24
1 Senior High School Kuwarter 1 - Modyul 2 Mga Konseptong Pangwika _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

1

Senior High School

Kuwarter 1 - Modyul 2

Mga Konseptong Pangwika

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 2: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

2

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang

akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing

ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,

palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaang-

kin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito

ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang

pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marianne Y. Monzolin

Editor: Lorna P. Almirante

Tagasuri: Dr. Clavel D. Salinas

Marivic M. Yballe (Moderator)

Tagaguhit: Marianne Y. Monzolin

Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief

Dr. Novie O Mangubat SGOD Chief

Mr. Isaiash T. Wagas LR Focal Person

Dr. Clavel D. Salinas EPS for SHS

Lorna P. Almirante Evaluator

Inilimbag sa Pilipinas ng :

Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon VII, Sangay ng Cebu Province

Office Address IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City 6000 Cebu

Telephone Number: (032) 520-3216 – 520-3217

E-mail Address: [email protected]

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 3: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

3

KUWARTER 1 — Modyul 2

Mga Konseptong Pangwika

ni:

MARIANNE Y. MONZOLIN

SHS Teacher II

Juan Pamplona National High School

Tabuelan, Cebu

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 4: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

4

Panimula

Sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum, ang Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay itinuturing na isa sa mga Core Sub-

jects para sa Senior High School. Binibigyang pokus dito ang pag-aaral tungkol sa

pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang

Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon kung saan na-

harap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagi-

tan nito, maaaring maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa ba-

hay lamang.

Hangad ng gumawa na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay maihatid sa

mga kabataang mag-aaral ang kinakailangang kaalaman upang matugunan ang

hinihingi ng asignaturang ito. Inaasahan na makaaangkop ang modyul na ito sa pan-

gangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan sa paggamit

ng wika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan na isinasaalang-alang ang

mga tuntunin at pagbaybay ng mga salita sa Filipino.

Sa ikalawang linggo ay matutunghayan ang mga Konseptong Pangwika kung

saan mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga maha-

halagang kaisipan na magsisilbing gabay sa lubusang pag-unawa sa wika. Ang lu-

busang pag-unawa tungkol sa wika ang magsisilbing tulay tungo sa paglinang ng

kakayahang komunikatibo ng mga kabataang mag-aaral. Mahalagang malinang ang

kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-

ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag ng kaisipan, adhikain,

damdamin at saloobin.

Inaasahang magsisilbing tanglaw ang modyul na ito upang magiging madali,

epektibo, at kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa asignaturang ito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 5: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

5

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

Dito inilalatag ang mga layuning inaaasahang matatamo sa

pagtatapos ng modyul. Matatamo lamang ito gamit ang

iba’ibang pamamaraan sa pagtuturo tungo sa pagkatuto

Ito ang bahagi kung saan tinataya ang kakayahan at kaala-

man ng mga mag-aaral sa mga araling dapat niyang matutu-

han at kung alin ang dapat pang palawakin at linangin

Ito ang mga gawaing sinubok ang dating kaalaman ng mag-

aaral bilang panukat sa kanilang natutuhan

Sa bahaging ito, sinusubok ang mapanuring pag-unawa ng

mga mag-aaral sa asignatura sa pamamagitan ng paglatag

ng mga gawain

Dito itinatampok ang paksa ng araling tatalakayin upang ma-

linang ang kasanayan ng mga mag-aaral

Sa bahaging ito, ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa

tungkol sa paksang tinalakay

Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-

isipan ang kabuluhan ng mga kaalamang natamo bago

magpatuloy sa susunod na bahagi

Sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mag-aaral sa kabuuan

ng aralin

Ito ang mga gawaing hahamon sa mga mag-aaral na ilapat

ang kanilang natutunan sa mga aktuwal na sitwasyon o ma-

katotohanang konteksto.

Dito tinataya ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral

kaugnay sa kabuuang araling tinalakay.

Ito ang mga karagdagang babasahin o gawain na magpapa-

lawig sa talakayan na susubok at hahasa sa tibay ng pag-

unawa ng mga mag-aaral. Maaari itong nakalimbag o mula

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 6: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

6

Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat

bilang.

