12

Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan
Page 2: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan
Page 3: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

1

Ano ang El Niño?Ang El Niño ay ang abnormal o hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-init ng Karagatang Pasipiko lalo na sa may bandang ekwador. Sa normal na kondisyon, umiihip mula Silangang Amerika patungong Asya ang hangin sa Karagatang Pasipiko (trade wind). Ang malamig na tubig-alat ay nadadala patungo sa mainit na bahagi.

Ngunit minsan, sa bawat 2-7 taon, humihina ang ihip ng trade wind. Dahil dito, naiipon ang mainit na tubig-alat sa Pasipiko kaya umiinit ang karagatan at hangin. Naiiba ang El Niño dahil sa tindi ng epekto nito sa temperatura at pagbagsak ng ulan. Pakiramdam nating mga tao ay nasa oven o umiinit na pugon tayo.

Page 4: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

2

Gaano katagal nangyayari ang El Niño?Pangkaraniwang tumatagal ng 6-18 buwan ang El Niño. Ito ay nangyayari matapos ang 2 hanggang 7 taon, kasabay ng paghina ng ihip ng trade wind.

Saang mga lugar ang pinakaapektado ng El Niño?Sa pangkalahatan, tinatayang pinakaapektado ang mga lugar malapit sa Karagatang Pasipiko. Ang mga lugar na nakasalalay sa agrikultura, partikular sa pagsasaka at pangingisda, ang pangunahing pinagkakakitaan ang lubhang maaapektuhan nito.

Sa Pilipinas, maaaring makaranas ng matinding tag-init ang mga probinsyang malakas ang produksyong pang-agrikultura tulad ng Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Camarines Sur, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, at Leyte. Mararanasan din ito sa ilang lugar sa Mindanao. Gayunpaman, pinapayuhang maging handa ang lahat dito.

Page 5: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

1

Page 6: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

4

Ano ang epekto ng El Niño?Dahil sa El Niño, nagkakaroon ng tuyong panahon, mas matagal na tag-araw, mas matagal na pagsisimula ng tag-ulan na natatapos kaaagad, mahinang pag-ulan sa panahon ng tag-ulan, at kaunting bagyo. Mas mataas din sa normal ang temperatura.

Sa pagsasaka, nasisira ang paglaki ng mga halaman dahil sa stres dulot ng init, pagtaas ng pangangailangan sa tubig dahil sa mas mataas na evapotranspiration (pagkawala ng tubig dahil sa ebaporasyon mula sa ibabaw ng lupa at pagpapawis o transpirasyon ng mga halaman sa isang lugar at tukoy na panahon), at kakulangan sa suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay.

Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño?

1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan sa patubig (drought-tolerant) at barayting maagang anihin (early-maturing).

Para sa mga lugar na sapat ang patubig, maaaring mamili sa PSB Rc10 (Pagsanjan) at NSIC Rc134 (Tubigan 4). Ang mga barayting ito at iba pa ay inaani sa loob ng 102-110 araw, lalo kung sabog-tanim.

Para sa palayang sahod-ulan, maaaring subukan ang NSIC Rc192 (Sahod Ulan 1), PSB Rc14 (Rio Grande), at Rc68 (Sacobia). Kilala ang mga barayting ito na matipid sa tubig.

Iminumungkahi din ang NSIC Rc272, Rc274, Rc276, Rc278, Rc280, Rc282, Rc284, Rc286, Rc288, Rc346, at Rc348. Matatag na sa

Page 7: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

5

tagtuyot, ilan sa mga barayting ito ang maaga ring gumulang at umani ng hanggang 6.7 tonelada kada ektarya (ton/ekt).

Para sa palayang katihan, maaring itanim ang PSB Rc80 (Pasig), Rc9 (Apo), at NSIC Rc23 (Katihan 1) na mabubuhay kahit sa mga bulubunduking lugar na limitado ang tubig.

Page 8: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

6

2. Gamitin ang teknolohiyang reduced-tillage o ang minimal na pagbungkal ng lupa upang makabawas sa oras ng trabaho sa bukid at makatipid sa tubig sa paghahanda ng lupa.

Sa sistemang ito, hindi na inaararo ang bukid bago tamnan. Konting suyod lang, maari nang magtanim.

