17
De La Salle University – Dasmariñas College of Engineering, Architecture and Technology Isang ananali!si! tung!ol sa !omuni!asyon at dis!urso Submitted by: Ranelie Judith H. Reyes ARC23 Submitted to: Bb. Sugar C. Fernando Guro Disyembre ! 2"2 KOMUNIKASYON

Masining Na Pagpapahayag

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masining na pagpapahayag, filipino subject, descriptions, informations

Citation preview

De La Salle University DasmariasCollege of Engineering, Architecture and Technology

IsangPananaliksik tungkol sa komunikasyon at diskurso

Submitted by:Ranelie Judith H. ReyesARC23

Submitted to:Bb. Sugar C. FernandoGuro

Disyembre 1, 2012KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon.

Mga uri ng komunikasyon:

1. Komunikasyong Intrapersonal - tumutukoy sa komunikasyong pansarili.

2. Komunikasyong interpersonal - tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.

3. Komunikasyong pampubliko - tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.

Mga teorya ng komunikasyon:

1. Intensyonal o di-intensyonal2. Interaktib3. Transaktib4. Pasalita o di-pasalita

DISKURSO

Latin, discursus, Ingles, running to and fro, nangangahulugan ding argumentasyon, discursive reasoning. Ito ay pagpapadala ng mensahe, maaaring pasalita o pasulat; pakikipagtalastasan; tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang inilalahad. (Milrood 2002)

Mga Uri ng Diskurso:

1. Pasalita

2. PasulatKonteksto ng Diskurso:

1. Kontekstong Interpersonal - usapan ng magkaibigan.

2. Kontekstong Panggrupo - pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral.

3. Kontekstong Pang-organisasyon - memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote).

4. Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante.

5. Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN.

6. Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa.

Mga Teorya ng Diskurso:

1. Speech act theory

nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action isang paraan ng pag-convey (pagdala) ng impormasyon

2. Ethnography of Communication

nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita.

Ito ay pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.

3. Communication Accomodation Theory

Sinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba. May dalawang paraan ang akomodasyon:

Divergence

Ang madala na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng pagmamalaking etniko upang ihaylayt ang kanilang identidad

Convergence Nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social approval. Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang kapangyarihan.

4. Narrative Paradigm (naratibong lohika o lohika ng mabuting katuwiran)

Ito ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals; nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika argumento; nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

Iba't-ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant-obserbasyon:

1. Introspection o paggamit ng intuition2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad3. Interviewing o ang isatraktyurd na interaksyon berbal sa mga myembro ng komunidad4. Philology o paggamit ng mga pasulat ng amteryales5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng kahulugang kultural.6. Ethomethodology o detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwistika7. Phenomenology o pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.

Apat na Dimensiyon ng Diskurso:

1. Konteksto2. Kognisyon3. Komunikasyon4. Kakayahan

Mga Paraan ng pagkakabuo ng Diskurso:

1. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari una, sunod, bilang pagtatapos.

2. Pagbabagong lahad sa ibang salita, sa medaling sabi, sa katangiang sabi, sa biglang-sabi, sa kabilang dako

3. Pagtitiyak katulad ng, gaya ng, tulad ng sumusunod

4. Paghahalimbawa halimbawa, sa pamamagitan ng, maihahalimbawa, mailalarawan ito

5. Paglalahat bilang paglalahat, bilang pagtatapos, bilang paglalagom, sa wakas, anupa;t.6. Nagbibigay ng sanhi at dahilan sapagkat, dahil sa.

Paghahambing ng Komunikasyon at ng Diskurso:

Ang diskurso ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon Nagbibigay ng impormasyon Parehong nagpapadala ng mensahe mapasalita man o mapasulat Pang-aliw na nakapagbibigay ng kasiyahan sa kapwa Pangpokus ng atensyon sa mga kausap o mga tagapakinig Humuhubog ng saloobin

Sanggunian:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Komunikasyon

http://en.wiktionary.org/wiki/diskurso

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_diskurso

xa.yimg.com/kq/groups/28423297/1051239272/name/retorika

http://www.youtube.com/watch?v=SZin2t--3HA

http://www.thefreedictionary.com/Discursus

http://en.wikipedia.org/wiki/Discourse

Mga pangunahing personalidad na mahusay sa pagsasalita:

1. Francis J. Kong -isang inspirasyunal at motivational speaker who has been featured in numerous medyor lidersyip conventions here and abroad. Bukod sa pagiging inspirasyunal na tagapagsalita, siya rin ay isang inspirasyunal na manunulat, targeting the working person, employee or professional. Likewise, he is a regular columnist in the Business Page of the Philippine Star.

