Transcript

Dominique Zurbano

II BA Communication

Sariling Papel-Pananaliksik: Ang Mga Kontribusyon nina Vicente at Anacleto

Enriquez Sa Himagsikang Pilipino

KABANATA I

Introduksyon

Nang magsimula ang Himagsikang Pilipino nang 1896, ito ay masyadong

napaaga. Nangyari ito dahil nadiskubre ng mga Kastila ang pag-iral ng Katipunan,

isang organisasyon na mayroong pakay na humiwalay nang tuluyan mula sa

Espanya pagkatapos makuha ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan. Nadiskubre

ang Katipunan magkatapos naikwento ni Teodoro Patiño, isang miyembro ng

Katipunan, ang tungkol sa Katipunan sa kanyang kapatid na nasa ilalim ng pag-

aalaga ng mga madre, si Honoria. Nababahala ang mga Kastila, at bilang epekto,

ang mga Katipunero ay naghanda na para sa laban. Isa sa mga unang lalawigang

may kaalaman at nakilahok sa napaagang pagpasok ng himagsikang ito ay ang

Bulacan.

Mula sa Bulacan, ay naggagaling ang pamilya ng mga Enriquez. Nang mga

panahong iyon, ay may kahandaan na ang mga Katipunero sa Bulacan. May isang

grupo na tinawag ay Uliran, ng mga kabataan, na pinangungunahan ni Dorotea

Karagdag. Bilang bise-presidente at ingat-yaman, ay sina Anacleto Enriquez at

Vicente Enriquez, mga magkakapatid. Pareho silang dalawa ay may koneksyon sa

Bayani ng Pasong Tirad, si Heneral Gregorio Del Pilar; pareho silang dalawa ay mga

kababata ni Gregorio, at may pagkalahok sa Himagsikang Pilipino, na lumisab mula

1

1896 hanggang 1899. Bago nakilahok si Gregorio Del Pilar sa Himagsikang Pilipino,

ay mas popular ang mga kabataan ng grupong Uliran, tulad ng Gatmaitan, Karagdag

at lalo na ang magkakapatid-Enriquez, dahil sa kanilang partisipasyon sa

Himagsikang Pilipino, at ang aktibong mga papel nila sa pagtataguyod ng kalayaan

para sa kanilang bansa. Kilala sila para sa pag-oorganisa ng Bulacan, at

katapangan, at pagbibigay ng puso nila sa Himagsikang Pilipino.

Ngunit ngayon, sino na ang matatawag nating sikat? Nang ipinalabas ang pelikulang

Heneral Luna, naging tampok ang pagganap ng aktor na si Paulo Avelino bilang

Heneral Gregorio Del Pilar. Sa isang tagatis, ay napakita sina Heneral Del Pilar – at

ang kanyang ayudante, si Vicente. May mas timbang ngayon ay pangalan ni

Gregorio Del Pilar, pero may timbang pa rin ba ang pangalan ng mga Enriquez

bilang mga bayani ng rebolusyon?

Ito ang tanong na gusto sagutin ng papel na ito.

Mga Layunin:

Mas makilala ang mga kontribusyon nina Vicente at Anacleto Enriquez sa

Himagsikang Pilipino

Bigyan ng timbang ang resulta ng mga kontribusyon nina Vicente at Anacleto

Enriquez hindi lang sa Bulakan, pero sa Pilipinas, bilang isang bayani at

mamamayan

Ito ang mga tanong na nais masagot ng saliksik na ito:

Ano ang mga kontribusyon nina Vicente at Anacleto Enriquez sa

Himagsikang Pilipino?

Ang mga katangian nila na dapat tularan sa panahong ito?

2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang saliksik na ito ay isang saliksik tungkol sa Kasaysayan, at kabayanihan ng

magkapatid na Enriquez, isang angkan ng Bulacan na may malaking partisipasyon

sa Himagsikang Pilipino, at para mas makilala sila at ang mga naambag nila sa

Himagsikang Pilipino. Ito rin ay qualitatibong saliksik.

Mahalaga ito sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral

Bilang mga nag-aaral ng Kasaysayan, ay malaman nila ang mga bayaning hindi

ganoon kapopular, at mas bigyan nila ng timbang ang mga sakripisyo nila nang

nakaraan.

Sa mga guro

Namagbigyan-toon ang pagsasaliksik tungkol sa mga di-gaanong kakilalang bayani

at makilala rin ang kabayanihan nila.

Sa mga mamamayan

Na may mapulot sila mula sa mga naambag ng mga Enriquez sa Himagsikang

Pilipino at sa kasaysayan.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masaliksik at mapag-aralan ang mga

naambag ng magkakapatid na sina Anacleto at Vicente Enriquez sa Himagsikang

Pilipino (1896-1899), parehong unang bahagi at pangalawang bahagi ng

Himagsikang. Nalilita ito sa mga pag-aaral sa ilalim ng Katipunan, Kasaysayan ng

Bulacan, sa Himagsikang Pilipino, at may relasyon din ito kay Gregorio Del Pilar.

3

KABANATA II

Rebyu ng Kaugnay Na Literatura

Ang Katipunan Sa Bulacan

Ang Katipunan ay unang tinatag nang Hulyo 7, 1892, sa may Kalye Azcarraga, nang

nalaman si Jose Rizal ay itatapon sa Dapitan. Isa itong organisasyon na naglalayong

makuha ng Pilipinas ang kanyang kalayaan, at magturo sa mga Pilipino tungkol sa

magandang asal at moralidad. Ang mga obligasyon ng Katipunan ay tatlo: politikal,

etikal, at sibiko. Ang mga unang miyembro nito ay sina Andres Bonifacio, Deodato

Arellano, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa at ang mga ibang miyembro

ng La Liga Filipina.

Nang Enero 1895, sumali si Anacleto Enriquez sa Katipunan, sa isang bahay sa

Tondo, Maynila. Bilang Katipunero ay kailangan niya magdala pa ng bagong

miyembro at ginawa niya iyon. Isa sa mga bagong miyembro ng Katipunan na dinala

niya ang kanyang kapatid, si Vicente. Magkasama sina Vicente at Anacleto na

sumali sa Katipunan. Naging malapit siya kay Bonifacio. Pinadala sina Anacleto at

Vicente Enriquez, Isidoro Torres at mga iba pa ni Bonifacio silang dalawa sa

Bulacan, kasama ni Isidoro Torres, upang magtatag ng sariling sangay ng Katipunan

sa Bulacan. Nang mga 1890s, ang magkakapatid ay nag-aaral sa Ateneo, kasama

ang mga anak ng mga ibang pamilya tulad ng mga Gatmaitan, Tecson, Karagdag at

ni Gregorio Del Pilar, sa may Maynila.

Sa may kabisera ng Bulacan, ay naitayo ang Uliran. Ang Uliran ay isang grupo na

binubuo ng mga magigiting at makabayan na mga kabataan. Ang pangulo ay si

Doroteo Karagdag; bilang bise-presidente at ang tinataguriang utak ng grupo, ay si

4

Anacleto at bilang ingat-yaman, ay si Vicente. Parehong sina Anacleto at Vicente ay

galing sa pamilyang Enriquez, na kilala sa pagiging makabayan. Bukod pa rito, sina

Anacleto at Vicente ay kasali sa mga tagapagtatag ng Uliran.