PINAGKUNAN: Iba’t ibang binhi para sa iba’t ibang uri ng palayan, 2014

Page 9: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

7

3. Gumamit ng mga teknolohiyang tipid sa tubig tulad ng kontroladong irigasyon, aerobic rice, at drip irrigation.

Sa kontroladong irigasyon, sapat na tubig lang ang gagamitin at hindi naman naaantala ang paglaki ng palay. Bagay na bagay ang teknolohiyang ito sa pagpapatubig sa mga sakahang salat sa tubig, gaya ng mga umaasa sa komunal na irigasyon, de-bombang patubig, maliit na imbakan ng tubig, at mga nasa duluhan ng mga kanal ng patubig.

Ang Aerobic Rice Technology (ART) ay paraan ng pagpapalayan sa mga lugar na kapos sa patubig. Mainam gamitin ang ART sa mga lugar na sahod-ulan, dulo ng mga sakahan na may patubig, at matataas na palayan na walang pilapil. Ang ani ay 4-6 tonelada kada ektarya.

Page 10: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

8

Ang drip irrigation naman ay isang sistema ng unti-unting pagpapatubig sa mga maliliit na taniman tulad ng gulayan. Angkop ito sa mga lugar na nagtatanim ng ibang halaman pagkatapos ng palay.

4. Maglagay ng alip-ip (mulch) sa ibabaw ng lupa upang mapanatili ang hamog ng lupa, makontrol ang temperatura nito, at maiwasan ang pagdami ng damo. Maaaring gamiting mulch ang dayami, damo, o plastik.

5. Magtanim ng ibang halaman (tulad ng gulay) sa halip na palay sa mga lugar na kulang sa patubig.

Itinutulak ng PhilRice ang sistemang Palayamanan o ang pagtatanim ng hindi lang palay kundi gulay at iba pa, at

Page 11: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

9

paghahayupan. Kasama rin sa Palayamanan ang pagbabalik sa lupa ng mga by-products ng palay, gaya ng ipa at dayami. Sa gitna ng El Niño, makadaragdag sa kita ang mga pananim na pwedeng mabuhay sa kaunting tubig, gaya ng munggo.

6. Magtanim ng mga halamang mataas ang commercial value (pakwan, kalabasa, melon) upang makadagdag sa kita, o magtanim ng halamang nabubuhay kahit kulang ang tubig tulad ng kamoteng-kahoy, kamote, at ube.

7. Regular na bisitahin ang palayan upang makita kung inaatake ito ng peste at sakit dala ng init ng panahon.

8. Palaging makinig sa mga ulat-panahon upang makapagplano ng mga maaaring gawing aktibidad sa bukid.

Para sa karagdagang impormasyon, Mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center: (+63) 920-911-1398; bisitahin ang www.pinoyrice.com;

o sumangguni sa:Climate Change CenterPhilippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva EcijaTel: (044) 456-0285; - 0258 loc 211

Page 12: Ano ang El Niño? · suplay ng tubig pang-irigasyon at pambahay. Paano maagapan ng mga magsa-saka ang epekto ng El Niño? 1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan

PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija • Tel: (044) 456 -0277; Direct line/Telefax: (044) 456-0112;Email: [email protected]

BRANCH STATIONS :

PHILRICE BATAC MMSU Campus, Batac City, 2906 Ilocos Norte; Tel: (077) 670-1867; Telefax (077) 792-4702, -2544;Email: [email protected] ph

PHILRICE ISABELASan Mateo, 3318 Isabela; Tel: (078) 664-2954;Telefax: (078) 664-2953; Email: [email protected]

PHILRICE LOS BAÑOS UPLB Campus, College, 4031 Laguna; Tel: (049) 501-1917; Telefax: (049) 536-8620;Email: [email protected]

PHILRICE BICOL Batang Ligao City, 4504 Albay;Mobile: 0906-935-8560; 0918 946-7439Email: [email protected]

PHILRICE NEGROS Cansilayan, Murcia, 6129 NegrosOccidental; Mobile: 0928-506-0515; Email: negros.station@philrice. gov.ph

PHILRICE AGUSAN Basilisa, RTR omualdez, 8611 Agusandel Norte; Tel: (085) 343-0778; Telefax: (085) 343-0768; Email: [email protected]

PHILRICE MIDSAYAP Bual Norte, Midsayap, 9410 NorthCotabato; Tel: (064) 229-8178;Telefax: (064) 229-7242;Email: [email protected]

PHILRICE FIELD OFFICECMU Campus, Maramag, 8714 Bukidnon, Tel: (088) 222-5744

LIAISON OFFICE3rd Flor. ATI Bldg, Elliptical Road, Diliman, Quezon City,Tel/Fax (02) 920-5129, Mobile: 0920-906-9052