95
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (FILKOM) Inihanda ni: JEFFREY T. DE LEON, MAT

147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FIL 1

Citation preview

Page 1: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (FILKOM)

Inihanda ni:

JEFFREY T. DE LEON, MAT

Page 2: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo (Webster, 1974)

Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, What is language)

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Gleason)

KATUTURAN NG WIKA

Page 3: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.

KATANGIAN NG WIKA

Page 4: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.

Page 5: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ginagamit . Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.

Nakabatay sa kultura. Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Halimbawa; Ice formations (Ingles) = yelo at nyebe (Filipino)

Nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Halimbawa nito ay mga salitang balbal, pangkabataan, pamprodukto

Page 6: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Teoryang Ding-dong

Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng pagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha ng wika. Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng iba’t ibang mensaheng nais iparating sa mga nakikinig.

2. Teoryang Bow-wow

Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.Bunga ito ng kakulangan ng kaalaman sa mga salita ng mga primitibong tao noon kaya kahit paano, nakatulong ang mga tunog na naririnig mula sa iba’t ibang hayop sa paglikha ng sarili nilang wika.

TEORYA NG WIKA

Page 7: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Teoryang Yum-yum

Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Patunay nito, lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige. Pag-iling naman ang kasabay ng mga negativ na tulad ng hindi o ayaw. Subukin kaya nating baligtarin?Magsalita ka ng hindi sabay sa pagtango, at oo naman sabay sa pag-iling. Kapansin-pansin ang kawalan ng koordinasyon.

4. Teoryang Ta-ta

Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika . Ang ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.

Page 8: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

5. Teoryang Pooh-Pooh

Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.

6. Teoryang To-he -ho

Nalikha dahil sa pwersang gamit . Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay. Hal; pagbubunot ng sahig , pagpihit ng turnilyo.

Page 9: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

7. Teoryang Tara-Boom-De-Ay

Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Page 10: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Personal

Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan.

Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yaoooooooo!

Nhelo: Balato naman diyan!

2. Imajinativ

Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga.

Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?

Christian: Siyempre, ang makalipad tulad n g isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo.

TUNGKULIN NG WIKA

Page 11: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Interaksyonal

Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon.

Hal: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll.

Abrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko!

Page 12: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

4. Informative/Representasyonal

Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pa’t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.

Hal; Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye?

Jaja: A, talaga?

5. Instrumental

Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan.

Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.

Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema.

Page 13: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

6. Regulatori

Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay manghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.

Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500

George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito.

7. Heuristik

Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o profesyonal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.

Hal: Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay isang halimbwa ng patay na wika o frozen language.

Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaaangkop sa pagbabago ng panahon , upang matuloy at umunlad.

Ang wikang Latin ay nisa rin sa halimabwa ng patay na wika.

Page 14: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa lansangan.

LIMANG ANTAS NG WIKA

Page 15: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

2. Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon 3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan. 4. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.

Page 16: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

5. Pampanitikan – Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.

Page 17: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

HALIMBAWA; (Limang Antas ng Wika)

