5
Ang Alamat ng Tansan Jeric A. Lopez Ginagamit ang tansan bilang panakip ng mga softdrinks, hard drinks, tubig at marami pang iba. Naisip mo na ba kung bakit nagkaroon ng tansan? Ano ang pingamulan nito? At bakit animo’y pinaliit itong batsa. Bakit kaya may patulis ito sa gilid? Tara at ating alamin ang pinagmulan ng tansan. Si Jonathan o mas kilala bilang Tan ay larawan ng isang matulunging tao. Lahat ng dalawampu’t isang pamilya sa kanilang nayon ay kanyang natutulungan. Batid niyang siya ay matalino ngunit gaya ng ibang tao ay may kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga sya pagdating sa mga lugar. Gusto niyang sumali sa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang “Pinoy Henyo,” ngunit natatakot siyang baka lugar ang matapat na kategorya sa kanya at doon nga ay tiyak siyang papalya. Nag-aral sya sa Harvard University at nag-enrol ng kursong may kinalaman sa mga lugar. Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil mismong guro ay sumusuko na sa kanya. Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya si Kuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siya ng tulong dito “Kuya Kim, maaari mo ba akong matulungan patungkol sa lugar?” tanong niya. “ah, eh ako? Pasensya na iho pero may taping pa kami ng showtime. Try mo nalang humingi ng tulong kay Jose at Wally sali ka na rin sa Juan For All, All for Juan baka dun mo mahanap ang kasagutan.” Nagkibit balikat na lamang si Tan at nalulungkot niyang binagtas ang punong kakahuyan. Sa di

Ang alamat ng tansan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang alamat ng tansan

Ang Alamat ng Tansan

Jeric A. Lopez

Ginagamit ang tansan bilang panakip ng mga softdrinks, hard drinks,

tubig at marami pang iba. Naisip mo na ba kung bakit nagkaroon ng tansan?

Ano ang pingamulan nito? At bakit animo’y pinaliit itong batsa. Bakit kaya

may patulis ito sa gilid? Tara at ating alamin ang pinagmulan ng tansan.

Si Jonathan o mas kilala bilang Tan ay larawan ng isang matulunging

tao. Lahat ng dalawampu’t isang pamilya sa kanilang nayon ay kanyang

natutulungan. Batid niyang siya ay matalino ngunit gaya ng ibang tao ay

may kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga sya pagdating sa mga lugar. Gusto

niyang sumali sa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang “Pinoy Henyo,”

ngunit natatakot siyang baka lugar ang matapat na kategorya sa kanya at

doon nga ay tiyak siyang papalya.

Nag-aral sya sa Harvard University at nag-enrol ng kursong may

kinalaman sa mga lugar. Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil mismong

guro ay sumusuko na sa kanya. Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya si

Kuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siya ng tulong dito “Kuya Kim,

maaari mo ba akong matulungan patungkol sa lugar?” tanong niya. “ah, eh

ako? Pasensya na iho pero may taping pa kami ng showtime. Try mo nalang

humingi ng tulong kay Jose at Wally sali ka na rin sa Juan For All, All for Juan

baka dun mo mahanap ang kasagutan.” Nagkibit balikat na lamang si Tan at

nalulungkot niyang binagtas ang punong kakahuyan. Sa di kalayuan ay may

nakita siyang mataas na puno. Nilapitan niya ito at doon nanaghoy ng

tuluyan. “Kung mayroon lang sanang makakatulong sa akin, kahit sino pa

sya lalapitan ko talaga” umiiyak na sabi ni Tan sa puno.

Nayanig ng bahagya ang puno at nahati ito sa gitna. Umilag si Tan

dahil malalaglagan siya. Lumitaw ang isang Lolang may hawak na magic

wand. “Iho, ang ingay mo naman! Nagising tuloy ako. Ano ba ang

problema?” Una ay nahintakutan si Tan sa pag-aakalang ito ay bruha.

Page 2: Ang alamat ng tansan

Tumakbo siya ng ubos lakas ngunit napansin niya nagmu-moonwalk lang

siya. “Tulong-tulong!!!” sigaw ni Tan. Nilapitan siya ng lola at sinampal

“Huwag ka ngang umatungal na parang bata dyan!” Ikinuwento nga ni Tan

ang kanyang problema sa matanda. Tumawa ng malakas ang matanda at

bahagyang bumuka ang lupa, “ayy, sorry” sabi nito. “eh ang dali lang naman

pala ng problema mo, akala ko naman kung ano” sabi ng matanda.

“hawakan mo ang aking mga kamay at lilipad tayo sa alapaap”- utos ng

matanda. Bago pa man mahawakan ni Tan ang kamay nito ay sumipol muna

si Lola at doon nga lumabas ang sasakyang animo’y batsa. “Ayan na ang

Zan” sabi ni Lola. “Tara sakay na!” madaling sabi ni Tan.

At iyon nga ang nangyari, nagkaroon ng world tour ang dalawa sakay

ng Zan. Una nilang pinuntahan ang Mercury. Napansin nilang sobrang lapit

nito sa araw. Lumipad ng lumipad at lumipad pa ang dalawa hanggang sa

narating nila ang Jupiter. “talagang napakalaki nga ng Jupiter”

Bumalik sila ng earth at nagulat sa nakita nila “ayan ang laki na ng

butas ng ozone layer- dahil yan sa maling gawain ng tao” sabi ng matanda.

