View
111
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
1
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na
Napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________
Taon at Seksyon: ___________________________
Pangalan ng Paaralan:___________________________
___________________________
2
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang obra
maestrang pampanitikan
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan
• Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa :
- mga hilig/interes/kawilihan
- kagalakan, kasiglahan
- pagkainip
- pagkayamot;pagkatakot;pagkapoot
- pagkaaliw
- pagkalibang at iba pa (F10PN-IVi-j-87)
• Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/teoryang:
- romantisismo
- humanismo
- naturalistiko
- Feminismo
- realismo
- at iba pa (F10PB-IVi-j-93)
• Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
(F10PB-IVi-j-94)
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Arsie M. Albite, Manelyn O. Flores Tagasuri: Evelyn A. Mier, Jill B. Lubguban, Rovilla Opada Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Katherine S. Suarin Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI ASDS Visminda Q. Valde, EdD ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE ASDS Juliet A. Magallanes, EdD EPS Florencio R. Caballero, DTE EPS Josephine L. Tomboc, EdD
3
PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.
Maligayang pagdating sa ikapitong modyul, kaibigan. Nagagalak akong
natapos mo nang buong husay ang ika-anim na modyul. Ang galing mo! Mayroon
na naman tayong panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito.
Halika’t samahan mo akong lakbayin ang bagong aralin, kung saan
tatalakyin natin dito ang mga saloobin at mga teoryang pampanitikan na
napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo. Upang maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral, may mga nakahandang gawain para sa iyo. O ano, handa ka na ba?
Tara Na! Simulan na natin!
Balikan
Ooooops! sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang mga angkop na
salitang ginagamit sa paghahambing at batid kong alam mo na rin ang mga
pangyayari mula sa 19 hanggang sa 25 kabanata ng nobela. Ngayon sagutin mo
ang aking inihandang katanungan.
Gawain A: Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat ang angkop na paghahambing gamit ang gabay na salita na
nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.
1. _______(ganda) sina Paulita Gomez at Maria Clara.
a. sing b. kasing c. magkasing d.magkasin
2. Si Simoun ay __________(mautak) kaysa kay Padre Damaso.
a. mas b.higit c.lalo d. napaka
Aralin 4.7
Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na Nakapaloob sa Nobelang El Filibusterismo
4
3. Sina Basilio at Isagani ay__________(bait) katulad ng kanilang mga
magulang.
a. magkasing b. magkasim c. sim d. sing
4. ____(talas) ng punyal ang galit ni kabesang Tales sa mga prayle.
a. sin b. sing c sim d. kasing
5. Ang mga pangarap ni Basilio ay _________(tayog) ng nagtaasang gusali sa
syudad.
a. kasin b. kasing c. magkasing d. magkasin
6. Ano ang ginawa ni Padre Irene nang dumalo siya sa pagtatanghal
ng mga artista?
a. nagsuot ng napakahabng abito
b. nagkubli ng kanyang katauhan sa pamamagitan ng huwad na
bigote
c. nagsuot ng peluka
d. wala sa nabanggit
7. Saan nagkakilala sina Padre Irene at Serpolette?
a. Alemanya
b. Estados Unidos
c. Madrid
d. Paris
8. Kaninong palko ang naiwang walang tao hanggang sa matapos
Ang pagtatanghal?
a. kay Simoun
b. kay Padre Florentino
c. kay Mr. Jouy
d. kay Don Tiburcio
9. Bakit nagsi-alisan ang mga binate nang magsimula na ang
ikalawang yugto ng palabas?
a. Dahil hindi nila nagustuhan ang unang palabas
b. Dahil natupad ang kanilang kahilingan
c. Dahil naaalibadbaran sila sa mga kilalang taong kasama nila
d. Dahil may kaaway silang panauhing di-kilala
5
10. Bakit hindi natuloy ang pagsayaw ng Can-Can ng mga artistang
Pranses?
a. Dahil ayaw ng mga prayle
b. Dahil kulang na sila sa oras
c. Dahil dumating ang mga imbestigador ng Pamahalaan
d. Dahil nahihiya sila sa mga kalalakihan
Tuklasin
Alam mo ba?