1. Ano ang pinagkakaiba ng monolingguwal sa monolingguwalismo?

A. ang monolingguwal ay tumutukoy sa tao habang ang monolingguwalismo ay para sa

bansa

B. Ang monolingguwal ay para sa mga guro at ang monolingguwalismo ay para sa paar-

alan

C. Walang pinagkaiba ang dalawa

D. Wala sa nabanggit

2. Ibigay ang tamang paglalarawan sa bilingguwalismo.

A. ito ay ang tawag sa wika

B. Ito ang tawag sa paggamit ng wika

C. Ito ang tawag sa paggamit ng maraming lengguwahe o wika

D. Ito ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lengguwahe o wika

3. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng

dalawang wika o diyalekto nang may ___

A. Kaalaman

B. Kasipagan

C. Kahusayan

D. Kababawan

4. Ano ba ang Bilingguwal?

A. ang tawag sa dalawang wika o diyalekto

B. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita

C. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o diyalekto

D. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o diyalekto

5. Ano ang Multilingguwalismo?

A. kakayahang makapagsalita ng isang wika

B. Kakayahang magsalita ng higit sa isang wika

C. Kakayahang magsalita ng higit sa dalawang wika

D. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 7: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

7

6. Ito ay makaagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng anuman wika.

A. monolingguwal

B. Bilingguwal

C. Lingguwistika

D. Lingguwista

7. Ito ang taong nagsasagawa ng makaagham na pag-aaral ng anumang wika.

A. dalubwika

B. Multilingguwal

C. Polyglot

D. Mananaliksik

8. Taong marunong o makapagsasalita ng maraming wika ngunit hindi nangangahulugan

na isa na siyang lingguwista.

A. multilingguwalismo

B. Polyglot

C. Anawnser

D. Bilingguwal

9. Anong probisyong pangwika ang nagtatadhana ng bilingguwalismo?

A. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

B. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1978

C. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1976

D. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1974

10. Ayon sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977) bakit mabisa ang unang wika bilang

wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral?

A. Madaling maunawaan ang paksang aralin

B. Matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika ang unang wika

C. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa ng mga bata

D. Lahat ng nabanggit

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 8: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

8

Kasanayang Pampagkatuto:

• Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong

pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa: Tonight

with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,Word of the Lourd

(F11PN – Ia – 86)

• Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga kara-

nasan

(F11PD – Ib – 86)

Ano ang mga dapat asahan sa modyul na ito?

Narito ang mga inaasahang magawa ng mga mag-aaral :

1. nakatutugon sa iba’t ibang sitwasyong inilahad gamit ang mga sinasalitang wika;

2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling karanasan;

3. Napahahalagahan ang gamit ng wikang Pambansa batay sa inilahad na mga sitwasyon

maiuugnay sa sariling karanasan.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 9: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

9

Hello, klasmeyt! Kumusta ka? Ikinalulugod kong makita kang muli. Magkasa-

ma nating nalampasan ang mga pagsubok sa unang linggo. Ngayon, ay pani-

bagong paglalakbay na naman ang ating pagsasamahan. Ikaw ba ay nasasabik

na?

Oo, handang-handa na ako!

Hindi na ako makapaghintay, simulan na natin!

Ayos! Tara, at simulan natin sa pag-alaala sa mga paksang tinalakay..

Binanggit noong nakaraang linggo ang iba’t ibang konseptong pangwika

kung saan natutunan natin ang kahulugan at kahalagahan nito sa iba’t ibang salik

ng lipunan. Gayundin ang pagkakaroon ng mga barayti ng wika. Upang

mapatunayan na lubos ang iyong natutunan tungkol sa nakaraang paksa ihanda

ang sarili sa unang pagsubok.

Gawain 1. Maalaala mo kaya?

Panuto: Basahin ang mga tanong at ibigay ang

hinihinging sagot sa bawat bilang.

1-5. Ibigay ang mga barayti ng wika na tinalakay noong nakaraang linggo.

