16
0 Panga Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________ Ikalawang Markahan-Modyul 2 Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-IIc-6.1) Sa nagdaang modyul,

  • Upload
    others

  • View
    206

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

  • 0

    PangaRepublic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Edukasyon sa Pagpapakatao

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Pangalan: ___________________________

    Baitang at Seksyon: ___________________________

    Paaralan: ___________________________

    Ikalawang Markahan-Modyul 2

    Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

  • 1

    Ang modyul na ito ay inihanda para matugunan ang iba‘t ibang paraan ng

    pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang kahalagahan ng pagkukusa ng makataong kilos. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga sitwasyong maaaring harapin ng mag-

    aaral sa kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit ang iba‘t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging

    paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na sangguniang aklat.

    Pagkatapos mong pag-aralan at isagawa ang mga Gawain sa Modyul na ito inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod:

    Sa modyul na ito ay masusuri mo ang kahalagahan at lawak ng pakikipagkapwa

    bilang isang kabataang Pilipino.

    5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao

    ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito

    (EsP10MK-IIb-5.4)

    5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan

    upang maging mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-IIc-6.1)

    Sa nagdaang modyul, naunawaan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng

    kakayahang pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang

    nagsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal at tumutugon

    ka sa mga sitwasyong nangangailangan ng iyong paglilingkod, anuman ang balakid,

    masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan.

    ALAMIN

    BALIKAN

  • 2

    Gawain 1: Gunitain

    Panuto: Sagutin ang mga tanong.

    1. Ano ang karaniwang katuturan ng kalayaan? 2. Ano ang sukdulang kahulugan ng responsibilidad?

    3. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng kalayaan.

    Gawain 1: Pagsusuri sa Sitwasyon

    Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

    TUKLASIN

    Sitwasyon A

    Sa resulta ng inyong Unang Mahabang Pagsusulit ikaw ang nakakuha ng pinakamataas

    na iskor. Namangha at humanga ang iyong mga kaklase dahil hindi nila akalain na

    mayroon ka pa lang tinatagong talino sa kabila ng iyong tahimik na pagkatao. Ngunit,

    hindi naniwala ang inyong guro sa iyong naipakitang kakayahan, ipinahayag niya ang

    kanyang hinala dahil katabi mo raw si Shoj na siya ang pinakamalakas sa oral

    participation. Binigyan ka ng inyong guro ng panibagong pagsusulit upang malaman

    talaga kung nangopya ka o hindi. Nakaramdam ka ng pagkapahiya. Ngunit minabuti mo

    na lang na tanggapin ang challenge.

    Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit? Bakit?

  • 3

    Gawain 2 : Panuto: Sagutin ang mga aytem. Isulat ang salitang ―Makatao‖ o ―Hindi Makatao‖ at

    ibigay ang sariling opinyon kung ano ang nararapat gawin.

    Mga Kilos Makatao Hindi-

    Makatao

    Ano ang Nararapat Gawin

    1. Pagbibigay ng suportang

    pinansiyal sa mga fraternity group

    2. Pagpapakita ng

    panlabas ng kabutihan ngunit

    masama ang kalooban

    3. Paghingi ng guro ng

    project sa estudyante kapalit ng pasadong grado

    4. Ang ugaling ―hugas-kamay‖

    Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay

    obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang

    mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili

    at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin. Halimbawa, ang pag-akay sa isang

    SURIIN

    Sitwasyon B

    Si Shaykh Abdullah Ibnu Mubarak rahimahullah ay nagkuwento: ―Minsan humiram ako

    ng lapis sa isang tao sa Syria, at nakalimutan kong isauli. Muli itong sumagip sa isip ko

    nung dumating na ko sa Turkmenistan (na ang layo ng pagitan ng dalawang lugar na ito

    ay isang libong kilometro). Bumalik akong naglakbay papuntang Syria upang isauli ang

    lapis sa may-ari.‖

    Tanong: Kung ikaw ang nasa sitwasyon ano ang gagawin mo? Bakit?

  • 4

    matanda na tatawid sa kalye. Kung hindi mo tutulungan ay maaaring mahagip ng mga

    sasakyan. At kung iyong itutuloy ang pag-akay sa kaniyang pagtawid, makasisiguro

    kang magiging maayos ang kaniyang kalagayan.

    Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos

    Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito

    mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang

    kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.

    Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa

    ito.

    Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan

    sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang

    kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring

    makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang

    kapanagutan. !big sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang

    pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala.

    Mga Elementong Espiritwal ng Makataong Kilos

    Dalisay na layunin- Ito ay tumutukoy sa layunin na gagawa ang isang tao ng makataong

    kilos bunga ng kaniyang paniniwala at pananampalataya sa Diyos, na wala siyang ibang

    layunin maliban sa kagalakan, awa at pagmamahal ng Diyos. Buo ang kaniyang

    paniniwala kapag napasaya niya ang nilalang na nilikha ng Diyos lalo na ang tao ang

    maging masaya sa kaniya ang kaniyang Tagapaglikha, ang kaniyang Panginoon.

    Taos-pusong paraan- Ito ay tumutukoy sa pinakamalugod na paraan ng pagsagawa ng

    makataong-kilos walang bahid ng pagkamayabang o pagmamalaki ng sarili o

    kakayahan. Na mag-aabot siya ng tulong sa taong nangangailang kahit hindi ito

    humingi sa kaniya, at sa paraan na hindi mababawasan ang dignidad ng tatanggap.

    Bagkus ibibigay niya ang kaniyang tulong sa paraan na parang siya ang

    nangangailangan na matanggap ang kaniyang tulong. At masayang-masaya siya pag

    tinanggap ang kaniyang tulong. Dahil sa kaniyang isipan, malaking gantimpala ang

    kaniyang makukuha sa kabilang buhay na maging paraan ng kaniyang kaligtasan.

    Dalisay na layunin

    Taos-pusong paraan

    Walang Paghahangad na kapalit

    Malaya mula sa makamundong bunga (tulad ng popularidad)

  • 5

    Ang pananampalataya sa Diyos ay ang pinakamalaking salik na

    nagtutulak sa tao na gumawa ng pinakamataas na uri ng makataong

    kilos.

    Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

    1. Kailan nagiging masama ang makataong kilos?

    2. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong

    kilos? Ipaliwanag.

    3. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat

    mapanagutan? Ipaliwanang.

    4. Nawawala ba ang pananagutan ng tao sa kaniyang kilos dahil sa

    maling layunin? Bakit?

    5. Naniniwala ka ba na nawawala ang pananagutan ng tao sa

    kaniyang kilos dahil sa kanyang pagnanasa sa makamunding

    bagay? Bakit?

    Walang paghahangad na kapalit- Ito ay tumutukoy sa hangarin na taimtim ang

    kaniyang kalooban na gagawa siya ng gawain na malaya at malinis ang kaniyang puso

    at isipan mula sa mga karaniwang hangarin ng iba na nag-ugat mula sa kasabihang

    ―Give and Take‖. Na kung hindi makakatanggap mula sa taong natulungan ay hindi na

    siya muli mag-aabot ng tulong sa kaniya.

    Malaya mula sa makamundong gantimpala- Ito ay tumutukoy sa katwiran at kalinisan

    ng layunin sa pagsagawa ng makataong kilos. Kung kaya, kadalasan ay iniiwasan ng

    taong naninindigan sa elementong ito ang posibleng paraan ng makamundong

    pagnanasa ng kaniyang sarili, halimbawa, hindi-hindi siya papayag na banggitin o isulat

    ang kaniyang pangalan bilang ‗Donor‘ ng isang proyekto. O di kaya, mag-uutos na lang

    siya sa ibang mapagkatiwalaan na ibigay ang kaniyang ‘donation’ at ilihim kung sino

    ang nagbigay. Kabilang din dito ang pagtatago sa kahihiyan ng kapwa tao.

    Dahil para sa kaniya ang isang kilos ay hindi matatawag na makatao kapag ito ay

    naisagawa ayon sa espiritwal na elemento nito, bagkus ito ay walang iba kundi

    makasariling-kilos.

    Gawain 1: Bigyang Diin

    Panuto: Basahin at intindihin ang mga pahaayag at sagutin ang mga tanong, isulat ang

    iyong sagot sa sagutang papel.

    PAGYAMANIN

  • 6

    1. Kailan nagiging masama ang makataong kilos?

    2. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag. 3. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan?