Alamin natin ang ilang mga mahalagang tauhan sa Nobelang El Filibusterismo sa Kabanata 26-31. Malalaman din natin ang kanilang hilig at interes maging ang kanilang mga saloobin o damdaming nangingibaw sa nobela. Tara na!
Mga Tauhan Hilig/Interes Damdaming
Nangingibabaw
Basilio Mabait na estudyante, matapat sa kapwa sa
kabila ng sinapit na kasawiang-palad ng
kanyang ina at kapatid
Pagmamahal sa pamilya at kay Juli
Isagani Pamangkin ni Padre
Florentino, isang estudyante may mataas
na paninindigan
May matibay na
paninindigan at pagka matapang sa pagtanggap
ng mga responsibilidad
Juli Dalagang labis na mapagmahal, kaya
gumawa ng paraan para
matubos sa mga tulisan ang amang si Kabesang
Tales at mailigtas sa bilangguan ang
kasintihang si Basilio
Pagmamahal sa amang si kabesang Tales at pagka
matapat sa kasintahang
si Basilio
Padre Fernandez Isang paring simbolo ng liberal na kaisipan sa
Unibersidad
Maka-Pilipino
6
Suriin
Suriin NATIN…
Teoryang Pampanitikan
Romantisismo- ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ito ay
makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido
na ang pinapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe. Isa sa mga halimbawa ng kathang gumamit ng romantisismo ay ang “Ibong Adarna” at “Romeo
at Juliet”.
Humanismo- ay nakatuon ang pansin sa pagpapahalaga sa tao. Ito ay isang pag-aaral patungkol sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyo ng tao.
Realismo – Ipinakikita ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang mga
pangyayari sa tunay na buhay.
Eksistensyalismo- Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang
magpasiya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Sa paniniwalang ito ay inihanap
ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad, kapangyarihan at kapasyahan ng tao laban sa katwiran ang binibigyan ng timbang o halaga.
Feminismo – Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon
nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na pananaw sa kababaihan. Ang kwento ay umiikot sa damdamin ng
isang babae.
Naturalismo - Ito ang teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa
sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa
masusing pagsusuri.Hindi naniniwala sa mga bagay na super natural.
Klasisismo – Teoryang pinananaig ang isipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan ng mga akdang klasismo ay nakaaangat sa karaniwang buhay. Pinahahalagahan
ang pagiging marangal at maginoo sa pananalita at maging sa pagkilos. Ang pagtatalakay sa paksa ay sadyang iniingatan. Ang “Florante at Laura” ay isang
halimbawa ng klasismo.
7
Katangian ng Akdang Klasiko:
Pagkamalinaw
Pagkamarangal Pagkapayak
Pagkamatimpi Pagkaobhetibo
Pagkakasunod-sunod
Pagkakaroon ng Hangganan Para mas lalong maging malinaw ang iyong kaalaman sa pagsusuring pampanitikan ay simulan mong basahin ang Kabanatang ito at tingnan ang halimbawang suri bilang gabay mo sa susunod na gawain. Sagutin mo rin ang mga katanungan na nasa ibaba. Halimbawa sa Pagsusuri
Kabanata 26 Mga Paskin (Buod)
Maagang bumangon sa higaan si Basilio dahil marami siyang dapat gawin.
Una na rito ang pagpunta ng hospital para dalawin ang kanyang mga pasyente.
Plano rin niyang pumunta ng unibersidad para asikasuhin ang grado sa medisina at makipagkita kay Makaraig upang kunin ang hiniram na pera. Ang naipon
niyang pera ay nagugol niya sa pagtubos sa pagpapaalila ni Juli at pagbili ng isang maliit na dampa para tirahan ng kasintahan at ng lolo nitong si Tandang Selo.
Hindi siya makahingi ng salapi kay Kapitan Tiago sa pag-aalalang isiping kinukuha na niya ang manang ipinangako sa kanya.
Habang naglalakad si Basilio patungo sa hospital ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na maagang nagsipag-uwian. Maingay nilang pinag-
uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Nakarating siya ng San Juan de Dios at noon niya nalaman sa isang kaibigan ang
nagaganap na kaguluhan sa paligid at sinabing napakaraming sangkot na estudyante. Nakadama ng takot si Basilio na baka masangkot ang kanyang
pangalan. Iniwan niya ang kausap at sinabing may dadalawin pa siyang pasyente.