Para maging miyembro ng Uliran, may isang ritwal na pinagdaraanan. Ang

nagnanais maging miyembro ay kakailangaging nakapiring ang mga mata, tapos

pipirma ng dokumento gamit ang dugo mula sa kanyang kaliwang braso.

Nang Agosto 1896, si Andres Bonifacio ay nagpadala ng utos kay Vicente Enriquez.

Wala si Karagdag, ang pangulo, at wala rin si Anacleto, ang nakakatandang kapatid

ni Vicente, kaya si Vicente mismo ang napilitang isangkatuparan ang utos ni

Bonifacio. Kinonsulta ni Vicente ang kanyang mga kapatid na babae; ang sagot nila

sa kanya ay iyak. Ang ginawa ni Vicente ay pumunta siya sa may entresuwelo ng

bahay nila, kinuha ang mga kailangan niya, at umalis siya nang bahay nang walang

sapin sa paa.

Sa panahong iyon, napasailalim ng batas-militar ang Bulacan, ni Gobernador

Heneral Ramon Blanco. Sa mga ibang lalawigan, ay hinuhuli ang mga hinihinalang

mga insurekto at itinatapon, pinapahirapan o kaya pinapatay. Si Anacleto, ang

nakatatandang kaptid ni Vicente, ay nagsagawa ng pabulong na kilusan laban sa

mga Kastila. Sa Bulacan, ang mga boluntaryo ng gobyerno ay madalas pumunta at

umaalis. Ang naging tungkulin ni Vicente ay ipaalam ang lahat ng mga Katipunero

tungkol sa utos ni Andres Bonifacio. Sa total, lahat ng Katipunero sa Bulacan ay 400.

Nagpatulong si Vicente kay Julian Del Pilar, dahil sa ilalim ng pag-aari ni Julian Del

Pilar ang isang kalesa.

5

Nang alas-otso ng gabi, nagpulong ang mga Katipunero ng Bulacan saa Sitio ng

Libis, San Nicolas. Ang pag-uusapan nila ay paano sumalakay sa himpilan ng mga

guardia sibil; may konting armas na ang mga Katipunero. Si Vicente ay may

rebolber, ang mga iba mga patpat at eskrima. Nang dumaan si Karagdag ay nabilita

niyang nabigo ang Katipunan sa may Balintawak. Si Pio Valenzuela, isang popular

na Katipunero ng Bulacan, ay naaresto. Pagdating ng hatinggabi, ay umuwi ang mga

Katipunero ng Bulacan, binigo ng utos pero hindi ito nagtagal dahil nabuhayan muli

ng loob ang mga Katipunero ng Bulacan nang malaman ang mga tagumpay ng

Katipunan sa Cavite.

Nagpulong muli pero nagpunta naman silang Masukol (Paombong), ngayon, 30 000

na kataong nagpulong. Isang namamahalang grupo ay nabuo. Si Isidoro Torres ay

napiling namumunong opisyal; pangalawa sa kanya ay si Anacleto Enriquez. Naging

mga koronel sina Doroteo Karagdag, Donato Teodoro, Gregorio De Los Santos at

Vicente Enriquez. Kasama ni Koronel Ascuncion, kumuha ng mga kartutso para sa

mga baril si Vicente Enriquez. Si Vicente Enriquez din ay kumuha ng mga miyembro

ng Katipunan. Dahil dito, ay hindi siya nakapagtapos ng kanyang edukasyon sa

Ateneo.

Dahil sa pakikilahok nina Vicente at Anacleto sa rebelyon laban sa mga Kastila,

sinugod ng mga guardia sibil ang bahay nila at inaresto ang kanilang ina, si Doña

Petrona Enriquez. Si Anacleto ay naging kilala dahil sa kanyang pagiging matalino,

matapang, at sa galing niya sa paghawak ng baril.

Sa katapusan ng Nobyembre 1896, may mga tatlo nang malalaking giyerang

naganap: sa may Calumpit, Bunga, at San Jose Del Monte, at isa pang laban, ang

Laban ng San Rafael, kung saan si Anacleto ay napatay. Nasalakay ang San Rafael,

6

kung nasaan ang kwartel ng mga guardia-sibil at nakuha ito ng mga puwersa ni

Anacleto. Kahit na nakuha na ng Katipunan ang San Rafael, ay mas umalab ang

laban. Ang labanan sa San Rafael ay naituring pinakamadugong laban sa

Himagsikang Pilipino; 800 na katao ang namatay sa labang ito. Ang mga katawan,

pagkatapos nito, ay nakikitang wakwak ang mga sikmura o kaya pugot ang mga ulo.

Sa labang ito, ay napatay si Anacleto; si Vicente ay nahiwalay sa kapatid kaya

nakatakas siya mula sa maagang kamatayan.

Sa pagkamatay ni Anacleto ay nagdiwang ang mga Kastila. Nagkaroon ng isang

bandang nagmamartsa at nagpapatugtog ng Viva Le Espanya sa pagkamatay ni

Anacleto, isa sa mga tinataguriang pinakamapanganib na mga rebelde laban sa

gobyerno ng Espanya.

Naging malakas ang epekto nito.

Nang isang araw nang Disyembre, lumapit si Gregorio Del Pilar kay Vicente

Enriquez, sa may Kakaron De Sili, isang tanggulang itinayo. Prinesenta niya sarili

niya at nais niya tularan at gayahin ang ehemplo ng kabayanihan ni Anacleto.

Ang pagkapatay kay Anacleto ay ang nagtulak kay Gregorio Del Pilar na sumali sa

Katipunan.

Ang Daan Patungong Pasong Tirad

Si Gregorio Del Pilar ay isang pangalan na may malaking relasyon sa mga Enriquez.

Nang 1897, sumama sa kanya si Vicente Enriquez, sa Atake Sa Paombong, isa sa

mga unang mga atake sa mga Espanyol. Dahil sa atake sa Paombong, naging mas

kilala si Del Pilar. Nakuha niya rin ang tiwala ni Emilio Aguinaldo; sasamahin niya si

Aguinaldo sa Singapore at sa Hong Kong, para umuwi at ipagpatuloy ang

7

pangalawang bahagi ng Himagsikang Pilipino; si Vicente naman ay nagpuntang

Singapore upang mag-aral ng Ingles at ng lingwaheng Malay.

Magkalipas na ng isang taon at kalahati, ang pangalawang bahagi ng Himagsikang

Pilipino ay naipagpatuloy.

Nang 1899, napaslang si Heneral Antonio Luna. Isa itong simula nang isang matarik

na oras para sa Republikang Pilipino. Mula sa Malolos, Bulacan, ang upuan ng

kapangyarihan ay nalipat, sa Cabanatuan. Pagkatapos ng paglipat ng gobyerno sa

Cabanatuan ay nagpadala ng telegrama si Heneral Del Pilar kay Vicente Enriquez

na makipagkita silang dalawa sa San Isidro, at kung wala si Del Pilar sa San Isidro,

ay sa Bamban. Sa Angeles, nakahabol si Vicente kina Heneral Del Pilar at

Presidente Aguinaldo, sa may bahay ni Ginoong Pamintuan.

