Upload
others
View
226
Download
7
Embed Size (px)
Citation preview
0
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 5: May Dignidad sa Paggawa
Zest for Progress Zeal of Partnership
9
Pangalan ng mag-aaral: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
1
Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na
mag-aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na
matutunan mo nang may kahusayan ang mga prinsipyo sa paggawa bilang
paglilingkod at pagtataguyod sa dignidad ng tao. Ang pagkakasunod-sunod
ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng
Kagawaran ng Edukasyon.
Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod. (EsP9TT-IIe-7.1)
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan
o barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao. (EsP9TT-
IIe-7.2)
Sa nagdaang modyul, naunawaan mo ang tungkol sa Likas Batas Moral. Iba ang mabuti sa tama, ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng
sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon. Sa Likas Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay
ang angkop sa tao.
Gawain: Tama ba o mabuti?
Basahin at unawain ang mga sitwasyon, tukuyin kung ito ba ay TAMA o MABUTI
at pangatwiranan ang iyong sagot.
Sitwasyon Tama o Mabuti
Si Jessica ay may pwesto sa palengke pero hindi niya ito pag-aari,
nirerentahan niya ito ng isang daang piso kada-araw at hindi kalakasan ang mga benta niya. Mayroong sakit ang anak ni Jessica
kaya malaki na ring tulong para sa kanya ang isang daan piso. Upang
mabawi niya nag kanyang renta ay dinadaya niya ang timbang ng kanyang mga paninda.
Mapagmahal at responsableng ama si Mang Ador. Minsan ay nagsara
ang pabrikang pinapasukan niya at wala siyang sapat na ipon upang matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang mag-
anak. Isang beses na lamang sa isang araw silang kumain dahil kapos na kapos na sila sa buhay. Hindi niya matiis ang ganoong sitwasyon
kaya pinili niya na lamang na magnakaw. Simula noon ay nakakain na
sila ng wasto at naibibigay niya kahit ang simpleng kahilingan ng mga ito.
ALAMIN
BALIKAN
2
Ang pagtataguyod ng gawaing tutulong sa kapwa halimbawa pagtuturo sa mga kababaihang manahi na maaari nilang pagkakitaan o maging
hanapbuhay.
Nangunguna si Elena sa kanilang klase sa lahat ng asignatura. Minsan ay kumuha siya ng pagsusulit at nais niyang makakuha ng mataas na
marka ngunit karamihan sa kanyang sinaulo ay hindi lumabas sa pagsusulit. Nanganganib na bumagsak siya, naisip niyang mangopya
sa klase ngunit naisip niyang masama ang mangdaya. Mababa man ang nagging marka niya ang mahalaga ay naging matapat naman siya.
Gawain 1:
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod:
A. B. C.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, gagamba at mga tao sa layunin nila sa kanilang ginagawa? Ipaliwanag.
2. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may
buhay na nilikha ng Diyos?
3. Sa lahat ng nabanggit, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng
paggawa?
4. Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa na inyong naitala? Bakit o bakit hindi?
a. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao?
b. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiran.
TUKLASIN
3
Bakit nga ba mahalaga ang paggawa para sa isang tao? Ano nga ba ang
nagagawa nito sa buhay ng tao. Ang paggawa ay napakahalagang bahagi sa pag-
iral ng tao. Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa
ng mga katangi-tangig gawain dahil siya ay bukod tanging nilikha. Dahil sa taglay
na kakayahan ng tao, siya ay binigyan ng Diyos ng karapatan at tungkulin na
mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao lamang ang may kakayahan
na kumilos bunga ng proseso ng kanyang pag-iisip, magpasiya para kanyang sarili
at kilalanin nang lubusan ang kanyang sarili. Nasa kaniya ang kakayahan na
gumawa at gumanap ng iba’t-ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa.
Ano nga ba ang kahulugan ng paggawa? Ang paggawa ay anumang Gawain-
pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito,na makatao,
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, material man o hindi ay
magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa ang mga guro na
masigasig na nagtuturo sa mga kabataan na kalauna’y magiging matagumpay sa
kanilang pipiliing karera sa buhay.
Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa
produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa ay tao. Ang
produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong
gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong
gumagawa nito.