Dumating si Basilio sa hospital at dinatnan sa isang klinika ang kaibigan
niyang katedratiko. Inakbayan siya nito at mahinahong nagtanong. Tinanong siya kung nagpunta ba siya sa salu-salo ng mga estudyante noong nakaraang gabi.
Naguluhan si Basilio at inakala niyang kamakalawa ng gabi kung saan kausap niya si Simoun ang tinutukoy ng nagtatanong. Itinanggi ni Basilio na miyembro
siya ng samahan ng mga estudyante na sangkot sa himagsikan at sinabing nagbigay lang siya ng ambag. Pagkasabi ni Basilio ay pinapauwi siya at sinabihang
sunugin ang anumang dokumentong maaaring magsangkot sa kanya sa samahan. Hindi nabahala si Basilio sapagkat wala siyang anumang itinatagong
dokumento maliban sa mga sulat pangklinika.
Nagtanong si Basilio kung sangkot ba si Simoun at Kabesang Tales sa
nangyaring kaguluhan. Sinabing, wala silang kinalaman at tanging mga estudyante lang ang may kinalaman sa kaguluhan.Tila nabunutan ng tinik sa
dibdib si Basilio. Umalis Si Basilio at upang higit na malaman ang buong pangyayari ay naglakas-loob siyang nagtungo sa unibersidad. Ang nalaman lang
niya ay tungkol sa paskin na ipinaaalis na ng Vice Rector upang ipadala sa
8
pamahalaan. Naglalaman ang mga paskin ng pagbabanta, pagpugot ng ulo at pananalakay. Noon naalala ni Basilio ang sinabi sa kanya ni Simoun. “Sa oras na
kayo’y itiwalag nila ay hindi na kayo makakatapos ng pag-aaral.” Nabuo ang hinala ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskin.
Naglakad muli si Basilio na ang direksyon ay ang unibersidad pakay niyang
magtanong tungkol sa kanyang grado at alamin ang tunay na kalagayan ng mga estudyante. Nadaanan niya ang pangkat ng mga estudyante na dati-rating masaya
kung nagkakatipon-tipon. Ngayon ay tahimik na at ang iba’y halatang may takot sa
mukha. Nakita niya si Sandoval at binati ngunit nagbingi-bingihan lang ito at hindi siya pinansin. Kabaligtaran naman ito ni Tadeo na masayang-masaya sapagkat
walang pasok sa paaralan. Nakita niya ang paparating na si Juanito Pelaez na namumutla at lalong nakuba dahil sa takot. Inusisa niya ito tungkol sa nangyari,
sinabi nitong wala siyang nalalaman na may halong nerbiyos. Nakita nilang may papalapit na guwardiya sibil at sa takot ni Pelaez na dakipin ay nagmamadali na
itong umalis.
Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad patungo sa unibersidad.
Nadatnan niya na sarado na ang opisina ng sekretaryo at napansin niya ang kakaibang kilos ng mga nasa loob ng gusali. Akyat-panaog ang mga prayle
gayundin ang mga militar. Nakita ni Basilio si Isagani na noon ay halata na ring namumutla bagama’t bakas parin ang kakisigan. May kausap ito at ang malakas
na boses ay nagpapahiwatig ng hindi pagkabahala. Narinig ni Basilio ang lahat ng sinabi ni Isagani at kahit mahal niya ang kaibigan ay nagpasya siyang umalis at
talikuran ito. Nagtungo siya sa bahay ni Makaraig. Napuna niya ang senyasan ng
ilang mga tao doon ngunit huli na nang makita niya ang nagbabantay na guwardiya sibil sa harap ng bahay. Hindi na siya makaurong. Kasama si Makaraig
ay hinuli siya ng mga guwardiya sibil.
Gabay sa Pagsusuri: 1. Uri ng Panitikan:
Nobela
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:
Realismo
3. Tema o Paksa ng Akda:
Nagkaroon ng kaguluhan dahil sa paskin na naglalaman ng pagbabanta,
pagpugot ng ulo, at pananalakay.