Nagpunta sa kampo ni Luna si Heneral Del Pilar upang puksain ito. Sa may

Dagupan, si Manuel Bernal, isang ayudante ng kampo ni Luna, ay naresto. Nahanap

siya ni Heneral Del Pilar na nagtatago sa bahay ng mga Nable Jose (ang isang anak

ng mga Nable Jose ay tinataguriang huling pag-ibig ni Heneral Del Pilar, si Dolores).

Ang testimonya ni Angel Bernal, ay pinahirapan nina Heneral Del Pilar at ng kapatid

niya, si Koronel Julian Del Pilar si Manuel Bernal. Hinubaran ng uniporme si Manuel

Bernal, at tinanggalan ng kanyang perdible na nagsasaad na siya ay isang ayudante

ng kampo. Nilatigo nina Gregorio at Julian Del Pilar si Manuel Bernal, at pinayagan

mabuhay ng isang linggo bago siya ay pinatay. Ang perdible na nagsasaad na

ayudante ng kampo si Manuel Bernal ay naipamigay kay Vicente Enriquez, kahit

sinaad na ni Vicente mismo sa kanyang testimonya na pumapapel na siyang

ayudante ni Heneral Del Pilar mula nang nakahabol siya kay Del Pilar sa Angeles.

8

Si Kapitan Jose Bernal, ang kapatid ni Manuel at Angel Bernal, naman, ay dinala sa

Angeles at pinatay ng mga sundalo.

Sa may Dagupan, ay nagkakaba si Heneral Del Pilar. Mula Hunyo hanggang

Nobyembre 1899, ay sa Dagupan ang kampo ni Del Pilar. Hinati-hati ni Del Pilar ang

kanyang mga sundalo sa mga puwesto.Nang mga panahong iyon, mas nailagay ang

buhay ni Presidente Aguinaldo sa panganib. Humahabol na ang mga puwersang

Amerikano sa kanya. Nagretiro patimog na si Aguinaldo, kasama si Heneral Del Pilar

bilang kanyang panlikod na bantay ng hukbo.

Mula sa mga natitirang tauhan ni Antonio Luna, ay inatasan ni Heneral Del Pilar kay

Vicente Enriquez na pumili ng mga sisentang sundalo, para sa huling panindigan

niya, para bilhan ng oras si Presidente Aguinaldo para makatakas pa sa may timog

na bahagi ng Luzon, mula sa mga Amerikano.

Paalis na ng Dagupan, si Koronel Vicente Enriquez lang ang may alam kung saan

pupunta ang hukbo ni Heneral Del Pilar; binigay sa kanya ni Heneral Del Pilar ang

kanyang pitaka na naglalaman ng kanyang mga liham sa mga sinisinta niya.

Ang Laban ng Pasong Tirad

Nakapunta ang mga sundalo sa Angake, magkatapos ang tanghali. Pinuntahan ang

mga trinsera, at nagsimula ang labanan ng Pasong Tirad. Ang labanang ito ay ang

ultimong sakripisyo at huling panindigan ni Heneral Del Pilar at ng kanyang hukbo.

Bago magsimula ang labanan, ay nanumpa ang mga sundalo na lumaban hanggang

kamatayan. Ang mga kalaban nila, ang Texas Volunteers ng 33rd Infantry Regiment

ay mas marami pa sa kanila; hinahanap nila si Heneral Del Pilar, isang rebeldeng

9

pinuno – at si Vicente Enriquez – ang mapaglalang na ayudanteng namumuno sa

mga sundalo.

Naubusan ng mga sundalo ang puwersa ni Heneral Del Pilar, sa siyam na katao,

kasali na rito sina Koronel Vicente Enriquez, at si Jose Enriquez, ang nakakabatang

kapatid ni Vicente.

Sa labanang ito, ay namatay si Heneral Gregorio Del Pilar, nabaril. Ang mga

salaysay tungkol sa kanyang pagkapatay ay nag-iiba. May mga salaysay mula sa

mga Amerikano, at may mga salaysay na nanggagaling sa mga Pilipino, tulad ni

Telesforo Carrasco, at si Koronel Vicente Enriquez mismo.

Sa salaysay ni Koronel Enriquez, ay nagkaroon ng mas may kalamangan nang una

ang posisyon ng mga Pilipino. Napagtigil ng putukan dahil ang mga kalaban nila ay

naiinitan. Nagpunta si Enriquez sa tuktok. Pagkatapos ng ilang mga minuto, ay

naituloy ang putukan. Pinagsabihan ng mga sundalo si Del Pilar na nasa may itaas

na nila ang kalaban, pero wala silang masilayan kundi mga galaw sa damog cogon.

Ang galaw na ito ay naisasabing irregular kaya pinatigil ni Heneral Del Pilar ang

putukan. Tinangka ng heneral na tignan sino ang kalaban. Sa proseso nito, ay

tinamaan ng bala ang heneral – tinakpan niya ang mukha niya kasama ng kanyang

mga kamay at napatay agad.

Hindi agad nakuha ni Vicente ang bangkay ni Del Pilar, dahil sa takot. Kinuha niya

ang isang singsing mula sa bangkay ni Del Pilar at nagtago. Nang susunod na araw,

umalis siya mula sa kanyang lugar na tinataguan, kasama ang dalawang sundalo.

Ginusto nilang ilibing ang bangkay pero hindi nila ito magawa nang mabuti. Linagay

niya ang bangkay ni Del Pilar sa isang kanal. Nang nagsimulang mangamoy nito,

ang mga Igorot na ang naglibing sa bangkay.

10

Hanay ng Panahon nina Anacleto at Vicente Enriquez:

1876 – Setyembre 26, Ipinanganak si Anacleto Enriquez kay Doña Petrona

Gatmaitan Sepulveda Fernando at Don Vicente De Jesus Enriquez, bilang

pangalawang anak, sa Bulakan, Bulacan.

1879 – Disyembre 16, sumunod na ipinanganak si Vicente bilang pang-anim

na anak nina Doña Petrona at Don Vicente Enriquez.

1892 – Naitatag ang Katipunan. Sumali sina Vicente at Anacleto, mga

estudyanteng nag-aaral sa Ateneo.

1896 – Pumutok ang Himagsikang Pilipino. Naitatag nina Vicente at Anacleto

ang Uliran sa Bulacan. Naisailalim ang Bulacan sa batas-militar. Ang mga

kapatid na Enriquez at ang mga ibang pamilya tulad ng mga Gatmaitan,

Tekson at Karagdag ay nagsimulang bumalik sa probinsya para makilahok sa

rebolusyon.

o Agosto – Nagpadala ng utos si Andres Bonifacio sa Bulacan na

sangay ng Katipunan. Si Vicente mismo ang nagsaayos nito;

nagkaroon ng pagpupulong upang pag-usapan paano sumugod

sa kwartel ng mga guardia sibil. Di matagalan na

o Nobyembre – Nang unang araw ng Nobyembre ay naging

Koronel si Vicente at si Anacleto ay naibigyan din ng mataas na

posisyon. Sa edad na bente, si Anacleto ay nahirang na

heneral. Nasawi si Anacleto sa Laban ng San Rafael; si Vicente

ay nahiwalay sa kanya sa isang laban.

o Disyembre – Nasa may Kakaron De Sili si Vicente, nang lumapit

sa kanya ang kaibigang si Gregorio Del Pilar, na nagnanais na

tularan ang kagitingan ni Anacleto.

