136
Modyul 1 HEOGRAPIYA NG ASYA

AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Modyul 1HEOGRAPIYA

NG ASYA

Page 2: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG:

Karaniwang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang maraming lugar sa Asya gaya ng Boracay sa Pilipinas, Bali sa Indonesia, at Penang sa Malaysia.

Page 3: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 4: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 5: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 6: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG:

Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang magaganda at mayamang likas na yaman ng Asya?

Page 7: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG:

Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang magaganda at mayamang likas na yaman ng Asya?

Naitanong mo ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang kontinenteng ito at kung gaano karami ang mga taong naninira-han dito?

Page 8: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG:

Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang magaganda at mayamang likas na yaman ng Asya?

Naitanong mo ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang kontinenteng ito at kung gaano karami ang mga taong naninira-han dito?

Kung hindi pa samahan mo akong maglakbay at tuklasin kung paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Page 9: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 10: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 11: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 12: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

MGA INAASAHANG KAKAYAHANUpang mapagtagumpayan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-

unawa, kinakailangang gawin at tandaan mo ang sumusunod:

1. pagbasa ng mapa;

2. pagtukoy sa mga lokasyon ng mga rehiyon sa Asya;

3. kritikal na pagsusuri sa datos at tsart tungkol sa likas na yaman at yamang-tao sa Asya;

4. paggawa ng concept map o semantic web ukol sa heograpiya at yamang-tao ng Asya;

5. pagpapaliwanag ng epekto ng mga likas na yaman at yamang-tao sa pag-unlad ng kabihasnang Asyano;

6. pagpapahalaga sa yamang-tao ng Asya;

7. nakapagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan, gawain o proyekto sa pangangalaga at preserbasyon ng pinagkukunang yaman at kapaligiran. daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Page 13: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

ARALIN 1KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Page 14: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

ALAMIN

Page 15: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng modyul na ito ay magsisimula na ang iyong paglalakbay.

Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga mahahalagang salita o konsepto na iyong magagamit habang binubuo mo ang mga posibleng kasagutan sa mga tanong na ano ang konsepto ng Asya bilang isang kontinente?

Page 16: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng modyul na ito ay magsisimula na ang iyong paglalakbay.

Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga mahahalagang salita o konsepto na iyong magagamit habang binubuo mo ang mga posibleng kasagutan sa mga tanong na ano ang konsepto ng Asya bilang isang kontinente?

Ano ang mga batayan ng paghahati nito sa limang rehiyon? Paano nahubog ang pisikal na katangian ng Asya? Malaki ba ang epekto ng katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito? “Paanong ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano? Simulan natin ang ating pagtuklas sa pamamagitan ng isang laro.

Page 17: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng modyul na ito ay magsisimula na ang iyong paglalakbay.

Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga mahahalagang salita o konsepto na iyong magagamit habang binubuo mo ang mga posibleng kasagutan sa mga tanong na ano ang konsepto ng Asya bilang isang kontinente?

Ano ang mga batayan ng paghahati nito sa limang rehiyon? Paano nahubog ang pisikal na katangian ng Asya?

Malaki ba ang epekto ng katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito?

Page 18: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

“Paanong ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano? Simulan natin ang ating pagtuklas sa pamamagitan ng isang laro.

Page 19: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 1LOOP – A – WORD

Page 20: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 1: LOOP – A - WORDAng gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang

humanap ng mga salitang bubuo sa iyong kaisipan ukol sa paksa, at kung paano mo ito bibigyang kahulugan. Sa pamamagitan nito ay makakabuo ka ng mga pangungusap o paglalahad na may kaugnayan sa Asya at sa pisikal na katangian nito.

Mula sa kahon ay hanapin mo, sa anumang direksyon, ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. Bilugan ito at isulat sa guhit bago ang bilang.