Balbal Kolokyal Lalawiganin Pambansa Pampanitikan

1. Syota- Kasintahan

2. Chokorandehins- hindi kaibigan

3. Datung- pera

4. Mudracles- ina/nanay

5. Todas- patay

6. Olats- talo

7. Dekwat- nanakaw

8. Chaka-pangit

9. Purita- mahirap

10.Tsongke-marijuana

11.Lafang-kumain ng marami

12.Bratinella- babeng pasaway omaldita

13.Lanjut- malandi

14.Bebot- babae

15.Bokal- Kalbo

1. Mayroon- meron

2. Dalawa- dalwa

3. Diyan- dyan

4. Kwarta-pera

5. Na saan- nasan

6. Paano- pano

7. Saakin-sakin

8. Kailan-kelan

9. Ganoon-ganun

10.Puwede-pede

11.Kamusta-musta

12.At saka- tsaka

13.Kuwarto- kwarto

14.Pahingi- penge

15.Naroon- naron

1. Malakat (Hiligaynon)- aalis

2. Natuod (waray) – naniniwala

3. Mapintas (ilocano) – maganda

4. Nasi (kapampangan)- bigas

5. Bilot (Batangueño) –tuta

6. Igsura (bisaya) –ulam

7. Sinsilyo (Bicolano)- barya

8. Luslus (kapampangan)- luwas

9. Amo (Aklanon)- unggoy

10.Hinigugma (Bisaya) – maha

l11.Ilol (pangalatok)- laway

12.Manog (Kiniray-a) –ahas

13.Kalibutan (Bisaya)- Mundo

14.Maupay (bisaya)- maganda

15.Magakal (Maranao)-magsinungaling

1. Malaya

2. Buhay

3. Pagkain

4. Dangal

5. Tao

6. Takdang Aralin

7. Umaga

8. Simbahan

9. Wika

10.Bansa

11.Bayan

12.Buhay

13.Puso

14.Panaginip

15.Hangrin

1. Ipamintakasi-ipagdasal

2. Isulat sa tubig- makalimutan

3. Makati ang dila- madaldal

4.naniningalang-pugad –nanliligaw

5.maitim ang dugo – salbahe

6.paham- matalino

7.katoto- kaibigan

8.mapagkandili- mapag –alaga

9.pakikipaglamas- pakikipaglaban

10.siniphayo-inapi

11.panibugho-pagkainggit

12.mawatasan-maintindihan

13.Pang-uuyam – paglait

14.Nanghihilakbot – Natatakot

15. pag-aglahi- paghamak

Page 18: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Kahulugan ng Varayti

Pagkakaroon ng natatanging katangian nanauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal

Halimbawa;

VARAYTI NG WIKA

Page 19: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp.

Halimbawa:

Kung guro sa Filipino ang kausap:

Ginoo, di ko po maunawaan/maintindihan

Kung kaklase ang kausap:

Ano ba ‘yan? Di ko gets!

Page 20: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika

Halimbawa:

Karaniwang Filipino:

Maghugas ka ng plato.

Tagalog-Bulacan:

Mag-urong ka ng pinggan

Page 21: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika

Halimbawa:

A. Permanente B. Pansamantala

Dayalekto Register

Idyolek Estilo

Moda/Paraan ng Pagpapapahayag

URI NG VARAYTI (Ayon kay Cafford)

Page 22: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. DAYALEKTO – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary).

PERMANENTENG VARAYTI

Page 23: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Sa Morong Rizal: • Ikaw na ba ang SUSUNOR? • Kunin mo nga ang SANROK. • Ang laki ng RAGA! • Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.

Sa Bulacan:

• pila – baterya ng sasakyan • saukan – sawsawan • tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka) • kayo – tela • lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria • patuka – feeds • jokak – libreng pakain

Page 24: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

2. IDYOLEK – ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao. Halimbawa: (Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga paaralang pribado at eksklusibo sa Metro Manila: Taglish o Enggalog ) • “It’s not that na galit na galit ako. It’s just that. Nakakasabaw.

SOBRA.” • “Grabe. Solid talaga.” • “Hindi naman one-sided ako. Hindi ba dapat multiple murder sa halip

na rebellion?” • “Kaya kung true yung 2012, ok na rin yun. Kawawa younger

generations.”

Page 25: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. REGISTER – anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor . Halimbawa: (Talakayan sa klase ng International Affairs) • Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan

ngayon? • Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign troops para i-secure ang

democratic government sa Iraq. • Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil

deposits ng Iraq. • Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging successful ang mediation at

diplomatic actions ng USA noon.

PANSAMANTALANG VARAYTI

Page 26: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

(Talakayan sa klase sa Filipino)

• Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay?

• Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang mundo.

• Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga tao.