11

1897 – Sumali sa Atake sa Paombong si Vicente, sa ilalim ng pamumuno ni

Gregorio Del Pilar. Nagpunta si Vicente sa Singapore upang pag-aralan ang

Ingles at Malay na wika; nakasalubong niya si Gregorio Del Pilar.

1899 – Ginawang ayudante ni Heneral Del Pilar si Vicente Enriquez. Si

Vicente ang pumili ng mga sisentang sundalong dadalhin ni Del Pilar sa

huling paninindigan niya, sa Labanan ng Pasong Tirad. Sumama si Vicente

sa Laban ng Pasong Tirad at isa sa mga nakaligtas mula sa pagpuksa ng

mga Amerikano sa mga sundalong Pilipino.

o Hunyo-Nobyembre – Nasa may Dagupan si Vicente kasama ni Heneral

Del Pilar.

o Disyembre 2 – Laban ng Pasong Tirad.

o Disyembre 3 – Hindi makayanan ni Enriquez mailibing ang bangkay ni

Heneral Del Pilar

Mga Saklaw:

Contributors' names (Last edited date). Title of resource. Retrieved from http://Web

address for OWL resource

Author, A. A. (Year of publication). Title of work: Capital letter also for subtitle.

Location: Publisher.

Author Unknown. (N.A.). The Founding of Katipunan. Retrieved from

http://malacanang.gov.ph/4304-the-founding-of-the-katipunan/

Author Unknown. (N.A.). Katipuneros of Bulacan. Retrieved from

http://www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/katipuneros1.htm

Author Unknown. (2009). Anacleto Enriquez. Retrieved from

http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/anacleto-enriquez.html

12

Agar, Joshua. (2015). Was Gregorio Del Pilar a hero after all?. Retrieved from

https://joshuaagar.wordpress.com/2015/09/23/was-gregorio-del-pilar-a-hero-

after-all/

Center for Bulacan Studies. (2012). Vicente Enriquez. Retrieved from

https://www.facebook.com/bsucbs/photos/a.495511430472977.120578.12379

1750978282/523825760974877/?type=3&theater.

Clotario, Dudz. [Dudz Animations]. (2015, November 14). Gregorio del Pilar -

Battle of Tirad Pass in Lego [Video File]. Retrieved from

https://youtu.be/9AuxtXzeoWE

FilipiKnow. (N.A.). 11 Things You Never Knew About Gregorio Del Pilar.

Retrieved from http://www.filipiknow.net/facts-about-general-gregorio-del-pilar/

Joaquin, Nick. (1977). A Question of Heroes. Mandaluyong: Anvil.

Kalaw, Teodoro M. (1974). An Acceptable Holocaust: Life and Death of A

Boy-General. Manila: National Historical Commission

Reyes, Roberto. (2014). The Enriquez Family of Bulakan. Retrieved from

http://beto-reyes.blogspot.com/2014/03/the-enriquez-family-of-bulacan-

bulacan.html

KABANATA III

Teoretikal/Konseptwal/Operasyonal na Balangkas

Konseptwal Na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay isang pag-aaral na naglalayon na malaman at mabigyan ng

timbang ang mga ambag ng mga magkakapatid na Enriquez, parehong sina Vicente

at Anacleto, sa Himagsikang Pilipino.

13

Mga Teorya:

1)Shannon and Weaver Model of Communication

Ang Shannon and Weaver na Model of Communication ay isang model ng

komunikasyon, na isagawa nang 1958 nina Claude Shannon at Warren Weaver,

mga nagtratrabaho sa isang telephone company. Ang modelong ito ay nakabase sa

mga resulta at epekto nito. Ang Sender ay ang pinagmulan ng mensahe; ang

encoder ay ang nagcoconvert sa mensahe sa mga signal. Ang channel ay ang

paraan paano naipapadala ang mensahe. Ang Noise ay ang nagpipigil sa mensahe

mula sa pagpapadala at pagproproseso nito.

2)Historikal Na Perspektibo Sa Talaan ng Mga Sources

o Primary Source – Ito ay mga direktang source, tulad ng mga litrato, mga

salaysay, diary at iba pa. Meron itong firsthand na impormasyon tungkol sa

paksa.

14

o Secondary Source – Mayroon itong komentarya tungkol sa paksa. Nagbibigay

ito ng interpretasyon.

o Tertiary Source – Nagbibigay ito ng mga summary at pinapaikli ang

impromasyon tungkol sa isang paksa. Walang orihinal na impormasyon ang

nakalagay dito.

3)Ang Katipunan at ang Kanilang Gawain

Ang Impluwensiya ni Rizal Sa Katipunan

Bago pa nagkaroon ng Katipunan, mayroong mga organisasyon na naglalayon para

sa awtonomiya ng Pilipinas. Ito ay ang La Liga Filipina, isang organisasyon itinatag

ni Jose Rizal, para makuha ng Pilipinas ang awtonomiya nito sa kampanyang

maging probinsya ng Espanya ito. Si Rizal ay matagal nang nangangampanya para

dito. Mula sa pagiging manunulat ng mga sanaysay, si Jose Rizal ay isang doktor,

nobelista, at alagad ng sining. Nagsulat siya ng dalawang nobela na nagsasalamin

sa mga inhustisya sa Pilipinas, at pangaapi ng mga prayle at ng gobyernong Kastila

sa mga Pilipino.

Hindi lang naman si Andres Bonifacio ang miyembro ng Katipunan na tagahanga ni

Rizal; si Anacleto Enriquez at si Emilio Jacinto rin. Silang tatlo ay nakipagkita

kasama ni Jose Rizal, nang hiwalay. Nagpadala ng mensahe si Andres Bonifacio

kay Jose Rizal tungkol sa ideya ng himagsikan, at hinabol ni Emilio Jacinto si Jose

Rizal, sa kanyang lagusan papuntang Dapitan. Ang naging pamana ni Rizal sa mga

Katipunero ay ang pagmamahal sa bansa at ang adhikain na lumaban para sa

awtonomiya nito.

Ang Gawain Ng Katipunan

15

Nang itatapon na si Rizal sa may Dapitan, ay nabuo ang Katipunan. Pinili ni Andres

Bonifacio, isang miyembro ng La Liga Filipina, na tumira sa kanyang pulutong at

ipursige ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng armas.

May tatlong sangay ng mga obhektibo ang Katipunan. Sa pulitikal, dapat mahiwalay

ang Pilipinas mula sa Espanya gamit ang armas. Sa etikal, ang mga Pilipino ay

dapat turuan ng magandang asal, pangangalaga sa kalusugan, at mga moral. Sa

sibiko, ang layunin ay sana ang mga Pilipino ay matuto tulungan ang mga sarili nila

at ang mga inaapi.

Ang pagkuha ng mga miyembro ng Katipunan ay naging mahalagang bahagi sa

organisasyon, kaya nagkaroon ng mga sistema paano kumuha pa ng mga

miyembro.

