Click here to load reader

Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan Wagas na Pagmamahal talagang Kailangan

  • View
    6.021

  • Download
    4

Embed Size (px)

Text of Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan Wagas na Pagmamahal talagang Kailangan

Sa pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan ROJETT C. SARAZA Tunay na nababakas sa bawat silakbo ng ating isipan at damdamin, nababanaag ang munting pagsibol ng karunungan mula sa ibaba patungong paitaas. Na sa bawat yugtong dumaraan at lumilipas, unti-unting umiigting ang pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa mula sa ating mga sarilit isipan.

Wika ko, wika mo, wika nila, wika nating lahat! Pagmasdan mot ating pagyamaning kusa. Kailanman wikay maihahalintulad sa pangangalaga ng ating kalikasan. Sapagkat ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog sa paglipas ng panahon para makaagapay sa pag-usbong ng kaunlaran. Ang wika rin kung mapapansin ay may sariling angkin at kakayahan sa pagpapaunlad nito. Halimbaway mabisa ang wika kung itoy mapapaunlad sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, kultura, komunikasyon at iba pang larangan. Ngunit sa positibong

pagpapakahulugang ito, marami pa rin ang nahihiwagaan at gustong maunawaan kung ano nga ba ang tunay na pagpapakahulugan sa Wika sa pangangalaga nito. Kung ang wika ay behikulo ng paghahatid ng damdamin sa kinauukulan, masasabing itoy may pinagmulan noong unang panahon na kung saan ay hindi maipaliwanag ng mga dalubhasa sa pag-aaral ng wika o kung tawagin ay Dalubwika. Ito ay ang teorya ng mga Wika o pinagmulan nito. Sa Teoryang Ding-dong, lahat ng bagay sa paligid ay lumilikha ng sariling tunog nito; sa Teoryang Yum-yum, ang bawat kilos ng tao o anumang bagay na tumutugon sa kumpas o galaw ng kamay ng tao ay may

kahulugan; sa Teoryang Pooh-pooh, ang mga tao ay natutong magsalita dahil sa silakbo ng damdamin; sa Teoryang Bow-wow, ang tao naman ay nanggagaya sa tunog ng hayop at sa Teoryang Yo-he-ho, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng puwersang pangkatawan. Patunay lamang na sa mga paliwanag na ito ay naipapakita ang kabihasnan ng wika. Batay na rin sa maraming pagpapaliwanag, hindi sapat ang ganitong kaliwanagan para mapatunayan na ang Wika ay may pagpapahalaga at pangangalaga. Napapaloob din sa Wikang Filipino ang mga antas nito kabilang ang Balbal kung saan, naipapakita ang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pagsasalita ng impormal na usapin o mababang uri ng pagsasalita kung saan ay makikita sa mga lansangan o kanto. Ang Lalawiganin na kung saan, ang mga tao ay nagkakaintindihan ng kanilang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng sariling pagkakaintindihan batay sa kanilang nakagawian o tumatak na sa kanilang kultura at tradisyon. Kolokyalismo ay tumutukoy naman sa mga usaping impormal o dipangkaraniwan lamang na kalimitang matatagpuan sa usaping pambahay o simpleng kaibigan na kung tawagin ay Kolokyalismong pangkaraniwan at usaping pampaaralan naman o mapormal na paglalahad ng usapin ay tinatawag na kolokyalismong may talino. At ang Pampanitikan na sumasaklaw sa

pinakamataas na uri ng antas na kalimitang nagagamitan sa usaping pormal na pagkakalahad tulad ng Tayutay,Sanaysay, Maikling kwento at marami pang iba. Tulad ng mga nabanggit na ito, masasabi ngang itoy may pagpapahalaga sa ating wika kung maipapasok rin dito ang mga batas sa Wikang Filipino. Sa layunin ng batas na ito, ninanais ang pagkakaroon at pagpapalawig ng wikang ito nang dahil na rin sa mga batas na naitatag. Mayroong batas na nagsasaad na kailangang awitin ang Pambansang Awit na Lupang Hinirang sa salitang tagalog, kung saan itoy