_______________

_______________

_______________

_______________

_______________

6. Tawag sa barayti ng wika na nagkakaiba sa tono, bigkas, anyo ng mga salita, atbp.

__________________

7. Ito ay tawag sa eksklusibong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga propesyonal o mga

gawain. ________________

8. Ito’y paggamit ng iba’t ibang anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-

uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor.

9. Ito ay yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lala wigan. __________

10. ito ay barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o estatus ng isang gumagamit ng wika sa

lipunan. ______________________

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 10: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

10

Gawain 2. Mas maalaala mo kaya?

Sa bahaging ito, susubukin ang iyong kaalaman sa nakaraang paksa tungkol sa Barayti

ng Wika. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang inyong

mga sagot.

I. Isulat kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na pahayag.

1. “Pagkaganda pala ng anak ng mag-asawang are, ah”. _________________

2. Ryan Bang : “I lili lili like it”. _________________

3. “Ipapasa ninyo ang inyong proyekto sa susunod na linggo. Ang hindi makakapagpasa sa

takdang araw ay hindi na tatanggapin”. _______________

4. “You’re so….whatever”. _______________

5. “’Guys, may pagsusulit tayo sa Filipino ngayong araw’’. _______________

II. Tukuyin kung kaninong rehistro ang mga sumusunod na pahayag.

1. Tanggapin si Hesus sa inyong puso sapagkat Siya lamang ang tanging daan para sa in-

yong kaligtasan. _______________

2. Cardo, bibigyan ko ng antibiotics ang iyong anak, kapag hindi pa bumaba ang kanyang

lagnat pagkalipas ng 2 oras ay sabihin mo agad sa akin. _______________

3. Pakibuksan ang inyong aklat sa pahina 63. _______________

4. Your honor, I would like to make a manifestation. As per record of the case, the

dependent was actually present on the crime scene. _______________

5. Kapag ako’y inihalal, titiyakin ko sa lahat na walang magugutom. _______________

III. Pumili sa mga nakasulat sa loob ng kahon kung sa anong larangan nababagay ang

mga sumusunod na jargon.

1. biodiversity _______________ _____________6. vertical groupings

2. G clef _______________ _____________7. prospect

3. Reclusion Perpetua ________ _____________8. mortgage offset

4. drover _______________ _____________9. Blocking

5. Public editor ___________ _____________10. auger

Farming Law Engineering Science

Publishing Mining Music

Education Film and Movies Banking Broadcasting

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 11: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

11

1. Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksy-

on o tugon mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang wikang ito. Isulat sa

speech bubble ang iyong tugon gamit ang iba’t ibang wikang sinasalita mo.

A. Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal mo ng hindi nakikita.

B. Sumakit ang ulo at katawan mo at tila magkakalagnat ka.

C. Inaanyayahan ka ng isang kaibigan para sa kanyang party pero hindi ka makapupunta.

2. Ilang wika ang ginamit mo sa pagpapahayag ng iyong ideya? _______

3. Alin sa mga ito ang iyong;

unang wika _____________

ikalawang wika _____________

Ikatlong wika _____________

4. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng mga sumusunod?

Unang wika _________________________________________

Ikalawang wika _________________________________________

Ikatlong wika _________________________________________

Gawain 3. Sitwasyon ko, Tugunan mo!

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 12: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

12

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangi-

ang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikahain ng wika

ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at walang sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.

Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang karanasan, kaisipan,

damdamin, hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagka-

kataon kaya naman masasabing ang wika ay natatangi lamang sa tao at hindi sa iba pang nila-

lang.

UNANG WIKA

Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at uang itinuro sa isang

tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng

L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang ideya,

kaisipan, at damdamin.

IKALAWANG WIKA

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon na siya ng exposure sa ibang pang wika sa

kanyang paligid. Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natutunan ang

wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya

rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangala-

wang wika o L2.