Inaasahan din ang mga miyembro ng Katipunan na sundan ang mga nakasulat sa

Kartilya, na isinulat si Emilio Jacinto. Ang Kartilya ay nagsisilbing gabay para sa mga

bagong miyembro ng Katipunan, upang malaman ang mga moral na sinusuportahan

ng Katipunan.

Kartilya:

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay

kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at

hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa

at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.

16

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay;

mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda...; ngunit di

mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang

may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring

magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.

9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong

ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10.Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga

anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay

ay kasamaan din.

11.Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi

isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang

buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang

pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12.Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin

sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Mga Saklaw:

17

N.A. (N.A.). Kartilya ng Katipunan. Retrieved from

http://filipino.biz.ph/history/kartilya.html

N.A. (N.A.). Primary, secondary and tertiary sources. Retrieved from

http://www.lib.vt.edu/help/research/primary-secondary-tertiary.html

N.A. (N.A.). Shannon and Weaver Theory of Communication. Retrieved from

http://communicationtheory.org/shannon-and-weaver-model-of-communication/

Gonzales, Sellena. (2016). Pamintuan Mansion. Retrieved from

http://ruscano.tumblr.com/post/143676495559/view-from-the-watchtower-of-

pamintuan-mansion

Montemayor, Teofilo. (2004). Jose Rizal: A Biographical Sketch. Retrieved from

http://www.joserizal.ph/bg01.html

KABANATA IV

Metodolohiya

Ang kabanata na ito ay naglalaman paano ginawa ng mananaliksik ang pag-aaral

niya sa mga ambag nina Vicente at Anacleto Enriquez sa Himagsikang Pilipino.

Pagkolekta ng Datos

Ang mananaliksik ay naghanap ng mga sanggunian sa internet, at gumamit ng mga

libro na meron siya sa kanyang habilin, tungkol sa Kasaysayan, at maayos ang

pagkukuha ng impormasyon. Nakahanap ang mananaliksik ng mga magagandang

pinagmulan ng impormasyon at nagbuod ng mga datos na sa tingin niya ay angkop

18

para sa paksa ng kanyang mini-thesis na ito. Naglaan ang mananaliksik ng ilang

araw para sa pangongolekta ng datos, at pagbubuod nito.

Pagkatapos mangolekta ng datos, ay nagsuri ang mananaliksik at naglaan ng ilang

araw para analisahin ang mga datos na kinuha niya.

Sa pagbigay ng pamantayan sa pagbibigay timbang sa mga ambag nina Anacleto

Enriquez at Vicente Enriquez sa Himagsikang Pilipino (1896-1899), ang piniling mga

pamantayan ang mga sumusunod:

Shannon and Weaver Model of Communication – Dahil ang mga aksyon at

mga naiwan ng magkapatid Enriquez ay mensahe at uri ng komunikasyon

para sa tao.

Historikal Na Pagkuha ng Talaan ng Mga Impormasyon – Dito, nakukuha ang

mga impormasyon tungkol sa paksa ng mini-thesis na ito

Mga Gawain Ng Katipunan – Dahil mga Katipunero ang parehong magkapatid

na Enriquez, dapat lang may masuri kung nagawa nila ang mga adhikain na

dapat ginagawa ng mga Katipunero at kung sanib sa mga ugali na inaasahan

mula sa isang Katipunero

Interpretasyon

1)Ang Mga Ambag Ng Mga Enriquez Bilang Miyembro ng Katipunan

Ang ginawang pangongolekta ng datos ang basehan ng interpretasyon ng mga

resulta ng saliksik na ito.

May mga ambag ang dalawang magkakapatid na Enriquez, sina Vicente at

Anacleto, sa Himagsiang Pilipino. Naging silang miyembro ng Katipunan, na

punotdulo ng pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang bilang makabayan.

19

Ang kanilang pamilya ay kilala na notableng makabayan, at si Anacleto ay di lamang

naimpluwensiyahan sa kaniyang pamilya, pero tulad nina Emilio Jacinto at Andres

Bonifacio, ay namulat din si Anacleto sa mga inhustisya ng pamahalaang Kastila, at

nagnais ng paghiwalay mula sa Espanya, kaya sumali siya sa Katipunan. Sumali rin

siya sa Katipunan, dahil sa labis na pagmamahal niya sa Inang Bayan.

Bilang Katipunero, isa sa mga ginawa ni Anacleto ay kumuha ng mga bagong kasapi

ng Katipunan. Isa rito ay ang kanyang kapatid niyang si Vicente. Sinunod ni Anacleto

ang utos ni Andres Bonifacio na dalhin ang Katipunan sa Bulacan; kasama nina

Vicente Enriquez at Isidoro Torres, ay tinatag nila ang Barangay Uliran. Nagsagawa

ng bulong na kampanya si Anacleto, para mas malaman ng mga kababayan niya

ang mga inhustisyang ginagawa ng mga Kastila sa mga Pilipino. Naging popular si

Anacleto sa Bulacan dahil sa kanyang talino, galing sa paggamit ng baril, at pagiging

matapang. Nagsilbing inspirasyon si Anacleto sa kanyang mga kapatid, at sa mga

kaibigan niya. Rinerespeto siya ng mga kababayan niya. Ang mabigat na

kabayanihan ni Anacleto ay nagkaroon din ng mga masasamang epekto; ang

kanyang inay, si Doña Petrona, at ang kapatid na nakakabata ni Anacleto, si

Victoria, ay dinala sa kulungan ng Bilibid, dahil sa partisipasyon ni Vicente at

Anacleto sa mga rebolusyonaryong actibidad laban sa pamumuno ng mga Kastila.

Sa kanyang pakikipagkalahok sa paglaban sa rebolusyon sa may Bulacan, ay

naging bise-pangulo siya ng Barangay Uliran, at pangalawang opisyal na

namumuno, sa mga pagpupulong, ng mga Katipunero sa Bulacan.

Naging magandang ehemplo si Anacleto Enriquez bilang isang Katipunero dahil sa

kanyang katapangan, sumali si Anacleto sa Katipunan, at naging heneral nang

maagang edad. Tinangka niyang lumaban para sa kalayaan ng Inang Bayan at

20

napaslang nang maaga. Dahil sa kanyang kabayanihan sa Laban ng San Rafael, ay

nakilala si Anacleto.

Mataas ang tingin ng magkapatid Enriquez sa mga babae; sa kanilang pamilya, lima

ang mga lalaki at apad ang mga babae. Ang mga kapatid na babae nila ay naging

mga tagadala ng mga armas, sulat at iba pa. Si Victoria Enriquez, isang kapatid ni

Anacleto, ay pinayagang lumaban. Mayroon siyang espesyal na terno na isinusuot

kapag may labanan. Sa kanyang huling mga sandal ng buhay niya, ninais ni

Anacleto na maibigay ang kanyang pagmamamahal sa kanyang ina. Ang patas at

mataas na pagtrato ni Anacleto Enriquez sa mga babae sa buhay niya ay nasa linya

sa Kartilyang isinulat ni Emilio Jacinto, at sa isa sa mga batas ng Katipunan.

