6
Republic of the Philippines Department of Education Region III Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL Rang-ayan, Science City of Munoz Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected] ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE CITY OF MUNOZ NUEVA ECIJA Ang mababang Paaralan ng Rang-ayan ay isa sa mga sentralisadong paaralan sa Dibisyon ng Lungsod Agham ng Munoz. Ito ay matatagpuan sa Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija. Ang paaralang Rang-ayan ay naitatag taong 1913. Si Ginoong Julian Velasco ay nagsilbing unang guro sa Unang Baitang sa nasabing paaralan. Makalipas ang tatlong (3) taon nadagdagan ng dalawa (2) pang guro hanggang sa ito’y maging isang Primarya noong 1941. Subalit pagkalipas ng isang (1) taon isinara ang paaralan dahil sa pananakop ng mga Hapones at ng kilusang Hukbalahap. Pagkalipas ng isang (1) taon muling binuksan ang paaralan sa pangunguna ng isang guro sa katauhan ni Ginoong Simon Mendoza. Dahil dito muling nabuo ang Mabababg Paaralan ng Primarya sa taong 1965. Sa panahong ito,nagkaroon tatlong (3) silid-aralan na tinawag na “Army Type Building” sa tulong ng lokal na pamahalaan. Sa paglipas ng panahon unti-unting dumami ang mga mag-aaral at nadagdagang muli ng tatlong (3) silid-aralan ang “Santos School Type Building” noong 1972 na kung saan nasaksihan ang unang taunang pagtatapos ng mga magaaral. Patuloy ang pag-unlad ng barangay gayundin ang paaralan kaya’t noong taong 2003, tatlong (3) silid-arala muli ang itinayo sa kaliwang bahagi ng paaralan at nadagdagan pa ng walaong (8) silid-aralan (kapalit ng Army Type Building at Santos School Type Building Noong 2007 na ipinagkaloob ng ating butihing Mayor Nestor L, Alvarez Ph.D. Ang paaralan ay binubuo ng humigit kumilang 9212 kilometro kuwadradong lupain na napapalibutan ng konkretong bakod. Sa kaslukuyan, ang paaralan ay binubuo ng labing-isang (11) guro , sampung (10) babaeng guro at isang (1) lalaking guro.

ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE CITY OF MUNOZ NUEVA ECIJA

Ang mababang Paaralan ng Rang-ayan ay isa sa mga sentralisadong paaralan sa

Dibisyon ng Lungsod Agham ng Munoz. Ito ay matatagpuan sa Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija.

Ang paaralang Rang-ayan ay naitatag taong 1913. Si Ginoong Julian Velasco ay

nagsilbing unang guro sa Unang Baitang sa nasabing paaralan. Makalipas ang tatlong (3) taon nadagdagan ng dalawa (2) pang guro hanggang sa ito’y maging isang Primarya noong

1941.

Subalit pagkalipas ng isang (1) taon isinara ang paaralan dahil sa pananakop ng mga

Hapones at ng kilusang Hukbalahap. Pagkalipas ng isang (1) taon muling binuksan ang paaralan sa pangunguna ng isang guro sa katauhan ni Ginoong Simon Mendoza. Dahil

dito muling nabuo ang Mabababg Paaralan ng Primarya sa taong 1965. Sa panahong ito,nagkaroon tatlong (3) silid-aralan na tinawag na “Army Type Building” sa tulong ng

lokal na pamahalaan.

Sa paglipas ng panahon unti-unting dumami ang mga mag-aaral at nadagdagang

muli ng tatlong (3) silid-aralan ang “Santos School Type Building” noong 1972 na kung saan nasaksihan ang unang taunang pagtatapos ng mga magaaral.

Patuloy ang pag-unlad ng barangay gayundin ang paaralan kaya’t noong taong 2003, tatlong (3) silid-arala muli ang itinayo sa kaliwang bahagi ng paaralan at nadagdagan pa

ng walaong (8) silid-aralan (kapalit ng Army Type Building at Santos School Type Building Noong 2007 na ipinagkaloob ng ating butihing Mayor Nestor L, Alvarez Ph.D.

