29
Aralin 14 PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

K-12 Aralin 14 Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 14

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA Inihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Balik-aral:• Ano ang ekonomiks?

• Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

• Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon:

maykroekonomiks at makroekonomiks.

Makroekonomiks• Ang makroekonomiks ay larangan ng

Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.

Makroekonomiks• Ang makroekonomiks ay tumitingin sa

kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya.

• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng pambansang ekonomiya ang malaman kung may paglago sa ekonomiya (economic growth) ng bansa.

Ano ang Pambansang Ekonomiya?• Ito ay tumutukoy sa

lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang mga pangangailangan. Kung HINDI, paano ito malulutas?

Economic Models• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng

pamamaraan (economic policies) upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.

• Gumagamit ng modelo (economic model) sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.

Economic Models• Ito ay representasyon ng isang konsepto o

kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.

• Ito ang naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor ng isang ekonomiya.

Mga tanong na isinasa alang-alang sa pagbuo ng modelo

• Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya?• Ito ba ay simple lamang?• Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng

komplikadong ugnayan ng mga sektor?• Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na

kaganapan?• Isinasama rin ba nito ang panlabas na

kaganapan?

MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

• Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at gumagamit ng kalakal at serbisyo.

• Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan (USIT).

• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pampubliko.

• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.

Bukas at Saradong Ekonomiya• Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang

dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.

• Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas.

• Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.

PAYAK NA MODELONG PAIKOT NA

DALOYNG EKONOMIYA

ANG PAMILIHANG PINANSIYAL

SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Institusyong Pinansiyal- Tagapamagitan sa ano mang

gawaing may kaugnayan sa pananalapi

Impok- Kumakatawan sa salaping hindi

ginagasta

ANG PAMAHALAAN SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG

EKONOMIYA

Pamahalaan - Ang sektor na bumubuo ng

patakaran upang maisaayos ang ekonomiya

ANG PANLABAS NA SEKTOR

SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Globalisasyon- Paggalaw ng tao, produkto,

salapi at kaalaman sa iba’t ibang bansa

Trade surplus- Nagaganap kapag mas malaki

ang export kaysa sa importTrade deficit- Nagaganap kapag mas malaki

ang import kaysa sa export

• Sa iyong palagay, mahalaga ba sa

ekonomiya ng Pilipinas ang

pakikipagkalakalan sa ibang bansa?

Bakit?

PAGPAPAHALAGA

References:

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.1. Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang

bansa. 2. Ginagamit sa pagsusuri ng ekonomiya upang

maipakita nang simple ang realidad.3. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay nakikilahok sa

kalakalang panlabas. 4. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay HINDI

nakikilahok sa kalakalang panlabas.5. Mga patakaran na ginagamit upang mapatatag ang

ekonomiya ng bansa.

6. ________

7. _____ 8. _______

10. _______

9. ________

SAGOT:1. Pambansang Ekonomiya2. Economic Model.3. Bukas na Ekonomiya4. Saradong Ekonomiya5. Economic Policies6. panlabas na sektor7. bahay-kalakal8. pamahalaan9. sambahayan10. pamilihang pinansiyal

Isulat kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang gamit ang mga titik bilang gabay.• Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang

ekonomiya. M _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ S• Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom

ng pondo. B _ _ _ _• Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.

S _ _ B _ _ _ _ _ N• Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.

P _ _ _ H _ _ _ _ N• Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.

_ X _ _ _ T