PAKIKINIG
PANIMULA
Ang buhay ng tao ay sadyang puno ng kulay at ang isa sa nagbibigay rito ng halaga at kulay ay ang gawang pakikinig. Anupa’t
di matatawa na ang pakikinig ay makatutulong sa pagpapaunlad ng takbo ng pamumuhay ng tao sa
araw-araw.
Sa lahat ng sandali ay kaugnay ng pakikinig ang
pagsasalita lalo na kung ng mga tagapakinig ay handa
at laang makinig.
Katulad naming nasa harapan at katulad
ninyong mga tagapakinig.
PRUWEBA SA KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
*pahina 14 sa Komunikasyon sa
Akademyang Filipino I
Ayon sa isang mayamang “realtor” sa Florida, USA na
biktima ng Aphasia:
“Believe me, I will give all my property and savings if
I could talk again.”
Marahil ay nagtataka kayo kung anong kinalaman ng Aphasia at pagsasalita sa
pakikinig. Malaki ang kinalaman nito, dahil ang
pagsasalita ay nagmumula sa pakikinig. Alam natin yan dahil natalakay na
natin yan.
“A healthy body needs a healthy lifestyle”
Ganoon din ang pakikinig. Ang pangunahing balakid naman sa pagkakaroon ng
ng malusog na pangangatawan ay
kawalan ng disiplina sa sarili. Ang pangunahing
balakid naman sa pakikinig ay ang palagiang
pagsasalita sa lahat ng oras.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay ang pag-uukol ng atensyon at pag-
unawa sa sinasabi ng isang nagsasalita.
Sanggol pa lamang tayo ay marunong na tayong
makinig. Ang kahit anong kaluskos na naririnig ng
tao ay kanyang naiiugnay sa mga kaisipan at ideyang
nais ipabatid.
Sa lahat ng anggulo at sektor ng lipunang
ginagalawan ng bawat tao, ang pakikinig ay lubhnang
napakahalaga.
Ito ang naging daan tungo sa paguunawaan.
Lubusang nauunawaan ang mga impormasyon, ideya,
kaisipan, damdamin at kaalamang ibinabahagi ng
isang tao sa kanyang kapwa tao.
Sa tahanan,Maiiwasan ang di
pagkakaintindihan, di pagbibigay halaga at
magkaminsan ay lantarang pag-aaway sa
pamamagitan nang matamang pakikinig sa
sinasabi ng kausap. Nakahahanap ng solusyon
sa mga suliranin at makasusumpong ng
kasiyahan.
Sa paaralan, ang pakikinig ay daan sa matagumpay na pag-aaral lalo na kung nakatuon ang isipan sa sinasabi ng guro.
Sa tanggapan,malimit na ang mga
impormasyonay binibigay sa paraang pasalita. Nagiging mabilis ang
transaksyon kung ang mga nag-uusap ay matamang nakikinig sa sinasabi ng
nagsasalita.
Sa simbahan,hindi ba’t nakikinig tayo sa
pari tuwing misa? Duon tayo pinapaalalahanan,
kinakausap & ginagabayan ng Diyos sa pamamagitan
ng kanyang mga tagasunod.
URI NG PAKIKINIG
1. Makikinig upang magbigay simpatya
(Emphatic Listening) - sa uring ito ay binibigyang
atensyon ang mga sentimyedo o damdamin
ng nagsasalita at sa kabuuan ay dinarama o isinasaloob ang kanyang mga salita upang higit siyang maunawaan.
2. Makikinig upang magsuri (Critical Listening)
– nakatuon ang buong pansin ng tagapakinig sa sinasabi ng nagsasalita at
batay sa kanyang mga pahayag ay nakabubuo ng mga pala-palagay, kuro-
kuro o opinyon.
Bilang tagapakinig ay matitimbang at masusuri ang mga pahayag bago magbigay ng reaksyon o tugon. Tulad ng pakikinig
sa mga talumpati, panayam at kolokyum.
4. Pag-aaliw – layunin sa ganitong pakikinig ang
maaliw, malibang, malimutan ang lubhang
masalimuot na mga suliranin. Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikinig sa mga tugtuging kaiga-
igayang pakinggan.