(Klase sa Law School)

• Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa Maguindanao Massacre at sa mga kasong isinampa sa mga suspect.

• Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng rebellion case, dapat, multiple murder.

• Estudyante 2: Mahina po ang kasong rebellion at maaaring tactics nila ‘yan para ma-subsume ng rebellion ang iba pang crimes.

• Estudyante 3: Magkakaroon po ng whitewash. Nakikita po natin na ang DOJ ay walang gana sa pagsasampa ng kaso.

Page 27: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

4. TENOR/ESTILO

Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika

Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika (lalo kung ang kausap ay malapit na kaibigan)

Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika

5. MODA

Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)

May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat

Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site, maluwag.

Page 28: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Halimbawa: Modang Pasalita Modang Text

• E1: Kain na tayo.

• E2: Tara. San?

• E1: Sa resto.

• E2: San nga e?

• E1: E di sa Gerry’s.

• E2: Okey.

E1: Kain tau. E2: Wer? E1: Resto E2: Wat resto? E1: Khit san E2: S Gerry’s n lng E1: K

Page 29: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

6. SOSYOLEK

Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o factor .

Halimbawa;

• Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown"

• Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay “kleptomaniac", sa mahirap tawag dito ay " magnanakaw.

Page 30: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

• Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at masakit ang ulo mo meron kang “migraine".

• Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka naman, meron kang "scoliosis".

• Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag mayamn ka na maitim ikaw naman ay "Morena".

• Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo class ka naman tawag sa yo ay "payatot"

• Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng mahirap ay "bobo“

Page 31: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

7. PIDGIN

“Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang transaksyon sa negosyo atbp.); walang masalimuot o kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan o bokabularyo; walang native speaker nito dahil paghahalu-halo lamang ng mga wika.

Halimbawa ng pidgin sa English;

• You buy this? (Will you buy this?)

• You go back when? (When will you go back?)

• Boss, in or out? (Is the boss in the office or somewhere?)

Page 32: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

8. CREOLE

Ang pidgin, kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao ay tinatawag nang creole

Pidgin na nagkaroon na ng mga native speaker

Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas malalawak na larangan o field

Halimbawa: Chavacano

Page 33: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

“Sa alinmang bagay ay wala nang napakamahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang panlahat”

- Pangulong Manuel L. Quezon

Wikang Pambansa

- Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit nito sa pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop nito.

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS

Page 34: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa

1. Bigkis ng pagkakaisa.

2. Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.

3. Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.

4. Ugat ng nasyonalismo.

5. Kaluluwa ng bayan.

Apat na Hakbang sa Pagpapalanong Pangwika

1. Pagpili ng wikang saligan.

Batayan sa Pagpili ng Batayang Wika:

a. Higit na maunlad na istrukutura.

Page 35: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

b. May mekanismo.

c. Mabisang nagagamit sa panitikan.

d. Tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

e. Mayaman sa koleksyon ng panitikan at pananaliksik.

f. Malawak na ginagamit sa kabisera.

2. Kodipikasyon ng porma o anyo ng napiling wikang saligan.

(paglalahad ng deskripsyon ng kayarian, tuntunin ng wastong pagpapahayag, paghahanda ng diksyunaryo)

Page 36: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tungkulin ng wika upang ito ay matanggap at magamit ng taong bayan.

4.

Mahahalagang Batas, Kautusan, Proklama at Tanggapang Pampamahalaan na may kinalaman sa kaunlaran ng ating wikang pambansa.

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Page 37: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV) – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Nobyembre 13,1936 – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.

Page 38: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Surian ng Wikang Pambansa

Pangunahing Layunin: piliin ang katutubong

wika na gagamiting batayan ng

pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang

pambansa ng Pilipinas.