IKATLONG WIKA

Sa pagdaan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dito ay may iba’t ibang

wika pa syang naririnig o nakikilala na kalaunan’y natututunan nya at nagagamit sa pakikipag-

talastasan sa mga tao sa paligid nyang nagsasalita din ng wikang ito. Nagagamit nya ang

wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang

ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 13: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

13

Gawain 4. Uno, Dos, Tres, Lingua!

1. Ano ang unang wika o L1? Sa paanong paraan nalilinang ang kasanayan ng bata o ng

isang tao sa wikang ito?

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Ano naman ang pangalawang wika o L2? Ano-anong pangyayari sa buhay ng isang tao

ang maaaring magresulta sa pagkakaroon niya ng pangalawang wika?

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Paano naman sumisibol sa tao ag ikatlong wika o L3? Anong pangyayari ang nagbibigay

daan sa pagkakaroon ng isang tao ng ikatlong wika?

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong unang wika? Ano naman ang pangalawang wika mo? May pangatlong wika

ka ba? Paano mo ilalarawan ang tatas mo sa paggamit ng wikang ito?

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 14: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

14

Monolingguwalismo

Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. Iisang wika ang ginagamit na

wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang wika ng

edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-

araw na buhay.

Bilingguwalismo

Ayon kay Leonard Bloomfield (1935) – isang amerikanong lingguwista, ang bilinggu-

walismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito

ang kanyang katutubong wika. Dagdag pa ni John Macnamara (1967) – isa pa ring

lingguwista, ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na mak-

rong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat

sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. Pinabulaanan naman ni Uriel Weinreich

(1953) – isang lingguwistang Polish-American na ang paggamit ng dalawang wika nang

magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay

bilingguwal. Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika

nang matatas sa lahat ng pagkakataon.

Nagagamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika ng halos hindi na matukoy kung alin

sa dalawa ang una at ang pangalawang wika •Mahirap mahanap ang mga taong nakakagawa

nito dahil karaniwang nagagamit ang bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at

sa taong kausap. (Cook at Singleton:2014)

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa

bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na

iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.

Multilingguwalismo

Dahil sa napakaraming wika na umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na

multilingguwal kaya’t nahihirapang umiral sa atin ang sistema ang pagiging monolingguwal.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 15: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

15

Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at

wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay

nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o

wikang kinagisnan.

Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)

Ipinatupad ng Deped ng K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo

partikular sa kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang

unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.

Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang

wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. •Mahalaga ang unang wika sa

panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pun-

dasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Filipino at Ingles

Gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa high

school at sa kolehiyo. Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual

as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to

our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”

Bilang kabataang mag-aaral, malaki ang magiging silbi ng pagkatuto ng higit sa dalawang

wika o ang pagiging multilingguwal. Sa patuloy na pagbabago ng panahon, malaki ang

inaasahan sa mga kabataan upang matugunan ang pamantayan ng lipunang ginagalawan.

Hinihimok silang makisangkot sa mga pangyayari at makapag-ambag ng tulong at upang mag-

ing matagumpay ito nararapat na mayroong sapat na kaalaman at katatasan sa paggamit hindi

lamang ng iisang wika kung hindi higit pa nang sa ganoon ay maging kapaki-pakinabang hindi

lamang sa bansa pati na sa buong mundo. Idiniin din ni Pang. Aquino ang hindi paglimot sa

unang wikang natutunan nang sa ganoon ay mapanatili ang sariling pagkakakilanlan gayundin

ang patuloy na paggamit ng ikalawang wika upang mas mapaunlad pa ito at mapagyaman pa

lalo ang kulturang Pilipino.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 16: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

16

Gawain 5. “Pagsuway ra ni ‘bay!”

Basahin at unawain nang mabuti ang bawat aytem. Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat

tanong. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan at kung hindi magkasya ang sagot ay

maaaring gumamit ng malinis na papel.

1. Ano ang monolingguwalismo? Ang blingguwalismo? Ang multilingguwalismo? Sa paanong

paraan nagkakaiba-iba ang mga ito?

2. Bakit kaya sinasabing mahirap maging monolingguwal ang isang bansang katulad ng Pilipi-

nas. Anong katangian mayroon ang ating bansa na hindi magiging angkop para sa sistemang

monolingguwal?