pinagtibay noong mga panahon na tayoy nasa kamay pa ng mga banyaga. Maisasama rin dito ang pagtuturo ng Wikang Flipino mula sa mataas at pampublikong pampaaralan. Ito ay napalawig rin nang itatag ang pagtutro sa Asignatura ng Filipino sa mga kolehiyo. Gayundin ang mga pagtatatag ng batas na nagsasaad na gagawin ng salitang Filipino ang mga gusali at pangalan ng mga kompanya na kung saan ay maipapakita ang pangalan ng isang Pilipino. At sa patuloy na pag-igting ng batas sa Wikang Filipino, maging ang mga sertipiko, sedula, katibayan at kaukulang papeles ay isasalin sa salitang Tagalog para nang sa ganun ay mapabilis ang pagkaunawa ng bawat mamamayang Pilipino.

Sa paglaganap ng mga adhikain at layuning ito, pinangalagaan at pinangunahan pa rin ng ating Ama ng Wikang Pambansa, sa katauhan ni Manuel Luis Quezon ang sangkap sa pagpapaunlad ng wika. Una na rito ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika kung saan sakop ang kapanganakan ni Francisco Balagtas Baltazar mula Marso hanggang Abril at itoy napalitan naman ng Buwan ng Wika sa buong buwan ng Agosto. Pinapatunayan dito ang saklaw sa pagkatuto at pagpapalawig ng kaalaman sa pagiging malikhain sa pagsulat ng Sanaysay, Maikling kwento, Tula, Talumpati at pakikipagtalastasan sa Balagtasan. Pangalawa ay ang paghalal nya sa mga kinatawan na mangangalaga ng batas ng wika sa bawat lalawiganin ng bansa kung saan ay napapaloob ang mga alituntunin at layunin sa pagusbong sa pakikipagkomunikasyon. At ang pangatlo ay ang pagtatatag ng iisang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Ito ay para sa ikabibilis at ikauunlad ng

pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa buong bansa at mapabilis ang pag-usad ng pagkakaintindihan sa mga lugar na malalayo at magkakaiba. Ayon na rin mismo kay Manuel Quezon, hindi kailangang maging isang sagabal ang ibang wika sa sariling wika. Nababakas rito ang pagtangkilik o pagpapanatili ng pagkahilig sa salitang banyaga kung saan ay kalimitang ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon sa bawat sulok ng Daigdig. Ito ay ang paggamit ng salitang Ingles. Popular na gamitin sa mabilis na pagkakaunawaan ng ibat-ibang tao. Kung ating babalikan ang nakaraang panahong Amerikano sa ating bansa, sila ang nagtulak sa atin na magkaroon ng edukasyon para magkaroon ng sariling kakanyahan at karunungan. Sabi nga, Ang Edukasyon ang susi sa kaunlaran ng bayan. Sa kanila tayo natutong magsalita ng Ingles. Kaya naman ang bawat isa ay mabilis na nagkakaunawaan. Ngunit sa ganitong pagkakataon, alalahanin na sa bawat ikot ng buhay, ang sariling wika ay kailanmay hindi dapat itakwil. Ika nga ng ating pambansang bayani na si Gat.Jose Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda. Patunay lamang ito na hindi dapat lapastanganin ang wikang nakagisnan.

Maihahalintulad rin ito sa mga bayaning nagtanggol sa ating bayan at isa sa maipapahiwatig rito ay si Gat.Jose Rizal. Siya ay naghimagsik gamit ang pluma sa pagsulat o paglathala ng nobela na sumasaklaw sa maling pamamalakad at pagaalipusta ng mga kastila sa mga Pilipino. Isa sa nagawa ni Gat.Jose Rizal ay Noli Me Tangere na kung sa tagalog ay Huwag mo akong Salingin. Kaya naman sa nagawang paglabag ni Gat.Jose Rizal laban sa mga kastila, sya ay nahatulan ng

kamatayan at binaril sa Bagumbayan(Luneta Park). Makikita sa pagkakasalaysay ng buhay ni Gat.Jose Rizal ay ang lubusan niyang pagmamahal sa kanyang bayan na maikukumpara sa wikang pinangngalagaan.

