22
NI: FRANCISCO BALAGTAS ( Kaligiran at kasaysayan ) FLORANTE AT LAURA

Florante at laura (jhoeannersaraos)

  • Upload
    annjhoe

  • View
    2.365

  • Download
    17

Embed Size (px)

Citation preview

NI:

FRANCISCO BALAGTAS

( Kaligiran at kasaysayan )

FLORANTE AT LAURA

ANO ANG MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA BUHAY NG

MAY-AKDA?

BAKIT SINULAT NI BALAGTAS ANG FLORANTE AT LAURA?

ANO ANG MGA NAIS IPARATING NG AKDA SA MGA BABASA

NITO?

BAKIT ITINUTURING NA ISA SA MGA OBRA MAESTRA SA

PANITIKANG PILIPINO ANG FLORANTE AT LAURA?

NAPAPANAHON PA BA ANG PAGTALAKAY SA FLORANTE AT

LAURA? BAKIT?

ANU-ANONG MGA PANGYAYARI SA AKDA ANG

MAIHAHAMBING SA KASALUKUYAN? BAKIT?

KANINO MO MAIHAHALINTULAD ANG MGA TAUHAN?

IPALIWANAG.

MGA MAHAHALAGANG KATANUNGAN:

Isinilang siya sa Panginay, Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788.

Bunso ng maralitang mag-asawang Juan Baltazar at Juana dela Cruz.

Iniluwas si Kiko at nanilbihan bilang katulong sa Tondo, Maynila na karatig ng naliligirang pader na Intramuros o Ciudad de Manila sa gulang na 13 sa tahanan ni Donya Trinidad.

BALANGKAS NG BUHAY NI BALAGTAS

Nag-aral at nagpakadalubhasa sa Colegio de San Jose. Nalirip niya ang mga karunungan sa FILOSOFIA, HUMANIDADES, TEOLOGIA, MATHEMATICA, HISTORIA UNIVERSAL AT CANONES SA RELIGION sapagkat nalampasan niya ang mga pagsusulit sa GEOGRAFIA, DOCTRINA CRISTIANA GRAMATICA CASTELLANA, GRAMATIKA LATINA, FISICA atbp.

Naging guro niya sa kolehiyo ang tanyag na si Mariano Pilapil.

Si Huseng Sisiw o Jose Dela Cruz ang nagturo sa kanya sa pagbuo at pagbigkas ng tula.

Dahil sa pagkakaroon ng sapat na kakayahan sa pagsulat at pagbigkas ng tula, naanyayahan siya sa saan-saang karatig Maynila at unti-unting nakilala ang kanyang pangalan sa larangan ng patugmang bigkasan.

Sa Pandacan, nabighani siya kay Maria Asuncion Rivera na nagkaroon din ng damdamin sa kanya.

Nakaagaw niya ang mayamang si Mariano Capule sa binibini at dahil sa kapangyarihan ng angkan nito, nagtagumpay siyang makuha ang kamay ni Maria pagkatapos ipakulong si Kiko.

Sa tagal ng pananatili sa piitan, kinatha niya ang walang kamatayang awit na FLORANTE AT LAURA.

Namuhay sa Udyong, Bataan si Kiko pagkalabas niya mula sa kulungan at nakaisang-dibdib niya si Junanita Tiambeng na mula sa mayamang angkan sa Bataan.

Nahirang siyang Tiniente Mayor at Juez de Cementera.

Nagkaroon sila ni Juanita ng maraming supling.

Sa pagbabago ng katayuan sa buhay, naging mapusok ang kanyang pag-uugali kaya nakagawa siya ng isang kasalanan dahil sa nagawa nito sa kanyang utusan.

Inihabla siya sa hukuman ng tatay ng utusan na isang Alperes.

Dahil ayaw na niyang makulong ulit, gumasta siya ng maraming salapi para maiwasan ang hatol na parusa.

Nawaldas ang kanilang kakayahan sa buhay at naghirap ang mag-anak.

Nagkaroon siya ng karamdaman at pumanaw noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74 na taon.

Ang mga sumusunod ang mga naititik niyang dula: ALMANSOR AT ROSALINA, OROSMAN AT ZAFIRA, BAYACETO AT DORLISCA, ABDAL AT MISERENA, CLARA BELMORI, LA INDIA ELEGANTE Y EL NEGRITO AMANTE, DON NUNO AT SELINDA at AUREDATO AT ASTROME.

FLORANTE --- Kristiyanong Gerero ng Albanya, anak nina Duke Briceo at Prinsesa Floresca, pinuno ng hukbo ng Albanya at kasintahan ni Laura.

LAURA --- Prinsesa ng Albanya, anak ni Haring Linceo, iniligtas ni Flerida sa kamay ni Adolfo, kasintahan at naging esposa ni Florante.