3. Anong probisyong pangwika ang nagtatadhana ng bilingguwalismo? Sa paanong paraan ito

ipinatutupad sa ating bansa?

4. Bakit mahalagang matutuhan ng isang tao ang wika o wikaing ginagamit sa kanyang paligid?

Sa paanong paraaan maaring makatulong sa isang tao ang pagiging multilingguwal?

Magtala ng 5 paraan.

https://w

ww.go

ogle.co

m/url?sa=i&

url=h

ttps%

3A%2F%

2Fw

ww.vecte

ezy.com%2Fvecto

r-art%2F297451-a-girl-takin

g-th

e-

exam&psig=A

OvV

aw3nF3I5U_N

SHIin

7xQ

2LV

-

P&ust=1

596879

304

339

000

&source=im

ages&cd=vfe&

ved=0

CAIQjRxqFw

oTC

OCQpI_liO

sCFQ

AAAAAdAAAAABAD

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 17: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

17

Panuto. Basahin ang pahayag sa bawat bilang at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Si Pedro ay isang magsasaka mula sa Quezon. Tagalog ang kanyang salita. Gusto niyang

magbenta ng kanyang sinasakang bigas at mais sa Samar. Ngunit ang mga taga-

Samar ay nagsasalita ng Waray. Paano makakausap ni Pedro ang mga ito?

2. Si Julia ay tubong Bohol. Kaluluwas lang niya sa Maynila upang magtrabaho sa isang

pabrika. Paano siya makikipagkaibigan at makikipag-ugnayan nang maayos sa kani-

yang mga katrabaho?

3. Isang mang-aawit si Vina. Kasalukuyan niyag ginagawa ang isang album. Gusto niyang

madaling maintindihan at maging kasiya-siya ang mga awit ditto para sa maraming Pili-

pino. Bilang mang-aawit, ano ang dapat niyang gawin?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 18: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

18

BILINGGUWALISMO

Uriel Weinreich

(1953)

Leonard Bloomfield

(1935)

John Macnamara

(1967)

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTrC1o9VX4Pj0hmL06GeBpQjLp9dLrNz8RgpQ&usqp=CAU

Panuto. Isulat sa kahon ang mga kaisipang inilahad ng mga sumusunod na tao tungkol sa

billingguwalismo.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 19: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

19

Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat

bilang.

1. Ano ang pinagkakaiba ng monolingguwal sa monolingguwalismo?

A. ang monolingguwal ay tumutukoy sa tao habang ang monolingguwalismo ay para sa

bansa

B. Ang monolingguwal ay para sa mga guro at ang monolingguwalismo ay para sa paar-

alan

C. Walang pinagkaiba ang dalawa

D. Wala sa nabanggit

2. Ibigay ang tamang paglalarawan sa bilingguwalismo.

A. ito ay ang tawag sa wika

B. Ito ang tawag sa paggamit ng wika

C. Ito ang tawag sa paggamit ng maraming lengguwahe o wika

D. Ito ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lengguwahe o wika

3. Ang isang tao ay masasabi nating billinguwal kung may kakayahan itong gumamit ng da-

lawang wika o diyalekto nang may ___

A. Kaalaman

B. Kasipagan

C. Kahusayan

D. Kababawan

4. Ano ba ang Bilingguwal?

A. ang tawag sa dalawang wika o diyalekto

B. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita

C. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o diyalekto

D. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o diyalekto

5. Ano ang Multilingguwalismo?

A. kakayahang makapagsalita ng isang wika

B. Kakayahang magsalita ng higit sa isang wika

C. Kakayahang magsalita ng higit sa dalawang wika

D. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 20: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

20

6. Ito ay makaagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng anuman wika.

A. monolingguwal

B. Bilingguwal

C. Lingguwistika

D. Lingguwista

7. Ito ang taong nagsasagawa ng makaagham na pag-aaral ng anumang wika.

A. dalubwika

B. Multilingguwal

C. Monolingguwal

D. Bilingguwal

8. Taong marunong o makapagsasalita ng maraming wika ngunit hindi nangangahulugan

na isa na siyang lingguwista.

