Impormasyon sa Buwis

Preview:

Citation preview

Impormasyon sa Buwis

Paano Napagpapasiyahan ang mga Buwis?Ang Konseho sa Rehiyonal ng Peel (Peel Regional Council) at ang Konseho ng Lungsod ng Brampton (Brampton City Council) ay magtatatag ng sapat na halaga ng perang kakailanganing ilaan sa pamamagitan ng mga buwis mula sa residensyal na ari-arian upang makabayad sa mga serbisyo at mga programa at mga pasilidad na kayo, bilang mga residente, ang siyang humiling sa amin na magsagawa. Ang mga buwis mula sa ari-arian ay nahahati sa tatlong bahagi: Rehiyonal, Lungsod at Lalawigan (Edukasyon). Ang lalawigan ay nagtatalaga ng isang pambayang singil na buwis (tax rate) para sa lahat ng mga residensyal na ari-arian sa Ontario.

Ang Pagprotekta sa Inyong PampribadoTandaan na ang Lungsod ng Brampton (City of Brampton) ay hindi nagbabahagi ng anumang impormasyon tungkol sa account sa buwis maliban na lamang kung ang “Numero ng Kustomer” ay nakasaad sa sulok sa itaas na kanang bahagi ng inyong bayarin sa buwis (tax bill) at inilaan para sa anumang mga pagtatanong.

Ang Programang Tulong para sa Buwis ng Ari-arian (Property Tax Assistance Pro-gram) para sa Karapat-dapat na mga Matatandang may Mababang Kita at mga Tagapagbayad na may Kapansanan (Eligible Low Income Seniors and Disabled Taxpayers)Ang Lungsod ng Brampton (City of Brampton) ay nagkakaloob ng isang programang kaluwagan sa buwis para sa mga kwalipikadong mga matatandang may mababang kita at mga taong may mababang kita at mga kapansanan. Ang programa ay nagkakaloob ng $400 na balik-bayad sa buwis ng ari-arian (property tax rebate) sa aplikanteng karapat-dapat.

Ang mga matatanda na may mababang kita o may kapansanan na mga tagapagbayad ng buwis ay karapat-dapat na mag-aplay kung sila ay nagmamay-ari o asawa ng may-ari at alinman sa mga ito o pareho.

1. 65 taong gulang na at tumatanggap ng Garantisadong Karagdagang Kita (Guaranteed Income Supplement, GIS) sa ilalim ng Part II ng Batas ng Kasiguruhan para sa Matatanda (Old Age Security Act), o

2. Isang may kapansanan at tumatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng Programang Suporta para sa mga May Kapansanan (Ontario Disability Support Program Act), at

3. Ang aplikante ay maaaring tinasa bilang isang nagmamay-ari at inokupa ang isang ari-arian bilang personal/pangunahing tirahan sa Bayan sa loob ng isang taon, at

4. Ang aplikante ay hindi nag-claim ng kredito mula sa alinmang ari-arian sa taong iyon, at

5. Ang bawa’t may-ari ng ari-arian ay maaaring karapat-dapat na tao o asawa ng isang karapat-dapat na tao.

Paano Mag-aplay para sa isang Balik-Bayad (Rebate)Ang mga karapat-dapat na mga matatanda o may mga kapansanang tagapagbayad ng buwis ay kailangang mag-aplay taun-taon at ang aplikasyon ay kailangang isagawa bago sumapit ang ika-31 ng Disyembre sa kasalukuyang taon ng pagpapabuwis (taxation year).Ang mga pormularyo ng aplikasyon ay nakalaan at maaaring kunin mula sa Bulwagang Lungsod (City Hall), o sa pamamagitan ng pagtawag sa tanggapan para sa Buwis sa 905.874.2200, o maaari kang mag-download ng kopya mula sa website ng Lungsod ng Brampton (City of Brampton) sa www.brampton.ca.

May Awtorisasyong Pagbabayad ng Buwis (Pre-Authorized Tax Payment, PTP)Ito ay isang LIBRENG serbisyo na nakalaan para sa lahat ng mga klase ng pagtatasa. Mayroon kaming dalawang kombinyenteng mga plano ng PTP na nakalaan.

1) Buwanan (ang bayad ay kinukuha tuwing ika-1 o ika-15 ng bawa’t buwan)

2) Ang mga hulugan ay kinukuha sa regular na nakatakdang mga petsa ng bayarin (anim na beses sa isang taon)

Tandaan: Ang Singil na Buwis (Tax Rate) para sa mga hindi residensyal na ari-arian ay maaaring hindi nakatalaga sa parehong panahon ng pagbubuwis katulad sa mga residensyal na ari-arian, kaya ang panghuling bayarin na hulugan ay hindi maaaring hatiin sa anim na bayaran.

