27
Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabuting bisa sa kaasalan ng tao tulad ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng magandang uri ng pagpapahayag. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin ang kasunod na mga gawain. Marahil ay ganito ang iyong isinagot. 1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sa’yo. 2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e. 3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I can’t smile without you. 4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo. 5. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko. Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo.Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan? GAWAIN 1.2.1.b: PICK-UP LINES… Tunog-Makata Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng papel.

Ang Karagatan at Duplo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Karagatan at Duplo

Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabuting

bisa sa kaasalan ng tao tulad ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng

magandang uri ng pagpapahayag.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling

pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng

kabataan. Maaari mo nang gawin ang kasunod na mga gawain.

Marahil ay ganito ang iyong isinagot.

1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sa’yo.

2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e.

3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I can’t smile without you.

4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo.

5. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.

Nakatutuwa ‘di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong paraan, mabisa mo kayang

maipararating sa iyong kapwa ang nais mong sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili

mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

To...

Cc...

S

ubject:

Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo.Tinatawag itong tulang padula

sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong

dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging

parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang

sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba ang

kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan?

GAWAIN 1.2.1.b: PICK-UP LINES… Tunog-Makata

Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng

nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa

ikaapat na bahagi ng papel.

Page 2: Ang Karagatan at Duplo

SEND

Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay ng iyong

pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa Panahon ng Español, paano nga ba ipinahayag ng mga

Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin?

Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing nagpapakita ng katangian at

paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa nabanggit na panahon.

GAWAIN 1.2.1.c : SINING: Karagatan at Duplo

Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan.

Ang Karagatan

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.2. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon.7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga.10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al

Babasahin 1: ANG KARAGATAN

Page 3: Ang Karagatan at Duplo

Kalakip 1.2.1.a

Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

Basahin at unawain.

Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

ANG KARAGATAN

(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)

Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan.

Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain.

Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan? Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.

Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod.

Ingkong Terong: At kayong apat?

Apat na Lalaki : Opo.

Page 4: Ang Karagatan at Duplo

Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing.

Mga Tao: (Palakpakan)

Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan.

Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing

Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigayTanda ng pag-ibig na walang hangganan.Dahilan sa ako’y siyang nakabunotNg palitong itong nagpapahintulotAko ay sumisid sa dagat ng naisAt ang iyong singsing ay aking makamitAy katunayan nang Diyos ang pumiliNa ako ngang ito’y siya mong itangi.Sumisid sa singsing na aking hinulogSubalit ‘di upang siyang maging irogKundi idaan lang muna sa pagsubokKaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin moAng singsing na itong linso’t walang batoTuran mo’ng simula at ang dulo nito.

Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagatNa ‘di matatarok ng isip kong pahat.Kaya’t iyong singsing nais mang makuhaIsa pang pagsubok ay hiling ko sinta.

Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa ibaNang ‘di masabing ikaw ay buwaya

Page 5: Ang Karagatan at Duplo

Akong nabunot ng pang-ikalawaInaangkin hirang kanyang karapatanSumisid sa dagat ng singsing mong bugtongNa siyang panumbas sa iyong pag-irog.

Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirinAng lalim ng puno’t dulo niyang singsing.

Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t duloMayroon ngang simula at may wakas itoAng simula’y bilog nito na panloobAt ang katapusa’y panlabas na bilog.Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibigHaya’t nasisid ko singsing mong nahulog.

Neneng: Iyan ang tanong diyan kay LambertoKaya’t heto naman ang para sa iyo;Nang ika’y parito, pamula sa kantoIlang bahay, Kulas, ang naraanan mo?May ilaw ay ilan, iyo sanang turanTingnan ko ang tibay pang-alaala mo?

Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanunganKay daling sagutin kaya’t aking masasabingAko’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:Bahay, pito lamang at sa mga ito’yAking natandaan, apat ang may ilaw-Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.

Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunanKaya’t isasalin itong aking tanongSa sinong ikatlong sa tubig lulusongAt siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.

Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin moKaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:Pamula sa kanto at hanggang sa ritoWalang bahay ni ilaw akong natandaanKundi itong ponda ni Neneng kong mahal.

Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)

Neneng: Kung gayon ito naman ay tuguninPang-una sa ikatlong iyong sasagutinBakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito?