4. Mga Tauhan
• Basilio
• Juanito Pelaez
• Macaraig
• Isagani
5. Katangian ng akdang kalsiko:
Pagkaobhetibo
6. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:
• Pagkatakot
• Pagkabalisa
• Pagkagalit
• Pag-alala
9
Pagyamanin
Wow! Ang galing mo na sa pagsusuri ng mga teoryang pampanitikan. Binabati kita
sa iyong mapanuring pag-iisip. Hindi pa riyan nagtatapos ang ating mga gawain
mayroon pa akong inihanda para sa’yo para mas lalo pang mapalawak ang iyong
kaalaman hinggil sa paksa. Subukin pa natin ang iyong kaalaman sa pagsusuri.
Sundan ang mga gabay na tanong sa pagsusuri sa ibaba.
Gawain A. Panuto: Basahin ang piling bahagi ng kabanata 27 sa El Filibusterismo at pagkatapos suriin ito gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Kabanata 27 (Ang Prayle at ang Pilipino)
Masigla pang nagtatalumpati si Isagani nang lapitan siya ng isang kawani na nagsabing gusto siyang makausap ni Padre Fernandez, isa sa mga propesor ng lalong mataas na kurso. Namutla ang binata; kagalang-galang ang propesor at ihinihiwalay niya ito sa mga binabatikos na prayle. “Ano ang gusto sa akin ni Padre Fernandez?” tanong niya sa kawani na nagkibit-balikat lamang at sumenyas na sumunod na lamang siya. Si Padre Fernandez ang prayleng umayaw sa pakikipaglaro ng baraha kina Don Custodio at sa Kapitan Heneral nang ang Kanyang Kamahalan ay dumalaw sa Los Baños. Nakaupong naghihintay ito kay Isagani sa isang maliit na pwesto nito sa isang silid ng Unibersidad, malungkot, kunot-noong wari’y alalim ang iniisip. Napatindig ito nang Makita ang pagpasok ng binata, binati at nakipagkamay ito, isinara ang pinto at saka nagpalakad-lakad. Nakatayo naman ang dumating, naghihintay na kausapin ng prayle. “Senyor Isagani”, mayamaya’y wika nito sa madamdaming tinig, “mula sa bintana’y narinig kong nagtalumpati kayo. Kahit ako ganitong tisiko, matalas naman ang aking pandinig at saka talagang gusto ko kayong makausap. Iginagalang kong lagi ang bawat kabataang malinaw magsalita’t may sariling disposisyon at paraan ng paggawa…at hindi hadlang kung nagkakaiba man kami ng palagay at kaisipan. Ayon sa narinig ko, kagabi’y nagkaroon kayo ng hapunan…huwag sana kayong humingi ng dispensa.” “Hindi ko gustong humingi ng dispensa”, sambit agad ni Isagani. “Lalong mabuti! Patunay iyan na naninindigan kayo sa bunga ng inyong ginawa. Makasasama naman kung tatalikuran ninyo iyon…hindi ko naman kayo pinupuna po sinisisi sa mga sinabi ninyo roon kagabi. Higit sa lahat, importanteng malaya kayong makapagsalita tungkol sa mga Dominiko…sayang at ngayon lamang namin kayo naging estudyante at baka hindi sa susunod na taon. Halaw mula sa Kabanata 27 “Ang Prayle at ang Pilipino”
Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri
1. Uri ng Panitikan:_______________________________________________ 2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:__________________________
3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________________ 4. Mga Tauhan_____________________________________________________
10
5. Katangiang Akdang Klasiko:_____________________________________
6. MgSaloobin/damdamin sa Akda:_________________________________
Wow! Ang galing mo naman….ngayon mas lalo mo pang ikahusay ang isang
gawaing inihanda para sa sayo.
Gawain B. Basahin ang Spoken Poetry ni Jennybeans na nakabatay sa kanyang sariling pananaw sa lipunang kanyang ginagalawan.
