12
Ito, Iyan, Iyon (Panghalip)

Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)

Embed Size (px)

Citation preview

Ito, Iyan, Iyon

(Panghalip)

Basahin nang malakas ang usapan ng magkaibigan.

Miko: Ito ang aming bahay. Dito kami nakatira.

Allan: Iyan pala ang ipinagmamalaki mong bahay. Maganda at maaliwalas nga tingnan.

Miko: Halika sa loob para makilala mo ang aking buong pamilya at makita mo na rin iyong bago kong bisikleta.

Pansinin natin ang mga salitang may salugguhit sa bawat dayalogo….

Miko: Ito ang aming bahay. Dito kami nakatira.

Allan: Iyan pala ang ipinagmamalaki mong bahay. Maganda at maaliwalas nga tingnan.

Miko: Halika sa loob para makilala mo ang aking buong pamilya at makita mo na rin iyong bago kong bisikleta.

Ang mga salitang may salugguhit ay tinatawag na panghalip.

Ang ito, iyan at iyon ay mga salitang ginagamit na pamalit o

panghalili sa mga bagay na itinuturo.

Tinatawag ito na mga panghalip pamatlig.

Panghalip Pamatlig

Ito - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malapit sa nagsasalita.

- masasabi mo na malapit ito sa nagsasalita kung nahahawakan o naabot niya ang bagay.

Halimbawa:

Ito ang patpat ko.

Ito ang patpat ko.

bagay

nagsasalita

Iyan - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malapit sa taong kinakausap.

- masasabi mo na malapit ito sa taong kausap mo kung nahahawakan o naabot niya ang bagay.

Halimbawa:

Iyan ba ang bago mong bag?.

Iyan ba ang bago mong bag?

bagay

nagsasalita

kinakausap

Iyon - ginagamit bilang panturo sa mga bagay na malayo sa taong nag-uusap.

- masasabi mo na malayo ito sa taong nag-uusap, kung wala sa kanilang dalawa ang nakakaabot dito.

Halimbawa:

Iyon ang bahay namin.

bagay

nagsasalita

kinakausap

Iyon ang bahay namin.

Tandaan!

Ang panghalip na ito, iyan at iyon ay mga panghalip na ginagamit na pamalit sa mga bagay na itinuturo. Ang ito ay ginagamit kapag ang bagay ay malapit sa nagsasalita, ang iuyan ay kung malapit sa kinakausap at ang iyon ay kung malayo sa nagsasalita at kinakausap.

Pagsasanay

1.Sagutan ang Subukin Pa Natin sa pahina 294-295 ng Pluma 12.Sagutan ang Tiyakin Na Natin sa pahina296-297 ng Pluma 1