View
85
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino Ikatlong Markahan - Modyul 6:
Sanaysay mula sa South Africa
Zest for Progress
Zeal of Partnership
10
Pangalan: __________________________________
Baitang/Seksyon:_____________________________
Paaralan: __________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Cristian D. Dalis
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: July G. Saguin
Maricel Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Amancio B. Cainta, Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza, Teresita J. Cainta
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO VI
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Dr. Ella Grace M. Tagupa, Ed .D.
Lindo O. Adasa Jr.
Jephone P. Yorong , Ed.D.
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.
(F10PN-lllf-g-80)
Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanasay sa ibang
akda. (F10PB-lllf-g-84)
Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya).
(F10PTlllf-g-80)
Balikan
Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang sanaysay sa bawat bilang.
Lagyan ng tsek ( ) ang kahon kung tama ang isinasaad ng pahayag at
ekis ( X ) naman kung mali.
1. Maingat na pinipili ang pananalita.
2. Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.
3. Naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating
damdamin, at ipinahahayag sa panandaliang may angking aliw-iw.
4. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang
tinatalakay.
5. May kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi
hanggang sa kasukdulan nito.
Tuklasin
Panuto: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay at pagkatapos
ay bumuo ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili. (3puntos)
Suriin
Alam mo ba na . . .
ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa
sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa
mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang
pagbalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.
Aralin 6
Sanaysay mula sa South Africa
kuro-kuro ideya isyu
opinyon saloobin talumpati tugma
tauhan banghay sukat
balita pananaw
SANAYSAY
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang
uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw
ng mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang
tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai wikang Pranses
na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok
sa anyo ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.
Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:
Pormal Di-pormal o Personal
Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan,
o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos
sa paksang tinatalakay.
Nagbibigay-lugod sa pamamagitan
ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at
personal.
Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.
Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
may-akda.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Nelson Mandela:Bayani ng Africa Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Sa mga kapita-pitagan, katas-taasang mga
panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…
Ngayon, lahat tayong naririto ay
pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga
nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
Mula sa mga karanasan ng di-
pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang
ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong
naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat
isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa
tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito
ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa
tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa
batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa nagging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng
rasismo.Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng
kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na
pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan naming ang aming mga pinagpipitagang panauhin
sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang
tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa
pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan
at ang kanilang kalayaang political, pananampalataya, kababaihan,
kabataan, Negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong
ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-
galang na si F.W. de Klerk.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na. Tayo ay
nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.
Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat
ng mamamayan ng Timog Africa, itim o puti, ay maglalakad na walang takot
sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang Karapatan sa pagkakaroon ng
dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at Pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim
Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan,
bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukujyang
nakakulong.
Inaalay naming ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito
at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang
mga buhay upang tayo ay lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay nagging makatotohanan. Kalayaan ang
kanilang handog.Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa
karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay
iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang
diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng kasarian.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng
pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang Kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
-Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung ano-ano ang mga ipinangakong pagbabago , layunin o kaisipang nabanggit ni Nelson Mandela
sa kanyang panunungkulan. Lagyan ng tsek ( ) ang kahon ng karunungan
kung ang pahayag ay totoo, at ekes ( X ) naman kung hindi totoo.
1. Sa pagkaluklok ni Mandela sa puwesto ay ang tagumpay rin
para sa katarungan, sa kapayapaan at para sa dignidad ng
kanyang mamamayan.
2. Ang pamahalaang nais ni Mandela ay nagkakaisa, walang
diskriminasyon ng lahi at pamahalaang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian.
3. Isang kasunduan para sa Timog Africa na bubuo ng lipunan
na ang lahat ng mamamayan - itim o puti - ay maglalakad na
walang takot sa kanilang puso at tiyak ang kanilang
karapatan sa pagkakaroon ng dignidad.
4. Hinding-hindi na makakaranas ng kawalang-katarungan at
sakripisyo ang kanyang nasasakupan sa kawalang dignidad
at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
5. Ang Deparment of Interior and Local Government na
sumisimbolo sa pagbabago ng kanilang bansa sa panahon ng
biglaang pangangailangan.