Page 21: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

H I B L D K T E K M A L P I N

E K A P A L I G I R A N I P K

O R U S N A B I L H G A S Y A

G I W L E T S A P U N B I A B

R K O N T I N E N T E P K H I

A S B I N U T R A S G I A O H

P O B A H U R O N A N G L B A

I S U N U G N A Y A N I P I S

Y N I S B A S E L Y I T E S N

A K T R O S T Y A D O P S T A

N I B A S W B T R K Y O P E N

Page 22: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

H I B L D K T E K M A L P I N

E K A P A L I G I R A N I P K

O R U S N A B I L H G A S Y A

G I W L E T S A P U N B I A B

R K O N T I N E N T E P K H I

A S B I N U T R A S G I A O H

P O B A H U R O N A N G L B A

I S U N U G N A Y A N I P I S

Y N I S B A S E L Y I T E S N

A K T R O S T Y A D O P S T A

N I B A S W B T R K Y O P E N

Page 23: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 1: LOOP – A - WORD________________ 1. Bigkis o tulungan para sa kapwa kapakinabangan

________________ 2. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan

________________ 3. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig

________________ 4. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural

________________ 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo

________________ 6. Katutubo o tagapagsimula

________________ 7. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing

panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko

________________ 8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo

________________ 9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon

________________ 10. Katangiang nakikita at nahahawakan

Page 24: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 1: LOOP – A - WORD

Page 25: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 26: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1.Sa mga salitang iyong nahanap at naitala, alin sa

mga ito ang masasabi mong lubhang mahalaga kung ang pag-uusapan ay ang pagsisimula ng kabihasnan ng mga Asyano? Bakit?

2.Paano mo nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang iyong pinagsama -sama? Anu - ano ang naging batayan mo upang humantong ka sa nabuo mong kaisipan?

Page 27: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2PASYALAN NATIN

Page 28: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATINMatapos ang unang gawain, atin namang

lalakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya at alamin mo ang lebel ng iyong paunang kaalaman ukol dito. Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at sa kahon sa ibaba nito ay isusulat mo ang iyong sagot sa nakatalang kata-nungan hinggil sa larawan. Tukuyin mo din ang bansang kinaroroonan nito sa pamamagitan ng paglalagay ng linyang mag-uugnay sa larawan at sa bansang kinalalatagan nito. Handa ka na? Tayo na!

Page 29: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

CASPIAN SEA

Page 30: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

LAKE BAIKAL

Page 31: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

HUANG HO

Page 32: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

FERTILE CRESCENT

Page 33: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

BANAUE RICE TERRACES

Page 34: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

KHYBER PASS

Page 35: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

MOUNT EVEREST

Page 36: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 2: PASYALAN NATIN

BORNEO RAINFOREST

Page 37: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 38: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG• 1. Ano ang masasabi mo sa mga larawan? Ilahad ang pagkakatulad ng mga ito. Ilan dito ang anyong lupa at ilan ang anyong tubig?

• 2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga ito, ano ang iyong pipiliin? Bakit?

• 3. Batay sa mga larawang iyong namalas, paano mo ilalarawan ang katangian ng Asya bilang isang kontinente? Ano sa palagay mo ang humuhubog sa pagkaka-iba-iba ng mga likas na katangian ng isang kapaligiran? Pangatwiranan ang sagot.

• 4. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba’t-ibang panig ng Asya? Paano mo ito nasabi?

• 5. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na gumaganap ng maha-lagang papel sa pamumuhay ng mga taong nainirahan sa mga bansang ito? Pangatuwiranan ang sagot.

Page 39: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 3PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Page 40: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 3: PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Ngayon ay bubuo ka ng sarili mong pagtataya.

Ating ilalarawan ang pagtatayang ito sa pamamagitan ng paglalagay sa iyong sarili bilang isang manlalakbay. Mula sa ibaba ay magiging layon mong marating ang tuktok ng bundok na iyong tutuklasin. Gumawa ka ng iyong pahayag ukol sa pauna mong kaalaman sa kontinente ng Asya at sa pisikal na katangian nito sa pamamagitan ng pagpunan ng cloud callout sa unang hakbang ng iyong pag-akyat sa ganap na pagkatuto. Ang ikalawa at ikatlong cloud callouts ay makikita mo upang iyong sagutan habang tinatalakay at matapos na talakayin ang mga aralin. Ito ang isa sa magiging pagtataya mo sa iyong pag-katuto sa modyul na ito.

Page 41: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 42: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 3: PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Taglay ang iyong mga paunang kaalaman sa mga aralin ng modyul na ito, aalamin mo ngayon ang mga tamang sagot sa mga tanong na inilahad, sa iyong pagtungo sa susunod na bahagi ng modyul. Dito ay magkakaroon tayo ng talakayan at pagsusuri ng mga teksto upang magkaroon ka ng hustong kaalaman na magagamit mo sa paggawa ng proyekto matapos ang aralin; isang poster/slogan ukol sa katangiang pisikal ng Asya at wastong pangangalaga sa kalikasan na mamarkahan batay sa nilalaman, pagka-malikhain, impact, organisasyon, at kapakinabangan nito. Handa ka na? Simulan mo na!

