Click here to load reader
Upload
sarah-jane-reyes
View
22.094
Download
98
Embed Size (px)
Citation preview
-SARAH JANE REYES.
TATLONG URI NG TALUMPATI
Daglian o Biglaan
• Walang paghahanda ang mananalumpati.
(IMPROMPTU)
MALUWAG
•May inihandang balangkas ng talakay at may
panahong magtipon ng datos ang
mananalumpati bago ang pagsasalita.
(EXTEMPORANEOUS)
hANDA
•Ganap ang paghahanda at kabisado ng
mananalumpati ang kanyang talumpati.
(PREPARED)
MGA TIYAK NA
LAYUNIN NG
PAGTATALUMP
ATI
Magturo
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang wasto
at nararapat na konsepto o kaisipan ukol sa isang
paksa, o pagbibigay ng wastong paraan upang
makabuo ng isang bagay.
Magbigay-Kabatiran
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang mga
kaalaman o impormasyon ukol sa isang paksa na
hindi pa nalalaman ng mga tagapakinig
Manghikayat
Layunin ito ng pagtatalumpati na makapanghimok
tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa isang
paniniwala o hangarin.
Manlibang
Layunin ito ng pagtatalumpati na makapagbigay-
aliw at maging kawili-wili sa mga tagapakinig.
Magbigay-puri
Layunin ito ng pagtatalumpati na papurihan ang
tao o ahensyang nagbigay ng kaaya-ayang
karanasan sa tagapagsalita.
Magbigay-puna
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibibigay
ang mga maling kaganapan sa lipunang
ginagalawan ng mga tagapakinig.