19
DEPRESYON: ISA SA DAHILAN NG KAWALAN NG GANA SA PAG-AARAL Pamanahong Papel Ipinasa kay Bb. F. Eastern Bacoor National High School Ipinasa ni IV – Explorers

236403201 Depresyon Pamanahong Papel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

yes

Citation preview

Page 1: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

DEPRESYON: ISA SA DAHILAN NG KAWALAN NG

GANA SA PAG-AARAL

Pamanahong Papel

Ipinasa kay

Bb. F.

Eastern Bacoor National High School

Ipinasa ni

IV – Explorers

Pebrero 10, 2014

Page 2: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

KABANATA I:

PANIMULA

Page 3: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN:

May mga bagay sa mundo na sadyang dumarating ng biglaan o hindi inaasahan. Mga

bagay na nakapagdudulot sa ng kabutihan o positibong pananaw sa buhay, o di kaya’y mga

bagay na nagdudulot ng kasamaan o nagiging sanhi ng pagkakaroon ng negatibong pagtingin sa

kapaligiran. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng sakit. May mga pagkakataon na ang mga

sakit na ito ay bigla-bigla na lamang nararamdaman ng isang tao at siyang nagdudulot ng

pagkakaroon ng mababang enerhiya sa katawan. May ibat-ibang uri ng sakit na maaring

maramdaman kahit bata man o matanda. Isa sa mga tinuturing na pinakamalalang sakit ay ang

pagkakaroon ng “depresyon.”

Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon na kilala sa Ingles

bilang Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical depression,

major depression, unipolar depression, o unipolar disorder ay isang sakit sa pag-iisip na

inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa

sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na

nakasisiyang mga gawain. Isa itong damdaming malungkot, miserable, sobrang pagkadismaya,

galit na nararanasan ng isang tao sa pang-araw-araw na buhay. Bata man o matanda ay maaring

makaranas ng depresyon, at sa panahon ngayon karamihan ng tinatamaan ng sakit na ito ay ang

mga “teenagers”. Malaki ang magiging epekto sa pamumuhay ng isang tao ng depresyon, maari

nitong baguhin ang pananaw mo sa buhay, at ang iyong katayuan at maging katinuan ng pag-

iisip. Palagi na lamang negatibo ang takbo ng isip at hindi na kayang gumawa ng postibong

solusyon sa mga problema.

Isa sa mga maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng depresyon ay ang kawalan ng

gana sa pag-aaral ng mga kabataan. Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng

negatibong pananaw sa buhay at kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang

mga gawain ang isang mag-aaral, hindi na nito nakakayanang maging aktibo at makapag-isip ng

tama na nauuwi sa pagliban sa klase, at sa kadahilanang ito, naisipan ng mananaliksik na gawing

pag-aaral ang bagay ukol dito at magbigay din ng mga rekomendasyon sa kung papaano

iiwasang magkaroon ng depresyon ang mga kabataan sa ngayon.

Page 4: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

MGA LAYUNIN:

Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayang isa sa mga dahilan ng kawalan ng gana ng

ibang mga kabataan sa pag-aaral ay dahil sa pagkakaroon ng depresyon. Tatalakayin din ng pag-

aral na ito ang mga sanhi sa kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang bata at higit sa

lahat, layunin nito na makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa kung paano maiiwasan ang

pagkakaroon nito at sa mga batang nakakaranas na ng depresyon, makapagbibigay din ang pag-

aaral na ito ng kaunting kaalaman sa kung paano mapipigil ang paglala nito at kung paano maalis

ang ganitong uri ng sakit sa mga kabataan.