    Ipaliwanang. 4. Nawawala ba ang pananagutan ng tao sa kaniyang kilos dahil sa maling

    layunin? Bakit? 5. 5. Naniniwala ka ba na nawawala ang pananagutan ng tao sa kaniyang kilos

    dahil kanyang pagnanasa sa makamunding bagay? Bakit 6. Gawain 2 Katangian ng Taong May Makataong Kilos

    Panuto: Hanap-salita. Bilugan ang mga salitang lubos na kailangan sa pagbuo ng pasya.

    1.______________ 2._____________ 7._____________ 10._____________

    3.______________ 4._____________ 8._____________

    5.______________ 6._____________ 9._____________

    M Z M A A L A L A H A N I N W

    X M A B A I T C H G R U K O C

    E D A F B U K A S - L O O B F

    A C A P S X D S A T Q E V A G

    S U K M A I N T I N D I H I N

    Z A O U A G E G K H F T E Y O

    X E D W J O B Z M E G H W H L

    V A K S H E G I F A B F D F E

    O J O H M P Q X G E S Q F D Q

    U T C F N U E B W A F A M G D

    D M A R A N G A L A Y Z F H F

    M A P A G K A T I W A L A A N

    H A M A K A D I Y O S D A N G

    S D I - M A K A S A R I L I A

    O A C M A T U W I D S A W M A

  • 7

    Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang mga espiritwal na

    elemento na nakahuhubog sa makataong kilos na naging dahilan kung bakit ang tao

    naging mapanuri sa kaniyang layunin at mapanagutan sa kaniyang mabuting gawain.

    Elemento Mga Nararapat

    na Gawin ng Tauhan

    Elemento na

    nawawala

    Elemento

    na Mayroon

    1. Kadalasang huli si Ahyan sa pag-uwi sa kanilang bahay dahil

    inihahatid niya muna ang kaniyang kaibigan na sin Elly sa kanilang bahay kasi maraming mga tambay sa

    daraanan nito pauwi. Sa madaling salita, mayroon siyang malasakit kay

    Elly, nang nalaman ito ng mga magulang ni Elly ay pinatawag siya at

    nagpasalamat sa kaniya at binigyan siya ng kaunting pabuya, ngunit hindi niya ito tinanggap. Ang kaniyan

    sinabi, ―Ako po ang dapat na magbigay kay Elly dahil nakagagawa

    ako ng kabutihan dahil sa kanya.‖

    2. Palagi nang ginagawa ni Abdul ang paglilinis ng kanilang silid kahit hindi

    siya kasali sa mga assigned monitors. Ngunit tila parang hindi napapansin

    ng kanilang adviser ang kaniyang mabuting ginagawa hindi man lang

    binabanggit sa kanilang klase, kaya naisipan niyang huminto na lang sa paglilinis.

    3. Sa lugar ng mga Arabo sikat ang kuwento tungkol sa pagmamahal ni Majnun kay Layla. Ang tunay na

    pangalan ni Majnun ay Qais. Kaya siya tinawag na Majnun dahil para

    siyang baliw sa kanyang pagmamahal kay Layla. Si Layla ay isang maitim

    na dalaga. Kaya siya tinawag na Layla dahil ang kahulugan ng ―layl‖

    ay gabi.

    ISAISIP

    Mga Sitwasyon

  • 8

    Sitwasyon

    Elemento na nawawala

    Elemento na Mayroon

    Mga Nararapat na Gawin ng Tauhan

    4. Si Hatim ay isang kilalang Muslim

    Scholar. Isang araw habang siya ay nagbabasa ng aklat napadaan ang

    isang dalaga, at sa kasamaang palad, hindi napigilan ng dalaga ang kanyang

    utot. Narinig ni Hatim. At nagkataon may tumawag kay Hatim mula sa loob

    ng kaniyang bahay. Hindi siya sumagot. Sumigaw ng malakas ang nagtawag sa kaniya, hindi pa rin siya

    sumagot. Nung nakita ng dalaga na ganun ang kaniyang reaksyon, naisip

    nito na bingi pala si Hatim. Magaan ang kalooban ng dalaga, sa isipan niya

    hindi siya napahiya. Sa loob ng 15 taon nagbingi-bingihan si Hatim habang nabubuhay pa ang babae.