Sa kanyang pamumuhay, nasunod ni Anacleto ang mga pamantayan ng Kartilya ng

Katipunan, nabuhay nang matapang at naniniwala sa pagkakapantay ng tao, at

lumaban para sa kalayaan. Sa kanyang sarili at sa kanyang kabayanihan, si

Anacleto ay naging isa sa mga bayaning hindi masyadong nakikilala ng mga

kabataan ngayon. Ang kanyang gawain bilang isang rebolusyonaryo ay hindi gaano

kakilala ng mga mag-aaral ng kasaysayan ngayon.

Nang panahon niya, naging isang alamat siya dahil sa talino, galing at kabayanihan

niya, kasama ng kapatid niyang si Vicente, sa mga nauubos na ranggo ng mga

lumalaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Ang kanilang kasikatan, nakalulungkot

isipin, ay lumililim, kung ikompara mo sa kanilang kaibigan na mas sikat na kaibigan,

si Gregorio Del Pilar. Bilang isang rebolusyonaryo sa panahon ng batas-militar ay

hindi naging madali gawin, para kay Anacleto – at ginawa niya ang lahat ng kaya

niyang gawin. Isa pa rin siyang magandang ehemplo ng isang modelong Katipunero

– matapang, matalino, rinerespeto, mataas ang tingin sa babae at patas ang

21

pagitingin sa mga tao, may husay sa pag-oorganisa at sa pagiging pinuno. Sa mga

larangan ng buhay niya, ehemplado si Anacleto.

Nang namatay si Anacleto, si Gregorio Del Pilar, ay nainspira sa kanyang kagitingan

at nangarap na mamatay din na bayani tulad ng kanyang malapit na kaibigan, at

sumali ng Katipunan. Makakalipas ang tatlong taon at tatlong buwan, makakamit din

niya ang parangal ng kabayanihan, sa kanyang huling paninindigan sa may Pasong

Tirad.

2)Ang Pamana Nina Anacleto Enriquez at Vicente Enriquez Kina Gregorio Del

Pilar at Sa Kasaysayan

i.Ang Papel ni Vicente Enriquez Sa Kasaysayan

22

Kinokonsidera si Vicente Enriquez bilang isang “kababata at kasama sa kolehiyo” ni

Gregorio Del Pilar. Bagaman ay malapit ang dalawa sa isa’t isa dahil sa pagkabata,

malapit ang kanilang mga tirahan, ay si Vicente at Gregorio ang naging magkasama

madalas nang pareho silang lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas mula 1897

hanggang 1899. Sumali si Vicente sa Katipunan kasama ng kuya niya nang 1895, at

sa pakikilahok sa Himagsikang Pilipino, iniwan niya, tulad ng kuya niya, ang kanyang

mga aralin sa Ateneo. Tumulang siya kumuha pa ng mas mararaming rekluta ng

Katipunan sa Bulacan, at tinatag niya ang Barangay Uliran. Naging mahalagang

miyembro ng Katipunan si Vicente sa Bulacan, dahil sa pagtatag niya ng Barangay

Uliran, at sa patuloy na dedikasyon niya sa paglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

23

Tulad ng kuya niya, nabigyan din siya ng mga tungkulin – ang pagiging ingat-yaman

ng Uliran, at mamaya naman, ay naging koronel, sa isang murang edad (pinanganak

siya nang Disyembre 1879), sa edad ng labing-anim na taong gulang. Siya mismo

ang nagpalaganap ng salita mula sa Supremo, na ipulong ang mga miyembro ng

Katipunan, na makipagkita sila. Kasama ng isang Koronel Ascuncion, ay gumawa rin

si Vicente ng mga baril, at sumama sa mga unang laban, laban sa mga Kastila.

Nahiwalay siya mula sa kanyang kuya sa isang laban, kaya hindi siya nadamay sa

madugong labanan sa may Laban ng San Rafael, kung saan 800 ang napatay.

Dahil din sa kanyang pakikilahok sa himagsikan, naaresto ang kanyang kapatid na si

Victoria, at ang kanilang nanay, si Doña Petrona Enriquez.

Nang Disyembre 1896, ay nasawi na ang nakatatandang kapatid niyang si Anacleto.

Linapitan siya ni Gregorio Del Pilar, habang nakaupo siya sa isang pilapil sa

Kakarong De Sili, at tinanong sa kanya ni Gregorio kung paano namatay si Anacleto.

Si Vicente ang naging testigo ng kanyang kababata, sa kanyang pagnanais na

tularan ang pamana at katapangan ni Anacleto, at magiging isa sa mga

pinakamalapit na sundalong kasama ni Gregorio Del Pilar sa kanyang tungkulin

bilang isang sundalo sa himagsikan.

Bilang isang sundalo, matatag si Vicente at maasasahan. Di matagalan, ay naging

saksi at nakilahok din si Vicente sa Atake Sa Paombong, kung saan napatunayan ni

Gregorio ang kanyang katalinuhan bilang isang taktisyan, at nabansagan

magkasing-galing ni Antonio Luna pagdating sa digmaan. Magkatapos ang Atake sa

Paombong, ay nagpunta muna si Vicente sa Singapore para matuto ng mga ibang

lingwahe.

24

Sa muling pagsiklab ng ikalawang bahagi ng himagsikan, ay bumalik si Vicente, at

dito na naging mas aktibo ang kanyang papel sa pagiging sundalo, at kasama ng

kanyang kababata, si Gregorio Del Pilar. Hindi man siya ay nabigyan ng mga

promosyon tulad ni Gregorio Del Pilar, ay ginawa naman niya ang makakaya niya.

Sa kanyang relasyon kay Gregorio Del Pilar bilang sundalo at bilang kaibigan, ay

nagsilbi siya. Bilang sundalo ng himagsikan ay kailangang lumaban hanggang

kamatayan, at ito ang naging tungkulin ni Vicente.

Ang relasyon nilang dalawa ay masasabing malapit na malapit; nagsilbing sundalo si

Vicente sa ilalim ni Gregorio nang ikalawang bahagi ng himagsikan.

Sa pagdating ng paglipat ng kabisera ng Pilipinas sa Cabanatuan, ay nasa peligro

ang estado ng gobyerno ng Pilipinas. Si Gregorio, sa panahong ito, ay mas sumikat,

bilang isang pangalan sa himagsikan, at nakuha na rin niya ang tiwala ni Presidente

Emilio Aguinaldo. Dahil sinusundan ng mga pwersang Amerikano si Emilio

Aguinaldo, mataas ang prayoridad para sa kanyang pagiging ligtas, at mahalaga rin

na kailangang ipagpatuloy ng mga sundalong Pilipinong lumaban laban sa kanilang

mga bagong mangaapi: ang mga Amerikano.

Pinatawag ni Del Pilar si Vicente Enriquez, para makipagkita sa kanya, dahil silang

dalawa ay magkaibigan at kapwa sundalo. Humabol si Vicente Enriquez kay Heneral

Del Pilar sa pagdating sa may Angeles, Pampanga, kung saan, nasa estado ng

kagipitan ang mga ibang heneral, tulad ni Heneral Alejandrino, sa kanilang laban sa

mga Amerikano. Sa engkwentro sa Pampanga, ay napatunayan ang labis na tiwala

ni Gregorio Del Pilar kay Vicente Enriquez. Mula nang nakahabol si Vicente sa

Pampanga, ay nagsimula na siyang pumapel bilang ayudante.