Page 43: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

LINANGIN

Page 44: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Matapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga kaisipang ito sa pamamagitan ng mga ilalatag na teksto at ibang pang mater-yales na mapagkukunan mo ng mga impormasyon. Ang pangunahing layunin mo sa bahaging ito ay matutunan at maunawaan ang mga mahahalagang impormasyon at kaisipan ukol sa konsepto ng Asya, mga paghahating pangrehiyon nito, ang heograpiya at katangiang pisikal ng Asya, at ang iba’t-ibang pananaw sa kontinenteng ito. Gamit ang mga malilikom mong kaalaman, inaasahang magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa katangiang pisikal ng Asya, at kung gaano kahalaga ang heograpiya at pisikal na katangian ng Asya upang mabuo ang kabihasnan nito. Ating simulan ang paglinang!

Page 45: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 4CLUSTER MAP

Page 46: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 4: CLUSTER MAPMahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-

aaral ukol sa Asya ang pag-aaral din ng pisikal na katangian ng mundo sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kabuhayan.

Pagmasdan mo ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing mong bahagi ng pisikal na katangian ng daigdig? Sagutin mo ito sa pamamagitan ng isang concept map o kaya’y cluster map.

Page 47: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 48: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 49: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 5ASYA: LIKE! –LIkas na Katangian at Ekolohiya

Page 50: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 51: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 52: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 53: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 54: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 55: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 6MAPANG PISIKAL

Page 56: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 6: MAPANG PISIKALNarito ang mapa ng daigdig. Suriin mo ito at

magbuo ng sariling pahayag ukol sa lawak at hugis ng mga lupaing nakalatag dito.

Page 57: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 58: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang kontinente bilang anyong lupa at bilang bahagi ng pisikal na katangian ng daigdig?

2. Ilan ang kontinente ng daigdig? Gamit ang outline world map sa itaas, takdaan mo ng sariling ku-lay ang bawat isa at isulat sa loob o bahagi nito ang pangalan ng bawat kontinente o kaya’y maglagay ng legend sa gawing kaliwa sa ibaba ng mapa. Ano ang mapapansin mo sa hugis ng bawat kontinente? May paliwanag ka ba o hinuha tungkol dito?

Page 59: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG3. Ano ang masasabi mo sa Asya bilang isang kontinente? Ilarawan ang anyo ng lupain ng Asya sa hilaga, kanluran, timog, timog-silangan, at silangan nito. May epekto kaya ang lawak, hugis o anyo, at kinaroroonan nito sa mga taong naninirahan dito? Bakit?

4. Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya. Paano isinagawa ang paghahating rehiyonal nito? Para sa iyo, dapat bang maging batayan ang mga into ng ganoong paghahati?

5. Kung ang mga kontinente sa buong mundo ay hindi nahahati at ito’y nananatiling isang malaking buong lupalop, may pagbabago kaya sa katangiang pisikal nito at anong uri kaya ng pamumu-hay, kultura, kasaysayan, sibilisasyon, at kabihasnan mayroon ang mga tao sa buong daigdig? Maglahad ng paghihinuha.

Page 60: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Page 61: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.

Sa iyo ngayo’y ilalahad ang ilang mga mahahalagang kaisipan at pahayag hinggil sa kapaligirang pisikal ng Asya. Suriin mo ang mga ito upang makapaglahad ng kasagutan sa mga pamprosesong tanong.

Page 62: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Matatagpuan sa Asya ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa gaya ng mga sumusunod:

Page 63: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya.

Page 64: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 65: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.

Page 66: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit ku-mulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon.

Page 67: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India ay kilala rin.

Page 68: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.

Page 69: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.

Page 70: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba.

Page 71: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal.

Page 72: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito

Page 73: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG MAPA AT TEKSTO

Tulad ng pagkakaroon ng iba’t-ibang anyong lupa, ang Asya ay maituturing ding ma-yaman sa iba’t-ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at ilog.

Page 74: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 75: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 76: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 77: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naihayag sa itaas, ano ang masasabi mo sa Asya bilang kontinenteng biniyayaan ng mayamang anyong lupa at anyong tubig?

2. Paano kaya umaayon ang mga Asyano sa iba’t-ibang katangiang pisikal na ito ng Asya? Ihayag ang iyong hinuha.

Page 78: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 8BEHETASYON, ALAMIN!