Panuto: Piliin at bilugan ang titik na tamang sagot.
1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa
kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at
sa isang bansa?
A. Ang kalayaang tinutukoy ni Mandela ay ang karapatan ng mga itim
na pangkat sa Timog Africa na umupo sa mataas na posisyon sa
kanilang bansa.
B. Sa aking palagay ay ang pagnanais niya na magkasundo ang
kanyang mamamayan.
C. Isang pamahalaang kumikilala sa katarungan, kapayapaan,
dignidad, pagkakapantay-pantay at demokrasya.
D. Ang Karapatan ng kanyang mamamayan na maglakad na walang
takot sa daan at walang diskriminasyon sa kasarian.
2. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong
magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?
A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob ang
kanyang kabayanihan.
B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang
kalayaan.
C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at
kalayaang hinahangad.
D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may
isang pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng
katarungan at kalayaan sa kanyang mamamayan.
3. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao,
lahi o bansa?
A. Kung ang mamamayan maitim o puti, mayaman o mahirap, babae
o lalaki ay nagkakaisa.
B. Kapag ang isang pinuno ay may malasakit at pagmamahal sa
kanyang nasasakupan.
C. Kung may diskriminasyon sa lahi, kasarian, karapatan at
kapayapaan.
D. Kapag mayroong politakal daynasti at ang mamamayan ay walang
magawa at sumunod na lamang sa kung anong gusto ng karamihan.
4. Ang talumpating ito ba ni Mandela ay isang halimbawa ng di-pormal
na sanaysay? Bakit?
A. Oo, dahil ang tono ay parang pakikipagkaibigan.
B. Hindi, sapagkat bukod sa nagbibigay ito ng impormasyon ay
maaayos at lohikal niyang natalakay ang isyu ng kanilang
lipunan.
C. Hindi, sa dahilang ang tinalakay na paksa ay pang-araw-araw at
personal lamang.
D. Oo, dahil pili ang mga salita na ginamit at kapitaga-pitaga ang
tono niya sa kanyang talumpati.
5. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan at katarungan?
A. Tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang kinatawan ng kabataan at
ipapasa ang ilang panukalang pangkapayapaan, kalayaan at
katarungan ng mga kabataan.
B. Magtapos ng pag-aaral ng sa gayon ay maging kapakipakinabang sa
lipunan.
C. Ang pagiging isang mabuting ehemplo bilang masunurin, may
pagmamahal sa bansa at may pagkilala sa dignidad at karapatan ng
lahat.
kagubatan karagatan katawan prutas
Silid-aklatan tinapay
D. Ang pangunahan ang isang rally upang ipahayag sa pamahalaan
ang karapatan ng mga kabataan.
Gawain
Gawain A
Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa
talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa
isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang inyong nagging sagot.
1. bulaklak : hardin :: aklat : 2. berde : kapaligiran :: asul :
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : 4. puso : katawan :: : puno
5. ______________ : gutom :: tubig : uhaw
Gawain B
Panuto: Paghambingin ang dalawang uri ng panitikan. Piliin sa parihaba
ang mga salita o parirala na ipinagkaiba at ipinagkatulad ng dalawa. Isulat
sa kahon ang iyong sagot.
Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba
1.
2.
1.
2.
1.
2.
Sanaysay Maikling kuwento
Pagsasalaysay Nagbibigay aral
guniguni makatotohanan
Tiyak na paksa
Pangunahing
tauhan
Isaisip Panuto: Sagutin nang may katapatan. Punan ang patlang ng mga salitang
kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot.
talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal
Sa araling ito, natuklasan ko na ang 1. ________________ ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
May 2. _________________ ang uri ang sanaysay tulad ng pormal at di-
pormal. Ang 3. ________________ ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang
katangian ng 4. ________________ na uri ng sanaysay ay nagbibigay-lugod
sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-
araw, at personal. Ang 5. _______________na sanaysay naman ay nagbibigay
ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham
at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.
Tayahin
Para sa bilang 1-4
1. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong
magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?