25

Sa pagpunta sa Dagupan, mas lalo pa itong napatunayan. Sa pagpaslang kay

Antonio Luna, si Heneral Del Pilar ay inatasan puntahan ang kampo ni Luna. Nahuli

niya si Manuel Bernal, ang ayudante ni Luna, at binigay ang baral na nagsasabing

ayudante de kampo si Bernal, kay Vicente, kahit na pumapapel lamang si Vicente na

ayudante niya mula nang nakahabol siya kay Gregorio sa may Pampanga. Dito rin

sa Dagupan, ay nakita ni Vicente na ninerbyos si Gregorio, dahil ayon sa kanya, ang

kanyang kababatang kaibigan, si Gregorio, ay hindi ninenerbyos. Mula Dagupan,

ang magiging destinasyon ni Gregorio bilang heneral ng himagsikan, ay ang Ilocos,

sa pagtulong sa pagtakas kay Presidente Emilio Aguinaldo – ang Pasong Tirad,

kung saan makakamit ni Del Pilar ang kanyang pagiging martir para sa kanyang

bayan.

Si Del Pilar kahit kilalang bayani ng Pasong Tirad, ay isang komplikadong tao. Sa

paglahok sa pagpupurga ng kampo ni Luna, walang nagbigay sa kanya mismo ng

mga utos o galing kanino. Pinahirapan niya ang magkapatid na Bernal –

pinagpapalo niya si Manuel Bernal, inaresto si Angel Bernal at inutos na ipapatay si

Jose Bernal sa Angeles, Pampanga. Habang nasa mga lugar-lugar, madalas siyang

nagpapaayos ng mga piyesta at nambababae. Si Vicente, dahil nakahabol lamang

siya sa Pampanga, ay ginagampanan lang niya ang sa tingin niya ay ang tama –

makinig sa mga utos ng kanyang heneral at kaibigang si Gregorio.

Sa palapit ng masaklap na huli, ang labanan sa Pasong Tirad, si Vicente lang ang

may alam kung saan ang magiging destinasyon. Sa kanya rin ibinigay ni Gregorio

ang kanyang pitaka kung saan nakalagay ang mga sulat ng mga babaeng linigawan

at minahal niya.

26

Nakilala siya bilang isang matalinong ayudante; siya mismo rin ang pumili sa mga

sisentang sundalong lalaban sa Pasong Tirad.

Sa kanyang relasyon kasama ni Gregorio Del Pilar, ay halatang may antas ng tiwala.

Buong buhay na magkakilala ang dalawa; naging magkaibigan sila, bilang mga bata,

nagsilbing mga sundalo sa giyera, sa ilalim ng Katipunan at parehong inaasahang

sumunod sa mg autos, bilang mga naging pinuno sa himagsikang, sa pagkabigay

kay Vicente ng titulo ng koronel, at bilang mga taong may malalalim na pagmamahal

para sa Inang Bayan. May tiwala si Gregorio kay Vicente bilang kaibigan, na hindi

siya bibiguin nito, sa kanyang trabaho bilang sundalo.

Bilang kaibigan, may respeto at paghanga si Vicente kay Gregorio, kaya nang

labanan ng Pasong Tirad, ay ginusto ni Vicente sana ilibing ang katawan ni Gregorio

ngunit dahil sa mga pangyayari, ay hindi na rin ikinaya. Naging saksi rin siya sa mga

mahalaging pangyayari sa Bulacan, nang Himagsikang Pilipino, lalo na ang

pagkamatay ni Heneral Del Pilar sa Labanan ng Pasong Tirad.

27

Isang litrato ni Vicente Enriquez, mula sa koleksyon ni Milagros Enriquez

Si Vicente Enriquez, nang mga 1930

Vicente Enriquez. Mula sa http://www.retrato.com.ph/photodtl.asp?id=PP00309

Ang ambag ni Vicente Enriquez ay hindi lang nagtatapos sa pagiging sundalo sa

huling labanan ni Heneral Gregorio Del Pilar sa may Pasong Tirad, at sa pakikilahok

sa Himagsikang Pilipino.

Mula sa matarik at kontrobersyal na daan mula Pasong Tirad, ay umuwi si Vicente at

ipinagpatuloy ang kanyang buhay. Bumalik siya sa pag-aaral, at pumasa sa bar at

naging abogado; nakilala niya si Josefa Ysciano-Rivera, pinakasalan siya at

nagkaroon sila ng sampung mga anak. Bumalik siya para sa laban para sa

awtonomiya ng Pilipinas, pero sa huling beses, sa isang pulitikal na paraan.

Dahil sa partisipasyon niya sa labanan ng Himagsikang Pilipino, si Vicente ay

naging pangunahing pinagmulan ng mga salaysay tungkol sa Katipunan sa Bulacan,

dahil isa siyang tagapagtatag ng Barangay Uliran, at aktibong partisipasyon bilang

sundalo. Sa kanya ang sanaysay tungkol sa unang pagbigo ng mga Katipunero sa

Bulacan nang Agosto 1896 nagmula, at nagmula sa kanya, lalo na sa lahat, ang

mga kwento at mga salaysay tungkol kay Gregorio Del Pilar, dahil siya ay isang

ayudante nito, kababata, kapwa-sundalo, at malapit na kaibigan, at sa pagiging tapat

ni Vicente kay Del Pilar.

28

Sa pagiging kaibigan, siya ay matapat – at sa pagiging moral, ay ginagawa niya ang

sa tingin niya ay tama. Sa kanyang buhay, ay nagpapakita siya ng malakas na

konbiksyon sa kanyang mga paniniwala sa kalayaan ng Pilipinas, labis na tapang

kahit na mura ang edad niya nang lumalaban siya sa himagsikang Pilipino, at

hanggang sa uli, ay nanatiling makabayan sa mga paraan na kaya niyang gawin. Sa

Communication, ang mga aksyon ay nagiging mensahe. Bilang isang source ng

message, ang mga aksyon ni Vicente Enriquez ay nagpapatunay na talagang mahal

niya ang Inang Bayan.

Pagsusuri Ng Datos

Sa kanilang mga tungkulin sa Katipunan, ang dalawang magkakapatid na Enriquez,

sina Anacleto at Vicente, ay magandang mga ehemplo. Sa larangan ng digmaan,

malaki ang patunay na talagang mahal nila ang Inang Bayan, at makabayan talaga

sila. Napapatunay din ang pagkakaiba ng dalawang magkakapatid na Enriquez, sa

kanilang relasyon kasama ni Gregorio Del Pilar, ang kanilang kababata.

Sa kanyang ambag, mas aktibo ang papel ni Anacleto – isa siyang pinuno at natural

na lider. Napapahiwatig, sa kanyang tauhan at mga naambag, na isa siyang magiliw

na tao, na minamanduhan ng respeto at pagmamahal, dahil emplehado siya. Mas

malapit siya kay Gregorio, at may malaking paghanga si Gregorio sa kanya, sa

kanyang katapangang mag-organisa ng kampanya laban sa mga Kastila. Ang

kanyang tauhan ay isang alamat – habang kay Vicente, ay nakikita ang tauhan ng

matapat at malapit na kaibigan, at sundalong mas marunong maghawak ng

tungkulin at kumilos sa digmaan, mula sa nang di gaano ka nakikita.

