Upload
others
View
22
Download
0
Embed Size (px)
E
ne
ro 2
01
6 55
54 L
iah
on
a
MGA KABATAAN
MAHALAGANG SANDALING MAKAUGNAY SIYA“Upang mapatibay ang ating pakikipag- ugnayan sa Diyos, kailangan natin ng mahalagang sanda-ling makaugnay Siya nang mag- isa. Ang tahimik na pagtutuon sa pagdarasal nang mag- isa at pag- aaral ng mga banal na kasulatan, na laging minimithing maging karapat- dapat na magkaroon ng temple recommend—ang mga ito ay ilan sa ma-gagandang pamumuhunan ng ating oras at pagsisikap na mapalapit sa ating Ama sa Langit. Sundin natin ang paanyaya [sa Mga Awit]: ‘Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios’ (Awit 46:10).”
Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Sa mga Bagay na Pinakamaha-laga,” Liahona, Nob. 2010, 21.
Nagdarasal ka sa Ama sa Langit, pero naisip mo na ba kung sino Siya? o kung bakit ka
Niya tinulungang mahanap ang nawawala mong mga susi noong isang araw? o kung
gaano ka Niya kakilala? o kung paano Siya nakikipag- ugnayan sa iyo?
Mabuti na lang, hindi pa huli ang lahat para malaman ang iba pa tungkol sa Diyos. Ngayon
ang pagkakataon mong simulan ang pag- aaral ng banal na kasulatan na lubos na mahalaga,
kung saan malalaman mo nang husto kung bakit ang Diyos ng sansinukob—kasama ang
bilyun- bilyong espiritung anak—ay iniisip ka.
Ngunit maaaring mahirap simulan ang mahahalagang bagay, kaya hayaan mong tulungan
ka ng flowchart na ito na magsimula. Bawat araw maaari kang pumili ng isang tanong sa chart. Habang si-
nusundan mo ang mga hakbang at sinasagot ang mga tanong, isipin ang
kaugnayan mo sa Ama sa Langit. Isipin ang papel na ginagampanan Niya
sa buhay mo at itanong sa sarili kung ano ang magagawa mo para mas
mapalapit sa Kanya. ◼
PAGKILALA SA AMA SA LANGIT: ISANG PAG- AARAL TUNGKOL SA ISANG NAPAKAHALAGANG PAKSA
Ano nga ba ang mga katangian ng Diyos?
Aling mga salita ang namukod- tangi sa iyo? May naulit bang mga salita? Hanapin ang mga ito sa diksiyunaryo o sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.
Paano naging magkatulad ngunit magkaiba ang Ama sa Langit at si Jesucristo?
Maghanda ng isang lesson para sa family home evening tungkol sa natutuhan mo.
Bilyun- bilyon ang mga tao sa lupa! Paano ako
makikilala ng Ama sa Langit?
Ano ang pangunahing ideya sa bawat talata? Subukang ibuod ang mga ito sa wala pang limang salita.
Paano ko makikilala ang Ama sa Langit?
Saliksikin sa LDS. org ang anumang mahaha-lagang salitang nakita ninyo sa mga talata. Bisitahin ang lds. org/ media - library para mapanood ang video tungkol sa paksa.
Sinabihan tayo na makipag- usap sa Ama sa Langit sa panalangin.
Pero paano nangungusap sa akin ang Ama sa Langit?
Paano ka nakikipag- usap sa Diyos? Ano ang maaari mong baguhin dahil sa natutuhan mo?
Juan 3:16, 35
Juan 17:20–23
Mormon 7:5–7
I Samuel 16:7 Mga Awit 82:6
Lucas 12:6–7 Doktrina at mga Tipan 93:23
Mateo 7:9–11
I Ni Juan 1:5
Eter 3:12
Juan 14:6–9
I Ni Juan 4:7
Alma 30:44
Doktrina at mga Tipan 132:22–24
Doktrina at mga Tipan 1:38Doktrina at mga Tipan 8:2–3Doktrina at mga Tipan 9:8–9
May ibang tanong ka pa ba tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, o sa Espiritu Santo?
Isulat ito at gamitin sa susunod na mga pag- aaral ng mga banal na kasulatan kapag nau-
bos na ang mga tanong sa flowchart. At huwag kalimutan na lagi mong magagamit ang re-
sources na tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Tapat sa Pananampalataya, at
Mangaral ng Aking Ebanghelyo para malaman ang iba pa tungkol sa pinag- aaralan mo!
MGA ARALIN SA
ARAW NG LINGGO
Paksa sa Buwang Ito:
Ang Panguluhang
Diyos