Sa paglipas ng mga henerasyon, nababago, napauunlad at nadaragdagan ang bokabularyo ng bawat wika. Sa bawat tao na nabubuhay at nagkakaroon ng puwang sa Daigdig, nagkakaroon ng ambag sa lipunan sa pagbabahagi ng bagong tuklas ng salita at dayalekto. Ibatay na lamang sa kasalukuyang panahon, kakaiba at mulat sa modernisasyon at makabagong teknolohiya, ibang-ibang sa mabilis na transportasyon at komunikasyon, lalung-lalo na sa mga kabataan, silaw sa mga bagay na nakalilibang at madalas kahiligan ang mga usong-usong kagamitan tulad ng computer na talamak sa paglalaro ng mga larong dota, cellphone na mailalarawan sa pagtetext nga mga salitang padaglat, pagpapaiksi, pagpapaganda ng salita, pagpapaarte, pagbibigay itsura sa salita na kung tawagin ay jejemon. Ito ang madalas na nasasambit ng mga kabataan sa ngayon sa kanilang pagpapahayag ng damdamin sa kapwa, kaibigan at kamag-anak. Ngunit sa pamamaraang ito, maituturing na salot sa lipunan, dahil kung mapapansin sa bawat salita, pantig, baybay at bigkas ng pangungusap, mali at taliwas sa tamang paggamit ng salita sa wika. Nagkakaroon tuloy ng pagka-mangmang sa gawaing ito dahil impormal na usapin sa pagpapahayag ng salita. Kayat tuloy nagkakaroon ng komplikadong pananaw sa pagsasalita dahil hindi lubos maintindihan ang tamang paggamit na humahantong sa maling pamamaraan. Kaalinsabay naman nito ang pag-usbong ng jejebuster. Dito naman napapaloob ang pagpuksa at pag-iwas sa gawain ng jejemon sa pagpapahayag ng

tamang layunin sa wika. Nasasansala ang pamamaraan ng jejemon sa pagpapadagdag ng salita sa bokabularyo ng wika at hindi kailanman ito na maibibilang sa Antas ng Wika. Sa pagkakatuklas ng mga ito, dito nasusukat ang hangganan at katapusan ng modernisasyon na sa bandang huli ay may kaakibat na kagandahan at kapintasanan. Bagkus, marami pa ring mga Pilipino ang di nakapagaral na kung kayat silay hindi nakasasabay sa daloy at silakbo ng pagbabago sa lipunan. Maihahalintulad rito ang mga Mangmang. Sila ang mga taong hindi nabigyan ng sapat na karunungan para silay pumaitaas at para umunlad. Ang nasasambit nila sa bawat kanilang salita ay bulol o kung minsan ay mali ang pagkakabigkas ng isang tamang salita. Humahantong sa panlalait ng mga nakatataas sa kanila. Sa lipunang ginagalawang ito, nagkakaroon ng mayaman o mahirap, mababa o mataas na antas sa buhay.

Sa bansang Pilipinas, nagtataglay ng napakaraming wikain sa ibat ibang rehiyon. Humigit pitong libong pulo ng bansa ay humigit kumulang naman na nasa isang daang dayalekto na ginagamit sa bawat lalawiganin sa Pilipinas. Dito nababatid ang sariling dayalekto ng bawat lalawiganin sa Pilipinas. Doon lamang kalimitan nagkakaroon ng sariling pagkakaunawaan ng dahil na rin sa nakagawiang salita. Napakahirap talagang unawain na sa bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang sinusunod. Hindi alintana ang pagbubungang ito sa mapurol na paglilinaw ng isipan. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon ng isang wikang pambansa na siyang magiging daan sa pagkakaisa.

Kung sa tunay na pagpapahalaga sa wika, maraming ispekulasyon ang nababalot sa bansa. Nandyan ang mga Pilipinong hitik sa paggamit n