Page 79: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 8: BEHETASYON, ALAMIN!

Sa mga naitala mong mga konsepto ng Asya bilang isang kontinente ay mahalaga ring matukoy mo ang iba’t-ibang vegetation cover na mayroon sa iba’t-ibang rehiyon ng Asya bilang bahagi ng pisikal na katangian nito, at iyan ay iyong aalamin sa pamamagitan ng pagbasa ng teksto ukol dito gamit ang anumang batayang aklat sa Araling Panlipunan II, ang tungkol sa Asya. Malaya ka ding gumamit ng anumang materyales o pamamaraan upang makalikom ng mga datos, at makapagbigay ng mainam na sagot sa ating gawain kaugnay sa paksa.

Page 80: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 8: BEHETASYON, ALAMIN!

•Sa ibaba ay makikita ang isang concept organizer na nagtataglay ng mga larawan ng iba’t-ibang vegetation cover.

• Gamit ang iyong nalikom na mga impormasyon, isulat sa espasyo sa ibaba ng larawan ang maikling paglalarawan dito.

• Sa kahon sa ibaba ng bawat seksyon ng graphic organizer ay itala ang mga bansa sa Asya na may ganitong uri ng behetasyon.

Page 81: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

steppe

Page 82: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

prairie

Page 83: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

savanna

Page 84: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 85: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

tundra

Page 86: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

rainforest

Page 87: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 88: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Bakit iba-iba ang “vegetation cover” o behetasyon sa

iba’t-ibang bahagi ng Asya? Ilahad ang mga dahilan na nagbunsod dito.

2. Sa papaanong paraan na ang uri ng behetasyon sa isang bansa ay nakaapekto sa aspetong kul-tural (pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala, kaugalian) ng mga mamamayang naninirahan dito? Magbigay ng ilang halimbawa.

3. Ilarawan mo ang uri ng behetasyon mayroon sa Pilipinas. Paano ito nililinang o pinapakinabangan ng ating bansa? Ano ang naidudulot sa tao at sa bansa ng paggamit o paglinang nito?

Page 89: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 9SURI - SIPI

Page 90: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 9: SURI - SIPI

Ang uri ng kapaligirang pisikal mayroon sa isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ito’y bunsod din ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan ngunit may mga pamamaraan para mabawasan, kung hindi man maiwasan, ang mga kapinsalaang dulot nito. Ito ay ang paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon o hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo. Ano kaya ang mga pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligi-rang likas ng isang bansa? Paano ito naghahatid ng mga mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga tao? Ang Asya ay isang kontinente na palagiang nakakaranas ng mga pangyayaring ito.

Page 91: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 92: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

==‘

Page 93: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Bakit ang isang malaking kontinente ng Asya ay mayroong iba’t-

ibang uri ng klima? Mas na-kabubuti ba ito o mas nakasasama?

2. Paano naaapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano? Ipaliwanag ang kasagutan sa konsepto ng salik kultural.

3. Bigyan ng paghihinuha kung paanong ang mga pananim at behetasyon sa Asya ay nakade-pende sa uri ng klima mayroon sa isang partikular na lugar o bansa. Magsagawa ng masus-ing pagpapaliwanag sa sagot.

4. Pansinin ang pigura ng direksyon ng mga monsoon na nasa itaas. Ito ba ay makakapagbigay paliwanag kung bakit madalas ang bagyo sa Pilipinas? Bakit?

5. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang ganitong kalagayan ng Pilipinas?

Page 94: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 95: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Batay sa mapa, madalas ba ang paglindol sa

Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan.

2. Ano ang kaugnayan ng pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo tulad ng bundok, talampas, ilog, lawa, at dagat?

3. Paanong naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang likas na kapaligiran at ng pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas at ilang bahagi ng Silangang Asya? Paano ang naging pagtugon ng mga tao dito?

Page 96: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 10KATANGIANG PISIKAL NG ASYA, ITANGHAL!

Page 97: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 10: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA, ITANGHAL!

Ngayon ay maglilikom ka ng mga mahahalagang datos at impormasyon ukol sa ka tangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya. Ang gawaing ito ay maaaring isagawa ng isahan o pangkatan. Kung isasagawa bilang pangkatang gawain, malaya ang bawat mag-aaral na sumapi sa mga kamag-aaral na nais nilang makasama at bumuo ng pangkat na may pare-parehong dami ng kasapi. Kapag naisaayos na ang mga grupo, makakatanggap kayo ng task card na in-yong magiging gabay sa pagsasagawa ng gawain.

