8
Naayon ang uri ng gawaing industriyal sa mga pinagkukunang-yaman na mayroon sa pamayanan. Anuman ang uri ng gawain ay kailangan ang mga taong masipag at matiyaga.

Mga Gawaing Industriya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Gawaing Industriya

Naayon ang uri ng gawaing industriyal sa mga pinagkukunang-yaman na mayroon sa pamayanan. Anuman ang uri ng gawain ay

kailangan ang mga taong masipag at matiyaga.

Page 2: Mga Gawaing Industriya

Mga Uri ng Gawaing-Kamay1. GAWAING-NIYOG- Tinaguriang “puno ng buhay” ang niyog

dahil sa dami ng gamit nito mula sa ugat, puno, dahon,bulaklak hanggang sa bunga. Isa ito sa nakaktulong sa ekonomiya ng ating bansa. Ilan sa mga bagay na nagagawa mula sa iba’t ibang bahagi ng niyog ay ang butones, walis, kutson, ilawan, patungan, kainan, bulaklak at pamaypay.

Page 3: Mga Gawaing Industriya

2. GAWAING-KABIBE

Sagana sa iba’t ibang uri ng kabibe ang ating bansa.

Iba-iba ang laki, kulay at hugis nito. Karaniwang ginagawa ang kabibe na palamuti sa bahay, hikaw, pulseras, kwintas at bag. Ang kapis ay isa sa mga kabibeng maraming mapaggagamitan tulad ng lampara, trey, bulaklak, patungan ng baso, wind chime, bintana at divider.

Page 4: Mga Gawaing Industriya

3. GAWAING-HIMAYMAYMaraming bagay ang nayayari sa

mga himaymay. Nakukuha ang mga himaymay sa pinya, abaka, rami,

buri, niyog at pandan. Abaka- Ginagawa itong lubid,

bayong, sapin sa mesa, sambalilo, tsinelas, basket, atbp.

Pinya- Ang mga dahon nito ay hinimaymay upang maging pinong himaymay na ginagawang tela ng barong Tagalog at gown, panyolito, belo at mantel.

Rami- Matatagpuan ito sa Mindanao at Mindoro na siyang pinagkukunan ng mga hiblang ginagamit sa malaking pagawaan ng tela.

Page 5: Mga Gawaing Industriya

Buri – Mula sa dahon ng buri ang mga himaymay na buntal at raffia. Ginagawang sombrero at bag ang buntal. Ang raffia naman ay ginagawang banig, place mat, pantakip sa dingding, pandekorasyon at rug.

Niyog- Ang himaymay mula sa bunot nito ay gingawang brotsa, pisi, rug, gamit na panlaman ng upuan ng sasakyan, kutson ng kama, pigurin at iba pa.

Page 6: Mga Gawaing Industriya

4. PAGGAWA NG LARUAN Maraming katutubong materyales na mainam gamitin para sa paggawa ng mga laruan ng mga bata.Mga materyales na nakkalat lamang na tulad ng mga retaso ng tela na maaring gawing manika, lata ng gatas na pwedeng gawing kotse-kotsehan at mga kahoy na magandang gawing kaba-bayuhan at mga alphabet blocks.

Page 7: Mga Gawaing Industriya

5. GAWAING-KAWAYAN Mainam gamitin

ang kawayan sa paggawa ng bahay, mga muwebles, salakab, planter, baklad, coaster, trey at iba pang palamuti sa bahay.

Page 8: Mga Gawaing Industriya

6. GAWAING-KATAD Kapaki-pakinabang ang balat

ng mga hayop, tulad ng sa baka, kambing, bayawak, sawa, buwaya at kuneho na ginawang bag, sapatos, sinturon, pitaka at damit. Ang bagong katay na hayop ay inaalisan ng balat nang dahan-dahan sa pamamagitan ng matalas ng kagamitan. Madaling maalis o maihiwalay ang balat sa laman. Maiiwasang mabulok kaagad ito sa pamamagitan ng pagkuskos ng asin. Pinatutuyo ang katad sa lugar na malilim upang maalis ang dugo habang natutuyo ang laman.