Upload
scps
View
928
Download
10
Embed Size (px)
Citation preview
Aralin 11: Ang
Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap
niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol
ng gerero ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng
nakagapos.
Anyong sisilain na ng dalawang leon ang
binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng
malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang
leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos
kinalagan nito at kinalong ang binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang
nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng
isang Moro.
Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di
tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano.
Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa
laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na
ito, napasigaw ang gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang
Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa
lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at
malinis na bato.
Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang
kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero
ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok.
Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.