MGA SULIRANIN:

1. Ano ang iba’t-ibang sintomas ng pagkakaroon ng depresyon ng mga kabataan?

2. Anu-anong mga bagay ang dapat gawin upang mapigilan ang pagkakaroon nito?

3. Paanong naging sanhi ang depresyon sa kawalan ng gana ng mga kabataan sa pag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

KABATAAN/KAPWA MAG-AARAL – Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga kabataan

o sa mga kapwa mag-aaral sapagkat nakapagbibigay ito ng mga kaalaman sa kung paano

maiiwasan ang pagkakaroon ng depresyon. Higit na mahalaga ito sa mga kabataang

nakakaranas na ng ganitong uri ng sakit dahil sa pamamagitan nito, malalaman ng mga

kabataang ito kung paano ito maiaalis o malalabanan at kung anu-anong mga bagay ang

kinakailangang gawin upang hindi na muling makaranas nito.

MAGULANG – Ito ay nagsisilbing gabay din sa mga magulang upang malaman ang

kinakailangang gawin nang sa gayon ay matulungan nila ang kanilang mga anak.

KAPWA MANANALIKSIK – Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga kapwa

mananaliksik sa mga susunod na taon upang kanilang maging gabay at magsilbing

karagdagang impormasyon sa kanilang ginagawang pag-aaral.

MGA GURO – Isang malaking tulong din ang pag-aaral na ito upang maging gabay ng

mga guro sa kanilang pagtuturo sa klase. Sa pamamagitan nito makakapagbibigay sila ng

mga impormasyon sa kanilang mga estudyante ukol sa kung paano maiiwasan ang

pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay maari lamang maging

Page 5: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

gabay sa mga guro na kung saan ang asignaturang kanilang itinuturo ay mayroong

kinalaman sa emotional, pisikal, social o kaugalian na aspeto ng mga tao.

SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang pag-aaral na ito ay ukol lamang sa mga pagpapatunay na ang depresyon ay isa sa

mga dahilan ng kawalan ng gana ng mga estudyante sa pag-aaral, sa mga sintomas ng

pagkakaroon ng depresyon, at sa mga bagay na maaring gawin upang maiwasan o malabanan ito.

Sakop lamang nito ang mga babae at lalaking may edad mula sampu (10) hanggang labin-walong

(18) taon at sa kahit saang lugar sa Pilipinas.

Wala ng iba pang saklaw ang pag-aaral na ito maliban sa mga nakasulat sa unang talata.

TERMINOLOHIYA:

Depresyon – isang uri ng sakit sa pag-iisip kung saan malaking bahagi ng emotional na

aspeto ng isang tao ang naaapektuhan.

Sintomas – mga bagay o palatandaan na nakikita sa isang tao upang masabing mayroon

siyang sakit.

Teenagers – mga kabataang mga edad mula labin-tatlo (13) hanggang labin walong (18)

taong gulang.

Page 6: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

KABANATA II:

MGA KAUGNAY NA

PAG-AARAL AT

LITERATURA

Page 7: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

Ayon sa isang artikulo ng Nagoya International Center, “ang depression ay isang sakit sa

mental na tinatawag na “Sipon ng Puso”. Kahit sino, kahit anong nasyonalidad, kahit ilang taong

gulang, kahit babae o lalaki man, maaaring magkaroon ng depresyon. Ang tanda ng depresyon

ay tumatagal ang isang kondisyong pagkalumbay o matamlay na karamdaman, kawalan ng sigla

o gana sa buhay, kawalan ng halaga o mababang pagtingin sa sarili, insomnia o hindi

nakakatulog, kahirapan sa konsentrasyon, kawalan ng ganang kumain o iba pa. Mahigit 120

milyon ang pasyente ng depresyon sa buong mundo. Ang depresyon ay isang pansamantalang

kondisyon kung mabibigyan ng maagang lunas.

Iba’t iba ang sanhi ng depresyon. Nararamdaman ang stress depende sa pamumuhay o

ginagawa ng isang tao. Kapag tumatagal ang masamang kondisyon ng katawan ng hindi alam

ang sanhi, posibleng mayroon nang depresyon. Kung may problema, huwag sarilihin mag-isa.