2. Onofre R. Pagsanghan ipinanganak noong Hunyo 12, 1927. Siya ay kilala bilang Mr. Pagsi; isang guro sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila at kilala bilang sa kanyang mga gawa sa sining ng teatro. Siya rin ang kasalukuyang namumuno sa Tanghalang Dulaang Sibol sa Ateneo de Manila.

3. Alexander L. Lacson ang may akda ng librong 12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country at ang tulang "I am Filipino". Kasalukuyan siyang tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Liberal. Nakapagtapos si Lacson ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1996 at kumuha ng post-graduate na kurso sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts sa Estados Unidos. Nag-aral din siya nang tatlong taon sa PMA (Philippine Military Academy). Kasalukuyan siyang abogado at kasosyo sa Malcolm Law Office sa Lungsod ng Makati.Kasal si Lacson kay Pia Pea na isa ring abogado na nagtapos din sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1993 at kasalukuyang nagtatrabaho bilang legal counsel sa Citibank. Mayroon silang apat na anak. Si Lacson at ang kanyang asawa ay nakapagtayo ng isang foundation na tumutulong sa mga batang mahihirap upang sila ay makapag-aral. Ang institusyong ito ay nakapagtustos ng dalawapu't pitong iskolar sa iba't ibang paaralan sa Negros Occidental, ang probinsyang pinanggalingan ni Lacson.

4. Miriam Palma Defensor Santiago - ipinanganak noong Hunyo 15, 1945 sa siyudad ng Iloilo, Iloilo. Sina District Judge Benjamin P. Defensor at Dimpna Palma Defensor ang kanyang mga magulang. Noong kanyang kabataan, nakuha niya ang pinakamataas na karangalan sa kanyang pagtatapos sa mababa at mataas na paaralan.ay isang Pilipinang pulitiko at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Kilala rin si Miriam Defensor Santiago sa taguring "Iron Lady" dahil sa kanyang matapang, matalisik at mapang-uyam na mga pahayag.Madalas siyang tawaging Miriam. Siya ang tagapagtatag at kasalukuyang lider ng People's Reforms Party. Naparangalan siya noong 1985 bilang TOYM Awardee para sa batas.

5. Miguel Castro Enriquez o siMike Enriquezay isang sikat at iginagalang na tagapagbalita sa radyo at telebisyon saPilipinas. Siya rin ang Bise Presidente para sa radyo ngGMA Network, at pangulo naman ng pang-rehiyon na radyong sangay ng istasyon, angRGMA Network Inc. Ipinanganak noong ika-29 ng Setyembre 1951, siya ay lumaki sa Sta. Ana, Maynila. Siya ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Naging aktibo rin siya sa kanilang simbahan, at naging sakristan pa nga. Nangarap din siyang maging isang pari. Ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang kung kaya naman hindi nila pinirmahan ang isang kasulatan na magpapahintulot sa kanyang manatili sa isang seminaryo hanggang sa siya'y tuluyang maging pari.Sa halip, siya ay pinag-aral sa De La Salle University (DLSU), at pinakuha ng AB LIberal Arts in Commerce. Natapos niya ang kanyang pag-aaral noong 1973 at matapos ay nagturo ng Broadcast Management. Sa kasalukuyan, siya ay miyembro rin ng Board of Trustees ng DLSU Green Hills at tumatayo bilang Ingat-Yaman at Punong-Tagapamahala ng Finance Committee nito.Sa ngayon, siya ay kasal sa kanyang asawang si Lizabeth "Baby" Yumping sa loob ng tinatayang 30 taon, ngunit wala silang anak.

Suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa UPLB student, huli na!

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa babaeng mag-aaral ng University of the Philippines Los Baos (UPLB) noong Lunes.

Sa tulong na rin ng mga kamag-anak ng suspek, isinuko sa pulisya nitong Biyernes si Benigno Cayetano Nayle, na hinihinalang pumatay sa biktimang si Victoria Reyes, agriculture student sa UPLB.

Matapos makakuha ang pulisya ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan sa suspek, tinungo nila ang Tanauan, Batangas kung saan nagtago si Nayle.

Isinuko si Nayle ng kanya mismong lolo na si Gonzalo Atienza na dating kapitan ng barangay sa lugar.