Bisitahin ang aming website para sa isang kumpletong deskripsyon ng programa at mga kondisyon ng pagpapatala. Kung nais ninyong magpatala sa programa, kumpletuhin ang pormularyo ng aplikasyon na may awtorisasyon (nakalaan mula sa aming website), maglakip ng isang void cheque at ipadala sa koreo sa Lungsod ng Brampton (City of Brampton), Kagawaran ng Buwis (Tax Section), 2 Wellington St. West, Brampton, ON L6Y 4R2 o i-paks ito sa 905.874.2296.

Nakatakdang mga PetsaAng mga regular na hulugan para sa mga residensyal na ari-arian ay nakatakda sa mga petsang nakasaad sa inyong bayarin sa buwis (tax bill). Magbigay ng 7 mga araw ng trabaho upang maproseso ang mga kabayaran kung magbabayad upang masiguro na ang mga ito ay matatanggap bago sumapit ang nakatakdang (mga) petsa. Ang nahuli sa pagbabayad ay mapapatawan ng multa/dagdag singil na interes.

Mga Bagong May-ari ng BahayKung kayo ay kabibili lamang ng isang bagong bahay o nagsagawa ng mga karagdagan o mga pagbabagong kaayusan sa inyong ari-arian, tandaan lamang na maghanda ng halaga para sa “Karagdagang Bayarin sa Buwis” (“Supplementary Tax Bill”) sa inyong mga pagpaplano ng badyet. Sa unang 12 hanggang 18 na buwan pagkatapos matirhan ang isang bagong bahay, ang bayarin sa buwis ng ari-arian (property tax bills) ay maaaring sakupin lamang ang lupain, hindi ang gusali, hanggang ang Korporasyon ng Bayan para sa Pagtatasa ng Ari-arian ay makumpleto na ang kanilang pagtatasa sa bahay. Ang mga buwis ng lupain ay kadalasang kumakatawan sa humigit-kumulang na 1/3 lamang ng kabuuan ng bayarin sa buwis, depende sa uri ng bahay. Pagkatapos ng pagtatasa sa ari-arian, ang bagong nagmamay-ari ay tatanggap ng isang “Ulat ng Pagbabago sa Pagtatasa sa Ari-arian” (“Property Assessment Change Notice”) mula sa MPAC at pagkatapos ay isang “ Karagdagang Bayarin sa Buwis” mula sa Lungsod para sa gusali simula sa petsa ng pagtira. Kung ang bayad ng inyong mortgage ay kasama ang mga bayad sa buwis, ang “Karagdagang Bayarin sa Buwis” ay ipadadala sa institusyong pampinansyal na nagsasagawa ng mga pagbabayad na ito. Ang mga residente ay malakas na hinihimok na maghanda ng sapat na halaga para sa bayaring ito.

Bayarin para sa Pamamahala ng Account ng Bagong Nagmamay-ariAng bayarin para sa pamamahala ay idadagdag sa lahat ng account kung saan ang pagmamay-ari sa ari-arian ay nagbago. Ang isang ulat ng bayarin ay ipadadala sa bagong may-ari ng bahay.

Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa www.brampton.ca o sumangguni sa amin sa www.brampton.ca/contact

2 Wellington Street West, Brampton ON L6Y 4R2 • Tel: 311 or 905.874.2200 • Fax: 905.874.2296 • TTY: 905.874.2130 1

Ang kapasiyahan ng Pagtatasa sa

Ang Espesyal na mga Singil/

Ang Account Summary

Paliwanag sa Mga Pagbabago sa Buwis

Tax Bill

* An annualized tax figure is used in this analysis to compensate for mid-year adjustments in tax treatment or assessment value. If the property did not have any mid-year adjustments, theannualized taxes should equal to the final previous year levies listed above.** Final Levy amount applies only to the property or portion(s) of property referred to in this notice and may not include some special charges and credit amount.

Brampton Taxes2 Wellington Street WestBrampton ON L6Y 4R2www.brampton.caTel.:905-874-2200Fax: 905-874-2296

Tax Roll No: 00-00-0-000-00000-0000

Location: 1200 Anywhere Street

Legal Dscr: PL F00 LT000

Agent:

Mortgage No: Agent No:

Final

Billing Date: 0000-00-00

Customer No: 00000000

John Doe1200 Anywhere StreetBrampton

Assessment

Tax Class Assessment

RT 0.00

Totals $0.00

City Levy

Rate (%) Amount

% 0.00

City $0.00

Region Levy

Rate (%) Amount

% 0.00

Region $0.00

Education Levy

Rate (%) Amount

% 0.00

City $0.00

Special Charges/Credits Account Summary

Future Due 0.00

Account Balance $0.00

Summary

Final Levies $0.00

Final Taxes $0.00

Less Interim Billing 0.00

Total Amount Due $0.00

Instalment Due Dates

Due Date Amount

1st Instalment $0.00

2nd Instalment $0.00

3rd Instalment $0.00

Accounts with insufficient funds will be charged a fee.