“sing laki na siya ng Australia” sagot naman ni Tan. Naglakbay sila sa ulap

sakay ng Zan. Pumunta sila sa White House, London Bridge, Eiffel Tower ,

Taipei 101 at marami pang iba. Nagawa rin nilang bisitahin ang ‘Konoha’ at

doon natunghayan nila ang paglalaban ni Naruto at Sasuke. Nang magutom

ay pumunta sila sa Japan at nagpa-bake ng tinapay kay Kazuma Azuma,

natikman nila ang obra nitong “Mount Fujiwara Bread”. Nakaramdam sila ng

pagod kung kaya’t nanood sila ng concert ni Psy sa Korea. Nakita nilang wala

pang giyera dito. At bumalik sila sa nayon sakay ng Zan. Ipinagkatiwala ng

matanda kay Tan ang kanyang Zan sa pag-aakalang magagamit ito sa

kabutihan.

Naging maalam nga si Tan pagdating sa lugar. Wala siyang sinayang

na oras. Sa tulong ng kanyang mga natutunan ay sumali siya sa “Pinoy

Henyo”. Tama nga ang kanyang hinala, nagwagi siya at inuwi niya ang

21,000,000 na premyo sa palaro.

Page 3: Ang alamat ng tansan

Kasabay ng kanyang pagyaman ang pagbabago ng kanyang pag-

uugali. Naging maramot siya sa kapwa at naging mapagmataas.

Nakalimutan niyang tulungan ang mga kanayon niya, bagkus, nilustay niya

ang pera sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar sakay ng Zan. Wala ng ibang

bukambibig si Tan kundi ang kanyang Zan. Ipinagmamayabang niya ito

kanino man.

Isang araw ay may matandang lalaking taga-nayon ang humingi ng

tulong sa kanya. Sa halip na tulungan ay inutusan niya ang Zan at sumakay

rito. Lumipad ang Zan sa ibabaw ng matanda, dahilan ng pagkaka-buwal nito

sa kinatatayuan. Nagpuntang Great Wall of China si Tan at nagpasyang doon

nga matulog. Samantala, malungkot na inihayag ng matanda ang ginawa sa

kanya ni Tan sa mga taga-nayon.

Pumunta ang dalawampu’t isang pamilya sa kakahuyan at nag-alay ng

chooks-to-go chicken sa puno. Bumuka ito at lumitaw ang isang matandang

babae. Kinain muna niya ang manok at nagwikang “mas yummy!”

“Bakit nyo ako kailangan?” tanong ng matanda sa mga tao. At doon

nga inilahad ng mga taga-nayon ang istorya.

Naiiyak ang matanda at humuhikbi dahil sa kaawaan. “hindi ko

akalaing ang Zan ang magpapabago sa pag-uugali ni Tan, kailangan niyang

maturuan ng leksyon” sabi ng matanda.

Sa isang iglap ay nawala ang matanda, animo’y nag-teleport. Dinatnan

niya si Tan na natutulog sa Great Wall, akap-akap ang Zan. Kinalabit siya ng

matanda hanggang sa siya ay magising.

“Anong ginagawa mo dito tanda?”- walang galang na sabi ni Tan.

“Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na nagkasala ka at kailangan mong

makamit ang karampatang kaparusahan sa iyong maling nagawa.” Tugon ng

matanda.

“Wala ka namang kapangyarihan eh. Bagkus, isang utos ko lang sa

aking Zan ay tataob ka na”- mayabang na sagot ni Tan.

“ipinagkatiwala ko yan sa iyo sa pag-aakalang makakatulong ka sa

iba”- naiiyak ng sabi ng matanda.

Page 4: Ang alamat ng tansan

“oh! Wag kang iiyak tanda! At maraming namamatay sa maling akala”

natatawang sabad ni Tan.

“Yaman din lamang lagi mong ipinagmamalaki ang Zan, ikaw na

mismo ang gagawin kong Zan.”

Isinumpa nga ng matanda si Tan, ang Zan na mala-batsa ay nagkaroon

ng dalawampu’t isang patulis sa gilid tanda ng dalawampu’t isang pamilyang

nasaktan ni Tan. Ipinasya ng matandang tawagin itong “TanZan” bilang

paalalang huwag tutulad kay Tan. Winika niyang “ikaw Tanzan ay

mananatiling nakataob bilang tanda ng iyong pagluhod sa mga taong

nasaktan mo. Ilalagay ka sa mga inumin bilang panakip upang lagi ka nilang

maalala at wag lang tutularan.” At doon nga ay lumiit ang tanzan.

Bumalik ang matanda sa nayon upang ikwentong wala na si Tan.

Ibinigay niya ang maliit na bagay sa dalawampu’t isang pamilya upang

magamit nila bilang panakip sa inumin. “ano po ito?” tanong ng isa sa mga

taga-nayon. Dahil sa bungi ang matanda kung kaya’t di niya mabanggit ng

maayos ang Tanzan bagkus ito ay nabanggit niyang “Tansan.” Mula noon

hanggang ngayon, ginagamit na ng mga tao ang tansan bilang panakip sa

mga botelyang naglalaman ng likidong inumin.