Page 6: Ang Karagatan at Duplo

Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundoAy ‘di tumatapon dahil sa ang globoAy isang malaki’t mabisang magneto;Hinihigop nito ang lahat ng naritoAt sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.

Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!

Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakingganPaanong buwang sa langit ay tanglawAking mahihipo’t mapaglalaruan?Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamangKung talagang ako ay sadyang mahal moPaiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.Isang paborito’t ibig kong kuwentoAy siyang panugon sa tanong na ito.Sa pamamagitan ng isang salaminMinumutyang buwan ay pabababainKahit sa kandungan ng mutya ko’t giliwMapaglalaruang buwang hinihiling.

Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!...Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.

Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanongSingsing na nahulog aking sisisirinSukdang ikapugto ng hiningang tanganKung puso ng mutya’y aking maaangkin.

Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakotNa ang huling tanong kaniyang masagotItong karagatan isang laro lamangNgunit paglalarong birong totohananAyoko na yatang ito ay ituloyBaka sa sagutan ako’y maparool.

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.

Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.Kung tayo’y makasal, ay nanaisin koNa magpulot-gata sa bayang Mindoro

Page 7: Ang Karagatan at Duplo

Na ating sasakya’y binalsang kawayanNa bigkis ng lubid na pawang hinabiSa buhanging pino’t ikaw ang pipili.

Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kitaKaya’t imposible’y pag-aariin paLubid na buhangin, aking pipiliinKung pababaunan ng aking pagkainBawat isang linggong kakailanganinSa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggalingBakit ngayo’y ako ang pasusulitin?

Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling

Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?

Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliwIkaw ay may wikang tapat at matiningNang iyong sabihin tayo’y kakasalinInakalang tapat ikaw sa paggiliwKaya’t sa problemang aking Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y dinAng buhanging lubid ay kaya kong gawinKung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!

Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibigSayang ang singsing kong nahulog sa tubigKung ikaw rin lang siyang sisisidMahanga’y hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo.

Ang karagata’y simula lang ng kuwentoMula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhikAt doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)

Page 8: Ang Karagatan at Duplo

Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!(Palakpakan)

W A K A S

Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

1. Ano ang paksa ng binasang karagatan?

2.Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang

ginampanan?

3.Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais

magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?

1. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

Alam mo ba?Ang Matalinghagang Pahayag ay mga

pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Alam mo ba na …Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag

na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod

na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong:

MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA BINIGKAS NI

NENENGTUGON NG MGA BINATA

Page 9: Ang Karagatan at Duplo

2. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan?

3. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong karagatan?

Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo.

ANG DUPLO:

Ang Ibon ng Hari

Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.

Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.

PAGALALARO NG KARAGATAN

Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo

naman kung ano ang duplo.

Page 10: Ang Karagatan at Duplo

Hari: Tribulasyon!

Lahat: Tribulasyon!

Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)Ang komposisyon ng tananay paglalarong mahusay!Ang magulo ay mahalaySa mata ng kapitbahay.Mga binibini at mga ginoo,Matatanda’t batang ngayo’y naririto,Malugod na bati ang tanging handog kosa pagsisimula nitong larong duplo.Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,Asero ang pinto’t patalim ang urang;Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

Hari: Sino ang nagnakaw?

Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;May isang aninong aking natanaw;Hindi sinasadya, nang aking lapitanIsang babae po, iyang natagpuan.

At kitang-kita kong ikinubli niya.Siya’y naririto at nasa tribuna,Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Hari: Diyata’t bilyaka?Sino sa kanila?

Bilyako 1: Sa unang hanay po.

Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.Siya’y bulaan!(Magkakaingay)

Hari: (Sa lahat) Katahimikan!(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Bilyako 1: Ako’y nalalaan!

Page 11: Ang Karagatan at Duplo

Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,Hindi maaari’t kami’y magkasama;Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sinoAt pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,Doon nakaupo nang buong hinusay,Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)Sapagkat may salaHeto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.Aking ibubulong kung pahihintulutan.

Hari: Nagpapahintulot!

Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)

Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,Isasauli ko sa kinunang hawla;Kagabi po ito’y kinuha ng reynaSiya ay nag-aliw sa pangungulila!

Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alamNang huwag ang iba ang mapagbintangan.

Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,Baka nalimutan at nalingat siya.

Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,

Page 12: Ang Karagatan at Duplo

Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.Paalam sa lahat, salamat sa inyo,Muling magkikita pag naglaro tayo.