Kumonsulta sa pamilya o kaibigan.

Kapag nararamdaman ang depresyon, kailangang pagpahingahin ang puso’t isipan ng

mabuti. Kailangan na rin uminom ng gamot depende sa kalagayan ng pasyente. Kaya humingi

kayo ng tulong sa psychiatrist, neurologist o mental health specialist.”

Ayon din dito, “kahit sino, maaaring magkaroon ng depresyon, hindi maliban sa mga

bata. Nararamdaman na rin ng mga bata ang stress at dahil sa mga stress, nagkakaroon ng

depresyon kagaya ng mga matatanda. Maaaring magkasakit mula sa mga 10 taong gulang. Kung

hindi pa umabot sa 10 taong gulang, kahit napansin ninyo ang tanda ng depresyon, madalas ito

ang pansalamantalang pagkalumbay o problema sa paglaki ng bata. Hindi parehas ang tanda ng

depression ng bata at adult, kaya kailangang mag-ingat.

Karaniwan, ang mga batang may depresyon ay nagpupumilit magsabi ng kanilang

damdamin at kalooban. Maaaring tanda ng depression ang mga sintomas na pisikal kagaya ng

sakit sa ulo, sakit sa tiyan, pagbaba ng score o pagsasabi ng ayaw pumasok sa paaralan.

Kadalasan hindi tumatagal ang depresyon ng bata at minsan lang sa buhay ang pagkakaroon ng

depresyon.

Palatandaan1 : Pagbabago sa Pisikal

Pagbabago sa pagtulog, pagbabago ng dami ng kinakain. Nanghihina ang katawan.

Palatandaan2: Pagbabago sa Mental

Nawala ang sigla o gana sa buhay o sa anumang gawain na dati’y nagbibigay-kasiyahan.

Page 8: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

Ayaw mag-aral at bumaba ang score sa paaralan.

Nagbabago ang lagay ng loob at paraan ng pag-iisip.

Palatandaan3 : Pagbabago sa Gawain

Umiiwas ng ibang tao. Naging mabagal ang kilos. Hindi mapakali o hindi nananatili sa

isang lugar. Nagrerebelde. Sinasaktan ang sarili niya o sinubukang magpakamatay

Paraan ng Paggamot sa Depression ng Bata

Kapag kumonsulta sa inyo ang titser o school counselor tungkol sa kalagayan ng anak

ninyo, kailangang pakinggan ng mahinahon at mag-isip kayo kung ano ang tamang paraan para

sa anak ninyo kasama ng mga titser. Ang pagpapagamot ng depresyon ng bata ay pag-inom ng

gamot, counseling, play therapy o iba pa. Nagpapasiya ang doktor kung anong paraan ang bagay

sa batang may depresyon. Kaya kumonsulta kayo ng mabuti sa doktor. Sa mga taon na ito,

mayroon nang gamot para sa derpesyon na maliit lang ang side effect, kaya nakakainom na rin ng

gamot ang mga bata.

Ano ang Magagawa Para sa Anak?

Kasama ng paggamot ng dalubhasa, mahalaga na rin ang tulong ng pamilya. Ang

pagrerebelde o malamig na kilos o sinasabi ay hindi totoo nilang nararamdaman laban sa taong

pinaghahalagaan nila. Kung nahihirapan kayo, nahihirapan din sila. Kapag gumaling sila ng

maikling panahon, kumonsulata kayo sa titser o school counselor para madali silang makabalik

sa paaralan.”

Isa ring artikulo ang nasagap ng mananaliksik ukol sa epekto rin ng depresyon sa mga

teenager. Ito ay nagmula sa programang Salamat Dok na may paksang Teenage Depression.

“Masarap at masaya ang buhay teenager! Kung maraming naaaliw, mayroon din namang

nalulungkot dahil mayroon silang pinagdadaanang hindi nila kontrolado--ang depresyon. Ang

depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng

labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones,

problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta

sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-

balik.

