1
6 Liahona Tulong ng Ama sa Langit D ahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit, binigyan Niya tayo ng maraming kasangkapan, o kaloob, na tutulong sa atin. Itugma ang bawat kaloob sa angkop na larawan nito sa ibaba. Paano ninyo magagamit ang mga kaloob na ito para mapagpala ang buhay ninyo at ang iba? pagmamahal sa kapwa panalangin mga apostol at propeta mga banal na kasulatan kapangyarihan ng priesthood MGA BATA Mahal Kita

MGA ATA Tandaan, ang mga anak ng Diyos ay ating mga ... · Bagama’t ginagawa ito ng mga ama sa lupa para sa kanilang sariling mga anak, ang diwa ng pagtuturo ay isang bagay na kailangan

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

6 L i a h o n a

Tulong ng Ama sa Langit

Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit, binigyan Niya tayo ng maraming kasangkapan, o kaloob, na

tutulong sa atin. Itugma ang bawat kaloob sa angkop na larawan nito sa ibaba. Paano ninyo magagamit ang mga kaloob na ito para mapagpala ang buhay ninyo at ang iba?

pagmamahal sa kapwa

panalangin

mga apostol at propeta

mga banal na kasulatan

nang tapat. Hindi iniiwang mag- isa ng mga ama ang kanilang mga anak kundi mabilis silang pinupuntahan, at tinutulungan silang tumayo sa tuwing madarapa sila. At kung minsan kapag ito ang nararapat gawin, hinaha-yaan ng mga ama na mahirapan ang mga anak, na nau-unawaan na maaaring ito ang pinakamainam na gawin para matuto sila.

Lahat Tayo ay GuroBagama’t ginagawa ito ng mga ama sa lupa para sa

kanilang sariling mga anak, ang diwa ng pagtuturo ay isang bagay na kailangan nating ialok sa lahat ng anak ng Diyos, anuman ang kanilang edad, kinaroroonan, o sitwasyon. Tandaan, ang mga anak ng Diyos ay ating mga kapatid; lahat tayo ay kabilang sa iisang walang- hanggang pamilya.

Dahil dito, maging guro tayong lahat—na sabik na

tumulong sa isa’t isa na lalo pang magpakabuti. Dahil tayo ay mga anak ng Diyos, may potensyal tayong maging katulad Niya. Ang mahalin ang Diyos at ang ating kapwa, sundin ang mga utos ng Diyos, at tularan ang halimbawa ni Cristo ang makipot, makitid, at masayang landas pabalik sa piling ng ating mga magulang sa langit.

Kung labis ang malasakit sa atin ng Diyos ng sansinukob kaya Niya tayo tinuturuan, marahil ay matutulungan din natin ang ating kapwa, anuman ang kanilang kulay, lahi, katayuan sa buhay, wika, o relihiyon. Dapat tayong maging inspiradong mga guro at pagpalain natin ang buhay ng iba—hindi lamang ng sarili nating mga anak, kundi ng lahat ng anak ng Diyos sa buong mundo. ◼

MGA TALA 1. Tingnan sa Mga Gawa 13:52; Mga Taga Filipos 2:12. 2. Moises 1:39.

kapangyarihan ng priesthood

MG

A PA

GLA

LARA

WAN

NI L

AURA

ZAR

RIN

MGA BATA

Mah

al

Kita