Page 98: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 99: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 100: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 101: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 102: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 103: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Maglahad ng paghahambing at pagtutulad sa

katangiang pisikal ng Hilagang Asya at Kanlurang Asya, ng Timog Asya at Silangang Asya, at ng Mainland Southeast Asia at Insular Southeast Asia?

2. Anu-ano ang bahaging ginampanan ng mga kabundukan at ng mga ilog sa Asya sa pamumuhay ng mga Asyano?

3. Paano naaapektuhan ng mga monsoon, mga bagyo, at ng mga lindol ang pisikal na katangian ng ibat-ibang rehiyon ng Asya? Ikaw bilang isang Pilipino at Asyano, ano ang magiging kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa katangian ng mga natural na kalamidad na dinaranas ng ating bansa.

Page 104: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 11PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Page 105: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 11: PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Dahil sa marami ka nang nakalap na impormasyon tungkol sa heograpiya at katangiang pisikal ng Asya, simulan mo na ang pangalawang bahagi ng iyong pormatibong pagtataya. Nasa kalagitnaan ka na ng iyong paglalakbay at ilang pagsasanay na lamang ay mararating mo na ang rurok ng tagumpay! Kung kaya’t ngayon, matapat mong punan ng paglalahad ng iyong kaisipan ang cloud callout na nasa larawan.

Page 106: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 107: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

UNAWAIN

Page 108: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 12SALUNDIWA

Page 109: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 12: SALUNDIWA

Ang gawaing ito ay naglalayong mailahad mo ang mga konseptong iyong nabuo bunga na mga kaalamang iyong nalinang sa nakaraang bahagi ng modyul. Sa papaanong paraan nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano? Ilapat mo ang iyong natutunan sa pamamagitan ng mga conceptual map sa ibaba

Page 110: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 111: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 112: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 12: SALUNDIWA

Ibahagi ang iyong mga kaisipang taglay ng mga conceptual maps. Ilaan din ang matamang pakikinig sa gagawing pagbabahagi ng iba at maging aktibo sa talakayan ukol sa paksa.

Page 113: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 13BIGYANG KAHULUGAN

Page 114: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 13: BIGYANG KAHULUGANPara makadagdag interes sa’yo kung gaano kayaman sa

likas na katangian at kapaligiran ang Asya at kung paano ito ginamit ng tao para sa kanyang pamumuhay, narito ang mga gawaing magpapamalas sa ‘yo ng mga ito. Malaya kang gawin ang isa o lahat ng mga nakatala para sa pag-unlad ng iyong kaalaman. Mahalagang makapagtala ka ng mahaha-lagang punto o ideya habang isinasagawa ang anuman sa mga gawain nang sa gayon ay lalo mong magagap ang kahalagahan ng katangiang pisikal ng Asya sa mga Asyano sa pagbuo at paglinang ng kanilang kabihasnan.

Panuorin ang video ng eco-tourism campaign ng mga sumusunod na bansa:

Page 115: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 13: BIGYANG KAHULUGAN

Narito ang sites ng mga naturang video:

Armenia - http://www.youtube.com/watch?v=I9XrxzArcmc

Turkey - http://www.youtube.com/watch?v=IFkF4Oea3P8

India - http://www.youtube.com/watch?v=v7qzOV4G7JM&feature=relmfu

Malaysia - http://www.youtube.com/watch?v=qeK96XxG2Sc

China - http://www.youtube.com/watch?v=JvfwBU_G4Hg

Philippines -http://www.youtube.com/watch?v=TsBUz6qu_Bo&feature=fvwrel

Page 116: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 13: BIGYANG KAHULUGAN

2. Magdaos ng lecture/ symposium ukol sa:

Eco-Tourism Campaign ng mga bansa sa Asya na maaaring ibahagi ng isang opisyal ng National Commission for Culture and the Arts na namamahala sa mga programa ukol sa ugnayang pangkulura ng Pilipinas at mga bansa sa Asya.

Eco-Tourism Campaign ng Pilipinas na tatalakayin at ibabahagi ng isang opisyal o kawani ng Department of Tourism ng Pilipinas

Eco-Tourism Campaign ng inyong lugar sa pamamagitan ng paanyaya sa inyong Punong Bayan o sa inyong Local Tourism Officer.