    Akala ng lahat ay talagang bingi siya. Hanggang ang tawag sa kaniya ay

    Hatim na Bingi. Napansin ng mga tao na hindi pala siya bingi nung namatay

    na ang babae.

    5. Si Robinhood ay naaawa sa mga mahihirap sa kanilang lugar. At

    nakikita niya na hindi sila tinutulungan ng mga mayayaman.

    Kaya ang kaniyang ginawa ay hino-holdap niya ang mga mayaman at

    ibinibigay niya ang mga pera sa mga mahihirap.

  • 9

    Isabuhay Mo!

    Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang

    nasakan (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang anh

    inisip mo). Isulat ang mga sitwasyong ito at ang kapwang nasaktan sa una at ikalawang

    kolum. Magtala sa ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga

    pagkakataong may nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong

    magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay.

    Sitwasyon kung saan

    may nasaktan akong

    kapwa

    Kapwang nasaktan

    (Halimbawa:

    Magulang, kapatid at

    iba pa)

    Mga hakbang upang

    aking ayusin ang mga

    ugnayan

    Pamantayan Puntos Nakuhang

    Puntos

    Nilalaman 10

    Pagkamalikhain 15

    Ideya/Paliwanag 15

    Kabuuan 40

    Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

    ISAGAWA

  • 10

    Panuto:

    Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang

    pinakaangkip na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong sagutang

    papel.

    1. Masayang-masaya si Alih sa pagtanggap ni Papung ng kaniyang tulong. Dahil sa

    isipan ni Alih, malaking gantimpala ang kaniyang makukuha sa kabilang buhay

    na maging paraan ng kaniyang kaligtasan.Anong elementog espiritwal ng

    makataong kilos ang naipakita dito?

    A. Dalisay na layunin

    B. Taos-pusong paraan

    C. Walang paghahangad na kapalit

    D. Malaya mula sa makamundong gantimpala

    2. Isang bata ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit

    walang barya na maaring ipalit sa kanyang pera. Pero ang totoo ay mayroon

    naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan? Ang tindera ay

    nagsinungaling. Mapapanagot ba ang tindera sa kaniyang ginawa?

    A. Oo, dahil siya ay nagsinungaling.

    B. Oo, dahil alam niya na mali ang kaniyang ginawa.

    C. Hindi, dahil sa isipan niya baka pagalitan siya ng kaniyang amo.

    D. Hindi, dahil niya obligasyon ang gawaing iyon.

    3. Ito ay tumutukoy sa katwiran at kalinisan ng layunin sa pagsagawa ng makataong

    kilos. Kung kaya, kadalasan ay iniiwasan ng taong naninindigan sa elementong ito

    ang posibleng paraan ng makamundong pagnanasa ng kaniyang sarili.

    A. Walang paghahangad na kapalit.

    B. Dalisay na layunin

    C. Taos-pusong paraan

    D. Malaya mula sa makamundong gantimpala

    4. Ito ay tumutukoy sa hangarin na taimtim ang kaniyang kalooban na gagawa siya

    ng gawain na malaya at malinis ang kaniyang puso at isipan mula sa mga

    karaniwang hangarin?

    A. Dalisay na layunin

    B. Taos-pusong paraan

    C. Walang paghahangad na kapalit

    D. Malaya mula sa makamundong gantimpala

    5. Ito ay tumutukoy sa pinakamalugod na paraan ng pagsagawa ng makataong-kilos

    walang bahid ng pagkamayabang o pagmamalaki ng sarili o kakayahan. Na mag-

    aabot siya ng tulong sa taong nangangailang kahit hindi ito humingi sa kaniya, at

    sa paraan na hindi mababawasan ang dignidad ng tatanggap.

    A. Dalisay na layunin

    B. Taos-pusong paraan

    C. Walang paghahangad na kapalit

    D. Malaya mula sa makamundong gantimpala

    TAYAHIN

  • 11

    6. Ano ang unang bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa pagtataguyod na gumawa

    ng isang makataong kilos?

