Upload
apple-sanchez
View
1.370
Download
20
Embed Size (px)
Citation preview
August 12, 2015 – WednesdayE.P.P. V
I. Layunin:Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng gawaing industriya sa pamayanan at sa bansa.
- Pangkalahatang Industriya
II. PaksaIba't ibang Uri ng Gawaing Pang-industriya
Sanggunian: BEC B.7.3.1 d. 66 Agap at Sikap pp.130-131 LRMDS - Mga Gawain sa Sining Pang-industriya
Kagamitan: larawan, tsart Pagpapahalaga: Pagkamalikhain
III. PamaraanA. Panimulang Gawain
1. Balik-aralAng gawaing-kamay ay isa sa malalaking lawak ng gawaing industriya
na natatagpuan sa ating pamayanan.Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing kamay?
2. PagganyakIsulat ang pangkat ng mga bagay na ginagamit sa pagkakarpintero at
pang elektrisidad.
3. Pangganyak na TanongAlam mo ba na ang mga Pilipino ay likas na masipag, matiyaga at
malikhain lalo na sa larangan ng sining pang-industriya? Bilang pagpapatunay, tumingin sa inyong paligid, ano-anong mga
bagay ang inyong nakikita? Saan kaya yari ang mga ito?
B. Panlinang ng Gawain
4. Paglalahad
Basahin ang talata sa ibaba.Ang pangkalahatang industriya ay ang pangalawang lawak ng
gawaing industriya.Sa kahirapan ng buhay ngayon kailangan mong malaman ang
kahalagahan ng paghahanapbuhay. Kaya’t bilang isang mag-aaral ang magiging gabay mo ay itong pag-aaralan natin upang makatulong at malaman ang iba’t-ibang uri ng gawain sa sining pang-indutriya.
Sa kabuuan ay madali lamang tukuyin at makilala ang iba’t ibang uri ng gawaing pang-industriya. Sa yari at usi ng materyales na ginagamit upang mabuo ang isang kagamitan ay madali mo nang matutukoy kung anong uri ng gawaing pang-industriya ang isang bagay.
5. Pagtalakay
- Iba’t-ibang uri ng gawain sa sining pang-indutriya (Pangkalahatang Industriya):
:1. Gawaing kahoy (wood working)- madali lamang matukoy kung
ang isang bagay ay yari sa gawaing kahoy. Kung ang mga materyales na ginagamit ay kahoy, ang mga ito ay nabibilang sa gawaing ito.
2. Elektrisidad – Lahat ng bagay na dinadaluyan at gumagamit ng kuryente at voltahe ay nabibilang sa gawaing pang-elektrisidad.
3. Gawaing Metal (Metal Works)- Gawaing metal o “metal works” ang tawag sa gawaing gumagamit ng mga materyales na metal tulad ng bakal, tanso, aluminyo o “aluminum”, zinc, stainless, ginto at pilak.
4. Sining Pang-Grapika (Graphic Arts)
6. Pinatnubayang PagsasanaySabihin kung saang uri ng gawain sa pangkalahatang industriya ang mga
sumusunod:
7. PaglalahatAno-ano ang iba’t-ibang uri ng gawain sa sining pang-indutriya?
Ang mga gawaing-kahoy, gawaing metal, luwad o seramika, elektrisidad at sining panggrapika ang bumubuo sa pangkalahatang industriya.
8. PaglalapatPangkatang Gawain:
Pangkat I – Magtala ng 5 bagay na yari sa KAHOY.Pangkat II - Magtala ng 5 bagay na yari sa METAL.Pangkat III - Magtala ng 5 bagay na dinadaluyan ng ELEKTRISIDAD.Pangkat IV - Magtala ng 5 bagay na yari sa GRAPHIC ARTS.
IV. PagtatayaTukuyin kung anong uri ng gawain sa pangkalahatang industriya ang mga
nasa larawan:
1. ____________ 4. ____________
2. ____________ 5. ____________
3. ____________
V. Takdang-AralinSa inyong buong kabahayan, tingnan at iguhit ang mga bagay o kagamitan na yari
sa kahoy, metal, may kaugnayan sa elektrisidad at grapika. Gawin sa kwadernong sagutan.
Gawaing kahoy Elektrisidad
Gawaing Metal Sining Pang-Grapika