A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob
ang kanyang kabayanihan.
I. Panuto: Piliin at bilugan ang titik na tamang sagot.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito
ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa
tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang
paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga na ideolohiya at pagkakaroon
ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang
kalayaan.
C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at
kalayaang hinahangad.
D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may
isang pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng
katarungan at kalayaan sa kanyang mamamayan.
2. Batay sa bahagi ng talumpati ni Mandela , ano ang isa sa maaaring
maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?
A. pagpapahirap sa mamamayan
B. pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
D. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa
buhay.
3. Ang talumpating ito ay masasabi mo bang isang uri ng sanaysay na
pormal?
A. Hindi sapagkat ito ay subhektibo na tumatalakay sa paksang
karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
B. Oo, sapagkat ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap
lamang.
C. Hindi dahil ito ay obhektibo at ang tono ay mapitagan at nagbibigay
ng impormasyon.
D. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating
kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din siya na
magkaroon ng kalayaan.
4. Sa kanyang binigay na talumpati ano sa tingin mo ang kanyang
layunin?
A. Nais niyang imulat ang tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa
nangyayaring karahasan laban sa mga tribo ng Africa at hangarin
na pagkakaisa sa itim at puting mamamayan ng Africa na labanan
ang hindi pantay na pagtrato sa kanila.
B. Ipahayag sa buong mundo na lahat ng tao ay may karapatan na
mamuno sa kanyang bansa ano paman ang kulay at lahi nito.
C. Ipakita ang kanyang tapang at sigaw ng damdamin at mapapait na
karanasan.
D. Paghihiganti sa lahat ng masasamang naranasan ng kanyang
mamamayan sa mga putting lahi.
5. Ang mga sumusunod ay mga katangiang taglay ng isang sanaysay,
maliban sa ?
I. Naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating
sa ating damdamin, at ipinahahayag sa panandaliang may
angking aliw-iw.
II. Malaya ang manunulat sa pagtalakay ng isang paksa o
tema.
III. May pagnanasang magpaliwanag, manghikayat, at
magturo tungo sa pangkaunlaran-isip at moral ng
mambabasa.
IV. May kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi
hanggang sa kasukdulan nito.
V. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa
paksang tinatalakay.
A. III at II B. IV C. I D. B at C
Para sa bilang 6-8
6. Paglabag : pagsunod :: kinutya :
A. pinasalamatan B. pinatawad C. pinuri D. pinaubaya
7. nakakasuklam : nakakagalit :: nakapanlulumo :
A. nakakairita B. nakapanlalambot C. walang gana D. nakakainis
8. kumitil : bumuhay :: minaliit :
A. pumatay B. pinagmalaki C. pinuri D. itinaas
9. Paano naiiba ang sanaysay sa ibang mga akdang panitikan?
A. Ang sanaysay ay nakabatay sa riyalidad samantalang ang ibang
uri ng panitikan ay may kalakip na kathang-isip.
B. Dahil ang layunin nito ay maipakita kung ano ang Ito ay
nagpapakita ng iba’t ibang emosyon tulad ng lungkot,
kasiyahan,pag-ibig at marami pang iba.
C. Nakapagbibigay ang akdang ito ng mahahalagang aral o mensahe
sa mambabasa.
D. pangkalahatang kaisipan ng manunulat sa maikling paraan.
10. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan at katarungan?
A. Tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang kinatawan ng kabataan at
ipapasa ang ilang panukalang pangkapayapaan, kalayaan at
katarungan ng mga kabataan.
B. Magtapos ng pag-aaral ng sa gayon ay maging kapakipakinabang sa
lipunan.
C. Ang pagiging isang mabuting ehemplo bilang masunurin, may
pagmamahal sa bansa at may pagkilala sa dignidad at karapatan ng
lahat.
D. Ang pangunahan ang isang rally upang ipahayag sa pamahalaan
ang karapatan ng mga kabataan.