Page 117: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

PAMPROSESONG TANONG1. Ibahagi ang iyong naging reaksyon matapos mong

mapanood ang mga video o marinig ang mga ibinahagi ng mga tagapagsalita sa symposium. Gaano kahalaga na mapahala-gahan ng tao ang kanyang pisikal na kapaligiran?

2. Patunayan na malaki ang bahaging ginampanan at ginagampanan ng pisikal na kapaligi-ran sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng tao.

3. Paanong ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran ay nagbigay-daan sa paghubog at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Page 118: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 14PAGNINILAY

Page 119: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 14: PAGNINILAYAno ang naramdaman mo habang ikaw ay nasa proseso ng

pag-alam ng mga katangi-tanging impormasyon tungkol sa pisikal na katangian ng Asya? Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapukaw ng iyong interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang tuklasin nang mas malawak? Sa proseso ng paglinang at pag-unawa ng aralin, ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga susunod na hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang iyong pag-aaral?

Ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin ay isulat mo sa reflection journal upang siyang maging gabay mo sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapa-unlad ng iyong sarili.

Page 120: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 14: PAGNINILAY

Page 121: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 15PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Page 122: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 15: PAG – AKYAT TUNGO SA PAG - UNLAD

Ang gawaing ito ay ang siyang pagtatapos ng iyong pag-akyat sa tugatog ng ta-gumpay! Marami kang pinagdaanang balakid na humamon sa iyong kakayahan upang makapaglikom ka ng ganap na pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin. Ngayon ay magagawa mo nang ihayag nang buong pagmamalaki at walang pag-aalinlangan ang iyong nabuong kasagutan batay sa iyong malalim na pag-unawa sa tinalakay na aralin ng modyul na ito.

Page 123: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 124: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

ISABUHAY

Page 125: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 16PROFAYL NG ASYA

Page 126: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 16: PROFAYL NG ASYA

Taglay ang iyong kaalaman sa mga detalye ng aralin, gumawa ka ng pangkalahatang profayl pangheograpiya ng Asya na siyang magagamit mo sa paggawa ng iyong proyekto sa pagtatapos ng unang yunit ng modyul. Ang iyong likha ay mamarkahan batay sa nilalaman, konstruksyon at organisasyon ng mga pangungusap, kapakinabangan, pamamaraan ng paghahayag, at pangkalahatang anyo ng profayl.

Page 127: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 17LIKAS NA GANDA NG ASYA, PALAGANAPIN

Page 128: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 17: LIKAS NA GANDA NG ASYA,PALAGANAPIN

Ang Asya ay sagana sa mga tanawin at kapaligirang pisikal na tunay namang maipag-mamalaki at nagbibigay ng samu’t-saring kapakinabangan. Marapat lamang na ito’y ipag-malaki mo at ikarangal na ikaw ay isang Asyano.

Sa isang cartolina na may sukat na 18x24 pulgada, gagawa ka ng isang poster at slogan na mag-papakita ng kagandahan ng katangiang pisikal ng Asya. Malaya mong gawin ang anumang nais mo sa pamamaraan ng paggawa nito maging sa uri ng pangkulay na iyong gagamitin. Tandaan mo lamang na ang proyektong ito ay dapat na maging mapanghikayat sa mga makakakita nito na hangaan at pasyalan ang magagandang tanawin sa Asya bunsod ng mga likas na katangiang pisikal nito.

Narito ang ilang halimbawa ng poster at slogan.

Page 129: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 130: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 131: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

GAWAIN 17: LIKAS NA GANDA NG ASYA,PALAGANAPIN

Ang kakayahan mong gumawa ng proyektong ito ay makakatulong sa iyo nang malaki upang maisakatuparan ang pinal na proyekto ng Yunit I, ang isang Travel Brochure na mamarkahan batay sa mga sumusunod na kraytirya: nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon, at kapakinabangan nito, na siya ring magiging pamantayan ng pagbibigay ng grado sa iyong gagawing poster at slogan.

Page 132: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

REFERENCE

•AP G8 – LM pp. 1- 94•AP G8 – TG pp. 1- 55

 

Page 133: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

DOWNLOAD LINKhttp://www.slideshare.net/jaredram55

E-mail: [email protected]

Page 134: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

All is well, all is well, all is wellMay the odds be ever in your favorGood vibes =)

Page 135: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
Page 136: AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya

Prepared by:JARED RAM A. JUEZAN

Teacher I, AP 7May 31, 2014

THANK YOU VERY MUCH!