13
SINTAKSIS

Sintaksis

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sintaksis

SINTAKSIS

Page 2: Sintaksis

Ano ba ang Sintaksis ? Tinatawag na SINTAKS ang bahaging ito ng grammar na mey kinalaman sa sistema ng mga rul at mga kategori na syang batayan sa pagbubuo ng mga sentens

Sa madaling salita, ang sintaks ang pag-aaral ng straktyur ng mga sentens.

Page 3: Sintaksis

Malikhain at sistematik ang sintaks ng isang gramar

Tinatawag na gramatikal-rul ang tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng sentens

Pero kung hindi ayon sa gramatikal-rul ang isang kombinasyon ng mga salita, hindi ito gramatikal

Bukod ditto, sinasabing gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga neytiv-spiker na tama ito sa wika nila.

Page 4: Sintaksis

Halimbawa:1a: Binulsa ko ang mabangong bahay

1b: Bumulsa ko ang mabanging panyo

1c: Ibinulsa ko ang mabangong panyo

Page 5: Sintaksis

Malalaman ang kahulugan ng isang sentens sa mga salitang bumubuo nito, pero ang kahulugan ng sentens ay higit sa kabuuan ng mga kahulugan ng mga morfim na bumubuo rito. Halimbawa,

2a: Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika2b: Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.2c: Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang Ang mga string, mga pinagsusunod-sunod na salita, na hindi lumalabag sa mga sintaktik-rul ng isang wika ay tinatawag na mga sentens o gramatikal na sentens ng nasabing wika.

Page 6: Sintaksis

Mga kategori at straktyur Sa lahat ng mga wika, pundamental ang katotohanang pwedeng igrupo ang mga salita sa iilang mga klas na kung tawagin ay mga sintaktik-kategori.

Sa tradisyunal na grammar, tinatawag ang mga ito na mga bahagi ng pananalita.

Page 7: Sintaksis

Mga kategori sa level ng salita Sa maraming wika, ang mga sintaktik na kategori na higit na pinag-aarala ay ang nawn (N), verb (V), adjective (A), at preposisyon (P).

Madalas na tinatawag na mga leksikal-kategori, mahalaga ang papel ng mga ito sa pagbuo ng sentens. Isa leksikal-kategori, bagama’t hindi gaanong pinag-aaralan, ang adverb (Adv) na ang karamihan ay dinederayb mula sa mga adjective.

Page 8: Sintaksis

Meron ding mga fangsyunal o di-leksikal na kategori. Kabilang dito ang determiner (Det), oksilyari-verb (Oks), konjangksyon (Kon), at salitang pandigri (Dig).

Mas madaling ipaliwanag ang kahulugan ng nawn na Ing mountain, Kas monte, Hap yama ‘bundok’ kesa sa kahulugan ng determiner na Ing the, Kas el/la ‘ang’ o ng mga oksilaryo na Ing would, Kas ser at estar, Hap desu, etc.

Page 9: Sintaksis

3a: Maria found a toy. “Nakakita si Maria ng laruan” 3b: Maria toyed with her hair. “Pinaglaruan ni Maria ang kanyang buhok”

4a: I stood near the door. “Tumayo ako malapit sa pintuan” 4b: They neared the end of the line. “Lumapit sila sa dulo ng linya”

4c: We are near relatives “Malapit kaming magkamag-anak” Mapapansin na ginamit ang toy bilang nawn sa 3a, bilang verb sa 3b at ang near bilang preposisyon sa 4a, verb sa 4b, at adjektiv sa 4c. Kung ganon, papano natin madedetermin ang kategori ng isang salita? Tatlo ang kraytiryang karaniwang ginagamit sa pagdedetermin nito na tatalakayin sa susunod.

Page 10: Sintaksis

Kahulugan

Ang nawn ang nagbibigay-ngalan sa mga tao,lugar, o bagay; ang verb naman ay salitang nagpapahayag ng aksyon, etc. Kung ganito ang paraan ng pagpapaliwanag batay sa kahulugan, mahirap maklasifay ang lahat ng mga salita sa isang wika. Halimbawa, gaya ng ipinakita sa kanina (3), ang salitang toy ay isang nawn na tumutukoy ito sa isang bagay, pero isa itong verb kung aksyon naman ang tinutukoy.

Page 11: Sintaksis

Pwede ring ipaliwanag sa iba’t ibang paraan ang mga kahulugang inuugnay sa mga nawn at verb. Halimbawa, ang tipikal na gamit ng isang adjektiv ay ang magpahayag ng katangian o attribyut ng isang nawn. Sa preys na an intelligent witness ‘isang matalinong saksi’ sa Ingles, inaatribyut natin ang katangiang intelligent sa nawn na witness. Tipikal na ipinapakilala naman ng mga adverb ang mga katingang nababagay sa mga aksyong ipinapahayag ng mga verb. Halimbawa,

5a: Roy slept well. ‘Mahimbing na natulog si Roy.’

5b. Roy slept early. ‘Maagang natulog si Roy.’

Page 12: Sintaksis

Bukod dito, bagama’t karaniwang mga verb ang mga salitang tumutukoy sa mga aksyon, mey ilang mga ganitong salita na pwede ring gamitin bilang mga nawn. Pansinin ang sumusunod:

6. The ambush/attack was reported at noon. ‘Tanghali nang inireport ang pagtambang/pagsalakay

Page 13: Sintaksis

Sa ilang kaso, magkaiba pa ang mga kategori ng ilang mga salita na halos pareho ang kahulugan, gaya ng sumusunod.

7. I like/am fond of pasta. ‘Gusto ko ng/Mahilig ako sa pasta.’

Halos pareho ang kahulugan ng like at fond, pero verb ang like habang adjektiv naming ang fond.