Pangangalaga sa pambasang parke

  • View
    129

  • Download
    16

Embed Size (px)

Text of Pangangalaga sa pambasang parke

  1. 1. PANGANGALAGA SA MGA PAMBANSANG PARKE Ang mga pambansang parke ay pinangangalagaan dahil iyon ay nagsisilbing pook pahingahan,pasyalan o palipasan ng oras.Sariwa at malamig ang simoy ng hangin sa naturang mga pook.Mayroon tayong 55 parke sa buong bansa na nagsisilbing pook-kanlungan ng sari- saring ligaw na hayop at halaman(wildlife).Maraming luntiang halaman,mga punong kahoy at mga bulaklak na makukulay ang makikita rito.Ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
  2. 2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagputpl ng mga puno,pamimitas ng mga bulaklak at pagtirador ng mga ibon na naninirahan dito.Ang mga pambansang parke ay pinangangasiwaan ng kawanihan ng mga pinangangalagaang lugar at ligaw na hayop at halaman ng DENR,Pambansang Pangasiwaan ng Turismo,Lupon sa pagpapaunlad ng mga Pambansang Parke at mga non-governmental organizations o NGO.Isang Halimbawa ay ang HARIBON Society sa DAVAO.Pinangangalagaan nila ang mga Agila upang maparami ang mga lahi nito.
  3. 3. PANGANGALAGA SA MGA YAMANG TUBIG AT PANGISDAAN Ang Pilipinas ay biniyayaan ng malawak na karagatan at katubigan na katatagpuan ng ibat ibang yamang tubig.Subalit sa paglipas ng panahon,maaaring maubos na ang mg yamang tubig kung magpapatuloy ang maling paraan ng pangingisda at labis na pangaabuso sa paggamit nito. Kapansin-pansin ang pagdumi ng mga ilog at dagat dahil sa pagtatapon ng mga basura at patuloy na pagdaloy ng dumi at mga likidong kemikal mula sa mga pabrika at pagawaan na nasa paligid ng katubigan Unti-unti na ring nauubos ang mga isda sa dagat dahil sa paggamit ng mga dinamita at mga lason.Nasisirana rin ang mga bahura o coral reefs na binabahayan ng ibat ibang uri ng nasa dagat.
  4. 4. Nagpapalabas ng mga batas at kautusan ang pamahalaan upang mapangalagaan ang mga pangisdaan at mga yamang-tubig.Ipinapatupad ang.Atas ng Pangulo Bilang 1058 upang ipagbawal ang maling paraan ng paghuli ng isda na nakakasira ng yamang-tubig tulad ng paggamit ng dinamita,lason at mga lambat na maliit ang butas.Sinumang lalabag na naturang batas ay may karampatang parusa.
  5. 5. PANGANGASIWA AT PANGANGALAGA SA YAMANG MINERAL Ang Pilipinas ay itinuturing na mayaman sa mga mineral.May sapat na reserbang mineral ang bansa para sa industriya ng pagmimina.Ang industriya ng pagmimina ay isa sa may pinakamalaking ambag sa pambansang kita. Dahil sa patuloy na pagmimina ng mga mineral sa bansa ay ipinalagay na nababawasan taun-taon ang mga ito.Ang mga mineral ay hindi na napapalitan kapag itoy namina na, Kailangan ang tamang pangangasiwa rito upang hindi tuluyang maubos ang mga yamang-mineral
  6. 6. Sa ilalim ng Saligang Batas ay binigyan diin ang mga bagong direktiba sa pangangasiwa ng mga minahan at tamang paggamit ng mga yamang- mineral.Ipinalabas ang bagong Kodigo ng Pagmimina at tinutukoy sa kodigong ito ang mga panganib sa kapaligiran,lupa at anyong tubig na idinudulot ng pagmimina.Kaya mahigpit na ipinatupad ang mga batas tungkol sa pagmimina na hindi magbibigay pinsala sa kapaligiran.
  7. 7. ALICE A. BERNARDO ARALING PANLIPUNAN 6