Page 9: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

“Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo't nasa edad sila na hindi na

bata, pero hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahahanap siya ng kalayaan. You have to

respect also na ang teenager would want privacy,” paliwanag ni Dr. Genuina Ranoy, Child and

Adult Psychiatrist sa The Medical City.

Sa huling tala ng World Health Organization, umaabot na sa 350 milyong tao na may

iba’t ibang edad ang naapektuhan ng depresyon. Bagama’t may mga gamot dito, kakarampot

lamang ang nalulunasan. Ang isa pang nakakalungkot na katotohanan: isa lamang sa bawat

limang teenager na dumaranas ng depresyon ang natutulungan.

Hindi kagaya ng matatanda, karaniwa’y umaasa pa rin ang mga kabataan na mapapansin

ng kanilang mga magulang o ng iba pang nakatatanda ang kanilang nararamdaman. Ayon sa mga

eksperto, mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan ng sakit na ito. Kapag hindi

agad natulungan ang bata at hindi naiwasan ang masasamang dulot nito, maaari itong mauwi sa

pagpapakamatay.

Palatandaan at Sintomas ng Teenage Depression

Kalungkutan at kawalan ng pag-asa

Walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan

Iritable at magagalitin

Madalas na pag-iyak nang walang dahilan

Lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan

Pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog

Hirap sa konsentrasyon

Mababa ang tingin sa sarili

Pagod at kulang sa sigla

Sumasagi sa isip ang pagpapakamatay

“Kung malala ang nakikitang sintomas, huwag balewalain! It's a must to seek professional

help. May mga anti-depressant na nakakaganda o nakakawala ng physical symptom ng

depression. Meron ding psychotherapy, dito pinag-uusapan kung ano ang problema. Habang

ginagamot ang bata, kasama ang family. Dahil sila ang kasama sa bahay, sila ang makakatulong

o makakapag-monitor sa bata,” paalala ni Dr. Ranoy.

Page 10: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

Dagdag pa ni Dok, sa mga magulang o tagapag-alaga, mahalagang suriin kung gaano na

katagal lumabas ang mga sintomas na ito, kung gaano na ito kalala at kung malaki na ang

ipinagbago ng ikinikilos ng kanilang mga anak sa normal.

Tagubilin sa mga Magulang

Maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak

Maging mahinahon sa pakikinig sa kanilang problema

Iwasang sumigaw o manumbat

Tanggapin ang inyong anak bilang sila

Iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan

Ipakita sa anak ang pag-aaruga

Ibalanse ang mga panuntunan sa bahay

Kung ang magulang naman ang isa sa stressors sa pinagdaraanan ng anak, kailangang

maging bukas sila na sumailalim din sa psychotherapy para mas alam nila ang gagawing

solusyon sa depresyon ng anak.

Hindi biro ang teenage depression ngunit sa husto at tamang gabay ng magulang, katulong

ang payo ng eksperto, maaari itong mapagtagumpayan at maiwasan.”

Page 11: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

KABANATA Iv:

Konklusyon at

rekomendasyon

KONKLUSYON:

Page 12: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

1. Narito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng depresyon sa mga kabataan ayon sa

obserbasyon at sa tulong nga mga literature. Una ay ang pagbabago sa pisikal na anyo ng

isang bata o teenager. Halimbawa rito ay ang pagbabago sa pagtulog, pagbabago ng dami

ng kinakain. Nanghihina ang katawan. Pumapayat, at halata sa kanyang pisikal na anyo

na malaki ang pinagdadaanan niyang problema. Ikalawa ay ang pagbabago sa mental a

aspeto. Halimbawa ay ang nawala ang sigla o gana sa buhay o sa anumang gawain na

dati’y nagbibigay-kasiyahan, ayaw mag-aral at bumaba ang score sa paaralan at

nagbabago ang lagay ng loob at paraan ng pag-iisip. At ang ikatlo ay ang pagbabago sa

