Click here to load reader

Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ... Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · PDF filekagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng Estados Unidos.

  • View
    290

  • Download
    16

Embed Size (px)

Text of Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ... Disyembre 2013 - Ang Epekto...

  • Center for Womens Resources | Disyembre 2013 Ang World Trade Organization o WTO ay isang organisasyong pangkalakalan na binubuo ng ibat ibang bansa sa buong daigdig. Layunin ng WTO ang malayang kalakalan, ibig sabihin ay ang pagtatanggal ng mga restriksyon sa ekonomya at pagbubukas nito para sa pagpasok at paglabas ng produkto mula sa ibat ibang bansa. Anu-ano ang mga kasunduan sa ilalim ng WTO? Dala-dala ng WTO ang 20 pang kasunduang multilateral gaya ng General Agrement on Trade in Services (GATS), ang Trade-Related Intellectual Property Rights Agreement (TRIPS), ang Agreement on Agriculture (AoA) at ang Trade-Related Investment Measures Agreement (TRIMS). Sa ilalim ng Agreement on Agriculture (AoA), binuksan ang ekonomya ng Pilipinas sa mga naglalakihang dayuhang kumpanya para magpasok ng produktong agrikultura sa bansa ng walang taripa o tax. Sa kasunduan ring ito mas tinanggalan ng gobyerno ang subsidyo nito sa mga magsasaka para sa lokal at pang-eksport na produksyon. Sa GATS, binukas ng gobyerno ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya para mamuhunan sa mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, patubig, kuryente, at iba pa. Sa pagliberalisa ng panlipunang serbisyo, naisapribado ang mga serbisyong dapat sanay libre at pampubliko. Sa TRIPS, binigyang proteksyon at eksklusibong paggamit ang mga korporasyon at indibidwal sa pamamagitan ng pagbigay ng patent sa teknolohiya, disenyo, imbensyon at mga proseso ng mga lokal na rekurso o hilaw na materyales ng bansa.

    Nilalayon ng TRIMS ang pantay na pagtrato sa dayuhan at lokal na pamumuhunan. Inaalis nito ang mga restriksyon at rekisito na igagawad ng pamahalaan sa mga dayuhang mamumuhunan. Hindi tunay na malaya at may pagkapantay-pantay ang kalakalan sa ilalim ng WTO. Sa lahat ng kasunduan, nangingibabaw ang desisyon at kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng Estados Unidos. Bago pa man ihapag sa kapulungan ang mga pagkakasunduan ay napagkaisahan na nga iilang mayayamang bansa ang desisyon. Dahil dominante ng mayayamang bansa ang kalakalan, walang panalo sa WTO ang mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. At dahil sunud-sunuran ang pamahalaan ng Pilipinas sa kagustuhan ng mga imperyalistang bansa lalo na sa US, pinapanatili nitong nakapaloob ang bansa sa mga di-pantay na kasunduan ng WTO. Ano ang dapat gawin? Dahil ang mga batayang sektor kabilang na ang mga kababaihan ay lubhang naaapektuhan ng mga di-pantay na kasunduan sa ilalim ng WTO, nararapat lamang na tutulan ito ng mga mamamayan. Dapat ilantad ng mga mamamayan ang WTO bilang kasangkapan ng mga imperyalistang bansa partikular ng US para magsilbi sa interes nitong magkamal ng yaman sa mundo na nagiging dahilan ng mas malalang krisis sa mahihirap na bansang tulad ng Pilipinas. Mailalantad natin ito sa pamamagitan ng masigasig at kritikal na pag-alam ng mga isyu at balita. Ngayon, higit kailanman, ang sama-samang pagkalampag ng mamamayan sa pamahalaang Aquino at igiit ang pag-alis ng bansa sa WTO.

    Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino

    Center for Womens Resources, Inc.127-B Scout Fuentebella, Quezon City, Philippines, 1103

    (02) 920-1373 / (02) 411-2796 | www.cwrweb.org facebook.com/cwr1982 | @cwr1982

  • WTO: Pahirap sa Kababaihang Magbubukid Bahagi ng kasunduan sa ilalim ng WTO ang usapin sa kalakalan sa sektor ng agrikultura. Sa Pilipinas, dahil mayorya ng populasyon ay mga magsasaka na nakaasa sa agrikultura, sila rin ang pumapasan ng pinakamabibigat na dagok ng epekto ng liberalisasyon sa agrikultura. Lubhang apektado ang mga kababaihang magsasaka dahil maliban sa partisipasyon nila sa produksyon, sila rin ang inaasahang magtiyak sa pangangailangan ng pamilya. Pagpapatindi ng kawalan ng lupa at kabuhayan

    Nananatiling mahirap ang mga magsasaka sa Pilipinas dahil pito sa bawat sampung magsasaka ay walang sariling lupa. Dahil sa tunguhin ng WTO na pagnenegosyo ng agrikultura, inihain ng gobyerno ang matabang lupa ng bansa para sa dayuhang pagnenegosyo ng mga malalaking multi-national agro-corporations katulad ng Dole at Del Monte sa Mindanao. Nagresulta ito ng palalang kawalan ng lupa para sa magsasaka.

    Dahil sa kawalan ng lupa, napipilitan ang mga magsasaka na pumasok sa mga agro-corporations bilang mga manggagawang bukid kung saan napakaliit ng sahod. Ang mga kababaihang maggaggawang bukid ay tumatanggap ng sahod na mas mababa sa mga kalalakihan. Sa mga sugar plantation halimbawa, mas mababa ng 18% ang nakukuha ng mga kababaihan.

    Dagdag pa sa maliit na sahod, maraming kababaihan ang naitala na hindi tumatanggap ng sahod bagamat nagtatrabaho. Noong 2011, may 1.5 milyon na kababaihan ang di-binabayarang manggagawa na kalakhan ay nasa sector ng agrikultura.

    Dahil sa malawakang kahirapan sa kanayunan na may bilang na 23.14 milyong Pilipino, maraming kababaihan ang napipilitang pumunta sa mga sentrong lungsod para maghanap ng ibang kabuhayan. Bunga nito, lumiit ang bahagi ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, mula 34% noong 1995 patungong 21% noong 2010.

    Kabilang sa mga trabahong karaniwang nakukuha ng mga kababaihan bilang dagdag na kabuhayan ay mga gawaing hindi makatulong para sa pag-unlad ng kanilang kaalaman

    Pagkain ang malaking naaapektuhan sa polisiya ng gobyerno hinggil sa malakihang pag-eksport ng produktong agrikultural. Sa katunayan, mula 1994 hanggang 2012, 28% lamang ang inilaki ang lupain na pinagtataniman ng palay. Nabawasan ng 400,000 ektarya ang

    lupaing pinagtataniman ng mais. Ang pinakamahihirap na pamilya ang kalakhan ng kumokonsumo ng mais kaya malaking kawalan sa kanila ang pagliit ng produksyon ng mais. Sa kabilang banda, lumaki naman ang lupain na pinagtataniman ng mga pang-eksport na produkto katulad ng rubber (103%), chrysanthemum (167%), at orchids (233%).

    Makikita ang kahirapan sa kanayunan sa papalaking agwat ng kita ng mga pamilya sa rural at urban. Noong 1985, naitalang mas malaki ng 110% ang kita ng mga pamilya sa kalunsuran kumpara sa kanayunan. Noong 2000, tumaas ito sa 140%.

    Papaliit ang suporta na ibinibigay ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura. Kung mayroon man, ito ay sa porma ng pagpapautang o microcredit loan na hindi naman nakakatulong bagkus ay naglulubog pa sa mga kababaihan sa utang. Ang mga kababaihan sa kanayunan ay target din ng mga proyektong katulad ng CCT (conditional cash transfer) o 4Ps.

    Sa paghahanap ng dagdag na mapagkakakitan o trabaho, marami sa mga kababaihan ang nagiging biktima ng illegal recruiters, trafficking at prositusyon.