Kinakailangang itanim sa puso na kahit gaano man katayog ang nakamit na
tagumpay at paggalang at pagtingala ng ibang tao sa kanya ay hindi niya pa rin
makakamit ang tunay na kaligayahan na siyang pinakahuling tunguhin ng tao.
Kailangang maging malinaw na ang lahat ng nilalaan sa paggawa ay dapat inaalaya
para sa kapurihan ng Diyos.
SURIIN
4
Panuto: Punan ang concept map tungkol sa natutunan mo sa iyong binasa.
Gawain 2:
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na talata pagkatapos ay sagutin ang mga inilaang tanong.
Mula pagkabata ay pangarap na ni Amalia ang maging isang
manggagamot o dalubhasang doctor. Binigyan niya ng oras at dedikasyon
ang kanyang pag-aaral,nagsumikap siya upang abutin ito at dahil na rin sa
matibay na suporta ng kanyang pamilya ay nagawa nitong makatapos ng
may karangalan.
Naging tanyag na doctor si Amalia dahil sa angkin nitong sipag at
galing. Ang dami niyang laban na napagtagumpayan kasama ang mga
katulad niyang doctor, mga nars at iba pang propesyon sa larangan ng
medisina o panggagamot. Ngunit iba ang naging laban niya sa pandemyang
kinakaharap ng bansa ngayon ang COVID 19. Kahit alam niyang nasa
peligro na siya ay mas pinili niya pa ring gampanan ang kanyang
sinumpaang tungkulin.
Upnag mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang
pamilya ay mas pinili nitong sa hospital na muna mamalagi. Ang dami
niyang napaglingkuran at napagaling mula sa nasabing sakit. Noong siya
PAGYAMANIN
5
ang dinapuan ng sakit na ito, pinilit niya pa rin lumaban upang
mapagpatuloy niya ang kanyang serbisyo sa mga higit na nangangailangan
at upang makasama niyang muli ang mahal niyang pamilya. Sa kasamaang
palad ay natalo siya ng sakit na COVID 19 at tuluyan ng namaalam.
Marami ang nanghinayang sa kanyang pagkawala at marami din ang
nagpasalamat sa taos puso niyang serbisyo sa loob ng maraming taon.
Mga Tanong:
1. Ano ang nagtulak kay Amalia na ipagpatuloy ang kanyang serbisyo
kahit alam niyang mapanganib ito?
2. Kung ikaw si Amalia, sino ang mas uunahin mo ang iyong pansariling
kaligtasan o ang nakakarami? Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang iyong suporta sa mga
manggagawa ngayong panahon ng pandemya?
Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay ukol sa paggawa.
Gabay na tanong:
1. Paano naipamamalas ng tao ang mga pagpapahalaga niya sa paggawa at
paglilingkod sa kapwa at lipunan?
2. Naiaangat ba ng mga pagpapahalagang ito ang kaganapan ng kanyang
pagkatao? Ipaliwanag
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
ISAISIP
6
Rubriks para sa Paggawa ng Sanaysay
Panuto: Sa gawaing ito masusubukan ang kakayahan mo sa pag-oobserba. Base sa iyong naobserbahan o nasaksihan sa iyong barangay o lipunan ay
pupunan mo ng mga hinihinging datos ang sumusunod:
Mga manggawa Kontribusyon sa lipunan/o layunin sa
paggawa
Mga bunga ng paggawa
Hal. Basurero
Malaki ang ambag nila sa lipunan, kinikolekta
nila ang mga basura sa kapaligiran.
Nagiging ligtas ang kalusugan ng mga tao
at napapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
Tindera/Tindero
Janitor
Security Guard
Tricycle Driver
Kraytirya
Nilalaman
40%
Naipapakita at
naipaliwanag ng
maayos ang
ugnayan ng
konseptong
isinulat sa
pahayag
Organisasyon
35%
Mahusay ang
pagkakasunud-
sunod ng mga
ideya, malinaw at
makabuluhan.
Style
(Pagkamapanlikha
at
Pgkamalikhain)
15%
Lubos na
nagpapamalas ng
pagkamalikhain sa
pagsulat ng maikling
sanaysay at
Orihinal ang mga
ideyang ginamit
Mechaniks
10%
Wasto ang mga
ginamit na salita
at pagbabantas
Kabuuan
100%
ISAGAWA
7
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang
titik ng pinakawastong sagot sa iyong kwaderno o sagutang papel.
1. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang
_______________.
A. kaalaman C. kayamanan
B. kagandahan D. pakikisama
2. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa
______________.
A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng
Diyos
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may
pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning tugunan ang
pansariling pangangailangan.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain.
3. Ang tao ay pinagkalooban ng talento upang siya ay patuloy na
umunlad bilang kasapi ng kanyang komunidad. Isa sa mga talentong
ito ay ang kakayahan sa ___________ ito ang nagbibigay ng katuturan
sa buhay bilang tao.
A. paggawa C. pakikisama
B. pagtugon D. pagmamahal
4. Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa
ay paraan ng _____________.
A. Pagbibigay kahulugan sa buhay
B. Paglinang ng kaalaman at kasanayan
C. Pagpapadama ng pagmamahal
D. Pagtugon sa mga pangangailangan
5. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay upang _____________.
A. Maipadama ang pagmamahal sa kapwa
B. Mabigyang kahulugan ang buhay
C. Malinang ang kaalaman at kasanayan ng isang tao
D. Matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan sa pagkain,
pananamit at iba pa.
PAGTATAYA
8
6. Sa pamamagitan ng paggawa napapatunayan ang isa pang dahilan ng
pag-iral ng tao ang pagiging bahagi ng isang komunidad ang
_________________.
A. Gumawa para umunad ang sarili
B. Gumawa para sa pag-unlad ng sarili at kapwa
C. Gumawa para hindi maghirap
D. Gumawa para umunlad
7. Ano ang maaaring maging balakid para sa kaganapan ng tao at
pagkamit sa tunay na kadakilaan?
A. Pagkagahaman ng tao sa material na pag-aari
B. Pagpapalawak ng pag-aari
C. Paghahangand na makakuha ng higit sa kailangan
D. Makabili ng maraming produkto para sa pansariling konsumo
8. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay bakit ang tao lamang ang
inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino?
A. Dahil may malalim na layunin ang paggawa ng tao
B. Dahil ang tao ay gabayan man o hindi ay kaya pa ring gumawa.
C. Dahil ang hayop ay gumagawa lamang dahil sa dikta ng kanilang
instinct
D. Dahil ang hayop ay nangangailangan ng gabay ng tao upang gumawa.
9. Ang sumusunod ay nakakamit ng tao sa paggawa maliban sa:
A. Nagagampanan niya ang kanyang tungkulin ng Diyos
B. Nabibigyang dangal ang kanyang pagkatao
C. Napagyayaman ang kanyang pagkamalikhain
D. Tumataas ang tingin sa sarili na mas higit ang kanyang kakayahan
kaysa sa iba.
10. Sino ang nagpapakita ng tunay na kahulugan ng paggawa?
A. Si Mang Dong na nangongolekta ng mga laruang yari sa tsinelas at
inaako na siya mismo ang gumawa nito.
B. Si Pedro na matiyagang pinagtagpi tagpi ang napunit na larawan ni
Monalisa
C. Si Mang Alex na bumibili ng mga damit at ibinbenta sa mas mataas
na halaga
D. Si Juan na gumamit ng bao ng niyog upang gumawa ng iba’t-ibang
produkto tulad ng Key Chain at iba pa.
9
Pagsubok II-Pagbubuo
Panuto: Punan ng tamang sagot ang pangungusap sa ibaba. Piliin
lamang sa kahon ang iyong sagot.
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang nilikha ng Diyos ang________.
Hindi matatawag na ______________ang ginagawa ng____________ upang
matugunan ang kanilang pangangailangan. Samakatuwid, tao lamang
ang may ________________ sa paggawa; sa kaniyang_________________, siya
ay gumagawa.
tao paggawa pag-iral
hayop kakayahan
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa
Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp.96-107
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: Jaylyn A. Indanan, SST-II
Tagasuri: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator
Tayahin
1.A.
2.C
3.A
4.D
5.C
6.B
7.A
8.A
9.D
10.D
Pagbubuo:
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang nilikha ng Diyos ang
tao. Hindi matatawag na paggawa ang ginagawa ng hayop
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Samakatuwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa;
sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa.
11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX Our..
Eden... Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,
Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake
To dye with its crimson the waking ray.
My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,
All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Let the sun draw the vapors up to the sky,
And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around
With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound
'T is I, O my country, raising a song unto thee.
And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care
As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good-by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!
I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo
I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.
I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