12

Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija
Page 2: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Ang Kasaysayan ng Masaganang Bayan na Gapan, Nueva

Ecija

Group 2 – (5) Kasaysayan ng Bayan

7 - Aquila

Page 3: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Ayon sa mga lumang tala, ang dating tawag sa Gapan ay Ibon. Kung paano ito naging Gapan ay isang interesanteng alamat: Noong mga panahon na ang lugar ay kahuyan pa, ang mga Kastila ay dumating sa isang misyon nang may nakita silang mga taga-roon at gumagapang. Pinahinto sila at dahil hindi alam kung paano magsalita ng lokal na dayalekto ay tinanong sila sa wikang Kastila. Ang mga taga-roon ay walang alam sa wikang Kastila at sa pag-aakalang tinatanong kung ano ang ginagawa nila, sumagot sila sa Tagalog, "Gumagapang gapang kami." Kinuha itong pangalan ng mga Kastila at sa paglipas ng panahon, nawala ang "g" at nanatili ang pangalan na Gapan hanggang ngayon.

Page 4: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Ayon sa isa pang alamat, ang pangalan ay nanggaling sa umaakyat at gumagapang na mga halaman na sagana sa lugar. Ang Gapan ay itinatag ng mga opisyales na mga Kastila, na sa simula pa lang, ay may malawak na kapangyarihan sa mga tao at sa mga gawain nila. Ang kasaysayan ay naglagay Gapan bilang isa sa mga unang bayan ng Pampanga na itinatag noong kalagitnaan ng ika-16 na dantaon. Ang mga unang tala tungkol sa unang misyong Katoliko sa malayong silangan ay nagsasaad na noong 1595, sina Padre Contres Tendilla, Caballo at Salazar ay ang mga responsable sa pagtatanggal ng kakahuyan na kinalaunang naging pueblo (kastila) o bayan.

Page 5: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Sa pueblong ito, ang simbahan, presendencia at ang mga kabahayan na gawa sa mga limo at bloke ay itinayo na ngayon ay mga ilang daang taon na ang edad.

Nang dahil sa itinatag ang Gapan noong 1595, ang Gapan ang naging pinakamatandang bayan sa Nueva Ecija at isa sa mga pinakamamatanda sa Pilipinas. Ito ay isang malaking pueblo na ang sakop ay napakalaki, sapat upang isaklaw ang Lungsod ng Cabanatuan sa hilaga. Noong 1942, sinakop ng mga Hapon sa Gapan, Nueva Ecija. Noong 1945, ang mga papasok na mga hukbong Pilipino kasama ng mga gerilya ay binawi ang Gapan.

Page 6: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Sa pamamagitan ng Republic Act 9022 at ang ratipikasyon nito sa isang plebisito na isinagawa noong Agosto 25, 2001 ang bayan ng Gapan ay naging isang lungsod ng Nueva Ecija. Si Ernesto L. Natividad ang naging unang alkalde ng Lungsod ng Gapan.

Page 7: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Mga Katanungan:1) Paano nagsimula ang bayang ito?*Ang bayan ng Gapan ay nagsimula sa pangalan na Ibon. Pumunta ang mga Espanyol dito para sa isang misyon. Kahuyan pa doon noon, gawa sa kahoy ang mga bahay at mga gamit nila.2) Saan nagmula ang pangalan nito?* Ang pangalan ng Gapan ay hango sa salitang “gapang”, na sinabi ng mga taga-gapan noong unang panahon “gumagapang gapang kami” (Tanggalin ang “g” sa Gapang)

Page 8: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

3) Sinu-sino ang mga mahahalagang tauhan na may kaugnayan sa pagsilang ng bayan?

• Ang mga taong kasama sa pagsilang ng Gapan ay sina Padre Contres Tendilla, Caballo at Salazar, na siyang responsable sa sa pagtanggal ng kakahuyan na kinalaunang naging isang ganap na bayan.

• Si Ernesto L. Natividad - ang naging unang alkalde ng Lungsod ng Gapan.

Page 9: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

4) Ano ang kuwento ng bayang ito?• Dumating ang mga Espanyol para sa

isang misyon. Nang may makita silang mga taong naninirahan roon, tinanong nila kung ano ang ginagawa nila, at sumagot ng “gumagapang gapang kami”. (maaring tingnan muli ang ikatlong pahina)

Espanyol

Page 10: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Review Hango sa salitang Gapang ang

pangalan ng bayang Gapan. Sina Padre Contres Tendilla,

Caballo ,Salazar at Ernesto L. Natividad ang mga taong nagpasilang sa Gapan.

Pueblo – salitang kastila na ibig sabihin ay bayan

Page 11: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

Group 2 – Kasaysayan ng Bayan (5)

Mga Miyembro ng Ikalawang Grupo sa Filipino:

Andrew Dawat

Angelica Hernandez

Jean Jayson Nobleza

Page 12: Kaysaysayan ng Gapan,Nueva Ecija

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~Wakas~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~