II. Panuto: Buoin ang analohiya sa bawat bilang na kabilang sa pahina.
Karagdagang Gawain
Ngayong natuklasan mo na ang talumpati ni Nelson Mandela ay naging
daan sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa at ito ay
isang magandang halimbawa ng isang pormal na sanaysay. Ngayon naman
ay subuking gumawa ng isang sanaysay na di-pormal na pumapaksa sa
“Edukasyon sa panahon ng Pandemya” . Balikan ang katangian nito sa
itaas na bahagi ng iyong modyul. Kung kukulangin ang espayong inilaan sa
iyong sanaysay gumamit ng malinis na papel. Ang iyong isinulat na sanaysay
ay tatayahin gamit ang rubrik sa ibaba.
Rubrik sa Pagsusulat ng Sanaysay
Kategorya Kahanga-hanga
(3)
Magaling
(2)
Pagbutihin pa
(1)
Introduksyon Nakapanghihikayat ang
introduksyon. Malinaw na
nakalahad ang
pangunahing paksa
gayundin ang panlahat na
pagtanaw ukol dito.
Nakalahad sa
introduksyon ang
pangunahing
paksa subalit hindi
sapat ang
pagpapaliwanag
ukol dito.
Hindi Nakita sa
ginawang
sanaysay.
Diskusyon Makabuluhan ang bawat
talata dahil sa husay na
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol sa
paksa.
May kakulangan
sa detalye.
Hindi nadebelop
ang mga
pangunahing
ideya.
Organisasyon
ng mga ideya
Lohikal at mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng
mga ideya; gumagamit din
ng mga tradisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga ideya.
Lohikal ang
pagkakaayos ng
mga talata subalit
ang mga ideya ay
hindi ganap na
nadebelop.
Walang patunay
na organisado ang
pagkakalahad ng
sanaysay.
Konklusyon Nakapanghahamon ang
konklusyon at naipapakita
ang pangkalahatang
palagay o pasya batay sa
katibayan at mga
Hindi ganap na
naipakita ang
pangkalahatang
palagay o pasya
tungkol sa paksa
batay sa mga
May kakulangan
at walang pokus
ang konklusyon
katwirang inisa-isa sa
bahaging gitna.
katibayan at mga
katwirang inisa-isa
sa bahaging gitna.
Gamit at
Mekaniks
Walang pagkakamali sa
mga bantas, kapitalisasyon
at pagbabaybay. Gayundin
ang estruktura ng mga
pangungusap at gamit ng
mga salita.
May iilang
pagkakamali sa
mga bantas,
kapitalisasyon ,
pagbabaybay at sa
estruktura ng mga
pangungusap.
Maraming
pagkakamali sa
mga bantas,
kapitalisasyon,
pagbabaybay at
maging ang
estruktura ng mga
pangungusap.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________.
Gawain A
1.Silid-aklatan
2.karagatan
3.katawan
4.prutas
5.tinapay
Gawain B.
Pagkakaiba
1.tiyak na paksa
2.makatotohanan
Pagkakatulad
1.Pagsasalaysay
2.Nagbibigay aral
Pgagkakaiba
1.Guniguni
2.Pangunahing
tauhan
Tayahin
1.D 10. C
2.D
3.A 4.D
5. C 6.B 7.D 8.A 9.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
AKLAT Ambat, Vilma, et. al. (2015). Filipino 10, Pantikang Pandaigdig ( Modyul para sa mga
Mag-aaral). Vibal Group, Inc., pp. 263-270
Internet / Websites: http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fmasaroman.com%2Fmo%2Findex.php%F2019%2F12%2F11%2Fpagtangkilik-sa-sariling-atin-essayformat&psig=AOvVaw0PzbQjworlk5E3u12PTTle&ust=1606614344014000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPDmyLacpO0CFQAAAAAdAAAAABAJ
Balikan
X
X
Tuklasin
Gawain 1
Kuro-kuro, ideya, isyu,
opinyon, saloobin,
talumpati, pananaw
Pagyamanin
X
1.C
2.D
3.C
4.C
5.B
Isaisip
1.Sanaysay
2.Dalawa
3.Talumpati
4.Di-pormal
5.pormal
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
Recommended