    Panganib sa buhay ng kababaihan Dahil tunguhin ng WTO ang malakihang produksyong agrikultural,

    malawakan rin ang paggamit ng mga kemikal para pataasin pa ang produksyon. Ang mga kemikal na ito kabilang ang mga pestisidyo, GMO seeds at fertilizer ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga kababaihang magbubukid dahil karaniwang sila ang humahawak nito sa produksyon.

    Pagkasira ng kalikasan at kalamidad

    Lumubog sa baha ang maraming komunidad sa Mindanao nang tumama ang bagyong Sendong at Pablo sa rehiyon noong 2011 at 2012. Marami sa mga namatay ay mga kababaihan at bata. Sa pagsusuri, ang malawakang pagbaha sa rehiyon ay sanhi ng pagkasira ng lupain dahil sa malalawak na plantasyong mono-cropping.

  • WTO: Matinding Krisis ng Kababaihang Manggagawa Bago pa man pumaloob ang Pilipinas sa WTO, balon na ang bansa ng murang lakas paggawa. Sa pagpapailalim ng ekonomya ng Pilipinas sa WTO, lalong lumalala ang kalagayan ng mga manggagawa sa pagkiling ng pamahalaan sa interes ng mga dayuhang kapitalista para sa tubo. Ang mga batas katulad ng Amended Foreign Direct Investments Act (1996), Special Economic Zone Act (1995) at Retail Trade Act (2000) ay nagsisilbi lamang para mas madaling makapasok ang mga dayuhang kapitalista sa bansa. Ang pagpapapatupad ng kontraktwalisasyon at mababang pasahod ay tumutugon rin sa interes ng mga dayuhang kapitalista.

    Dahil walang malalaking industriya na lilikha ng trabaho para sa mga mamamayan, ang kawalan (unemployment) at kakulangan (underemployment) ay palagian nang problema ng bansa. Noong 2012, umabot sa tatlong milyon ang mga Pilipinong walang trabaho kung saan 1.19 milyon dito ay kababaihan.

    Sa National Capital Region nasa P466.00 ang pinakamataas na minimum wage sa bansa. Sa ibang rehiyon, mas mababa ito na maaaring umabot lamang sa P205.00 (Ilocos region, non-plantation). Dagdag pa, ayon sa DoLE 81% lamang ng mga kumpanya o pagawaan ang sumusunod sa minimum wage. Ibig sabihin, may mga kumpanya na mas mababa pa ang ibinibigay na sahod.

    Mababa na nga ang sahod, lalo pang hihilahin pababa ng two-tiered wage scheme (2TWS) ang sahod ng mga manggagawa. Sa 2TWS, itinatakda ang fixed floor wage. Ang dagdag sa sahod ay nakabatay sa produktibidad ng kumpanya o pagawaan na sa esensya ay nasa diskresyon ng may ari nga kumpanya. Ang labor wage scheme na ito ay sinuportahan ng International Labor Organization at ng Joint Foreign Chambers of the Philippines.

    Noong 1995, 56% o 5.3 milyong kababaihan ang nasa services sector. Tumaas ito sa 9.9 milyon o 68% noong 2011. Nasa service sector ang kalakhan sa mga manggagawang mababa ang sahod.

    Maraming kababaihan ang nasa wholesale and retail trade (4.4 milyon) na tumatanggap ng sahod na umaabot sa P261.00 kada araw lamang. Malaki ang itinaas ng bilang ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa kabahayan (1.6 milyon) na tumatanggap ng sahod na P127.00 kada araw.

    Noong 2010, mahigit kalahati sa manggagawa ng BPO o call center ay kababaihan. Itinuturing na sunshine industry ng pamahalaan ang

    BPOs. Sa katunayan, mga dayuhang imbestor ang kumikita ng malaki mula sa mga call centers dahil maliban sa mababang sahod na itinatakda ng batas sa bansa, maraming insentibo rin ang natatanggap ng mga dayuhang kumpanya katulad ng tax holidays at