W A K A S

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

Mga Gabay na Tanong:

2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?

3. Paano nilalaro ang duplo?

4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?

1. Tungkol saan ang binasang duplo?

5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan?

6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa patay sa kasalukuyan? Bakit?

Page 13: Ang Karagatan at Duplo

Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang

maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang

pampanitikan.

GAWAIN 1.2.1.d : SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA

Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel.

KARAGATAN Mga Elemento DUPLO

Paksa

Mga Tauhan

Hakbang ng

Page 14: Ang Karagatan at Duplo

Pagsasagawa

Palitan ng

Pangangatuwiran

Hatol

PAGKAKATULAD

1. Paksa: ___________________________________________________

2. Mga Tauhan: ______________________________________________

3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________

4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________

5. Hatol: ____________________________________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga

Pilipino batay sa sumusunod:

pagbibigay-parangal sa namatay

pag-aliw sa namatayan

pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw

Page 15: Ang Karagatan at Duplo

paraan ng pagpapahayag

paggamit ng mga salita

Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Español at naging instrumento ng pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa panahong iyon.

GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAG…SARILING REPLEKSIYON

Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na bibigyang pansin ng susunod na gawain.

Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong panig?

SITWASYON SARILING PANIG

Page 16: Ang Karagatan at Duplo

1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro?

2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa kanila?

3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig?

4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?

5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong paghanga?

Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling maayos

sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga ng paggamit ng angkop na

salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng

tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao.

Page 17: Ang Karagatan at Duplo

Ugnay-Wika

Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging katanggap-

tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na talakayan.

GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG… ISAALANG-ALANG

PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG

Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino

ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa

uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang

sumusunod na impormasyon.

1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:

a.paksa ng usapan

b.taong sangkot sa usapan

c.lugar

2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na

nagpapahiwatig lamang.

3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais

ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang

nagsasalita at kinakausap.

Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na

kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang

pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.

Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:

1. patay sumakabilang buhay

2.nadudumi tawag ng kalikasan

3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay

4. katulong kasambahay

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa

Page 18: Ang Karagatan at Duplo

damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo.

Natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka na sa

mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa bahaging ito ng

iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong pagtibayin ang mga

nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo nang nakita ang bakas ng

nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa kanilang pagpapahayag noon at ang

paraan naman ng pagpapahayag sa kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi

ng kulturang Pilipino.

GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN

Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na

graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima

hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod

na mga saknong.

4. sugarol

1. pakialamero

2. maarte

3. tsimay

5. mayabang

Page 19: Ang Karagatan at Duplo

Sa pagkakataong ito, sinikap mong makapagpahayag nang may sining sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag.

GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN

Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay.

Ang karagatan at duplo ay mga _________________________________

Ang pagtatalo ay isang laro ng isipanWalang sakitan ng katawan pati ng kaloobanIngatan ang salitang bibigkasin at bibitawan

Dahil ang totoo’y paksa lang ang pagtatalunan.

Subuking sagutin ang isyu ngayonAko ay nasa panig ng pagsang-ayon

Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayonPagkakaiba ng mga pananaw sa mundo’y

nagpapayabong.

PAKSAAng paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang

sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng maraming anak/kabataan.

SALUNGATSANG-AYON

Page 20: Ang Karagatan at Duplo

Ito ay nagpapakita ng _________________________________________

Makikita sa kulturang Pilipino ang _______________________________

Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang

___________________

Maaaring magkaroon ng pagtatalong _____________________________

Sa kasalukuyan, ito’y yamang ___________________________________

Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari nang sumubok sa pangwakas na gawain.

GAWAIN 1.2.1i : NAIIBANG FLIPTOP Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa

youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat.

Mga Napansing Positibong Mensahe

at Paraan ng Paggamit ng Wika

FLIPTOP

Mga Napansing Negatibong

Mensahe at Paraan ng Paggamit ng

Wika

1.

2.

3.

1.

2.

3.

Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng magkatunggaling panig gayundin kung

Page 21: Ang Karagatan at Duplo

paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan.

Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod:

Pamantayan Bahagdan

1. kabuluhan ng paksa 25

2. kalinawan ng paninindigan 20

3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong

pahayag25

4. wastong gamit ng mga salita 15

5. ideya ng pagtatalo 15

KABUUAN 100