Si Atienza umano ang kumumbinsi sa suspek na sumuko para linisin nito ang kanyang pangalan.

Bagaman itinanggi ni Nayle na sangkot siya sa krimen, iginiit na pulisya na may testigo sila na magdidiin sa suspek.

Sa ulat ng GMA News TVsQRT, sinabi Nayle na may nakaaway siyang killer sa kanilang lugar sa Laguna kaya nagtungo siya sa Batangas.

Ayon kay Atienza, sa bundok natutulog ang kanyang apo mula nang magpunta ito sa Batangas.

Ibinigay umano kay Atienza ang pabuya dahil sa ginawa nitong pagpapasuko sa suspek.

Noong Lunes ay natagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Reyes na patay at may mga saksak. Nawawala rin ang ilang bagay sa loob ng bahay.

Inilarawan ng Bian police dati nang sakit ng ulo si Nayle sa kanilang lugar at mayroon na umanong mga dating kaso. FRJ, GMA News

Gumagawa ng pekeng pera, timbog sa Cebu City; pekeng P1,000, ibinebenta ng P85

Nagsimula sa eksperimento, naging hanap-buhay umano ng isang graphic artist ang paggawa ng mga pekeng pera sa Cebu City.

Sa ulat ni GMA-Cebu reporter Randy Gullon sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing tinatayang P350,000 halaga ng mga pekeng pera ang nasabat sa bahay ng suspek na si Richard Uy sa barangay Kasambagan, Cebu City.

Sa pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI-Region 7) sa bahay ni Uy, nakita dito ang mga pekeng P1,000 at P500 bills, mga foreign currency, at computer at printer na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng pera.

Ayon kay Atty Bernard dela Cruz, operation head ng NBI, bago isinagawa ang raid ay pinabili muna nila ng pekeng pera ang kanilang asset para makumpirma kung positibo ang nakuha nilang impormasyon.

Dagdag ng opisyal, sa isang araw ay kaya umano ni Uy na gumawa ng dalawang bundle ng pekeng pera. Ang pekeng P1,000 ay ibinibenta umano ng suspek ng P85 bawat piraso, habang P80 naman sa bawat piraso ng pekeng P500.

Dalawang tao pa umano na sangkot din sa paggawa ng pekeng pera ang tinutugis ng mga operatiba ng NBI.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Uy ang alegasyon laban sa kanya at haharapin na lamang umano niya ang isasampang kaso.

Kasabay nito, muling nagbabala sa publiko ang opisyal laban sa mga pekeng pera na posibleng kumalat ngayong panahon ng kapaskuhan. - FRJ, GMA News

What does the word talumpati mean? Perhaps youve heard it mentioned in one conversation or another like Hay naku, nagtatalumpati ka nanaman or Si nanay, palagi nalang may talumpati. But if your teacher asked you to explain the full meaning of the word, complete with its literary use, would you be able to explain?Because I was also a student struggling with Filipino class once, Ive decided to make your life easier. After all, you cant really expect kids living in the 21st. century to know Balagtas-speak, can you? Well, your teacher does. So, in order to pass Fil class, here are some things you should know and remember about talumpatis complete with English-Filipino translations. Yes, thank me.Talumpati DefinedAngtalumpatiay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang tao ay umaakyat sa entablado para magsalita ukol sa kanyang mga opinyon at ideya. Simply put, it is an oration, a form in which thought and opinion is expressed through public speech.These are usually used for political or social campaigns where the speaker tries to convince the audience to buy what hes saying. Popular na paraan ang talumpati para mangatuwiran, maghikayat o magbigay impormasyon ukol sa isang paniniwala.May dalawang uri ng talumpati: ang talumpating may paghahanda (done with preparation) at ang talumpating walang paghahanda or, in English, impromptu. Debating is a form of talumpati where the speaker is not prepared and has to rely on his knowledge and skill to deliver his particular opinion.Mga Bahagi ng TalumpatiA talumpati consists of three parts: the beginning (panimula), body (katawan) and konklusyon (conclusion). Because the main aim of a talumpati is to engage or win over the listener to the speakers side, it is important that it is well-strategized.The panimula should be attention-grabbing. Plus, it should inform the audience at once what the speech is about. Next, the body of the oration should be divided into different parts. Each part should support the claim that youre making in a clear, well-thought of way. Lastly, the conclusion ends the oration. Thus, it is important that you make a strong ending to reel in your audience in.Paraan ng PagtatalumpatiThere are three ways in which you can deliver an oration. The first is by reading it (binasa), the second is by memorizing it (sinaulo) and the third is by using an outline (binalangkas).