Reyalidad ng Lipunan
ni jennybeans
Wala ka bang napapansin sa ating lipunang ginagalawan
Laganap ang krimen, gulo at pamamahalang di maintindihan
O baka kagaya ka rin ng iba na nagbibingi-bingihan
Sa baya'y walang pakialam at nagbubulag-bulagan
Ang mga lider na ating binoto at niluklok sa posisyon
Di lahat sa kanila ay may magandang intensyon
Kasi ang iba, imbes na ituon ang atensyon sa paggawa ng mga resolusyon
Ayon! Nasisilaw sa malaking halaga ng pera at nangunguna sa korapsyon
May mangilan ngilan rin tayong alagad ng batas
Na hindi ginagawa ang trabaho ng patas
Pag may dinukot kang pera at sa kanila iniabot
Aba, kahit may bayolasyon ka, ikaw ay lusot
Di rin nawawala ang sistema ng palakasan
Pag may kilala ka sa opisina ng pamahalaan
Ang pagpila ng mahaba ay di na kailangan
Kasi di ka pa nakakarating may numero ka na, diretso pa sa unahan
Siguro ang reyalidad ng lipunan ay ganyan talaga
Kung nakakalamang-lamang ka ay ikaw ang bida
Pero kung ikaw ay kagaya ng iba, ay wala rin namang problema
Tayong mga Pinoy naman ay madiskarte at mapagtiis diba?
Ngunit mas maganda pa rin na mapuksa ang mga kanser ng lipunan
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating mga nalalaman
At huwag mahihiyang iparinig ang ating boses sa karamihan
Dahil lahat tayo ay may magagawa para sa ating bayan
Panahon na rin siguro upang gumising ka
Bumangon at makilahok na Di naman kailangang makibaka at magwelga
Sapat nang sa lipunan ay may pakialam ka Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri
1. Uri ng Panitikan:_________________________
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:___________________
3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________
11
4. Mga Tauhan________________________________
5. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:______________________
6. Katangiang Akdang Klasiko:___________________________
Isaisip
Dahil naging matagumpay ka sa pagsagot sa mga inihandang gawain.Bigyan
natin ng paglalahat ang mahalagang konsepto na iyong napag-aralan.
Dugtungan ang pahayag upang maibahagi mo ang iyong natutunan.
Natutunan ko sa araling ito_______________________________________. Nalalaman ko na sa pagsusuri ay_________________________________.
Wow! Ang galing mo naman kaibigan at nakuha mo ang ating aralin sa
modyul na ito. At para mas maikintal pa natin ang ating natutunan ngayon.Sagutin natin ang gawin sa ibaba.
Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa
tamang sagot.
Hanay A Hanay B
____________1. Nagsasabi na ang tao a. Realismo
ay rasyunal na nilalang na may kakayahang
maging makatotohanan at mabuti. b. Naturalismo
____________2. Pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan
____________3. Naniniwalang walang malayang kagustuhan c.Feminismo
ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinubog
lamang ng kanyang heredity at kapaligiran.
____________4. Batayan sa pangangailangan
ng pagbabago ng babae upang mabuo ang kanyang sarili d. Romantisismo
____________5. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan e. Humanism
12
Tayahin Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at
tiyaga upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo! Ngayon ito na ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam
kong kayang-kaya mo ito. Sige na, gawin mo!
Panuto: Ilarawan kung anong damdamin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot.
1. “Kung ang Diyos na itinuturo nila ay totoo at hindi isang pandaraya…dahil sila mismo ang unang-unang hindi naniniwala at sumusunod sa kanya!” A. Pagkagalit B. Pagtatampo C. Pagkatakot D. Pagkainip
2. “Kahanga-hanga! Sa oras ng kapayapaan, iniwan mo kami”.
A. Paghanga B. Panunuya C. Pagkapoot D. Pagkatuwa
3. “Ipinapayo ko sa iyo na tumiwalag ka agad. Punitin at itapon ang lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo”. A. Pagkatakot B. Pagkakawanggawa C. Pagkayamot D. Pagmamalasakit
4. “Kung ang nasasaad sa paskin ay sang-ayon sa ating damdamin at mithiin ay mabuti ang kanilang ginawa at dapat pasalamatan”. A. Pagsuporta B. Pagpapasalamat C. Pagbubunyi D. Pagkatakot
5. “Tiyak na gagaling ka, pahiran lamang ng agwa bendita ang lugar na masakit
o may karamdaman!” A. Pagkatakot B. Pagkakawanggawa C. Pagkayamot D. Pagmamalasakit
Para sa bilang 6-10. Basahin mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang
sagot. Isulat ang titik lamang.