MGA TAUHAN:

ALADIN --- Gererong Moro ng Persia, tagapaglitas ni Florante, anak ni Sultan Ali Adab na nakaagaw niya kay Flerida na kanyang kasintahan, idolo ni Florante bilang mandirigma.

FLERIDA --- dalagang Mora na napusuan ni Sultan Ali Adab at pumayag sa hiling ng sultan para hindi mapugutan ng ulo si Aladin na kanyang kasuyo, pumana kay Adolfo mula sa masamang balak kay Laura.

MGA TAUHAN:

ADOLFO --- anak ni Konde Sileno, nagtangkang pumatay kay Florante at umagaw kay Laura, ang umagaw sa trono ni Haring Linceo.

MENANDRO --- kaibigan ni Florante at pamangkin ni Antenor, nagligtas sa buhay ni Florante mula kay Adolfo sa Atenas, kasama ni Florante sa pakikibaka.

MGA TAUHAN:

ANTENOR --- mabait at matalinong guro ni Florante, Adolfo at Menandro, nagpaalala sa mahalagang tagubilin kay Florante.

DUKE BRICEO --- ama ni Florante, tagapayo ni Haring Linceo, ipinapatay ni Adolfo.

PRINSESA FLORESCA --- Dukesa ng Albanya, ina ni Florante, ang pagkamatay nito ang dahilan ng pag-uwi ni Florante mula sa Atenas.

MGA TAUHAN:

SULTAN ALI ADAB --- ama ni Aladin, nang-agaw kay Felrida mula sa kanyang anak, pinalayas ang sariling anak sa sariling bayan.

HARING LINCEO --- hari ng Albanya, inagawan ng trono ni Adolfo at ama ni Laura, napugutan ng ulo dahil sa kataksilan ni Adolfo.

KONDE SILENO --- ama ni Adolfo na ayon kay Florante ay marangal.

MGA TAUHAN:

HENERAL OSMALIK --- kilabot na pinuno ng hukbong Moro na sumakop sa Krotona, marahas at mabalasik na heneral na napatay ni Florante sa labanan ng mga hukbong Kristiyano at Moro.

HENERAL MIRAMOLIN --- pinuno ng hukbong Turko na lumusob sa Albanya, bantog na heneral na nasupil sa digmaang Kristiyano at Turko.

MGA TAUHAN:

MENALIPO --- pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong sanggol pa siya mula sa buwitre.

HARI NG KROTONA --- ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.

EMIR --- gobernador sa lalawigang nasasakop ng mga Moro na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura.

HENERAL ABU BAKR --- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida para hindi ito makatakas.

MGA TAUHAN:

“PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA

CAHARIANG ALBANIA.QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O

PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG

UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA.

At tinula nang isang matouain sa versong tagalog.”

TUNGKOL SA AKDA:

Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838.

Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw kay Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule.

TUNGKOL SA AKDA:

Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.

TUNGKOL SA AKDA:

Sinasabi na nagdala ng kopya ng Florante at Laura si Jose Rizal noong kapanahunan ng kaniyang mga paglalakbay sa Europa.

Pinaniniwalaang sumipi si Apolinario Mabini sa kopyang nalimbag noong 1870 o 1853 para malalang ang isang kopya ng Florante at Laura sa kanyang sulat-kamay. Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam noong 1901, ayon sa mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng Estados Unidos na nalimbag noong 1964 sa ilalim ng The Philippine Heroes Commission ng Pilipinas.

TUNGKOL SA AKDA:

5 HIMAGSIK SA AKDAA. HIMAGSIK LABAN SA

MABABANG URI NG PANITIKANB. HIMAGSIK LABAN SA

MABABANG URI NG WIKAC. HIMAGSIK LABAN SA MALING PANINIWALA O

PANANAMPALATAYAD. HIMAGSIK LABAN SA MALING PAMAMAHALAE. HIMAGSIK LABAN SA MALING

HUSTISYA

SA BABASA NITOSalamat sa iyo o! nanasang irogkung halagahan mo, itong aking

pagod,ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,

pakikinabangan ng ibig tumarok.

Kung sa biglang tingi’y bubo’t at masaklap

palibhasa’y hilaw at mura ang balat,ngunit kung namnamin ang sa lamang

lasap,masasarapan din ang babasang

pantas.

SA BABASA NITO

Di ko hinihinging pakamahalin mo,tawana’t dustain ang abang tula ko,

gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,ay huwag mo lamang baguhin ang

berso.

Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo

bago mo hatulan, katkatin at liko,pasuriin muna ang liwasa’t hulo

at makikilalang malinaw at wasto.

Ang may tandang letra, alin mang talata,

di mo mawatasa’t malalim na wika,ang mata’t itingin sa dakong

ibaba,buong kahuluga’y mapag-uunawa.

Hanggang dito ako, o! nanasang pantas

sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad

sa gayong katamis wikang masasarap,

ay sa kababago ng tula’y umalat.

SA BABASA NITO