Ang paaralan ay binubuo ng humigit kumilang 9212 kilometro kuwadradong lupain

na napapalibutan ng konkretong bakod. Sa kaslukuyan, ang paaralan ay binubuo ng labing-isang (11) guro , sampung (10) babaeng guro at isang (1) lalaking guro.

Page 2: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

RANG-AYAN MARCH

May sigla ang mamamayan Dito sa Rang-ayan,

Pinagpalang kagandahan

Yaman ng kabukiran

KORO

Masigla’t masipag ang lahat

Sa pagsulong at sa pag-unlad, Rang-ayan, mahal naming barangay

Aming pook paglilingkuran

Ligaya sa aming puso, Magbuklod sa maglingkod

Biyaya ay pagpalain Ating pagyamanin

Page 3: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

Mga Naging Punongguro ng Paaralang Elementarya ng Rangayan

VIVENCIO F. PERIA

1976-1986

Ikatlong punongguro na nanungkulan sa Rang-ayan Elementary School. Siya ay naging Pansangay na

Tagapagmasid ng Dstrito ng Munoz. Siya ngayon ay

matagumpay sa larangan ng pagsasaka at aktibo sa mga gawaing pangsimbahan.

LEONARDO G. ROA

1986-1991

Pang-apat na punongguro na nanungkulan sa Rang-ayan Elementary School. Masayang namumuhay kasama

ang kanyang pamilya sa Brgy. Poblacion South Science City of Muñoz Nueva Ecija.

LOLITA B. FABROS

1991-2001

Nagsilbing ika limang punongguro sa Rang-ayan Elementary School. Siya ngayon may sariling negosyo at

kasalukuyang nakatira sa Brgy. Maligaya Science City of Muñoz Nueva Ecija.

Page 4: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

EMELITA D. BALLESTEROS 2001-2008

Siya ay pang-anim na nanungkulan bilang punongguro sa Rang-ayan Elementary School. Isang

masayahing punongguro na tunay na kinagiliwan ng lahat ng mga guro. Siya ay nagretiro noong 2018.

LARRY B. ESPIRITU, Ph.D

2008-2010 Ika-pitong punongguro ng Rang-ayan Elementary

School. Kinilala sa husay at galing sa larangan ng pagpapatakbo ng paaralan. Siya ngayon ay kasalukuyang

Chief Education Supervisor ng Curriculum and Instruction Division ng Deped-Sciene City of Munoz.

RODOLFO R. DIZON, Ph.D

2010-2012 Ika-walong punongguro ng Rang-ayan Elementary

School. Isa sa mahuhusay at matatalinong punongguro ng paaralan. Sa kasalukuyan, siya ay isa nang Education

Supervisor- LRMDS sa Division ng Science City of Muñoz.

Page 5: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

NELWEEN M. GAN

2012-2014 Nanungkulan bilang ika-siyam na punongguro ng

Rang-ayan Elementary School. Kinilala sa angking galing sa larangan ng musika at sining. Sa kasalukuyan, siya

ngayon ay isa sa mga Education Supervisors sa Division of Science City of Muñoz.

MERLITA M. ORDOŇEZ

2014-2018 Ika-sampung punongguro na nanungkulan sa

Rang-ayan Elementary School. Mabait at mapagmahal na lider. Sa kasalukuyan, sya ngayon ay masayang

namumuhay kasama ang pamilya.

NOVALYN C. RODOLFO, Ph.D 2018-2021

Ika-labing isang punongguro ng Rang-ayan Elementary School. Isang lider na mahusay, magaling

at masipag. Sa kasalukuyan siya ay punongguro ng Bantug Elementary School.

Page 6: ANG KASAYSAYAN NG PAARALANG RANG-AYAN, SCIENCE …

Republic of the Philippines

Department of Education Region III

Schools-Division Office, Science City of Munoz RANG-AYAN ELEMENTARY SCHOOL

Rang-ayan, Science City of Munoz

Address: Barangay Rang-ayan, Science City of Munoz, Nueva Ecija Cellphone No: 09362786268 Email Address: [email protected]

ROWENA D. ORDOÑEZ

2021- Present

Ika-labindalawa at kasalukuyang punongguro ng Rang-

ayan Elementary School. Lider na patuloy na nagsasagawa ng

mga magagandang adhikain at adbokasiya para sa mga guro at magaaral ng Rangayan.