View
0
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Liksyon 11 para sa ika-14 ng Disyembre, 2019
Bumalik si Nehemias sa Bahay ni haring Artaxerxes matapos maging gobernor ng labindalawang taon.
Ilang taon ang nakalipas, bumalik siya saJerusalem. Natuklasan niya na ang bayan ay nakalimot na sa panatang ginawa nila. Nag-aasawa na sila ng mga dayuhan, nilalapastangan ang Sabado, at hindisinusuportahan ang Templo (Nehemias 10:28-39).
Sinabi sa Nehemias 13 kung paano hinarap niNehemias ang krisis na ito.
Pagpapangasawahan(v. 1-9, 23-31)
Paglimot sa ikapu(v. 10-14)
Paglapastangansa Sabbath (v. 15-
22)
“Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio nanangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab.”
(Nehemias 13:23)Mahigpit na hinarap ni Nehemias ang mganagsipag-asawa ng mga hindimananampalatayang kababaihan (v. 23-25).
Ipinaalala niya sa kanila na ito ang nagdalakay Solomon sa pagkakasala, kaya dapat nilaitong iwasan, dahil nagpapalayo ito sa kanilasa Dios (v. 26-27).
Isa sa kamag-anak nya ay na-link kay Tobias naAmonita (v. 4), at isa sakanyang mga apo ay nagpakasal sa anak niSanbalat na Horonita—napinalayas sa Jerusalem (v. 28).
Ang kanilang espiritwal na pinuno—ang Punong Saserdote, si Eliasib—ay kabilang din.
“Walang sinomang natatakot sa Dios ang hindi
manganganib sa kanyang pakikipag-ugnay sa
isang hindi natatakot sa Dios. 'Makalalakad
baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y
magkasundo?' Amos 3:3. Ang kaligayahan at
paglago ng relasyon ng mag-asawa ay
nakabatay sa pagkakaisa ng dalawa; ngunit sa
pagitan ng mananampalataya at hindi ay may
tuwirang pagkakaiba ng panlasa, hilig, at
hangarin. Sila ay naglilingkod sa dalawang
panginoon, kung saan walang pagkakasundo.
Gaano man kadalisay at tama ang prinsipyo ng
isa, ang impluwensya ng kasamang hindi
mananampalataya ay maaaring makadala
palayo sa Dios.” E.G.W. (Patriarchs and Prophets, cp. 15, p. 174)
Binakante ni Eliasib ang silid ng mga ikapu, handog, insenso at mga gamit ng Templo. Nilinis niya ito upangmagamit ni Tobias na Amonita.
Nakapagpahina ito ng kalooban ng mga tao, kaya tumigil silang magbigay ng ikapu.Bilang resulta, kinailangang bumalik ng mga Levita sa kanilang mga tahanan. Nasira ang pagsamba sa Templo.
Ibinalik ni Nehemias sa dati ang silidna iyon at pumili ng mga taong mapag-kakatiwalaan upang mangasiwa saikapu.
Nagsimulang magbigay ulet ng ikapuang mga tao. Kaya naibalik muli ang pagsamba.
“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroonng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mgadungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walangsapat na silid na kalalagyan.’” (Malakias 3:10)
Bakit tayo dapat magbalik ng ikapu sa Dios?
Dahil ang Dios ang ating Manlilikha at kinikilala natin Siya na tayo ay nagbabalik saKanya. Nagbibigay tayo mula sa atingpagpapasalamat sa ginawa Niya: nilikha tayo, tinustusan tayo, iniingatan tayo, namataypara sa atin, at patuloy na hinuhubog tayo.
Maipapangaral ang Salita ng Dios sa buong sanlibutan.
Mapupuri natin ang Dios sa atingmga lokal na iglesia.
Napapatibay ang ating pananam-palataya at tiwala sa Dios.
Ano ang magagawa sa pamamagitan ng ating mga handogat ikapu?
“Patuloy ang Dios na nagbibigay sa iyo ng
pagpapala sa buhay na ito; at kung hinihiling
Niya sa iyo na ibahagi ang Kanyang mga
kaloob sa pagtulong sa iba’t-ibang sangay ng
Kanyang Gawain, ito ay para sa iyong
pansamantala at espiritwal na kapakanan,
kaya kilalanin mo ang Dios bilang
tagapagbigay ng bawat pagpapala. Ang Dios,
bilang Dalubhasang Manggagawa, ay nakiki-
pagtulungan sa tao sa pagkuha ng mga
paraang kailangan para sa kanilang
ikabubuhay; at hinihingi din Niya sa kanila
ang pagkikipagtulungan sa pagliligtas ng mga
kaluluwa.” E.G.W. (Counsels on Stewardship, cp. 9, p. 47)
Noong una, naunawaan ng bayan ng Israel na ang Sabado ay pagpapalamula sa Dios habang binabalikan nilaang kanilang kasaysayan (Nehemias9:14). Nangako silang hindi nila itolalapastanganin (Nehemias 10:31).
Ganunpaman, hinayaan ng mga pinuno ang pamilihan sa araw ng Sabado noon. Kaya pinasara ni Nehemias ang syudad kapag Sabado upang maiwasan ito.
Ang pamilihan ay patuloy parin salabas ng syudad. Matapos balaan ang mga negosyante ay hindi na ito naulit.
Ang Sabado ay inihiwalay upang masiyahan tayodito kasama ang Dios, at isinasantabi ang ating mgaalalahanin.
Ito ay araw upang purihin at parangalan natin Siyangnaglikha at nagbigay sa atin ng buhay.
Ito ay araw upang alalahanin natin na Siya ay namataysa krus upang patawarin ang ating mga kasalanan at bigyan tayo ng kaligtasan.
Sa kasawiangpalad, masyadong pinahalagahan ng mgaPariseo ang mga maliliit na bagay ng kautusan at ginawang pabigat ito sa halip na kaluguran.
Ipinagdiriwang natin bawat isang linggo ang ating espesyal na Sabadong pagtitiponkasama ng Dios. ito ay patikim ng maramingSabadong ating ipagdiriwang kasama Niya saBagong Jerusalem (Isaias 66:23).
“At sinabi ng Panginoon, 'Kung iyong iurong ang
iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong
kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong
tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal
ng Panginoon na marangal; ... Kung magkagayo'y
malulugod ka nga sa Panginoon.' Isaias 58:13, 14.
Sa lahat na tumatanggap ng Sabado bilang tanda
ng mapanlikha at nanliligtas na kapangyarihan ni
Kristo, ito ay kaluguran. Na nakikita si Kristo
dito, nalulugod ang kanilang sarili sa Kanya.
Itinuturo sila ng Sabado sa mga gawa ng paglalang
bilang patunay ng Kanyang makapangyarihang
lakas sa pagliligtas. Habang ipinapaalala nito ang
nawalang bahagi ng Eden, sinasabi nito ang
kapayapaang naibalik sa pamamagitan ng
Tagapagligtas.” E.G.W. (The Desire of Ages, cp. 29, p. 289)
Recommended