kanyang dila, at kapag hindi niya kaya, samakatwid ay sa pamamagitan ng kanyang puso, subalit iyon ang pinakamahinang Pananampalataya”. Isinalaysay ni Muslim.

Kaya ating buksan ang pinto ng Da’wah sa mga katunggali nito upang maitatag ang obligasyong ito at ang dakilang tungkuling ito sa lahat ng tao. At sa oras ding iyon ay nababahagian ang ilan sa mga tumugon ng masidhing pagsumikap sa pagtuturo at pang-Islamikong tumpak na kasanayan, na nagtatatag batay sa katuruan ng Aklat (Quran) at Sunnah, at ating ihanda sila ng ganap at matatag na paghanda upang sila ay magtatag sa napakahirap na tungkuling ito ng matibay na pagtatag upang mapasa kanila ang pagsunod at pagdala ng katungkulan, tulad ng nasa mga ninuno nilang Propeta at Sugo at naunang Pamayanan. Kung kaya’t ang Allah ay Kanyang pinili ang pinakamabuting tao para sa kanyang Da’wah.

At kanyang pinalamang ang Pamayanang ito sa mga natira o ibang nilalang, at binigyan sila ng kapangyarihan, kakayahan at lakas ng pang-akit, at binigyan sila ng kaalaman at katalinuan na hindi pa Niya naibigay sa iba, ang lahat ng iyon ay bilang pagtatanggol, pagtulong at pagparangal sa kanila. At bilang pagpatanyag sa kanilang Da’wah.

Pagkatapos, sumunod sa mga Propeta at Sugo ang mga Auliya’ (Tagapagtanggol at Tagatulong) ng Allah mula sa mga Pantas at Daiyah sa pagdala ng mga katungkulan ng Mensahe at pagdala ng Da’wah. Kung kaya’t kanilang minana ang pamana ng mga Propeta,Subalit ang mga Propeta ay hindi nagpamana ng isang Dinar ni Dirham, datapuwat ang tanging kanilang ipinamana ay kaalamam, kaya ang sinumang kumuha nito, samakatwid kanyang nakamtan ang maraming suwerte.

At dahil dito, katotohanan, ang Pamayanan sa kasalukuyan ay hindi nangangailangan maliban sa mga Daiyah na lumaki sa mabuti’t matatag at magandang kasanayan upang sila’y makapagtatag sa katungkulan at upang mapasakanila ang pagtanggap at lakas ng pang-akit.Kakailanganin natin sa panahong ito ang mga Daiyah na may partikular na kaparaanan. Matapat sa kanilang Panginoon, sa kanilang sarili at sa kanilang pagda-Da’wah, sila ay nagsasakripisyo sa pamamagitan ng lahat na mamahalin at mahalaga alang-alang dito at sa landas nito.

Ang Allah ay Kanyang pinili sa Kanyang Da’wah ang pinakamainam sa mga nilalang, at Kanyang sinanay , pinawagas at pinadalisay sila sa pagdala ng Kanyang Mensahe.

18

Page 19: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

ANG MGA PANANGGALANG NG DAIYAH:

UNA-LAKAS NG UGNAYAN SA ALLAH: – kapuri-puri Siya – ; ang Daiyah ay tagaturo sa kabutihan, at taga-gabay tungo sa patnubay, ang kanyang tanging layunin ay ang ipakilala sa mga tao ang kanilang Panginoon, upang sila ay magtagumpay sa kaligayahan ng Mundo at huling araw. At dapat sa kanya ay pagtibayin ang kanyang ugnayan sa Allah sa pamamagitan ng wagas na paniniwala at matatag, at italaga ang kanyang Pananampalataya upang magtatatag ng buong panunungkulan sa kanyang Panginoon, at lubos na pakipag-ugnayan, at labis na pagtitiwala sa Kanya. At ganap na pagsuko sa lahat ng mga naiparating Nito nang walang pag-aalinlangan, pagdududa at paninisi, upang ang Da’wah sa pamamagitan niyon ay mamumutawi sa kanyang salita at gawain, at lahat ng iyon ay magiging madali at magaan sa kapahintulutan ng Allah.

Ang ilan sa mga mahayag na pagkalakas ng ugnayan sa Allah, ay ang mga sumusunod:

A-Pangalagaan ang mga obligasyon sa Islam, at pagtatag sa takdang oras nito at ayon sa tamang pagka-atas nito.

B-Ang pagdubli ng pagsumikap, pagsanay ng sarili sa pagdadagdag ng sagana ng kabutihan, na karangal-rangal at kagiliw-giliw sa Islam, tulad ng mga dasal na kusang loob, lalung-lalo na ang pagtatag sa dasal na panggabi, pag-aayuno sa araw ng Lunes at Huwebes, at tatlong araw sa bawat buwan, pamamahagi ng kawanggawa, at pamimigay sa landas ng Allah atbp.