    A. Ang maaaring kahihinatnan ng gawain.

    B. Pamamaraan ng makataong kilos

    C. Layunin

    D. Gantimpala

    7. May posibilidad bang mawala ang kasagraduhan ng tunay na makataong kilos?

    A. Wala, dahil ang pagiging sagrado nito ay hindi na mababago.

    B. Wala, dahil ang layunin at elemento nito ay buo para sa kabutihan.

    C. Oo, dahil lahat ng bagay ay may pagbabago.

    D. Oo, mawawala ang bisa ng kasagraduhan nito kapag nagbago ang layunin ng

    taong gumawa sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa totoong espiritwal na

    elemento ng kilos.

    8. Ano ang pinakamalaking dahilan bakit nakagagawa ang tao ng masama kilos?

    A. Ang impluwensiya ng kanyang mga kasama.

    B. Kakulangan sa patnubay.

    C. Kahinaan ng kaniyang kalooban.

    D. Kawalan o mababang antas ng pananampalataya.

    9. Ano ang sinasabing pinakamahalagang na salik sa pagsasagawa ng makataong

    kilos?

    A. Kaalaman

    B. Kabutihan ng loob

    C. Malakas na pananampalataya

    D. Likas na Batas Moral

    10. Ang gawa ng isang taong wala sa matinong pag-iisip maituturing ba ito

    makataong kilos at wala ba siyang pananagutan?

    A. Hindi, at wala siyang pananagutan.

    B. Hindi, ngunit mayroon siyang pananagutan.

    C. Oo, ngunit wala siyang pananagutan.

    D. Oo, at mayroon siyang pananagutan

    11. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. A. Kahinaan

    B. Kawalan ng lakas-loob C. Kamangmangan

    D. Kawalan ng tiwala sa sarili

    12. Ayon sa mga manunulat kailangang maingat ang tao sa paggawa ng makataong

    kilos, bakit? A. Sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. B. Sapagkat dito nakasalalay ang imahe ng kanyang pagkatao.

    C. Sapagkat dito binabase ng ibang tao ang paghuhusga sa kanya. D. Sapagkat kung ano ang gagawin niya sa kanyang kapwa, ay gagawin din

    nila sa kaniya.

  • 12

    13. Ayon kay Aristoteles ang kilos o gawa ay hindi kaagad na nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging masama o mabuti nito ay nakasalalay sa

    _________________. A. Intensyon kung bakit ito isinagawa.

    B. Resulta nito, kung ito ay kapaki-pakinabang o hindi. C. Paraan ng pagsagawa.

    D. Personalidad at dignidad ng gumawa ng kilos.

    14. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng________.

    A. Kilos-loob C. Kaalaman B. Isip D. Pananampalataya

    15. Ikaw ay nakakita ng pambubulas (bullying). Dahil takot ka sa mga siga na mag-

    aaral, pinili mo na lamang na manahimik sa pag-usisa ng guro. May pananagutan ka ba sa pagsisinungaling mo?

    A. Wala, dahil sa isip mo wala ka namang ginawang masama.

    B. Wala, dahil hindi ka naman kasali. C. Mayroon, sapagkat sinadya mong tinakpan ang katotohanan.

    D. Mayroon, pero nabawasan lang ang iyong pananagutan dahil sa iyong pagkatakot.

  • 13

    Susi sa Pagwawasto

    SANGGUNIAN

    Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral,

    DepEd-BL, Muling Limbag 2017,pp 83-99

    Pearls from the Path, Moulana Afzal Ismail Vol. 3, 2011 First Edition

    TAYAHIN

    1.B

    2.B

    3.A

    4.A

    5.B

    6.C

    7.D

    8.D

    9.C

    10. A

    11. C

    12. A

    13. A

    14. D

    15. D

  • 14

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Bajar E. Salih, SST-II

    Basilan NHS, Isabela City Division

    Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

    Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

    Tagaguhit:

    Tagalapat:

    Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

    Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

    Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

    Henry R. Tura, CID Chief

    Elsa A. Usman, LR Superrvisor

    Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

  • 15

    I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

    meeting my responsibility to the past, and the task of performing

    my obligation to the future.

    I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children‘s forever.

    I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

    battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

    The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

    I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

    was my mother, and my sire was the West that came thundering

    across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

    I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

    ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children‘s children—forever.‖

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

    Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

    Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you‘ll never forget

    Oh! That‘s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale

    Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

    Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our..

    Eden... Land...

    My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,

    Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake

    To dye with its crimson the waking ray.

    My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene,

    Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

    Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around

    With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

    'T is I, O my country, raising a song unto thee.

    And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away,

    Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!