gawain. Halimbawa rito ay umiiwas sa ibang tao, naging mabagal ang kilos, hindi

mapakali o hindi nananatili sa isang lugar, nagrerebelde at sinasaktan ang sarili niya o

sinubukang magpakamatay. Naririto pa ang ibang mga sintomas; kalungkutan at kawalan

ng pag-asa, walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan, iritable at magagalitin,

madalas na pag-iyak nang walang dahilan, lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan,

pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog, hirap sa konsentrasyon, mababa ang tingin sa

sarili, pagod at kulang sa sigla at sumasagi sa isip ang pagpapakamatay.

2. Maraming mga hakbang ang maaaring gawin upang mapigilan ang pagkakaroon nito.

Naririto ang ilan; kailangang pagpahingahin ang puso’t isipan ng mabuti, kailangan na rin

uminom ng gamot depende sa kalagayan ng pasyente, kaya humingi kayo ng tulong sa

psychiatrist, neurologist o mental health specialist. Para sa mga kabataan naman na

dumaranas ng depresyon, naririto ang mga kinakailangang gawin ng mga magulang para

sa kanilang mga anak; kumonsulata kayo sa titser o school counselor para madali silang

makabalik sa paaralan, o maaari ring dalhin sa doktor upang malaman ang maaaring

gawin sa kanilang mga anak. Para naman sa mga teenager na dumaranas din ng

depresyon, naririto ang maaaring gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak;

maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak, maging mahinahon sa pakikinig sa

kanilang problema, iwasang sumigaw o manumbat, tanggapin ang inyong anak bilang

sila, iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan, ipakita sa anak ang pag-

aaruga, ibalanse ang mga panuntunan sa bahay. At higit sa lahat, para sa mga kabataan

naman na hindi pa nakakaranas ng depresyon, kinakailangang maging positibo lang lagi

sa buhay at sa oras na mayroong malaking problemang pinagdadaanan, huwag kalimutan

na mayroong Diyos na gumagabay sa atin at kahit kailan ay hindi tayo pababayaan.

Page 13: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

3. Naging sanhi ang depresyon sa pagkawala ng gana ng mga kabataan sa pag-aaral

sapagkat sa oras na nagkaroon na sila ng ganitong sakit, kasabay ng pagbabagong pisikal

ay naaapektuhan din ang mga emosyonal at spiritual na aspeto sa kanilang buhay. Sa

kadahilanang ito, nawawalan ng enerhiya o lakas ang isang mag-aaral na gawin ang mga

bagay-bagay na mayroong kinalaman sa pag-aaral. Kung kaya’t, isang dahilan ang

pagkakaroon ng depresyon ng isang kabataan sa kawalan ng gana sa kanilang pag-aaral at

kalimitang nauuwi sa pagbagksak sa mga asignatura nito o kaya naman humihinto sa

pag-aaral.

REKOMENDASYON:

Sa mga taong nakakaranas na depresyon, maaaring sundin ang mga sumusunod na

hakbang na naisaad na sa naunang talata at para naman sa mga taong walang nararanasang

depresyon sa kanilang buhay ngayon, upang maiwasan ang pagkakaroon nito, panatilihin lang

ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa mga bagay-bagay. Huwag din kalilimutang

mayroong Diyos na gumagabay sa atin sa araw-araw. Magdasal lang palagi sa Kanya na

tulungang malampasan ang mga problemang dinaranas sa buhay at iyon ang pinakamainam na

solusyon.

Page 14: 236403201 Depresyon Pamanahong Papel

bibliograpiya

Nagoya International Center, October 13, 2009. Nakuha mula sa www.nicnagoya.or.jp/shared_images/.../kenko1fi.pdf

www.wikipedia.com/depresyon

http://www.remate.ph/2012/05/dulot-ng-depresyon-at-pagkabahala/#.Uvg0kmJdX0E

http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-

depression