A. multilingguwalismo

B. Polyglot

C. Anawnser

D. Bilingguwal

9. Anong probisyong pangwika ang nagtatadhana ng bilingguwalismo?

A. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

B. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1978

C. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1976

D. Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1974

10. Ayon sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977) bakit mabisa ang unang wika bilang

wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral?

A. Madaling maunawaan ang paksang aralin

B. Matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika ang unang wika

C. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa ng mga bata

D. Lahat ng nabanggit

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 21: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

21

I-access ang link na ito https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika at

basahin ang pahina 9 hanggang 10. Isulat sa loob ng kahon ang mga sumusunod na aspeto

ng ating buhay na naaapektuhan ng komunikasyon.

Natapos mo rin ang

ikalawang Modyul,

klasmeyt.

Magaling!!! Kita kits ulit

tayo sa susunod.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 22: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

22

Panimulang pagtataya Gawain 1. Maalaala mo kaya?

1. A 1. Diyalek

2. D 2. Sosyolek

3. C 3. Idyolek

4. D 4. Rehistro

5. C 5. Jargon

6. C 6. Idyolek

7. A 7. Jargon

8. B 8. Rehistro

9. A 9. Diyalek

10. D 10. Sosyolek

Gawain 2. Mas maalaala mo kaya?

I. II. III.

1. Diyalek 1. Pari 1. Science 6. Education

2. Idyolek 2. Doktor 2. Music 7. Mining/Banking

3. Rehistro 3. Guro 3. Law 8. Banking

4. Sosyolek 4. Abogado/Tagapagtanggol 4. Farming 9. Film&Movies

5. Sosyolek 5. Politiko 5. Publishing 10. Farming

Gawain 3. Sitwasyon ko, Tugunan mo!

Iba-iba ang sagot. Nasa guro ang pagpapasya ng marka sa bawat sagot

Gawain 4. Uno, Dos, Tres, Lingua!

1. Unang wika—ang unang wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay arterial na

wika na natutunan natin mula ng tayo’y isinilang

2. Ang pangawalang wika, ayon sa dalubwika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan

ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika.

3. Ikatlong wika. Sa mga taong nasa labas ng katagalugan, ito ang wikang Ingles. Sa orihinal

na kahulugan ang ikatlong wika ay wikang kasunod na natutunan matapos ang pangalawang

wika.. Ito ang wikang natutunan sa tulong ng telebisyon, radio at mga kakilala

4. iba-iba ang sagot. Nasa guro ang pagpapasya ng marka sa bawat sagot.

Gawain 5. Pagsuway ra ni, bai!

Iba-iba ang sagot. Nasa guro ang pagpapasya ng marka sa bawat sagot

Susi ng Pagwawasto

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 23: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

23

Subukin ang natutuhan

1. Dapat ay gamitin ni Pedro ang wikang Filipino para makipag-usap sa mga taga-Samar.

2. Si Julia naman ay dapat gumamit ng Filipino sa pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan

sa mga katrabahong Manileno.

3. Si Vina naman ay dapat kumanta ng mga awitin sa Filipino upang maintindihan ang

mga ito ng maraming Pilipino.

Ilapat ang natutuhan

Bilingguwalismo

Leonard Bloomfield (1935) – ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa

dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika.

John Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista, ang bilingguwal ay isang taong may sapat

na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakiki-

nig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.

Uriel Weinreich (1953) – ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag

na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Pangwakas na pagtataya

1. A 6. C

2. D 7. A

3. C 8. B

4. D 9. A

5. C 10. D

Aklat

Elektronikong sanggunian:

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika

https://www.slideshare.net/chxlabastilla/monolingguwalismo-bilingguwalismo-at-

multilingguwalismo

TALASANGGUNIAN

Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kultura. Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School.

Phiazarra Publishing House, Corp.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 24: 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2 · 2020. 10. 1. · kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag

24

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]