Mga Nahirang na Kagawad:

1. Jaime C. Veyra - (Visayang Samar) Tagapangulo

2. Cecilio Lopez - (Tagalog) Kalihim at Punong

Tagapagganap

Page 39: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Santiago Fonacier - (Ilokano), Kagawad

4. Filemon Sotto - (Visayang Cebu), Kagawad

5. Felix S. Salas Rodriguez - (Hiligaynon), Kagawad

6. Casimiro Perfecto - (Bikol), Kagawad

7. Hadji Butu - (Muslim), Kagawad

Disyembre 30, 1937, naiproklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Page 40: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936, Seksyon 8, talatang (5) Batayan sa Paghirang sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa: (1) sapagkat napatunayang ang wikang “higit” na maunlad sa istruktura/kayarian (2) maunlad sa mekanismo (3)mayaman sa literatura (4) tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyang panahon ng pinakamaraming mga Pilipino”. Disyembre 13, 1939 – nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang

Pilipino si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino). Hunyo 19, 1940 -- sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa

lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Hunyo 4, 1946 -- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na

nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Page 41: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Agosto 13, 1959 -- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mapaikli ang mahabang ka

Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang direktiba sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 bilang pagpaparangal kay Balagtas.

Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7) – Pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika bilang pagpaparangal sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” noong Agosto 19.

Page 42: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) – Pagpangalan sa Pilipino ng mga gusali, episidyo at tanggapan ng pamahalaan.

Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96) – Pagsasalin sa Pilipino maging ng mga letterhead,kaukulang teksto sa Ingles at pormulasryo sa mga kagawaran, tanggapan at sangay pampamahalaan.

Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

Page 43: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) - Pinagtibay ng magkatuwang na ipinatupad ng Surian ng Wikang Pambansa at Ministri ng Edukasyon -- ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal na nagbibigay-diin sa magkahiwalay na gamit ng Pilipino at Ingles sa mga piling asignatura at paksang-aralin.

Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9) – ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Enero taong 1987 -- batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.

Page 44: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Agosto 14, 1991 -- nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335- Ipinag-utos ng Pangulong

Aquino na gamitin ang Filipino sa lahat ng transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan.

Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104) – Pinahaba ang pagdiriwang ng

pagdakila sa papel ng wikang pambansa, nagtagubilin si Pangulong Ramos sa iba’t ibang sangay o tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng Buwan ng Wikang Pambansa.

CHED Memo blg. 59 – Nilagdaan ni Pangulong Ramos na nagtatadhana ng 9 na yunit ng Filipino sa kolehyo

Page 45: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ponolohiya

ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog

pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Ponetiko

ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas

ANG PONOLOHIYANG FILIPINO

Page 46: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ponema

ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika

( Phoneme) phone -- tunog

eme -- makabuluhan

tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita. Hal. galang, dalang, balang

Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki

Page 47: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga

2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)

3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador

Tatlong Salik sa Pagsasalita

Page 48: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16

/ b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/.

2 URI NG PONEMA

Paraan ng

Pagbigkas o

Artikulasyon

Punto ng Artikulasyon

Panlabi

(bilabial)

Pangngipin

( dental)

Panggilagid Pangngalala Panlalamunan

(Larinjal)

Impit

(glottal) Matigas

(palatal)

Malambot (velar)

Pasara: w.t.

Pasara: m.t.

p

b

t

d

k

g

?

Pasutsot: w.t.

(Fricative)

s h

Pailong: m.t.

(nasal)

m n ŋ (ng)

Pagilagid: m.t.

(lateral)

l

Pangalatal:

m.t. (flap)

r

Malapatinig: m.t.

y w

Page 49: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

2. Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English. (ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita—Allophone) Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/. Halimbawa: kalabaw reyna kahoy saklay giliw baduy

Page 50: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang ka-ka-hu-yan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).

Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc.

Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Page 51: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Halimbawa;

pyesa trabaho klase

gripo produkto tsansa

tabla gyera timpla krus dyamante mwebles

Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).