At ang Allah, – Kapuir-puri Siya at Kataas-taasan – ay pinagbibilinan ang Kanyang mga Propeta sa pagdaragdag ng baunang ito upang makatulong sa kanilang landas na pan-Da’wah. Sa katunayan pinagbilinan ng Allah si Musa at si Haron (mapasa kanila nawa ang kapayapaan) batay sa Kanyang (Allah) sinabi: ( ذكري في تنيا وال ){At kapwa kayong huwag kumupas sa paggunita sa Akin}. [Taha: 42]

At sinabi pa Niya: ( أذكركم فاذكروني ){Kaya’t gunitain ninyo Ako’t gugunitain Ko kayo}. [Al-Baqarah: 152]

At sinabi pa ng Allah tungkol sa paglarawan sa mga Mananampalataya: خلق في ويتفكرون جنوبهم وعلى وقعودا قياما الله يذكرون ( الذين

واألرض السموات

19

Page 20: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

) النار عذاب فقنا سبحانك باطال هذا خلقت ما ربنا{Sila yaong gumugunita sa Allah nang nakatayo at nakaupo, at nakahiga sa kanilang tagiliran, At nagmumuni-muni sa sangnilikha ng mga kalangitan at kalupaan. O aming Rabb! Hindi mo nilikha ito ng walang kabuluhan, Kapuri-puri Ka, kaya’t pangalagaan Mo kami sa kaparusahan ng Apoy}. [Al-Imran: 191]

Ang Propeta natin na si Muhammad () ay itinatatag ang gabi hanggang sa namamaga ang dalawa niyang talampakan.

Naiulat ni Aisha (nawa ay kalugdan siya ng Allah): katotohanan, ang Propeta () ay nagtatatag sa pagtayo sa ilang bahagi ng gabi hanggang sa magkawatak-watak ang dalawa niyang talampakan, kaya’t aking sinabi sa kanya: “Bakit ginagawa mo pa ito O Sugo ng Allah, samantalang sa katunayan, pinatawad na sa iyo ng Allah ang anumang nauna mong kasalanan at huli”. Kanyang sinabi: “Hindi ko ba dapat kalugdan na ako ay maging isang alipin na kalabisang tumatanaw ng utang-na-loob”. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

At naiulat ni Abu Hurairah (kalugdan nawa siya ng Allah) siya ay nagsabi: “narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: [Sa ngalan ng Allah, katotohanan, tunay na ako ay humihiling ng kapatawaran sa Allah at nagbabalik loob sa Kanya sa isang araw ng pitumpong ulit].Isinalaysay ni Al-Bukhari

Kung kaya’t nararapat sa Daiyah na siya ay palaging gumugunita sa Allah – kapuri-puri Siya – at lumayo sa lahat ng anumang naka-aabala sa kanya sa kanyang Panginoon at sa kanyang katungkulan.

Kung nais niya, maaring sa pamamagitan ng kanyang kayamanan at anumang nasa kanya, at kung siya ay matakot dapat ay sa Allah lamang at sa Kanyang kaparusahan, kung siya ay sisilung dapat ay sa Allah lamang, sa lahat ng bagay. At kung mangamba dapat ay sa Allah lamang sa lahat ng bagay. At sa kaparaanang ito tumahak ang mga Propeta at ang mga Banal. Kung kaya’t kapag may naganap na suliranin, sila ay umiwas tungo sa pagdarasal, panalangin, at wagas na pagbalik loob. At ang pagsilong sa Allah – Kapuri-puri Siya – ay anong bilis ng pagkapawi ng kalungkutan at kapighatian, at dumarating ang tulong at kaligayahan.

Mga bunga ng lakas ng ugnayan sa Allah – Kapuri-puri Siya at Kataas-taasan:Ang pagkamtan ng malalim at matatag na Pananampalataya para sa Daiyah: Samakatwid ang Pananampalataya sa Lingkod ay tulad ng hintuturo sa metter ng sasakyan sa tuwing nadadagdagan ang tulin ng sasakyan, kaya gayon din ang Pananampalataya ng Lingkod na sa tuwing nadadagdagan ang parte ng pagsunod at pagsamba ay lumakas ang naturang Pananampalataya at tumaas ang kaloobang yaon, at sa tuwing lumiliit ang parte ng mga mabubuting gawain ay humina ang kalooban at tumamad at umaatras ang naturang pamantayan.

20

Page 21: ANG PAGPAPAKAHULUGAN SA AD-DAAWAH AT …DB%D9%83%FD%F1%20%… · Web viewNangangailangan ng matatag na Relihiyon ng Allah na siyang mag-aayos sa kanilang buhay, maging ito ay nakaugnay

�ذا �يت } وإ �يمانا زادتهم آياته عليه�م تل :Sinabi ng Allah األنفال ( سورة2{ ) إ(At kapag binasa sa kanila ang Kanyang mga Talata, nadadagdagan nito sa kanila ang Pananampalataya…..). Al-Anfal: 2

ذ�ي }هو �ينة أنزل ال ك �ين قلوب� ف�ي الس �يزدادوا المؤم�ن �يمانا ل �ه�م مع إ �يمان :At sinabi pa Niya الفتح ( سورة4{ ) إ(Siya ang nagbaba ng kapanatagan sa puso ng mga Mananampalataya, upang sa gayon ay madadagdagan sila ng Pananampalataya sa kanilang Pananampalataya). Al-Fath: 4

21