29

Saklaw ng Mga Litrato:

http://www.retrato.com.ph/photodtl.asp?id=PP00299

http://www.retrato.com.ph/photodtl.asp?id=PP00301

http://www.retrato.com.ph/photodtl.asp?id=PP00309

http://beto-reyes.blogspot.com/2014/03/the-enriquez-family-of-bulacan-bulacan.html

KABANATA V

Lagom

Ang saliksik na ito ay nagpopokus sa mga aambag nina Vicente at Anacleto

Enriquez sa Himagsikang Pilipino. Sa kabuuan, naging mahalaga ang mga ambag

nina Vicente at Anacleto Enriquez dahil sa kanilang epekto kay Gregorio Del Pilar, at

dahil sa kanilang pagpapakita ng pagiging makabayan.

Kay Anacleto Enriquez:

Pinuno ng Katipunan sa Bulacan

Kumuha ng mga bagong rekluta sa Katipunan

Naging sikat dahil sa kanyang katapangan, pagiging matalino at husay sa

paggamit ng baril

Tinawag na “Matanglawin”

Naatasang Heneral sa edad ng 20

Namuno sa Laban ng San Rafael

Napatay sa Laban ng San Rafael

Ang kamatayan niya ay nagsilbing ehemplo na dapat tularan ni Gregorio Del

Pilar

30

Kababata at malapit na kaibigan ni Gregorio Del Pilar (Hinangaan ni Del Pilar

si Anacleto)

Kay Vicente Enriquez:

Naging pinuno ng Katipunan sa Bulacan (nagsilbing ingat-yaman ng

Barangay Uliran at mamaya, naging Koronel)

Kumuha ng mga bagong rekluta sa Katipunan

Naatasang Koronel sa edad ng 16

Gumawa ng mga baril para sa laban

Sumama sa Atake Ng Paombong

Naging ayudante ni Gregorio Del Pilar

Ang pumili ng mga 60 na sundalong lalaban sa Pasong Tirad

Kababata at malapit na kaibigan ni Gregorio Del Pilar (Pinagtitiwalaan ni Del

Pilar si Vicente)

Mga Kongklusyon

Sa larangan ng kasaysayan, may mga mahalagang naambag sina Anacleto at

Vicente Enriquez, hindi lamang sa kanilang asosasyon kay Heneral Gregorio Del

Pilar, ang bayani ng Pasong Tirad.

Magkaiba man ang pagkatao ng dalawang magkakapatid na Enriquez, ngunit

maganda silang mga ehemplo ng tunay na Katipunero: mga responsible, mga

makabayan, magiting, tapat sa kanilang mga pinahahalagaan, matatalino, at may

galang sa mga tao. Ito ang mga katangiang napakita nila, sa kanilang mga trabaho

bilang mga pinuno ng Katipunan sa Bulacan, bilang mga sundalo, at bilang mga

taong may labis na pagmamahal sa bayan. Malakas at malalim ang kanilang diwa ng

31

pagiging makabayan, at tapat sila dito. Magkaiba ang naranas ng dalawang

magkakapatid ngunit, pareho silang nangingibabaw bilang mga ehemplo ng tunay na

makabayang Pilipino.

Nakamit ni Anacleto ang kanyang ambag sa kanyang trabaho bilang pinuno,

heneral, at bayani ng San Rafael. Ang kanyang pagkamatay ang nagsilbing pamana

niya ng kagitingan para kay Gregorio Del Pilar, ang nagtulak sa kanya sumali sa

Katipunan.

Ang papel ni Vicente, naman, ay isang papel na tapat: naging pinuno rin siya,

sundalo, at ayudante de kampo, na binigyan ng labis na tiwala ng kanyang kaibigan

at heneral, si Gregorio Del Pilar. Nagi siyang saksi sa kasaysayan – mula nang

nakasasawing gabi ng Agostong iyon nang 1896 hanggang sa Pasong Tirad – at

dahil dito, ay kinilala siya bilang primary source ng mga salaysay tungkol sa

Katipunan sa Bulacan at lalo na, sa buhay ni Gregorio Del Pilar. Sa labas ng

pagiging primary source ni Vicente tungkol sa kasaysayan, muli niyang ipinaglaban

ang awtonomiya ng Pilipinas, sa larangan ng pulitika. Pareho silang makabayan, at

nagsisilbi pa ring nagniningning na larawan ng tunay na makabayan sa kanilang

mga naambag sa kasaysayan ng Pilipinas, mga rebolusyonaryong walang takot

ipaglaban ang mga pinaniniwalaan nila.

Mga Rekomendasyon

Rinerekomenda ng mananaliksik na para mas marami pang impormasyon tungkol

kina Anacleto at Vicente Enriquez ay nagpunta dapat ang mananaliksik sa Bulakan,

Bulacan mismo, para makakuha ng mga mas kapani-kapaniwalaang mga

pinagkukunan ng impormasyon.

32

Rinerekomenda rin ng mananaliksik na kung sasaliksikin ang paksang ito muli, ay

bigyan diin na dapat ang mas mapagtitiwalaang mga pinagmulan ng impormasyon

ang dapat pagkuhanan, at mga libro ang rekomenda. Ang saliksik na ito ay tungkol

sa mga bayaning hindi ganoon kasikat, kung ikompara sa mga ibang bayani.

Isang biyahe ay rinerekomenda ng mananaliksik upang maranasan ng mananaliksik

ang mga lugar na nanapagdaanan ng magkapatid na Enriquez. Ang biyaheng ito ay

dadaan sa mga sumusunod na mga lugar:

Bulacan

o Bulakan, Bulacan – Kung saan lumaki sina Vicente at Anacleto

Enriquez kasama nina Gregorio Del Pilar

o Enriquez Ancestral House – kung saan ang mga miting mga

Katipunero ng Bulacan ay madalas nagaganap, at saan mismo lumaki

sina Vicente at Anacleto Enriquez

o Ang Simbahan ng San Juan De Dios, Bulacan – Kung saan ang

labanan ng San Rafael ay nangyari. Dito sa Simbahang ito ay nasawi

sa aksyon si Heneral Anacleto Enriquez.

o Bulacan Museum – Kung saan nakatanghal ang mga artipakto at

naglalahad ng kasaysayan ng Bulacan.

Pamintuan Mansion, Angeles, Pampanga – Naging makasaysayang bahay

ito. Dito, nakahabol si Koronel Vicente Enriquez kasama nina Presidente

Aguinaldo at Heneral Del Pilar. Nagsilbi itong puhunan ni Heneral Antonio

Luna. Nang humabol na ang mga Amerikano, naging himpilan na rin ito para

kay Presidente Aguinaldo.

33

Pasong Tirad, Ilocos – Kung saan nangyari ang huling paninindigan ni

Heneral Del Pilar; dito namatay si Heneral Del Pilar.

34