Page 52: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pares Minimal ay magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon . Hal. pala-bala ; hari- pari, pasa – basa

Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone)–ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagbabago sa kahulugan ng salita , ay sinasabing malayang nagpapalitan ang e at I; o at u. Hal. lalake- lalaki, bibi- bibe, tutoo-totoo.

Page 53: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ponemang Suprasegmental ay sumisimbolo ito sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan nb pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.

Saklaw ng ponemang suprasegmental ang sumusunod; ang intonasyon, tono, punto, haba, diin at antala.

1. Intonasyon, Tono at Punto

Ayon kay Resuma (2002) ang pagkakaiba ng intonasyon sa punto at tono. Sa ganang kanya, ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng tagapagsalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

Ponemang Suprasegmental

Page 54: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels; ang mataas (3), katamtaman (2) at mababa (1) tulad ng makikita sa ibaba.

a.) b.)

² Nandito siya ka ¹ ni ³na na? ² Nandito siya ka ³ni ¹na na.

2. Haba at Diin

Sa pagkalahatan, ang haba aat diin ay tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. Samantala, ang diin o stress ay tumutukoy sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita. Ginagamitan ito ng gramatikang tuldok /. / upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin.

Page 55: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Halimbawa;

aso - / ‘a.so h/ = dog

/ ’aso h/ = smoke

3. Antala o Hinto

Ayon kay Santiago (2003) ang antal o hinto ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid. Sa pasulat na anyo, ang antala ay maaring ihudyat ng mga bantas tulad ng kuwit ( , ), tuldok ( .) , tuldok-kuwit (; ) o ng tutuldok ( :

Page 56: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Halimbawa;

a. Hindi ako ang may kasalanan.

b. Hindi, ako ang may kasalanan.

Narito pa ang ilang halimbawa;

Doktor Juan Miguel ang buo kong

pangalan.

Ang doktor na siya ring ang tagapagsalita ay

nagngangalang Juan Miguel Manuel.

Doktor , Juan Miguel ang buo kong

pangalan.

Ang tagapagsalita ay nagpapakilala sa doktor na siya

ai si Juan Miguel Manuel.

Doktor Juan , Miguel ang buo kong

pangalan.

Ang tagapagsalita na nagngangalang Miguel Manuel

ay nagpapakilala kay Doktor Juan.

Page 57: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salitang isang wika.

Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.

ANG MORPOLOHIYANG FILIPINO

Page 58: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan- lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila. (ina, dilaw, takbo) 2. Morpemang binubuo ng isang ponema - matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila– senado/ senadora; kusinero/ kusinera, sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae— barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia, manang / manong, abogado/ abogada at iba pa. Nangangahulugang ang mga ponemang ito ay may hatid na kahulugan kaya maituturing ito bilang mga morpemang binubuo ng isang ponema. 3. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. bHindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan.

Tatlong Anyo ng Morpema

Page 59: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan.

Page 60: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Asimilasyon

Sakop ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa /ŋ /sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog

a) Parsyal – kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ / at ito’y ikinakabit sa isang salita o salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /ŋ / ang /m/ .

Hal. / m /- (p, b) - pang + paaralan = pampaaralan

- pang + bayan = pambayan

/n/- (d, l, r, s, t) - pang + taksil = pantaksil

- pang + dikdik = pandikdik

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

Page 61: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

b) Ganap – tinatanggal ang unang titik ng salitang-ugat. Hal. Pang+palo = Pamalo Pang+tali = Panali 2. Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita kapag patinig ang huling ponema sa unlapi. a. /d/ → /r/ Hal. m a+ dunong = marunong ma+dumi = marumi

Page 62: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

b. /d/ → /r/ ( kung ito ay hinuhulapian ng ( -an) o (-in), ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.) Hal. tawid + an = tawiran lapad+an = laparan c. /o/ → /u/ Hal. dugo+an = duguan d. /h/ → /n/ Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/. Hal. Tawa+han = tawanan

Page 63: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Metatesis - kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l / o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon. Hal. linangoy - nilangoy Iinuto - niluto yinakap- - niyakap 4. Pagkakaltas ng Ponema- ang pagkakaltas ng ponema ay nagaganap kapag ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang ugat ay nawawala sa sandaling ito’y hinunlapian tulad ng matutunghayan sa mga sumusununod.

Page 64: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Hal. asin + an – asnan bilihan - bilhan bigayan - bigyan

Ang Paglilipat-diin Karaniwan sa mga salitang-ugat ang pagkakaroon ng diin sa ikalawang pantig buhat sa huli. Kapag ang mga salitang-ugat na ito’y nahulapian ng –in/ hin at an/ han lumilipat ang diin. Kung minsan nagkakaroon pa ng kaltas ang salita. alíw + in = aliwín dáya + in = dáyáin pintá + han = pintahán bása + han = basáhan pútol + in = putlín?

Page 65: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala at mga sugnay.

Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap.

Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.

Tinatawag ding palaugnayan na may kinalaman sa sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.

Parirala - lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

Halimbawa: mag-aral magmaneho; hinggil sa pagpapabahay sa

mahihirap

Sintaks

Page 66: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Sugnay – Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at panaguri at maari ring wala.

Sugnay na Makapag-iisa/Malayang Sugnay/ Punong Sugnay- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. (payak na pangungusap)

Halimbawa: Ako ay nakahiga. ; Ang batang matalino. ; Samahan mo kami sa sine!

Sugnay na di-makapag-iisa/Pantulong na Sugnay - Wala itong diwa kung di isasama sa isang punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang pangatnig.

Halimbawa: Ako ay nakahiga nang siya ay dumating. ; Kung aalis ka, iwanan mo ang susi.

Pangungusap - lipon ng mga salita na binubuo ng paksa at panaguri upang maipabatid ang mensahe.

Paksa- pinag-uusapan sa pangungusap; Panaguri-nagbibigay turing sa paksa.

Page 67: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang panaguri kaysa paksa.

Halimbawa: Taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan ang Ati-atihan.

Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang paksa kaysa panaguri at idinaragdag ang panandang ay.

Halimbawa: Ang Ati-atihan ay taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan.

Dalawang Ayos ng Pangungusap

Page 68: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Payak na pangungusap – binubuo ng isang paksa at isang panaguri na may iisang diwa. May payak na paksa at payak na panaguri . Hal. Pinsan ko po siya . May tambalang paksa at payak na panaguri . hal . Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral . May payak na paksa at tambalang panaguri hal . Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit . May tambalang panaguri at tambalang paksa . hal . Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

Tambalang Pangungusap - binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap, dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan. Pandugtong = pangatnig = at, o, pero , ngunit , subalit o datapwat Hal. Pumunta kami sa Mall of Asia at nakita naming lahat si Alden Richards.

Anyo ng Pangungusap

Page 69: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Hugnayang Pangungusap - Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. Buo ang diwa ng isang sugnay , habang ang isang sugnay ay hind. Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase.

Langkapang Pangungusap – Dalawa o higit pang punong sugany at dalawa o higit pang pantulong na kaisipan. Hal. Nagalit si Sir Hilario at pinagsabihan kami dahil maingay kami at hindi nakikinig.

Page 70: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang

tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at mag. Hal. Nagsulat ng tula si Perla.

Nagtungo ako sa bahay -ampunan

2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa. Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.

Pokus ng Pandiwa

Page 71: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng

kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han. Hal. Pinaglutuan ni Nena ng bigas ang kawayan.

Pinaglalaruan ng mga bata ang parke. 4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na isinaad ng

pandiwa. Panlapi– I, ipang- , at ipag. Hal. Ikukuha ng tatay sa bukid ng bayabas si Totoy.

Ipinaglaga ng manggamot ng luya ang pasyente.

Page 72: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa o ang binibigyang pansin ng pangungusap ay ang gamit na bagay o kasangkapan upang maisakatuparana ng kilos na isinasaad

ng pandiwa. Panlapi– ipang-. Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

Ipinagwalis ng alikabok ang walis tambo. 6. Pokus sa Sanhi–pokus dito kung ang paksa o ang binibigyang tuon ng pangungusap ay ang sanhi

o dahilan ng kilos isinasaad ng pandiwa. Panlapi– ika-, Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.

Ikinapamayat niya ang labis na pagtatrabaho. 7. Pokus Resiprokal/direksyunal– ang pandiwa ay nasa direksyunal pokus kung ang paksa o ang

binibigyang diin ng pangungusap ay ang direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi-- mag-, at mag –an. Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.

Pinasyalan ng mga bata ang Corregidor.

Page 73: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Kahulugan ng Pakikinig

Pakikinig Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

• MGA KASANAYANG PAGKOMUNIKASYON

Page 74: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat

Page 75: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig 2. Oras Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.

Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.

May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.

Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.

Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Page 76: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae

Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.

Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga

ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip

4. Tsanel

Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.

Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

Page 77: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

5. Kultura Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin

nating mga Kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat

habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.

6. Konsepto sa sarili Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa

pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.

Page 78: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

7. Lugar

Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.

Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

Page 79: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Eager Beaver

Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

2. Sleeper

Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.

3. Tiger

Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

Uri ng Tagapakinig:

Page 80: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

4. Bewildered Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig. 5. Frowner Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres. 6. Relaxed Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Page 81: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

7. Busy Bee

Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

8. Two-eared Listener

Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

Page 82: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pagsasalita - Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita Kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro. Tatlong Batayan sa Epektibong Pagsasalita 1. Kaalaman 2. Kasanayan 3. Tiwala sa Sarili Uri ng Pagsasalita 1. Pagbasa sa itinakdang papel 2. Memoryadong Pagsasalita 3. Improntu 4. Ekstemporenyus

PAGSASALITA

Page 83: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

a. Logos. (Lohikal) –tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng mensaheng inilhad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

b) Pathos. (Pathetic) - tumtukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdiyens. Nararapat maramdaman ng awdiyens ang sinseridad ng ispiker hindi lamang sa paraan ng pananalita, gayon din naman sa pagkamakatotohaann sa kanyang sinabi.

c) Ethos. (Ethical) - tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang mga awdiyens at makakatulong ito upang mas mapataasang tiwala sa kanyang sarili.

Mga Pananaw sa Pagsasalita

Page 84: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pagbasa- ipinalalagay ni Goodman na isang isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Ayon naman kay Austero et al., paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.

PAGBASA

Page 85: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

.Teoryang Bottom-Up

Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.

Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto.

Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto

Mga Pananaw o Teorya sa Pagbasa

Page 86: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Teoryang Top-Down

Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.

Sa teoryang ito, ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Kung wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin.

Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.

Page 87: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.

Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon: ibaba-pataas at itaas-pababa.

Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi isang produkto

Page 88: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Teoryang Iskema

Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa.

Iskima –Mahalaga ang dating kaalaman

a. Para maikumpara sa binabasa

b. Kung makitang mali ang unang alam, papalitan ng panibago

Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat dagdagan , bawasan o hindi ang kanyang naunang kaalaman.

Page 89: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Iskiming (Skimming)

Ito ay ang pinararaanang pagbasa. Ginagamit ito sa pagpili ng materyal na babasahin, sa pagtingin sa teksto bago tuluyang basahin, at sa paghahanap ng babasahing tutugon sa pangangailangan kaugnay ng paksang sinasaliksik. Sa uring ito’y mabilis ang nagagawang pagbabasa dahil mabilis ang paggalaw ng mga mata upang makuha ang pangkalahatang kaisipan o impresyon. Ito’y isang pahapyaw na pagtingin (glance), at isang eksaminasyong superfisyal sa aklat.

2. Iskaning (Scanning)

Ito’y ang paghahanap ng isang tiyak na informasyon sa aklat. Maari ring hinahanap dito ang mga sagot sa mga tiyak na tanong. Ito’y pag-iimbestiga o paghahanap sa mga pahina ng aklat upang ganap na makuha ang tinatarget na informasyon. Mas matagal ito sa iskiming ngunit hindi tumututok sa aklat na babasahin.

Mga Uri ng Pagbasa

Page 90: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

3. Masinsinang Pagbasa

Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o hanggang limang pahina ang haba. Maaring ito ay bahagi ng tula, maikling kuwento, sanaysay at iba pang uri ng akda at iniuukol ang pag-aaral sa kayarian at nilalaman ng akda.

4. Masaklaw na Pagbasa

Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang mas maaga. Maaaring ito ay isang buong maikling kuwento, kabanata ng nobela o isang drama at nakatuon ang pag-unawa ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.

Page 91: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

Pagsulat isang set ng nakalimbag na simbolong kumakatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring mabigyang-kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.

PAGSULAT

Page 92: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Kaisahan

Bawat pangungusap ay kailangang tumalakay o may kinalaman sa pangunahing paksa. Hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Ginagamit nang wasto ang mga salita (pangatnig) para sa transisyon. Ang mga pantulong na salita (pang-angkop, pantukoy) ay nagagamit din ng wasto.

May isang sentral na ideya at ito’y hinuhugisan o dinidevelop.

Umiikot ang talakay sa paksang sinusulat.

Hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan.

Ginagamit nang wasto ang mga salita para sa transisyon.

Istandard na Isinasaalang-alang sa Pagsulat

Page 93: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

2. Kasapatan (Sufficiency)

May sapat na datos- detalye, halimbawa, tuwirang sabi, o rason na sumusuporta sa iyong tinatalakay.

3. Koherens (Coherence)

Ang mga pangungusap ay kumokonekta sa bawat isa sa paraang lohikal. Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinusundan at sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talataan.

Maayos sa pagdurugtong-dugtong ng mga pangungusap.

Lohikal at efektiv na pagkakaayos ng mga datos/informasyong nakalap.

Nakikita ang lohika (logic) ng sulatin.

Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinundan at sumunod na talataan.

May “fluency” at “eloquence” ang sinulat.

Page 94: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

4. Kalinawan (Clarity)

Ang mga pangungusap ay malinaw, hindi magulo ang development at naiintindihan ang gustong sabihin. Libre sa “litters” o kalat ang pangungusap at talataan. Eksakto o tama ang salitang ginamit. Ang ispeling ay wasto. Dapat na ang pangungusap ay nagsasabi ng gusto mong sabihin. Hindi dapat maligoy ang pangungusap at kung saan-saan napupunta ang “flow”

ng diskasyon. Maging klaro/malinaw sa pangangatwiran. Dapat na kumpletong naiintindihan ng mambabasa ang gustong sabihin. Ang grammar ay tama. Tama ang gamit ng bantas.

5. Emfasis/Diin (Emphasis)

Sino o ano ang ihahaylayt?

Page 95: 147232061 Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

1. Ekspresiv – pampersonal na sulatin.

2. Formulaic – may sinusunod na istandard/format sa pagsulat tulad ng mga liham pangkalakal, tesis, disertasyon, teknikal at sisyentipikong report.

3. Imaginativ – mga akda na likhang isip ng manunulat tulad ng mga dula (plays) at kwento (stories).

4. Informativ – nagbibigay ng informasyon at evidensya tulad ng mga report, ulat, balita at iba pa.

5. Persweysiv – mga sulating nanghihikayat tanggapin ang sinasabi ng awtor o mapaniwala ang mga bumabasa tulad ng sanaysay, tanging lathalain at iba pa.

Mga Uri ng Sulatin