9
PROGRAM FOR INVESTITURE I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader Panalangin Pagpasok ng mga Kulay Pambansang Awit Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas II. PAMBUNGAD NA PANANALITA - Mr. Francisco B. Gangan III. INVESTITURE PROPER Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout Paglalagay ng Neckerchief IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG – Mr. Fredderick Fernando V. AWIT NG SCOUT VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA Scout Benediction Paglabas ng mga Kulay Paglabas ng mga Scouts at Panauhin SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop and Crew Leader. (Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader at ng Panauhing Pandangal) Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si ________________________________. (Panalangin) Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas ni _________________________________. (Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit) 1

Program for investiture tagalog version Script and Spiel

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

PROGRAM FOR INVESTITURE

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant

Troop/Crew Leader Panalangin Pagpasok ng mga Kulay Pambansang Awit Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA - Mr. Francisco B. Gangan III. INVESTITURE PROPER

Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout Paglalagay ng Neckerchief

IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG – Mr. Fredderick FernandoV. AWIT NG SCOUTVI. PANGWAKAS NA SEREMONYA

Scout Benediction Paglabas ng mga Kulay Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader at ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si ________________________________.

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas ni _________________________________.

(Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si _______________________________.

(Panunumpa)

Maari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan

1

Page 2: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

ang programang ito, narito ang tagapamahala ng ating sangay, si G. Francisco B. Gangan.

(Pambungad na Pananalita)

Maraming salamat po, Sir Gangan.

Bago natin simulant ang pagtatalaga, atin po munang bigyan ng isang mainit na pagsalubong ang ating mga Eagle Scouts para sa isang pampasiglang bilang.

(Pampasiglang Bilang)

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy at Senior Scouts na pangungunahan ng ating Outfit Adviser na si B. Donna.

G. Donna: Tinatawagan ko si Sctr. Ron Ramirez na tawagin ang mga itatalang Scout.

Ron: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

G. Donna: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Mam, Yes Mam!!!

G. Donna: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa casa del nino at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay ang isang nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa diwa ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay nag bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay nagging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting. Ang Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni ESL Ron Ramirez.

(bigkasin ng mga participants ang Scout Oath and Law)

(Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng Scouting kasunod ang 12 na candila na simbulo ng labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan ng isa isa pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.Ang 3 scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

2

Page 3: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

SCOUT A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at maganda reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas sang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na nanalig sa Diyos. Di man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon may tayo’y isa sa pag titiwala at paniniwla sa puong may kapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at sumunod sa kayang kautusan na naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.

SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;

sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na kayo’y mag pasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.

SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila).

3

Page 4: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis at ang kalusugan sa ating paaralan na kung ito ay masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alerting isipan at ng kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at maglakas ang inyong pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng alertong at matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal na lakas lamang; kailangan niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at handing tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang kanyang isip, salita at gawa ay laging nag papakita ng wastong asal.(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

EMCEE: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.

Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.

Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

4

Page 5: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.

Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

B. Donna: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin at labing dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Mam, Yes, Mam!”

Emcee: Nawa ay si buhay ninyo mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang anak o aanakin, sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.Tinatawagan ko ang inyong SCL upang pangunahan ang Scout code.

Ron: Ako po ang maguuna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines, especially my rights and obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighbourhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

5

Page 6: Program for investiture tagalog version Script and Spiel

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy were won by hard work, sacrifice, clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next generation.

Emcee: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po ang namin kagalang-galang na Punong Guro na siya ring ating Punong Institusyunal na italaga na ang mga bagong iskawt.

Sir Richard: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob sakin ng Boyscout of the Philippines bilang Punong Institusyonal ng Casa Del Niño. Itinatalaga kayo bilang Opisyal na miyembro ng Boyscout of the Philippines.

Sir Richard: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

Sir Richard: Malugod naming kayong tinatangap sa pamilya ng scouting. Maraming maraming salamat po.Maraming salamat B. Donna. Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong itinalagang scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si G. Fredderick Fernando, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming salamat po, G. Fred. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga salita upang pagibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang Awit ng Scout sa pangunguna ni ____________________________________.

Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si B. Donna

Maraming salamat, B. Donna. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa paglabas ng mga kulay kasunod ang mga Scouts at ang mga pinuno ng ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Casa del Nino Montessori School of San Lorenzo sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga sa inyong lahat.

Paalala po sa mga makikilahok sa Institutional Camping and Team Building, kayo ay inaasahang narito na sa paaralan sa ganap na ala-dos ng hapon. Kita-kits!

6