13
6. Sino ang nagpatawag kay Isagani habang ito ay nakikiusap sa mga
kapwa niya mag-aaral?
A. Simoub
B. Padre Fernandez
C. Padre Irene
D. Don Custodio
7. Ayon kay Isagani, Sino ang dapat sisihin sa kawalan ng mabuting puso
at asal ng mga kabataan?
A. mga prayle
B. mga magulang
C. pamahalaan
D. mga kastila
8. Sino ang sinasabing makakalaban ni Kapitan Tiyago sa sabong pagdating
sa langit?
A. San Rafael
B. San Miguel
C. San Pedro
D. San Vicente
9. Paano tinanggap ni Juli ang balita tungkol kay Basilio?
A. Nahimatay
B. Napasigaw
C. Napaiyak
D. Nabalisa
10. Sino ang sinasabing makatulong sa suliranin ni Juli?
A. Hermana Penchang
B. Padre Camorra
C. Kapitan Tiyago
D. Simoun
Panuto: Para sa bilang 11 hanggang 15, suriin ang piling bahagi nang nobela kung
anong pananaw/teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
11. Pakiramdam ni Juli, kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay
isusumpa niya ang sarili. Makailang ulit ng may nagpayo na kung gagawa
lamang siya ng pagpapakasakit ay maililigtas niya sina Kabesang Tales at Basilio.
A. humanismo B. realismo C. feminismo D. romantisismo
12. Maitim na anino ng Kapitan Heneral ang paglalarawan kay Simoun ng lahat.
A. Humanismo B. Imahismo C. Romantisismo D. Realismo
13. Malaya niyang naipahayag ang kanyang iniisip nang walang kinatatakutan.
A. Romantisismo B. Klasisismo C. Himanismo D. Realismo
14. “Napakaganda ng bayang ito, Kamahalan. Ang mamamayan ay mababait at
masunurin, sila’y mapagtiis…nabubuhay silang patuloy na umaasa lamang”.
A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. idealismo
14
15. Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa peryodikong El Grito na tama siya sa
madalas sabihing hindi nakabubuti sa kalagayan ng Pilipinas ang pagtuturo sa
kabataang Pilipino.
A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. klasisismo
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang lahat na mga gawain. Para
mas madagdagan pa natin ang iyong kaalaman may inihanda ako sa iyong
isa pang gawain.
A. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag:
1. Diyos Ko!...Sa paningin Mo’y walang mayaman, walang mahirap,
walang maputi o maitim. Ikaw ang magagawad sa amin ng
katarungan!
B. Ibigay ang pagpapahalagang hinhihingi/inilalahad ng sumusunod na
mga sitwasyon:
1. Ang paglapit ni Juli kay Padre Camorra
2. Ang ginawa ni Padre Camorra kay Juli
Karagdagang Gawain
Walang duda! Ikaw ay napakahusay kaibigan. Natitiyak kong ang iyong bagong natutunan sa modyul na
ito ay naitatak na sa iyong puso’t isipan kaya’t saan ka man magpunta at anuman ang iyong mararanasan ay
mailalapat mo ito. Maraming salamat kaibigan! Mabuhay
ka!
15
Pagyamanin Gawain A at B
Nakadepende na sa guro ang pagwawasto
gamit ang rubrik sa pagsusuri
gamit ang rubric sa pagsusuri.
Karagdagang Gawain
Nakadepende na sa
guro ang pagwawasto
gamit ang rubrik sa
pagsusuri.
Tayahin
1. A 6. B 11.C
2. B 7. A 12.B
3. D 8. C 13.B
4. A 9. A 14.A
5. D 10. B 15. D
Balikan
1.C 6.B
2. A 7.D
3.B 8.A
4.A 9.B
5.A 10.C
Sanggunian
Mga pagdulog at teoryang pampanitikan: Batayan ng paglinang HOTS sa
pagtuturo/pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Philippines.
Villafuerte, Patrocinio, and Bernales, Rolando. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga teorya at
praktika. Philippines, 2008.
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
1.Humanismo-e
2. Romantisismo-d
3.Naturalismo-b
4.Feminismo-c
5.Realismo-a
16
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
Recommended