5. Paglalapat-lunas – sa uring ito, ang tagapakinig
ay matamang pinakikinggan ang
ibinabahagi ng nagsasalita. Maaaring mapakinggan ng
tagapakinig ang mga problemadong kinakaharap
ng nagsasalita at sa ganitong pagkakataon ay maipadarama niya ang pakikiisa sa nagsasalita.
PROSESO NG PAKIKINIG
1. Perception of Sound(Persepsyon ng Tunog)
Tumutukoy sa literal na pagpasok ng tunog sa ating tainga. Hangga’t
nasa normal na kondisyon ang ating pandinig ay
patuloy itong makasasagap ng halos lahat ng uri ng tunog.
2. Recognition of Sound(Pagkilala sa Tunog)
Kung saan inuuri at kinikilala ng isang tao ang
bawat tunog na napakinggan.
3. Interpretation of Sound(Interpretasyon ng Tunog)
Pinagbabatayan ng pagkilos o kung ano ang
magiging kaukulang tugon ng tagapakinig sa
napakinggan.
LAYUNIN SA PAKIKINIG
1. Magsuri sa pakikinig
Unawain at suriin ang sinasabi ng nagsasalita
kung ng ideyang inilalahad ay nangangailangan ng
reaksyon o aksyon.
2. Maaliw sa pakikinig
Maituturing ito na pinakapayapak at
pinakamadaling uri ng pakikinig. Ang malalim at masusing atensyon ay di
kinakailangan.
3. Makalikom ng mga kaalaman sa pakikinig
Nararapat na nauunawaan at natatandaan ng nakikinig ang mga
kaalaman at impormasyong ibinabahagi
ng nagsasalita
MGA PATNUBAY SA PAKIKINIG
1. Maging handa sa pakikinig
Dapat ay may kahandaan sa pakikinig. Ipakita na siya ay interesado sa
sinasabi ng nagsasalita. Pwede ding gumamit ng kagamitan sa pakikinig
tulad ng papel & panulat
2. Magkaroon ng Adhikain o Layunin sa Pakikinig
Tiyakin kung ano ang hinahangad na
kapakinabang – makakuha ng impormasyon,
magsusuri o kaya upang maaliw
3. Alamin at unawain ang mahahalagang impormasyon
Dapat maunawaan at makuha ang layunin ng nagsasalita at maging
estratehiya upang maiskatuparan ang
layunin.
4. Idebelop ang interes sa pakikinig
Ang pagpapakita ng interes sa nais sabihin ng
kausap ay unti-unting lumilikha ng ugnayan sa
pagitan ng dalawang tao o nag-uusap.
5. Iwasan ang pagpuna sa sinasabi ng nagsasalita
Pagtuunan ng pansin ang pangunahing kaisipan /
ideyong tinatalakay.
6. Hanggang di pa tapos ang nagsasalita, iwasan ang pagbibigay puna sa
mga tintalakay nito
7. Huwag mag-interap
Ang pag-anatala sa isang isang tao habang
nagsasalita ay nagpapakita ng kawalan ng respeto at pagsasaalang-alang sa sinasabi ng kausap o sa
mismong nagsasalita
8. Maging sensitibo sa mga ekstra berbal na komunikasyon
Bawat salitang binibitawan ng isang tao ay kadalasang may kaakibat na kumpas
ng kamay, pagsimangot, o pagtaas ng kilay na
maaaring magbigay diin sa mensaheng nais bigyan
diin.
9. Magtanong at tumahimik pagkatapos
10. Isaalang-alang ang mga pagkakaiba o agwat
ng pagsasalita at pakikinig
Isiping higit na mabilis ang pakikinig kaysa
pagsasalita.
MGA SALIK/PAKTOR NA NAIIMPLUWENSYA
SA PAKIKINIG
1. Tsanel2. Oras
4. Gulang3. Pook
5. Edukasyon6. Kalagayang
Panlipunan
Wala pang laman, haha
MARAMING SALAMAT PO SA PAKIKINIG.
DYAN NATATAPOS ANG AMING PAGUULAT.
Charlene Lauchengco
&Zeadelle San Jose