31
Ikalawang Yunit 3.2 p.77 LM Ang Katangiang Pisikal ng Aking Komunidad Ninia M. Patacsil Pulong Sta. Cruz Elementary School

AP Katangiang Pisikal Sept 1,2015

Embed Size (px)

DESCRIPTION

VISUAL AIDA IN ARALING PANLIPUNAN

Citation preview

Ikalawang Yunit 3.2 p.77 LMAng Katangiang Pisikal ng Aking Komunidad

Ninia M. PatacsilPulong Sta. Cruz Elementary School

May mga pagbabago ba sa mga anyong tubig/anyong lupa na makikita sa iyongkomunidad? May mgapagbabago ba sa mga anyong tubig/anyong lupa na makikita sa iyong komunidad?

Ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig namakikita sa kapaligiran ng iyongkomunidad?Alin sa mga itoang nananatili pasa iyong komunidadhanggang sakasalukuyan?

Magandang araw. AkoAko si Komunidad.Ipapasyal kita sa akingpaligid. Makikikita atmakikilala mo ang mgaanyong tubig at anyonglupang nakapaligid saakin.

Ako si KARAGATAN.Ako angpinakamalakinganyong tubig.

DAGAT naman angtawag sa akin. Isa rinakong malakinganyong tubig.Maraming yamangdagat ang nakukuhasa kailaliman ko.

Ako si LOOK. Malapit ako sa baybayin ng dagat. Kung tawagin nila ako ay bisig o karugtong ngkaragatan. Magandaakong himpilan ngmga sasakyang-pandagat.

LAWA ang tawag sa akin. Ako ay maliit na anyong tubig ng napaliligiran ng lupa.Matabang angaking tubig.

Ako si ILOG. Bahagi akong malaking lawa na umaagos odumadaloy.

SAPA kung ako ay tawagin.Mas maliit ako kaysa ilog.

Ako si BUKAL. Nanggagalingako sa ilalim ng lupa. Kalimitang mainit na tubig ang nagmumula sa akin.Maraming katulad ko ang matatagpuan sa lalawigan ng Laguna.

TALON ang tawag sa akin. Ako’y tubig nabumabagsak mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.

Ang ipakikilala ko naman ay ang mga anyong lupangnakapaligid sa akin. Gusto ba ninyo silang makilala?

Ako si PULO. Isaakong anyonglupa nanapaliligiran ngtubig.

Ako angpinakamataasna anyong lupa.BUNDOK angtawag sa akin.

Ako si BULKAN.Mataas akonganyong lupa namay butas satuktok. May mainitat kumukulongputik at bato angloob ko.

Ako ay mataasna lupa ngunitmas mababakaysa sa bundok.Ako si BUROL.

TALAMPAS kungako ay tawagin.Ako’y malapad,malawak at pantayna lupa sa mataasna lugar o bundok

Nasa pagitan akong mga bundok atburol. Ako siLAMBAK.

Si KAPATAGANako. Marami ang naninirahan sa akin dahil ako ay malawak, pantay at mababanglupa.

Sagutin:1. Ano-ano ang anyong tubig/anyong lupa angipinakilala sa kuwento?May ganito rin basa kapaligiran ng iyong komunidad?2. Anong anyong tubig sa kuwento ang may katulad sa iyong komunidad?3. Anong anyong lupa sa kuwento ang may katulad sa iyong komunidad?4. Alin sa mga anyong tubig/anyong lupa na mayroon sa iyong komunidad ang nananatili pa hanggang sa kasalukuyan? Alin ang hindi na?5. Alin ang nagbago sa mga anyong tubig/anyong lupa sa iyong komunidad?

A. Kilalanin ang mga anyong lupa at anyongtubig na nakalarawan. Isulat ang sagot sa papel.

Isagawa ang sumusunod:1. Gumawa ng collage ng isang tanawingnagpapakita ng anyong tubig o anyong lupasa isang komunidad.2. Lagyan ng pangalan ang iyong ginawa.3. Magkaroon ng eksibit ng mga larawan sa silidaralan.

Ang bawat komunidad ay may iba ibangkatangiang pisikal.Nagkakaiba ang kalagayan ng bawatkomunidad batay sa mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan dito.

Takda:1. Gumawa ng mapang pisikal ng iyong komunidad.2. Gamitin ang mga pananda sa anyong tubig at anyong lupa.3. Iguhit sa malinis na papel.4. Ipaskil ito.