Penalty / Interest is applied to overdue taxes at a rate of 1.25%

on the day after the due date and on the first day of each month

until paid.

Consider one of our convenient Pre-Authorized Payment plans

with several withdrawal options available. Please contact our

office for further information.

Ang Numero ngKustomer (Customer Number)

Ang Edukasyon ay

Ang Rehiyon ay

Ang Panghuling mga Pagpapataw ng Buwis

Panghuling mga Buwis

Ang Kabuuang Halaga na Nakatakda

Mga bayaring hulugan

Residential, Farmland, Pipelines And Managed Forest

Final Levies 0.00* Annualized Taxes (previous year) 0.00City Levy Change 0.00Region Levy Change 0.00Prov. Education Levy Change 0.00Tax Change due to Reassessment 0.00

** Final Levies 0.00Total Year-Over-Year Tax Change 0.00

Explanation of Tax Changes

Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa www.brampton.ca o sumangguni sa amin sa www.brampton.ca/contact

2 Wellington Street West, Brampton ON L6Y 4R2 • Tel: 311 or 905.874.2200 • Fax: 905.874.2296 • TTY: 905.874.2130 2

Ang kabuuran ng inyong kasalukuyang estado ng

account. Ang susunod na halagang nakatakda ay

kabilang ang hulugan mula sa bayaring ito at

ang lahat ng susunod na mga bayaring hulugan

bago dumating ang susunod na bayarin.

Ipinakikita ng talatakdaan (schedule) ang pagbabago sa inyong mga buwis mula sa nakaraang taon hanggang sa kasalukuyang taon at ang pagbabahaginan ng mga ipinataw na mga singil na itinalaga sa Lungsod, Rehiyon at Edukasyon (gayun din ang mga singil mula sa muling pagtatasa). Para sa mga ari-arian na hindi siningil ang buwis sa nakaraang taon, ang bahaging ito ay hindi nauukol.

Ang Pagtatasa sa Kasalukuyang Halaga (The Current Value Assessment)

ng inyong ari-arian na kinilala ng MPAC.

Ang numero ng kustomer ay kailangang ibigay upang makakuha ng impormasyon ng account.

Ang inyong kabuuang mga buwis na gagamitin para sa Lungsod, Rehiyon at Edukasyon

Ang inyong kabuuang mga buwis kasama ng natatanging mga singil/mga kredito.

Mga nakatakdang petsa para sa mga bayaring hulugan.

Kung ang mga buwis ay babayaran ng isang kumpanya ng mortgage, mahalagang ipadala ang bayaring ito kaagad sa kumpanya ng mortgage.

Numero ng Rolyo sa Buwis (Tax Roll Number)

Kung babayaran ang mga buwis ng ari-arian sa pamamagitan ng pagbabangko sa internet at/o pagbabangko sa telepono, ilagay ang 17 digit ng inyong NUMERO NG ROLYO SA BUWIS (TAX ROLL NUMBER). Kung magbabayad ng mga buwis sa ari-arian sa pamamagitan ng tseke siguraduhin lamang na ang inyong 17 digit ng Numero ng Rolyo sa Buwis ay malinaw na nakasulat sa harapan ng tseke.

00

MUN

00-0

MAP

000

SUB

00000

PARCEL

0000

TENANT

Ang Lungsod ayNagtatalaga ng Bahagi ng inyong mga buwis upang

masuportahan ang mga Serbisyo ng Lungsod.

Singil sa mga Kredito katulad ng mga singil sa lokal na pagpapaunlad.

Nagtatalaga ng Bahagi ng inyong mga buwis upang masuportahan ang mga Serbisyo ng Rehiyonal.

Nagtatalaga ng Bahagi ng inyong mga buwis upang masuportahan ang edukasyon.

Ang kabuuang halaga na nakatakda kasama ang mga espesyal na singil/ mga kredito. Ang halagang ito ay hinahati upang inyong hulugan.

