7
ALAMAT NG LANSONES Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman , walang gaanongpumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ngbula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones. ALAMAT NG SAGING Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isangengkanto . Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki. Isang araw, nagpaalam ang binata . Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto,

Alamat Ng Lansones

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Alamat ng Lansones

Citation preview

ALAMAT NG LANSONESSinasabing ang puno ng lansones aykaraniwangmakikita sa Luzon.Gayunman, walang gaanongpumapansindito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw anghinahabolng mga tao.Napagawiito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya.Dinatnansiya ng mga taong patay at maybakaspa ngbulasa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walangnangahaskumain nito.Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya peronangangambanamang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.Inasahanng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Peroinabutansila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ngkurotang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.Sinapantaha ng lahat na isangadaang babae.Tinikmannilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot,wariylalongnagpalinamnamsa lansones.

ALAMAT NG SAGINGNoong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isangkakaibanglalaki. Ito ay isangengkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento.Nabihagang babae sa engkanto.Ipinagtapatnaman ng engkanto nabuhatsiya salupainng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.Isang araw, nagpaalam angbinata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindinakatiisang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki.Maghigpitniyanghinawakanang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matindingpagkabiglang babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae.Dali-daliniyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.Kinaumagahan, dinalaw niya angpookna pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman angtumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na maymalalapadna dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.

ALAMAT NG MANGGAKaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben.Nagmanasiya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandangpulubiang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom angnasalubongniya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.Makaraanang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ngpagsisikapng mag-asawa na pagalingin ang anak,lumubhaito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isangdiwata.Hininginito ang puso ni Ben,Ibinaonng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bunganghugis-puso. Marami angnakikinabangngayon sa bungang ito.

ALAMAT NG MAKOPASinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong obatingawsilangnagkakaloobng kanilangkahilingan. Nabalitaan ito ng mgatulisankaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sapagsalakayng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sagubat.Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggangmaitaboypaalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sakasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong.Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata angnapadakosa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunganaghinalasilang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon athinukayangugatng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyonnakabaonang gong na susi ng kanilangkasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bunganghugiskampana ang mga taong-bayan.

Alamat ng AmpalayaNoong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

Alamat ng AnaySi Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina.Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy.Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay.