Kasaysayan at Pagkabuo ng Wikang Pambansa

Preview:

Citation preview

KASAYSAYAN AT PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA

Tinalakay ni: Rochelle S NatoSanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoSanggunian: Dolores R. Taylan et.al (Akda)Aurora E. Batnag (Koordineytor)

Layunin

• Nailalahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa

• Natatalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas

• Nakabubuo ng sariling opinyon tungkol sa pagpilii sa Tagalog bilang batayan ng pambansan wika ng Pilipinas

• Nakapagsasagawa ng saliksik sa mga kasalukuyang isyung pangwika.

Ano Para saiyo ang Tagalog, Pilipino, at Filipino

TAGALOG PILIPINO

FILIPINO

DUGTUNGAN TAYO..

• Dugtungan ang bawat pahayag sa loob ng kaho para mabuo ang diwa. Sikaping gamitin ang alinmang salitang "Tagalog" sa pahayag na idurugtong..

• Halimbawa: Talagang masaya pa ang Pilipinas...

• Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung nasa wikang Filipino ang usapan.

• 1. Mas uunlad pa ang Pilipinas....

• 2. Pinoy ako...

• 3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong.....

• Sa aming Bayan...

• Ang kasintahan ko ay...

• Ang katangian ng magiging kabiyak ko....

Ang pinag mulan ng mga Wika ng Pilipinas

• Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, ESPANYOL ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.

• INGLES AT ESPANYOL ang wika noong sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas.

• Marso 4, 1899 - Wikang Ingles ang tanging wikang panturo batay sa rekomendayon ng Komisyong Schurman

• 1897 - Tagalog ang itinadhanang opisyal na wika ayon sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak na Bato

• Enero 21, 1899 - Itinahadana naman pansamantalang gamiin ang Espanyol bilang opisyal na wika ayon sa Konstitusyon ng Malolos.

• Marso 24,1934 - Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas.

• Pebrero 8, 1935 - Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambaynan noong Mayo 14, 1935

• WENCESLAO Q. VINZONS - Siya ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa, siya din ang kinatawan mula sa Camarines Norte.– Ayon sa orihinl na resolusyon, "Ang

Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika."

• Manuel L. Quezon - Siya ang nagpatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika.

• Oktubre 27, 1936 - ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.– Ang tungkulin ng Surian ay gumawa ng

pag aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapag paunlad at makapagtibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.

• Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bl.184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.

Kapangyarihan at tungkulin ng Surian:

1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas.

2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika

• Biglang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang tinatanggap

• Enero 12, 1937 - Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185

Kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa

• Pangulo - Jaime de Veyra » (Bisaya, Samar-Leyte)

• Kagawad - Santiago A Fonacier» (Ilocano)

• Kagawad - Filemon Sotto» (Cebuano)

• Kagawad

– Casimiro Perfecto (Bicolano)

– Felix S Rodriguez (Bisaya,Panay)

– Hadji Butu (Minadanao)

– Cecilio Lopez (Tagalog )

• Nobyembre 7, 1937 - Inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG ang gawing batayan ng Pambansang Wika

• Disyembre 30, 1937 - ito ay anibersaryo ng kamatayan ni Dr Jose Rizal at lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang Wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.

Abril 1, 1940

• Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 263– 1. Pagpalimbag ng Tagalog-English

Vocabuary at ng isang aklat gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa

– Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.

Recommended