15

Florante at laura (Aralin 5-8)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Group 2 ♦Aguilar ♦Simplicio *not to mention the others*

Citation preview

Page 1: Florante at laura (Aralin 5-8)
Page 2: Florante at laura (Aralin 5-8)

c

Motivation

You were mine-Dixie Chicks (Video).wmv

Buksan ito:

Page 3: Florante at laura (Aralin 5-8)

Ang kantang ito ay nagpapaliwanag tungkol sa pag-iwan ng kanyang minamahal sa kanya at sa totoo lang ito ay tungkol rin sa pagdidiborsiyo. Alam nating hindi pa kinasal si Florante at Laura ngunit iisipin niyo nalang na ang pagdidiborsiyo sa kanta ay parang paghihiwalay rin ng magkarelasyon. Sa kantang ito, dito pinapahayag na kung ano ang ginawa ng mahal mo para mapunta siya sa iba na sa matagal naman na panahon, naging sa iyo naman? Alam nating hindi masyado magkaugnay ang kantang ito sa istorya ng Florante at Laura pero mayroon namang nakakahawig doon, na kahit konti lang.

Page 4: Florante at laura (Aralin 5-8)

Talasalitaan:Mababata: matitiisApuhapin: hanapinNalungayngay: nakalaylayLumaming anyo:parang patay na tao na hindi gumagalaw/kumikiboMaglililo: maglalaho

Page 5: Florante at laura (Aralin 5-8)

Talasalitaan:

Magkagurlis: magkagalosMasawata: mapigilIpinagkanulo: pinagtaksilanSiniphayo: ipinagpalitMapayukayok: napasubsob

Page 6: Florante at laura (Aralin 5-8)

Aralin5:Pighati ng NagmamahalAng araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay Konde Adolfo dahil nasa kandungan nani Konde Adolfo si Laura. Sinabi ni Florante sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya'y magdusa, may hihilingin lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante pang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad, nasa ibang kandungan na ito.

Page 7: Florante at laura (Aralin 5-8)

Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno na ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na ito ay maaawa. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman ang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura. 

Page 8: Florante at laura (Aralin 5-8)

Aralin6:Magandang AlaalaAng araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura kasi hindi raw niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng "giliw" dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag inuutusan si Florante ng hari na manggubat ay umiiyak na si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe ni Florante ay parang korales ang mga dalirinatatakot si Laura kapag masugatan si Florante sa pakikipaglaban,

Page 9: Florante at laura (Aralin 5-8)

hindi pinapayagan ni Laura na ang baluti't koleto ay na madadampi't lang malapit sa katawan ni Florante hangga't hindi niya nasisigurong wala na itong kalawang,pinahihiyasan ni Laura ang turbante ni Florante ng perlas, topasyo't maningning na rubi na may letrang “L”kapag hindi pa dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya, at kung may galos lang si Florante sa balat ay umiiyak na si Laura at hindi ito naniniwala sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri,

 

Page 10: Florante at laura (Aralin 5-8)

kapag si Florante ay may konting problema tinatanong siya nito kung ano ang sanhi at kapag hindi ito mababatid hinahalikan na lamang siya sa labi at kapag ito ay nalulungkot, dinadala siya ni Laura sa hardin para bigyan ng bulaklak at pawiin ang kalungkutan .

Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya'y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Page 11: Florante at laura (Aralin 5-8)

Aralin7: Kapangyarihan ng Pag-ibigAng araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upang makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig. Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng putong na turbante na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro sa siyudad ng Persya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at may nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doon siya'y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan.

Page 12: Florante at laura (Aralin 5-8)

Tumagilid siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya na ang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil inagaw na ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw ang kanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang nakikipaglaban na siya ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at inihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib ang makakaharap, ito'y hahamakin para lamang sa minamahal. 

Page 13: Florante at laura (Aralin 5-8)

Aralin8 :Duke Briseo: Amang MapagmahalAng araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awang pinatay ang ama ni Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay niya ito. Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya'y namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. 

Page 14: Florante at laura (Aralin 5-8)

 Ang sabi pa ni Florante, ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya. 

Page 15: Florante at laura (Aralin 5-8)

Mga tanong:

1. Sino ang naging hadlang sa pag-iibigan ni Florante at Laura?

2. Ano ang binibigay ni Laura kapag nalulungkot si Florante?

3. Taga saan kaya ang lalaking dumating sa gubat?

4. Ang pangalan ng minamahal ng gerero

5. Kaninong ingay ang narinig ng isang gerero?

6. Sino ang ama ni Florante na pinatay ni Konde Adolfo?

7. Sa anong paraan pinatay ang ama ni Florante?