Different Kinds of TalumpatiFinally, there are 7 different kinds of talumpati, namely:

1. Nagbibigay Impormasyon (Informative)2. Nagbibigay Aliw (Entertaining)3. Nagbibigay Papuri (Praising)4. Nagdaragdag Kaalaman (Educational)5. Nagbibigay Galang (Giving Honor or Tribute)6. Nagbibigay Sigla (Boosting Morale)7. Nanghihikayat (Challenging or Calling to Action)Looking for a samle of a talumpati? Here are a few of the most popular ones by Filipino authors: I am Filipino by Carlos P. Romulo Pagbati sa Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) ni Jose Maria Sison Muling Maging Dakila Ferdinand Marcos

Ranelie Judith H. Reyes Pebrero 2, 2013ARC23Midterms

Waaah! Grabe, hindi ako makapaniwala at hndi ko inaasahan na ako, ako, ako ay mananalo sa patimpalak na ito. Sa dinami-rami ba naman ng kalaban ko tulad na lang nila Andrea Robledo, Princess Velasco, at kung sinu-sino pa, eh, ako pa ang napili.

Sabi nga, huwag mong hayaan ang pangarap mo ay hanggang pangarap na lang. Gumawa ka ng paraan upang itoy maging katotohanan. Kasi nga, kung ayaw may dahilan, at kung gusto, maraming pwedeng paraan. Kaya kung mangangarap kayo, huwag kayong susukong abutin yan. Kumbaga, sugod lang ng sugod, pero alalahanin nyo rin na dapat lagging may dalang armas.

At sa pagtatapos, maraming maraming salamat po sa aking mga taga-suporta, mga kaibigan, at syempre sa aking mga walang sawang pagmamahal, pag-suporta, at pag-unawa ng aking mga magulang at pamilya. Kung di dahil sa kanila, wala po ako ngayon dito sa harapan nyo. Muli, maraming salamat at magandang umaga po sa inyo.

Ranelie Judith H. Reyes Marso 15, 2013ARC23 Finals

Ako si Raine. Labing-anim na taong gulang. Nasa ika-apat na taon sa high iskul. Dalawa lamang kaming magkapatid. Bunsong kapatid ako ni kuya Jerekin.. Ang aming pamilya ay mayaman at masagana. Ngunit, sa kabila ng mga iyon, walang sino mang makaiiwas sa mga kung anu-anong klase ng sakit: sakit sa ulo, tiyan, katawan, at kung saan-saan pa.

Ang aking kuya ay kasalukuyang nag-aaral bilang 2nd yr. na kolehiyo, mabait, masipag at matulungin. Dati rati, malapit na malapit kami sa isat-isa. Sabay kaming kumakain at tinutulungan nya ako sa aking mga takdang-aralin. Subalit nong isang araw, may napapansin na akong kakaiba sa kanya. Ang mga kilos nya, lahat. Makalipas ang dalawang buwan, ay parang mas lumala ang sakit ng aking nakatatandang kapatid. Tinawagan ko ang aming mga magulang upang ipaalam ang kakaibang nangyayari kay kuya. Ang aming ina ay dali-dali namang umuwi upang dalhin sa doktor si kuya. An gaming ina ang kasama naming pumunta sa doktor dahil sobrang daming ginagawa ng aming ama kaya susunod na lang daw lamang siya. Nagkuwento naman ako sa aming ina tungkol sa mga napapansin ko kay kuya. May isang pagkakataong nagtatangka siyang magpakamatay sa gitna ng kalsada. Buti na lamang ay naitulak ko siya papalayo sa paparating na sasakyan. Pagkatapos ko siyang mailigtas sa panganib, ay bigla naman itong nagalit ng sobra. Niyaya ko na siya pauwi pero mahirap na siyang pakisamahan di tulad ng dati. Minsan ay sobrang saya niya, at pagkatapos, magpapalit naman ng ugali: sobrang lungkot, galit, at medaling mairita.

Sana nga e may gamot sa sakit na ito. Mahirap pigilan ang sakit ng kuya ko dahil ang utak at ugali niya ang naaapektuhan. Pati na rin ang kanyang mga mahal sa buhay ay nadadamay ng kanyang karamdaman.