Pagtatasa sa Ari-arianAng Korporasyon ng Bayan para sa Pagtatasa ng Ari-arian (Municipal Property Assessment Corporation, MPAC) ay may responsibilidad na alamin ang halaga sa pagtatasa ng lahat ng mga ari-arian sa Ontario para sa layuning pagpapabuwis. Kung ang isang may-ari ng ari-arian ay hindi sumasang-ayon sa MPAC sa pagtatasa ng ari-arian, siya ay maaaring sumalungat sa halaga ng itinasa. Para sa mga karagdagang impormasyon, sumangguni sa MPAC sa 1.866.296.6722 o bumisita sa kanilang website sa www.mpac.ca .

Ang malawakang muling pagtatasa sa lalawigan ay ibinatay sa mga halaga sa merkado (market values) noong Enero 1, 2008 na isinagawa ng MPAC upang magamit para sa pagpapabuwis sa taong 2009 hanggang 2012. Sa panahon ng apat na taong ito, ang anumang itataas sa pagtatasa kumpara sa nakaraang taong 2005 na pagtatasa ay ibabahagi ng parehas. Kung mayroon mang pagbabawas sa halaga ng ari-ariang itinasa kumpara sa nakaraang taong 2005 na pagtatasa, ay masisilayan kaagad.

Paano Kalkulahin ang Inyong mga BuwisAng inyong mga buwis ay kalkulado sa pamamagitan ng pagmultiplika ng Halaga ng Pagtatasa (Assessment Value) na nakasaad sa inyong bayarin sa buwis (tax bill) sa tamang rate para sa uri ng buwis na nakasaad din sa inyong bayarin sa buwis.

Mga Pagsasaayos ng BuwisSakop ng limitadong mga kalagayan, ang mga nagmamay-ari ng ari-arian ay maaaring mag-aplay sa Tesorero (Treasurer), sa panulat, para sa pagkakansela, pagbabawas o pagbawi ng ibinayad (refund) sa lahat ng mga buwis na ipinataw. Ang mga kahilingan ay pinamamahalaan ng lehislasyon na isinasaad sa ilalim ng Seksyon 357 at 358 ng Batas Pambayan (Municipal Act), 2001.

Ang mga aplikasyon na nasa ilalim ng Seksyon 357 ay kailangang ipadala bago sumapit ang Pebrero 28 ng taon kasunod ng taon bilang kahalagahan kung kailan man ginawa ang aplikasyon. Ang mga aplikasyon sa ilalim ng Seksyon 358 ay kailangang matanggap sa pagitan ng Marso 1 at Disyembre 31 ng taon at maaaring mag-aplay sa mga buwis na ipinataw sa isa o sa parehong dalawang taon na nauna bago ginawa ang aplikasyon. Ang mga aplikasyon ay maaaring matagpuan sa www.brampton.ca, sa pamamagitan ng paghahanap ng “Tax Appeals”.

Mga Paggagamitan ng Buwis ng PinagbilhanSa Enero 1 ng anumang taon, ang mga account sa buwis ng ari-arian sa anumang bahagi ng pagkakautang sa buwis sa loob ng tatlong taon ay karapat-dapat para sa mga paggagamitan ng buwis ng pinagbilhan na pinangangasiwaan sa Bahaging IX, Seksyon 373 (1) ng Batas Pambayan (Municipal Act), 2001. Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa proseso sa buwis ng pinagbilhan, tingnan ang www.brampton.ca/en/residents/Taxes-Assessment/taxation.

Ang Programang Diskuwento sa mga Pagka-kawanggawa (Charities Rebate Program)Ang Lalawigan ng Ontario ay nagpatupad ng isang programa upang magkaloob ng tulong sa mga pagkakawanggawa sa pamamagitan ng pagdidiskuwento ng isang bahagi sa pantaunang mga buwis para sa mga nakarehistrong pagkakawanggawa na gumagamit sa ari-ariang pang-komersyal/pang-industriyal. Ang isang rehistradong pagkakawanggawa ay binanggit sa pangalawang seksyon 248(1) ng Batas sa Buwis ng Kinita [Income Tax Act (Canada)] at mayroong numero ng rehistrasyon na inilabas ng ahensya ng Rentas Internas ng Canada (Canada Revenue). Ang isang aplikasyon ng ganitong diskuwento (rebate) ay kailangang kumpletuhin bago sumapit ang katapusan ng Pebrero ng taon kasunod ng taon ng buwis.

Ang alternatibong kaayusan ay nakalaan kung hihilingin.

2012-0545

Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa www.brampton.ca o sumangguni sa amin sa www.brampton.ca/contact

2 Wellington Street West, Brampton ON L6Y 4R2 • Tel: 311 or 905.874.2200 • Fax: 905.874.2296 • TTY: 905.874.2130 3

Recommended